Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paano inihahambing ang estadong Pilipinas sa bansang Indonesia sa estadong pagsasalin at

maging sa paggamit ng Pambansang Wika sa iba’t ibang larangan?

Sa akdang “Sariling atin: Ang nagsasariling komunidad na pangkomunikasyon sa disiplinang


Araling Pilipino” ni Ramon Guillermo ay naihambing ang Pilipinas at ang Indonesia sa estado ng
pagsasalin at paggamit ng kanilang pambansang wika. Ang Bahasa Indonesia ang pambansang
wika ng bansang Indonesia at ang Filipino naman ang sa Pilipinas. Sa larangan ng pagsasalin sa
pambansang wika, nasabi ng Index Translationum ng UNESCO na ang bansang Indonesia ang
ika-50 sa pinakamaraming naisalin na libro sa loob ng taong 1979 hanggang 2015. Ang
Indonesia ay may naisaling libro na may estimadong bilang na 4,384 at ang Pilipinas naman ay
may naisalin na 437. Madami na ang bilang ng naisalin sa wikang Filipino sa loob ng 36 na taon
pero kung ikukumpara sa naisalin ng mga tagapagsalin sa Indonesia ay wala tayo sa sampung
porsyento ng sa Indonesia. Nang dahil dito ay nabiyayaan ang Indonesia ng isang karangalan
para sa kanilang pagsasalin bilang isang Guest of Honor sa 2015 Frankfurt Book Fair. Isa sa mga
naisaling libro ay ang gawa ni Karl Marx, dahil sa ito ay kilala sa kanyang mga akda patungkol
sa agham panlipunan. Ayon kay Guillermo (2016) ang akdang “Karl Marx: Materialisme
Dialektis dan Materialisme Historis” ni Andi Muaiyah Ramly noong 2004 ay may nabanggit sa
bibliyograpiya na lampas 50% naman na gamit ay wikang Ingles at meron din na halos 20% na
nakasulat sa wikang Bahasa Indonesia. Ito ang nagpapatunay na mataas na din ang integrasyong
panloob hinggil kay Marx sa loob ng bansang Indonesia. Ayon sa akda naman ni James Francis
Warren na “Iranun and Balangigi: Globalization, Maritime Raiding and the Birth of Ethnicity”
noong 2002. Kapuna-puna ang paglista ng bibliyograpiya sa wika ng Ingles, Espanyol, Pranses at
marami pang iba. Ito ang nagsasabing may kulang pa talaga sa integrasyong panloob ng mga
Pilipino. Ayon kay Guillermo (2016) ay nakamit ng bansang Indonesia ang pagpapataas ng
kanilang panloob na integrasyon. Ito ay sa kadahilanang mas dumalas at mas tumindi ang
kanilang interaksyon sa loob sa larangan ng wikang Bahasa Indonesia sa kanilang pambansang
komunidad na pangkomunikasyon. Sa larangan naman ng paggamit ng sariling wika ng bawat
bansang pinaghahambing, ay hindi maipagkakaila na mas nakakalamang pa din ang bansang
Indonesia. Ito ay dahil kung ikukumpara ito sa bansang Pilipinas, ang Araling Pilipino ay may
mababang integrasyong panloob. Halimbawa na lamang sa paggawa ng tesis ng mga Pilipino,
sila ay may maliit na porsyento lamang ng paggamit ng wikang Filipino sa pagsulat. Sa Asian
Center at sa Kolehiyo ng Arte at Literatura na may maliit na porsyento lamang ng wikang
Filipino, at mas malaki ang porsyento ng paggamit ng wikang Ingles. Base sa akda ni Guillermo
(2016) ay humantong sa puntong ang apat na MA tesis na naipagtanggol sa Kolehiyo ng Arte at
Literatura ay walang nakasulat sa wikang Filipino at ganoon din sa Kolehiyo ng Arte at
Literatura, na gumamit na lang ng wikang Ingles. Ito ay nakuha ni Guillermo sa isang tesis sa UP
Diliman na patungkol sa paggamit ng wikang Filipino sa mga digri ng MA at Ph.D. sa Araling
Panlipunan sa Asian Center at sa Kolehiyo ng Arte at Literatura. Base sa akda ni Ramon
Guillermo tungkol sa Paaghahambing sa Bahasa Indonesia at Wikang Filipino bilang mga
wikang akademiko at intelektuwal” ay napakita na mas angat talaga ang Indonesia dahil mas
kaya nilang magamit ang sarili nilang wika sa paggamit at pagsalin ng libro at mga tesis sa mas
maraming larangan.

You might also like