Sa mahal na ina at aktibong punongguro, isa sa mga tinitingala kong guro dati noong ako ay
nasa elementarya at magpahanggang ngayon , Maam Irma S. Miraran, sa mga di matatawarang
guro ng Paaralang Elementarya ng Tucao- Maysuram, mga minamahal kong magulang, mga mag-aaral, mga bisita na naririto isang magandang hapon po sa ating lahat. Ang tanggapin ang hamon na maging panauhing tagapagsalita ngayong hapon ay isang malaking karangalan sa akin, sa mga kamalian na aking mababanggit pag-unawa po ang aking hinhingi. Segway: mga bata kailangan makinig sapagkat may mga babanggitin akong pangyayari, tao, taon at bagay na kailangan ninyong tandaan kasi ipapa quiz nila Maam Kaunting kasaysayan lamang, nagsimula tayong magkaroon ng pagdiriwang ng wika pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong 1946, sinumulan ang pagdiriwang ng wika na ang tawag pa noon ay “Linggo ng Wika.” Ginagawa ito tuwing Marso 27 hanggang Abril 2 taon-taon. Wala sa aking nasaliksik ang dahilan kung bakit sinimulan sa Marso 27 pero sigurado ako kung bakit hanggang Abril 2. Ito ang kaarawan ng ating “Prinsipe ng Tulang Tagalog” na si Francisco Baltazar. Si Sergio Osmena, ang dating pangulo noon. Isinabatas ito upang bigyang diin sa mga mag-aaral na Filpino ang halaga ng wikang Pambansa. Pero naging Agosto 13 hanggang 19 ang linggo ng wika noong 1954 sa Panahon ni Ramon Magsaysay dahil patapos na nga naman ang klase ng Marso at Abril. Di sinabi ang dahilan ng paglilipat pero ayon sa aking nabasa, may hinalang ginawang Agosto ang buwan ng wika kasi ito ang kaarawan ni Manuel Luis Quezon, ang kinikilala nating ngayong “Ama ng Wikang Pambansa” Mulang 1997 sa panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos, hanggang sa kasalukuyan, ang dating “Linggo n Wika” ay naging “Buwan ng Wikang Filipino na.” Dapat talaga tayong maging makabayan sapagkat isang buwan nating ipinagdiriwang nag buwan ng wika. Ngayon ang tanong bakit kailangang ipagdiwang ang Buwan ng Wika taon-taon? Kasi ang totoo daw, di natin mahal ang ating sariling wika. Tayo lamang daw ang mayroong Buwan ng Wika. Sabi nga ni Isagani Cruz, isang kilalang kritiko sa bansa, wala naming English month ang US, Nihonggo Month ang Japan, Arab Month ang Saudi o Bahasa Month ang Indonesia. Tayo lang ang may Buwan ng Wika kasi di naman natin talaga kilala at alam ng malalim ang ating wikang Pambansa na, Filipino. Pero sabi nga maikukumpara raw sa isang bata ang isang Filipino o ang Filipinas sa kabuuan. Kailangan ang Buwan ng Agosto upang tayo ay paalalahanan. Taon-taon ay nagtatakda ng tema ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa ating pagdiriwang. Ngayong taong 2019, ang binuo nilang tema ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.” Kung titingnan po natin napakasimple o napakadaling intindihin ng tema sa ating pagdiriwang subalit kung pakaiisipin ay may malalim itong kahulugan. Kapag sinabi natin ang mga katagang ano sa TAGALOG NG BATTERY. Tama po ba mga bata na Tagalog ang gagamitin natin na wika sa kabuuan? Hindi po sapagkat ang Tagalog ay sinasallita lamang ng mga pangkating etniko na matatagpuan sa Metro Manila, mga lalawigan ng Bataan, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Marinduque, Nueva Ecija, Palawan, Rizal at Quezon. So nangangahulugan na tinatangkilik natin ang wikang Tagalog at hindi ang Wikang Filipino. Sa madaling sabi Filipino ang pinaka- inang wika sapagkat ito ay lahat ng Pilipino sa loob at labas ng bansa