Suring Aklat 24

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ISANG PAGSUSURI

SA NOBELANG
“Ang Tundo Man May
Langit Din”
(Teoryang Naturalism at
Klassismo)

JAMES MATTHEW T. GARABILES

X-MELCHORA AQUINO
I. Pamagat

Ang pamagat ng "Ang Tundo Man Ay May Langit Din" ay halaw sa


paniniwala ng pinaka pangunahing tauhan na si Victor na ang magulo at
subsob sa hirap sa lugar ng Tundo at mayroong ring katumbas na
kabutihan na mayroon pang magagandang bagay na makikita sa Looban at
hindi puro dumi, gulo, kahirapan, at kawalan Ng pag asa sa mga
naninirahan doon, katulad nalang ng sa pag imbita ni Alma sa kanyang
mayayamang mga kaibigan at ang pag mamaliit nila sa mga mahihirap.
Ang paniniwalang ito ay nagbigay kay victor ng lakas ng loob para
magpatuloy na igapang ang sarili para magkaroon ng mas magandang
pamumuhay, at hindi lamang nagtatapos sa kaniyang sarili ang pag unlad
kundi pati na rin ang pagtulong niyang umunlad ang kanyang pamilya at
kasamahan sa looban ng Tundo. Gaano man kahirap o kabigat ng buhay ay
mayroon pa ring mga bagay na nagpapagaan at nagpapaganda rito.

Alam natin na kapag naririnig natin ang lugar na Tondo, ang mga
bagay na kadalasang pumapasok sa ating isipan ay maraming tao, mga
bahay na tabi tabi at yaong iba’y pinagtagpi-tagpi pa, maliliit na eskinita,
mga estero, at hindi man natin lubusang aminin, kahirapan din ang isa sa
unang pumapasok sa ating isipan kapag naririnig natin ang lugar na ito. Sa
aking palagay, pinili ng makata ang nasabing pamagat sapagkat
ginagagamit nito ang lugar ng Tundo bilang simbolismo. Bagama't tinukoy
sa nobela ang Tundo, hindi ito sentro ng pagtalakay kundi sumasagisag
lamang ito sa kahit na anong pook o lugar sa bansa na ang mga tao ay
naghahangad ng pagbabago mula sa kinagisnang uri ng kapaligiran sa
lipunang kanilang kinasadlakan.

And genre ay Nobela, nagsimula ang nobela sa salitang Latin na


“Novelus”na tinuturing na kaugnay ng kasaysayan dahil ay isinasalaysay
ditto ang mga pangyayari na tunay na nagaganap o sa madaling salita ay
tunay na buhay at binubuo ito ng ibat-ibang kabanata. Ang nobelang aking
nabasa ay tungkol sa ekonomiyang-pampolitikal o sosyo politikal sa
kadahilanang ang istorya ay tumutukoy sa lipunan ng mga tao,
samantalang ang politikal naman ay tawag sa proseso o pamamaraan ng
paggawa ng pasya o desisyon sa daigdig,sibiko o indibiduwal. At
maihahalintulad naming ito sa kalagayan nina Victor na kung saan at
mahirap at si Alama na mayaman.
Ayon sa buhay ng may-akda ang nobelang “Ang Tundo Man May
Langit Din” ay si Andres Cristobal Cruz na isang kilalang makata at
manunulat. Isinilang siya sa may Dagupan, Pangasinan, ngunit lumaki ito
sa Tundo, Maynila at nag-aral sa Rizal Elementary School at Torres High
School, kung saan siya naging manunulat para pahayagan ng nasabing
paaralan. Nagtapos sa Unibersidad Ng Pilipinas. Siya'y nagsulat para sa
mga babasahing Manila Chronicle, Liwayway, at Isyu. Isinulat niya ang
nobelang “Ang Tundo Man May Langit Din” at “Ulilang Pangarap”.
Nagkamit siya ng Araw ng Maynila Award, Gaward Balagtas ng Unyong ng
mga Manunulat sa Pilipinas, Republic Cultural Heritage Award, at TOYM
Award. Si Andres Cristobal Cruz ay namatay noong ika-pito ng Enero 2007
sa edad na pitumput-apat dahil sa sakit sa puso.

