Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

ANTOLOHIYA

Kalipunan ng mga Sulating Akademik

Kagawaran ng Senior High School

Pamantasan ng Lourdes

Lungsod ng Cagayan de Oro

Bilang Bahaging Katuparan

Sa Kahingian ng Asignaturang

FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK

ni

Shaira Faye Naling

St. James The Greater

Oktubre 18, 2019

i
TALAAN NG NILALAMAN

PAHINA

PAMAGATING PAHINA i

TALAAN NG NILALAMAN ii

PROLOGO iii

BUOD 1

ABSTRAK 2

TALUMPATI 3

PAGSULAT NG REBYU 4

REPLEKTIBONG SANAYSAY 5

LAKBAY SANAYSAY 6

PIKTORIAL NA SANAYSAY 7

BIONOTE 8

AGENDA 9

PANUKALANG PROYEKTO 10

RUBRIK
PROLOGO

Ang pagtitipong ito ay pinapamagatang “Antolohiya” sapagkat ito


ay pagtitipon ng mahahalagang gawain. Pinagkakalooban ito ng mga
nasagawang aktibidad nagmula pa lamang sa Prelims hanggang Finals sa
asignaturang “Filipino sa Piling Larangan – Akademik” na pinangungunahan ni
Bb. Jesty Chris Ubay Ubay.

Ito ay kalipunan na patunay kung may nasuri ba ang isang


esudyante sa asignaturang Filipino. Sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga
mahahalagang papel gaya na lamang nito, ay matutunang maging responsible
at madisiplina ang isang estudyante sa pagtatago at pagliligpit ng mga iba’t
ibang gawain.

Ang kalipunan ng mga Sulating Akademik ay isa sa daan upang


matuto bawat estudyante lalo na sa hinaharap. Maganda itong pagsasanay sa
bawat isa upang matuto kung may isasauli mang mga papel para hindi ito
mawala.
BUOD

“Paalam sa Pagkabata”

Ni: Nazareno D. Baz

May isang batang nangangalang Celso, ang buhay niya ay walang


pagbabago. Lagi niyang naririnig ang pag-aaway ng kaniyang mga magulang
sa hindi malamang dahilan. Pinapangarap ni Celso na magkaroon ng kapatid
upang may makasama siya. Naalala niya ang dalawang taon nang lambat na
ikinagagalit ng kaniyang ama dahil ito ay tinapon ng kaniyang ina.

Sa pangyayaring iyon ay nag-away muli ang kaniyang mga magulang.


Ipinaliwanag ng kaniyang ina na nangangalang Isidra, na dapat na nilang
kalimutan ang nakaraan dahil si Tomas lamang ang kaniyang mahal at isang
pagkakamali lamang iyon. Mula noon, nagtaka si Celso kung bakit sa paningin
ng kaniyang ina ay buo pa rin ang lumang lambat.

Pumunta si Celso sa dalampasigan at may narinig siyang nag-gigitara


habang kumakanta sa bahay-pawid kaya naisipan niyang pumunta roon.
Nagulat si Celso sa biglaang paglapit at pagyakap sa kaniya ng lalaki habang
umiiyak. Dahil sa kaniyang takot, umiyak siya at [inahid ng lalaki ang luha ni Celso.

Nang dumating ang mga mangingisda kasama na ang ama ni Celso,


nasaksihan niya ang pangyayari sa bahay-pawid na ikinagulat ni Tomas.
Sinampal niya si Celso dahil hindi siya nakinig sa bilin ng kaniyang ama. Pagkauwi
ng mag-ama sa bahay nila, nakita ulit ni Celso ang kaniyang ina na malungkot
habang nakatitig sa lumang lambat.

