Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Gabay sa Ortograpiyang Filipino

1. Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nagsagawa ng reporma sa alpabeto at tuntunin sa


pagbaybay. Tinawag itong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Ang gabay na ito ang ipatutupad
simula sa petsang nilagdaan ito. Ang implementasyon ng 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino ay pansamantalang ipinatigil noong 2006 at iminungkahing ang 1987
Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ang gamiting sanggunian sa pagtuturo at sa
korespondensiya opisyal sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006.

2. Upang maiwasan ang kani-kaniyang interpretasyon sa paggamit ng kalakip na gabay, hinihiling ang
pagdalo ng mga kinauukulan sa isasagawang seminar kaugnay ng paggamit nito. Ang seminar para
sa pagtatamo ng kaalaman at kasanayan sa paggamit ng gabay ay itatakda sa magkakahiwalay na
petsa at lugar.

3. Anumang tuntunin sa 1987 at 2001 na hindi binago sa 2009 Gabay ay mananatiling ipatutupad.
Tuluyan nang isinasantabi ang 2001 Revisyon ng Alfabeto at 1987 Alpabeto

•Bahagi ng pagpapaunlad sa wika ang kodipikasyon nito.


•Mahalaga ang estandardisasyon sa usaping teknikal at edukasyong pangwika.
•Pagsunod sa pagbabago ng panahon at kahingian sa pagbabago ng wika.
•Pagbawas sa kalituhan ng mga gumagamit ng wika.
•Sa pagbabagong ito, naipakikita ang tamang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang larang.
•Mula sa maunlad na gabay sa ortograpiya, magagamit ng maluwag at tama ang Filipino sa iba’t
ibang usapin

Filipino bilang wikang pambansa


•Tagalog – 1935 ; Pilipino – 1959; filipino – 1986
•— Wika vs dayalek vs idyolek
•— Varayti ng filipino ( rehiyunal na varayti at panlipunang varayti-media, isports, relihiyon, etc)
•— Usapin sa ispeling
•— Kadikit nito ang usapin sa alpabetong Filipino.
•— Abakadang tagalog 1940 – 20 letra
•— 1976 – sinimulan ang serye ng mga pagbabago sa alpabetong Filipino sa pamamagitan ng “Mga
Tuntunin sa Ortograpiyang Filipino” ng Surian ng wikang Pambansa.
•Mula 20 letra naging 31 (c, ch, f, j,ll, enye, q,rr,v,x,z) at tinawag itong pinagyamang alpabeto
•1987 – binago ang alpabeto nang ilabas ang “Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”
ng Linangan ng mga wika sa Pilipinas. Mula 31 naging 28. tinanggal ang mga digrapo o kambal-
katinig na ch,ll,rr dahil may letrang c, h, l, r na. Puwede namang pagtambalin kung kailangan. At
tinawag itong pinasimpleng alpabeto.
•2001 – ipinalabas naman ng Komisyon sa Wikang Filipino ang “Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa
Ispeling”
•28 letra pa rin – may kontrobersiya dito ngunit ang malaking ambag nito ay ang paghahati ng
gamit ng 8 bagong letra.

•F,j,v,z, may ponemikong katangian o isang tunog lamang (faktor,forum, sabjek, volyum, varayti)
•C,enye,q,x na may kinakatawang higit pa sa isang tunog

•Ambag ng sentro ng wikang filipino ng UP :tinatalakay ngayon at hango sa pagtatasa sa kasaysayan


ng wika. Base sa malawak na konsultasyon ang produkto nito at kasama pa ang mayamang
karanasan ng mga editor, manunulat, at eksperto sa wika (Lupon ng NCLT).

•Nagkaroon ng ilang komento ang SWF sa 2001 revisyon sa usapin ng konsistensi at lohikal na
panghihiram sa ingles o kastila.

•Estandardizacion naging estandardisasyon o istandardiseysiyon hindi istandardisasyon


•Ang ganitong kalagayan ay nagpapakita sa realidad na malayo na sa kaalaman ng gumagamit ng
wika ang kamalayang espanyol. Dahil dito malayang napagsasama ng gumagamit ang 2 wika.

•Sandaan – 100 ; isang daan – one road


•Dalawandaan – 200 ; dalawang daan – two roads
•Bukang-bibig or bukambibig (p.19:1.39)
•Kataling-puso o katalimpuso
•Sangang-daan o sangandaan
•Maliban sa “punongkahoy,” “hanapbuhay” na luma at kinagawiang walang gitling
•Nagtatapos sa “ng” na pantig na inuulit – wala itong gitling (tungtong, dingding, tingting)
•May iba naman na nagkaroon ng asimilasyon (bumbong, linlang, pampang)
•Sa pag-uulit naman ng salita may gitling (barong-barong, pulong-pulong, bukong-bukong)
•Hiram na salitang nilalapian tulad ng :
•i-salvage ; i-delete ; mag-email ; mang-snatch ; nag-hot oil ; pang-cable ; pang-jogging; pang-
recital

•Makikita dito ang paghiwalay ng hiram na salita sa ating panlapi


•Ngunit kapag ginawang pandiwa, hindi maiwasang lagyan ng gitlapi (dinelit, hinat-oyl, inimeyl)
makikita dito ang ganap na pagpasok ng hiram na salita sa sistema ng ating pagsulat.

