Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

University of Perpetual Help System Laguna

Minante Uno, Cauayan City, Isabela


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Biñan Calamba GMA Isabela Las Piñas Manila Molino Pangasinan


University of Perpetual Help System Laguna

Minante Uno, Cauayan City, Isabela


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Biñan Calamba GMA Isabela Las Piñas Manila Molino Pangasinan

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Ang istres o tinatawag ding tensiyon ay bahagi na ng pang araw-araw na buhay para sa

maraming tao. Ito ay isang pakiramdam ng pagkapuwersa at presyon. Ang istres ay bilang tugon

ng katawan natin sa pagiging pagod. Malaki ang naidudulot ng istres sa isang tao, ang mga

nakararanas ay hindi lang nawawalan ng gana o nagiging matamlay, ngunit nakararanas rin ng

iba pang epekto nito, karamihan ay nagbabago ang mood o ugali. Kung hindi maisasaayos ang

pagtrato rito ay maaari ring pagmulan ng sakit.

Kadalasang sanhi nito ay problema sa pamilya o sa trabaho, kawalan ng balanse sa

pangangailangan ng oras at atensiyon ng pamilya at trabaho, pagkakasakit, pagkawala ng mahal

sa buhay at marami pang iba.

Ayon sa The Generics Pharmacy, ang mga sumusunod ay ilang sintomas ng mga

nakararanas ng istres:

Sakit sa ulo, ang sintomas na ito ay pangkaraniwang nararanasan ng mga istres na tao. Ito

ay isa sa mga pisikal na sintomas na dulot ng istres. Kadalasan ito ay nararanasan pagkatapos ng

araw na ikaw ay maraming ginagawa.


University of Perpetual Help System Laguna

Minante Uno, Cauayan City, Isabela


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Biñan Calamba GMA Isabela Las Piñas Manila Molino Pangasinan

Pagkabalisa, o anxiety sa Ingles ay isang senyales na ikaw ay na i-istres. Maliban sa hindi

mapakali, maaari ring ikaw ay makaranas ng madalas nap ag-aalala, pagkatakot, o hindi kaya’y

pagkabahala.

Pagiging irritable, sa bigat na dulot ng pagtatrabaho, hindi talaga maiiwasan ang pagiging

irritable ng isang tao sa mga bagay-bagay.

Sakit sa katawan, ang sintomas na ito ay pangkaraniwan na dinaramdam ng mga tao

kapag sila’y nakararamdam ng istres.

Dahil dito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pag-aaral patungkol sa mga salik at

epekto na maaaring maidulot ng istres sa mga mag-aaral. Maaari itong makatulong sa mga

hinaharap pang mananaliksik na makapagbigay ng karagdagang kaalaman upang makatulong sa

kanilang pag-aaral.

Sa pag-aaral na ito, makapagbibigay ng kaalaman kaugnay sa mga salik at epekto ng

istres sa pamumuhay ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga sintomas ng istres na nararanasan ng mga mag-aaral?


University of Perpetual Help System Laguna

Minante Uno, Cauayan City, Isabela


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Biñan Calamba GMA Isabela Las Piñas Manila Molino Pangasinan

2. Ano-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng istres na nararanasan ng mga mag-aaral

kaugnay sa mga sumusunod:

2. 1 .Sosyal na kalagayan

2.2. Pang-akademikong gawain

3. Ano-ano ang mga epekto ng istres sa pamumuhay ng mga mag-aaral batay sa:

3.1 Pisikal na kalagayan

3.2. Emosyonal na kalagayan

4. Ano-ano ang mga isinagagawang paraan ng mga mag-aaral upang maiwasan ang

istres?

5. Sino-sino ang mga madalas nakararanas ng istres batay sa mga sumusunod:

5.1. mga mag-aaral na hiwalay ang pamilya

5.2. Mag-aaral na maraming pera

5.3. Mag-aaral na nabigpo sa pag-ibig o panliligaw

5.4. Mag-aaral na may mahirap na katayuan sa buhay

5.5. Mag-aaral na lagging nag-iisa

5.6. Mag-aaral na nakararanas ng pangungutya o pambubully

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga sumusunod:


University of Perpetual Help System Laguna

Minante Uno, Cauayan City, Isabela


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Biñan Calamba GMA Isabela Las Piñas Manila Molino Pangasinan

1. Matukoy ang mga sintomas ng istres na nararanasan ng mga mag-aaral.

2. Malaman ang mga dahilan ng pagkakaroon ng istres na nararanasan ng mga mag-

aaral.

3. Malaman ang mga epekto ng istres sa mga mag-aaral.

4. Matukoy kung anong paraan ang isinasagawa ng mga mag-aaral upang maiwasan

ang istres.

