Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang mga tauhan ng Ibong Adarna

Don Fernando – Siya ang hari ng Berbanya. Siya ay may asawa na si Donya Valeriana
at tatlong anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.

Donya Valeriana – Siya ang reyna ng Berbanya. Siya ang ina ng tatlong prinsipe.
Don Pedro – Siya ang panganay sa magkakapatid.Sa tatlo,siya ang may taglay na
kakisigan at kaiman ang itsura.

Don Diego – Siya ang pangalawa sa magkakapatid.Sa tatlo,siya ang pinakatahimik.


Lagi siyang sumusunod sa mga ipinaguutos ng kanyang panganay na kapatid.

Don Juan – Siya ang bunso sa magkakapatid.Sa tatlo,siya ang pinakamahal ng kanyang
ama dahil sa kanyang dalisay na puso at mahal na mahal niya ang kanyang mga
kapatid.

Ang Leproso – Siya ang tumulong kay Don Juan upang mahanap ang kilalagyan ng
Ermitanyo na magtuturo ng daan patungo sa Ibong Adarna.

Ang Ermitanyo – Siya ay naninirahan sa bundok.Tinulungan niya si Don Juan para


mahuli ang Ibong Adarna.

Ang matanda - Siya ang tumulong kay Don Juan nung siya’y sugatan.Masasabing siya
ay isang “good Samaritan” dahil dito.

Donya Juana – Siya ay isang magandang prinsesa mula sa Armenya at siya ay kapatid
ni Donya Leonora.

Higante – Siya ang nagbabantay kay Donya Juana.


Donya Leonora -Siya ay isa ding magandang prinsesa ng Armenya at kapatid niya si
Donya Juana.Isa siya sa mga minahal ni Don Juan.

Pitong ulong serpyente – Siya ang nagbabantay kay Donya Leonora.


Haring Salermo – Siya ang hari ng Reyno De Los Cristales. Siya ay may taglay ng
mahika negra o tinatawag na “black magic”. Siya din ang nagbigay ng mga pagsubok
kay Don Juan.

Donya Maria Blanca – Siya ang prinsesa ng Reyno De Los Cristales.Katulad ng


kanyang ama, siya ay may taglay ding mahika.Isa din siya sa mga minahal ni Don Juan.

Donya Juana – Siya ang kapatid ni Donya Maria Blanca at isa din siyang prinsesa ng
Reyno De Los Cristales.

Ang unang ermitanyo – Siya ang tinanong ni Don Juan upang makapunta sa Kaharian
ng Reyno De Los Cristales.Sinabi niya rin na puntahan ang pangalawang ermitanyo.

Ang pangalawang ermitanyo -Siya ang tinutukoy ng unang ermitanyo upang


puntahan.Binigyan niya si Don Juan ng isang pirasong tela upang ibigay sa pangatlong
ermitanyo.
Ang pangatlong ermitanyo – Siya ang binigyan ng pirasong tela na galing sa
pangalawang ermitanyo.Sa pagbigay nito,tinanong ni Don Juan ang kinalalagyan ng
Kaharian at tinuro naman niya ito.

You might also like