•Pang-abay (adverb) na “din – rin,” “daw – raw”

•Hiwaga raw ; berde rin ; madali raw ; bago rin ; kaakbay raw ; ikaw rin– lahat nagtatapos sa patinig
o malapatinig na w/y
•Kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa pantig na ri, ra, raw, o ray, ang din o daw ay hindi
magbabago
•Maaari din ; pari daw ; sari-sari din ; para daw ; marahil magtataka kayo kung bakit may gitling ang
sari-sari, dahil may salitang sari – species

•Kapag digrapo isama pareho ang dalawang katinig dahil may iisang tunog naman ito

•Magki-crystalize
•Magda-dry-clean

•Karaniwang inuulit ang tunog ng unang katinig


•Mag-i-scan •Mag-iiskedyul
•Mag-i-slow motion •Mag-i-snow
•Mag-i-split •Mag-i-spray : maglagay ng “I” kapag nagsisimula sa “s”

•Kung ang idinudugtong sa salitang ugat ay panlaping ga, pa, pala, pasa, taga, ma,
maka, may, mapa, huwag nang gumamit ng gitling

•Gamunggo; paloob; palautos; pasahimpapawid; tagaluto; makakaliwa; makatao; maysakit

Kapag pangalang pantangi ang salitang ugat gumamit ng gitling


•Pa-Europa; pa-Luneta; taga-UP ; taga-Cebu; maka-Cory; maka-Nora
•Mag-aklas/magaklas
•Pang-ekonomiya/pangekonomiya
•Pang-iisa/pangiisa
•Mapang-uyam/mapanguyam
•Mag-alis/magalis
•Nag-isa/nagisa
•Mahalaga dito ang gitling dahil may mali sa hitsura ng salita

•May gitling sa paggamit ng de.


•De-kolor ; de-kahon; de-kampanilya; de-kalidad; de-gulong; de-motor
Ang “kay” ay pang-abay (adverb) at hindi panlapi katapat ito ng que sa espanyol, que
barbaridad
•Kay sigla hindi kay-sigla, kaysigla
•Kay ganda hindi kay-ganda, kayganda
•Kay husay hindi kay-husay
•Kay galing hindi kay-galing

Kapag ginamit ang pangmaramihang anyo ng pang-uri, maari nang tanggalin ang
katagang “mga” sa tinutukoy na panggalan

•Masisigla ang (mga)atleta sa palaro.


•Matatalino ang (mga)mag-aaral sa UP.
•Mapupula ang (mga) pisngi ng kabataan.

•Sina Marcos = ang mga Marcos = ang mga kasapi ng pamilya marcos
•Ang mga painting/ang paintings hindi ang mga paintings
•Ang mga computer/ang computers hindi ang mga computers
•Mga lalaki/tatlong lalaki/kalalakihan hindi tatlong kalalakihan o mga kalalakihan
•Mga babae/pitong babae/kababaihan hindi pitong kababaihan o mga kababaihan
•Pang-akademya/akademiko hindi pang-akademiko
•Pangkultura/kultural hindi pangkultural
•Pampolitika/politikal hindi pampolitikal
•Pang-agrikultura/agrikultural hindi pang-agrikultural

Kapag ginamit naman ang numerikal :


•Isulat ang salitang isa hanggang siyam, 10 na kapag ten.
•Isang bata; apat na lalaki; pitong lalawigan; 10 probinsiya
•Tatlo sa 25 mag-aaral ang nakapasa sa bar exams. – walang “na” pagkatapos ng 25
•Tatlo sa 26 na mag-aaral ang nakapasa sa bar exams. – may “na” dahil nagtatapos sa katinig
•Isulat ang ngalan ng numero kapag ginamit sa simula ng pangungusap
•Kulang ng asin ang recipe – walang asin
•Kulang sa asin ang recipe – dagdagan ng asin

Mga salitang hiram sa espanyol :


•Estilo/istilo •Estasyon/istasyon
•Estudyante/istudyante •Estadistika/istadistika
•Espiritu/ispiritu •Espesyal/ispesyal
•Estrikto/istrikto •Eskandalo/iskandalo
•Estruktura/istruktura •Estorbo/istorbo
•Desgrasya/disgrasya

Pero tama ang diskriminasyon (discriminacion) at hindi descriminasyon.


