Professional Documents
Culture Documents
Script of Rizal S Life
Script of Rizal S Life
Script of Rizal S Life
INTRUDAKSYON
Lahat: Sa mundo na puno ng pighati at kalungkutan, maraming mga tao ang nawawalan na ng pananalig at
pag-asa, datapwat may isang batang isinilang at muling nagbigay ng ilaw sa kaaba-abang buhay ng mga taong ito.
Kaya, bilang pagtanaw sa kabayanihang taglagay ng batang ito, sabay-sabay nating tunghayan kung paano niya
binigyang ilaw ang mga kaaba-abang buhay ng mga Pilipino noon.
Kabanata Isa
Pinagmulan ni Pepe
Sa Kanyang Ama
Narrator: Sa lugar na kung saan walang kalayaan at pinatatakbo ng mga dayuhan, dumating ang isang tsinoy na nag
ngangalang Domingo Lamco sa Maynila. Dahil sa regulasyun nga mga dayuhang kastila na lahat ng mga dayuhan at
Pilipino ay dapat na mag taglay ng kastilang apelyedo, napilitan siyang palitan ang kanyang apelyedo ng Mercado.
Narrator: Dito sa Maynila ay kanyang natagpuan ang kanyang kabiyak na si Inez dela Rosa at sila ay nagkaroon ng
isang anak na lalaki na nag ngagalang Juan Mercado. Si Juan Mercado ang naging esposo ni Cirila Alejandro at ang
kanilang pagmamahalan ay nag bunga ng labing tatlong anak. Isa na nga rito ay si Francisco Mercado na siyang bunso
sa labing tatlong anak.
Sa Kanyang Ina
Narrator: Si Manuel de Quintos ang naging asawa ni Regina Ursua kung saan sila ay nagkaroon ng anak na babae na
nagngangalang Brigida de Quintos. Si Brigida ay nagkaroon ng kabiyak at ito ay si Lorenzo Alberto Alonzo na kung
saan sila ay biniyayaan ng dalawang anak. At is rito si Teodora Alonzo Realonda.
Pagkabuo ni Pepe
Narrator: Si Francisco at Teodora ay nagkakilala. Niligawan ni Francesco si Teodora at palaging niya itong dinadalaw
sa kanilang bahay.
(sa daan)
Francisco: Teodora, ngayong matagal na tayong magkakilala at halos limang buwan na kitang nililigawan,
may gusto sana akong sabihin sa iyo.
Francisco: Nais ko sanang ikaw ay pakasalan, at akoy mamamanhikan sa inyo kasama ang aking ina’t ama.
Kung iyong mararapatin.
Francisco: Aba’y oo Teodora, ikaw ay aking mahal na tunay, wala na akong hihilingin pa kung di ang ika’y
makapiling tuwina.
Narrator: At hindi nag tagal ay nagpakasal ang dalawang magsingirog at sila ay biniyayaan ng labing isang anak. Ang
kanilang panganay ay si Saturnina, na sinundan ni Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa,
Trinidad at Soledad ang bunso sa labing isang anak. Si Jose o Pepe ay ang ika pitong anak ng mag asawa.
Kabanata Dalawa
Narrator: Sa isang napakaperpektong gabi kung saan may isang malaking buwan na nakaagaw sa atinsyun ng mga
tao, kasabay noon ay isinilang ang isang bata. Ang lahat ay nabigla dahil sa kanyang kaibahan; siya ay mayroong
malaking ulo na malimit makita sa kanilang bayan. At ang batang ito ay pinangalanang Jose Protacio Rizal Mercado y
Alonzo Realonda o Pepe.
Francisco: Teodora, kaya mo yan, ako’y naririto lamang sa tabi mo, mahal ko, kayanin mo..
Teodora: ahhhhhhhhhhhhhhhhh
Teodora: (maluha-luha)
Narrator: Naging mahirap ang kapanganakan ni Teodora kay Pepe dahil na rin sa laki ng ulo ng bata, at muntik na ito
ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Narrator: Noong ika-22 ng Hunyo 1861 ay bininyagan ang batang si Pepe. Si Padre Rufino Collantes angnagbinyag sa
kanya.
