Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas )

Lungsod ng Pasay ) s.s

MAGKASAMANG SALAYSAY

Ako po si Vanessa Joy Gonzales Armas, hustong gulang maybahay ni PSMS


Earl Paul Faigao Armas at nakatira sa 174 St. Anthony Phase 1, Bgy. Inarawan,
Antipolo City, matapos makapanumpa sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas ay
nagsasaad ng mg sumusunod;

Na ako po ay nagsasalaysay para po sa nalalaman ko sa pagkakawala ng issued


firearm ni PSMS Armas;

Na noong umaga ng ika 8 ng Hulyo 2019, habang kami po ay nag aayus ng mga
gamit sa 9 Batino Street, Bgy. Amihan, Quezon City para ilipat sa Bgy. INarawan kung
saan kami ay tityra, nakita ko po na ang nasabing baril (Kitty Kat) ay inilagay nya sa isang
malaking dapple bag na kulay itim kasama ng mga magazine nito, titulo ng bahay at iba
pang importanteng dokumento;

Na matapos naming iligpit ang mga gamit, ang nasabing dapple bag ay nakita
kong isinakay nila sa likod ng jeep na inarkila ni PSMS Armas na may plate no. na DFV
720;

Na matapos nilang maisakay ang lahat ng gamit sa jeep sila po ay umalis na


patungong Antipolo City;

Na mga bandang 10:30 ng umaga ng nasabing petsa, tinawagan po ako ni PSMS


Armas na nawawala ang kanyang baril at iba pang gamit at inutusan niya akong tignan
kung may mga gamit pa na naiwan sa inalisan naming bahay, ngunit wala ang mga gamit
na nawawala sa lugar na iyon kaya agad ko siyang tinawagan para impormahan siya;

Na ang nasabing baril na nawawala na may pagkakakilanlan na 5.56mm DPMS


Panther Arms (Kitty Kat) Riffle with serial no. M005217 ay agad nilang hinanap ni Joel
Armas Gentilezo, na siyang nag maneho ng nasabing jeep.

Na ang nasabing baril ay iningatan ni PSMS Armas na hindi ito mawala sa


mahabang panahon at naniniwala ako na ang pagkakawala ng nasabing baril ay isang
aksidente at hindi sinasadya.

Ako po si Joel Armas Gentilezo, hustong gulang, pinsan ni PSMS Earl Paul F
Armas at nakatira sa 174 St. Anthony Phase 1, Bgy. Inarawan, Antipolo City, matapos
makapanumpa sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas ay nagsasaad ng mga
sumusunod;

Na ako po ay nagsasalaysay para po sa nalalaman ko sa pagkakawala ng issued


firearm ni PSMS Armas;

Na noong mga bandang 8:00 ng umaga Hulyo 8, 2019, ako po ay katulong ni


PSMS Armas na mag ayus ng aming mga gamit sa 9 Batino Street, Bgy. Amihan, Quezon
City para po ilipat sa aming titrhan na bahay sa 174 St Anthony Phase 1, Bgy. Inarawan,
Antipolo City;

Na habang nagliligpit kami ng gamit, nakita ko po na may inilagay na mahabang


baril si PSMS Armas sa isang malaking bag (Dapple Bag) na itim kasama ng mga iba’t
ibang dokumento;

Na matapos po kaming magayus ng mga gamit, isinakay na po naming ito sa isang


jeep na may Plate No. DFV 720 na inarkila ni PSMS Armas;

Na ako po ang nagmaneho ng nasabing jeep at si PSMS Armas naman po ay


umupo sa aking tabi sa harap sapagkat puno na po ang ang likod ng jeep ng mga karton,
sofa at iba pang mga gamit kasama ng nasabing itim na bag kung saan nakalagay ang
nawawalang baril ni PSMS Armas;

Na noong mga bandang 10:30 ng umaga ng nasabing petsa, kami po ay dumating


sa basketball court ng Barangay Inarawan kung saan naming ibaba ang mga gamit, doon
din po naming Nakita na nawawala na ang ibang gamit namin sa jeep kung saan kasama
sa nawawala ang itim na bag na pinaglalagyan ng baril ni PSMS Armas;

Na nung Makita namin na nawawala na ang ibang gamit agad naming ibinaba ang
mga natirang gamit at gad kaming bumalik sa aming dinaana para hanapin ang mga
gamit na Nawala, ngunit wala na kaming Nakita;

Bukod sa aming paghahanap, si PSMS Armas ay nagtanong tanong sa mga tao


na posibleng nakakita pero ito ay walang nagawa;

Matapos kaming maghanap inutusan ako ni PSMS Armas na ikutan ang mga
posibleng lugar sa Antipolo City na pagdadalhan ng mga gamit at siya naman po ay
pupunta sa Barangay Hall ng Inarawan at irereport na ang nangyareng insidente;

Na matapos po siyang magreport sinundo ko na po siya sa nasabing barangay


hall at nagpunta naman po kami sa Antipolo Police Station para ireport ang nsabing
insidente;

Na lahat po ng paraan hangang sa mga panahon na ito ay hinahanap pa rin po


naming ang nasabing mga gamit at hindi po kami titigil hangat hindi ito nakikita;

Na ang nasabing baril na nawawala na may pagkakakilanlan na 5.56mm DPMS


Panther Arms (Kitty Kat) Riffle with serial no. M005217 ay Nawala [po ng hindi namin
sinasadya at d kagustuhan;

Na ang pagkakakilala ko po kay PSMS Armas ay maingat at hindi nagppabaya sa


kanyang gamit at obligasyon, ang insidente po ay nagktaon lamang at di sinasadya.

BILANG PATUNAY lalagdaan namin ang aming salaysay ngayong ika- ___ ng
__________ 2019 sa ________________.

Vanessa Joy G. Armas Joel A Gentilezo


Nagsalaysay Nagsalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa aking harapan ngayong ika-___ ng


__________ 2019, sa ___________________.

Notary Public

You might also like