•Disposisyon (disposicion) hindi desposisyon
•Distribusyon(distribucion) hindi destribusyon
•Iskiyerda (isquierda) hindi eskiyerda

Dito makikita na nagkakaroon ng laya ang gumagamit na bigkasin ang salita kahit hindi
niya alam ang pinagmulan kaya nagkakaroon ito ng bagong ispeling ayon sa
pagkaunawa at gamit ng gumagamit.
•Politika hindi pulitika •Opisina/upisina
•Kombinasyon/kumbinasyon •Tradisyonal/tradisyunal
•Kompleto/kumpleto •Tornilyo/turnilyo
•Kompetisyon/kumpetisyon •Kompetensiya/kumpetensiya
•Kompanya/kumpanya •Kontrata hindi kuntrata
•Komersiyal/kumersiyal •Kompone/kumpuni
•Komedya/kumedya •Koryente/kuryente
•Opisyal/upisyal •Nasyonal/nasyunal
•Maaring nasanay tayo sa ikalawa.
Sa usaping digrapo, pinapalitan ng “k” ang “ct” (abstrak, adik, impak, korek)

•Sa unahan ng pangungusap gamitin ang salita sa numero at huwag ang numerikong simbolo
(dalawampu’t walong titik ang bumubuo sa alpabetong Filipino.)
•Kapag serye naman ng numero mas mainam gamitin ang numeriko (ang edad ng kanyang mga
anak ay 27, 24, 44, at 3.
•Daglat ng titulo ang gamitin kung buo ang pangalan (Hen. Emilio Aguinaldo)
•Buo ang titulo kung apelyido lang (Heneral Aguinaldo)
Maka +pangalang pantangi, dapat may gitling
HALIMBAWA Maka-Filipino; maka-Rizal; maka-Bonifacio

May gitling din sa petsa at oras


•Ika-3 ng hapon; ika-25 kaarawan ; ala-1/ala-una ; alas-2/alas-dos

Kailan ginagamit ang DI at HINDI?


•DI – kapag sinusundan ng pang-uri (di maganda)
•HINDI – kapag hindi sinusundan ng pang-uri ( hindi ako, hindi tatakbo, hindi bukas, hindi talaga)
•Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa
Pilipinas (vakul- ivatan word, panakip sa ulo, payyo/payew – ifugao na salita na palayaw ng ifugao,
bananu – hudhud na salita para sa hagdan-hagdang palayan)
•Panatilihin din ang orihinal na anyo ng mga hiram na salita mula sa mga banyagang
wika ( status quo, pizza pie, bouquet, samurai, french fries)
•Ang daglat sa araw at buwan ay laging unag tatlong letra (Ene., Peb., Mar., Abr., Mayo.,
Hun., Hul., Ago.,)

DAPAT TANDAAN NA ANG ESTANDARDISASYON NG WIKA AY DAPAT MAGMULA SA


GUMAGAMIT NITO KAALINSABAYA ANG KAKAYAHAN NG LAHAT NA UMUNAWA SA
KATAMAAN NG PAGGAMIT NG SALITA.

Paglalagom:
Buhay ang wika. Patuloy itong nagbabago. May mga pagkakataon na ang wika ay iba sa kayarian sa
gamit nito sa lipunan. Iba ang kayariang pangwika sa gamit ng wika. May mga pagkakataong hindi
umaangkop ang kayarian sa gamit. Halimbawa : siya-pantao at pambagay
MODYUL 4: 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
(Revisyon ng DECS: Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987)

(Revisyon ng DECS Kautusang Pangkagawaran Blg. 81. s. 1987)


I. Ang Alfabetong Filipino
Ang alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra na ganito ang ayos:
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ,
NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
Sa 28-letrang ito ng alfabeto, 20 letra ang nasa dating ABAKADA (A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG,
O, P, R, S, T, U, W, Y), at 8 letra ang dagdag dito (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z) na galing sa mga umiiral na
wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Ang ngalan ng mga letra. Ang tawag sa mga letra ng alfabetong Filipino ay ayon sa tawag-Ingles
maliban sa Ñ (enye) na tawag-Kastila.
A /ey/ B /bi/ C /si/ D /di/ E /i/ F /ef/ G/ji/ H /eych/
I /ay/ J /jey/ K /key/ L /el/ M /em/ N /en/ Ñ /enye/
NG /enji/ O /o/ P /pi/ Q /kyu/ R /ar/ S /es/ T /ti/
U /yu/ V /vi/ W /dobolyu/ X /eks/ Y /way/ Z /zi/