5. Matukoy ang madalas na nakararanas ng istres batay sa mga sumusunod:

5.1.Mga mag-aaral na hiwalay ang pamilya

5.2.Mag-aaral na maraming pera

5.3.Mag-aaral na nabigpo sa pag-ibig o panliligaw

5.4.Mag-aaral na may mahirap na katayuan sa buhay

5.5.Mag-aaral na lagging nag-iisa

5.6.Mag-aaral na nakararanas ng pangungutya o pambubully

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik patungkol sa mga salik at epekto ng istres sa mga mag-aaral ay

magbibigay ng mga impormasyon na maaaring magamit na reperensiya sa makahulugang pag-

aaral.
University of Perpetual Help System Laguna

Minante Uno, Cauayan City, Isabela


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Biñan Calamba GMA Isabela Las Piñas Manila Molino Pangasinan

Sa mga mag-aaral. Sa pag-aaral na ito ay magkakaroon ang mga mag-aaral ng

malawakang kaalaman patungkol sa epekto ng istres.

Sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga magulang ng mga

mag-aaral na naaapektuhan ng istres. Ito ay makapagbibigay ing ideya kung ano ang mga

maaaring makasira sa mental at pisikal na pag-iisip ng kanilang mga anak sa hinaharap at kung

paano nila ito makokontrol.

Sa mga guro. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng ideya sa mga guro kung

paanong paraan nila matutulungan ang kanilang mga mag-aaral.

Komunidad. Ito ay makatutulong upang ang komunidad ay magkaroon ng kabatiran sa

maaaring panggalingan maging ang epekto ng istres kung ano ang maaari nitong maitulong sa

mga mag-aaral at iba pang nakararanas nito.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap. Makatutulong ito sa paghihikayat na gumawa ng

mas malalim na pag-aaral ukol sa mga salik at epekto ng istres sa mga mag-aaral.

Saklaw at Limitasyon

Ang mga taga pagpanaliksik ay nangalap ng impormasyon patungkol sa mga salik at

epekto ng istres sa mga mag-aaral ng University of Perpetual System Laguna-Isabela Campus.

Ginawa nila ito sa pamamagitan ng paggamit ng kwalitatib ng paraan sa pagsasaliksik upang

makakalap ng datos.
University of Perpetual Help System Laguna

Minante Uno, Cauayan City, Isabela


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Biñan Calamba GMA Isabela Las Piñas Manila Molino Pangasinan

Upang malaman ang kanilang mga pananaw at opinyon, ang mga datos na nakalap ng

mga tagapananaliksik sa pamamagitan ng ginawa nilang mga palatanungan.

Ang pagsisiyasat ay limitado lamang sa tatlumpung (?) mag aaral ng Senior High School na

napiling sumagot sa mga palatanungan,naganap ang pagsisiyasat sa University Perpetual Help

System Laguna-Isabela Campus taong panunuruan 2018-2019.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang mga ilang salitang nagamit ay binigyang-kahulugan at ito ang mga sumusunod:

Istres. Tinatawag ding tensyon. Ito ay unang bahagi ng pagkakaroon ng depresyon.

Pisikal. Tumutukoy sa pangangatawan ng isang tao sa halip ng pag-iisip; umiiral sa anyo

na maaaring hawakan o makita. (Merriam-Webster Dictionary)

Emosyonal. Tumutukoy sa anyong pandamdamin ng isang tao.


University of Perpetual Help System Laguna

Minante Uno, Cauayan City, Isabela


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Biñan Calamba GMA Isabela Las Piñas Manila Molino Pangasinan

KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay nakalahad ang mga literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa

pag-aaral.

Ang mga sumusunod ay literatura at pag-aaral na mapagkukuhanan ng ideya at mga

karagdagang impormasyon ng mga mananaliksik tungo sa ikagaganda at pagpapalawak ng pag-

aaral.

Kaugnay na Literatura

Ang istres ay isang normal na reaksyon o pakiramdam na bunga ng pang-araw araw na

suliraning kinakaharap ng bawat isa. Ang pagkaranas nito ay nakaaapekto sa pisikal at

sikolohikal na aspeto ng pagkatao. Kung hindi ito maagapan o matutugunan, maaaring

humantong ito sa mas malalang kondisyon at magkaroon ng malalang karamdaman. Ilan sa mga

sakit at kondisyon na maiuugnay sa pagkaranas ng istres ay pananakitng ulo, pananakit ng mga

kalamnan, pananakit ng dibdib, kawalan ng gana sa pakikipagtalik,pananakit ng sikmura, at hirap

sa pagtulog. Maging ang mood ng tao ay maaaring maapektuhan din ng madalas na pagkaranas

ng istres at magdulot ng pagkabalisa, hindi mapakali, kawalan ng kakayan na makapagpokus sa

gawain, kawalan ng kontrol sa galit at depresyon. Ang ugali ng bawat tao ay inaaapektuhan din

kung madalas makaranas ng istres gaya ng sobra at kawalan ng kontrol sa pagkain, pag- abuso sa
University of Perpetual Help System Laguna

Minante Uno, Cauayan City, Isabela


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Biñan Calamba GMA Isabela Las Piñas Manila Molino Pangasinan

droga o alak, sobrang paninigarilyo at paglayo sa lipunang ginagalawan. Ang mga apektong

nabanggit ay ilan lamang sa mga negatibong bunga ng istres sa kalusugan. Ang mga ito, kung

hindi maagapan, ay maaaring humanting pa sa mas malalang kondisyono sakit na maaaring mag

wakas sa buhay.(www.kalusugan.ph )

Maaaring mapasimulan ito ng mga kaganapan sa sobra sa istres tulad ng mga problema

saa paaralan, naaapi, pagkawala ng isang kaibigan paghihiwalay ng mga magulang, o

pagkamatay ng alagang hayop o miyembro ng pamilya. Ang mga batang may malalalang

kapansanan na matututo, pisikal na may hadlang (handicaps), o mga problemang medikal ay

kadalasang nagkakaroon ng depresyon. Gayunman, ang depresyon ay maaaring magsimula nang

walang particular na sanhi.

