Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

No Homework Policy: Isang Posisyong Papel

Naging mainit na usapin ang pagsasabatas ng House Bill No. 3611 ni Deputy
Speaker Evelina Escudero o mas kilala sa tawag na No Homework Policy. Naglalayon ito
na tanggalin ang pagbibigay ng takdang-aralin at limitahan ang mga aktibidades sa loob ng
paaralan. Humakot ito ng iba’t – ibang reaksyon mula sa lahat ng sulok ng bansa. Ako ay
lubos na hindi sumasang-ayon sa pagpapatupad ng naturang batas.

Ayon kay Cong. Alfred Vargas nang Quezon City, hadlang ang (mga) takdang
aralin sa ugnayan ng mag-aaral at ng mga magulang, Kung ating titignan, nakokonsyumo
ng mga gawaing pang-aralan ang oras ng mga mag-aaral na dapat ay inilalaan nila para sa
kanilang sariling kapahingahan o para sa kanilang personal na oras sa kanilang pamilya o
kaibigan. Mapapansin din natin ang bilang ng mga mag-aaral na nagpapakamatay dahil sa
gawaing pang-aralan (Tomacrus 2018). Kung maisasabatas ang batas na ito, maari pang
mabawasan ang bilang ng kasong ito. Sa kabilang banda, napakarami ring negatibong
epekto na maaring magkaroon sa oras na maisatupad ang batas na ito. Mula sa artikolo ng
The Manila Times na nailathala noong Agosto 31, 2019, malaki ang magiging epekto nito
sa kalidad ng ating edukasyon. Ang pagkakaroon ng ganitong batas ay pinipigalan ang mga
mag-aaral na maisabuhay ang kanilang natutuhan sa paaralan. Maari rin nitong matigilan
ang pagkakaroon ng mabuting pagkilos sa paggawa at preparasyon para sa hinaharap na
maaring maituro ng paggawa ng takdang-aralin. Bukod pa roon, maari parin namang
magkaroon ng oras pangkasiyahan ang mga mag-aaral kung maisasabuhay nila ang
wastong pagsasa-ayos ng kanilang oras at ang bagay na ito ay isa ring aral na maari nating
mapagtanto sa paggawa ng mga takdang aralin.

Bagama’t kung ating hihimay-himayin, mayroon naman talagang mabuting dulot


ang pagsasabatas ng batas na ito, ngunit sa mas akademiko at lohikong kadahilanan, mas
makakabuting hindi ito maisabatas. Life is not a piece of cake ika nga, kailangan nating
maging handa sa buhay pagkatapos ng paaralan, at upang mahubog tayo, ang paggawa ng
takdang aralin ang pinakamagandang paraan upang tayo ay mahasa. Nirerekomenda ko na,
imbes na tanggalin ang takdang-aralin sa ating curriculum, limitahan na lamang ang
pagbibigay ng mga aktibidades sa mga mag-aaral ng sa gayon ay mapagtanto rin nila ang
tunay na ibig sabihin ng buhay.

You might also like