II. Mga Tuntuning Panlahat sa Ispeling o Pagbaybay


A. Ang Pasalitang PagbaybayPaletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino na ang ibig sabihin ay
isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkasunud-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita,
pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham, atb.
Pasulat – Pabigkas
Salita
boto /bi-o-ti-o/ plano /pi-el-ey-en-o/ Fajardo /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-o/
vinta /vi-ay-en-ti-ey/ jihad /jey-ay-eich-ey-di/
Pantig
it /ay-ti/ kon /key-o-en/ trans /ti-ar-ey-en-es/
pa /pi-ey/ tsart /ti-es-ey-ar-ti/
Akronim
MERALCO (Manila Electric Company) /em-i-ar-ey-el-si-o/
LEDCO (Language Education Council) /el-i-di-si-o/
PANDAYLIPI (Pandayan ng Literaturang Pilipino) /pi-ey-en-di-ey-way-el-ay-pi-ay/
ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao) /ey-ar-em-em/
ASEAN (Association of Southeast Nations) /ey-es-i-ey-en/
Daglat
Bb. (Binibini) /kapital Bi-bi/ G. (Ginoo) /kapital ji/
Gng. (Ginang) /kapital ji-ay-en-ey-en-ji/ Kgg. (Kagalang-galang) /kapital key-ji-ji/
Dr. (Doktor) /kapital di-ar/
Inisyal ng Tao
MLQ (Manuel Luis Quezon) /em-el-kyu/
CPR (Carlos P. Romulo) /si-pi-ar/
JVP (Jose Villa Panganiban) /jey-vi-pi/
LKS (Lope K. Santos) /el-key-es/
AGA (Alejandro G. Abadilla) /ey-ji-ey/
Inisyal ng Samahan/ Institusyon
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino /key-dobolyu-ef/
PSLF (Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino) /pi-es-el-ef/
KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster Pilipinas) /key-bi-pi/
PLM (Pamantasan ng Lungsod Ng Maynila) /pi-el-em/
MSU (Mindanao State University) /em-es-yu/
NGO (Non-Governmental Organization) /en-ji-o/
Simbolong Pang-agham Pang-Matematica
Fe (iron) /ef-i/ H2O (water) /eich-tu-o/ NaCl (sodium) /en-ey-si-el/
lb. (pound) /el-bi/ kg. (kilogram) /key-ji/ v (velocity) /vi/
Ang Pasulat na Pagbaybay
Manatili ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra sa pasulat na pagbaybay ng mga salita
sa wikang Filipino. Gayon pa man, may tiyak na tuntunin sa pagpapaluwag ng gamit ng
walong (8) dagdag na letra
Ang panghihiram
Isang realidad ang pangangailangan ng wikang Filipino na manghiram sa Ingles, Kastila at iba pa
pang wika para matugunan ang malawakang pagpasok ng mga bagong kultural na aytem at mga
bagong konsepto na dala ng modernisasyon at teknolohiya. Idagdag pa na ang karaniwang Pilipino
ay nagpapalit-wika at malayang nanghihiram ng mga salita anumang varayti ng wika ang ginagamit,
pasalita man o pasulat.
Pinababagal ng 1987 Patnubay sa Ispeling ang leksikal na elaborasyon ng Filipino. Nililimitahan nito
ang panghihiram ng mga salita dahil sa paghihigpit sa paggamit ng walong dagdag na letra (C, F, Ñ,
J, Q, V, X at Z) doon lamang sa mga sumusunod:
· Pantanging ngalan
· Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
· Salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa bigkas na kapag binaybay ayon sa
alfabetong Filipino ay hindi mabakas ang orihinal na ispeling nito
· Salitang pang-agham at teknikal
· Simbolong pang-agham
Kung kaya’t napapanahon lamang ang pagrevisa sa mga tuntunin sa ispeling. May mahalagang
kraytirya para matamo ang isang efisyenteng sistema ng ispeling:
1. kasimplihan at ekonomiya na kaugnay ng isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra, at
2. fleksibilidad, ang pagtanggap ng mga linggwistikong pagbabago dahil sa kontak ng mga wika.
Batay rito, pinaluluwag ng nirevisang tuntunin sa ispeling ang paggamit ng walong (8) dagdag na
letra sa lahat ng hiram na salita.

Mga Tuntunin sa Panghihiram


Sundin ang mga sumusunod na lapit sa paghanap ng panumbas sa mga hiram na salita:
Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
Halimbawa:
Hiram na salita/Filipino
attitude – saloobin rule – tuntunin ability – kakayahan
wholesale – pakyawan west - kanluran
Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa.
Halimbawa:
Hiram na salita/Katutubong Wika
hegemony - gahum (Cebuano) imagery - haraya (Tagalog)
husband - bana (Hiligaynon) Muslim priest - imam (Tausug)

Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang wikang
banyaga, at saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa:
Kastila/Filipino
cheque – tseke litro – litro liquido – likido educación – edukasyon quilates – kilatis
Ingles/Filipino
centripetal – sentripetal commercial – komersyal advertising – advertayzing
economics – ekonomiks radical – radikal
Iba pang wika/Filipino
coup d’etat (French) – kudeta chinelas (Kastila) – tsinelas kimono (Japanese) – kimono
glasnost (Russian) – glasnost blitzkrieg (German) – blitskrig