kahit mga OFW ito ang ginagamit. Ang wikang Tagalog kasabay ng 130 na mga katutubong wika sa Filipinas ay kailangan nating payabungin, gamitin upang hindi ito mamatay. Namamatay ba mga bata ang wika? Oo lalo na kung hindi ito ginagamit. May mga salita tayo sa wikang Tagalog na nangamatay sapagkat tumigil ang tao sa paggamit nito. Ilan sa mga ito ay ang hatinig dati ngayon telepono, salipawpaw dati ngayon eroplano at yang upuan na inuupuan ninyo ang tawag ay salumpuwit. Ang mga ito ay namatay sapagkat hindi na nagamit. Ngayon gusto niyo bang mamatay ang wikang katutubong Caramoranon? Siyempre hindi kaya nga ang DepEd ay naglunsad ng programang MTB-MLE o ang Mother Tongue Based Multilingual Education na kung saan pinag- aaralan sa primaryang taon ang sariling wika o bernakular na wika ng isang bata. Sa tala ng KWF, mayroon ng 39 na wika sa Pilipinas ang maituturing na endangered o nanganganib ng maglaho. Ngayon kapag ang mga katutubong wika na ito ay pinagsama-sama tayo ay makbubuo ng isang wikang Filipino. At katulad nga ng sinabi ko kanina Filipino ang pinaka- inang wika sapagkat ito ay ginagamit ng lahat ng Pilipino sa loob at labas ng bansa. Halimbawa kapag ang isang Bicolano na may sariling wikang katutubo at isang Ilonggo naman na may sariling wikang katutubo ay nagkasama sa isang lugar kailangan nila munang magkaintindihan at dito papasok ang silbi ng wikang Filipino. Sapagkat ang Filipino ay nagsisilbing lingua franca na nagsisilbing tulay sa bawat isa. Isa na rin itong wikang global sapagkat sinasalita na rin ito sa buong mundo. BAKIT WIKANG GLOBAL NA ANG FILIPINO? Wikang global na ito kasi hindi na lamang ito eksklusibong pinag-aaralan at ginagamit sa loob ng Filipinas. Mayroon tayong mga patunay na ito ay wikang global, UNA: May mga salita tayo na napasali na sa Oxford English Dictionary. Noong nakaraang taon, napasama ang mga salitang bongga, despedida,gimmick, kikay kit, trapo, kilig, OFW, pandesal at halo-halo sa prestihiyosong diksyunaryong ito. PANGALAWA, kamakailan lamang kung nanonood kayo ng balita ay hinangaan ng maraming Pilipino ang pagpapakadalubhasa ng isang KOREAN NATIONAL sa wikang Filipino. Siya ay nagngangalang Kim Jeeyoon ng nagmajor at nakagraduate ng Bachelor of Arts in Filipino sa Busan University of Foreign Studies noong Agosto 23. Nakakatuwang isipan na may mga dayuhan na gustong pag-aralan ang ating wika habang pilit namang isinisiksik sa kurikulum o sa shs ang pag-aaral ng Koreanong Wika na sa katunayan nga ay hindi pa tayo maalam sa sarili nating wika. PANGATLO, wikang global ang ating wika sapagkat ang University of Hawaii Manoa ay nag- ooffer ng programang Minor in Philippine Language and Literature. Nasa programa ng unibersidad ang 15 units ng pag-aaral ng Literatura at Wikang Filipino na hanggang ngayon ay kanilang ipinatutupad. PANG-APAT: Naglunsad ang google ng isang application na tinatawag na Googles’ GBoard na kung saan matatype mo sa search engine ang mga salita gamit ang indigenous scripts na Baybayin, Tagbanwa, Buhid at Hanunuo. Maaari niyo na ring maisalin o maitranslate ang mga salitang Cebuano gamit ang Word Lens ng Google. Maging ang teknolohiya ay nakikisabay sa pag-unlad ng ating wika. Ang tema nang pagdiriwang ngayon ay isang paalala sa ating lahat na sana hindi lamang tuwing buwan ng Agosto natin maramdaman ang pagkalinga sa ating wika. Sa ngayon ay kinakaharap nito ang pinakamainit na isyu at iyon nga ang pagtatanggal nito sa kolehiyo.