Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 269

Must Read

ALZORA: Return of the Arankar Princess ⓒ naughtyjackyy. All rights reserved. This
story or any portion thereof may not be produced or used in any manner whatsoever
without the express written permission of the author except in the case of brief
quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses
permitted by copyright law.

( The following pictures aren't mine, I've just searched it from google.)

***

Author's Note : May mga errors kayong mai-encounter sa mga susunod pang chapters.

I'm not a professional writer but I'll make sure that I will give my best shot to
reach your expectations in this story and on my writing skills (kung meron man,
haha) At para sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lang ng kwentong ito,
maraming salamat! Hehe labyu all!

Note: Para po mareplyan ko kayo, PM niyo lang ako para ma-notice ko hehehe :*

Please support this story!

Votes and Comments are highly appreciated :)

(That's me on the picture below)

OTHER STORIES :

* The Alpha's Nerd

* This Vampire is Inlove with a Gangster

Note:

PM me kung gusto niyo akong makausap dahil hindi ko na po mareplyan ang mga
comments niyo. Hehe. Thanks!

Prologue

See Yuki on the multimedia section :)

***

Dedicated to airblend she's one of my loyal readers :)

Nagkakagulo na ang buong Alzora, maraming nagtatakbuhan, nag-iiyakan at naglalaban.


Kasalukuyang sumusugod ang Wiccan Tribe at walang habas na pinagpapapatay ang lahat
ng nakikita nila, mapa bata man o matanda.

Sa kabilang banda naman ay nasa isang silid ang Reyna ng mga Arankar napapalibutan
siya ng mga knight slayers kasama na ang kaniyang kanang kamay na si Magrett, sa
araw kasing iyon ay manganganak na ang reyna.

Nakarinig sila ng napakalakas na pagsabog sa labas ng silid kung kaya't naging


alerto ang mga knight slayers, inilabas nila ang kanilang mga espada at pinadaloy
rito ang elementong taglay nila.

Habang si Magrett ay inilabas ang kaniyang wand at naging alerto, habang ang mahal
na reyna ay hindi magkamayaw sa pagsigaw dahil sa nalalapit niyang panganganak.

"Sorcerers!" Sigaw ng isang knight slayer at sa isang iglap lang ay nabahiran ng


dugo ang maputing silid ng reyna.

Napadako ang tingin ni Magrett sa reyna at halos manlaki ang mata nito nang
makitang naisilang na ng reyna ang kaniyang tagapagmana.

"I-ta-takas m-mo a-ang a-anak k-ko" sabi ng reyna bago ito mabalutan ng gintong
liwanag at unti-unting bumalik ang kaniyang lakas, suot-suot na niya ang kaniyang
gintong baluti at nakatayo na siya sa harap nila Magrett.

"Tara na" sabi nito bago buong pwersang hinawi ang kumpol ng mga sorcerers na
humarang sa kanilang daraanan.

Hinawakan nito si Magrett na kasalukuyang karga ang kaniyang anak, inilabas nito
ang kaniyang ginintuang pakpak at mabilis itong ipinagaspas palayo sa magulong
mundo ng Alzora.

Huminto sila sa Anzien Mountain, isa sa pinaka payapang lugar sa mundo ng Alzora,
doon itinapat ng reyna ang kamay niya sa isang puno, at mula rito ay may namumuong
lagusan papuntang Greiko, ang mundo ng mga mortal.

"Tumakas kayo ng anak ko Magrett, iligtas mo ang tagapangalaga ng mundong ito"

"Pero---"

"Makinig ka... May masama akong kutob, kung kaya't umalis na kayo!"

Natigilan si Magrett sa sinabi ng reyna ngunit nakuha niya ang ibig ipahiwatig nito
kung kaya't mabilis siyang humakbang papasok sa lagusang gawa ng reyna.

"Sandali..." Napatigil siya sa paghakbang, humarap siya sa reyna at nakita niya ang
mukha ng isang ina... Inang nagpapaalam sa kaniyang anak.

Inilapit ng reyna ang kaniyang mukha sa kaniyang anak, hinalikan niya ito dahilan
upang balutin ito ng gintong liwanag.

"Ingatan mo ang anak ko"

"Makakaasa ka mahal na reyna" sabi ni Magrett at mas hinigpitan ang hawak sa itlog
ng mahal na reyna at tumuloy na.

***

~ Join our FB Group:


Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)

At kung gusto niyo ako makausap, PM niyo lang ako!

•n a u g h t y j a c k y y•

Chapter One

Dedicated to dangerous_blue05

***

Padabog kong sinara ang pinto ng classroom namin na ikinabigla ng mga classmates ko
at napatingin silang lahat sa akin.

"Hoy bruha anong problema, bakit may black eye ka?" Tanong ng bestfriend kong si
Anna habang sinusuri ang mukha ko.

Iniwas ko naman ang mukha ko, ayaw na ayaw ko kasing tinitingnan niya ako eh.

"Wala" pagsisinungaling ko at napataas ang kilay niya.

"Yuki Amina, kilala kita! Halos ako na ang kasama mo simula pa no'ng fetus ka pa!
Kaya 'wag kang magsinungaling sa akin.. Hmmm, siguro nag ala-detective kana naman
no?" sabi nito at tumango ako dahil tama naman siya.

Hahay buhay, bakit ba 'di ko magawang makapag-sinungaling sa bruhang ito? Uyy 'wag
kayo, tawagan namin 'yan. Sweet ano?

"Anong nangyari? Ekwento mo nga sa'kin bilis!" Sabi ni Anna at hinila ako papunta
sa upuan namin. Kinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari, as in lahat.

"ANO?!" napataas ang boses ni Anna matapos marinig ang kwento ko kung kaya't
pinagtinginan kami ng mga classmates namin.
Binigyan lang sila ni Anna ng 'pake niyo?' look.
Magdadaldalan pa sana kaming dalawa pero dumating na ang prof naming terror kaya
tumigil na kami.

Kung nagtataka kayo kung bakit nagkaroon ako ng mala-dalmatiang make up, well,
ganito ang nangyari.

*** Flashback ***

Habang papasok ako papuntang classroom ay may narinig akong chismis na nakakuha ng
atensiyon ko.

"Guys, alam niyo ba.. bigla nalang nawala si Mae no'ng mapadaan siya sa puno ng
balete kanina.."

" Paano mo naman nasabi?"

"Eh kasi magkasama kami ng time na 'yon , before kami makalagpas sa puno ng balete
ay tinawag ako ni Cess, kaya lumingon ako. Ngunit paglingon ko pabalik upang
sabihin kay Mae na sasama muna ako kay Cess ay nawala na ito, kaloka diba?"
"OH MY! Baka may malignong manyak sa balete ?!"

"Hmmmm interesting.." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa taas at nilalagay


sa bandang bibig ko ang hintuturo ko at agad tumakbo papuntang puno ng balete.
Aja payting Yuki! Cheer ko sa sarili ko.

Nang makarating ako ay agad akong naghanap ng clues sa puno ng balete, inilibot ko
ang tingin ko, sa taas, sa baba. Naningkit na ang mga mata ko sa kakahanap at nang
mapagawi ang tingin ko sa may ugat ng balete ay may nakita akong hikaw,dali-daling
pinulot ko ito.

Pagdampot ko, napataas ang kilay ko dahil napansin kong may mga marka ng sapatos sa
lupa, Ang isang pares nito ay malaki kaya sigurado akong sa lalaki ito. Habang yung
isa ay maliit, kung kaya't hindi ako sigurado kung sa lalaki ba ito o sa babae kaya
upang malaman, sinundan ko ito at dinala ako ng mga marka sa isang luma at
abandonadong classroom, basag ang mga bintana at maraming basurang nagkalat sa
labas.

Napangisi ako dahil alam kong malapit ko ng malutas ang kaso ni Mae. Agad kong
kinapa ang aking bulsa at kinuha ang Cellphone ko, kinuhanan ko ng mga litrato ang
mga marka ng sapatos papuntang abandoned classroom, pati ang '#crimeScene' haha.

Naglakad ako palapit rito. Maingat kong hinahakbang ang mga paa ko upang maiwasang
makagawa ng ingay.

Nang tuluyan na akong makalapit ay halos manlaki ang mga mata ko nang makarinig ako
ng mga UNGOL?
Mas inilapit ko pa ang sarili ko at idinikit ang tenga ko sa pinto.

"Ahhh,yeaahhh! hardeeerrrr baaabbee" ungol ng isang di kilalang boses ng babae.

Napalunok ako dahil may hinala na ako sa nangyayari. Di ako tanga para di malaman
kung ano 'yon no! nag-aanuhan sila.. basta alam niyo na 'yon.

Pero di ako napigilan nito at muli, dahan-dahan kong pinihit ang pintuan at doon
bumulaga sa akin ang hubo't hubad na katawan ng babae at lalaki. Nakatalikod ang
lalaki habang kumakadyot sa isang babae. Nakita ko pa ang matambok na puwet ng
lalaki kaya napatakip ako ng mga mata ko
"Ho-hoyyy!!" Lakas-loob kong sigaw.
"Fuck! May tao!" Natatarantang sigaw ng lalaki sabay dampot ng mga damit nito
maging ang babae.
Shit! Ang mga mata ko, tulungan ninyo ako... my virgin eyes, nakita ko kasi ang
ano, 'yong ano ng lalaki. Basta! Habang ang babae naman nakilala ko,

"Mae?!" Di makapaniwalang sigaw ko, all this time hindi pala siya dinukot ng
maligno? Kundi kusa pala siyang nagpatangay sa lamanlupang kasama niya? Gosh mga
kabataan talaga ngayon.

Napataas naman ang kilay ng babae at halatang inis na inis na ito."Ano bang
problema mo at paano mo kami nasundan?" naiinis na wika nito.
Hindi ko naintindihan ang sarili ko kung bakit ko biglang itinaas ang cellphone ko
at kinuhanan sila ng litrato. >click<
Kaya ang nangyari ..

Nasuntok lang naman ako ni Mae sabay sabing "Pakialamera kang babae ka! Ang sarap
na sana eh, kaso dumating kang asungot ka, kaya walang lumalapit sayo kasi
PAKIALAMERA ka! By the way, Pakibura ng litrato ha! Kung ayaw mong ikaw ang burahin
ko sa mundo!!" Tinulak niya ako kung kaya't napa-atras ako sabay hila niya sa
kasamang lalaki palabas ng building.
Napahawak nalang ako sa kanang mata ko, WOW! Just WOW ang sakit, pero mas masakit
ang iwanan ng taong lubos mong minamahal at pinaka-iniingatan, Boom HUGOT!
Kaya ayun, that's the reason behind this black eye. Happy?

*** END ***

"Hoy bruha, tulala kana naman! kanina kapa tinatawag ni Ma'am" saway ni Anna sa'kin
sa pamamagitan ng pagbigay sa akin ng isang malutong na batok, kaya natauhan ako.
How sweet, halatang concern masyado si bespren.

Napatingin ako sa prof namin na daig pa ang tiger look ng mga sundalo sa mga oras
na ito.

"MS. YUKI AMINA, STAND UP AND FACE YOUR CLASSMATES!"

Nanggigigil na sabi ni Ma'am Ramos - isang terror teacher namin sa Literature.

Wala akong nagawa kundi tumayo at pumunta sa harapan ng klase at duon pinaharap
niya ako sa mga classmates ko. I saw her smirked at me. Bitter lang?

"Put these books in each of your hand, This serves as your punishment for not
paying attention in my class! Carry this hanggang tumunog ang bell" sabi nito sabay
lagay ng tig-aapat na libro sa kamay ko na singkapal ng mukha niya.

Wala akong choice kundi buhatin ito, at poker face kong hinarap ang mga classmates
ko, nakita ko pang nagpipigil ng tawa ang bestfriend ko. Isa siyang magandang
halimbawa ng isang mabuting kaibigan. Promise.
Ilang minuto pa ang lumipas, tumatagaktak na ang pawis ko at nanginginig nadin ang
tuhod ko, Gawd kapag ako nagkaroon ng pagkakataon? Kakalbuhin ko talaga ang gurang
na iyon, I SWEAR.
Habang nag-ala model ako ng mga libro, ay napaisip ako. Bakit ba palagi nalang
akong napapahamak sa tuwing nag-aala detective ako? Hahay last na 'to, di na ulit
ako magpapaka-detective. PROMISE.

*Kriiiinnngggggg!* oh yeah! Saved by the bell.

"Okay, class dismissed. Ms. Amina you may take your recess" sabi ni Ma'am Ramos at
tuluyang lumabas na ng classroom.

Agad kong ibinagsak ang mga librong nakapatong sa kamay ko at nagpakawala ng isang
malalim na buntong hininga. Sa wakas! I'm free.
Nag-unat muna ako ng katawan dahil sobrang ngalay talaga.

Lumabas na ako ng classroom at nakita ko si Anna Impakta na nakapameywang sa labas


at halatang naiinip na, she's tapping the floor gamit ang paa niya at nakakunot na
ang noo, at nang makita niya ako ay mas lalo lang itong kumunot.

"What took you so long? Masyado bang mabigat ang libro? To the point na parang
dumikit na ang mga paa mo sa sahig?" pa-inosenteng tanong nito.

Anong konek ng libro sa sahig? Paki-explain.

"Nag-unat lang ako. Hmm let's go, Gutom na ako" sabi ko sabay hila sa kanya
papuntang canteen, hindi na ito pumalag.

Pagkarating namin ay agad kaming pumila. Nauna si Anna sa akin kung kaya't kita ko
ang likod niya.

Nang hinangin ang buhok niya ay bahagyang na-expose ang kaniyang batok at nakita
kong may parang tattoo siya roon, isang parang water drop na color sky blue na may
letter M sa loob na kumikinang.

"Hoy impakta, ganda ng tattoo ah!" Puri ko rito sabay siko ng tagiliran niya.

Napalingon naman siya sa akin, saka inayos ang buhok upang matabunan ang tatoo
niya. Namumutla ito at pinagpapawisan. Napakunot ang noo ko dahil sa ekspresyon
niya.

"Hoy, anong problema? Bakit amputla mo? Tsaka pinagpapawisan ka rin!" Sabi ko rito
at pinahid ang pawisan niyang noo. Pero nanatiling tahimik lang ito.

[ ANNA ]
Nabigla ako sa sinabi ni Yuki. Tattoo? Bigla kong narealize ang Emblem ko sa batok
ko. Kung kaya't namutla ako dahil nakita ito ni Yuki.

Di ko namalayang tapos na pala ang pamamalagi ko sa mundong ito, Yes you've heard
it right, since nakikita na ng tao ang emblem ko, nangangahulugang tapos na ang
pamamalagi ko sa mundong ito. I need to go back there, dahil ganap na akong
Alzorian, at kung mananatili pa ako rito sa Greiko, there will be a possibility na
maubos ang Magoi ko dito. And when that happens, I will be a mortal. FOREVER.
Napadpad lang kami dito sa Greiko/mortal world dahil sa nangyaring pagsugod ng
Cursed Tribe, kwento ni Dad. While my mom? She died giving birth to me here in the
Greiko.

Nang ililikas na sana niya si Mama ay naabutan na sila ng ilang miyembro ng Cursed
Tribe, that's why to save my mom, he opened a portal that consumed almost of his
Magoi (the inner soul of an Alzorian) that made him powerless. Ang inner soul ay
ang kaluluwa ng kapangyarihan ng isang Alzorian, without it... you're just a normal
person.

Gusto ko pa sanang makasama si Dad, pero baka maubos na ang Magoi ko. Hindi ko
narin naman siya maisasama sa Alzora, dahil wala na ang Magoi niya. Isa na siyang
ganap na tao. And it may lead him to death pag sinama ko pa siya dun. You'll know
the reason soon.

Today is my 18th Birthday. My debut sana, but I really need to go, bahala na kung
wala akong dalang mga damit, doon nalang ako bibili.

Kailangan ko nang umalis, bahala na si Dad sa records ko rito sa Greiko, total siya
naman ang maysabi sa akin na pag lumitaw na ang Emblem ko ay kailangan ko ng
bumalik sa Alzora.

[ YUKI ]

"Hoy bruha! Alis na muna ako. May titingnan lang " paalam ni Anna na hindi
mapakali.

"Ha--"

Hindi na niya ako hinintay na makapag-salita pa at agad na itong kumaripas ng


takbo. Napansin kong kumikinang ang parang tattoo niya sa batok niya, nacu-curious
tuloy ako. At dahil do'n nabuhay na naman ang dugong detective ko.

Hmmmm, I guess di naman ako mapapahamak nito, kaya 'Last na talaga to' PROMISE.

Sinundan ko na si Anna Impakta at nakita ko siyang papunta sa balete kaya nagtaka


ako, binilisan ko pa ang takbo at nang makarating ako sa balete ay may naramdaman
akong kakaiba. Nakaramdam ako ng kaba at pag-aalinlangan na ituloy ang pagsunod kay
Anna.

Narinig ko pa siyang may sinabi. Kung tama ang pagkakadinig ko, ang sinabi niya ay
'Abre porta de Alzora'.
Balak ko sana siyang gulatin pero ako ang nagulat nang makita kong pumasok siya sa
isang...PINTO? Oh my god!

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko baka nagha-hallucinate lang ako, pero wala parin
eh. Nando'n parin ang isang double-door na may marka ng parang isang pentagram sa
loob ng isang bilog na may disenyo ng ginto at sari-saring makukulay na gems.
Pero imbis na matakot...

"Mystery!!!" Excited kong sabi sabay sunod sa kanya, at nang tumapat ako sa pinto
ay biglang sumakit ang birthmark ko sa kaliwang parte ng dibdib ko, parang napapaso
ito. Ang init ng pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman
ko, tumutulo na ang malamig kong pawis, balak ko na sanang umalis nang maramdaman
kong parang hinihigop ako ng pintuan, kaya nataranta ako at naghanap ng
makakapitan, naramdaman kong umangat na ang katawan ko pero nanatili akong
nakakapit sa ugat ng balete.

"Ahhhhhhhh!!!" Sigaw ko nang tuluyan na akong hinigop ng pinto, para akong


maduduwal dahil paikot-ikot akong nahuhulog sa walang katapusang bangin ba ito o
ano? Nagrarambulan na ang mga laman-loob ko sa tindi ng pag-ikot ng katawan ko,
tinakpan ko nalang ang bibig ko gamit ang dalawa kong palad, dahil anytime kapag
sumigaw ako, sigurado... Back to nature ang mga kinain ko.

Narinig ko pa ang malakas na pagsara ng pinto at tuluyang naging madilim ang buong
paligid .

[ MAGRETT ]

Nakauwi na sa wakas ang huling lahi ng pinaka-malakas na Tribo. Mag-iingat ka sana,


alagaan mo ang sarili mo.

Nais sana kitang samahan ngunit hindi pa ito ang tamang panahon.
Sana'y malaman mo na ang totoo mong pagkatao, bago pa muling sumalakay ang mga
kalaban.
Mag-iingat ka
.
.
.
.
.
.
.
Apo

***

A/N: Okay lang ba? Comment down :*

n a u g h t y j a c k y y

Chapter Two

See Anna on the multimedia section ;)


***

Dedicated to moon-strings

[ ANNA ]

Maayos akong lumapag mula sa aking paglalakbay. Anong klaseng portal ba yun?!
Nakakahilo naman, para tuloy akong sumakay ng roller coaster! Nagrambulan lahat ng
lamanloob ko!

Nga pala, kaya nagliliwanag ang emblem ko ay dahil senyales ito na tinatawag na ng
Alzora ang inner soul ko, at para maliwanagan kayo kung bakit hindi naubos ang
Magoi ko sa paggawa ng portal, ay dahil 'yon sa enerhiyang binibigay ng mundong
ito, ng mundo ng Alzora. Kumbaga nang gamitin ni Dad ang magoi niya sa paggawa ng
portal ay naubos ito, at dahil nasa Greiko na siya... hindi na siya abot ng
enerhiyang bigay ng Alzorian Core, kabaliktaran naman ng akin, I opened a portal
papuntang Alzora, kaya yung nawala kong lakas ay naibalik nang makatungtong ako sa
lupaing ito. Okay na ba?

Palakad na sana ako nang may narinig akong sigaw ng isang babae sa ibabaw kung saan
ako nanggaling. Isang pamilyar na sigaw, kung kaya't napatingin ako sa taas at
halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong may nakakita sa'kin na pumasok
ng portal at nasundan pa ako nito, pero ang masaklap pa
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang bestfriend ko pa mismo!

"Aray!!" Daing ko ng madaganan ako ng bruha kong bestfriend, nakadapa ako ngayon
habang siya ay nakadagan sa likod ko.

"Bwwwaaa.. bwaaaa" si Yuki na agad napatayo at hinawakan ang kaniyang tiyan na tila
naduduwal.

"Ho-hoy, wag dito! Baka masukahan mo ako!" Sabi ko rito dahil nako, baka masukahan
ako ng bruhang ito. Ngunit hindi ito gumalaw at pansin kong malapit na niyang
ilabas ang kaniyang hinanaing.

Kaya agad ko siyang pinalutang at nilapag sa gilid ng puno gamit ang kapangyarihan
kong kontrolin ang elemento ng tubig. Uh-oh, wrong move.

Nakita kong lumaki ang mga mata nito nangangahulugang nabigla ito sa nakita.

[ YUKI ]

Nadaganan ko si Anna pagkabagsak ko, mabuti nalang at nasalo niya ako, kung kaya't
hindi ako nasaktan.

(A/N: Hindi kagaya ng iba d'yan na nahulog, pero hindi sinalo. Kaya ayun! Broken
ang puso).

Naramdaman ko namang unti-unti lumulutang ang katawan ko at napunta ako sa gilid ng


puno. Nagtaka, nabigla at natakot ako kung bakit ako lumutang kung kaya't tiningnan
ko ang dahilan ng paglutang ko at ...

