Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I. Piliin ang titik ng pinakawastong sagot.

1. Samahan mo si Lola sa palengke ____ hindi maligaw


a. Kung saan b. noong c. ng d. nang
2. Kapag ang isang tao ay sinabing may kaya sa buhay,siya ay _________.
a. Marunong magtrabaho
b. Sakim sa pera
c. Masipag mag-aral
d. Mayaman
3. Wala ____ gagawin pa kundi ang maghintay.
a. ng b. pang c. nang d. ng mga
4. _______ talagang gusto mong magtagumpay , kailangan mong magsumikap.
a. Upang b. kung c. nang d. kaya
5. Nanawagan ang pamilyang naging biktima ng kalamidad ____humingi ng tulong.
a. Upang b. bago c. subalit d. maski
II. Basahin ang mga sumusunod na talata at sagutin ang mga tanong tungkol
dito. Piliin ang pinakawastong sagot sa mga pagpipilian.

Tunay ngang nakatutuwang balik-balikan sa gunita ang


Rebolusyon sa EDSA. Hindi maipagkakaila ang nakapagpapaligayang
tanawin: ang Makita ang pagkakaisa ng mga tao sa oras ng kagipitan. Sa
pagkakataong iyon, naipamalas ng mga Pilipino ang tunay na pagkakaisa at
ang dahilan ng lahat ng iyon ay ang pagnanais na maibalik ang demokrasya.
Tila napaktagal na ng rebolusyon na iyon. Nasisiguro kong hindi
ka pa naisislang noong panahong iyon. Pero batid ko na nakita mo na ang
mga pelikula at mga litrato ng People Power. Ano ang iyong naramdaman
pagkatapos mapanood ito?Naantig rin ba ang iyong damdamin?
Hindi ba nakakatuwang makita na magkakasama-sama ang mga
Pilipino? Mayroong mahihirap at mayayaman, magagandang mestiso’t
mestisa pati na rin ang mga maiitim na magsasaka.May nagdal ng tubig ,
bagong lutong pagkain at tinapay.Ang lahat ay nagsalu-salo at hindi
inalintana kung sino ang kanyang kasama. Ang mahalaga ay nagkaisa ang
lahat.
Sa apat na araw na pagsasakripisyo sa nasabaing rebolusyon, wala
ni isa mang umangal. Kahit na may bahid ng pagkakatakot ay patuloy pa
ring nakikibaka ang mga taong nagkaisa. Kahit sa harap ng tiyak na
kamatayan ang mga Pilipino ay hindi nahintakutan. Nawa’y ang diwa ng Edsa
ay hindi maglaho.

6. Ano ang pangunahing diwa ng seleksyon?


a. Matapang ang mga Pilipino
b. Nakatutuwang gunitain ang rebolusyon sa EDSA.
c. May pagkakaisa ang mga Pilipino
d. Nagkanya-kanya ang mga Pilipino.
7. Gaano katagal ang EDSA Revolution?
a. Dalawang araw
b. Tatlong araw
c. Apat na araw
d. Limang araw
8. Anong panauhan ang ginamit na pananaw ng nagsasalita sa tula?
a. Unang panauhan
b. Ikalawang panauhan
c. Ikatlong panauhan
d. Di-tiyak na panauhan
9. Ano ang kasingkahulugan ng salitang naipamalas?
a. Naidala sa kamalasan
b. Naibunyag
c. Naitago
d. Naipakita
10. Anong salita ang kasalungat ang kahulugan ng batid?
a. Alam b. hindi alam c.naunawaan d.napagtanto
III. Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin batay sa
pagkakagamit nito sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
11. Ang imam ay umanas ng maikling panalangin sa tainga ng sanggol.
a. Bumulong b. nagdeklara c.sumambit d. nagsabi
12. Hindi makapaniwala ang mga-asawa sa dami ng regalong kanilang natanggap
para sa kanilang anak.
a. Handog b. pagkilala c.suporta d. tulong
13. Napipiho ng magulang na may magandang bukas ang kanilang anak.
a. Nababatid b. nakikita c. nasisiguro d. natatanaw
14. Maraming panauhin ang dumating sa kanilang tahanan nang binyagan ang
kanilang anak.
a. Bisita b. kakilala c. kaibigan d. kasamahan
15. Sumapit ang araw na pinakahihintay ng lahat , ang paggunting.
a. Dumating b. lumitaw c. sumilay d. suminag
IV. Tukuyin ang isinasaad ng mga pangungusap at piliin ang tamang sagot nito
na makikita o mahahanap sa loob ng kahon. Isulat ang sagot pagkatapos ng
pangungusap.
16. Ang makisig na ama ng sanggol.
17. Ang nangunguna sa seremonya ng penggunting at bang sa sanggol.
18. Ang kapatid ni Ibrah na nagdala na baro-baruan sa silid ng sanggol.
19. Ang pangalang ibinigay sa sanggol.
20. Panahon o araw na isinagawa ang seremonya ng paggugunting.
21. Ang edad kung kailan ang bata ay dapat nabasahan ng bang.
22. Ang seremonya ng pagbibigay ng pangalan at paggupit sa buhok ng
sanggol at paglalagay nito sa mangkok na may tubig.
23. Dito nagaganap ang huling yugto ng pagislam sa buhay ng sanggol.
24. Ang inihahanda at inihahandog para sa pagdiriwang ng pagislam.
25. Ang katawagan ng mga muslim para sa Diyos o Panginoon.