Malinaw ang mga lapit sa panghihiram. Gayong pa man, sa pagpili ng salitang gagamitin isaalang-
alang din ang mga sumusunod: (1) kaangkupan ng salita, (2) katiyakan sa kahulugan ng salita, at (3)
prestihiyo ng salita.
1. Gamitin ang mga letrang C, F, Ñ, J, Q, V, X, Z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon sa
mga sumusunod na kondisyon:
Pantanging ngalan
Tao Lugar Gusali Sasakyan Pangyayari
Quirino Canada Ceñeza Bldg. Qantas Airlines First Quarter Storm
John Valenzuela City State Condominium Doña Monserat El Niño
Salitang teknikal o siyentifiko
Halimbawa:
cortex enzyme quartz filament Marxism x-ray zoom
joules vertigo infrared
Salitang may natatanging kahulugang kultural
Halimbawa:
cañao (Ifugao) →pagdiriwang señora (Kastila) →ale
hadji (Maranao) →lalaking Muslim na nakapunta sa Mecca
masjid (Maguindanao) →pook dalanginan, moske
vakul (Ivatan) →panakip sa ulo bilang pananggalang sa ulanat init, yari sa palmera o dahon ng
saging
azan (Tausog) →unang panawagan sa pagdarasal ng mga Muslim
Salitang may iregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi
binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog.
Halimbawa:
bouquet rendezvous laissez-faire
champagne plateau monsieur
Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit.
Halimbawa:
taxi exit fax
Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z para katawanin ang mga tunog /f/, /j/, /v/, /z/ kapag
binaybay sa Filipino ang mga salitang hiram
Halimbawa:
fixer →fikser subject →sabjek vertical →vertikal zipper →ziper
Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X sa mga salitang hiniram nang buo.
Halimbawa:
cornice cell reflex
réquiem xenophobia

Mga Tiyak na Tuntunin sa Gamit ng Walong (8) Letra


Letrang C
Panatilihin ang letrang C kung ang salita ay hinihiram sa orihinal na anyo.
calculus chlorophyll cellphone
carbohydrates de facto corsage
Palitan ang letrang C ng letrang S kung ang tunog ay /s/, at ng letrang K kung ang tunog ay /k/
kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang C.
c→s c→k
participant →partisipant magnetic →magnetik
central →sentral circular →sirkular
census →sensus card →kard
cake →keyk
empirical →empirikal
Letrang Q
Panatilihin ang letrang Q kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Quotation quad quartz quantum opaque

