Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa makabagong panahon, ang mga pangyayari noon ay binibigyang linaw at ginagawan ng mas

maingat na pagaaral. Ang mga bagay na umusbong noon ay muling sinasaliksik at hinahanapan ng mga
angkop na sagot. Isa sa mga bagay na umusbong bago pa man tayo nabuhay ay ang musika. Sa
pagusbong na musika ay siya ring pagyabong ng kultura. Ang pananaliksik na ito ay magpopokus sa mga
paksang may kinalaman sa musikang Pilipino at mga awitin ng mga napiling banda.

Ang wika at kultura ay kumakatawan sa pagkakakilanlan ng isang tao; ang sining at literatura ang
isa sa mga patuloy na nagpapatatag ng ating pagkakakilanlan. Isa sa mga anyo ng pinaghalong literatura
at sining ay ang musika. Sa patuloy na pag-unlad/pagunlad ng musika ay iba’t ibang pamamaraan sa
paghahayag nito ang ummusbong. Nahati rin ang mga ito sa mga iba’t ibang anyo at genre. Isa sa mga
umugong na mamahayag ng musika ay ang mga banda.

Musika ay isang salitang hango sa Espanya na ang ibigsabihin ay kombinasyon ng mga pantinig
at pang-instrumentong tunog na nakabubuo ng kaaaya-ayang anyo, harmonya at ekspresyon ng isang
emosyon (Tagalog Lang Dictionary). Ayon kay Manneth Boncales, mula sa kanyang pananaliksik, wala
pang sumasakop na dayuhan sa ating bansa ay mayroon ng musikang kumakatawan sa ating mga
katutubo. Nang ito ay napalawak, napabago at naging modernisado sa pagsunod ng makabagong uso,
umusbong ang kinikilala natin ngayong OPM o Original Pilipino Music na nagsimula noong dekada
sitenta. Nakapaloob sa OPM ang mga kilalang musiko ngayon na may iba’t ibang paraan upang ipahayag
ang nais sambitin mula sa kanilang mga awitin. Isa sa mga ito ang pagbuo ng mga banda o isang
organisadong pangkat ng mga musiko.

Maipapakita sa pananaliksik na ito na ang banda ay isang mahalagang bahagi ng kulturang


Pilipino na tumutugon sa nais ipahiwatig at nais maramdaman ng mga tao. Ginagamitan rin ito ng mga
instrumento katulad ng gitara, tambol at iba pa. Sa pamamagitan ng pananaliksik, napalalawak muli ang
ating kaalaman patungkol sa sining ng musikang Pilipino at isa ito sa layunin ng mga mananaliksik, ang
muling mabuksan ang kaisipan at interes ng mga tao pagdating sa musika na sariling atin. Ang
pananaliksik ay naglalayong magbigay ng karampatang impormasyon ukol sa piling banda, sa nagawa
nila at ng kanilang mga awitin sa aspektong _____ upang mabuhay ang OPM.

Ninanais ng mga mananaliksik na maipagkumpara ang mga bandang Eraserheads at Parokya ni


Edgar na sumikat noon sa mga banda ngayon na December Avenue at Ben & Ben na umusbong sa
aspekto ng pagalam kung anu-anong mga damdamin ang kanilang ipinakita sa mga awitin, pagalam kung
sino ang mas nais pakinggan ng mga tao at kung ano ang impak nito sa mga tao sa pamamagitan ng
paagbibigay ng katumbas na grado o iskor ng mga respondent sa mga bandng ito.

Eraserheads at Parokya ni Edgar ang napili para sa pananaliksik na ito upang maging kinatawan
ng mga bandang sumikat noon, dahil sila ay nasa talaan ng mga tatlong pinakakilalang banda noon ayon
sa The Top Tens at sila ay kabilang sa mga tanyag na Pinoy Rock Bands sa buong Pilipinas, ang mga
bandang ito ay sumikat noong dekada nobenta. Ang dalawang bandang December Avenue at Ben & Ben
naman ang magiging kinatawan ngayon ng Indie Folk Pop Bands at mga nagging sikat noong taong 2015
hanggang sa ngayong taon, 2019. Sa karagdagang impormasyon, ang pananaliksik na ito ay nalilimitahan
lamang sa lungsod ng Valenzuela bunsod sa layunin ng pananaliksik na maipakita kung ano ang may mas
malakas na impak sa mga mamamayan ng Valenzuela at kung ano ang mas nakapagpalaganap o
bumuhay sa OPM sa naturang lungsod.

Samakatuwid ang kabuuan ng pananaliksik na ito ay mabigyan ng maingat na pagsusuri kung


ano ang impak ng mga banda sa mga Pilipino at ano ang mas nagbigay ng buhay sa orihinal na musikang
Pilipino ang mga umusbong ba noon o mga mga bagong usbong pa lamang na banda sa loob ng lungsod
ng Valenzuela. Hinggil sa lahat ng ito, walang inuman ang pakapagkakaila na ang mga bandang nasabi ay
isa sa m,ga dugo na dumadaloy sa OPM at patuloy na bumubuhay rito, at huli ang OPM naman ang
siyang bumubuhay sa ating wika’t kultura.

You might also like