Halos lumuwa ang eyeballs ko sa nakita ko, nakasakay ako sa isang water wave at
nang sundan ko ng tingin ang pinagmumulan nito ay dun na nalaglag ang eyeballs ko
nang makitang kinokontrol ito ni Anna gamit ang kanang kamay niya.

"Ahhhhhhh!!!" Napatili nalang ako.

[ ANNA ]

"Ahhhhhhh!!!" Tili ni Yuki.

Nanlamig naman ako nang makita ang ekspresyon nito. Natatakot ako sa maaaring
maging reaksiyon ng bestfriend ko, natatakot ako na baka kamuhian niya ako dahil sa
paglilihim ko sa kaniya.

"Waaahhhhh! Anna Impakta ang cool mo!" Sabi nito at tumalon-talon pa bago ako
dinambahan ng yakap.

Ako naman ngayon ang nanlaki ang mga mata. I never expect na ganun ang magiging
reaksiyon niya, maybe itong ang sinasabi nilang 'expectations versus reality?' I
thought matatakot siya o kamumuhian niya ako, but as what as I saw, mukhang hindi
naman. Malabong mangyari yun.

"Bruha.. di ka natatakot sa'kin?" Paninigurado ko. Mahirap ng maniwala sa nakikita


ng mata.

"Why would I? You're so cool kaya! Tsaka, ang cool kayang pakinggan na ang
bestfriend kong impakta ay isang super hero!" sabi nito na parang nagnining-ning pa
ang mga mata dahil sa pagkamangha.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Pero narealize ko, bakit siya nakapasok rito, bakit
siya nagtagal? Uhm, don't get me wrong ha? Ang point ko lang naman ay ganito...
halos lahat kasi ng mga taong aksidenteng napapadpad rito ay nagiging hayop or
worst, namamatay kasi di kayang e-sustain ng katawan nila ang enerhiyang nagmumula
sa lupaing ito, mortals' body cannot contain the overflowing energy that the
Alzorian core emits, their body might edplode. That's the reason rin kung kaya't
hindi ko maaaring maisama si Dad.

Parang nahawa tuloy ako sa pagiging feeling detective ni Yuki. Gusto ko kasing
alamin ang rason kung bakit siya nakapasok sa mundong ito ng hindi napapahamak.

"Yuki hindi mo alam ang pinasok mo, maraming klaseng nilalang pa kagaya ko ang
makakasalamuha mo, tsaka kailangan mo ng bumalik sa Greiko I mean Mortal world
dahil maaaring ikamatay mo ang pamamalagi mo rito. Baka di kayanin ng katawan mo
ang enerhiyang binibigay ng Alzora." nag-aalalang paalala ko rito.

"What? Oh my gosh! Sgurado ka ba sa sinasabi mo?!" Natatarantang sabi nito at


halata sa mukha nito ang pagkatakot, ikaw ba naman ang sabihang maari kang mamatay,
hindi ka ba matataranta?

(A/N : Umalis ka na Yuki, huwag mo ng ipagpikitan ang sarili mo sa lugar na hindi


ka naman tanggap. Huwag kang magpakatanga kagaya ng ginawa nila, kahit alam ng
hindi talaga, pero pinupush parin nila, kaya in the end. Nga-nga!)

"Yes" Maikli kong sagot.

Nanlaki naman ang mga mata nito at parang iiyak na,


"Besh, help me. Ayokong mamatay, sayang ang kagandahan ko kung hindi ko
maipapamahagi sa mga kalalakihang naglalaway sa akin, tsaka gusto ko pang maging
detective!" Nagmamakaawang sabi nito, at halatang hindi alam ang gagawin.

Kung bubuksan ko naman ang portal pabalik sa Greiko maaaring ikamatay ko ito dahil
mahina pa ang kapangyarihan at katawan ko, dahil kahit na nasa lupain pa ako ng
Alzora, walang saysay ang enerhiyang binibigay nito kung ako mismo hindi kayang
gamitin ito ng wasto. At alam naman natin na ang mga ginagawang bagay na hindi
pinag-iisipan at pinaghahandaan, sa huli masasaktan lang tayo nito.

Kaya ngayon , I have no choice but to bring her to the Kingdom of Alzora, kahit
alam kong may posibilidad na mapahamak siya. Wala na kasi akong maisip na matinong
paraan.

"Okay, okay, calm down okay? Now since di pa natin alam kung paano ka makakabalik
sa mundo ng mga mortal which you really do belong, sumama ka muna sa akin okay? We
will go to the Kingdom of Alzora." Sabi ko rito at pumayag naman, kahit halata ang
pag-aalinlangan niya.

"Ready?" Tanong ko rito at tumango lang ito.

Alam kong matapang tong bespren ko pero, her greatest fear kasi is death, namatay
kasi ang mga magulang niya, kaya lumaki siya sa pangangalaga ng Lola niya na
kailanman di ko pa nakikita.

Huminga ako ng malalim saka pinadaloy ang kapangyarihan ko sa kamay ko, ipinikit ko
ang mga mata ko at pibakiramdaman ang magoi ko. Ang sarap sa pakiramdam, it's so
refreshing! Iminulat ko ang aking mga mata at binalot ng elemento ng tubig ang
magkabila kong palad. Itinaas ko iyon sa ere at gumawa ako ng isang water bubble,
tama lang upang magkasiya kaming dalawa ni Yuki.

Pumasok na kami at still, wala parin itong imik, daig pa ang pipi at bingi.
Naninibago ako dahil di ako sanay na tahimik siya. I really hope na walang
mangyaring masama sa kanya once makatapak na kami sa mismong kaharian ng Alzora,

"Hoy bruha, wag ka ngang tumahimik, di bagay sayo pumapangit ka na. SOBRA "
pagpapagaan ko sa atmosphere. Napansin ko namang tumaas ang kilay niya at bahagyang
kumunot ang kaniyang noo.

"Hoy impakta, kailanman di ako papangit dahil ako ang diyosa ng kagandahan!" Sabi
nito sabay pilantik ng buhok niya.

Napangiti naman ako dahil sa wakas gumaan narin ang pakiramdam niya. She's back.

"Okay? Edi ikaw na ang maganda! Hahaha" natatawang wika ko.

"I know" taas-noong sagot nito at nag-pose ala beauty queen.

Nagtawanan naman kami kaya di niya namalayang lumulutang na pala kami sa ere sakay
ng water bubble ko.

"Oh my, ang ganda!" Sabi nito sabay tingin sa baba na parang batang first time
pinasyal sa park.

Di ko naman talaga maikakaila, Alzora is really beautiful, the whole place is so


refreshing.

Tiningnan ko ang baba ng Alzora, maraming puno sa paligid, buhay na buhay ang
kagubatan, ang berdeng damuhan na kinulayan ng sari-saring bulaklak ng mga ligaw na
halaman, mga kakaibang hayop at insektong malayang nakakakilos, malayo sa banta ng
karahasan at kapahamakan.

"Anna, ano yun? Bakit parang ampangit ng lugar na 'yon?" Sabi nito sabay turo sa
kanlurang parte ng Alzora kung saan naroroon ang Outland, naikwento kasi ni Daddy
sa'kin ang Outland kaya alam ko.

"That's the Outland, parte parin yan ng Alzora. It serves as a dungeon sa mga
kriminal at masasamang tao sa Alzora. It is guarded by Soul Reapers." Paliwanag ko
rito, habang hindi parin inaalis ang pagkakatitig sa Outland. Hitsura palang nito
ay nakakapangilabot na, may kumpol ng maitim na ulap sa ibabaw nito, dahilan upang
hindi ito masinagan ng araw, napapalibutan ng malalaking matitinik na halamang
kulay itim, at sa gitna mismo ng Outland ay mayroong lawa ng magma at sa gitnang
parte ng lawa, doon nakatayo ang piitan. Nanindig ang balahibo ko nang maisip ang
aking sarili na nasa loob ng mala-impyernong lugar na iyon.

"Soul Reapers?" Nagtatakang tanong ni Yuki.

Haayyyyyy... mahabang paliwanagan na naman ito.

"Soul Reapers are dark creatures used by the Magic Council to Guard the Outland.
May kakayahan kasi silang nakawin ang kaluluwa mo, kaya sila ang pinaka-fit sa
pagbabantay sa mga nakakulong doon. " pag-eexplain ko rito.

[ YUKI ]

Natakot ako sa sinabi ni Anna about Soul Reapers. Mamamatay na siguro ako sa
mundong ito, 'di ko na matutupad ang pangarap kong maging detective!

Well kung mamamatay lang din naman ako sa mundong ito, I guess I'll discover first
the mystery of this paradise-like world of Alzora, para it's all worth it.

"Ano okay na?" tanong ni Anna kaya natauhan ako.

"Uhm, ano yang tattoo mo sa batok Besh?" curious kong tanong.

Bahagyang tumalikod si Anna sa akin bago hinawi ang buhok niya, tinuro niya ang
tattoo niya.

"Ahh this is an emblem, sumisimbolo ito sa katayuan ko sa kaharian ng Alzora, see


this letter M inside a water drop? M stands for Mage and the water drop stands for
Water. In short, Im a Water Mage. Ano okay na?" Mahabang paliwanag nito.

"Oo, salamat sa pagpapaliwanag"

Well I guess, I still have a lot of things to know, kaya detective mode, ON!

"We're here" sabi nito. At naramdaman kong unti-unting bumababa ang water bubble na
gawa ni Anna.

Hanggang ngayon I'm still overwhelmed by her ability. I was amazed na kung paano
niya kontrolin ang elemento ng tubig, gusto ko rin ng ganun, penge naman.

Nang makita ko ang sinasabi niyang Kaharian ng Alzora ay nalaglag ang panga ko,
literally. Alzora is so fuckin' beautiful.

Ang mga kulay abo at puting mga bahay na kahit makaluma ang disenyo ay bumagay
parin ito sa kapaligiran, ang mga taong 'di nagpapahuli sa Fashion, ang gara nilang
tingnan, para ka lang nasa ordinaryong mundo. Ang mga kahoy na kumikinang at maayos
na naka-hilera sa gitna ng kalsada na napapalibutan ng makukulay na bulaklak, at
ang mga estrukturang hindi nalalayo sa mortal world.

May nakita naman akong isang matandang babae na hawak-hawak ang kamay ng kanyang
apo, habang masayang naglalakad papasok sa isang store, candy store to be exact.
Namiss ko tuloy ang lola ko, siya nalang kasi ang tumatayong magulang ko after
mamatay nina mama't papa eh, and take note... I don't have any idea about my
parents' features. I've never seen their faces in my entire life.

Pero wala naman akong magagawa kung malulungkot ako rito, kailangan kong
magpakatatag habang di pa namin alam kung paano makakabalik sa mundo namin.

"Let's go? Kailangan na nating pumunta dun sa Registration Building upang maging
official citizen rito sa Alzora, huwag ka ng umangal. Kailangan 'yon upang
mabigayan tayo ng karapatan at proteksyon sa lahat ng bagay." sabi ni Anna sabay
lakad na.

Wala naman akong choice kaya sinundan ko nalang ito.

Well i guess I have NO CHOICE but to enjoy my temporary stay here in Alzora.

---

[ UNKNOWN ]

"Mahal na pinuno may mahalagang sasabihin ang ating Orakulo" sabi ng isang
mandirigma habang nakayuko sa akin.

Napatayo naman ako, dahil minsan lang kung magbigay ng pangitain ang Orakulo sa
akin. Kung kaya't nakakasigurado akong napaka-importante nito.

Agad kong tinungo ang silid ng Orakulo upang malaman ang nais niyang sabihin.

"Maupo ka, mahal na pinuno" wika ng Orakulo nang makarating ako.

Nang makaupo na ako ay hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa, at ang mga salitang
binitiwan niya ang nagbigay sa akin ng kaunting kaba.

"Ang Tribong inaakala mong naglaho ng tuluyan,


Ay isang malaking kamalian.

May isang natira, ang mahal na prinsesa.

Siya'y magdadala ng wakas sa Tribong iyong pinamumunuan.

Ngayong nakatapak na siya, sa Lupain ng Alzora,


Maghanda ka, Sapagkat Katapusan mo na."

Halos madurog ang hawakan ng upuan dahil sa matinding galit ko, hindi ko hahayaang
mauwi sa wala ang lahat ng paghihirap at sakripisyong ginawa ko! Bago pa
maisakatuparan ang itinakdang propesiya, uunahan na kita kung sino ka man!

***

A/N : How was the story? Lemme know your thoughts ;) vote-comment-share this
story :*

- n a u g h t y j a c k y y -
Chapter Three

Geogoth village on the multimedia section ;)

***
Dedicated to
SheenaMarieMacasarte

Matapos naming maging opisyal na mamamayan ni Anna ay napagpasiyahan naming pumunta


sa Geogoth Village - isang parang subdivision na puro mga teenagers ang nakatira,
karamihan ay estudyante ng Paradus Academy na ang edad ay nasa pagitan ng 17 at 21.

Tahimik lang kaming naglalakad ni Anna sa isang eskinita na nilulumot na, dahil
kapwa kami pagod, kanina pa kasi kami naglalakad, sinuggest ko nga na gawin niya
ulit yung water bubble pero alam niyo anong sabi niya? "Tamad lang ang gumagamit ng
kapangyarihan para sa mga bagay na walang kwenta. Just like this." Edi siya na ang
masipag.

Kinuha ko ang papel sa bulsa ko at tiningnan ang binigay na Address ni Ms. Sonja ;
Block 9 no. 17.

Nasa Block 8 no. 20 na kami kaya next nito ay Block 9 na. Bale ganito kasi yun,
there are ten blocks consisting twenty houses. And in each house may tig-tatatlong
katao. Kaya may kasama pa kami ni Anna. Siguro naghihintay na yun sa amin, o
natulog na yun.

Anong klaseng tao kaya siya? Hmmm, I hope friendly siya at babbly kagaya namin ni
Anna.

Habang dumadaan kami sa isa na namang eskinita ay nagsitayuan ang balahibo ko,
nakaramdam ako ng kaba at takot, parang may mga matang nakatingin sa amin, and it
brought shivers throughout my body.

Anna held my hand at pinapunta niya ako sa likod niya.

"Yuki stay with me, wag na wag mong bibitawan ang kamay ko" sabi nito na
nakakahalata narin, gumawa siya ng isang water bubble upang proteksyunan kami.
Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at pagkatakot, nanlalamig nadin ang mga kamay
nito, halatang kinakabahan, napalunok naman ako dahil dun, hindi ako pasmado ah,
pero namamawis na ang mga palad ko. Siya ngang may powers ay nakakaramdam nun, ako
pa kaya?!

Saktong-sakto after niyang magawa ang water bubble ay may lumabas na dalawang
lalaki, ang isa ay Blonde ang buhok pero itim naman ang balat, malaki ang mata,
makapal ang kilay, pango ang ilong at payat ang mukha. Habang yung isa ay puno ng
piercing ang tenga, meron din sa ilong at baba. Yucks, malaking-malaki ang
pagkakaiba nila, pero may isang bagay na magkapareho sila, pareho silang... UNGAS!

"Uy pare, chamba! Magaganda ang magiging biktima natin" sabi ni Blonde sa manyak na
tono.

"Tama ka pare" sagot naman ni Boy hikaw sa maliit na tono kaya napatawa ako.
Seryoso? Ang ungas niya pero ang liit ng boses niya. Dfck!

"Hahahaha, ang liit ng boses mo! Hahaha... di bagay sayo" sabi ko habang maluha-
luha na sa kakatawa, napahawak na nga ako sa tiyan ko eh.

Nakita kong mas pumangit si Boy hikaw dahil mas kumunot ang kulubot niyang mukha.

"Shut up Yuki, mas mapapahamak tayo eh!" Sabi ni Anna na mas lalong humigpit ang
hawak sa kamay ko, habang nakatingin parin sa dalawang ugok.

Nakita kong may inilabas ang dalawang ungas.. isang stick na may batong kulay blue.

"Damn, Yuki stay inside this bubble. It will protect you for a while, tuturuan ko
muna ng leksyon ang mga ugok nato" sabi ni Anna bago lumabas sa water bubble,
pipigilan ko sana siya kaso hindi talaga eh, determinado siyang ipagtanggol ako.
NAKAKATOUCH.

Paglabas niya ay agad niyang pinalibutan ng elemento ng tubig ang sarili niya.

"Uy isang Mage.. hahaha palaban pre oh, exciting!" Sabi ni Blonde boy. "flamma
incarta" sabi ni Boy Hikaw na di ko maintindihan.

Pagkasabi niya no'n ay may lumabas na apoy sa stick na hawak niya at bumulusok ito
papunta kay Anna.

Itinaas ni Anna ang kanang kamay niya at pinalibutan ng tubig ang kaniyang buong
katawan.

Lumikha iyon ng isang malakas na pagsabog at dahil sa tubig at apoy ang nagbanggaan
ay napuno ng usok ang eskinita. Kinabahan naman ako para kay Anna.

"Anna okay ka lang?!" sinubukan kong lumabas sa water bubble pero hindi ko magawa.
It's hard, literally.

Nang humupa ang usok ay nakatayo parin si Anna pati na ang dalawang ungas.

"Isy bulgra" sabi ni Boy blonde at may lumabas na matutulis na yelo sa stick na
hawak niya at bumulusok ang mga ito kay Anna. Mas kinapalan pa niya ang tubig na
pumapalibot sa kanya at ngayon ay umiikot na ito.

Sing bilis ng bala ang mga matutulis na yelo na pinakawalan ni Boy blonde, mabilis
namang kumilos si Anna upang salubungin ang atake ng lalaki.

"flamma bulgra!" Si boy hikaw sabay bulusok ng matutulis na apoy na nagmumula sa


stick na hawak niya papunta kay Anna na abala sa pagsangga sa mga atake ng Boy
blonde.

Sunod-sunod na pagsabog ang nangyari at muli nabalot ng usok ang buong eskinita,
gusto ko na sanang tumulong pero naisip ko na baka maging pabigat lang ako, kaya
nagdesisyon nalang ako na wag ng makialam.

Nang mawala ang usok ay nakita ko si Anna na hingal na hingal na, hindi ko makita
ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin.

"Yun lang ba ang kaya niyo? Ang hina naman" nang-aasar na sabi nito.

Tila nainis naman ang dalawa, damn Anna you're putting your self into danger.

"Putcha ka, porket nakaya mo lang malagpasan ang mga atake namin minamaliit mo na
kami? Puwes tikman mo to!" Galit na saad ni Boy hikaw.

"Unisunos Isy de Flamma" sabay na sabi ng dalawa at, wait...tama ba itong nakikita
ko? Ang apoy ay unti-unting humahalo sa yelo. Two opposite elements just combined
in front of me ladies and gentlemen.u

Napansin kong may ginagawa si Anna sa tubig, at unti-unti may nabubuong pigura ng
parang isang...DRAGON? Hindi lang isa, kundi dalawa!

What the hell! What's next? Ano pang makikita ko? Fairies? Dragons? Monsters?
Witches? Damn, this world gives life to our myths and legends.

"Seotan!" sabay na sabi ni Boy blonde at boy hikaw kasabay nun ang pagbulusok ng
matutulis na yelo na pinalilibutan ng apoy sa direksiyon ni Anna.

"Twin Dragon!" Sigaw ni Anna kaya sinalubong ng twin dragon niya ang pinag-isang
atake ng dalawang ungas.

Namangha ako sa nakita ko, kinain lang ng dalawang dragon ang mga atake ng kalaban.
Pagkatapos nun ay direkta silang inatake ng twin dragon nito.

"Fuck!" Sigaw nilang dalawa sabay takbo. Ngunit naabutan parin sila ng twin dragon
ni Anna.

"Ahhh!/Argghh" daing ng dalawa.

Nakita ko silang nakadapa, nanghihina at basang-basa. Naglakad papalapit si Anna sa


dalawa, nang dalawang metro nalang ang distansya niya mula sa dalawa ay tumigil
ito.

"Yuki close your eyes, di mo kakayanin ang makikita mo" babala nito sa akin sabay
tingin muli sa dalawang nanghihinang kalaban.

Ngunit dahil sa matigas ang ulo ko at curious ako sa gagawin ni Anna ay di ko siya
sinunod. I covered my eyes with my eyes pero sumilip parin ako.

Ang mga sumunod niyang ginawa ang nagpanganga sa akin ng sobra at nagpanginig sa
mga tuhod ko.

"Water slicer!" Sigaw niya sabay pakawala ng mga maninipis na tubig na parang half
moon ang porma pero manipis. Napakarami ng ginawa niya, pinalutang niya muna ito sa
ere at pinaikot-ikot sa kaniyang sarili.

Kinumpas niya ang kamay niya pababa at kasabay nun ang pagbulusok ng mga ginawa
niya sa dalawang ugok.

"Ahhhhh!" daing ng dalawa sa sakit.

Maging ako ay nakaramdam ng awa sa dalawa. Grabe si Anna, HALIMAW siya, ang LUPET!
Pero ang sweet ng dating ng ginawa niya. Pinagtatanggol kasi ako ng bestfriend ko.

"Siguro naman magtatanda na kayo, di sa lahat ng oras ay kaya niyo kaming mga
babae. Atsaka, di porket nakapag-aral na kayo ng magic ay malakas na kayo, mahina
parin kayo, tandaan niyo, talo ng mahinang matalino ang malakas pero bobo"
Mahinahong sabi nito saka nilagpasan ang dalawa.

Kasabay ng paglalakad niya ay ang paggalaw ng Water bubble na kinapapalooban ko.

Nang madaanan ko ang dalawa ay nanlumo ako, naawa ako sa nakita ko. Punit-punit ang
mga damit ng mga ito at may mga sugat din sa iba't-ibang parte ng katawan.

"Uhm, Anna... Paano mo nagawa ang mga yun kanina?" Tanong ko. Nagtataka kasi ako
eh.

"I dont know eh, I was surprised too! De joke lang, my dad trained me." sagot nito.

Ahh yun naman pala eh.

