Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Pananaliksik

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Ang pananaliksik[1] ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa
ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa
pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na
pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos,
at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan,
dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa
ng mga mamamayan.

Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema
o suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik[2] ng mga kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano
ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman. Maaaring naghahanap-
buhay ang isang tagapagsaliksik o tagasaliksik[2] sa isang klinika, laboratoryo, o kaya isang planetaryo. May mga mananaliksik
na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral
hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para pag-aralan ang sanlibutan.[3]

Mga nilalaman
Kasaysayan
Mga gawain
Mga paraan
Mga uri
Mga pangunahing uri
Iba pang mga uri
Mga sanggunian

Kasaysayan
Isinilang ang gawaing pananaliksik ng magsimulang magtanong ang mga naunang mga tao sa mundo hinggil sa mga bagay-bagay
at nagsimula ring maghanap ng mga kasagutan para sa mga katanungang ito. Halimbawa ng mga ito ang mga lumikha ng gulong
at ang mga nagsipagtala ng mga paggalaw ng mga bituin ng kalangitan. Subalit nagsimula lamang ang tunay na makabagong
gawi sa pagsasaliksik dahil kay Galileo Galilei noong mga 1500.[3]

Mga gawain
Kabilang sa mga pangunahing gawain sa pagsasaliksik ang mga sumusunod: pagsusukat o pagsusuri ng mga kaganapan o
kababalaghan, paghahambing ng nakuhang mga resulta, at ang pag-unawa o pagpapaliwanag ng mga resulta ayon sa mga
pangkasalukuyang kaalaman kabilang ang mga nakapagbabagong sangkap, na maaaring makaimpluwensiya sa resulta.
Mga paraan
Upang makapagsaliksik, nagpupunta ang isang mananaliksik sa mga aklatan,
museo, laboratoryo nakikipanayam sa mga dalubhasa, at nangongolekta ng mga
opinyon sa mga mamamayan. Sa simula, nagbabasa sila ng sangguniang mga
aklat na naglalaman ng pangkalahatang kaalaman o may tiyak na mga paksa,
katulad ng talahuluganan, ensiklopedya, taunang-aklat, atlas, mapa, globo, at
indeks. Nagsisimula ang isang mananaliksik na alamin muna o ganap na
unawain ang kaniyang napiling paksa, katanungan, o napiling suliraning ibig
tugunin. Mula sa mga aklat na pangsanggunian, inaalam niya ang mga pang-
alalay na mga paksang kaugnay ng pangunahing paksa.[3]

Mga uri
Kay Galileo nagsimula ang
makabagong gawi sa pananaliksik.
Mga pangunahing uri
Kabilang sa mga pangunahing uri o gawi sa pananaliksik ang payak at nilapat na
pananaliksik:[3]

Basiko o payak na pananaliksik

Tinatawag din itong puro o pundamental na pananaliksik na isinasagawa sa mga


laboratoryo o klinikang pang-eksperimento.

Nilapat na pananaliksik

Ito ang paglalapat ng mga kaalaman sa mga gawaing pampananaliksik, o paggamit


ng mga kaalaman sa pananaliksik na magagamit para sa pagpapaunlad ng lipunan.
Kabilang dito ang mga protokol (protokolo) o mga sinusunod at tinutupad na paraan
sa mga pananaliksik na klinikal.

Iba pang mga uri


Kasama rin sa mga uri ng pananaliksik ang mga pang-akademya, pang-agham, pampamilihan, pang-edukasyon,
pangkasaysayan, pangwika, at may pag-uugnayan ng mga disiplina:[3]

Pang-akademya

Iba ito sa pananaliksik na pangedukasyon sa ibaba sapagkat isinasagawa ito ng


mga mag-aaral, hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik. Nagsasaliksik ang
mga estudyante upang makapagsulat ng mga takdang-aralin, sa pamamagitan ng
pagbabasa ng maraming bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa, at nagtatala
sila sa kanilang mga talaan. Ginagamit din ang gawing ito ng mga manunulat ng
mga hindi kathang-isip na mga manuskrito o akda, upang maging tama ang
kanilang mga impormasyong ginagamit sa pagsusulat.

Pang-agham

Tinatawag din itong Isang pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik ang makaagham


na metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang mapainam ang mga pagkaunawasa
mga larangan ng biyolohiya, at iba pa. Dahil sa pang-agham na gawi ng
pagsasaliksik, maaaring maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot
na panglunas ng mga karamdaman, ang paglalang ng mga mas hindi-mapanganib
na mga sasakyan, at kung paano makapag-aani ng mas maraming mga pagkain sa
mga bukirin. Nagmumula sa mga pamahalaan, mga pribadong korporasyon, at mula
sa nagbibigay-kusang mga samahan ang suportang pampananalapi sa ganitong uri
ng mga pananaliksik.

Pampamilihan

Isa itong sangay sa larangan ng sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at sinusuri sa


pananaliksik na pangmerkado o pangmarket ang kung ano ang mga bagay na
binibili ng mga tao at kung paano sila naglilibang pagkatapos ng kanilang mga
trabaho.[3]

Pang-edukasyon

May kaugnayan sa pagsusuri kung paano natututo ang mga tao sa ganitong uri ng
pananaliksik, partikular na sa mga paaralan.[3]

Pangkasaysayan

Sinusuri rito ang lahat ng uri ng mga dokumentong katulad ng mga personal na
talaan, mga liham, mga batas, mga resibo, mga sertipiko ng pagpapatibay, mga
pahayagan, mga magasin, mga aklat, at mga kasangkapang tulad ng mga alahas,
mga aparato, at mga kagamitang pantahanan. Ginagamit ito ng mga arkeologo.[3]

Pangwika

Tinatawag din itong pananaliksik na lingguwistiko sapagkat pinag-aaralan ang kung


paano ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika, ang mga tunog sa wikang
sinusuri, at maging ang pag-iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mga
mamamayang nasa isang pook.[3]

Sa mga disiplina

May isinasagawa ding mga pananaliksik na nagkakaugnayan ang iba't ibang


larangan ng mga kaalaman. Kasama sa pangmakadisiplinang pananaliksik ang
multidisiplinaryo, interdisiplinaryo, at transdisiplinaryo. Sa antas na pang-
multidisiplinaryo o maramihang mga larangan, isinasagawa ang pagsusuri mula
sa iba't ibang mga anggulo, at ginagamitan ng sari-saring mga pananaw ng mga
larangan, ngunit hindi nagkakaroon ng pagsasanib. Sa interdisiplinaryo o sa
pagitan ng mga larangan, nililikha ang isang katauhan ng metodolohiya o
pamamaraan, isang identidad ng panukala (teoriya) o konsepto (diwa), na
nagdurulot ng mas pinagsanib at mauunawaang mga resulta. Samantala, mas
lumalaktaw sa mga gawi ng mga naunang may-ugnayang panlarangang
pananaliksik ang transdisiplinaryo o nagpapalitang (nagsasanib na) mga
larangan: sapagkat nagsasanib ang mga larangan o disiplina, kabilang ang
pagkakaisa ng mga epistemolohiya, partikular na ang Panukala ng mga Agham
Pantao o Teoriya ng Agham Pangtao.

Mga sanggunian
1. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Pananaliksik, manaliksik, research". The New Filipino-English / English-
Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.
2. "Saliksik". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.
3. "Research, basic and applied research". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier
Incorporated. 1977.

Kinuha mula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Pananaliksik&oldid=1712518"

Huling pagbabago: 07:41, 8 Agosto 2019.

Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-Alike; maaaring mailapat ang
karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa mga detalye.

You might also like