Palitan ang letrang Q ng letrang KW kung ang tunog ay /kw/, at ng letrang K kung ang
tunog ay /k/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang Q.
q → kw
quarter →kwarter
sequester →sekwester
equipment →ekwipment
q→k
quorum →korum quota →kota querida →kerida
Letrang Ñ
Panatilihin ang letrang Ñ kung ang salita ay hiram sa orihinal na anyo.
Santo Niño El Niño Malacañang
La Niña
Palitan ang Letrang Ñ ng mga letrang NY kapag binaybay sa Filipino ang hiram na
salitang may letrang Ñ.
ñ → ny piña →pinya
cariñosa →karinyosa cañon →kanyon
paño →panyo bañera →banyera
Letrang X
Panatilihin ang letrang X kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Wax export exodus xylem
Palitan ang letrang X ng KS kung ang tunog ay /ks/ kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang
may letrang X.
x → ks
experimental →exsperimental taxonomy →taksonomi
texto →teksto exam →eksam
Letrang F
Gamitin ang letrang F para sa tunog /f/ sa mga hiram na salita.
Tofu (Nihonggo) ‘tokwa’ French fries Fasiliteytor
Lifeguard Fraterniti Foto
Fokus
Letrang J
Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita.
jam juice majahid (Arabic) ‘tagapagtanggol ng Muslim’
jantu (Tausog) ‘puso’ sabjek jaket
jornal objek bajet
Letrang V
Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga hiram na salita.
vertebrate varayti volyum video valyu
Letrang Z
Gamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita.
zebra magazin zinc bazaar
zoo bazuka
Iba Pang Tuntunin
Mga Diptonggo
Ang mga salitang may diptonggo o magkasunod na patinig ay baybayin ayon sa mga sumusunod:
Magkasunod Ilang na Patinig/Halimbawa
 ia - ya
ortografia – ortografya, ortografiya dialecto – dyalekto, diyalekto
iya
cristiano – kristyano, kristiyano sentencia – sentensya, sentensiya
 ie - ye
tiempo – tyempo, tiyempo
iye
enmienda – enmyenda, enmiyenda pie - pye, piye
 io - yo
divorcio – diborsyo, diborsiyo
iyo
exportacion – eksportasyon, eksportasiyon
 ua - wa
guapo – gwapo, guwapo
uwa
aguador – agwador, aguwador cuarto – kwarto, kuwarto
santuario – santwaryo, santuwaryo estatua – estatwa, estatuwa
 ue - uwe
cuento – kwento, kuwento suerte – swerte, suwerte
absuelto – abswelto, absuwelto
 ui - wi
buitre – bwitre, buwitre
uwi
perjuicio – perwisyo, peruwisyo
Mga Digrapo
Ang digrapo ay kombinasyon ng dalawang letrang pinagsama para katawanin ang isa o dalawang
tunog. Gamitin ito sa mga sumusunod:
Digrapong Ch
Panatilihin ang digrapong CH kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa:
Chopsuey chips Chavez charter
Palitan ang digrapong ito ng CH kung ang tunog ay /ts/ sa hiniram na salita.
Halimbawa:
chalk – tsok cochero – kutsero checklist – tseklist
chocolate – tsokolate channel - tsanel
Digrapong SH
Panatilihin ang digrapong SH kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo.
Halimbawa:
Sharon Shampoo Sheik
shangri-la shamrock
Palitan ang digrapong SH ng SY kung ang tunog ay /sy/ sa hiniram na salita.
Halimbawa:
workshop – worksyap shooting – syuting
censorship – sensorsyip scholarship – iskolarsyip
Ang NG
Panatilihin ang NG para sa tunog na /ng/ sa dahilang mahalagang ambag ito ng palatunugang
Filipino. Ang tunog na ito ay maaaring nasa inisyal, midyal at final na posisyon.
Ngayon Ngipin Pangalan
Panginoon Payong tanong
Ang Pantig at Palapantigan
Ang Pantig
Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
Halimbawa:
a-ko i-i-wan it-log
sam-bot mang-ya-ya-ri ma-a-a-ri
Kayarian ng Pantig
Sa kasalukuyan ay may mga kayarian ng pantig na ambag ng mga lokal na wika at panghihiram.
Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng simbolong K
para sa katinig at P para sa patinig. Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.
Kayarian – Halimbawa
P: u-pa KP: ma-li PK: is-da
KPK: han-da KKP: pri-to PKK: eks-perto
KKPK: plan-tsa KKPKK: trans-portasyon KKPKKK: shorts
Ang Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paraan ng pagbaha-bahagi ng salita sa mga pantig.
Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong
inisyal, midyal at final na salita, ito ay hiwalay na mga patinig.
Salita - Mga Pantig
aalis: a-a-lis maaga: ma-a-ga totoo: to-to-o
Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita, maging katutubo o
hiram man, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan, at ang pangalawa ay sa patinig na
kasunod.
Halimbawa:
Salita - Mga Pantig
buksan: buk-san pinto: pin-to tuktok: tuk-tok pantig: pan-tig
sobre: sob-re kopya: kop-ya kapre: kap-re tokwa: tok-wa
Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng isang salita, ang
unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita - Mga Pantig
eksperimento: eks-pe-ri-men-to
transkripsyon: trans-krip-syon
Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay alinman
sa bl, br, dr, pl, tr, ang unang katinig (m o n) ay sa sinusundang patinig ay kasama at ang huling
dalawa ay sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita - Mga Pantig
asambleya: a-sam-ble-ya alambre: a-lam-bre balandra: ba-lan-dra
simple: sim-ple sentro: sen-tro kontra: kon-tra
Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay
kasama sa patinig ng sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita - Mga Pantig
Ekstradisyon: eks-tra-di-syon
Eksklusibo: eks-klu-si-bo
Ang Pag-uulit ng Pantig
Ang mga sumusunod ang tuntunin sa pag-uulit ng pantig.
Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
a-lis: a-a-lis i-wan: i-i-wan
am-bon: a-am-bon eks-tra: e-eks-tra
Ang tuntunin ding ito ang sinusunod kahit may unlapi ang salita.
Halimbawa:
mag-alis: mag-a-a-lis maiwan: ma-i-i-wan umambon: u-ma-am-bon
mag-akyat: mag-a-ak-yat umekstra: u-me-eks-tra
Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP (katinig-patinig), ang katinig at ang
kasunod na patinig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
ba-sa: ba-ba-sa, mag-ba-ba-sa la-kad: la-la-kad, ni-la-la-kad
tak-bo: ta-tak-bo, nag-ta-tak-bo lun-dag: lu-lun-dag, mag-lu-lun-dag
nars: mag-na-nars
Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klaster na katinig) na kayarian, dalawang
paraan ang maaaring gamitin.
Batay ito sa kinagawian ng nagsasalita o varyant ng paggamit ng wika sa komunidad.
Inuulit lamang ang unang katinig at patinig.
Halimbawa:
plan-tsa – pa-plan-tsa-hin – mag-pa-plan-tsa
pri-to - pi-pri-tu-hin – mag-pi-pri-to
ku-wen-to – ku-ku-wen-tu-han – mag-ku-ku-wen-to
Inuulit ang klaster na katinig, kasama ang patinig.
Halimbawa:
plan-tsa - pa-plan-tsa-hin – mag-pa-plan-tsa
pri-to – pi-pri-tu-hin – mag-pi-pri-to
kwen-to – ku-ku-wen-tu-han – mag-ku-ku-wen-to
Ang Gamit ng Gitling
Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:
1. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
araw-araw isa-isa apat-apat
dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila masayang-masaya
Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig
na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Halimbawa:
mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako
mang-uto pag-alis may-ari tag-init pag-asa
Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa:
pamatay ng insekto - pamatay-insekto kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humgit at kumulang - humigit-kumulang lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan - bahay-aliwan dalagang taga bukid - dalagang-bukid
Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na
gagamitan ng gitling ang pagitan nito.
Halimbawa:
dalagambukid (isda)
buntunghininga
Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o
kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling
Halimbawa:
maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino
pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique
mag-pal maka-Johnson mag-Sprite
mag-Corona mag-Ford mag-Japan
Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa
pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan
Halimbawa:
mag-Johnson magjo-Johnson mag-Corona magco-Corona
mag-Ford magfo-Ford mag-Japan magja-Japan
mag-Zonrox magzo-Zonrox
Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Halimbawa:
ika-10 ng umaga ika-20 pahina ika-3 revisyon
ika-9 na buwan ika-12 kabanata
Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.
Halimbawa:
isang-kapat (1/4) lima’t dalawang-kalima (5-2/5) tatlong-kanim (3/6)
Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.
Halimbawa:
Gloria Macapagal-Arroyo Conchita Ramos-Cruz Perlita Orosa-Banzon