"Ano yung stick na hawak nila?" Tanong ko ulit.

"It's a Wand used only by Casters" sagot nito sa tanong ko.

Napaisip naman ako , kung ang mga naencounter namin kanina ay mahihina pa, ibig
sabihin may mas malalakas pa ?!

Oh My! I'm doomed. Di na yata ako makakauwi ng buhay nito sa mortal world, isang
malamig pero magandang bangkay nalang siguro ako 'pag nagkataon.

Sana may kapangyarihan din ako kagaya nila para maipagtanggol ko ang sarili ko at
makauwi ng buhay sa mortal world at makasama kong muli si Lola Magrett.

Sumakit na naman ang birthmark ko sa may bandang dibdib ko at bumalik na naman ang
nakakapasong pakiramdam na naramdaman ko noon when I was 15 and after that hindi na
ulit sumakit, ngayon nalang.

Dahil sa sakit na nararamdaman ko ay sumakit ang ulo ko kung kaya't napaluhod ako,
maya-maya pa'y umikot ang paningin ko,

Narinig ko pang may sinasabi si Anna pero di ko na ito maintindihan. Ang huling
nakita ko lang ay ang water bubble na unti-unting nagiging pula bago ako tuluyang
mawalan ng malay.

***

A/N: How was it? Lemme know your thoughts. I'm having a bad time writing this
story, di ko na kasi memorized ang exact scenes and plot ng story eh. Sensya na ;)

| n a u g h t y j a c k y y |

Chapter Four

See Zyline on the multimedia section ;)

Dedicated to CristyAndo0

***

Nataranta ako nang biglang natumba si Yuki habang nasa loob siya ng water ball ko,
kaya pumasok ako at marahang niyugyog ang katawan nito.

"Yuki anong problema? Hoy!" natatarantang sabi ko pero parang hindi ako nito
naririnig, kakargahin ko na sana siya nang biglang naging pula ang water ball ko at
unti-unting na e-evaporate. Nagtaka ako kung bakit nangyari yun, hindi ko alam kung
ano ang nangyari. Tiningnan ko kung may tao ba sa paligid pero wala talaga eh,
kaming apat lang ni Yuki at nung dalawang ugok.

Napadako ang tingin ko sa nagliliwanag na bagay sa bandang dibdib ni Yuki kaya


tiningnan ko ito at nakita ang birthmark niya. Kumunot naman ang noo ko kung bakit
nagliliwanag yun, pinikit ko ang mata ko at pagtingin ko uli, wala naman. Siguro
I'm just hallucinating. Epekto lang siguro ito ng sobrang paggamit ko ng mahika na
nagdulot ng panghihina ng Magoi ko.

Gumawa ulit ako ng water bubble at nilagay ko doon si Yuki bago tinuloy ang
paglalakad papunta sa magiging Quarter namin. Kung nagtataka kayo kung bakit ko
nagagawa ang mga techniques nayun kanina, well I was trained by my father secretly
noung nandoon pa kami sa Greiko or mortal world, ay nasabi ko na pala yan kanina,
haha!

Pero since mas gusto ko pang mahasa ang ability ko, mag-aaral muna ako rito sa
Paradus Academy- isa sa pinakasikat na paaralan sa kaharian ng Alzora. Maybe
isasama ko nalang din si Yuki para atleast matrain siya kahit physical combat lang,
para naman matuto siya ng self defense dahil hindi sa lahat ng oras ay kaya ko
siyang protektahan.

========

Sa wakas narating ko narin ang aming matutuluyan, isang simpleng bahay na may
dalawang palapag, sky blue at puti ang kabuuang kulay ng labas.

Nang makapasok ako, ay agad naging komportable ang pakiramdam ko. Ang mga mesa at
upuang gawa sa kahoy na pinatungan ng kutson, may mga vase din sa paligid na may
tanim na Vruse- isang uri ng halamang namumulaklak lang tuwing nasisinagan ng
buwan. Pinaniniwalaan rin na ang bulaklak na ito ay gamot sa anumang uri ng
karamdaman, kaya nagtaka ako kung bakit may ganito rito sa Quarter.. Eh rare itong
makita. Tanging sa kagubatan ng Vliann lang ito tumutubo. Ngunit walang sinuman ang
nakakakuha nito dahil ang Vliann ay pinamumugaran ng mga Fluxe-mga mythical
creature na may iba't ibang kulay, depende sa elementong taglay nito at may 12
buntot. Maihahambing ang itsura nito sa isang Fox. Mababangis, maliliksi at
malalakas ang mga ito. Paano ko ito nalaman? Well my dad taught me everything I
need to know.

"Nagtataka ka siguro kung bakit may Vruse dito" sabi ng isang babae sa likuran ko
kaya nagulat ako at napaharap sa kanya.

Maganda ito, may mahabang itim na buhok na hanggang beywang, mahahaba at makapal na
mga pilik mata, bilugang mata, maliit ngunit matangos na ilong at maninipis na
labi. She's like a barbie.

"Oops, nagulat ata kita! By the way I'm Zyline Blowan 18 years old, you can call me
Zy, a Flower Mage" pakilala nito at inilahad ang kanang kamay niya upang
makipagkamay.

Inabot ko naman ito sabay pakilala.

"Hi din, I'm Anna Wazzardrop 18, and I'm a Water Mage" ngiting pakilala ko bago
bawiin ang kamay ko. Napabaling naman ang tingin nito sa kasama ko.

"How about her?" Tanong nito sabay turo kay Yuki na nasa loob ng water bubble na
kasalukuyang lumulutang.

"Oh, she's Yuki Amina, 17 years old, pero mag-e eighteen na ngayong taon."

"Hmmmm ba't siya tulog?" Inosenteng tanong nito, kaya natawa ako, ang inosente niya
kasi, gusto ko tuloy siyang isilid sa bulsa ko ay este gawing kapatid.

"Nahimatay siya kanina eh" sabi ko sabay upo sa furniture, inilapag ko narin si
Yuki.
"Oh, don't worry malapit na namang masinagan ng buwan ang Vruse eh, we can heal her
na" sabi nito sabay upo rin, kaharap ko siya pero napapagitnaan kami ng bilugang
lamesang kulay itim na may nakapatong na vase na may pink roses.

Napatingin ako sa labas at oo nga, gabi na. Grabe 'di ko namalayan, parang
panloloko niya, hindi ko namalayan.

Grabe tong araw nato, first day na first day namin dito pero napalaban kaagad kami,
ay ako lang pala, grabe ang warm welcome ng Alzora sa amin sobrang init.

Nagsimula ng pasukin ng liwanag ng buwan ang buong kwartong iniilawan lamang ng mga
makukulay na alitaptap na nakasilid sa isang pabilog na bote.

Nang tuluyang masinagan ng buwan ang Vruse ay may lumitaw na kumikinang na gold
dusts bago ito tuluyang namulaklak. Dali-dali itong pinitas ni Zyline at tinapat
ito sa mukha ni Yuki.

May lumabas na golden dusts mula rito at pumasok ito sa ilong at bibig ni Yuki na
bahagyang nakanganga.

"Now, she's fine hehe" sabi ni Zy sabay ngiti at upo muli upang hintayin ang
paggising ng aming 'sleeping monster, ay este sleeping beauty'.

[ YUKI ]

Naramdaman kong parang may pumasok sa loob ng katawan ko at ang sarap sa feeling,
ang lamig, pero not in a bad way, parang unti-unti nitong binabalik ang lakas ko at
ang aking kamalayan.

"Now, she's fine hehe" narinig kong sabi ng isang hindi kilalang boses ng babae,
kaya minulat ko ang mga mata ko at..

Nakakita ako ng isang MANIKA! oo that's the right term to use, ang ganda kasi niya,
halos lahat ng features niya ay pang manika talaga.

"Uhmm, Hi?" Nag-aalangan kong bati sa kanya sabay kamot sa batok, hindi ko talaga
alam kung paano makitungo sa ibang tao.

"Ang ganda mo, I like you na!" Nakangising puri nito sa akin, kaya naman namula ako
dahil sa sinabi niya.

Maliit na bagay!

"You too, you're so beautiful din. Para kang manika!" Puri ko rito at namula rin
ang mukha niya.

Ang cute ng reaction niya.

"By the way I'm Zyline Blowan, a Flower Mage" sabi nito sabay lahad ng kamay.
Inabot ko naman ito sabay pakilala rin.

"Yuki Amina" sabi ko.

Well I think, madadagdagan na naman ang kaibigan ko nito, una si Anna, pangalawa si
Zyline kung gusto niya.

Masaya kaming nagkwekwentuhan ni Zyline kaya hindi ko napansin si Anna na nakaupo


sa gilid ko at daig pa ang bulldog sa kakasimangot.
"Wow ha, kinalimutan na ako, Hmp!" sabi nito habang naka-crossarms sabay pout, ang
cute talaga pag nagpa-pout, mukhang bibe.

"Hoy Anna impakta, ano na naman ba yang drama mo, halika nga, join us!" sabi ko
rito at hinila na siya para isali sa daldalan namin ni Zyline.

Napakarami na kaagad naming napag-usapan at mahaba na kaagad ang aming daldalan,


dahilan upang maging bestfriend na namin ni Anna si Zylin, agad-agad.

Bilis no? Parang feelings lang, ambilis maramdaman at ambilis ring makalimutan.
#Hugot! Haha.

Dahil sa kwentuhan namin ay nakalimutan ko sandali ang pangamba at ang maaaring


mangyari sa akin sa mundong ito.

Salamat sa aking mga kaibigan!

***

A/N :

MALAPIT NANG MAGSIMULA ANG ADVENTURE NI YUKI GUYS :)

Please support this story :D

Votes and comments are highly appreciated ❤

- n a u g h t y j a c k y y

Chapter Five

See Anna, Zyline and Yuki on the multimedia section ;)

Dedicated to purpleyhan

[ YUKI ]

Maaga akong ginising ni Anna sa pamamagitan ng pag-wrestling sa'kin, dahil mamimili


daw kami ng damit. Remember? Naka-uniform pa kami papunta rito, sabado ngayon dito
sa Alzora kaya walang pasok.

Pinahiram muna kami ni BesZy ng damit tutal magka-size at magkasing tangkad lang
din naman kaming tatlo.

Alas otso kami ng umaga umalis upang mag-shopping at natapos ng 12 noon, nag lunch
muna kami bago tuluyang pumunta sa Paradus Academy upang mag enroll.

Yes tama kayo ng dinig, mag-eenroll kami ni Anna sa school na 'yon. Para daw mas
mahasa pa niya ang kapangyarihan niya, habang ako upang matuto ng mga self defense,
mahirap na baka apihin ako, marami pa namang insecure sa kagandahan ko, haha biro
lang.

Napag-usapan din naming tatlo na pagtatakpan muna nila ang katauhan ko. Oo, alam na
ni Zy ang secret ko dahil sinabi ko, ang gaan kasi ng loob ko sa kanya kaya no need
to hide my secret.
After naming mag-lunch ay nag-antay kami ng sasakyan, sabi ni besZy isa ito sa
pinaka mabilis na sasakyan na naimbento ng mga casters. Tinatawag nila itong
'flaschen'.

"Uyy, bilisan niyo baka maiwan na tayo!" Sigaw ni BesZy samin ni Anna, kaya sumunod
na kami.

Parang ordinaryong sasakyan lang naman ang flaschen para siyang bus pero kasing
laki lang ng kotse. Tatlo hanggang apat na tao lang ang kaya nitong isakay, walang
driver automatic ito! Taray. And take note, hindi ito nakaka-pollute ng air! Kasi
sabi ni BesZy 'lacrima' ang nagpapatakbo nito. Ang lacrima daw ay maihahalintulad
sa baterya ngunit ang laman daw nito ay magoi na kinukuha sa mismong lupain ng
Alzora.

Kahit mahirap itanim sa isip ko na narito ako sa isang mundo na kung saan ang
imposible ay nagiging posible, ay pilit ko itong iniintindi, sinasanay ko rin ang
sarili ko na huwag mabigla sa mga kakaibang nilalang at bagay na nakikita ko sa
tuwing lalabas kami ng Quarter.

Narinig kog nag-start na yung engine at sa isang kisap-mata.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHH, PEKPEK NG POKPOK NA UWAK!!!!!!!" Sigaw naming dalawa ni Anna,


habang si Zy ay tumatawa lang!

Eh kasi naman ang bilis ng takbo ng Flaschen, halos di ko na makita ang labas dahil
sa bilis, lara akong nahuhulog sa isang banging walang katapusan pero sampung beses
ang bilis.

"AHHHHHHHH! MAMA AYOKO PANG MAMATAY! TULOOOONNNGGGGG!" Sigaw ni Anna na halos


ipulupot na sa katawan niya ang seatbelt, sirang-sira na ang mukha niya.

Ako? Well, tumahimik na ako dahil ramdam ko na anytime na ibubuka ko ang bibig ko
ay siguradong back to nature ang kinain ko kanina.

Huminto bigla ang sasakyan kaya halos masubsob kami ni Anna sa harapan, mabuti
nalang may seatbelt kundi, kanina pa pumutok tong mga mukha namin. Sayang ang mala-
Diyosa naming ganda.

Pagkalabas namin sa Flaschen ay halos di kami makatayo ni Anna, kapwa nanginginig


ang mga tuhod namin.

"Hahahaha! You two, your face was epic! Hahahaha" natatawang sabi ni Zy na humawak
na sa tiyan at halos maluha-luha na, ampula na nga ng mukha niya. Ang kyyyuuut niya
tuloy.

Kaya imbis na mainis ako ay nakitawa narin ako.

"Hahahaha! Okay lang kung epic ang mukha ko no! Unlike Anna.." pabitin kong sabi
kaya tumingin sila sa akin. "Mama! Ayoko pang mamatay! tuloooonnnng!" dagdag ko na
kinopya pa talaga ang tono ni Anna kanina, kaya sumama ang mukha ni Anna at parang
napapalibutan siya ng itim na aura, tiningnan niya kami ni Zy.

"Done laughing?" tanong nito sa nakakatakot na tono.

Namutla tuloy kami ni Zy . Nagsmirk naman si Anna kaya tumayo lahat ng balahibo ko.

"A-a-anna, he-he pe-pe-peace ta-tayo he-he" nauutal na sabi ko habang nagpe-peace


sign, eh sa kinakabahan ako eh!
"He-he sa-same he-here" sabi ni Zy sabay ngiti... ng fake. Halata kasing takot siya
kay Anna, mukha tuloy siyang natatae.

"Now both of your faces are priceless! Hahhahahahaha" sabi bito sabay hagalpak ng
tawa.

Napataas lang ang kilay namin ni Zy, bipolar pala tong impaktang to eh! Magagalit
tapos tatawa? Haha no wonder bakit mag bff kami. Pareho kaming baliw, baliw sa pag-
ibig. Joke.

Konting lakad at kembot lang ay nakarating na kami sa isang mala-palasyong gusali,


namangha ako dahil parang isang tower papuntang heaven ang Paradus, and may malawak
na field ito then buildings everywhere!

Habang naglalakad kami sa corridor patungong Escylian Building- isang lugar kung
saan nag eenroll ang mga estudyante, sabi ng nag-ala teacher na si Zyline at nag-
lecture ng konti,

"Now BFFs this building is the Paradus Academy, dito nag-eenroll lahat ng magic
users. This is divided into 3 stages.
*Kelthei - for 5-10 years old Alzorians.
*Alescere - for 11-16 years old Alzorians
And lastly the Altus - for 17-21 years old Alzorians which is US" mahabang
paliwanag ni Zy kaya naman may new knowledge na naman ako, kami ni Anna pala.

"Ahmff, BFF, ano-ano ang nag-eenroll dito?" Tanong ko. Eh sa curious ako eh.

"Oh, Hmmm. Ang mga nag-eenroll dito ay nahahati sa apat na classification; Mages-
those Alzorians who can produce, control and manipulate one of the six
elements(Fire, Water, Earth, Nature/Plant, Air, Ice, and Lightning), Casters- those
Alzorians who cast spells and incantations, Slayers- those Alzorians who uses
swords to produce and uae the element/s they have and lastly, the Ancients- those
Alzorians who posses ancient abilities, but only few of them are studying here,
because most of them chose to live far far away." Tumango lang kami ni Anna, God!
Ang hirap e-process ng mga sinabi niya. "Now enough for discussion dahil andito na
tayo" dahdag ni Zy sabay harap sa isang pintuang kulay puti na may nakaukit na
'Escylian Room'

Pagpasok namin ay napanganga ako. Akala ko room lang siyaz pero what da! Ang laki
nito, andami ring mga taong nakasuot ng white cloaks na may iba't-ibang kulay ng
linings, like white, golden brown, blue, sky blue, green, yellow and red.

Agad kaming tumungo sa isang pintuang kulay itim na may gintong nakaukit na 'El
Supremus' .

Pagkapasok namin ay may nakita akong napaka-cute na batang lalaki na nakatayo sa


harap ko mismo, kaya naman agad ko itong kinarga.

"WAH!ANG KYUUUUUTTTT MOOOO!" Sabi ko sabay pisil sa magkabilang pisngi nito.

"Arrraaay anshakheet! Fhut me down!" Angal ng bata. Kaya ibinaba ko na siya.

[ ANNA ]

Kanina pa ako tahimik, kasi inoobserbahan ko si Yuki, yes tama kayo, I'm observing
her simula no'ng time na nahimatay siya, to be exact... 'Yong time when my water
bubble turned into a liquid-flame bubble at nagtataka narin kasi ako kung bakit di
siya sinusugod ng mga Foulen - mga hayop na parang aso na may pakpak ng isang
paniki, may kakayahan itong ma-detect ang mga intruders o mga nilalang na galing sa
ibang dimensyon.

Alam kong napapansin niya ang pagiging tahimik ko, maging si Zy ay napapansin rin,
pero mas pinili nilang 'wag nalang akong pansinin.

Nang makapasok kami sa office ng Headmaster ay kinabahan na ako agad, may mga
narinig kasi ako kanina na mga kwento-kwento na ang pinaka-malakas na Slayer na
nabubuhay sa kasalukuyan, siya lang naman ang nakapaslang sa mahigit isang libong
miyembro ng Cursed tribe, oh diba? Sinong hindi kikilabutan kung ang kakaharapin
niyk ay isang wild killer?

"Wah!Ang kyuuuuutttt moooo" tili ni Yuki habang karga ang batang lalaki na sobrang
cute. Pinipisil-pisil pa nito ang cheeks ng bata.

Kumunot tuloy ang noo nito kaya nasira ang emblem nitong pang-slayer. Wait, don't
tell me...

"Arrraaay anshakheet! Fhut me down!" ma-otoridad na utos nito, kaya binaba ito ni
Yuki.

"Yuki halika nga ditong bruha ka!" Tawag ko sa kanya at lumapit naman siya sa akin,
nakita ko si Zy sa peripheral vission ko na maputlang-maputla na at pinagpapawisan
pa.

"Hey Zy, anong problema?" Bulong ko rito.

"Si-si Yu-yuki, ba-baka mapahamak siya.. ki-kinurot niya si Headmaster Mathew!"


Natatarantang sabi nito bago natutop ang bibig.

What?! Siya si Mathew the Great Slayer?! Eh bakit ambata niya, pati tuloy ako
natakot kaya kinurot ko si Yuki sabay bigay ng umayos ka look. At na gets naman
niya at tumahimik na.

"Okay, sit down young ladies" cold na sabi nito kaya halos manindig ang balahibo
namin. Well, except for Yuki.

[YUKI]

Napansin kong namutla ang mga kaibigan ko pero bakit?? Hmmm siguro trip lang nila.

Umupo kami paharap sa table kung saan nakaupo ang batang kyuut! May nakita akong
name plate na may nakaukit na Headmaster Mathew.

"Baby boy, where's your father? We need to talk to him kasi mag-eenroll kami ng
bestfriend ko" tanong ko rito.

Kinurot naman ako ni Anna sabay bigay sa akin ng what are you saying look, kaya
nagtaka ako.

"Hahahahahaha! You're funny miss?" Nakangising tanong ng bata sa akin.

"Kyyaaaahhh! Ang kyyuut mo talaga! Hmmm, call me ate Yuki, you're too formal naman,
para kang matanda kung magsalita, parang ikaw tuloy ang Headmaster rito." sabi ko,
kasi para siyang matanda kong magsalita eh, pero still.. ang kyut niyang tingnan.

Napansin ko namang amputla na ng mga kasama ko. Siguro natatae sila o ewan, pero
'di lang nila masabi.

"How did you know, what spell did you used to read my mind?" Seryosong tanong ng
batang lalaki sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ko, wait don't tell me na...

"Yes, based on your expression nahalata mo na siguro. Hahaha. I'm Headmaster


Mathew." Sabi nito sabay ngisi.

[ Zyline ]

Kanina pa kami namumutla ni Anna pero si Yuki? Ayun walang kaalam-alam, ang
inosente talaga ang saral sikmurahan.

Well kaya kami namumutla ay dahil kaharap namin ang isang napaka-makapangyarihang
slayer sa kasalukuyan, at hindi namin gustong matulad sa mga nadedong kalaban niya.

"Yes, based on your expression nahalata mo na siguro. Hahaha. I'm Headmaster


Mathew." Natatawang sabi ni H.M Mathew.

At sa wakas, nagets narin ni Yuki.

"Weeeh?? Alam mo Baby boy, stop playing with your ATEs , It's bad, you should show
respect okay?" pangangaral ni Yuki kay H.M

Natampal ko nalang ang noo ko, wala na talagang pag-asa 'tong si Yuki. Siya na ang
matagal ng nawawalang reyna, ang nawawalang reyna ng KATANGAHAN!

"Well I guess, for you to believe me, you should see the real me" sabi ni H.M at
binalutan siya ng nakakasilaw ng liwanag kung kaya't napatakip kami ng mata, at
nang mawala ang liwanag ay halos malaglag ang panga namin.

