Araling Panlipunan 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Second Quarter Exam, First Semester

S.Y 2019 - 2020


Araling Panlipunan 8

MARAMIHANG PAGPILI: Basahing maiigi ang tanong at sa isulat sa sagutang papel ang titik
ng wastong sagot.

1. Ito ang kauna-unahang sibilisasyong Aegen na nagsimula sa Crete.


a. acropolis b. arena c. kabihasnang minoan d. Knossos
2. Ito ay isang makapangyarihang lungsod na sumakop sa buong Crete.
a. arena b. Doris c. kabihasnang minoan d. Knossos
3. Siya ang maalamat na hari na sinasabing nagtatag ng kabihasnang minoan.
a. Minos b. Philip c. Pisistratus d. Solomon
4. Ito ay matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean.
a. Clovis b. Dorian c. Pericles d. Mycenaea
5. Ito ay isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo an mga Mycenaean.
a. Attica b. Dorian c. Minoan d. Polis
6. Ito ay isang pangkat ng tao na mayroon din kaugnayan sa mga Mycenaean na tumungo sa timog ng Greece.
a. Attica b. Ionia c. Minoan d. Pericles
7. Ang polis ay hango sa salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at ____________.
a. paaralan b. pagkakaisa c. pagmamahal d. politika
8. Dito matatagpuan ang matatayog na palasyo at tempol kung kaya’t ito ay ang naging sentro ng politika at
relihiyon.
a. acropolis b. agora c. attica d. satrap
9. Ito ay napapaligiran ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay-daan sa malayang bilihan at
kalakalan.
a. acropolis b. agora c. attica d. satrap
10. Ito ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece.
a. attica b. ceramics c. polis d. tyrant
11. Ano ang pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta?
a. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa bawat tao.
b. Magkaroon ng libreng edukasyon sa mga tao sa kanilang lungsod.
c. Hikayatin ang mga kababaihan na mag-aral sa mga pribadong paaralan.
d. Magkaroon ng kalalakihan at kababaihang walang kinakatakutan at may malalakas na
pangangatawan
12. Noong 600 BCE, ang mga Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na
tinatawag na _________.
a. Attica b. Crete c. Knossos d. Mycenaea
13. Siya ay isang heneral na inihalal ng mga kalalakihang mamayan ng Athens.
a. Attica b. Ionia c. Minoan d. Pericles
14. Ito ay mahalaga sa mga Athenian.
a. edukasyon b. kalayaan c. kalikasan d. pagmamahal
15. Sinasanay ang kalalakihan sa loob ng military ng 2 taon sa edad na ______.
a. 18 b. 20 c. 14 d. 25
16. Ito ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Athenian.
a. pangangaso c. pangingisda
b. pagkuha ng mga ginto d. pagsasaka
17. Ito ay pinakamagandang templo na gawa sa marmol.
a. Athens b. Collossus c. Doric d. Parthenon
18. Inihandog nina Ictinus at Calicrates ang templong gawa sa marmol kay Athena, ang diyosa ng _________.
a. kagandahan b. karunungan c. kasipagan d. katalinuhan
19. Siya ay kilala bilang Ama ng Biyolohiya.
a. Aristotle b. Hippocrates c. Plato d. Socrates
20. Anong taon nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian laban sa patrician?
a. 494 BCE b. 451 BCE c. 31 BCE d. 509 BCE
21. Ang lugar na ito unang nagsagupaan ang Rome at Greece.
a. Heraclea c. Tiber
b. Meditteranean d. Tyre
22. Ito ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala.
a. Copan Yucatan c. Tikal
b. El Mirador d. Peninsula
23. Ito ang sentro ng bawat lungsod na ang itaas na bahagi ay dambana para sa diyos.
a. palasyo b. pyramid c. simbahan d. templo
24. Ito ay angkop sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztect.
a. chinampas c. templo
b. floating garden d. tenoctitlan
25. Siya ang pinkamahalagang diyos na kinikilala ng mga Aztec.
a. Huitzilopochtli b. Quetzalcoatl c. Tlaloc d. Tenochtitlan
26. Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhinyero at tagapagpatayo ng mga dam, sistema ng irigasyon,
pamilihan at _________
a. Hospital b. kanal c. paaralan d. simbahan
27. Natigil ang pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica dahil sa pagdating ni _____.
a. Francisco Pizzaro c. Huayna Capac
b. Hernando Cortez d. Tupac Amaru
28. Anong taon tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan?
a. 1521 b. 1553 c. 1972 d. 1851
29. Ito ay matatagpuan sa Andres Mountains sa timog bahagi ng Amazon river.
a. Chimor b. Lake Titicaca c. Pachakuti d. Prairie at steppe
30. Ang salitang ito ay nangangahulugang “imperyo”
a. Capac b. Chimu c. Inca d. Topa
31. Noong 1438, pinatatag niya ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong
estado.
a. Aristotle b. Cusi Yupagqui c. Huayna Capac d. Plato
32. Pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile.
a. Cusi Yupagqui c. Huitzilopochtli
b. Huayna Capac d. Topa Yupanqui

