Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Gamit ng Wika sa Lipunan

1. Instrumental
-tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag-ugnayan
sa iba.Ang paggawa ng liham pangangalakal,liham sa patnugot, at pagpapakita ng
mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga
ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.

2. Regulatoryo
-pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng
direksyon sa pagluluto ng ulam,direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at marami
pang iba.

3. Interaksiyonal
-ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang
kapwa;pakikipagbiruan; pakukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari;
paggawa ng liham- pangkaibigan; at iba pa.

4. Personal
-ang pagpapahayag ng sariling pinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
Kasama rin dito ang pagsusulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng
pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

5. Heuristiko
- ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa
paksang pinag-aaralan. Halimbawa rito ay ang pag-iinterbyu, pakikinig sa radyo,
panonood sa telebisyon, at pagbabasa ng pahayagan,blog at aklat.

6. Impormatibo
- ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghahanap ng
impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa
paraang pasulat at pasalita. Halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, tesis,panayam, at
pagtuturo.
Panahon ng mga Sinaunang Pilipino >Ang mgakatutubong Pilipino ay may sarili ng
alpabeto at sistema ng pagbabaybay na mas kilala sa tawag na “alibata”.

Panahon ng mga Kastila >Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang sariling


bersyon ng alibata, ang abecedario o ang alpabetong Espanyol.

Panahon ng Propaganda at Himagsikan >Maraming nasulat na panitikan sa wikaing Tagalog –


tula,sanaysay,kwento, attp mga akdang hitik sa damdaming makabayan

Panahon ng Amerikano >Ginamit ang Wikang Ingles bilang pangunahing


instrumento sa pagtuturo kaya ang hispanisasyon ng mga kastila ay napalitan ng Amerikanisasyon.

Pebrero 8, 1935 >Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1935,


ang magiging bagong wika ay ibabase sa mga kasalukuyang katutubong wikang meron sa ating bansa.

Nobyembre 1936 >Batas komonwelt Bilang 184 – Surian ng Wikang


Pambansa na naatasang pumili ng isang katutubong wika na magiging batayan ng wikang pambansa.

Nobyembre 13, 1937 >Ang unang Pambansang Asemblea ang siyang


bumuo sa institusyon ng wikang pambansa .

Disyembre 30, 1937 >Sa pamamagitan ng kautusang Tagapagpaganap


Blg. 134 ng Pangulong Quezon , ang wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Abril 1, 1940 >Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na


nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa

Hulyo 7, 1940 >Batas Komonwelt Blg. 570 – simula sa hulyo 4,


1946 , Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, 1954 >Inutos ni Pangulong Magsaysay ang taunang
pagdiriwang ng linggong wikang Pambansa.

Agosto 12, 1959 >Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng


lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg.7.

Oktubre 24, 1967 >Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang


Kautusang na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

Marso 1968 >Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas – ang


lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

Agosto 7, 1973 >Resolusyonng nagsasaad na gagamiting midyum


ng pagtuturo sa lahat ng paaralan ang Pilipino.

Hunyo 19, 1974 >Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang


Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal.

Hunyo 30, 1976 >Department Memo no.194- Ang naturang revised


Filipino Alphabet ay binubuo ng 31 na letra.

1987 Constitution >Ang Wikang Pambansa ay Filipino.

1987 >Ang Alpabetong Filipino ng 1987 at binubuo ng


28 na titik.

Agosto 25, 1988 >Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay


ipinalabas ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika.

You might also like