"ANG GWAPO, KYAH!" sigaw naming tatlo, habang niyuyogyog ang bawat isa. Eh kasi ang
gwapo niya, arang ka-edad lang namin siya, hindi mo mapaghahalataang matanda na
ito.

Natigil lang ang pagwawala namin nang tumikhim ito.

"Okay You two!" sabi nito sa buo at nakakapangilabot na boses sabay turo kina Anna
at Yuki."You're new here, so I guess you're transferees from somewherez Just fill
up this form then you may leave this room!" Maotoridad nitong utos.

At mukhang sa wakas, tinablan na ng takot si Yuki, dali-daling finill-upan nila ang


form saka binigay kay Headmaster at pagkatapos ay patakbo kaming umalis ng 'El
Supremus'

"Oh my gosh! Looks can be deceiving talaga, packingteyp! Nakakatakot pala talaga si
H.M Mathew" natatakot na sabi ni Yuki na may kasabay pang hand gestures, ngunit
natigil rin nang batukan siya ni Anna.

"Aray!" daing ni Yuki sa sakit.

"Tanga ka talagang bruha ka! Nako kung hindi lang kita bestfriend nilunod na kita,
kanina ka pa namin sinisenyasan na manahimik at magbehave, di mo parin na gets?!"
Sermon nito kay Yuki.
"Eh akala ko kasi natatae lang kayo eh! " sabi nito sabay pout at kamot sa ulo.

Kaya binatukan namin siya ni Anna ng sabay.

"Arrouch, ang sakit ah! Uso ba ang pangbabatok ngayon?!" Naiinis na sabi nito sabay
pout ulit, ang cute niya talaga.

No wonder kung bakit kami nagkakasundo sa lahat ng bagay. We're the epitome of
'beauty' haha. Huwag ng umangal, baka ipatapon kita sa Vliann Forest!

"Okay umuwi na tayo mga BFF's dahil kukunin pa natin ang uniform niyo kay Mrs.
Betty, and by the way, WELCOME TRANSFEREES TO PARADUS ACADEMY !" Hyper kong sabi
sabay pulupot ng magkabila kong braso sa kanila, sa kanan ko si Yuki at sa kaliwa
si Anna at hinila ko na sila papuntang bahay ni Mrs. Betty na nagsusuply ng uniform
sa Paradus Academy.

***

Join our FB Group:

Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)

Or kung gusto niyo ako makausap, PM niyo lang ako!

Chapter Six

See Paradus Academy on the multimedia section :)

This chapter is dedicated to Night_Novone and EmEm_Belike

M O N D A Y

[YUKI]

Excited kami ni Anna na pumasok kasi pareho naming gustong matuto, ako ng self
defense at siya naman ng new techniques related to water, habang si Zy ay chill
lang, siyempre old student na siya eh.

Nga pala nakita ko na ang Emblem ni Zyline, it was a neon green colored letter M
intertwined on a red rose.

"Excited?" Tanong nito sa aming dalawa ni Anna.

Tumango lang kami at ngumiti ng pagkalapad-lapad.

"Then let's go" at hinila na niya kami papuntang classroom namin.

Galing kaming tatlo ng Cr kasi po nag-ayos pa kami dahil sumakay po kami ng


Flaschen kanina kaya nagulo ang buhok namin at para tuloy kaming na-rape! Nakasuot
kami ng aqua blue long sleeves topped with a black blazer, with a black-sky blue
striped ribbon paired with a black mini skirt with aqua blue linings, a three-inch
heels and black knee-sock.
"BFFs sigurado ba talaga kayo na sa Commoner's class tayo papasok?" nag-
aalinlangang tanong ko sa kanila.

Eh kasi naman po napagkasunduan naming tatlo na sa Commoners class pumasok para daw
mapagtakpan ang pagiging mortal ko, doon kasi it's either na mahina ang powers mo
or undeveloped/ undiscovered pa. Habang ang isa ay Elites wherein nandoon lahat ng
malalakas at namaster na ang powers nila at still learning pa.

Doon nga sa Elites si Zy nabebelong eh, kaso she decided to transfer sa Commoners
with us para daw hindi na siya ma-bully, nakakaawa nga eh kasi sa ganda niyang 'yan
ay inaapi lang siya.

"Siyempre naman Bff, para iwas gulo narin hehe" sabi ni Zy sabay taas-baba ng
dalawang kilay.

Napangisi lang ako pati si Anna, ang kulit talaga.

"And para masamahan ka narin namin!" Si Anna na super hyper ngayon kasi excited
masyado, hindi naman halata diba? Dzuh.

"We're here! Section E ." Sabi ni Zy sabay katok sa white doubledoor.

Nakatatlong katok muna siya bago pinagbuksan ng instructor, yes imbes na


teacher/ma'am/prof, instructor ang tawag sa mga nagtuturo ng paggamit ng mahika
dito sa Paradus Academy, bakit? Hindi ko alam. Itanong niyo sa pagong.

"Transferees po :)" sabi ni Anna sabay ngiti sa instructor naming babae, ginantihan
kami nito ng matamis na ngiti bago ibibaling ang tingin sa kaniyang estudyante.

"Okay class, we have three transferees, so please be quiet." Paalala nito sa mga
estudyante niya. "Okay come in beautiful ladies, and introduce yourselves" dagdag
nito bago mag-give way para sa amin.

Unang pumasok si Zy at nagpakilala "Hi I'm Zyline Blowan, eighteen and I'm a plant
Mage, please be good to me and to my friends" sabi nito sabay ngiti. At punta sa
gilid sa right side. Sumunod naman si Anna.

"Hi I'm Anna Wazzardrop. Eighteen, a water Mage. I hope that you'll treat me and my
friends well" sabi nito sabay sunod kay Zy.

Shit! Ako na ang susunod.. hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako,
natatae tuloy ako. De joke lang.

Pumasok na ako sa classroom at humarap na sa kanila.

"Hi everyone! I'm Yuki Amina. seventeen, please be good to me :)" sabi ko sabay
smile at pa-kyut konti.

"Okay take your seats ladies, kayo na ang bahala kung saan niyo gustong umupo" sabi
ng instructor naming si Ma'am Helen.

Nakakita naman kami ng three vacant seats sa likod malapit sa bintana at doon namin
napagpasiyahang umupo.

Habang naglalakad kami papunta dun ay nakarinig ako ng mga bulung-bulungan, take
note, bulong palang 'yan ha? Pero rinig na rinig ko na.

Uy! Ang ganda nilang tatlo. G1


Yeah, tama ka. G2

Yay! Madadagdagan na naman ang E-family! G3

Napangisi tuloy ako. I thought pagsasalitaan nila kami ng masama, pero ito na yata
ang sinasabi nilang 'expectations versus reality".

"Excuse me class, pinapatawag ako ng Head, so maiwan ko muna kayo." Sabi ni Ma'am
sabay labas ng room.

Nag-ingay naman silang lahat well except for the three of us, nag-aadjust pa kasi
ang ganda namin.

Maya-maya pa ay may lumapit na babae sa amin, nerdy ang porma niya pero maganda.

"Hi" nakangiting bati niya at bahagyang nag-wave ng kamay.

"Hello!" Sabay na bati naming tatlo then flashed a smile.

"Kyaahhhh! Ang bait nila!" Sigaw ng isang babaeng nasa 5'1 ang height at medyo
chubby tapos medyo kulot ang buhok then maputi.

Dahil do'n isa-isang nagsilapitan ang mga classmates namin sa amin, mapa lalaki man
o babae, they all gave us a warm welcome and made us feel that we are already a
member of their family.

"Hi I'm Audrey Leafresk, isa akong Caster" pakilala ni Nerdy girl na may emblem sa
leeg niya, isang shiny magic wand na color golden brown. She waved her hand for the
second time around, nginitian lang namin siya.

"Hi I'm Paolo Briz, hehe, Air Mage" pakilala ng isang lalaking matangkad, maputi,
at gwapo, yo'ng emblem niya ay nasa braso niya, it looked like a shiny cloud na
kulay white at sa loob no'n ay Letter M.

Napansin ko namang titig na titig kay Paolo si Zy, kulang nalang gahasain niya ito,
haha humanda ka mamaya sa akin Zyline.

"Uhmm hi, ako si Mav Frost, Ice Mage" pakilala ng isang lalaking matipuno ang
katawan ngunit mahiyain. Gwapo rin ito, ang emblem niya ay nasa batok rin, it was a
shiny color sky blue snowflakes, then as usual nasa gitna ang letter M. Pag-tingin
ko kay Anna, ayon! Kumikislap ang mga mata.

Bwahahaha! Humanda kayong dalawa mamaya, bakit sila meron ng krazz? Samantalang
ako, wala!

Masaya kaming nagkwekwentuhan nila Audrey, Paolo, Mav at siyempre sina Zy at Anna.
Na super halata na may crush kina Pao at Mav, marami kaming nalaman sa kanila,
lalong-lalo na kay Audrey na daig pa ang puwit ng manok sa kakadaldal.

Napag-alaman ko rin na ang Alzora ay pinamumunuan ng Magic Council, pero noon raw
pinamumunuan ito ng Hari at Reyna, hindi nga lang nila nasabi kung sino, dahil nag-
bell na.

Ang dali lang naming nagkagaanan ng mga loob, it was like there is a connection
between the six of us, at dahil tumunog na ang bell, isa-isa ng nagsisialisan ang
mga classmates namin, papaalis na din sana kami ng tawagin kami nina Audrey, Paolo
at Mav.
"Uhmmm, gusto mo ay niyong sumabay?" alok ni Mav sa amin pero kay Anna lang
nakatingin, Hmm, I smell something, amoy bangus.

"Sure" sagot ko, dahil tulala lang ang dalawa habang nakatingin sa crush nila.
Siguro sa mga oras na'to, hinuhubaran na nila ang dalawang binata na ito sa
kanilang mga isip.

Pagkarating namin sa cafeteria ay andaming tao, may magaganda, ungas, gwapo


malandi, simple, fashionista...basta sari-saring tao ang kumakain sa cafeteria,
alangan namang magkaparehas kami, edi nagmukha kaming kalabaw!

Napatingin naman ako sa isang grupong nakaupo sa gitna, na tila iniiwasan sila ng
lahat, isa-isa ko silang tiningnan, ngunit napako ang tingin ko sa isang babaeng
mahaba ang buhok na kulay pula, maganda ito, pero halatang suplada.

Nagkasalubong ang tingin namin at halos maubos ang hininga ko dahil nakakatakot ang
titig ng babaeng 'yon, yo'ng mga tinginang nagsasabing 'anong tinitingin-tingin mo?
Gusto mong gilitan kita sa leeg?' 'yan yo'ng mga tinging ibinibigay niya sa akin
eh, kaya namutla at nanigas ako ng slight.

"Bff ayos ka lang?" Tanong ni Zy habang sinusuri ang mukha ko,

"Yeah, I'm okay! " pagsisinungaling ko at mas piniling ituon nalang ang atensyon sa
ibang kumakain.

Umupo kami sa pinaka-sulok na table. mas okay kasi do'n, iwas sa atensiyon, pagka-
upo namin ay agad akong nagtanong.

"Uhmm guys? Sino ang grupong iyon?" Turo ko sa grupong kinaroroonan ng babaeng
tiningnan ko kanina.

"Oh! Crap huwag mo silang ituro Yuki, baka magsisi ka!" Babala ni Audrey at ibinaba
ang kamay ko.

"Bakit?" Tanong ko naman na bahagyang napataas ang kilay, sino ba sila?

"Sila ang sorceress, ang pinakamalakas na grupo ng Casters sa buong Paradus


Academy. Si Jane yung may pulang buhok ay Class B+ caster, siya ang leader and the
other 5 are all class B casters."

Nangilabot naman ako sa sinabi ni Audrey, "So it means sila ang pinakamalaks dito
sa campus?" Tanong ko.

"Yes they are the strongest Casters and Group here in Paradus Academy, but may
isang estudyante dito na Class A Fire Slayer na. Siya si Jack Sieszier." Paliwanag
ni Pao.

Hmm, now I know kung bakit iniiwasan ng mga estudyante ang Sorceress, and about
Jack, Nacu-curious tuloy ako, iniiwasan rin kaya siya ng mga estudyante rito ?

"Don't ever mess with them Yuki, baka hamunin ka nila sa isang battle at madamay pa
kami at nasisiguro kong hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin nila 'pag
nangyari 'yon" babala ni Mav.

"Sure! Don't worry,mag-iingat ako Mav" sabi ko. "Uhmm guys Cr muna ako ah. Balik
ako agad" paalam ko at pumunta na sa Cr.

Habang naglalakad ako ay binangga ako ng isang lalaki na nakayuko,


"Aray! Ano ba yan ang tanga!" inis kong sabi at nakarinig naman ako ng gasps, tila
nabigla ang lahat, O.A lang?

"Ikaw ang tanga." Cold na sabi nito, ay anak ng malanding kambing! Imbes na
mag'sorry' ay sinagot pa ako?!

"Anong ako?! Eh ikaw nga yang yuyuko-yuko tapos binangga mo pa ako! Shit ka naman
oh!" sabi ko sabay tingin sa kanya.

Pero parang nawala ang galit ko dahil nakakita ako ng isang gwapong nilalang, isang
lalaking nasa 5'7 ang height, maputi, makinis ang mukha, may red kissable lips,
matangos na ilong at brown eyes, ang emblem niya ay nasa left side ng leeg niya, it
was a flaming sword, tila buhay ang apoy na nakapalibot sa espada.

"Shut up" again, cold na sabi nito at akmang tatalikod na, kaya nainis na naman
ako. Nawala na ang paghanga ko, as in WALA na!

"Shut up mo mukha mo! Balatan kita ng buhay diyang labanos ka eh!" Inis na sabi ko
sabay balik sa mesa namin.

I even heard him asking 'what's labanos?' pero hindi ko na sinagot.

Habang naglalakad ako pabalik sa mesa ay nakarinig na naman ako ng mga bulong pero
parang pinaparinig sa akin.

"Hmmm ang tapang ng Commoner nayan para sigawan si Fafa Jack! Magbabayad talaga
siya kay Jane" O.A Girl1

"Yeah tama ka girl, mukha pa namang mahina ang isang iyan" O.A Girl2

Hmm, parang familiar ang names na binanggit nila, I think I've heard it somewhere,
pero the hell I care? Iba ako mainis, iba mainis ang mga diyosa tandaan niyo 'yan.

Napansin kong halos lahat ng babae ay nakatingin sa akin ng masama, inirapan ko


lang sila, well bahala sila, pumutok man ang eyeballs nila kakatingin sa akin ng
masama, wala akong pakialam.

Nakabusangot akong umupo at hinarap ang mga kaibigan ko.


Napansin kong namutla silang lahat maliban sa akin at parang nakakita sila ng multo
sa likod ko.

"Hey guys, para kayong nakakita ng multo! Pfft. Hahaha!." natatwa kong sabi, ngunit
still, shocked parin ang mga mukha nila kaya lumingon ako para tingnan kung ano o
sino ang tinitingnan nila, paglingon ko ay halos mapasigaw na ako sa gulat nang
makita ko ang grupo ni Jane na masamang nakatingin sa amin or sa AKIN?

"Hi :)" ngiting bati ko kahit kinakabahan na ako deep inside, magaling yata ako sa
ganito.

I'm good at hinding my real feelings, that's why, no one really knows that i'm
hurting and dying inside. #HUGOT! haha.

Tiningnan lang ako ni Jane mula ulo hanggang paa saka tinaasan ako ng kilay.
"Two weeks from now, Friday, 10:00 A.M, Battle Arena. Don't be late and bring your
weak friends with you bitch! Pinahiya niyo si Jack my loves, kaya ipapahiya rin
kita, pati yang mahihina mong mga kaibigan" mataray na Sabi nito sabay turo sa mga
kaibigan ko. Nainis naman ako dahil sa sinabi niya about sa mga kaibigan ko, okay
na sanang insultuhin niya ako eh, 'wag na 'wag lang niyang idaday ang mga kaibigan
ko!

"Hey, bitch ka rin! Wala akong pake sa mga sinasabi mo!, at ano namang gagawin
natin next friday, magpapagandahan? P'wes ngayon palang umurong ka na, wala ka ng
pag-asang manalo kung gano'n" Mataray kong sabi sa kanya and I heard the crowd
gasped. Ang overacting nila promise.

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko.

"Isn't it obvious? Well, hinahamon kita at ang mga kaibigan mo sa isang battle!
Hindi pagandahan ang gagawin natin, kundi patayan!" Sabi niya na nakapameywang pa.

"Sure! We're not scared! At ano namang kapalit kung mananalo kami?!!" Di ko alam
saan ko nahuhugot ang lakas ng loob ko ngayon.

"Well, aalis kami ng Acedemy, but if kami ang manalo, you'll leave this Academy.
Only YOU" sabi nito sabay alis palayo sa amin.

Napansin kong naka-nganga ang halos lahat ng taong nasa cafeteria, pagtingin ko sa
mga kaibigan ko, masamang tingin lang ang pinukol nila sa akin, napalunok naman ako
ng plema ay este laway pala.

Well i guess, I still need to convince them to help me win the battle of COMMONERS
VS SORCERESS. And Siguro nga kakambal ko na ang kamalasan, dahil first day of
school ko palang dito, mapapalaban na ako at dinamay ko pa sila..

Sana hindi ako mamatay, please lord help me! I'm doomed.

[ Zyline ]

Now we're in trouble. It's beacause of Yuki, pero di ko talaga magawang mainis sa
kanya, I don't know why, then sinabi nila ni Anna na Mortal daw siya, pero I don't
believe them, maybe di pa nagigising ang kapangyarihan ni Yuki coz' she's still
seventeen, kasi po kapag ang powerless Alzorian reached the age of eighteen, that's
the time that his/her power will be awakened, atsaka kung tao nga siya edi sana
namatay na siya, because the Alzorian Core will drain her life force o di kaya'y
sinugod na siya ng mga Foulen.

I really find you interesting Bff Yuki. Sino ka ba talaga?

***

Chapter Seven

[ YUKI ]

(While walking on the corridor papuntang classroom nila)

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para sagutin ang lider ng
pinakamalakas na grupo sa buong Paradus Academy, gano'n din ang pambabara ko sa
tinaguriang pinakamalakas na Slayer sa lahat ng estudyanteng slayer sa Academy.

Anong klaseng tao ba ako? ke bago-bago ko pa nga lang dito sa Paradus Academy eh
nasangkot na ako sa gulo, and the worst part is, puro malalakas ang mga
nakabangayan ko, come to think na isa lang akong ordinaryong mortal na napadpad sa
lugar na ito, Gosh! Aykantbelibet! Dinamay ko pa sila Audrey na mga bagong kaibigan
ko, hahay.. siguro nga kakambal ko na ang malas, o kakambal kong malas layuan mo
ako! Bumalik ka na sa kulubot na pekpek na pinanggalingan mo!

"Hey!"

"Ay kabayong duling!" Pagkaharap ko! Damn, ang lapit niya sa akin, napahawak tuloy
ako sa matigas niyang dibdib.

"What?!"

"Anong what what! Nakakainis ka talagang labanos ka no? Bwisit ka. Una binangga mo
ako, ngayon naman ginulat mo ako? Alam mo bang malalim ang iniisip ko?" Sabi ko
habang di magawang makatingin sa kaniya.

"I don't care, gusto ko lang sabihin mo sa akin what is labanos?"

I rolled my eyes, ang tanga niya para di malaman kung ano ang labanos.

"Hindi mo alam?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

Ay letcheplan namilosopo pa.

"Bahala ka dyang labanos ka! Bye may klase pa ako" sabi ko at nilagpasan na siya,
paglingon ko...

"AHH!" agad akong yumuko upang maiwasan ang fire ball na ibinato ni labanos sa
akin, saan yun nanggaling?!

Kakaratehin ko na sana siya pero umalis na ito, duwag pala siya eh! Humanda ka
talagang labanos ka, pasalamat ka may kailangan pa akong gawin, I need to apologize
for what I did, kailangan kong humingi ng pasensiya sa mga kaibigan kong nadamay sa
gulo, and I also need to convince them na tulungan ako, HILOW, hinamon po kaya ako
ng Sorceress and I need a gang to help me win, though it's so fuckin' impossible!

Huminga ako ng malalim bago dali-daling pumasok sa classroom. Iniwan kasi nila ako
sa cafeteria eh, well I can't blame them, nagtatampo sila sa akin e.

While I'm on my way papuntang classroom ay nakarinig pa ako ng mga bulong-bulungan,


na mukhang hindi naman.

"Girl look at that commoner, she just accepted the challenge of Jane, she don't
know kung ano ang kaya nilang gawin" Elite G1

" Yeah I feel sorry for her, lahat pa naman ng nakalaban nila Jane nabubugbog ng
husto. Mabuti sana kung siya lang, eh dinamay niya pa mga kaibigan niya" Elite G2

" Haaayyy, kebago-bago dito sa Academy napaaway na. Tsaka ang kapal niya ring
ipahiya si Jack no! Kailanman wala pang nakakagawa nun! Siya palang na isa lang
NOBODY!" Elite G3

"Yeah.. sana nga pahirapan siya ng Sorceress! Hahaha" Elite G4


Hayy.. nagbulongan pa sila eh rinig na rinig ko naman, mga impaktang pinaglihi sa
embutido ng kapre nga naman, pero hindi ko maiwasan hindi mapalunok ng plema sa mga
narinig ko, God! Ano ba 'tong napasukan kong gulo, baka di na ako makauwi sa mundo
ko nito, and worse baka maisama ko pa sa hukay ang mga prendsheep ko!

Pagpasok ko sa Classroom ay nakita kong nagkwekwentuhan sila, pero nang makita nila
ako ay natigil sila at matamang tiningnan ang aking kagandahan, napalunok naman ako
dahil kinakabahan ako na baka sisihin nila ako, pagkatapos e-salvage nila ako
pagkatapos ipatapon sa bangin!