33. Ano ang kahalagahan na ipinapakita ng larawan sa itaas sa kasaysayan ng Rome?


a. Malikhain ang ambag ng mga Roman sa sining.
b. Nagmula ang mga Roman sa isang makapangyarihang lobo.
c. Ang larawan ay simbolo ng diyos na sinasamba ng mga Roman.
d. Ipinapakita ng larawan ang alamat kung paano nagsimula ang Rome.
34. Ang unang kabihasnang nabuo sa Crete ay tinawag na Minoan na yumaman sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
a. Napakalakas ang sandatahang-panlakas ng Minoan.
b. Napapalibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
c. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
d. Napapalibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito
35. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na malaya at may sariling pamahalaan.
Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwa-hiwalay na lungsod-estado ng Greece?
a. Iba-iba ang pinagmulan ng mga sinaunang pamayanan ng Greece
b. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe na isang mabundok na
lugar.
c. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece na nagging dahilan ng iba’t ibang kabihasnang umusbong
dito.
d. Mahahaba ang mga daungan ng Greece na naging dahilan ng pagkakaroon ng maraming
mangangalakal sa bawat lungsod-estado.

Suriin ang larawan:

36. Makikita s larawan ang mga patunay na mataas na kaalaman ng mga Greek sa larangan ng Astronomiya.
Anong konklusyon ang maaring mabuo batay sa larawan?
a. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya
b. Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya mula sa Roman
c. Naitatag ng mga Greek and pundasyon ng kaalaman sa Astronomiya noong Panahong Hellenistic
d. Nagsilbing batayan ng kaalaman sa Astronomiya ng mga Greek ang paniniwala sa iba’t ibang diyos

Suriin and pahayag:

“Our constitution is our democracy because the power is in the hands not of a
minority but of the whole people. When it is a question of settling private
disputes, everyone is equal before the law:…”

37. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?


a. Nasunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang demokrasya
b. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa
c. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanila saloobin laban sa pamahalaan
d. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang demokrasya
Unawain at basahin ang comic strip

38. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ng mga tinutukoy na karakter sa comic strip tungkol sa piyudalismo?
a. Ito ay ugnayang panlipunan sa pagitan ng hari at ng kanyang sinasakupan
b. Ito ang sistemang sosyo-politikal na ang batayan ng kapangyarihan at pagmamay-ari ng lupa
c. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na ipinatupad sa Europe noong panahon ng Medieval
d. Ito ay naglalarawan sa paraang ginamit ng mga hari sa Europe noong Panahong Medieval
upang mailigtas and kaniyang teritoryo

Suriin ang kasunod na larawan:

39. Batay sa larawan, ano ang pangunahing kabuhayan sa loob ng isang Manor?
a. Pakikipagkalakaran
b. Pagsasaka
c. Paglilingkod sa may-ari ng lupa
d. Paggawa ng iba’t ibang ksangkapan
40. Ang madalas na pagsalakay ng mga barbafro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe.
Dahil dito, hinangad ng lahat ang proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.”Ano ang
ipinapahiwatig ng pahayag?
a. Magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro
b. Ang sistemang piyudalismo ay sagot sa kahirapan ng mga tao
c. Sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghangad ng proteksyon
d. Mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga pangkat barbaro
41. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri: pari, kabalyero, at serf. Alin sa
mga sumusunod and naglalarawan sa serf?
a. Itinuturing silang natatanging sector sa lipunan
b. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
c. May Karapatan at Kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya
d. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya

42-50. ESSAY
42-44. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sap ag-usbong ng Rome bilang isang matatag na lungsod?

45-47. Anong katangiang-heograpikal ng Tenochtitln ang nagbigay-daan upang ito ay maging


sentrong pangkalakalan sa Mesoamerica noong sinaunang panahon?

48-50. Sa kasalukuyan, bakit mahalaga ang maayos na Sistema ng transportasyon?

GOOD LUCK!

Prepared by:

IRENE T. DAUS
Subject teacher

You might also like