Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

15 MYSTERIES

CATHOLIC
LAY
MISSIONARIES
#6 ST. FRANCIS VILL.
STA. QUITERIA
CALOOCAN CITY

SIS. JOVITA B. DOMINGO


FOUNDER
Ang Regina Coeli (sa Tagalog ay "O Reyna ng Langit") ay
isang sinaunang awiting Latin para sa BirhenMaria sa Simbahang
Katolika. Isa ito sa apat na antipona sa Birhen Maria, na
ipinapaawit o ibinibigkas sa Panalangin ng mga Kristiyano sa
Maghapon sa pagtatapós ng huling panalangin nang naturang
araw o sa gabi. Sa panahon ng Pasko ng Pagkabuhay,
mula Sabado de Gloria hanggang Sabado matapos
ang Pentekostes, iniaawit ang Regina Coeli kapalit ng Orasyon.

N. O Reyna ng Langit, magalak ka. Aleluya!


L. Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan.
Aleluya!
N. Ay nabuhay na mag-uli na gaya ng kanyang sinabi.
Aleluya!
L. Ipanalangin mo kami sa Diyos, Aleluya.
N. Matuwa ka at magalak, O Birheng Maria, Aleluya!
L. Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon.
Aleluya!
Manalangin Tayo:
O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong
Anak na si Jesukristong Panginoon namin, ay minarapat mong
paligayahin ang mundo. Hinihiling namin sa iyo na alang-alang
sa Birheng Maria na kanyang Ina ay makamtan namin ang
kaligayahan sa buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan din ni
Kristong Panginoon namin. Amen.

You might also like