A. Abdullah g. Imam
B. Allah h. ikapitong taon
C. Aminah i. kambing
D. Ibrah j. penggunting
E. Ikapitong araw k. tarhata
F. Ilang oras pagkapanganak ng sanggol

V. Ang tatlo sa apat na salita sa bawat bilang ay magkakasingkahulugan.


Lagyan ng ekis (x) ang salitang may naiibang kahulugan.
26. nakalilikha nakagagawa nakabubuo Nakabibili
27. inaliw nilibak pinasaya Nilibang
28. dumalang dumalas parati Palagi
29. nabigo nasawi nagtagumpay Natalo
30. lihim tago bunyag sekreto
VI. Tukuyin at bilugan ang konotatibong kahulugan ng mga salitang nakadiin
kaugnay ng nakaugalian nating mga Pilipino.
31. Sa maraming lugar sa Pilipinas , ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay sa:
a. Pagluluksa at kalungkutan
b. Pag-ibig at pagkabigo
c. Paghihirap at gutom
d. Giyera at kaguluhan
32. Ang oyayi ay awiting-bayang iniuugnay sa :
a. Bangka , pamingwit, at isda
b. Walis , bunot , basahan
c. Ina, hele,sanggol
d. Rosas , gitara , pag-ibig
33. Ang balitaw at kundiman sa mga lugar ng Katagalugan karaniwang iniuugnay
sa:
a. Pangangaso
b. Panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig
c. Paggawa ng mga gawaing-bahay
d. Paggaod ng Bangka
34. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa;
a. Pagiging mapamahiin c. pagiging masiyahin
b. Pagiging masipag d. pagiging matampuhin
35. Ang awiting-bayan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay karaniwang iniuugnay sa:
a. Material na kayamanan ng isang bayan
b. Pagdurusang dinanas ng isang bayan
c. Kultura’t kaugalian ng isang bayan
d. Politika ng isang bayan
Batay sa pagkakagamit sa pangungusap , piliin at bilugan mo ang titik ng
mga katumbas sa salitang ito.
36. Dala ang kanyang lambat , si Mang Dante at sumakay sa kanyang Bangka at
pumalaot . Siya ay namasol. Ang namasol ay …..
a. Lumangoy b. naligo c. nangisda
37. Sinabihan siya ng asawang si Aling Selya na magbalon para hindi gutumin . Ang
magbalon ay …
a. Maghukay ng balon b. magbaon c. magsaing
38. Ang mga huli niya ay guibaligya niya sa palengke. Ang guibaligya ay …..
a. Ipinagbili b. ipinamigay c. ipinadala
39. Nagluto siya ng sinigang . Gustong – gusto niya kasi ang sabaw na may aslom.
Ang aslom ay…
a. Init b. asim c. pait
40. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kanyang guihigugma. Ang
gihuigugma ay ….
a. Minamahal b. hinihintay c. binabantayan

You might also like