II. Buod

Nagsimula “Ang Tundo Man Ay May Langit Din” sa pagtawag ni Flor


kay Victor upang sila’y muli nanamang magkita. Nagkita ang dalawa sa
dating magsingirog sa dati nilang madalas puntahan na palamigan sa
Quiapo. At doon nalaman ni Victor na dalawang buwan na palang nag
dadalang tao si Flor sa kanyang asawa na si Tonyo.Sila’y nag-usap at dahil
dito’y na huli na si Victor sa napag-usapan nilang tagpuan ng kanyang
kaklase na si Alma. Nagkagalit ang dalawa at matapos noon ay
napagpasiyahan ni Victor na puntahan si Flor para kamustahin sa
kaniyang apartment. Pag-uwi ay nakipag-inuman si Victor sa kanyang
nakakatandang kapatid na si Lukas at ang tatlo nitong kaibigan na sina
Paeng Gasti, Tatong Bamban, at Pilo. Matapos noon ay napa away ang
magkapatid na Del Mundo sa apat na waray na umagaw sa kanilang
serbesa noong sila’y nasa restawran. Kumalat ang pakikipagbakban nito
sa buong Looban.

Kinabukasan paaralan ay may biglang dumating. Isang awtoridad sa


kasaysayan ng Pilipinas na ang pangngalan ay Agila. Hindi ito nakasundo
ni Victor at tinanong niya ang naturang libro ng nasabing manunulat. Si
Alma naman ay na-realize na may gusto siya kay Victor at bumili ito ng
isang talaarawan o sa English ay diary upang dito isulat ang gusto niyang
sabihin o kaniyang saloobin para kay Victor. Napagpasiyahan din nito na
magkaroon ng isang pagtitipon para sa kanyang mga kaklase sa kanilang
bahay, kasama na rin rito si Victor. Sa araw ng kaarawan ay pumunta muna
muli si Victor sa apartment ni Flor, at sila’y muling nag-usap. Pagkatapos
ay tumuloy na siya sa party ni Alma, kung saan ay inimbitahan din pala ng
mga magulang ni Alma ang kaniyang mga mayayamang kaibigan. Pag-uwi
ay binigyan si Victor ng kanyang ina at kuya ng toga para isuot sa kanyang
nalalapit na graduation.

III. Paksa

Ang nobelang ito ni Andres Cristobal Cruz ay nakatuon sa pag-


iibigan ng dalawa na si Victor at Alma, dalawang taong pinaghihiwalay ng
magkaibnag mundo. Ang kuwento nila ay tila isang telenobela sa
kadahilanang si Alma ang kalangitan habang si Victor ay representasyon
ng mahirap na nakaabot sa kolehiyo at nakapag tapos sa pamamagitan ng
sariling sikap. Nangangarap din siyang mapaunlad ang sarili at ang
kanilang pamumuhay gait ang edukasyong nakamit nito. Ito ang
magsisilbing “langit” ng Tundo na lubos pinanghahawakan at
pinaniniwalaan ni Victor. Si Alma naman ay “naghihimagsik” mula sa
lipunang kaniyang kinalakihan na puros luho at kasakiman sa pera.
Tinalikuran niya ang nakasanayang marangyang buhay at nagtrabaho
kahit hindi naman kinakailangan. Si Alma ay naghahangad din ng kaniyang
sariling langit, at iyon ay ang makapiling si Victor. Ang istoryang “Ang
Tundo Man May Langit Din” ay isang kuwento na may iba’t-ibang mukha
ng lipunang Pilipino, ito ay ang mayaman at mahirap, walang pinag-aralan
at edukado, asawa at kalaguyo, politico at masa. Walang salitang “bias”
ang pag sulat ni Andres Cristobal Cruz sa mga nakasalungat na uri,
bagkus ipinakita niya ang bawat panig at ang sari-sarili nilang mundo at
langit.

IV. Bisa

Isip

 Ang tanging tumatak sa aking isipan ay ang pagkakaroon ng


patuloy na panliliit kahit na ito’y naging bahagi nan g buhay mo. Ang aking
nasuri sa nobelang aking nabasa ay ang panliliit ng mga mayayaman o
may kaya sa mga mahihirap at ang pagkawala ng pantay na tingin ng
mayayaamang tao sa mahihirap. Halimbawa ng mga kaibigan ni Alma na
minamaliit ng kaibigan ni Alma ang mga mahihirap nung sila’y nasa party
nito.
Damdamin

 Ako’y naawa at nalungkot sa mga taong naabuso ng dahil sa


kahirapan at kanilang kaalgayan sa buhay, kahit sa sariling mong kapwa ay
merong maninira at panliliitan ka dahil sa uri ng kanilang kalagayan sa
buhay, katulad nalang ng pangangampanya ni Lukas Kinakampanya ni
Lukas ang kandidatong si Paking kahit na hindi kaganda ang imahe ng
kaniyang politiko, ay pinili parin ni Lukas na ikampanya ito dahil sa
malaking bayad na inihandog ng politiko sakaniya. Si Lukas ay nakabatay
sap era kumpara si Victor na sa prinsipyo nakabatay ang pagboto sa
tamang opisyalpara sa kandidatong si Paking kahit na hindi kaganda ang
imahe ng kaniyang politiko, ay pinili parin ni Lukas na ikampanya ito dahil
sa malaking bayad na inihandog ng politiko sakaniya. Si Lukas ay
nakabatay sap era kumpara si Victor na sa prinsipyo nakabatay ang
pagboto sa tamang opisyal