PONOLOHIYA
Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog na binibigkas. Ang wikang Filipino ay may
sariling kakanyahan na nakabuhol sa natatanging kultura nito. Kayat magiging madali at malinaw ang
pagkatuto ng Filipino kung lubos nating nauunawaan kung paano nalilikha ang mga tunog na
bumubuo rito. Ang lubos na kaalaman sa aspektong ito ay makatutulong nang malaki sa pag-aaral ng
wikang Filipino. Bilang panimula, atin munang, pag-aralan ang mga bahagi ng ating katawan na
ginagamit sa pagsasalita. Sa ibaba ay makikita ang isang saggital diagram na higit na kilala sa
taguring OSCAR.

Ang mga Prinsipal na Sangkap ng Pananalita


Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng mga bahaging ginagamit sa pagsasalita, mula sa hanging
nagmumula sa baga hanggang sa ito’y makalabas sa babagtingang tinig sa paglabas sa labi o dili
kaya’y sa ilong.

Ang Pagsasalita
Ayon sa mga linggwista, upang makapagsalita ang isang tao, siya’y nangangailangan ng tatlong
salik. Ito ay ang mga sumusunod:
1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. artikulador o ang pumapalag na bagay
3. resonador o ang patunugan

Dahil sa interaksyon ng tatlong salik na nabanggit, nakalilikha ang tao ng alon ng mga tunog. Ang
hangin ang siyang nagiging midyum ng mga alon ng tunog na dumarating sa ating mga tainga.
Ang enerhiya ay ang presyong nalilikha ng papalabas na hiningang nagbubuhat sa baga na siyang
nagpapalag sa mga babagtingang tinig at gumaganap bilang artikulador. Lumikha ito ng tunog na
minomodipika naman ng bibig na siyang nagiging resonador. Ang bibig, gayundin ang ilong, ang
nagsisilbing mga resonador.
Kung ating susuriing muli ang sagittal diagram o si OSCAR, mamamalas natin na ito ay may apat na
bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog. Ito ay ang sumusunod:
1. dila at panga (sa ibaba)
2. ngipin at labi (sa unahan)
3. matigas na ngalangala (sa itaas)
4. malambot na ngalangala (sa likod)

Malaya nating naigagalaw ang ating panga at dila kayat dahil dito, nagagawa nating pagbagu-
baguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig. Maraming posisyon ang nagagawa ng ating
dila. Maaari itong mapahaba, mapaikli, mapalapad, maipalag, maitukod sa ngipin o sa ngalangala,
mailiyad o mapaarko nang ayon sa tunog na nais likhain. Nalilikha ang mga ponemang patinig sa
pamamagitan ng pagbaba o pagtaas ng anumang bahagi ng dila (harap, sentral, likod) at gayundin
dahil sa pagbabago ng hugis ng espasyo ng bibig at ng mga labi na nilalabasan ng tinig. Ang
pagkakaiba-iba ng mga nabubuong tunog ay dahil na rin sa mga pagbabagong nabanggit sa itaas. Sa
pagkakataong ito, laging tandaan na higit na madaling matutuhan ang palabigkasang Filipino kung
ihahambing sa mga wikang kanluranin tulad ng Ingles at Kastila dahil kakaunti lamang ang mga
tunog na bumubuo ng wikang Filipino di tulad ng dalawang wikang nabanggit na binubuo ng
maraming ponema.

Katuturan ng Ponema
Ponema ang tawag sa isang makabuluhang tunog ng isang wika. Ito ay hango sa wikang Ingles na
phoneme na nahahati sa dalawang salitang phone (tunog) at –eme (makabuluhan) May tiyak na
dami ng mga ponema o makabuluhang mga tunog ang bawat wika. Binubuo ang wikang Filipino ng
dalawampu’t limang (25) ponema – dalawampu (20) na ponemang katinig at limang (5) ponemang
patinig.