Naalala ni Celso ang lalaki sa bahay-pawid nang napagtanto niyang


magkamukha sila habang siya ay nanalamin. Dahil ditto, kumuha si Celso ng itak
at pinagsaksak ang lambat dala ng emosyong nararamdaman niya. Nagulat
ang mga magulang ni Celso sa ginawa niya dahilan upang magalit na naman
ang kaniyang amang si Tomas. Ngunit dahil sa sama ng loob sa batang si Celso,
nilabanan niya ang kaniyang ama. Dahil dito, sinuntok at tinadyakan ni Tomas si
Celso hanggang sa mawalan ng malay. Nang nagising si Celso, nagsisi at
nakaunawa ang kaniyang ama kaya niyakap niya ng mahigpit ang batang si
Celso.
ABSTRAK

“PRRC, nag-abiso nang muling panunumbalik

ng Water Hyacinths sa Pasig River”

Ang nais na makamit ng isang pinagkaloobang hinaharap ng PRRC


tungkol sa Water Hyacinth sa Pasig River ay ang pagsusumikap para sa
panunumbalik ng kagandahang taglay sa ilog na ito. Unti-unti itong nawawala
at nasisira dahil sa mga basura’t polusyon na nagmula sa Manila Bay. Isa sa
dahilan kung bakit nawawala ang Water Hycinth sa Pasig River ay dahil sa
pagtaas ng tubig sa Manila Bay na mahigit 300,000 na kilo ng basura ang
napupunta sa Pasig.

Ayon sa PRRC (Pasig River Rehabilitation Commission), biyaya kung ituring


nila ang mga Water Hyacinth. Indikasyon ang paglitaw ng mga ito sa Pasig River
na ang lebel ng Laguna water ay mas mai-kumpara kaysa Manila Bay o mismong
mean sa level na ito. Ang ginawang aksyon para maiwasan ito ay pinagana ng
PRRC ang kanilang Task Force Water Hyacinth group para masiguro na hindi
maabala ang hinaharap sa pagkalat ng Water Hyacinths sa matiwasay na
paglalakbay ng publiko sa Pasig River. Layunin nila na mapanatili ang
kagandahang taglay ng mga Water Lily sa Pasig sa kabila ng pagtaas ng tubig
sa Manila Bay.

Nais ng PRRC na madisiplina ang mga tao lalo na sa mga nagtatapon ng


basura sa dagat. Kung hindi gagawa ng aksyon ang mga tao lalong lalo na ang
partisipasyon sa sinigawa ng ahensiyang PRRC, sa huli ay babalik din sa lipunan
ang masamang dulot nito gaya na lamang sa problemang hinaharap sa Pasig
River.
TALUMPATI

“Hamon sa Buhay”

Sa bawat buhay ng isang tao, hindi mawawala ang pagkakaroon ng mga


hamon at pagsubok. Maaaring ito ay sa paaralan, pamilya, kaibigan, trabaho at
maging sa pang araw-araw na pamumuhay. Hindi natin alam kung kalian ito
darating dahil posibleng sa kahit na anong oras o panahon ay hahamunin tayo
ng isang pagsubok.

Sa oras na marinig natin ang salitang “pagsubok” halos lahat sa atin ay


agad na mga negatibong pag-iisip ang pumapasok. Ni hindi pa nga natin
nasubukan at paghahanap ng solusyon kung paano ito malalagpasan,
nawawalan agad tayo ng gana. Dapat ibahin at baguhin ng bawat isa ang
perspektibo tungkol sa pagsubok dahil ito ay bigay ng Diyos sa atin para hamunin
kung gaano tayo katatag. Ang pagsubok ay isa sa makakatulong sa buhay natin
para mas magiging metatag tayo araw-araw, maging matibay at maging
positibo sa lahat ng bagay. Makakatulong ito para tayo ay aahon at tatayo sa
ating sariling mga paa.

Ang sarap sa pakiramdam na malagpasan at makayanan ang isang


pagsubok sa buhay. Isa itong motibasyon at inspirasyon tungo sa ating pagiging
matagumpay at mas magiging metatag pa ang bawat isa sa atin. Kaya sa oras
na darating man ang pagsubok sa buhay natin, dapat lagging isa-isip natin ang
salitang matatag.
REPLEKTIBONG SANAYSAY

“Radical Love”

Ang radical love ay isang dokumentaryong nagpapakita sa


nangyari sa buhay ng ina ni Cherie Pie. Ang dokumentaryong napanood ay
puno ng lungkot, hinanakit, poot at galit. Napansin ng mga manonood kung
gaano kasakit ang napagdaanan ng buhay nina Cherie Pie at ng kaniyang
pamilya. Hindi ito madali lalo na at isa sa minamahal ang buhay na kinuha at
ang mas masakit pa ay ang taong kumuha o pumatay sa ina nina Cherie Pie ay
kakilala lamang.

