Agrikultuta

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

‘Estado ng agrikultura’

FACT: Sektor ng agrikultura sa Pilipinas, naglalaho na.

Tumatanda na ang mga magsasaka. Ang kanilang mga anak nawawalan na ng gana. Ayaw
nang sumunod​ sa yapak ng kanilang mga magulang. Tumatak na sa kani​lang isipan ang
pagpapabaya ng mga nakaraang admi​nistrasyon.

Sila na ang pinakamahirap na sektor sa lipunan, ang gobyerno wala pang katiyakan sa mga
literal na ‘hampas-lupang’ mas mahirap sa daga. Kaya ang iba, ibinibenta nalang ang
ekta-ektaryang lupain sa mga negosyante para gawing real estate subdivision at industrial area.

Habang ang kanilang mga anak, pinipiling magtrabaho na lang sa mga opisina sa lungsod at
makipagsapalaran sa ibang bansa. Makikita ito sa enrolment sa mga unibersidad. Lumiliit na
ang bilang ng mga kumukuha ng kursong may kinalaman sa agrikultura.

Nakakabahala ang sitwasyong ito. Hindi dapat balewalain ng bagong nakaupo sa Department
of Agriculture.

Hikayatin ang mga kabataan na mahalin ang ‘lupa’. Bigyan ng ayuda at mga insentibo at
maglunsad ng mga programa. Burahin sa kanilang isipan ang mga ginawang pag-uuto ng
nakaraang administrasyon na ginamit lang sa eleksyon.

Isagawa ang geographical profiling sa bawat rehi​yon. Tukuyin at alamin ang mga pananim na
angkop sa lokasyon. Alagaan at palakasin ang mga rice-producing region at suportahan ang
ibang mga pananim na pwedeng itanim sa ibang lalawigan tulad ng mga root crop.

Kapag naramdaman ng mga magsasaka ang suporta at ayuda ng gobyerno, walang duda,
babalik ang kanilang gana. Ang rice self-sufficiency na dating ipinangako ng nakaraang
administrasyon, siguradong matutupad na.

You might also like