Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“Ang Munting Bariles”

I. Pagsusuri sa may akda.

Henri Rene Albert Guy De Maupassant


 “Ama ng mordernong Maikling Kwento”
 Ang kaniyang mga isinusulat ay makatotohanan.
 Si Guy ay sobrang lungkot sa pangyayari sa lipunan niya kaya naapektuhan ang kaniyang trabaho dahil isinusulat
niya ang mga problema sa ating lipunan.
 Isinulat niya ang “Ang munting Bariles” upang ipakita sa ibang tao ang pangaraw-araaw na buhay sa Pransya.
 Ang paglalarawan niya kila Chicot at Nanay Magloire ay sa paraan ng panghuhusga dahil sa kaniyang lipunan ay
nakikita niya na halos lahat ng tao ay mapaghusga.
 Ipinakita rito ang “patriarchal society” ibig sabihin ay ang lalaki ay mas makapangyarihan sa babae, si Chicot ay
nagmamayari ng hotel at si Nanay Magloire ay nasa bahay lang.
 Isinulat niya ang “Ang munting Bariles” dahil halos lahat ng ginagawa niyang kwento ay may kinalaman sa
kasakiman at kagustuhan.

II. Pagsusuri sa akda.

Sangkap Pagsusuri sa akda


1. Tema Pagawa ng mali para makuha ang gusto.
2. Tagpuan Ito ay naganap sa probinsiya. Ito ay sa bahay ni Chicot at sa bukirin ni Nanay Magloire..
Ang bahay ni Chicot ay katulad ng mga bahay ng mga mayayaman, mayroong
napakahabang mesa kung saan nagsasalo-salo habang kumakain, mayroong ring mga
palamuti. Ang bukirin naman ni Nanay Magloire ay mayroong mga puno, mga tanim at
mayroon ring kubo kung saan siya naninirahan.
Ito ay sa buwan ng Setyembre, naganap ito sa panahon bago mag-taglamig dahil inabot
pa ng ilang buwan bago namatay si Nanay Magloire.
3. Tauhan Pangalan Katangian Anyo ng tauhan
Jules Chicot  Tusong Negosyante at Flat
nagmamay-ari ng - ipinakita nito na sa una
spreville hotel. hanggang sa huli ng kwento ay
 Isang taong nilinlang at ginawa niya ang lahat
mapaglinlang at ng bagay para makuha ang gusto
ginagawa ang lahat para bukirin ni Nanay Magloire kahit na
makamit ang kagustuhan ang resulta nito ay masama.
nito.
Nanay Magloire  May-ari ng bukirin Bilog
 Isang taong nasisindak - Nung una ay hindi ito pumayag
sa pera na ibenta ang kaniyang bukirin
pero nang alokin siya ni Chicot ng
pera ay pumayag ito.

Rosalie  Utusan ni Chicot. Flat


 Masunurin na tao. - Sa una hanggang sa huli ay
utusan lang siya ni Jules Chicot.
Abogado  Pinagtangunan ni Nanay Flat
Magloire tungkol sa - Dahil nung una hanggang sa
inaalok ni Chicot. huli ay ang ginampanan niya ay
 Taong maparaan at abogado lang.
praktikal.
4. Tunggalian  Tao laban sa sarili
- Ipinakita ito sa kwento nang tinatanong ni Chicot sa sarili niya kung bakit hindi
pa mamatay ang matanda dahil gusto niya nang makuha ang lupain at ang
pagdadalawang isip din ni Nanay Magloire kung papayag ba siya sa inalok ni Chicot
sa kaniya.
 Tao laban sa tao
- Ang pagtanggi ni Nanay Magloire na ibenta ang bukid niya at ang paglinlang ni
Chicot kay Nanay Magloire sa paraan ng pagpapainom ng alak kay Nanay
Magloireat naging bisyo niya ito kaya siya namatay
 Tao laban sa lipunan
- Nang hinusgahan ng ibang tao si Nanay Magloire na kung kailan ay matanda na
siya ay saka pa siya naadik sa paginom ng alak na dapat ay hindi na daw siya
uminom ng alak dahil walang gamot ito dahil sa katandaan din ni Nanay Magloire.
5. Banghay  Simula
- Si jules chicot ay ang nagmamayari ng spreville hotel at isa din siyang
negosyante at si nanay Magloire ay ang may-ari ng bukirin na katabi ng spreville
hotel. Gustong mabili ni Jules Chicot ang bukirin ni nanay Magloire pero laging
tumatanggi si Nanay Magloire.
 Saglit na kasiglahan
- Nang hindi mapapayag ni Chicot si Nanay Maglorie ay nagisip siya ng pwede
niyang gawin. Dumalaw ulit si Chicot at sinabi kay Nanay Maglorie na babayaran
siya buwan buwan paa sa bahay at lupa pero titira parin si Nanay magloire sa
bahay niya.
 Kasukdulan
- Pumunta si Nanay Magliore sa abogado at hindi nagtagal ay pumayag siya sa
alok ni Chicot. Tatlong taon ang lumipas ay malakas parin si Nanay Magloire kaya
nainis si Chicot dahil ang tagal mamatay ni Nanay Magloire.
 Kakalasan
- Inaya niya si Nanay Magloire para kumain sabahay niya. Napansin niya na
ayaw ni Nanay Magloire sa pagkain kaya binigyan niya ito ng alak at nagustuhan
iyon ni Nanay Magloire. Nalaman ni chicot na mahilig sa alak si Nanay Magloire
kaya lagi niyang binibigyan ito.
 Wakas
- si Nanay Magloire ay naadik sa alak at sumama ang kalusugan at namatay
bago magpasko. Namatay si Nanay Magloire at nakuha na ni Chicot ang lupang
kaniyang gusto.
6. Kakintalan Ang kagandahan sa kwentong “ang munting Bariles” ay ang pagiging makatotohanan
nito at ang kwento nito kahit na wala itong plot twsit ay naipakita satin kung ano ang mga
tao ngayon. Si Chicot ay isang halimbawa ng taong magpaglinlang, sa lipunan natin ay
maraming taong manloloko gagawin ang lahat para makuha ang gusto at hindi iisipin ang
kakalabasan. Si Nanay Magloire naman ay isang halimbawa ng taong madaling makuha
ang loob dahil sa pera sa atin ngayon ay madali na lang tayong sumunod sa bagay na
may kinalamn ang pera hidni na natin iisipin ang ibang bagay dahil may pera tayo at
halimbawa din si Nanay magloire na kapag naadik ka sa alak ay wala itong magandang
mapapala.
III. Pagsusuri sa nilalaman.

“Ang Munting Bariles”

Maaring gawin ng isang tao para makuha ang gusto nito. Dahil sa kagustuhan ni Chicot
na mabili ang bukirin ni Nanay Magloire ay ginawa niya ito sa maling paraan.

Pagnanakaw upang mabili Pagbayad sa isang tao para Paninira sa ibang tao upang
o makuha ang kagustuhan. pagtakpan ang ginawang makaangat.
mali.

Pagbubuod:
Para makuha ang ating kagustuhan ay dahilan upang makagawa tayo ng masama. Hindi lahat ng ating gusto
ay makukuha natin pero mayroong ibang tao na pinipilit ang kanilaang kagustuhan kahit na ang resulta nito ay
makakagawa sila ng mali. Kaya dapat makuntento tayo sa kung anong meron tayo, hindi masamang
maghangad ng mga bagay pero dapat ay hindi tayo gagawa ng masama para matupad iyon.

You might also like