Sa panonood ko ng “Radical Love”, marami akong natutunang aral


lalo na sa mga salitang tiwala, pagmamahal at pagpapatawad.
Nararamdaman ko kung gaano kasakit ang nangyari lalo na at may naranasan
na rin akong pangyayari na kung saan ay nasira ang aking buong tiwala. Isa sa
itinuring kong parang kapatid na isa pala sa mga taong nagsasabi ng mga
masasamang salita tungkol sa akin. Masakit para sa akin ang pangyayaring iyon
dahil hinding-hindi ko inaasahang magawa niya iyon lalo na at wala naman
akong nagawang masama para gan’on ang ibalik niya na gawin sa akin.
Pagkatapos ko mapanuod ang radical love, bigla kong naalala ang karanasang
iyon. Napatawad ko ang kaibigan ko pero para bang mayroon nang distansiya
ang turingan naming dalawa dahil hindi pa rin nawawala ang sakit na idinulot
n’on. Gaya nga ng nasabi ni Cherie Pie sa dokumentaryo na kung saan ay nag-
iwan ng leskyon sa buhay ko, “napatawad na kita pero nandito pa rin sa puso ko
ang sakit”, at nasa isip ko lang ng mga oras na iyon ay tama nga si Cherie Pie.
Kahit na darating man ang panahon na mapatawad ang isang taong
nakagawa ng kasalanan, hindi pa rin nawawala ang sakit.

Kahit gaano man kasakit ang mangyari, dapat hindi pa rin


makalimutang magpatawad dahil mismo ang Diyos ay kaya tayong patawarin
gaano man kalaki ang kasalanang ating mga nagawa. Natutunan ko rin na hindi
lahat ng may pera ay gumagawa na ng masama gaya na lamang nina Cherie
Pie na hindi ginamit ang kanilang kapangyarihan para maghiganti. Hinintay nila
ang tamang panahon para magpatawad at dapat gan’on din ang gawin natin.
Darating din ang tamang panahon na ibibigay ng Panginoon para mabawasan
ang mga problema na nararanasan at mararanasan pa sa ating buhay.
LAKBAY SANAYSAY
BIONOTE

“Hinaharap”

Bawat isa ay may makakamtan. Lahat ng tayo ay ginagawa ang


lahat upang maabot ang pinapangarap at nais makamtan sa hinaharap. Ito ay
maaaring magsipag, mag-aral ng mabuti, maging mabuting anak at
pananampalataya sa Panginoon. At dahil sa mga katangiang iyon, may isang
babaeng nakamit ang pangarap niya sampung taon na ang lumipas.

SIya ay nanggaling sa isang normal lamang na pamilya. Sapat lang


na makapag-aral, makakain at mabili ang pangunahing pangangailangan sa
buhay. Hindi ito hadlang upang maging matagumpay at makatapos siya ng
pag-aaral. Siya ay nagtapos sa paaralang Liceo de Cagayan University of
Cagayan de Oro City ng kursong “BS in Pharmacy”. Hindi man siya isa sa mga
naging nasa itaas na mga estudyante, masaya pa rin siya at kontento dahil
nakapasa siya sa kursong matagal na niyang pinapangarap. Sa ilang taon na
pagkatapos niya sa kolehiyo ay sa wakas nagkaroon at nakatayo siya ng sariling
boutique o pharmacy. Masaya siya dahil isa ito sa pangarap ng mga magulang
niya at maibalik na niya ang lahat ng paghihirap na ginawa ng kaniyang
magulang.

Marami mang mga pagsubok sa isang buhay, ngunit ito ay


malalagpasan kung ang isang tao ay may determinasyon a hindi agad susuko
sa buhay. Gaya na lamang ng babaeng nakatapos ng “pharmacy” ay hindi
agad siya sumuko at sa huli, siya ay naging matagumpay. Ang babaeng ito ay
walang iba kun’di si Bb. Shaira Faye G. Naling.
AGENDA

MGA ANGHEL SA LANGIT INCORPORATION

ADYENDA
Pagpupulong ng Mga Mababait na Anak
Lunes, Setyembre 16, 2019, 8:00-10:00 N.U.
Collaborative Room, 2nd Floor Learning Commons, Lourdes College, CDO