(A/N : OA ng imagination mo Yuki)

Mariin akong tumikhim at huminga ng malalim at kinapalan ko na talaga ang mala-


diyosa kong mukha. I took another deep breath bago ko sabihin ang makabagbag-
damdaming speech ko.

"Uhm, guys.. I'm sorry, hindi ko naman sinasadyang sabihin yun kay Jane. Hindi ko
ginustong sagutin siya ng ganun. It's just nainis lang ako dahil dinamay niya pa
kayo, okay lang sana sa akin na insultuhin niya ako pero she insulted you too, and
hindi ko maatim na tumahimik nalang, cuz' bihira lang akong magkaroon ng mga
kaibigan kaya ginagawa ko ang lahat para ipagtanggol sila, kayo. You were like a
family to me" nakayuko kong sabi, monay! Naiiyak ako.

Tahimik lang sila. Hindi ko kayang tingnan sila sa mga mata, dahil ayokong makita
ang mga naninisi nilang mga tingin. I can't cuz' i'm afraid, too afraid. Hindi
talaga sila sumagot kaya tumalikod nalang ako at akmang lalabas na ngunit napahinto
ako nang magsalita si Zyline.

"Aww, how touchy bff! Hindi naman kami galit eh! Bilib nga kami sa tapang mo, ikaw
nga ang topic namin kanina eh, we are talkin' about you and your bravery" sabi nito
kaya napaharap ako sa kanila.

Tumango naman ang apat saka ngumiti. Nakahinga ako ng maluwag dahil 'don, pero
naalala ko ang ginawa nila sa akin sa cafeteria.

"Eh bakit niyo ako iniwan doon sa cafeteria?! Eh kung binugbog ako 'don?" Naiinis
kong sabi.

"Haha, trip lang namin bakit ba?" Sabi ni Pao at nagkibit-balikat at nagtawanan
sila, and with that nakitawa narin ako, para akong baliw!

"Ahh, about dun sa Battle, guys uhm," nag-aalangan kong sabi.

"We'll talk about that later. Nandiyan na si Prof. Helen" sabi ni Audrey bago
tinungo ang kaniyang upuan, Tumango lang ako at umupo ng maayos.

Nang pumasok na si Ma'am Helen ay natahimik ang buong klase at nagbatian na kami,
teacher-student greetings kumbaga.

"Nabalitaan kong may hinamon na naman ang Sorceress, and it turns out na ang
Tatlong transferees pa, pati narin sina Mav, Audrey and Paolo" panimula nito sabay
tingin sa amin, sa akin.

"Ahh, opo ma'am, nag-aalala nga po kami eh, hindi sa hindi kami naniniwala sa
kakayahan nila, but it's just the Sorceress were too strong, and I'm afraid baka
mapahamak sila" nag-aalalang wika ni Alexa, our classroom presidentz isang Ice
slayer. Natats naman ako sa sinabi niya.
"Oh, 'yon ba? Don't worry, we will help you Ms. Amina and your friends, sawa narin
kasi kaming mga instructors sa ginagawa ng Sorceress. We need to teach them a
lesson kaya we've decided to help you, I, together with Sir Manuel and Ma'am Rita
wull train you, para mag-improve ang lakas at kapangyarihan ninyo" mahabang saad ni
Ma'am, then after, I heard gasps of excitements.

"Talaga ma'am?Oh my, I'm sooo excoiittteeed!" Sabi ni Audrey na napatayo na.

"Yes" maikling sagot ni ma'am then flashed a sweet smile.

"F*ck, seriously maam? Kayong tatlo ang magtre-train sa amin?" Excited na sabi ni
Pao at tumango naman si Maam.

"Shit shit shit! I'm sure our ranks will improve, tataas ito sigurado ako, at may
possibility na maging Class B or higher class pa tayo!" Excited na sabi ni Mav.

"Yes, but no cussing please" sabi ni ma'am at natahimik ang dalawa, 'yan kasi mura
nang mura.

Bakas sa mga mukha ng mga kasamahan ko ang excitement. Pero ako? Heto kinakabahan,
dahil hindi kailanman tataas ang rank ko, dahil wala naman akong kapangyarihan.

"Okay class, starting tomorrow, hindi na muna ako mgaka-klase sa inyo dahil we will
train them para mawakasan na ang kayabangan ng Sorceress" sabi ni ma'am at
naghiyawan naman ang mga classmates ko, studyante feels.

May nagta-thank you pa nga sa amin pero most of them are cheering us all up! I'm
happy na ganito kabait ang mga classmates at teachers ko rito sa Paradus. Hindi
kagaya do'n sa mortal world, napakaraming terror teachers!

Nang tingnan ko sina Anna, Audrey, Zyline, Mav at Pao ay nginitian lang nila ako at
binigyan ng 'goodluck sa atin' look.

I'm glad na hindi sila galit sa akin, at tutulungan pa nila ako, with the support
of our teachers and classmates pa!

I can't contain all the emotions I'm feeling right now, I'm so glad that they're
already CONVINCED !

***

A/N: I'm glad na narecover na ang ilang chapters ng AROTAP :D hehe.

Vote-comment-share this story :*

~ n a u g h t y j a c k y y

Chapter Eight

AT TRAINING GROUND

It's already friday and next friday will be the battle, kaya our teachers excused
us in their classes para makapag-handa kami, while ang mga classmates naman namin
ay todo suporta sa amin dahil sawa nadaw sila sa kayabangan ng Sorceress, maging
ang ilang guro ay tumulong din.

Sa apat na araw ay puro trainings lang ang ginawa namin, si sir Manuel na isang
class A slayer ay tinuturuan ako ng karate, taekwondo, at fencing. Kasi sinabi kong
hindi ko pa napapalabas ang kapangyarihan ko which is a freakin' lie, dahil wala
naman talaga akong powers, while sina Pao, Mav, Zy at Anna ay tinuturuan ng iba't-
ibang techniques ni Ma'am Helen na isang Class A Mage, from basic attacks, making
barriers/shields, fusions, and complex attacks.

While Ma'am Rita a Class A Caster is teaching Audrey advanced offensive and
defensive spells, she's also teaching Audrey support and booster spells na maaaring
magpalakas ng mga atake namin.

At sa apat na araw ding yun ay palagi akong ginugulat ng labanos na yun, he kept on
asking me 'what's labanos?' at apat na araw na rin akong nabubwisit sa kanya.

"Yuki focuss!" Bumalik ako sa realidad nang sigawan ako ni Sir Manuel.

"Sorry sir hehe" paghingi ko ng paumanhin sabay yuko, siya kasi ang trainor ko
palagi eh, and napag-alaman ko na ang slayers pala ay gumagamit din ng elements
pero sa sword ito nagmumula, at kung gaano ka kagaling humawak ng espada gano'n din
kalakas ang element na lalabas galing dito. Nalaman ko ring isang Fire Slayer si
sir.

Tsaka, just wanna share na marunong na nga akong mag karate at taekwondo, ako nga
ang TOP sa Fencing eh. Hahaha! Kasi ako lang din naman ang studyante niya.

"Okay let's stop" sabi ni Sir kaya napahiga nalang ako sa ground, habang habol-
habol ko ang hininga ko.

Mabuti nang hininga ang hahabulin, mabubuhay ka, kesa sa taong paasa... Gagawin
kalang tanga! #Hugot.

Bumangon muna ako at tinignan ang kalagayan ng mga kaibigan ko, at naagaw naman
nila Anna ang atensiyon ko, they are having a battle, it's between Anna and Zyline,
kapwa sila nababalutan ng elementong taglay nila, and may bago... Anna is covered
by a dark blue smoke while yellow green smoke is on Zy's body.

"Twin dragon!" Sigaw ni Anna kasabay na pag-atake ng twin dragon niya kay Zy.

Kinontra naman ito ni Zy, nagpatubo siya ng isang halamang kasing laki ng 2 storey
building, parang pea shooter ang itsura nito (yung sa plants vs. Zombies ).

"Hydracint!!" Sigaw ni Zy at nilamon ng halaman niya ang water dragons ni Anna.

"Hydracint water bullet shot!" utos muli ni Zy.


Nagmistulang isang machine gun ang bibig ng Hydracint at mabilis na pinaulanan ng
water bullets si Anna.

"Water slicer!" Sigaw ni Anna at ibinato niya ang higanteng water slicer sa
Hydracint ni Zy at nagtagumpay siya. Natamaan sa ulo ang Halaman ni Zy at
nagkasugat, tumulo ang berdeng likido mula rito.

"Ipaghihiganti ko si Hydracint sayo Anna! Laser leaf!" Sigaw ni Zy at pinaulanan


niya si Anna ng matutulis na dahon sinangga naman ito ni ana ng water slicers niya,
lumikha ng malalakas na pagsabog ang salpukan ng mga atake nila, mukhang seryoso na
sila ah!

Pumagitna na si Ma'am Helen sa dalawa upang mapigilan na ang tensyong namumuo.

"Okay the fight is over, mukhang nagkakapersonalan na. Hehe, by the way...
Congratulations pang class B na ang mga atake at techniques niyo Zy and Anna!" Puri
ni Ma'am Helen sabay tapik sa balikat ng dalawa.

"Oo nga Ma'am ang galing nila" sang-ayon naman ni Mav at Pao. Kaya ang dalawa
ayun.. namula. I really do smell something fishy between the four of them!

"Hehe shelemet" pabebe na sabi ng dalawa, natawa nalang ako! Masyado kasing halata,
iba talaga!

***

Napagpasiyahan kong gumala muna kasi wala na naman akong practice with sir Manuel.
Naglakad-lakad lang ako at nagpalinga-linga sa paligid baka gulatin na naman ako ni
labanos. Napadpad ako sa likod ng Academy which is a Forest, pumasok ako at may
nakita akong lawa dun na may mga naghahabulang maliliit na mga nilalang na parang
tao na halos isang dangkal lang ang laki, may mahahahabang buhok, nakasuot ito ng
silver na dress na may silver-green na pakpak na parang sa paru-paru at buntot ng
parang sa isang isda.

umupo ako sa may batong malapit sa lawa at masayang pinagmasdan ang... hmmm ano
kayang magandang itawag sa kanila.. Butete? Kiti-kiti? O water pixies? Well mas
gusto ko ang huli, haha.

"Gusto ko yun!"

Ha? Sino 'yon? Tsaka ang liit ng boses kaya imposibleng tao 'yon, nagpalinga-linga
ako sa paligid pero wala akong makita.

"Hoy! Hihi ako ang tumawag sayo!" Sabi ng isang water pixie.

'"Hihi 'di kami water pixie, pero gusto ko ang bagong tawag sa amin! Hihi tinatawag
kasi nila kaming Aluna. Eh ang pangit kaya mas gusto ko na ang water pixie! Yey!
Hihihi" dagdag nito.

Wait pero bakit nila nababasa ang isip ko ?

"Hmmm, nababasa namin ang isip mo dahil meron kang mabuting kalooban. At may dugong
maharlika ka, Yuki" Paliwanag nito.

"Ha?! Dugong maharlika? Weee? Hahaha joker ka!" Natatawang sabi ko sa kanya. Eh
kasi naman po, baka pinagtitripan lang ako ng mga ito. At pano nila nalaman ang
pangalan ko?

"Malamang nababasa nga namin ang iniisip mo, at nagsasabi ako ng totoo sapagkat
kami ang pangunahing tagapangalaga ng Book of Spells na pagmamay-ari ng Arankar
Tribe" seryosong sabi nito.

"O sige .. sige naniniwala na ako" pagsang-ayon ko. Kahit naguguluhan parin.

"Alam kong naguguluhan ka.. pero para maliwanagan ka, may ibibigay ako sayo,
sandali lang at kukunin ko"

Umalis saglit ang water pixie at pumasok sa isang maliit na whirlpool. Napaisip
naman ako, ano na naman kaya ang Arankar Tribe?. pagkatapos ng ilang minuto ay
bumalik na ito na may dalang isang lumang libro, nang makita ito ng kapwa niya
water pixies ay lumapit narin ito sa akin.

"Tanggapin mo ito, mahal na prinsesa, matutulungan ka niyan na masagot ang mga


katanungan mo" paliwanang ng isang water pixie na may maliit na gintong korona .
Naguluhan naman ako sa mga sinasabi ng mga water pixies, ang gugulo nila promise.
Ngayon ko lang narealize na narito ako sa isang magulong mundo na may magugulong
nilalang.

"Tanggapin mo rin ito bilang simbolo ng ating pagkakaibigan" sabi ng water pixie na
may korona, sabay bigay sa akin ng isang hair clip na parang isang shell, kulay
blue ito na may nakadikit na mga blue gems sa gilid at sa gitna naman ay parang
isang diyamante na hugis patak ng tubig.

"Awwww! maraming salamat sa inyo water pixies!" Sabi ko sabay ngiti sa kanila.

Sinuot ko ang binigay nilang Hair Clip dahil feel na feel ko, bagay sa kagandahan
ko! Haha biro lang.

"Walang anuman mahal na prinsesa" Sabi nito saka bumalik na sa paglalaro.

Tiningnan ko naman ang librong bigay nito at binasa ang Title.

Book of History and Spells [ The Arankar Tribe ]

Hmmmm, wala naman sigurong mawawala kung babasahin ko ito. May nakita akong isang
simbolo sa gitna ng libro, isang letrang U na may pakpak. Nang hawakan ko ito ay
nagkaroon ito ng kulay; naging kulay ginto, kasabay no'n ang pagsakit ng birthmark
ko.

"Ahh,Arraaaay! Tuloooonng...Shit ang sakit!" Daing ko. Hinawakan ko na ang dibdib


ko dahil sa sakit. Nakakapaso, nakakawala ng lakas. At may naramdaman akong
panibagong sensasyon, parang may gustong sumabog at kumawala sa katawan ko.

Ramdam ko rin ang pawis na tumutulo sa noo ko, inilibot ko ang paningin kobsa buong
kagubatan... wala na ang nga water pixies. Wala na akong mahihingan ng tulong!

"Tulungan niyo ako" pahina ng pahina kong sabi.

"T-tu-tulong"

Bumibigat na ang talukap ng mata ko, pero bago pa ako tuluyang lamunin ng dilim ay
may nakita akong lalaking kumarga sa akin ; yung lalaking nabangga ko na tinatawag
kong
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Labanos

[ JACK ]

Jack Siszier isang Class A Slayer na may elemento ng apoy, anak ako ni Manuel
Siszier. Isa ring Slayer.

Namamahinga ako sa gubat malapit sa lawa sa likod ng Academy nang may marinig akong
humihingi ng tulong. Parang namimilipit ito sa sakit.

Sinundan ko ang pinagmumulan no'n at nakita ko yung babaeng nabangga ko sa


Cafeteria. Hawak-hawak ng isang kamay niya ang dibdib niya habang ang isa naman ay
may hawak na libro.

Napansin ko naman ang suot niyang hairclip. Isa itong simbolo ng pakikipag-sundo sa
pinuno ng mga Aluna. Sumisimbolo din ito sa pagkakaibigan ng mga Aluna at ng taong
may suot nito, napakunot ang noo ko dahil imposibleng mangyari ito, it's very
impossible.

Hindi kaya isa siyang...

No! It's impossible, very imposible! Naubos na sila 50 years ago, o di kaya isa
siyang class A+ Alzorian? And how come na ako na isang Class A slayer na ay wala
paring guardian? Ugh. Nakakainis, nakakainis. Ayokong naguguluhan. I hate it. A
lot.

Sinet aside ko muna ang thought nayo'n at kinarga ang babae... Bridal style.

Nang makarating ako sa Commoner's block ay nagtanong agad ako kung sino ang
nakakaalam kung nasaan ang Quarter nitong babaeng 'to,

"Uhm excuse me, alam mo ba kung saan ang quarter ng babaeng 'to?" Tanong ko sa
isang babaeng petite.

At Imbis na sumagot, "Kyah! emegesh! Kinausap niya ako! Kegkeg besh" tili ng
babaeng petite na pinagtanungan ko, at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Kyaaaaahhhh! Ang gwapo talaga!" Sigaw ng mga kababaihan.

Nauubos na ang pasensiya ko sa mga babaeng to, I need to find this girl's quarter.

"Could you just tell me where's the fuckin' Quarter of this girl?!!!" Yan sumabog
na tuloy ako.

"Ah--eh, Block 9 No. 17" sabi ng isang babaeng nasa 5'4 ang height, 'yon naman pala
eh.

"Thanks" sabi ko sabay alis na.

-----

Nang makarating ako sa Quarter nila ay naka lock ito, kaya I've decided to leave
her in front of the door, iniwan ko rin sa tabi niya ang libro niya, pero binasa ko
muna ang title nito, but what the heck! Nawala bigla ang mga letrang nakaukit.

Could it be that she's a member of that tribe too? But how come? They already
vanished fifty years ago.

Ugh! So frustrating.

***

A/N :

Wew! Guys,Ano sa tingin niyo? Sino ba talaga si Yuki Amina?

Vote-comment-share this story :*


----

No update tomorrow and sa Friday, may examination po kasi kami :) pero don't worry
I'll find time to UD, but I can't promise, and I will never do. Promises are meant
to be broken kasi :) hehe. Yun lang!

- n a u g h t y j a c k y y -

Chapter Nine

[ YUKI ]

Nagising ako sa loob ng kwarto ko kaya nagtaka ako kung bakit. Inisip ko naman ang
huling nangyari sa akin at naalala ko si labanos, siya nga kaya ang sumaklolo sa
akin? Of all people siya na binungangaan ko ng todo pa ang nagligtas sa akin. Di ko
tuloy ma-imagine ang sarili ko habang pasan-pasan niya. Naramdaman ko namang uminit
ang magkabilang pisngi ko. Shit! May lagnat ba ako? Or kinikilig lang ako? Well I
guess tama ang una kong sinabi. Or yung pangalawa?

Hayyy..Yuki tumigil ka nga! Ang landi mo. Sabi ko sa sarili ko bago ginulo ang
buhok ko.

Napagdesisyunan ko namang lumabas ng kwarto at nadatnan sina Zy at Anna na nag-


aalmusal.

"Hmmm, Bff halikana. Kain na, ako nagluto" sabi ni Zy pero parang natatawa. Hindi
ko nalang yun pinansin at kumain na ako.

After naming kumain ay naligo na kami at naghanda para pumasok. Sinuot ko uli yung
hair clip na bigay ng mga water pixies.

Pumunta muna kaming Block 8 para hintayin sina Aud, Pao at Mav. Napagpasiyahan kasi
naming maglakad ngayon. Excercise narin dahil malapit na ang laban namin sa
Sorceress.

---

Habang naglalakad kami ay nagkwento ako.

"Guys.. may nakita ako kahapon" panimula ko.

"Kami rin may nakita! Hahahah!" Natatawang sabi ni Zy.

"Ano yun Zy? Hehe" si Anna sabay tingin sa akin.

Wait... Baka nakita nila kami ni Jack, habang karga niya ako? Oh no, baka tuksuhin
lang nila ako.

"Hahahahaha.. wait tawa muna ako!" Sabi ni Zy sabay tawa. Nakisali naman si Anna na
parang silang dalawa lang ang nakakagets.

"Hmm okay, ganito kasi yan.. habang pauwi kami ni Zy galing school ay nadatnan
namin si Yuki na nakabulagta sa harap ng pintuan at walang malay." kwento ni Anna.

"Tapos? Ano palang nangyari kay Yuki?" Nag-aalalang tanong ni Audrey.


"Akala namin patay na.. yun pala nakatulog lang ! Tahahaha" sabi ni Anna sabay
hagalpak ng tawa pati si Zy na napahawak na sa mga tiyan nila.

Ang totoo, best friend ko ba talaga tong dalawang 'to? Napansin ko namang hindi
natawa ang tatlo kaya napahiya sina Zy at Anna, kaya tumahimik.

Binelatan ko naman sila. Akala nila ah!

"Ah ano nga pala yung nakita mo Yuki?" Tanong ni Mav

"Ah wala, hehe nevermind nalang :)" sagot ko sabay kamot ng batok. Eh sa nawalan
ako ng gana eh.

"Wow! Ang ganda naman ng hair clip mo Bff, san mo nabili?" Sabi ni Zy sabay hawak
sa hair clip ko. Tinampal ko naman ng mahina ang kamay niya.

"Don't touch it bff, mahal to! Haha di kaya ng budget mo!" Pabiro kong sabi. Kaya
tumaas ang kilay nito."De joke lang, bigay to ng water pixies saken kahapon" dagdag
ko.

"Water pixies? Ano yun?" Takang tanong nilang lima.

"Ahemm di ko po alam okay? Basta yun ang tawag ko sa kanila. Tsaka kayo kaya ang
mas nakakaalam sa lugar na to!" Sabi ko.

"Ahh oo nga . Galing nga pala kayo sa Greiko I mean mortal world" sabi ni Pao.

"yeah tama ka." Sabi ko

Speaking of mortal world..namimiss ko na si Lola Magrett. Kamusta na kaya siya?

---

Di parin nila alam na Mortal ako kaya nakakahinga pa ako ng maluwag.

Pagkarating namin ng classroom ay nakarinig na naman ako ng mga bulong-bulongan.

Ang swerte ni Yuki, si Jack pa talaga ang nagbuhat sa kanya.

Oo nga girl, ang swerte niya siya palang ang kinarga ni Jack sa buong Campus.

Namula naman ako sa mga nadinig ako. Napaisip tuloy ako.. Sino kaba talagang
labanos ka?

----

Nang matapos ang klase ay mabilis akong lumabas ng room upang umuwi na pero nakita
ko si Labanos na nakaupo sa gilid ng garden at mukhang malalim ang iniisip nito.
Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kinauupuan niya, konti nalang malapit na,

Heto na...

Tatlong hakbang nalang...

Dalawa...

Isa....
"BULA---- AHHHH!" agad akong napayuko nang batuhin niya ako ng fireball na hindi ko
alam kung saan nanggaling. Gugulatin ko sana siya pero ako ang nagulat sa ginawa
niya. Bwisit.

