Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Batayang Edukasyon

Ang Pagtuturo ng Filipino sa ELEMENTARYA : A. Deskripsyon 1. Mga lawak o kasanayan Lumilinang sa kasayang: Pakikinig Pagsasalita Pagbasa
Pagsulat Pag-iisip

Saklaw sa mga lawak o kasanayan a. Ang mga tiyak na kasanayan ay nililinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’t-ibang kagamitan sa
LUBUSANG PAGKATUTO. b. SIBIKA at KULTURA – una hanggang ikatlong baitang (1) Maaring gamitin ng Filipino ang nilalaman ng SK/HKS. (2) Ang
batayang kasanayan sa pagbasa ay matutunan nang lubusan sa tatlong baitang.

B. Pagbabago sa Kasanayan o Kompetensi sa Pagkatuto 1. Pagsasaayos, pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad. 2. Pagtuon
sa mga tiyak o batayang kasanayan. 3. Pagbibigay DIIN SA PAGBABASA at PAKIKIPAGTALASATASAN para sa paguunawa sa mga BATAYANG
KAISIPAN O KONSEPTO SA MATEMATIKA AT AGHAM.

C. Mga Inaasahang Bunga MITHIIN: - Mabisang pakikipagtalastasan (Pasalita o pasulat) - Patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig.

D. Nakalaan/Nakatakdang Oras sa Pagtuturo ng Filipino PAGBABAGO: BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO I-III 60 80 Dagdag na 20 minuto IV-VI
60 60 Walang dagdag

E. Mga Dapat Isinasaalang-alang sa Pagtuturo ng Filipino 1. Pamaraang Pagsasanib (Integrative Method) Integrasyon o Pagsasanib ng mga
Kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills-Based Integration) HULWARAN 1 - Maaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan sa Isang aralin,
kung saan samasama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-aaral.

Ang paglinang ng gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang ng mga kasanayan sa PAKIKINIG,PAGSASALITA, PAGSUSULAT o PAG-
IISIP. Isaalang-alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng MASTERI o LUBUSANG PAGKATUTO. HULWARAN 2 Sa pagsasanib ng mga
kasanayan o lawak, hindi dapat malinang lahat ang lawak o kasanayan nang sabay-sabay.

2. Pagsasanib ng tiyak na kasanayan sa Filipino sa Nilalaman o Konsepto ng Ibang Asignatura (Content-Based Integration) TANDAAN: a. Sa
Baitang I-III Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng FILIPINO Palinang sa kasanayan sa pakikipagtalastasan ang pokus.

b. TEKSTO/BABSAHIN/PAKSANG-ARALIN ng SK at PAGPAPAHALAGA/EKAWP ginagamit na mga KAGAMITANG PANLITERATURA (TULA, KWENTO,


ALAMAT at iba pa.) Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRING BOARD sa paglinang ng mga Kanayan sa Filipino HALIMBAWA: Ang gagamiting LUNSARAN
ng ARALIN ay isang kwento.
Ang PAKSA o nilalaman ng kwento ay nauukol sa SK at EKAWP, sa ganitong sitwasyon nalilinang hindi lamang kaalaman sa SK ngunit lalo’t higit
ang mga KASANAYAN sa FILIPINO. c. BIGYANG-DIIN ang ganitong PAGSASANIB sa oras ng TALAKAYAN sa nilalaman ng mga TEKSTO o
KAGAMITANG PANLITERATURA na ginagamit na LUNSARAN sa paglinang ng kasanayan.

. 3. Interaktibong Pagdulog (Interactive Approach) a) Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang interaksyon (meaningful interaction)
b) Isang gawaing sama-sama (collaborative activity) c) Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan (1) pagpapahayag ng sariling ideya
(2) pag-unawa sa ideya ng iba

(3) nakikinig sa iba (4) bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto (shared context)

Ang Pagtuturo ng Filipino sa SEKONDARYA

Pangunahing MITHIIN ng Filipino: - Makadebelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino. Kailangang taglay ang kasanayang
makro: PAGBSA, PAGSULAT, PAGSASALITA at PAKIKINIG. - Bilang sanay na komunikatibong pakikipagtalastasan, nararapat na may kabatiran at
kasanayan siya sa apat na komponent ng kasanayang komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyolinggwistik at istratedyik.

SA UNANG DALAWANG TAON - Binigyang pokus ang masusing pag-aanalisa at pag-aaral ng mga tiyak na istrakturang gramatikal ng Filipino
bilang isang kasabay sa pagtatamo ng wastong kasanayan sa maunawang pagbasa. - Upang matamo ito, pinagsanib ang mga tekstong
prosidyural, reperensya, journalistic, literasi at politiko-ekonomiko at pagkatuto ng iba’t ibang istrakturang gramatikal.

HULING DALAWANG TAON - Ang pokus ay pagtatamo ng mapanuring pagiisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbabasa at pag-unawa sa iba’t-
ibang genre ng panitikang nakasalin sa Filipino. - Sa Bawat taon ay binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na komunikasyon sa
pamamagitan ng eksposyur sa iba’t ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito’y Pinagtutuunan ng isang linggong leksyon bawat
markahan.

Binibigyang pansin ang mga tiyak na akda bilang mga akdang pampanitikan. Sa UNANG TAON - Ibong Adarna Sa IKALAWANG TAON - florante at
Laura Sa IKATLONG TAON -Noli Me Tangere. Sa IKAAPAT NA TAON – El filibusterismo Pinagtutuunan ang mga akdang ito ng dalawang linggong
sesyon sa bawat markahan.

- Ang binibigyang pansin sa apat na taong pagaaral sa Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa akdemikong wika. - Hindi nagkakaroon ng
radikal na pagbabago sa kontent ng Filipino bilang sabdyek sa lebel sekondarya. - Binibigyan lamang ng pokus ang maunawaang pagbasa sa
tulong iba’t-ibang uri ng text upang malinang ang kasanayang linggwistika ng mga mag-aaral.

- Sa panitikan, tinitiyak lamang ang batayan at sukatan ng pagkatuto tulad ng mga tiyak sa tema, pamantayan at simulain.
SA KABUUAN: - Mahusay ang pagkakabuo/pagkakabalangkas ng RBEC sa Asginaturang Filipino sapagkat hindi lang ang kapakanan ng mga mag-
aaral ang isinasaalang-alang dito kundi pati rin ang kapakanan ng mga guro. - Maayos ang paglalahad ng bawat gawain sa tulong ng ready-made
na BanghayAralin.

- Magaganda at napapanahon ang mga teksto at naangkop ang lebel ng pag-unawa ng mga mag-aaral, lalung-lalo na sa ikaapat na taon. -
Magsisilbing hamon para sa kanila upang sila’y mag-isip. - May sapat na oras ang inilaan sa bawat aralin upang mabigyan ng pagkakataon ang
mga mag-aaral na makagawa ng kanilang mga output. Nabibigyang linaw din nito ang araling tinatalakay bago matapos ang sesyon.

Sa bahagi ng guro: - Hindi na mauubos ang oras ng guro sa paghahanda ng banghay-aralin. - Maganda ang pagkakaroon ng cooperative leaning
dahil sa less talk na ang guro sa loob ng klase. - Nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na magpahayag ng kanilang saloobin/pananaw na
may kaugnay sa aralin.

You might also like