Makalipas ang tatlong taon, si Pepe ay tatlong taong gulang na. Siya ay tinuruan ni Doña Teodora na bumasa
ng alpabetong tagalong, espanyol at ingles. Natutu din siyang magdasal ng kanyang sariling dasal.
Pepe: a, ba, ka, da, e, ga, ha, I, la, ma, na, pa, ra, sa, ta, o, wa, ya.
Teodora: Magaling aking anak, ikaw ay matalino, walang duda. Kaya’t tayo na ay matulog.
Pepe: Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo, Amen. Ama, salamat pos a biyayang ibinigay ninyo sa amin.
Salamat sin pos a magandang kalusugan n gaming pamilya, sana po ipagpatuloy pa ninyo ang pagbibigay sa amin ng
gracia. Amen.
Narrator: Kinabukasan, matapos ang kanilang hapunan, minabuti ni Doña Teodora na basahan si Pep eng isang aklat
na kanya ng kinaugalian. Amigo de los Ninyos ang pamagat ng kwento.
Teodora: Ang mga bata ay naghahabulan at nadapa………… (napatingin si Doña kay Pepe) Pepe, ikaw ba ay
nakikinig?
Teodora: (tagclose ang book) Anak, alam mo ba ang pabulang tungkol sa gamo-gamo?
Narrator: Ipinaliwanag ni Doña Teodora kay Pepe na namatay ang batang gamo-gamo dahil na rin sa ito’y lumapit sa
apoy. Na sinabihan ito ng inang gamo-gamo na huwag lumapit sa lampara, kasi masusunog ang kanyang pakpak.
dahil na rin sa katigasan ng ulo ng batang gamo-gamo, unti-unting nasunos ang pakpk nito at namatay.
Pepe: Pero ina, ako po ay bata at matapang, bakit kop o pipigilan ang aking sarili sa pag-abot sa aking
gusto? Gaya ng gamo-gamo, naakit siya sa apoy kaya siya ay namatay. Kaya kung gusto ko pong makahanap
ng mga sagot sa aking mga katanungan, kinakailangan ko pong mamatay, gaya ng gamo-gamo.
Narrator: Ang pangangatwirang iyon ni Pepe ay kanyang naging inspirasyon hanggang sa siya ay lumaki. Sa kabila ng
pagiging matanungin ni Pepe, may takot pa rin siya sa Poong Maykapal.
Francisco: Mahal ko, mga anak, ala sais na. Tayo nay mag rosary. (Nagtipon-tipon ang mag-anak sa sala at
nagrosaryo)
(SOUNDS)
4
Narrator: Sa kadahilanang siya ay may malakas na pananalig sa Poong Maykapal, noong siya ay apat na taong gulang,
ay namatayang kanyang pinakamalapit na kapatid na si Concepcion. Kinuwestyun niya ang Pangninoon kung bakit
ang kanyang kapatid pa ang namatay.
Francisco: Anak tanggapin mo na ang mga pangyayari, dahil wala na tayong magagawa pa.
Narrator: Ang insidenting iyon ay nag-iwan ng malaking pighati sa murang isip at damdamin ni Pepe.
Narrator: Makalipas ang maraming buwan, sa taon ding iyon, binigyan si Pepe ng pribadong tagapagturo ng kanyang
inang si Doña Teodora. Si Maestro Celestino, para sa kanyang pagbasa, pagsulat relihiyon at sa asignaturang
matimatica. Sumunod si Maestro Lucas Padua para sa sa pagtuturo sa mga “basics” ng lengwaheng latin at Spanish.
At pang huli si Maestro Leon Monroy na nag turo patungkol sa pagpapahalaga ng sining.
Maestro Celestino: Mahusay, marunong kanang bumasa at magsulat. Higit pa riyan ang pagiging listo mo sa
matematica at relihiyon. Sa tingin ko, wala na akong maidaragdag sa iyong kaalaman.
Maesto Monroy: Mahilig ka ngang tunay sa sining, ang pag iiskultur, pag pipinta at higit sa lahat sa pag susulat lalo
na ng mga tula.
Pepe: Maraming salamat po mga maestro. Ngunit ako po ay nababahala sa aking kaalaman patungkol sa lengwaheng
spanyol at latin, hindi ko pa po sila masyadong kabisado.