1. Pagbubukas ng Pulong
2. Aprubal ng Adyenda
3. Aprubal ng Katitikan ng Nakaraang Pulong
4. Ulat sa Nakaraang Seminar
5. Paksang Tatalakayin
 Mga Paraan Tungo sa Pagiging Mabuting Anak
 Sampung Utos ng Diyos
 Pagsasabuhay sa mga Natutunan sa Eskwelahan
6. Pagtatapos ng Pulong

(Bb. Vanessa Magno, 15 minuto)


(Bb. Shaira Faye Naling, 20 minuto)
(G. Emman Lagria, 10 minuto)
PANUKALANG PROYEKTO

Titulo ng Proyekto: “Pangkalahatang Pangkabuhayan”

Pangalan ng Organisasyon: Mga Anghel sa Langit

Lugar at Petsa ng Pulong: Oktubre 12, 2019. 8:00 – 10:00 N.U.

Collaborative Room 2, 2nd Floor, Learning Commons, LC

Ahensiya na Paglalaanan: Barangay Matulungin

Talaan ng Nilalaman

 Abstrak
 Layunin
 Benepisyaryo
 Implementasyon
a) Iskedyul
b) Alokasyon
c) Badyet

Abstrak

Sa panahon ngayon, marami na ang mga walang trabaho at


nangangailangan ng trabaho lalo na sa mga edad 18 pataas. Layunin ng
organisasyong “Mga Anghel sa Langit” na magbigay ng pagsasanay at magturo
ng iba’t ibang kakayahan sa mga taong nangangailangan, upang magamit sa
kanilang pang araw-araw na buhay. Lalong-lalo na bilang pang hanapbuhay.
Ang proyektong isasagawa ay tinatawag na “Pangkalahatang
Pangkabuhayan” na mayroong iba’t ibang aktibidad na gagawin at ito ay
tailoring, handicraft, beauty care kasali na nito ang manicure at pedicure, hair
at make-up, at ang huling aktibidad ay massage. Ang kabuuang badyet para
sa proyektong ito ay ₱35,000.00.

Layunin

 Makapagbigay ng pagsasanay sa mga walang trabaho.


 Matamo ang iba’t ibang kakayahan upang magkaroon ng pagkakakitaan
ng pera.
 Mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho sa komunidad.
 Maiwasan ang pagtaas ng bilang sa paggawa ng illegal na trabaho.
Benepisyaryo

 Babae at lalaki na may edad 18 pataas.


 Mga studyanteng nangangailangan ng “part time” na trabaho.
 Mga walang trabaho at gustong matuto.

Implementasyon

A. Iskedyul

Iskedyul ng Implementasyon
Mga Aktibidad Simula Katapusan (May) Reponsibilidad
1) Tailoring 10 – 14 – 19 10 – 18 – 19 Mananahi

2) Handicraft 10 – 21 – 19 10 – 25 – 19 Artist

3) Beauty Care 10 – 28 – 29 11 – 01 – 19 Parlorista, Make-up Artist,


Pedicurista/Manicurista
4) Massage 11 – 04 – 19 11 – 08 – 19 Masahista

B. Alokasyon

Mga Pagkakagastusan
Mga Aktibidad Sahod/Allowance Ekwipment
1) Tailoring 2 Mananahi Sinulid, Karayom, Tailoring
(₱1,000 bawat isa sa isang lingo) Machine, Mga Tela
2) Handicraft 2 Artist Art Materials
(₱1,000 bawat isa sa isang lingo)
3) Beauty 2 Parlorista, 2 Make-up Artist, 2 Kagamitan sa
Care Pedicurisa/Manicurista pagpapaganda, pang-gupit,
(₱1,000 bawat isa sa isang lingo) mga kagamitan sa
pedicure/manicure
4) Massage 2 Masahista Oil, Towel
(₱1,000 bawat isa sa isang lingo)
C. Badyet

Mga Pagkakagastusan Kabuuang Bayad


Sahod sa Mananahi ₱2,000.00

Sahod sa Artist ₱2,000.00

Sahod sa Mga May Responsibilidad sa Beauty ₱6,000.00


Care
Sahod sa Masahista ₱2,000.00

Ekwipment sa Tailoring ₱7,000.00

Ekwipment sa Handicraft ₱3,000.00

Ekwipment sa Beauty Care ₱10,000.00

Ekwipment sa Massage ₱3,000.00

₱35,000.00

You might also like