"What are you doing here?"

"Uhm, ano nga bang ginagawa ko rito? Nagkamot pa ako sa ulo habang ginagawa yun.

"Stupid"

"Labanos"

"What's labanos?"

"Maligno"

"What's maligno?"

"Labano-- AHH!" Di ko natuloy ang sasabihin ko nang batuhin na naman niya ako ng
fireball. Kamuntik nang matamaan ang mala diyosa kong mukha.

"Bwisit ka talagang labanos ka! Bahala kana nga diyan tse! Nga pala thank you sa
pagdala sa akin sa quarter, naappreciate ko talaga ang pag-iwan mo sa akin sa harap
ng pinto, ang BAIT mo, paalam na malignong labanos-- AHH!" umalis na ako, actually
tumakbo ako para makalayo lang sa nagmemenopause na lalaking yun.

Humanap na ako ng kasing ganda kong pwesto para maghintay ng sasakyan... ng


Flaschen, medyo sanay na kasi akong sumakay ng Flaschen kaya okay na. Sanayan lang
yan. Nung una nga akala ko hindi ko kaya pero nang subukan ko, ang dali lang pala.

Pagkarating ko ng quarter namin ay wala pa sila Zy at Anna, may training kasi sila
with Ma'am Helen. Oh diba? Ako na nga tong naghamon ng away ako pa ang pa easy-
easy, habang sila na nadamay lang sila pa ang nagpupursige. Ang kapal talaga ng noo
ko.

Wala naman akong gagawin, hindi ako marunong magluto, tinatamad rin akong maglinis
kaya umupo nalang ako sa kama ko at kinuha ang librong binigay sa akin ng mga water
pixies at binasa ko ang nakasulat. Pero isasummarize ko nalang, masyado kasing
mahaba eh.

The History of the Arankar Tribe

They once ruled the Kingdom of Alzora and believed to be the most powerful Tribe
ever existed.

But one day, the Cursed Tribe who believed to be the mortal enemy of the Arankar
Tribe declaired a war between the Arankar and them.

All Alzorians including Arankars, Mages, Casters, Slayers and Ancients fought and
defended the King and Queen.

On that day also, the heiress of the land was born and believed to be the ..

Yun lang ang nabasa ko dahil wala na napunit na ang susunod na pahina dahil kinain
ng anay, nakakainis! At dahil sa inis ko, binasa ko nalang ang mga spells.

THE ARANKARS' SPELLS and INCANTATIONS

Somnar Aluna - a spell used to summon the Queen of Alunas named Alhea
Somnar Sederies - a spell used to summon the King of Sederies named Golum

Somna Framma - a spell used to summon the king of Frammas named Felix

Somna Aersies - a spell used to summon the Queen of Aersies named Breeze

Somna Isyviel - a spell used to summon the King of Isyviels named Sien.

Somna Electrum - a spell used to summon the King of Electrums named Bolt

Somna Nascie - a spell used to summon the Queen of Nascies named Flora

Ardein flous kalpra - a spell used to call the Alpha of the mythical creature
called Fluxe.

Wew! What the ef? Grabe di ko maintindihan ang mga nakasulat, tsaka napukaw ang
atensiyon ko ng huling spell kasi kakaiba ito .. parang nacucurious ako.

"Ardein flous kalpra" I recited bago biglang lumiwanag at may nakakasilaw na


gintong liwanag ang bumalot sa buong paligid dahilan upang mapapikit ako.

[ Zyline ]

Pauwi na kami ni Anna galing training nang biglang may nakakasilaw na gintong
liwanag ang nagmumula sa quarter namin, paano namin nakita? Malamang dahil sa mga
bintana.

"Shit si bff!" Sigaw ko sabay takbo namin.

"Shit sana walang nangyaring masama kay Yuki, tiyak wala siyang laban sa mga magic
users!" Nag-aalalang bulalas ni Anna habang tumatakbo kami.

[ YUKI ]

Nang mawala ang nakakasilaw na liwanag ay may nakita akong isang.....

"Wahhhhh! Ang cuuuttteee!" Sabi ko sabay karga sa isang hayop na parang puppy
kasinlaki lang siya ng pusa. Ang ganda ng balahibo niya, sobrang kapal ng balahibo
niyang kasing puti ng niyebe, may tatlong buntot itong sumasayaw sa hangin, may mga
mata itong bilog na kulay ginto.

"Shhuuuukk" sabi nito sabay dila sa pisngi ko.

"Waah, ang cute mo talaga!" Sabi ko sabay hug rito.

"Shuucccck" I guess ito ang parang sound na ginagawa niya.

"Hmmm ano name mo?" Tanong ko rito

"Shuuucck"

Hay parang tanga lang eh no?! Nakikipag-usap ako sa isang hayop.

"Gusto mo Kiyu nalang pangalan mo ?" Tanong ko rito at nag wiggle naman ang buntot
nito sabay dila sa pisngi ko. Well I guess gusto niya ang pangalang binigay ko.
Lalaki ba to?

Tiningnan ko ang organ niya at ayun! Lalaki nga! Haha. I don't know paano 'to
napadpad sa silid ko, tsaka 'yong liwanag... it still remained as a mystery for me.

Nah! Sa susunod ko nalang iisipin 'yon. Pumunta ako ng sala at doon ko nilaro-laro
si Kiyu na sobrang bibo.

[ ANNA ]

Nang makapasok kami sa Quarter ay nadatnan namin si Yuki na nakatalikod at


nakayuko.

Tumatawa pa nga ito ng mag-isa eh..

"Yuki!" Tawag ni Zy sa kanya.

"Uy?" sagot nito samin ngunit balik ulit ang tingin sa tinitingnan niya.

Nacu-curious tuloy ako. Kaya naman hinila ko si Zy upang makita ang


pinagkakaabalahan niya.

"Awww, ang cuuuute!" Bulalas namin ni Zy nang makita namin ang karga-karga ni Yuki.

"Yes cute nga siya, mana sa akin hehe. BFFs meet Kiyu!" Hyper na sabi nito sabay
tapat kay Kiyu sa amin. Wow! Ang cute ng name bagay sa cute niyang alaga.

"Wow saan mo nakuha si Kiyu? Ninakaw mo?" Pang-aasar ko.

"Uy hindi ah! Ako kaya ang may-ari sa kaniya!" Depensa ni Yuki sa sarili.

"Paano mo naman nasabi?" Ngayon si Zy naman ang nagtanong. Naiinggit siguro hahaha.

"May sinabi lang ako kanina tapos lumiwanag ng kulay gold tapos after mawala ng
light nakita ko na siya! Nagtaka nga ako eh kung paano nangyari 'yon" Natutuwang
sabi ni Yuki sabay yakap ulit kay Kiyu.

"Shhuuuuck" si Kiyu sabay dila sa pisngi ni Yuki, parang gustong-gusto siya nito.

"Wait, you mean may sinabi kang incantation?" Nagtatakang tanong ni Zy.

Ano ka ba talaga Yuki? I'm really sure na Alzorian ka. Pero sa anong tribe ka?
Mages Tribe? Casters Tribe? Slayers Tribe? O Ancient Tribe?

"Uhm incantation ba yun? Well hindi ko alam eh! Hehe" si Yuki sabay kamot ng ulo.

Now it's Impossible na mortal si Yuki. She casted an incantation to summon a


mythical creature that only a high classed Caster can do.

My Dad told me na may isang Tribe din na kayang mag-summon ng mythical creatures.
Pero extinct na sila, they are the most powerful tribe ever existed in the history
of Alzora. And that tribe was now part of the history of this world, they are
already extinct, it will be 50 years starting next friday, it is also believed that
all of them vanished after the Class S Sorcerer, Lucas itself casted a lost Dark
Spell with the help of the Dark Council. Or is she a member of the Wiccan Tribe? Is
she a sorceress that uses black magic to deceive people with the use of illusions?

Now, how come that Yuki summoned a baby Fluxe?

Yes she summoned a baby Fluxe, And another yes because it's still a baby, as it
grows the number of it's tail also increases. And the indication that the Fluxe is
already adult is kung twelve na yung buntot niya.

Bestfriend Sino ka ba talaga?

IT'S EITHER YOU'RE AN ALZORIAN OR YOU'RE A MEMBER OF THE CURSED TRIBE, THE WICCAN
TRIBE/THE REBELS.

Now things are getting more complicated, yet interesting!

***

A/N : Yuki sino ka ba talaga? Ha?


Vote-comment-share this story :*

~ n a u g h t y j a c k y y ❤

Chapter Ten

[ YUKI ]
Mabilis na lumipas ang mga araw at madalas naring sumasakit ang birthmark ko at
everytime na mararamdaman ko ito ay parang may gustong kumawala sa katawan ko, but
I preferred to keep it as a secret, I don't want my friends to worry about me, alam
ko kasing nahihirapan na sila sa training.
I'm glad nga dahil hindi iyon nahahalata nila Zy at Anna, ayoko kasing madistract
sila, lalong-lalo na ngayon, dahil ito na ang Final Training namin at bukas na ang
Commoners Vs. Sorceress na inaabangan ng lahat.
Iniwan ko muna si Kiyu sa bahay at naglagay lang ako ng gatas sa bowl niya.
Andito kami ngayon sa training Ground. Kasalukuyang naglalaban sina Pao at Mav.
Gumawa ng Ice Spike si Mav at ipinatama niya ito kay Pao. Pero sinangga ito ni Pao
ng wind tornado. Nagpaulan naman ulit si Mav ng Ice daggers at sinalubong naman ito
ni Pao ng air balls kung kaya't lumikha ito ng malakas na pagsabog.
Nang humupa ito ay si Pao naman ang sumugod at gumawa siya ng Air blades sabay
hagis kay Mav. But Mav was quick, he made an Ice wall that protected him from the
attacks of Pao.
Ginamit naman ni Mav ang mga nadurog na Yelo at pinaulan kay Pao. Hindi na nakilag
si Pao kaya natamaan ito.
"Argghhhh!" Daing ni Pao nang matamaan siya.
"Stop! Okay na.. " sabi ni Ma'am Helen. "Okay very good boys, ang kakayahan niyo ay
nasa Class B+ na! Wow! Ambilis niyong matuto ahh! " puri nito sa dalawang lalaki.
Tinulungan namang makatayo ni Mav si Pao.
"Pre galing mo na ah!" Puri Pao kay Mav.
"Haha ikaw din!" Puri naman ni Mav kay Pao.
"Okay now, Audrey Vs. Zyline. Caster vs Mage!" Excited na sabi ni Ma'am Rita.
Napansin ko namang tahimik lang si Sir Manuel sa gilid at nakangiti itong
nakatingin sa amin. Siguro natutuwa ito dahil sa maikling panahon ay malaki ang
naging improvement namin. Well except for me.
"Okay.. Ready get set and...... FIGHT!" sigaw ni Ma'am Rita, hudyat ng pagsisimula
ng laban ng dalawa.
Nilabas na ni Audrey ang Wand niya at naghanda na sa pag-atake.
Agad tumalon si Zyline at nagpakawala ng napakaraming laser leaves.
"El barga" Audrey chanted a spell pagkatapos may lumabas na earth barier sa harapan
niya, protecting her from Zyline's laser leaves.
Gumawa naman si Zy ng vine whip with torns na pinamhampas niya kay Audrey, the
latter tried to dodge it pero natamaan siya sa paa.
"Ouch!!" Daing nito sa sakit. " Erda spikr!" Sigaw nito sabay bulusok ng mga earth
spikes sa direksiyon ni Zy.
Iniwasan naman ito ng huli ngunit... dahil sa napakaraming earth spikes na
pinakawalan ni Audrey ay natamaan ito sa tiyan dahilan upang tumilapon ito ng ilang
metro.
"Argh!" daing nito.
"elvien corvz!" Audrey chanted a spell again, this time may may earth pins ang
lumabas mula sa wand niya at sabay-sabay na bumulusok sa nakahigang si Zy.
"Ahhhhhhh!" Sigaw ni Zy sa sakit ng matamaan ito ng aarth pins ni Audrey.
"Okay stop, Audrey panalo kana. The both of you did a great job. Wow girls, Class B
na ang skills niyo !" Manghang wika ni Ma'am Rita.
Agad namang nilapitan ni Audrey si Zyline at itinapat ang wand nito sa kanya at may
binulong. Maya-maya pa ay namumuong light ball sa wand ni Audrey, then she pointed
it on Zy, and in an instant, nawala lahat ng galos niya.
Wow! I think it's a healing spell, makakatulong yun bukas sa laban.
"Now, Yuki and Anna! Kayo ang maglalaban, walang kai-kaibigan. Ma'am Rita, can you
cast a spell na pwedeng magpabago ng tratuhan nila? Yung tratratuhin nilang kalaban
ang isa't-isa?" Tanong ni sir Manuel kay Ma'am Rita.
Kinabahan naman ako, kasi ayoko talagang kalabanin si Anna. She's my friend since
then.
"Tractaria Reversus" ma'am Rita casted a spell sa amin ni Anna.
And in a blink of an eye, parang nakaramdam ako ng galit kay Anna.
I looked at her, and saw anger on her eyes, I think the feeling is mutual.
"Okay fight!" Sigaw ni Sir Manuel.
[ Sir Manuel ]
Kakaiba talaga tong grupong to, they are all commoners pero ang skills nila pang
Elites na, they're improving fast.
Pansin ko ring hindi gumagamit ng kapangyarihan si Yuki tuwing training. So I've
decide to match her with her bestfriend Anna, at para mas exciting nilagyan ko ng
twist.
Nagsimula ng umatake si Yuki gamit ang isang normal na espada.
Pinaulanan naman siya ng water balls ni Anna. Pero nasasalag at naiiwasan ito ni
Yuki, hanga ako sa lakas at bilis niya ngayon. Di ko maikakailang isa siya sa
pinaka mabilis matutong gumamit ng espada sa lahat ng Commoners na naturuan ko.
[ MAV ]
Tahimik lang kaming apat rito sa gilid habang minamasdan ang naglalabang si Yuki at
Anna na nasa ilalim ng Hatred Spell ni Ma'am Rita.
Kahit hindi pa nakakagamit ng mahika si Yuki ay kaya na niyang makipag-sabayan kay
Anna.
Huminto ang huli at pinalibutan ng tubig ang kaniyang sarili, unti-unting may
lumalabas na water spikes rito na sinundan ng Twin Dragon niya, itinuro niya si
Yuki gamit ang kanang hintuturo niya bago nagsimulang bumulusok ang mga water
spikes papunta sa dalaga.
Iwas lang nang iwas si Yuki, kung kaya't hindi niya napansin ang Twin Dragon ni
Anna na paparating. Natamaan siya nito sa bandang gilid kaya tumilapon siya ng mga
apat na metro.
"Argh!" daing nito sa sakit habang pinipilit na tumayo gamit ang espada.
[ YUKI ]
Di ko alam kung bakit galit na galit ako kay Anna, Basta may part sa sarili ko na
nagsasabing atakihin siya at may side namang nagsasabing 'wag.
Nang makatayo na ako ay nagulantang ako sa nakita ko. Napakaraming water slicers
ang nakapalibot sa akin, ito 'yong ginamit niya sa mga nakasagupa naming casters.
"Die!" Sigaw ni Anna at bumulusok ng sabay-sabay ang mga water slicers sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko, papatayin nga niya ako! Hinigpitan ko ang paghawak ko sa
espada at isa-isa kong hiniwa ang mga water slicers niya at kada hiwa ko sa mga ito
ay nagiging yelo, hanggang sa matapos. Nagtaka naman ako kung ano ang nangyari...
Kung paano ko 'yon nagawa.
"Whoa Bff, ang galing ng powers mo!" Sigaw ni Zyline sa gilid, napangisi naman ako
dahil may powers ako, Yey!
"Ahhhh!" Daing ko nang matamaan ako ng water balls ni Anna, hindi ko yun napansin
ah!
Parang panloloko niya, hindi ko napansin.
[ Zyline ]
Ouch, grabe ang sakit nun, natamaan kasi si Bff Yuki ng atake ni Anna. Halimaw
talaga tong si Anna.
Tama nga ang sabi ni Yuki ng minsang magkachika kami. And atlast, na-confirm ko na
na Alzorian talaga si Yuki dahil sa magic niya.
"Mage second's phase!" Sigaw ni Anna.
Napalunok naman ako. Second phase ng isang Mage? Eh class A and above lang ang may
kaya nun eh, ang daling sabihin ng salitang yun pero nangangailangan ang prosesong
iyon ng matinding konsentrasyon ng magoi, at kapag pumalya ka... maaari mo itong
ikamatay. Uh, Anna sana lang magtagumpay ka, nako babalatan talaga kita.
I looked around, their eyes... I can see amusement on it, I looked at Anna again,
Unti-unting nagbabago ang kulay ng buhok ni Anna from pinkish red to Blue. Maging
ang mata niya ay naging Blue rin.
"Tsunami!" Anna used a class A technique, she released a huge amount of water then
aimed it to Yuki.
Walang nagawa si Yuki nang tuluyan siyang nilamon ng tubig.
[ YUKI ]
Wala akong nagawa nang lamunin ako ng tubig . At bumalik na naman ang pakiramdam ko
na parang may gustong sumabog at kumawala sa katawan ko, pero this time.. wala na
ang sakit.
Napansin ko namang nagliwanag ang hawak kong espada at nagkaroon ng markings ng
parang snowflakes sa gitna ng double bladed sword ko.
Nagliwanag ang mga markings sa espada ko at unti-unting nagiging yelo ang tubig na
nakapalibot rito, I tried to move it and the water froze, kaya iwinasiwas ko ang
espada ko at nagyelo ang halos kalahati ng ginawang tsunami ni Anna. Inulit ko pang
muli ang ginawa ko at tuluyan na ngang nagyelo ang tsunami ni Anna.
I slashed the frozen water as hard as I can kaya nabasag ito at natumba ako sa
ground. Tumayo ako agad at pinosisyon ang espada ko, nanginginig pa ako dahil sa
lamig na dulot ng tubig at yelo.
"Hyah!" sigaw ko then I slashed my sword in the air and with that, a huge amount of
sharp ice were released from my sword and papunta ito sa direction ni Anna.
She tried to counter my attack pero naging yelo lang ang tubig niya kung kaya't
natamaan siya sa tiyan at tumilapon ng ilang metro.
After that attack halos mawalan ako ng lakas kaya tinukod ko ang espada ko upang
magsilbing suporta sa katawan ko.
Nakita ko namang unti-unti nang bumabalik sa dati ang anyo ni Anna. From blue
naging black ang mata niya pati narin buhok niya.
"Okay that's all for this day. I hope that you will win tomorrow. Now you may take
a rest" sabi ni Sir Manuel at umalis na. Sumunod naman sina Ma'am Rita at Ma'am
Helen.
May sinabi muna si Ma'am Rita bago siya tuluyang lumabas. Kung tama ang
pagkakarinig ko ang sinabi ay "dispelsus" And in an instant, nawala ang galit na
nararamdaman ko kay Anna.
"Woah, bff may powers ka, at isa kang slayer, Ice Slayer to be exact. Yey!" Sabay
na sabi nina Anna at Zy.
Napangiti naman ako dahil ang saya talaga nila, at parang wala lang kay Anna ang
mga nangyari kanina.
"Woah, Slayer ka pala Yuki! Ang astig!" Namamanghang sabi ni Pao at nakipag apir sa
akin.
"Oo nga ang cool" segunda naman ni Mav.
"Yes tama kayo diyan, kaya group hug!" Sabi ni Audrey at binuka ang kamay nito kaya
nag group hug kaming anim.
Napaisip naman ako, kung di ako isang mortal .. Is there a possibility na pati sina
mama't papa din? And si LOLA?!
OUR FINAL PRACTISE brings out the best in each of us. Especially sa akin.
I've already discovered my power and I'm glad na isa akong Ice slayer.
Goodluck nalang sa amin bukas. I hope na manalo kami, dahil ayoko nang umalis sa
Paradus Academy. Because I BELONG HERE.
[Sir Manuel]
Kasalukuyan kaming nagpupulong ng mga guro at kasama doon si Headmaster Mathew.
"Kani-kanina lang may naramdaman akong kakaibang pwersa, parang naramdaman ko na
ito noon" sabi ni Headmaster, halata sa mukha nitong interesado siya sa nangyayari.
"Headmaster, I need to tell you something." Sabi ko at naagaw ko lahat ng atensiyon
ng mga kasamahan ko.
"What?" Interesadong tanong ni Headmaster.
"May estudyante kasi ako, nang nag traning kami... She successfully transformed a
normal sword into a slayer's sword." Paliwanag ko rito.
Kumunot naman ang noo ng lahat including H.M. halatang napaisip ito.
"Impossible" yan lang ang tangi niyang nasabi bago hinaplos-haplos ang kaniyang
baba.
"Yun nga rin H.M, it's very impossible.." sang-ayon ko naman.
Nakita kong napangisi siya na tila ba may naisip na expalanation sa mga sinabi ko.
"There is only ONE Tribe who can do that, and we all know that they're already
extinct." Putol na sabi nito.
"The Arankar Tribe" dugtong naming lahat sa sinabi niya.
"Okay that's all for now. The meeting is adjourned." Sabi nito sabay labas ng
Office.
Is this really possible? May natitira pa kaya sa tribo ng Arankar? Kung meron man,
paano siya nakaligtas?
***
A/N: Vote-comment-share this story mga Alzorians :*
~ n a u g h t y j a c k y y❤

Chapter Eleven

[YUKI]
Andito kami sa Classroom ngayon, iniwan ko lang si Kiyu sa bahay, sa susunod ko na
siya dadalhin. Pansin kong hindi mapakali ang mga kaibigan ko, talagang kinakabahan
sila sa laban namin mamaya sa grupo ng Sorceress, well kung kinakabahan sila, ako
namn ay sobrang natatae na sa kaba at takot.
18th Birthday ko na ngayon. Pero walang may alam. Maging Si Anna. Tanging si Lola
Magrett lang ang may alam ng kaarawan ko. Hayy, namimiss ko na talaga siya, sana
makita ko siya kahit sandali lang.
Kani-kanina lang din ay biglang lumiwanag ang birthmark ko. Pero hindi na masakit,
and there's this strange feeling again na parang may gustong kumawala sa katawan
ko, nararamdaman ko parin yun ngayon. Bakit antagal nitong mawala? Dati , sandali
lang naman at nawawala na ito.
Sana hindi ito makasagabal mamaya sa laban.