Mga Katinig - /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h , f, v, z, l, r, j, w, y/


Mga Patinig - /a, e, i, o, u/

Sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan
nito sa sandaling ito’y alisin o palitan. Ang salitang bansa, halimbawa, ay mag-iiba ng kahulugan
kapag inalis o pinalitan ang /s/ ng /t/ na nagiging banta o threat. Samakatwid, ang /s/ ay isang
makabuluhang tunog sa Filipino.
Sapagkat konsitent ang palabaybayang Filipino na ang ibig sabihin ay may isa-sa-isang
pagtutumbasan ang ponema at ang letra o titik na kumakatawan dito, lahat ng simbolong ginagamit
upang magreprisinta ng ponema ay siya na ring ginagamit na mga letra sa palabaybayan, matangi
/?/ at /ŋ/. Sa ating palabaybayan, ang /?/ ay hindi binigyan ng katumbas na letra. Sa halip, ito’y
isinama sa palatuldikan at tinutumbasan ng tuldik na paiwa (\). Naging makabuluhan pa rin ang
tunog na ito kung ito’y papalitan ng ponema. Tulad ng salitang /pa:soh/ ‘walk’ na magiging /pa:so?/ ‘
burn’.
Ang /ŋ/ naman ay tinutumbasan ng digrapo o dalawang letrang “ng”.
Maitatanong marahil kung bakit ang mga titik na c, ñ, q, at x. Ang mga titik na ito ay walang tiyak na
ponemikong istatus o walang iisang tunog na tinutumbasan. Kaya ang mga titik na ito ay tinaguriang
redandant. Katulad ng ipinakita sa ibaba:
c = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng central = sentral
tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng card = kard
ñ = tinutumbasan ng dalawang ponemang /n/ at /y/ tulad ng baño = banyo
q = tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng quota = kota
tinutumbasan ng dalawang ponemang /k/ at /w/ kung may tunog nito
tulad ng quarter = kwarter
x = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng xerox = seroks
tinutumbasan ng dalawang tunog na /k/ at /s/ kung may tunog nito
tulad ng taxonomy = taksonomi

Anumang uri ng tunog na mapag-aaralan kung ito’y isusulat upang makita kung papaano ito
binibigkas ay dapat naikulong sa dalawang pahilis na linya / /.

Uri ng Ponema
Binubuo ang wikang Filipino ng dalawang uri ng tunog: ang mga ponemang segmental at
suprasegmental. Kabilang sa mga segmental ang mga katinig, patinig, diptonggo, kambal-katinig o
klaster at pares minimal. Kasama naman sa mga suprasegmental ang diin, intonasyon at hinto.
Mga Ponemang Segmental
Ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra o titik upang mabasa at mabigkas.

Mga Ponemang Katinig. Ang mga katinig ng Filipino ay maisaayos ayon sa punto at paraan ng
artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m.t.) o walang tinig (w.t.), gaya ng
makikita sa tsart sa ibaba:
PARAAN NG ARTIKULASYON PUNTO NG ARTIKULASYON
Panlabi Pangngipin Panlabi-
Pangngipin Panggilagid Palatal Velar Panlalamunan Glottal
Pasara w.t.
m.t. p
bt
dk
g?
Pailong w.t.
m.t.
m
n
Ŋ
Pasutsot w.t.
m.t. f
vs
zh
Pagilid m.t. l
Pakatal m.t. r
Afrikatibo m.t. j
Malapatinig w.t. y w

Pansinin na ipinakikita ng punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig nangyayari ang
pagbigkas ng isang katinig. Sa pamamagitan ng walong punto ng artikulasyon ay mailalarawan natin
ang ponemang katinig ng Filipino.

1. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b,m/.


2. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/.
3. Panlabi-Pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin /f,v/.
4. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid /s,z,l,r/.
5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila /y/.
6. Velar – dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila
/k,g,ŋ,w/.
7. Panlalamunan – ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/.
8. Glottal – lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng
papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang bumuo ng paimpit o
pasutsot na tunog /?,h/.

Ang paraan ng artikulasyon naman ay inilalarawan kung papaanong gumagana ang ginagamit na
mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa
pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. Ang paraan ng artikulasyon sa Filipino ay
mapapangkat sa pito, gaya ng mga sumusunod:

1. Pasara o Istap – harang na harang ang daan ng hangin /p,t,k,?,b,d,g/


2. Pailong o Nasal – sa ilong lumalabas ang hangin na naharang dahil sa pagbaba ng velum at hindi
sa bibig /m,n,ŋ/
3. Pasutsot – ang hanging tumatakas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila ng ngalangala
okaya’y ng mga babagtingang pantinig /f,v,s,z,h/.
4. Pagilid o Lateral – ang dulong dila ay nakadikit sa punong gilagid kung kayat ang hangin ay
lumalabas sa gilid ng dila /l/.
5. Pakatal o Thrill – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa
pamamagitan ng mabilis na paggalaw ng dulo ng nakaarkong dila /r/.
6. Afrikatibo – nang una ay pinipigilan ng babagtingang patinig ang hangin sa paglabas ngunit
pagkamaya-maya pa’y buong pinakawalan rin ito /j/.
7. Malapatinig o Glayd – katulad ngunit kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa
isang posisyon ng dila patungo sa ibang posisyon /w,y/.

Ponemang Patinig. Binubuo ang wikang Filipino ng limang ponemang patinig. Ang mga ito ay maaari
ring maiayos batay sa kung anong bahagi ng dila ang gumagana sa paglikha ng tunog (harap,
sentral, likod) at kung ano ang posisyon ng nabanggit na bahagi sa pagbigkas (mataas, gitna o
mababSa) tulad ng makikita sa ibaba:

You might also like