Professional Documents
Culture Documents
Romeo and Juliet Presentasyon
Romeo and Juliet Presentasyon
Romeo and Juliet Presentasyon
Juliet: Romeo, kaya mo bang itanggi ang pagging Montague mo? Kung hindi ang sumpa mo sa akin ay
ang pagbitaw ko sa pagiging isang Capulet
Juliet: Romeo, ang pangalan mo lamang ang aking kaaway, hindi ikaw. Hindi ko hinihingi ang kahit ano
man sa katawan mo. Hindi ba pwedeng ibahin mo ang iyong pangalan? Ang rosas kahit tawagin man sa
iba ay mananatiling mabango at maganda.
Romeo: Aking susundin ang iyong sinabi. Mula ngayon, tawagin mo lamang akong mahal ay hindi na
akong isang Montague
Juliet: Paano ka nakarating dito, mataas ang mga pader? At sino ang nagturo sa iyo dito? Pag nakita ka
nila ay ika’y mapapatay.
Romeo: Ang pagmamahal ang siyang nagdala sa akin dito at hayaan mo lamang ako na masilayan ka,
maliligtas na ako sa kanilang pagkagalit.
Juliet: Romeo, kung ang iyong pagmamahal ay totoo, hindi sana ito bungad ng iyong pag-iisip na ako’y
madaling mahuli. Maniwala ka ginoo na pag ako ay nagmahal, ito ay tapat.
Juliet: Wag kang manumpa sa buwan dahil ito ay nagbabago. Baka mabilis lamang mawawala ang iyong
damdamin ginoo.
Juliet: GInoo, naibigay ko na ito sa iyo bago mo pa ito hiningi. ANg aking pagmamahal ay kasing lawak at
kasing lalim ng karagatan na ang hanganan ay hindi na mawari.
Juliet: totoo ito mahal ko. Ngayon paalam na, ikaw na ang bahala sa panahon ng kasal. Ibibigay ko sayo
ang lahat, susundan kita saan man panig sa daig dig.
Narrator: Nagpakasal nga ang dalawa at magiging masya n asana ngunit dahil sa pagpatay ni Romeo kay
Tybalt ang pinsan ni Juliet, Si Romeo ay pinalayas sa Verona. Labis na lungkot ang naramdaman ni Juliet.
HUmingi siya ng tulong sa isang pari na nagbigay sa kanya ng inumin na panandaliang magpapatigil ng
kaniyang puso.
Juliet: Pag ininom ko ito, aakalain nila na ako ay namatay at saka darating si Romeo para ako ay gsisingin
mula sa pagkahimbing at mula doon ay papayagan na kaming dalawa na magsama.
Narrator: Ininom na nga ito ni Juliet. Nang dumating si Romeo sa kinalalagyan ng katawan ni Juliet, labis
na lungkot ang kanyang naramdaman. Daladala niya ang lasong kanyang nabili upang samahan ang
kanyang iniibig.
Romeo: Mahal ko, bakit? Hindi ko kayang ikaw ay mawala, ngunit ikaw ay kinuha na ng kamatayan.
Aking Juliet, sa tabi mo ako ngayon tatahan, dito na nakayakap sa iyo. Hindi ka mag-iisa mahal
Juliet: Ano ito? Romeo, Romeo. Ano ang nangyari? Dapat pagkagising ko ay ang bukas mong mga mata
ang babati. Tinunga mo ang lason, hindi mo man lang ako tinirhan na ako ay matulungan na makapiling
ka. Wag kang mag-alala, susunod na ako sayo aking mahal.
----saksak Juliet-----
End