Nakinig na muna ako kay Ma'am Helen sa lecture niya about History.
"Okay class as I was saying, The Arankar Tribe is the strongest tribe in the Land
of Alzora. And sila lang din ang may kakaibang way of giving birth" explain ni
Ma'am kaya nacurious ako.
"Uhm, Ma'am paano po pala sila nanganganak?" Tanong ko.
"Oh nice question. They are believed to lay eggs, kasi sa second and third phase ng
isang Arankar ay nagkakaroon ito ng pakpak. Pero most of the Arankars failed to
reach the third phase, only the Royal Family can reach the third phase. And the
third phase is the stage where an Arankar can Summon all the seven elemental
guardians." Explanation ni Ma'am.
Wow, they lay eggs? Parang ibon lang ah! Tsaka may second and third rin pala ang
mga Arankar? Akala ko Mage lang.
Ano ba talaga ang Arankar Tribe? Bakit napakataas ng tingin ng lahat ng Alzorian sa
kanila. Ano ang kaya nilang gawin?
Magtatanong pa sana ako pero nag ring na ang bell, hudyat na simula na ng battle
namin with The Sorceress. And ang problema ko, di ko na ulit magawa yung kahapon, I
tried it many times, pero it's not working anymore.
Paano na ako nito? Baka may tumulong lang sa akin kahapon kaya nagawa ko iyon, kung
meron man.. Sino? Baka si Mav.
"Guys! This is it, goodluck sa atin! Let's do our very best at ipamukha sa
Sorceress na hindi basta-basta ang mga Commoners!" Pagche cheer ni Zyline sa amin.
"Oh yeah! We can do this!" Sabay-sabay na sabi naming anim.
Well with or without power, I can still face and fight the Sorceress. Because I
have my friends who always give me stregnth.
Pagkarating namin sa Battle Arena ay punong-puno ito. Sa kabilang side ay ang mga
Elites na nandidiring tumitingin sa mga Commoners na nasa Opposite side naman ng
Arena. May mga malalaking screen sa Arena na gagamitin daw mamaya upang makita ang
nangyayari sa amin ng malapitan, isa daw itong projection spell sabi ni Audrey.
Masasamang tingin lang ang ipinukol ng mga Commoners sa Elites.
"Okay.. Ready na ba kayo?!!" Hyper na tanong ng MC.
Naghiyawan naman ang mga tao sa Arena. May sumisigaw ng 'hoooo! Talunin niyo yang
Sorceress nayan!' . Meron ding ' Go sorceress, kill them!'.
Haayyy. They are all cheering us. Elites for Sorceress, and Commoners for us.
"Bff, Legal ba tong ginagawa natin?" Tanong ko kay Zy na nasa gilid ko.
" No. It's against the law. BEFORE. Pero dahil narin sa kayabangan ng Sorceress ay
napagpasiyahan ng mga gurong gawing Legal ito. Nagbabakasakaling may makatalo sa
kanila at upang matigil na ang kahibangan nila" mahabang sagot nito.
Napatango nalang ako.
"Okay from the right corner! The strongest group on Paradus Academy..Theeeeee
SORCERESS!" announce ng MC at lumabas ang Sorceress na nakasuot ng black tube at
black mini skirt, black high heels at black stockings.
Naghiyawan naman ang mga Elites.
Ang laswa nilang tingnan. Para silang dancers ng Club, pokpok style.
Habang nandidiri namang tumingin ang mga Commoners sa Sorceress.
"And in the left corner, the challengers , the bravest Commoners!!!" Announce ng
Mc.
Lumabas kami ng naka uniform lang. Nakita ko naman si Jack na tumitingin sa akin or
sa amin, basta tumitingin siya, naging uneasy tuloy ang feeling ko, peste talaga
yung labanos na yun. After this fight, siya naman ang kakalabanin ko, kakalbuhin ko
siya dahil sa pambabato niya sa akin ng apoy.
Commoners are cheering us all. Saying good luck and god bless, while the Elites?
They gave us .. Boooooooooo
"Okay ! Let the Battle between Commoners vs Sorceress begin!!!" Announce ng MC and
with that pumunta na kami sa Gitna.
THIRD PERSON'S POV
Pumunta na sa gitna ang grupo ng Sorceress at ni Yuki.
Nagharapan ang mga ito. Natahimik ang lahat dahil ramdam nila ang tensiyon sa
pagitan ng dalawang panig.
Ngayon lang nila naramdaman ang ganitong tensiyon sa halos laban kasi ng Sorceress
laban sa mga hinahamon nito ay di nila ito kailanman naramdaman.
"Hey bitch, ready to die?" Mataray na tanong ni Jane kay Yuki.
Napataas naman ang kilay ni Yuki dahil parang minamaliit siya ng babaeng nasa harap
niya.
"Tss. Ang daldal mo!" Sabi nito sabay sugod kay Jane.
Nabigla si Jane sa ginawang pag-atake ni Yuki kaya di ito nakaiwas at nadaplisan
ito sa pisngi.
"Arghh you'll pay for this bitch! Flamma spikr!" Jane cast a spell then fire spikes
appeared around her. "Seotan!" sigaw niya at bumulusok ang mga fire spikes papunta
kay Yuki.
Iwas lang ng Iwas si Yuki dahil hindi niya magawang sanggain ang atake ni Jane.
"Yuki use your power!" Sigaw ni Zyline habang abala sa pakikipaglaban sa kasamahan
ni Jane na nagngangalang Kim. Gumawa ito ng vine whip at pinulupot sa leeg ni Kim
at parang may sariling buhay ang vine whip nito at hinampas-hampas sa sahig ang
kawawang Kim.
"I don't know how.. di ko alam Bff" sagot naman ni Yuki.
Sigawan naman lahat ng Commoners at nag cheer pa ng todo ng ibalibag ni Zyline si
Kim.
Sumugod ulit si Yuki kay Jane, this time Jane cast a spell that transformed her
wand into a flaming whip.
Iwinasiwas ni Jane ang whip niya sa direksiyon ni Yuki pero biglang may humarang na
water wall sa pagitan nila upang protektahan si Yuki.
"Don't you dare touch my Bff! Humanap ka ng katapat mo!" Sigaw ni Anna kay Jane.
Lumapit naman si Rin na isang air caster kay Jane.
"Two on two eh? Exciting.!" Sabi ni Jane.
Jane casted a spell again, this time a fire phoenix appeared in the air.
Same as through with Rin she cast a spell then an Air eagle appeared in the Air.
Naghanda naman si Anna. She released huge amount of water, enough to protect her
and Yuki from Jane and Rin's attack.
"Unisunos el Aer flamma!" Jane and Rin said in unison then the eagle and phoenix
united and transformed into a fire-air phoenix. "Seotan!" they shouted then the
Fire-air phoenix flew fast to Anna and Yuki's direction.
Anna released her twin Dragon to counter the unison attack of Jane and Rin.
Sinalubong ng Twin Dragon Ni Anna ang Fire-air phoenix. Nagsalpukan ang mga ito at
dahil kapwa malakas ang atake nila ay lumikha ito ng malakas na pagsabog.
Napuno ng hamog ang buong Arena. Napuno din ng mga bulong-bulongan ng mga manonood.
Wow! Ang lakas ng babaeng yon! Nakaya niyang tapatan ang atake nila Jane at Rin. -
Commoner1
Impossible, how did she manage to counter the unison of Jane and Rin? - Elite1
Ilan lang yan sa mga bulong-bulongan ng mga estudyante. Nang dahil rin sa malakas
na pagsabog ay naagaw nito ang atensiyon ng mga guro. Kung kayat naengganyo ang mga
itong makinuod narin sa nagaganap na laban.
Nang mawala ang hamog ay agad na pinuntahan nila Aud,Pao,Mav at Zy sina Anna at
Yuki.
Nagtipon din sa iisang lugar ang Sorceress.
"Okay ka lang Anna?" Tanong ni Mav.
Namula naman si Anna. "Oo okay lang ako" sagot nito.
"Flamma aer Isy! Triple unisunos lufus!" Jane, Rin and Kim cast a spell in unison
and a big wolf with large fangs appeared; it has a body of Ice, flaming paws and
visible air that serves as its fur.
" Aquiea Isy erda! Triple unisunos snahhan!" Shiena, Amanda and Ella cast a spell
in unison then a huge snake appeared. It was a huge Cobra with a water-like body,
Ice scales and there's a huge stone with ice spikes on it's tail's tip.
Tila di inaasahan nila Anna ang ginawang tri-unison ng Sorceress. Kaya naging
alerto silang lahat.
Gumawa si Zyline ng Munshtroom - a carnivorous mushroom-like plant, atsaka
Hydracint. Habang naghanda naman si Pao ng Air tornado at Si Mav ng Ice Spikes, si
Anna naman ay nirelease ang Twin Dragons niya, while Audrey is casting a support
and booster spell to strengthen their techniques.
"Seotan!" sabay na sigaw ng Sorceress at mabilis na tumalon ang Fire-air-Ice Wolf
saka bumuga ng Apoy habang ang Earth-Water-Ice Snake naman ay nagpakawala ng
napakaraming earthballs na may ice spikes.
"Now!" Sigaw ni Anna kasabay no'n ang pagrelease nila ng kanilang mga atake upang
mapigilan ang atake ng Wolf at Snake.
Pao released his Air tornado and Mav mixed his attack with Pao. Kaya ang
kinalabasan ay isang air tornado with ice spikes ang sumalubong sa atake ng lobo.
While Anna is supporting Zy's plant monsters, sinasangga ng Munshtroom ni Zyline
ang mga earth-ice spiked balls na pinakawalan ng Ahas sa pamamagitan ng
pagpapalabas ng mga ugat nito forming a shield.
Napakalakas ng pagsabog na nagawa ng salpukan ng mga atake ng Commoners at
Sorceress, dahilan upang hindi na makita ng mga audience ang kalagayan ng mga
naglalaban sa Arena. Nabalot ng alikabok at hamog ang buong paligid. Lahat tahimik,
walang umiimik. Lahat naghihintay na mawala ang alikabok at hamog upang makita kung
sino ang nanalo.
Nang tuluyang mawala ang alikabok at hamog ay napuno muli ng hiyawan ang Buong
Arena.

Walang natumba. Lahat nakatayo!

Kapwa hingal na hingal ang Sorceress at grupo ni Yuki. Maliban sa kanya, lahat sila
ay nauubusan na ng Magoi.
"Okay that's it. Let's Finish this" si Jane at pinusinsyon muli ang wand, she's
reciting something then sparks of light were formed from the tip of her wand.
Naghanda naman ulit ang grupo ni Yuki, pinalibutan ng mga ito ang dalaga na para
bang pinoprotektahan siya ng mga ito.
Nakaramdam si Yuki ng guilt, dahil siya ang dahilan kung bakit napapalaban ang mga
kasama niya, pero wala man lang siyang magawa to defend and protect them, she felt
useless.
" Aekretzure de deurk, tranfarr el Jane!" Rin,Kim,Amanda,Ella, and Shienna cast a
spell in unison once again, then energy balls with different colors were formed at
the tip of their wands; Blue,Sky Blue, Brown at White energy balls to be exact.
"Habiere suos!" sigaw ni Jane at unti-unti pumapasok ang ang mga energy balls sa
katawan ni Jane. At nag-collapse ang lima. Nabalot ang dalaga ng sari-saring
liwanang hanggang sa naging itim na usok ang liwanag na bumabalot rito.
Nabahala naman ang grupo ni Yuki kung kaya't kahit hinang-hina na ang mga ito ay
naghanda parin ang mga ito.
Nang mawala ang itim na usok ay nabigla sila sa nasaksihan. Nangilabot.. lalong-
lalo na ng marinig ang sinabi ni Audrey
"The Forbidden Unison Spell, the Eicreature of Darkness"
***
A/N : How was it? lemme know your reactions :)
vote and share this story
~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Twelve

"Mahal na pinuno, makikisali na po ba tayo? Mukhang matatalo ang grupo ng babaeng


Elite ng mga Commoners." Tanong sa akin ng aking kanang kamay.

"Mamaya na Gin, masyado pang maaga, hindi pa nga naghihirap ang babaeng 'yon mamaya
na tayo kumilos" sagot ko rito sabay ngisi ng nakakaloko.

"Hmmm, mukhang maganda ang plano mo pinuno, gusto ko yan!" Nakangising sabi nito na
tila ba nabasa ang iniisip ko.

Humanda ka babae, hindi ko hahayaang matupad ang propesiyang sinabi ng aking


Orakulo, sisiguraduhin kong mamamatay kana bago mo pa tuluyang magising ang
kapangyarihan mo.
Mamamatay kana, bago mo pa ako mapatay. Sinusumpa ko.
[ YUKI ]

"The Forbidden Unison Spell, the Eicreature of Darkness"

Kahit di ko alam ang sinabi ni Audrey ay kinilabutan parin ako, tumindig lahat ng
balahibo ko sa katawan, from the work darkness alam kong masama ito.

"What do you mean ?" Takang tanong ni Pao, well magtatanong na sana ako inunahan
niya lang ako.

"Jane used the Forbidden Spell, she used the nagoi of her Flfriends to transform
herself into a Deofrix." Pagpapaliwanag niya, pero halatang hindi parin namin
nakuha ang ibig niyang iparating, eh ang komplikado ng mga sinasabi niya eh.

"Haaay, Deofrix a half demon ,half caster" sabi nito while biting her lower lip na
parang nagpipigil ng inis.

Sa wakas at naintindihan din namin. Pero what? Pwede ba yun, a half demon and a
half caster?

Abala kami sa pag-uusap nang biglang...

THIRD PERSON'S POV

Abala sa pag-uusap sina Yuki kung kaya't hindi nila namalayan ang pagsugod ni Jane
na naging isang Deofrix.

"Done talking?" Nagulat sila ng biglang nasa harap na nila si Jane.

Titirahin na sana ito ni Anna ng water balls ngunit naunahan siya ni Jane sa
pamagitan ng pagtira rito ng dark energy ball na naging dahilan sa pagtilapon ni
Anna.

Hindi na isang caster si Jane. Hindi na siya gumagamit ng spell, dahil siya'y isang
kalahating demonyo na.

May mga demonic marks sa boung katawan nito, ang isang mata niya ay puro itim
habang ang isa ay Kulay pula. May pakpak narin ito na kagaya sa isang paniki at
buntot ng parang sa alakdan.

Lumipad pataas and Deofrix at pinaulanan ng Dark spheres sila Yuki. Agad namang nag
cast ng spell si Audrey at lumitaw ang isang earth barrier na promotekta sa kanila
laban sa atake ni Jane.

Walang tigil ang pagpapaulan ng halimaw ng itim na kapangyarihan sa grupo nila Yuki
kung kaya't unti-unting nasisira ang ginawang barrier ni Audrey.

"Guys, hindi ko na kayang pigilan ang mga atake niya, paubos na ang Magoi ko at
hinang-hina narin ako." Sabi nito at napangiwi na dahil halos di na kayanin ng
katawan niya ang pagod.

"Let me help you" sabi ni Mav at hinawakan ang ginawang harang ng dalaga, kitang-
kita ni Yuki kung paano kumalat at unti-unting sapawan ng yelo ni Mav ang harang ni
Audrey.

"YOU WILL DIE! HAHAHA" wala sa sariling sigaw ni Jane habang patuloy siya sa
pagpapaulan ng itim na kapangyarihan. Hindi pa siya nakontento at mas pinalakas pa
ang mga pinakakawalan niyang atake.
"Mga kaibigan, nasasaksihan natin ngayon ang matinding laban ng Commoners at ni
Jane! Kanina halos pantay lang ang lakas nila pero ngayon.. dehado na ang
commoners!" Anunsiyo ng MC pero nanatiling tahimik ang mga manonood.

Lahat nabigla sa ginawa ni Jane, masyado na siyang desperada, lahat ay gagawin niya
matalo lamang ang pangkat nila Yuki, hindi siya maaaring matalo. Magiging isang
malaking kahihiyan ito sa kanilang imahe sa buong Paradus.

Tuluyan ng nawasak ang ginawang barrier ni Audrey kaya wala silang nagawa kundi
lumaban.

Gumawa si Pao ng maraming Air blades saka pinatama kay Jane, sinangga naman ito ng
huli gamit ang isang kamay ngunit may isang air blade ang dumaplis sa pisngi nito
kaya nasugatan siya, dahilan upang mapangiwi ito sa hapdi.

"You'll pay for this!" Sigaw nito saka biglang naglaho.

Nanatiling tahimik ang mga manonood. Walang gustong umimik dahil lahat nag-aabang
sa pinaka-magandang labang nasaksihan nila sa tanang buhay nila.

Biglang lumitaw ang Deofrix sa harapan ni Paolo, dahil sa pagkabigla ay hindi na


ito nakapanlaban, hinawakan ni Jane ang leeg nito saka binalibag.

Tumama ang likod ng binata sa pader ng Arena kung kaya't napadaing ito sa sakit,
susugurin na sana ulit ni Jane ang binata ngunit natigilan ito nang biglang may
pumulupot na Vine whip sa kanyang leeg.

"Ahck!" Daing nito dahil lalong humigpit ang pagkakapulupot ng vine whip sa leeg
nito, lumandas ang dugo mula sa leeg nito dahil sa mga tinik ng whip ni Zyline.

"Don't you ever dare to touch Paolo again!" Mariing sabi nito saka binalibag si
Jane sa gilid ng Arena.

Kasunod nun ang pag atake nila Anna, Audrey at Mav. Gumawa si Anna ng maraming
water slicers, si Audrey naman ay nag cast ng spell at lumitaw ang napakaraming
earth pins, habang si Mav ay gumawa ng Ice Spikes.

Sabay na sabay nila itong pinatama sa Deofrix, walang nagawa ang babae kundi ang
tanggapin ang atake ng mga kalaban niya.

Muli, nagdulot ito ng napakalakas na pagsabog.

"Whoah! Nakita ninyo yun mga kaibigan? Isang perfect blow!" Anunsiyo ng MC dahilan
upang mapuno ng hiyawan at palakpakan ang buong Arena na kaninay sobrang tahimik.

Nabigla ang lahat nang biglang bumulusok ang napakaraming dark spikes mula sa
kumpol ng usok at alikabok patungo sa direksiyon ni Audrey, walang nagawa ang
dalaga nang matamaan ito sa tiyan at tumilapon ng ilang metro, dahilan upang
mawalan ito ng malay.

Kanina pa walang imik si Yuki, halata sa mukha nito ang pagsisisi. Sinisisi niya
ang sarili niya, kung sana hindi nalang siya pumayag sa hamon ni Jane, di
mangyayari ang lahat ng ito.

"Two down, four to go." Natauhan naman si Yuki sa sinabi ni Jane at nakita niyang
nakabulagta narin si Paolo at wala ng malay.

"Papatayin kita, ahhh!" Sigaw ni Zyline habang hinahampas ang Deofrix ng latigong
gawa sa matitinik na baging, pagkatapos ay pinaulanan niya ito ng malalaking
nakakalasong tinik.

Ngunit dahil sa mabilis si Jane ay naiwasan nito lahat ng atake niya. Aatake na
sana siya ulit nang mawala ang kalaban sa paningin niya.

"Booo!" Halos mapasigaw siya sa gulat ng maramdaman niya ang presensiya ni Jane sa
likod niya, aatakihin niya sana itong muli, pero huli na ang lahat.

Sinuntok ng Deofrix ang kaniyang tiyan kasabay ng pagtira rito ng isang dark energy
blast. Napasigaw si Zyline sa sakit at halos mabaon sa lupa ang katawan niya sa
lakas ng pagkabagsak niya dahilan upang mawalan ito ng malay.

Hindi na kinaya ni Yuki ang mga nangyayari at tuluyan na itong umatake kahit wala
siyang kapangyarihan.

"Ahh! Papatayin kita!" Sigaw nito ngunit bago pa siya makarating ay tinira na siya
ni Jane ng isang napakalaking energy ball.

Hindi niya alam ang gagawin dahil kahit umiwas pa siya, siguradong matatamaan parin
siya nito. Mariin nalang itong pumikit at hinintay na matamaan siya ng atake ng
Deofrix.

Makalipas ang ilang segudo ay nakarinig siya ng malakas na sigaw kaya minulat niya
ang mga mata niya at nakita si Mav na nakatalikod sa kanya at nakadipa, habang
nakangiting nakatingin sa kanya.

Unti-unting bumagsak ang katawan ni Mav kaya sinalo niya ito. Pinipigilan ni Yuki
na maiyak dahil gusto niyang makita ng mga kaibigan niya na matapang siya.

"ma-mabuti nam-naman a-ayos k-ka" nauutal na sabi ni Mav bago tuluyang mawalan ng
malay.

Hindi na niya napigilan ang sarili at umiyak na ito habang kandong si Mav. Sinisisi
niya ang sarili niya. Paulit-ulit niyang sinasabi na napaka-walang kwenta niya.

Nag-alala na ang mga guro kung kaya't napagpasiyahan na nilang itigil ang laban
nang biglang may lumitaw na barriers sa paligid ng Arena kung kaya't di sila
marinig nila Yuki at wala silang magawa dahil hindi sila makapasok sa loob ng
barrier na hindi nila alam kung sino ang may gawa.

[ UNKNOWN ]

"Pinuno, nagawa ko na po ang pinapagawa ninyo, nalagyan ko na ng Barrier ang buong


Arena" sabi ni Gin.