Maestro Padua: Mag-alala ka ay wag mong gawing, pagkat sa edad mong ito ay ang panahon kung saan ka
mamumukadkad at matututo ng marami.
Narrator: Sa mga araw na lumipas, napagdisisyonan na ni Francesco na kailangan na ni Pepeng pumunta sa isang
paaralan, ngayong namatay na si Maestro Monroy. Kaya noong Hunyo, 1869, lingo ng hapon ay pinapunta na si Pepe
sa Biñan na inalalayan ni Paciano.
Francisco: Kailangan na ng anak nating pumasok sa paaralan, Teodora, hindi pwedeng dito nalang siya sa
ating bahay palagi.
Francisco: Oo Paciano, ihatid mo ang kapatid mong si Pepe sa Biñan, doon na siya mamamalagi muna dahil
doon na siya mag aaral.
5
Narrator: Kinalaunan ay nag lakbay na sina Paciano at Pepe patungung Biñan, Laguna. At matapos ang ilang oras na
pag lalakbay ay dumating na sila.
KABANATA TATLO
Narrator: Si Pepe ay na pumasok sa paaralan na pinamumunuan ni Maestro Justiniano Aquino Cruz. At agarang nag
simula ang kanilang “klase”.
Justininiano: Ikaw, jose, maliit ka na ngang bata, maliit pa yang mga alam mo. Tunto!
Narrator: Sa Biñan naranasan ni Pepe ang hindi niya naranasan sa kanilang bahay, at ito ang kanyang pinakaayaw sa
lahat, ang tinatawag na corporal punishment o ang pamamalo sa mga estudyanteng may kasalanan o may ginawang
hindi tama.
Pedro: Bahala na kung bangus, kaysa sa saiyo chungo, maitim, kunti ang alam at pandak!
(WARRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR)
(Palo)
Narrator: Dinagdagan pa ni ito Pedro, ang kanyang pinakamortal na kaaway noon, na anak ni maestro Justiniano.
Bagamat mapait ang kanyang mga karanasan dito, may nagawa parin siyang magagandang bagay gaya ng pagsulat ng
kanyang pinakaunang tula na pinamagatang “Sa aking mga kabata” na naglalayung magkaroon ng sariling “identity”
ang mga Pilipino at maging mapagmahal sa sariling wika. Bilang si Pepe ay nagpatuluy sa pag-aaral sa Biñan ng isang
taon at kalahati, siya ay nangibabaw sa lahat ng mga kabataan na taga Biñan sa pang-akademiko. Na daig niya ang
lahat, sa espanyol, latin, at sa iba pa nilang mga asignatura.
Justiniano: Ang pinakamagaling na studyante sa taong ito ay si Pepe, sa pagpapakita ng kanyang listo sa akademiko.
Saturnina: Mahal kong kapatid, may nais akong ibigay sa iyo. Ngunit tumungo muna tayo sa bahay at
doon ko ito ibibigay.
Pepe: Opo mana neneng, subalit bago tayo tumungo sa bahay, patnugutan niyo po akong tumungo muna sa
simbahan para makapagdasal.
Narrator: Araw-araw itong ginagawa ni Pepe; mula sa kanilang bahay, patungo sa kanilang eskwelahan, at pakikinig
ng misa sa alaas kwatro at uuwi sa bahay ng alas dyes.
(Music)
Saturnina: Pepe, dumating na ang sulat na nagsasaad na maari ka nang pumunta sa Calamba.
Pepe: (happy) Talaga mana Neneng, ako’y lubos na nag papasalamat at nagagalak.
Narrator: Dec. 17, 1870, araw ng kanyang pag-alis patungong calamba, kumoha siya ng isang bato sa ilog at itinabi
ito.
Pepe: Ito ang aking salimsim dito, mangangako akong hinding hindi na ako babalik sa lugar na ito.
Narrator: Inalalayan siya ni Arturo camps, kaibigan ni Don. Francesco, sa kaniyang pagpunta sa Calamba.
At dito na nagtatapos ang aming dula, sana po kayo ay natuwa sa aming simpling programa. At nakita ninyo
ang mga kabuluhang aral na nais naming ihatid sa inyo gamit ang buhay ni Jose o Pepe.