V. Mensahe

Sa panahon ngayon, maraming lugar sa ating bansa ang nalulugmok


sa kahirapan. Kadalasan ay ang mga nakabababa sa lipunan ang nagiging
biktima ng pang-aabuso ng mga nasa itaas at makapangyarihan.
Hanggang ngayon ay minamata pa rin ng ibang mayayaman yaong mga
mahihirap. Tila hinuhusgahan na kaagad ng iba ang mga naggagaling sa
mahirap na lugar. Marami pa rin ang nawawalan ng pag-asa na maaari pa
tayong muling makabangon.

Ang ating kalagayan ngayon ay sinisimbolo ng Tundo sapagkat ito


ay isa sa mga mahihirap na lugar kung saan ang paniniwala ng marami ay
“matira ang matibay”. Sinisimbolo nito ang mga minamata at
pinagsasamantalahan ng karamihan sa nakatataas. Imahe ito ng kawalang
pag-asa na umangat sa buhay na kinalulugmukan. Ngunit sa nobelang
“Ang Tundo Man May Langit Din”, makikitang iba ang paniniwala ng
pangunahing tauhan na si Victor. Sa kanyang pananaw ay “sa Tundo man,
may langit din”. Naniniwala siya na mayroon pang pag-asa na balang araw
ay maaari pang makaahon sa kahirapan ang mga mahihirap. Umaasa siya
na kahit sa Tundo ay maaari pang makakaita ng kahit kaunting liwanag na
mag bibigay-daan sa pagbabago.
Sa pangkalahatan, ang nobela ay nagbibigay halaga sa paninindigan
at moralidad ng isang tao. Sinasabi dito na huwag mawalan ng pag-asa
dahil lahat tayo ay may kakayahan upang i-ahon ang mga sarili sa
kahirapan at kasamaan. Ang tanging kakailanganin lamang ay ang tiyaga,
paninindigan, at pananampalataya. Hindi kinakailangan na magsimula sa
malaking bagay upang magsimula ang pagbabago. Sa nobela, ipinakita ito
sa katauhan ni Victor na nagsumikap upang makatapos sa pag-aaral. Tulad
nito, ang pagsisikap upang mabago at maiangat ang sarili ang magiging
unang hakbang tungo sa isang magandang kinabukasan. Magmula dito ay
makapag-bibigay ng pag-asa sa nakararami ang mga taong nakaahon.
Kasunod nito ay ang pag-angkin ng respeto sa sarili at sa lugar na
pinanggalingan. Ito ang magsisimula sa pagbabago ng tingin ng
karamihan. Dahil dito ay maaari nang maisip na kaya rin pala ng mga
mahirap makatapos, na kahit mahirap pala ang isang tao ay mayroon
silang paninindigan sa tama.

Sa kabuuan, hindi natin kailangan baguhin ang iba upang makapag-


bigay pag-asa at pagbabago. Bagkus, kailangan muna natin baguhin ang
ating upang maging mas mabuting tao. Panatilihin natin ang ating
paninindigan sa tama, at ang ating pananampalataya sa Poong ating Diyos.

VI. Teoryang ginamit

Ang teoryang ginamit sa nobelang aking nabasa ay naturalismo


sapagkat naglalarawan ng kasamaan ng tao sa daigdig na higit na
maganda ang marumi at karumal-dumal na pangyayari. Nabibigyang
pansin din sa teoryang ito ang saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga
tauhan. Makikita natin ang teoryang ito, halimbawa ay noong inilahad sa
akin ang pangyayari na pagkasuntok ni Estong kay Victor sa kadahilanang
su Victor at Alma ang paboritong estudiyante. Isa pa rito ay klasismo dahil
kung ikukumpara natin ang ugali Lukas at Victor,makikita natin ang
pagsasagawa ng teoryang ito. Kinakampanya ni Lukas ang kandidatong si
Paking kahit na hindi kaganda ang imahe ng kaniyang politiko, ay pinili
parin ni Lukas na ikampanya ito dahil sa malaking bayad na inihandog ng
politiko sakaniya. Si Lukas ay nakabatay sap era kumpara si Victor na sa
prinsipyo nakabatay ang pagboto sa tamang opisyal.

You might also like