May mga ilang hakbang na maaaring makatulong upang maiwasan ang masamang epekto

ng istres sa mga mag-aaral. Ang ilang mga simpleng hakbang ay ang mga sumusunod:

1. Manatiling positibo. Magpokus sa mga magagandang bagay tungkol sa sarili at

kapaligiran. Ugaliing maging positibo sa pag-iisip sa hinahanarap at isiping malulutas

rin ang mga problema. Turuan ang sarili na may mga bagay na sadyang hindi mo

kayang baguhin.

2. Magmuni-muni o meditation. Ang yoga, arte at pagtugtog ng musika ay nakapang-

rerelax. Ang mga diskartengito ay dapat makasanayan sag pagdaaan ng panahon

upang epektibong magamit pagdating ng panahong may hinaharap.


University of Perpetual Help System Laguna

Minante Uno, Cauayan City, Isabela


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Biñan Calamba GMA Isabela Las Piñas Manila Molino Pangasinan

3. Tumawa ng madalas at libangin ang sarili. Eka nga nila, “laughter is the best

medicine.” Maaari itong makamit sa simpleng pakikipagbiruan, panonood ng

pelikulang nakatatawa o nakaaaliw o pagbasa ng mga librong nakapagbibigay ng

halakhak o inspirasyon.

4. Iwasan ang mga taong negatibo. Maaari mong bawasan ang mga oras na kasama ang

mga negatibong tao o kaya’y lubos mo nang iwasan kung hindi magbago ito.

5. Matutong magpatawad.Palampasin ang galit na nararamdaman at ibasura na rin ang

pakiramdam ng pagsisisi. Sa pagpapatawad ng ibang tao at sarili, mababawasan ang

iyong negatibong enerhiya. (www.akoaypilipino.eu)


University of Perpetual Help System Laguna

Minante Uno, Cauayan City, Isabela


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Biñan Calamba GMA Isabela Las Piñas Manila Molino Pangasinan

KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang mga salik at epekto ng

istres at depresyon sa mga mag-aaral. Sa kabanatang ito, nakapaloob ang mga paraan na ginamit

ng tagapagpananaliksik sa pangangalap ng mga kaukulang datos na kakailanganin sa nasabing

pag-aaral.

Disenyo ng pananasliksik

Gumamit ang mga mananaliksik ng Descriptive – Survey Method. halaw sa pag-aaral

nina Yengyengan, et al., (2016), mula kay Eliott, ang Descriptive – Survey Method ay

sinasaklaw ng Descriptive and Interpretative na paraan ng kwalitatibong pananaliksik (Eliott and

Timulak Descriptive and Interpretative Approaches to Qualitative Research.pp. 147-160).

Inilarawan at sinuri sa pag-aaral na ito ang epekto ng istres at depresyon sa mga mag-aaral mula

sa Departamento ng Senior High School - Ikalawang Semestre sa taong panunuruan 2017-2018

ng Northeastern College, Villasis, Santiago City. Ang mga mananaliksik ay gumamit din ng

kwalitatib na disenyo ng pananaliksik upang makuha ang kanilang mga opinyon at eksplanasyon

patungkol sa mga salik at epekto ng istres at depresyon sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng

paggamit ng kwerstyoneyr.
University of Perpetual Help System Laguna

Minante Uno, Cauayan City, Isabela


BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Biñan Calamba GMA Isabela Las Piñas Manila Molino Pangasinan

Lokal

Ang pananaliksik ay naganap sa paaralan ng University Perpetual Help System Laguna-

Isabela Campus, Minante 1, Cauyan City, Isabela.

Respondente

Ang mga tumugon sa pag-aaral ay limitado sa tatlumpong mag-aaral (?) ng University

Perpetual Help System Laguna-Isabela Campus na nagmula sa Departamento ng Senior High

School taong panunuruan 2018-2019.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang sarbey- kwestyoneyr ang ginamit sa pag-aaral na ito. Ang sarbey-kwestyoneyr ay

listahan ng mga tanong na makapagtatamo ng mahahalagang kasagutan sa nasabing problema.

Ang mga katanungan na ginamit sa sarbey-kwestyoneyr ay mahusay na nakalap upang

masagutan ito ng maigi ng mga respondante ay markahan ng tsek (/) ang katumbas ng kanilang

sagot. Bukod dito,maaari rin silang maglagay ng kanilang iba pang opinyon at suhestiyon sa

espasyong inilaan sa talatanungan upang matamo pa ng karagdagang impormasyon na maaaring

hindi natukoy sa mga tanong ng mananaliksik.

You might also like