Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Grado- Droga

Nasusukat ba ang karunungan?

Nakukumpara ba ang kaalaman?

Mga tanong na gumugulo saaking isipan.

Gaano ba katalino ang isang tao?

Nadidikta ba ito ng mga grado?

Mga kuryosidad na nabuo.

Hindi ba pwedeng sapat lang na natututo tayo

At alam mo sa sarili mong may pagbabago

Bakit ang pananaw ng iba

Nasusukat ang karunungan sa gradong nakikita nila

Hindi ba dapat sa mga kaalamang isinasabuhay

Para sa kinabukasang may kulay

Sabi nila regalo sa paghihirap ng mga magulang ang mga ito

At pati na rin sa sarili mo

Ngunit totoo bang para sayo at sakanila

Hindi ba para sa mga taong mapanghusga

Para tanggapin at respetuhin ka

Sa mundong dalawa ang mukha

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat paniwalaan at pagkitiwalaan

Ang nakikita lamang ng ating mga mata

Dahil ang mga ito ay maaaring mabahiran ng kasinungalingan


Na hindi natin mababawi pa

Maraming paraan para ito'y madaya

Kaya itanim sa isipan

Hindi mataas na grado ang magpapasaya

Saatin o kaninuman

Dahil sa huli, kaalaman at karunungan parin ang mananaig

Hindi ang pangsukat na wala namang kasiguraduhan

At binabago ang buong daigdig

Na dapat, hindi kailan man

Ngunit ano pa nga bang magagawa

Sa mapait na reyalidad na tayo rin ang may gawa

Magandang trabaho, maraming oportunidad

Pag respeto ng mga tao, lantarang inilalahad

Yan ang importansiya ng mataas na grado

Ngunit nilalason ang kaisipan ng mga tao

Nagsisilbing droga na kinaaadikan

Ng mga taong uhaw sa pagtanggap ng karamihan.

You might also like