Professional Documents
Culture Documents
TULA
TULA
- ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo.
Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.
Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling
salita.
Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at
lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay
maiksi o kaya naman ay mahaba.
Mga Uri Ng Tula
Tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga
ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri
ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay
direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.
Awit
Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang
bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang
karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga.
Soneto
Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na
pagkatao.
Oda
Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado saisang tao o isang bagay na
kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.
Elehiya
Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.
Dalit
Isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o
panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at
may kahalong pilosopiya sa buhay.
b. Awit at kurido
Isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga
alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang
kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong Adarna.
a. Balagtasan
Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa
karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
b. Karagatan
Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na
ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
c. Duplo
Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang
pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.
ELEMENTO NG TULA
1. TEMA - Ito ang paksa ng tula. Ito ay maaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayaniha,
kalayaan, katarungan , pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan, sa kapwa at marami pang iba.
2. TUGMA - Ito ang pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling salita sa bawat saknong.
3. SUKAT - bilang ng pantig sa bawat taludtod.
4. IMAHE O LARAWANG- DIWA - itinatawag itong IMAGERY sa ingles. Ito ang mga salitang
kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
5. PERSONA - tumutukoy sa nagsasalita sa tula.
6. TONO - ito naman ang namamayaning damdamin sa loob ng tula. Ito ay nangungutya, naglalahad at
natuturan.
7. SIMBOLISMO - ito ay mga makabuluhang salita na nagpasidhi sa guni-guni ng mga mambabasa.