Stephanie Konseptongpapel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

1

Angeles City National High School


SENIOR HIGH SCHOOL

PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA PAARALAN

Isinumite sa Departamento ng Filipino


Bilang bahaging pangangailangan sa asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Isinumite ni:
Stephanie Enriquez

Isinumite kay:
Emmanuel M. Mangune Jr.
Teacher III
2
Angeles City National High School
SENIOR HIGH SCHOOL

KAHALAGAHAN

Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na


kahulugan ay " dila " , kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong
salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion,
pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o
pasalita. Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay
maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa
pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan. Ang wika ay kasangkapan ng ating pulitika at
ekonomiya. Ang mabisang paggamit nito ang nagpapakilos sa tao at nagagawang
manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating kinabibilangan. Dahil ditto
pinapahayang ng papel na ito na ang paggamit ng iba’t ibang salita sa loob ng silid
aralan ng mga mag-aaral sa oras ng kanilang klase.

METODOLOHIYA

Ipinapanukala ng koneptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikipanayam


sa mga mag aaral na gumagamit ng iba’t ibang wika bilang isang instrument pakiki pag
kumunikasyon ayon sa layunin ng pananaliksik na isasagawa. Ipinapanukala din ng
papel na ito ang pagsasagawa ng orserbasyon sa mga silid-aralan ng isang piling
paaralan, sa paggamit ng iba’t ibang wika sa loob ng piling mga pangkat sa mga
baitang upang higit na mapatatag ang mga datos na makukuha sa mga panayam.
3
Angeles City National High School
SENIOR HIGH SCHOOL

INAASAHANG OUTPUT O RESULTA

Inaasahang makakabuong ng 25 na pahinang output ang pananaliksik na


isasagawa na tumugon sa layunin ng konseptong papel na ito. Inaasahn ding
makapagpahayag sa output ng mga rekomendasyon na maaring magamit ng piniling
paaralan o ng iba pang paaralang nagnanais na malaman kung ano nga ba ang
madalas na gamiting wika ng mga mag-aaral saloob ng kanilang silid aralan.

RATIONALE

Sa paliwanag ni Ngugi Ihiong (1987) isang Aprikanong manunulat: Ang wika ay


kultura. Isa itong konektibong kaban ng karanasan ng mga tao at ng kasaysayan ng
wika. Dahil sa wikang nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura, nagkikita
ng bayan ang kanyang kultura na natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki.

Ayon kay San Buenaventura (1985): “Ang wika ay isang larawang binibigkas at
isinusulat. Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.”
Isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak ditto, sa medaling salita ang wika ay
kaisipan ng isang bansa kaya’t kailanman itoy tapat sa pangangailangan at mithiin ng
sambayanan. Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa.
4
Angeles City National High School
SENIOR HIGH SCHOOL

Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na
ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas
na tunog kundi ito’y sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at
sistematiko. Dahil dito ay ayon sa kanya, walang dalawang wikang magkapareho
bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.

LAYUNIN

Nais ng papel na ito na mag pokus sa wika na gingamit ng mga istudyante sa


loob ng silid aralan sa Pilipinas upang makipag kuminikasyong sa kanilag kapwa mag-
aaral, guro at kung ano ang kanilang ginagamit sa oras ng diskusyon. Nais ng papael
na ito na malaman kung paano ginagamit ng mga mag aaral ang wika bilang
pangunahing instrument sa pakikipag kumikasyon sa loob ng silid aralan at kung paano
nito mas napapadali baa ng takbo ng klase ang paggamit sa nakasanayang wika.

Layunin ng papel na ito na:


 Malaman kung ano ng aba ng mga wika na ginagamit ng mga mag-aaral sa loob
ng kanilang silid aralan
 Kung may pagkakaunawan ba ang bawat isa dito, at;
 Kung mas napapabilis ba ang diskusyon sa loob ng klase.
5
Angeles City National High School
SENIOR HIGH SCHOOL

METODOLOHIYA

Magpapakalat ng mga questioner tungkol sa wikang ginagamit sa isang klase.


Mag kakaroon din ng mga panayam sa mga istudyante at mga guro na sabing usapin.
Sa pamamagitan ng panayam ay makakalap ng mga impormasyon na makakasagot sa
mga layunin.

INAASAHANG BUNGA

Ang papel na ito ay isang panimulang hakbang sa pag tataguyod ng adbokasya


sa paggamit ng wikang Filipino. Ito ay maglalaman ng mga datos na magbabalangkas
ng mga hakbangin upang maresolba ito. Ang lahat ng mahalagang datos na
makakalap ay ilalathala. Ilalakip di ang resulta ng mga survey bilang karagdagang
pahina.

SANGGUNIAN

Ating wika (2014)


Retrieved sa:
https://atingwika.wordpress.com/

Lorejas (2008). Depinisyon ng Wikang Ayon sa Iba't-Ibang Manunulat

Retrieved sa:
https://www.academia.edu/26333272/

You might also like