Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

19-22 Suriin ang hinihingi ng bawat halimbawa

A. human act b. Acts of man c. Universability d. Reversibility

19. Paghinga, pagkurap ng mga mata, paghihikab


20. Nakita ni Maine na may nakasulat na pangalan at seksyon ang loob ng pitak na kanyang napulot sa canteen
kaya’t walang pag-aatubiling isinauli niya ito sa mag-ari.
21. Buong pusong nakiramay si Aling Cedes sa kanyang kapitbahay na namatayan ng anak. Hindi niya
akalaing napakaraming bubuhos na tulong at pakikiramay ang kanyang matatanggap mula sa mga
kapitbahay nang siya naman ang biglaang namatayan ng asawa.
22. Isang pangkalahatang batas at sang-ayon sa Likas na Batas Moral na kasalanan ang pumatay, anumang lahi,
kalagayan o katayuan sa buhay, walang karapatan ang sinuman na pumatay ng kanyang kapwa.

23-25 Tukuyin ang uri ng kilos ayon sa kapanagutan o accountability


A. Kusang-Loob b. Di kusang-loob c. walang kusang-loob

23. Batid ni Bea Bianca na masama ang magnakaw subalit labag man sa kanyang kalooban, pinatungan niya
ang mga presyo ng mga gamit na binili para sa kanilang opisina dahilsa utos ng kanyang supervisor at sa
pagbabanta nito na siya at tatanggalin sa trabaho kung hindi niya ito gagawin.

24. Bagamat si Juan ay isa lamang janitor sa isang kompanya, tapat itong tumutupad sa kanyang tungkulin
tulad ng pagpasok sa tamang oras, maayos na paglilinis at paglilingkod sa kompanya, at pagtulong sa mga
empleyado nang buong katapatan.

25. Nagulat si Clark nang nagalit sa kanya ang isang dalaga at sinabing binabastos niya ito sa kanyang
pagkindat. Si Clark ay may mannerism ng pagkindat ng kanyang kanang mata na alam ito ng mga
nakakakilala sa kanya, kaya’t nagulat si Clark sa binibintang ng dalaga dahil para sa kanya ay wala siyang
ginagawang masama.

41-45 Suriin ang bawat sitwasyon at tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa makataong kilos.
A. Kamangmangan b. Masidhing damdamin c. Takot d. karahasan e. gawi

41. Dahil sa pangambang mapag-initan ng mga sigang kaklase, napipilitan si Donny na magsinungaling at
pagtakpan sa guro ang mga nag-cutting classes na mag-aaral. Sinabi niyang inutusan ito ng kanilang
adviser kahit na ang totoo ay lumabas ang mga kaklase niya para maglaro sa computer shop.

42. Nasanay si Joshua na maging ekspresyon ang pagmumura at masasamang salita sa tuwing nagugulat o
nagbibiruan kasama ang mga kaibigan. Galit na galit si Bb. Concepcion nang napamura nang malakas si
Joshua sa gitna ng talakayan. Katwiran niya, biglang nahulog ang kanyang cellphone kaya napamura siya,
ngunit alm ng kanyang mga kaklase na ekspresyon na niyang lagi ang pagmumura.

43. Sa sobrang kagalakan ni John Lloyd dahil sa pagkapasa niya sa Bar Exam ay bigla niyang nayakap ang
katabi niyang babae na si Ellen. Nagulat si Ellen sa kanyang ginawa..

44. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Sinabi ng tindera na
walang barya na maaaring ipalit sa kanyang
pera, ngunit ang totoo, mayroon namang barya dahil maraming benta ang tindahan. Nagsinungaling ang
tindera.

45. Biglang sinugod at sinuntok ng isang di kilalang lalake si James habang siya ay naglalakad pauwi sa
kanilang bahay. Napilitan siyang tadyakan at gantihan ng suntok ang lalake upang ipagtanggol ang
kanyang sarili. Nang mapuruhan niya ito ng suntok,saka siya nagmadaling umalis.

46-50 Alamin ang yugto ng makataong kilos sa bawat pangyayari.

A. Pagkaunawa sa layunin
B. Masusing pagsusuri ng paraan
C. Praktikal na paghuhusga sa pagpili
D. Paggamit
E. Bunga
46. Dahil sa kanyang pagsisikap sa pag-aaral ay naging Top 1 siya sa klase.

47. Pinili ni Julie na mag-aral nang mabuti at gawin ang tungkulin bilang isang mag-aaral nang may katapatan
dahil naniniwala siya na ito ang tama at mabuting paraan sa pag-abot sa kanyang mithiin.

48. Matagal nang ninanais ni Julie na mapabilang sa Top 10 ng kanilang klase.

49. Gamit ang sipag, tiyaga at talino, isinagawa ni Julie ang tamang paraan upang makamit niya ang layuning
makasama sa Top 10 ng klase.

50. Maraming paraan upang mapabilang si Julie sa Top 10. Maaari siyang mag-aral nang mabuti at gawin ang
kanyang tungkulin bilang isang mag-aaral nang buong katapatan. Maaari din naman na siya ay mangopya,
gumawa ng kodigo o kopyahan habang kumukuha ng pagsusulit, at maging malapit sa kanyang mga guro
upang makakuha ng pabor mula sa kanila. Sinuri ni Julie ang mga paraang kanyang naisip.

You might also like