Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DAYUHAN

Buenaventura S. Medina, Jr.

Isang gabi, napakislot sa pagkakahiga ang persona ng maikling kwentong ito


(may-akda) nang marinig na naman niya ang daing ng kanyang masakiting
ama mula sa silid nito. Nagbalikwas siya para tunguhin ang silid ng kanyang
ama, subalit nagbaga na naman ang kanyang damdaming hindi
maipaliwanag. Nang buksan niya ang kanyang pinto, nakita niya ang kanyang
ina at sa pamamagitan ng tingin nito'y alam na niya ang dapat gawin.
Pumunta siya sa lansangang-bayan para tawagin si Dr. Santos. Sumama
naman ang doktor para tingnan ang kalagayan ng kanyang ama. Matagal ng
may sakit ang kanyang ama ngunit hindi rin lubusang gumaling dahil sa lagi
nitong sinusuway ang bilin ng doktor. Kung paalalahanan naman ng kanyang
ina, nagagalit ang kanyang ama dahil alam daw nito ang kanyang ginagawa.
Dahil tanging lalaking sa pamilya, ay inako na niya ang tungkuling tumawag
ng manggagamot sa anumang oras naroroon siya tuwing maririnig niya ang
daing ng kanyang ama.

Iyon ay isang gawain na matapat na niyang nagagampanan matapos ibinilin


sa kanya ng mga kapatid ang kalagayan ng kanilang ina nang nagsisama ang
mga ito sa kanilang napangasawa sa Kabisayaan. At ito nga ang kanyang
ginagawa, ang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa kanyang ama. Lubos na
lamang ang kanyang pagtataka kung bakit nasabi ng kanyang mga
nakakatandang kapatid na siya na ang bahala sa kanilang ina. May mga
bagay siyang hindi nalalaman na tanging mga kapatid lamang niyang
nakakatanda ang nakakaalam mula sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit nabuo
na sa isip nito ang pinag-uusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit
na pamayanang iyon, ay narinig niya: Ang kanyang ama, si Ading at isang
sanggol. At sa isip niya, marahil ay marami pang Ading at marami pang
sanggol sa buhay ng kanyang ama.

Ang mga luhang nakikita niya sa kanyang ina, ang hinanakit ng kanyang mga
kapatid sa ama, ang natuklasang katotohanan tungkol sa ama at kay Ading at
sa sanggol ay ang mga rason marahil kung bakit nakakaramdam siya ng
isang damdaming dayuhan. At iyon nga ang kanyang nararamdaman sa
tuwing makikita niya ang ama sa silid nito at tila ba isa siyang dayuhan sa
pook na iyon.

Nang marating na niya at ni Dr. Santos ang kanilang bahay, nakita niya ang
ina at dalawang nakakabatang kapatid sa pinto ng silid ng kanyang ama.
Pumunta siya sa sariling silid ngunit muling nagbalikwas ng marinig ang mga
hirap na paghingal at pigil na pag-iyak. Nasalubong niya si Dr. Santos at
sinabihan na maiwan nalang at huwag na siyang ihatid dahil kakailanganin
daw siya. Mula sa mga sinasabi ng kanyang ina, iyakan ng mga kapatid
hanggang sa nakaratay na ama, napagtanto niyang nalalapit na talaga ang
oras ng kamatayan ng kanyang ama. May kumurot sa kanyang laman, at
bigla ay nadama niyang kilala na niya ang silid na iyon at lumapit siya sa
ama.

Resolusyon. Mula sa naririnig niya na sinasabi ng kaniyang ina at hagulgol ng kaniyang MGA kapatid.
Hindi niya mapigilan na mapaisip na nalalapit na talaga ang kamatayan ng kaniyang ama. Habang
pinapanood niya itong nakaratay as kama, may kumurot bigla sa kaniyang puso’t laman.

EKSPOSISYON. Napakislot ang persona ng may akda dahil natrinig niya ang daing ng kaniyang ama mula
sa sarili nitong siid. Ang kaniyang ama ay may sakit. Dali dali siyang tumungo sa kwarto ng kaniyang
masakiting ama at pagkakita pa lamang niya sa kaniyang ina ay alam na nito ang gagawin. Tumungo sa
upang maghanap ng manggagamot , Si Doctor Santos. Sa kabutihang palad sumama ang doctor upang
tignan ang kalagayan ng kaniyang butihing ama. Nagagalit ang kaniyang ama tuwing papaalalahanan
siyang uminom ng gamut upang mabilis na gumaling. Ito ay mahigpit na ipinagbilin ng Doctor. Inako nan
g persona sa kwento ang tungkulin bilang nag iisang lalaki sa pamilya. Ito agad ang tumatawag ng tulong
o ng mangagagmot sa tuwing naririnig niyang nasasaktan ang kaniyang ama.

PAPATAAS NA AKSIYON. Dahil sa responsibilidad, matapat niya itong ginagampanan dahil na rin sa
kadahilanang ang kaniyang mga kapatid at sumama na sa kani kanilang pamilya sa kabisayaan.
Tinutulungan niya ang kaniyang ina na alagaan ang kaniyang ama. Sa isip nito ay may hindi siya
nalalaman na alam ng kaniyang mga kapatid kaya ganon na lamang ang bilin ng mga ito sa kaniya. Dahil
sa isang usapin ng kaniyang mga nakakatandang kapatid, narinig niya ang katotohanan na nabuo sa
kaniyang isip na marahil ay marami pa siyang ading at marami pang sanggol sa buhay ng kaniyang ama.

Kasukdulan. Nakita niya ang mga luha na pumapatak galling sa mata ng kaniyang ina, ang pagalabas ng
katotohanan na may hinanakit ang kaniyang mga kapatid sa kaniyang ama at sa marami niyang adding at
sanggol sa buhay ng kaniyang ama. Ito marahil ang dahilan kung pakiramdam niya ay isa siyang dayuhan
sa mallit na pook ng kanilang bahay. Ito rin ang kaniyang nararamdaman habang nakikkta niya ang ama
sa silid nito na dumadaing.

Pababa na Aksiyon. Nakarating na sila ng Doctor sa kanilang bahay at dito niya nakita ang kaniyang mga
nakababatang kapatid. Dumiretso siya sa kaniyang silid at nanahimik, nang napabalikwas uli ito ng
marinig ang daing ng kaniyang ama. Narinig niya ang hirap na paghinga at pigil na pag iyak. Nais niya
sanang ihatid ang manggagamot pauwi ngunit nang makasalubong niya ito ay sinabi ng doctor na huwag
na siyang ihatid dahil mas kakailanganin siya sa kanilang bahay.

You might also like