Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BANAL NA MISA AT RITO NG PAGKUKUMPIL

Marso 21, 2015


PAROKYA NG PAGKABUHAY
Bagbag, Novaliches, Quezon City

PAUNANG SALITA
Magandang umaga po sa inyong lahat!
Tayo ngayon ay natitipon upang dumulog sa ating
Ama at kay Hesukristo na kanyang anak upang hilingin
ang mga kaloob ng Espiritu Santo. Ang ating
pagkakaisa ngayon ay isa sa mga kaloob ng Espiritu
Santo na siyang sanhi ng ating pagkakabuklod-buklod
sa puso at damdamin na may pagtutulungan,
pagmamalasakit at habag sa bawat isa.
Bilang isang sambayanan ng Diyos; Halina’t sama-
sama tayong manalangin para ating mga kapatid na
tatanggap sa Sakramento ng Kumpil upang maging sila
ay mapuspos sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.
Sa pagdiriwang na ito, buksan natin ang ating mga
puso at isip sa inspirasyon ng Espiritu Santo na
sumasaatin at nagpapa-alala sa mga itinuro at ginawa
ni Hesus para sa ating lahat.
Ang mamumuno po sa ating pagdiriwang ngayon ay
ang ating butihing Obispo; Lubhang kagalang-galang
Antonio R. Tobias D.D at ang ating kura-paroko Reb.
Padre. Noel O. Flaviano SS.CC kasama (sina) si Reb.
Padre. Agustinus Suwondo SS.CC.
Magsitayo po ang lahat at buong galak na sumabay
sa pambungad na awit.

You might also like