"Ang laki talaga ng pakinabang ng Ancient magic mo Gin, sige salamat. Manood na
tayo" puri ko rito sabay tingin muli sa kinaroroonan ng mga naglalabang estudyante.

Mamatay kana, Arankar.

THIRD PERSON'S POV

Nabalot ng pagtataka ang lahat ng mga estudyante at gurong nanonood nang palibutan
ng isang barrier ang buong Arena.

Natahimik ang lahat maging ang M.C habang si Jack ay tahimik lang na nagmamasid sa
paligid dahil may nararamdaman siyang kakaibang pwersa, habang sina Yuki ay walang
kamalay-malay sa nangyayari.
Napagpasiyahan ni Jack na puntahan ang kaniyang amang si Manuel.

"Aww, you're such a crybaby bitch!" Pang aasar ni Jane kay Yuki.

"Tumahimik ka!" Sigaw ni Yuki sabay sugod sa kalaban, iwinasiwas niya ang espada
niya ngunit parang pinaglalaruan lang siya ni Jane.

Hanggang sa mapagod na ito.

"Tss. Such a waste of time!" Sabi ni Jane sabay balibag kay Yuki na parang isang
laruang pinagsawaan, tumama ito sa pader at napangiwi sa sakit.

"Yuki!!" sigaw ni Anna sabay takbo papunta rito, pero hinarangan ito ni Jane.

"Uh-uh! Not so fast dear." Sabi ni Jane sabay tira ng Dark energy blast kay Anna.

Nasalag naman ito ni Anna, ngunit dahil sa lakas ng energy blast ni Jane ay
tumilapon parin ito pero ligtas naman itong nakalapag.

"Tss, I guess I have no choice, ayoko pa naman sanang gamitin to pero wala na akong
mapagpipilian." bulalas ni Anna. "Mage second phase!" Dagdag nito.

Unti-unting nagbabago ang kulay ng buhok at mata nito hanggang sa naging kulay
asul, mas nadagdagan ang kapangyarihan at lakas ni Anna.

Muli, napuno ng bulongan ang Arena, dahil ang isang taga Commoners class ay
nakayanang makamit ang second phase ng pagiging mage,na tanging mga mage na may
maraming karanasan lang ang nakakagawa.

"Wew, interesting .. " sabi ni Jane sabay sugod kay Anna.

Mabilis namang kumilos si Anna at sinuntok sa sikmura si Jane, gumanti naman ito at
natamaan rin si Anna. Napakabilis ng kilos ng dalawa na halos pantay sa bilis.

"Hyaah!" Sigaw ni Anna sabay sipa kay Jane ngunit nahawakan ni Jane ang paa nito
saka binalibag.

Nagpaikot-ikot si Anna sa ere kasabay nun ang pagtira niya ng water spikes sa
kalaban. Todo iwas naman ang Deofrix at tumira rin ito ng dark spikes.

Sinalag ito ni Anna gamit ang water wall.

"It's time to finish this now.. TSUNAMI!" Mabilis na namuo ang isang malaking alon
sa likuran ng dalaga.

Agad namang binalot ni Anna ang mga kaibigan niya ng isang water bubble.

Kinontra ni Jane ang malaking alon na ginawa ni Anna sa pamamagitan ng pagtira ng


dark energy blast.

Nang magtama ang atake nila ay wari'y parang umuulan sa loob ng Arena dahil sa
sumabog na Tsunami ni Anna.

Mabilis na gumawa ng isang , nagpaikot-ikot ang mga ito sa ere bago magkasabay na
umatake kay Jane. Nagdulot ito kay Anna ng matinding pagod dahil malapit nang
maubos ang magoi niya.

Habang si Yuki ay tahimik lang , nakayuko at... umiiyak. Sinisisi niya ang sarili
niya.

Parang wala lang kay Jane ang atake ni Anna, tinira niya lang ito ng Dark energy
blades kung kaya't nawasak ito.

"Tss. Weak!" Bulalas ni Jane saka mabilis na naglaho sa paningin ni Anna.

"Anna!" Sigaw ni Yuki nang biglang lumitaw si Jane sa harap ni Anna at sinakal ito.

Hinang-hina na ang dalaga dahil sa paggamit nito ng napakaraming Magoi.

[YUKI]

Halos manlumo ako sa nakikita ko.. Si Audrey, Zyline, Mav, at Pao. Lahat sila wala
ng malay. And it's all because of me. Ako ang nagdala sa kanila sa sitwasyong ito.
I'm so useless.

"Anna!" Sigaw ko nang ibalibag siya ni Jane ito. Parang isang laruang pinagsawaan
ni Jane si Anna. Binabalibag rito, binabalibag doon.

Ang sakit na ng nararamdaman ko, dumagdag pa ang pakiramdam na parang may gustong
kumawala sa katawan ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari.

Naglaho bigla ang mga water bubbles na ginawa ni Anna. Nangangahulugang di na


kayang e-sustain ng magoi niya ang kahit na anong technique o atake.

"Now, DIE! bwahahahaha!" Sigaw ni Jane pagkatapos ay mala demonyong humalakhak.

Gumawa siya ng isang dark energy dagger, kaya agad akong tumakbo papunta sa
direksiyon niya kahit napakasakit ng likod ko.

"Huwag!!" Pigil ko kay Jane.

Binigyan niya lang ako ng isang nakakalokong ngiti.

Binilisan ko pang ang takbo ko pero huli na ang lahat. She stabbed Anna using the
dagger.

"Ahhhhhhhhhhhh!!!!!" sigaw ko.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.. kalungkutan, pagsisisi, ngunit mas


nangingibabawa ang galit.

"HAAAAAAA!!!" Sigaw ko kasabay ng pagpapakawawala ng pwersang kanina pa


nagbabadiyang lumabas sa katawan ko.

Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa aking katawan at naramdaman ko rin ang
mainit na sensasyong dumadaloy sa bawat ugat ko. Hindi ito masakit, instead... It's
refreshing, it was like,

I was awakened from a very long and deep sleep.

***

A/N : Next update "Yuki's Awakened Power" Bitin diba? Well boring kasi kung hindi,
walang aabangan. Tama ba?
SPECIAL QUESTION: Sinong marunong gumawa ng mga FanArts? Hehe gawan niyo naman ang
storyang ito. O di kaya Trailers? Please? Haha. Magdede-decate ako ng isang whole
chapter para sa inyo. Sa INYO lang :)

Vote/Comment/Share this story :*

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Thirteen

A/N: Keep supporting this story :) Vote/Comment/Share this story.


~ enjoy reading!

****

[ JACK ]

May nakita akong dalawang kahina-hinalang lalaki. I was about to confront them when
I heard a loud scream.

Napatingin ako sa pinanggagalingan ng sigaw na iyon ngunit di ko makita dahil sa


nakakasilaw na liwanag na bumabalot sa kanya. Halos manindig ang balahibo ko nang
makaramdam ako ng isang di pamilyar na Magoi. It was so strong at the same time
scary, tila binubuhay nito ang takot na natatago sa katawan ng sinumang makakramdam
nito.

At nang makita ko ang pinagmumulan nito, I was shocked nang makita ko ang babaeng
nagngangalang Yuki na palagi akong tinatawag na labanos.

Paglingon ko sa dalawang lalaki, wala na ang mga ito, argh. Damn that girl!

[UNKNOWN]

"Pinuno, mukhang nagkamali tayo. Tuluyan nang nagising ang kapangyarihan ng babae."
Nagsisising sambit ni Gin. Tiningnan ko lang siya habang ikinukuyom ko ang kamay
ko.

Bwisit. Humanda ka Arankar, hindi pa tayo tapos!

"Gin halikana." Mariin kong sabi sabay hila sa kanya at labas ng pakpak ko at
umalis na.

[ YUKI ]

Nang mawala ang nakaksilaw na liwanag na bumabalot sa katawan ko, kasabay nun ang
pagkawala ng lahat ng sakit sa katawan ko, nawala rin ang pagod ko. Words started
to appear in my head, I can't understand it, but I'm sure it's spells and
incantations.

Matapos ay naramdaman ko namang may gustong lumabas sa likod ko.

"AHHHH!!" Sigaw ko sa sakit dahil parang napunit ang likuran ko.

Nang tingnan ko ang mga tao, they are all shocked! Maging si Jane ay natigilan.
Nang makita ko siya ay lalong tumindi ang galit ko.

"Humanda ka!!!" Susugurin ko na sana ito nang maramdaman kong may pumapagaspas sa
likuran ko.

Nang tingnan ko ito ay halos mapaluwa ang mata ko.. May isang pares ako ng puting
pakpak na may halo ng ginto at nakasuot ako ng isang super sexy at fabulous gold
armor, jusko.

"Ahhhhhhhh!!!" Sigaw ko sa gulat. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin.


Paki-explain po!

THIRD PERSON'S POV

Nabalot ng pagtataka ang buong Arena , ang mga estudyante at mga guro. Maliban
nalang kay Headmaster Mathew na may bakas ng ngiti ang mga labi. Tila ba inaasahan
na niyang mangyayari ito.

Dahil sa pagkalito ni Yuki, di niya napansin ang paparating na si Jane, kung kaya't
di nito nadepensahan ang sarili ng bigla siyang suntukin ni Jane sa tiyan at
pinaulanan ng dark energy spheres.

Napahiyaw sa sakit si Yuki ngunit nakatayo parin ito.. at determinadong manalo at


makapaghigante.

[ YUKI ]

Halos mabali ang mga buto ko nang paulanan ako ni Jane ng dark spheres. Pero parang
may instant healing magic ang katawan ko dahil nawawala agad ang mga galos at sakit
na nararamdaman ko.

Tumayo ako na parang wala lang nangyari. This time, ako naman ang magtatanggol sa
mga kaibigan ko I won't let anyone hurt them again!

Parang nagkaroon ako ng panibagong dalawang kamay sa likod ko .

Kusang pumagaspas ang mga pakpak ko. Noong una ay mahirap tantiyahin ang balanse,
ngunit kalaunay nakuha ko rin.

Bigla akong sinugod ni Jane at sinikmuraan ako. Ginantihan ko naman siya at sinipa
ko ang mukha niya.

Nabigla ako sa sobrang lakas ng pagkakasipa ko, dahilan upang lumikha ng malakas na
tunog ang pagbagsak ni Jane sa lupa.

Kahit di pa nakakatayo si Jane ay pinatamaan niya ako ng isang energy blast. Kusang
gumalaw ang mga pakpak ko na wari'y pinoprotektahan ako nito.

Hindi ko alam kung bakit may mainit na likido ang dumadaloy sa mga ugat
ko.Pinakiramdaman ko ito. My instincts pushed me to gather it all in my palms.

Mariin akong pumikit at inipon ang mainit na likido sa mga kamay ko. Naramdaman
kong may namumuong bola sa kamay ko. Pagmulat ko ng aking mga mata, nakita ko ang
dalawang bola ng apoy sa kamay ko, ngunit di ako napapaso.

Ipinagaspas kong muli ang pakpak ko at kasabay nun ang pagbato ko ng fire ball sa
kinatatayuan ni Jane.
Hindi niya inaasahan iyon kaya nagulat ito at di na nakailag pa.

She screamed in pain nang matamaan ito ng dalawang fireballs ko.

But still, she managed to stand, she flapped her bat-like wings and flew into my
direction while throwing Dark Spikes.

And because of adrenaline rush, I managed to counter her attack by releasing a fire
phoenix.

As our attacks collides, a huge explosive sound broke the silence in the whole
Arena.

Mas lalong tumindi ang galit ko nang biglang damputin ni Jane si Zy.

"Anong gagawin mo?!" Inis na sigaw ko rito.

Ginantihan niya lang ako ng isang nakakapangilabot na ngiti. At alam kong may
masama siyang plano.

Tinira ko siya ng napakaraming flaming spikes habang nasa ere ako.

And with that nabitawan niya si Zy.

Agad akong lumipad pababa at kinuha si Zy, nilagay ko ang mga kaibigan ko sa isang
lugar sa Arena.

THIRD PERSON'S POV

"Haelien!" wala sa sariling sabi ni Yuki at unti-unting nababalot ng puting liwanag


ang mga katawan ng kaibigan niya.

She just casted a healing spell that revitalized her friends.

Napangiti ito ng makitang nagkamalay na ang mga kaibigan niya, ngunit di parin siya
kampante, hindi pa siya kontento. She want revenge.

Nagulat sina Anna, Zyline, Paolo, Mav at Audrey sa nakita nila, they can't believe
what they are seeing right now... Yuki wearing her Golden Armor

Muling hinarap ni Yuki si Jane. She released her fire phoenix in the air,
nagpaikot-ikot ito bago sumugod sa kalaban. But Jane also released her dark cobra
to counter Yuki's attack.

Yuki's phoenix released explosive fireballs while Jane's Cobra shoot the phoenix
with dark spikes.

Agad na tinira ni Yuki si Jane ng fireballs at sinangga naman ito ni Jane.

Ngunit halata nang pagod na pagod si Jane dahil sa napakaraming Magoi na nagamit
niya.

Gusto mang pigilan ng mga guro ang laban ay wala silang magawa dahil hindi parin
nawawala ang Barrier sa paligid ng Arena.

"Tss, I need to end this.. pagod na ako" sabi ni Jane sa sarili niya. "Deofrix's
Original Form!" Dagdag nito at muling binalot ng itim na usok ang buo nitong
katawan.
Nagtaka lahat ng tao sa nangyayari, they are all clueless.

Nang mawala ang itim na usok ay isang Demonyong Jane na ang nakikita nila. May
matatalas na kuko at pangil. Itim na mga labi at kulay abong buhok. May pares ito
ng itim na sungay, naroon parin ang mala paniking pakpak nito at ang buntot nitong
parang sa isang alakdan.

"Now .. I'll kill you!" Sigaw ni Jane at lumipad pataas sabay gawa ng napakalaking
dark energy ball. Itinaas niya ang dalawang kamay niya sa ere na hawak-hawak ang
ginagawang energy ball.

Nabahala si Yuki maging ang mga manonood. Dahil alam nilang seryoso na ang labang
nagaganap.

Dahil sa kabang nararamdaman ni Yuki ay naibulalas niya ang isang spell na kanina
pa umiikot sa kaniyang ulo.

"Somna Aluna, Alhea!!" With that, a huge whirpool appeared on the surface and an
Aluna with a silver crown on its head came out.

Wala nang maintindihan ang mga tao sa nangyayari. Lahat sila ay gulong-gulo.

"Water pixie!" Sigaw ni Yuki sa galak nang nakita niyang muli ang reyna ng mga
water pixies o mas kilala sa tawag na Aluna.

"Mahal na prinsesa, magandang araw. Kailangan mo ng tulong?" Tanong ng Aluna kay


Yuki.

Nag-aalangan man ay tumango si Yuki sabay turo kay Jane.


"We need to stop her, bago niya pa ipahamak ang mga kaibigan ko" dagdag ni Yuki.

"O sige, walang problema prinsesa" sabi ng Aluna.

Unti-unting umiilaw ang katawan ng Aluna at kasabay nun ang pagkabuo ng isang
napakalaking water tornado.

Kahit baguhan sa kaniyang bagong tuklas na kapangyarihan ay pilit na gumawa si Yuki


ng fire tornado, she failed twice but she successfully made it on her third try,
kitang-kita niya kung paano lumabas ang apoy sa kaniyang mga palad bago ito
magpaikot-ikot sa ere hanggang sa maging isa itong ipo-ipong apoy, at kahit alam
niyang imposible, she tried to combine the fire tornado with the water tornado.

"Prinsesa, delikado ang gagawin mo, isang kumplikadong bagay ang gagawin mo!" Nag-
aalang babala ng Aluna.

Ngunit di ito napigilan si Yuki. Hinalo niya ang fire tornado sa water tornado,
naramdaman niya ang kakaibang sakit sa kaniyang katawan, pero pinagpatuloy parin
niya ang kaniyang ginagawa.

Yuki just tried to perform a class S fushion of techniques, and yes, she
successfully combined two opposite elements.

"DIE BITCH!!!!!" sigaw ni Jane sabay release ng Dark energy ball patungo kina Yuki.

"YOU WILL DIE! NOT ME!!!" Sigaw ni Yuki sabay kumpas ng kamay at gumalaw ang
liquid-flame tornado upang salubungin ang atake ni Jane.

Nagbanggaan ang mga ito. Humangin ng malakas dahil sa dalawang makapangyarihang


pwersang nagbanggaan, halos tangayin nito sina Yuki at ang Aluna pero Yuki enclosed
her wings to protect her and the Aluna.

Gumawa naman ng ice wall si Mav at sinapawan ito ng earth barrier ni Audrey.

Unti-unting nagkakaroon ng lamat ang barrier na nakapalibot sa Arena kaya


nagsitakbuhan ang ilang mga estudyante habang ang iba ay gumawa ng sariling barrier
upang protektahan ang sarili kung mabasag man ito.

Naging Alerto rin ang mga guro at gumawa ng kanilang panangga.

Mas pinalakas pa ni Yuki ang kapangyarihan ng apoy pero unti-unting nag-eevaporate


ang tubig ng Aluna, kaya dinagdagan din ng Aluna ang tubig upang mapantayan ang
lakas ng kapangyarihan ni Yuki.

Kung kaya't lalong lumakas ang Liquid-Flame tornado at tuluyang nilamon ang Energy
ball ni Jane.

Lumikha ito ng napakalakas ng pagsabog at tuluyang nabasag ang Barrier na


nakapalibot sa buong Arena.

Yuki made a fire wall to protect the Aluna and herself from the explosion.

Hindi na nagawang protektahan ni Jane ang sarili niya at natamaan siya ng pagsabog.

She screamed in pain bago tuluyang nawalan ng malay, pagkatapos ay may lumabas na
isang itim na usok sa bibig nito.

"I won.. we won.. di na ako aalis ng Academy. Naprotektahan ko sila" mahinang


sambit ni Yuki bago ito tuluyang bumagsak sa lupa at nawalan ng malay. Bumalik na
ang dating anyo niya, nawala na ang mga pakpak at armor nito.

She was able to save her friends with the help of an Aluna and her AWAKENED power.

***

A/N :

Join our FB Group:

Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Fourteen

[ YUKI ]

It's been three days after our fight with the Sorceress, and they were sent in the
Outland for casting a Forbidden Spell, they will be put in the dungeon for a year.

At last, the teachers found a reason to get rid of the Sorceress. While me? Well
I'm enjoying my life with my friends, and as the day passes by, our friendship
becomes deeper and our bonds became stronger.

Mas naging close nga kami after the battle eh, at masaya rin sila na sa wakas ay
natuklasan ko narin ang kapangyarihan ko, pero halos bugbugin nila ako dahil daw
kung kelan malapit na silang mamatay.. do'n pa raw lumabas ang kapangyarihan ko.
Ang brutal lang nila eh no? Pero at the end pinasalamatan nila ako at ganun din ako
sa kanila.

Habang ang birthmark ko ay parang unti-unti nang nagiging parang isang tattoo. At
si Kiyu? Andoon lang sa Quarter, haha. Iniiwan ko lang, sa tuwing uuwi nga kami
do'n ay nakikipaglaro agad sa amin nila Anna at Zy.

Permanente narin ang nararamdaman kong mainit na sensasyong dumadaloy sa mga ugat
ko.

"Hoy bruha! Tahimik ka diyan.. May problema ba?" Tanong ni Anna.

Di ko napansing nagfa-flashback na pala ako. Haha. Andito pala kami ngayon sa


Cafeteria, kumakain. Alangan namang nagtre-training? Bobo naman namin kung ganun.

"Wala naman, bakit, kung nakatulala ba may problema agad?" Pambabara ko rito.

"Asess! Iniisip mo lang crush mo eh" pang-aasar ni Pao habang tinitingnan niya ako,
tinging nanunukso.

"Hoy hindi ko crush si labanos ay este Jack no!" Palusot ko.

"Eh may sinabi ba akong Jack? Haha ikaw lang may sabi nun!" Sagot nito at
nagtawanan naman sila habang ako eh, pulang-pula.. sa hiya.

Bakit ko nga ba nasabi yun? Eh ilang beses lang naman kaming nagkausap ni labanos,
barahan pa o di kaya'y batuhan ng apoy. Tapos yung... yung time na siya ang
sumaklolo sa'kin sa gubat, yun lang naman siguro.

"Hmmm what's with me?" halos umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko nang marinig ko ang
boses na 'yon. That cold toned baritone voice, I looked at my back and saw him
wearing his oh so popular poker face.

"H-ha?! Wa-wala... " tanggi ko habang sina Anna ayun ngumiti sa akin... ng mapang-
asar, ang sarap bigwasan promise.

"Okay, come with me" sabi nito at naglakad na palabas ng cafeteria.

"a-ano?"

"I said come with me, bingi ka ba?"nambabarang wika nito pero cold parin habang
nakatalikod sa akin at patuloy parin sa paglalakad.

"B-bakit naman ako sasama sayong labanos ka?"

"Just come with me, I won't hurt you. I don't bite"

"Go na girl! Push mo yan, just make sure na gagamit kayo ng proteksyon ha? " Sabi
ni Audrey at nagtawanan ulit sila.

Binigyan ko naman sila ng humanda kayo mamamaya look, damn you Audrey. Isa kang
malanding nerd.

Umalis na si Jack kung kaya't sinundan ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan
ako. Or it's just naprapraning lang ako.

Mas lalo akong kinabahan nang makitang papunta kami sa Forest sa likod ng Academy.
Pumasok si Jack doon kaya sumunod ako. Pinagpapawisan na ako ng malamig baka kasi
may gawin kami eh ... ay este siya! Ano ba! Ang ano niyo, hoo! Easy lang Yuki,
kahit first time mo.

First time mong makipag-usap sa isang lalaki na kayong dalawa lang sa gubat.

Huminto siya doon sa lake, napatingin ako dun, expecting to see the water pixies,
pero wala na sila. Hay namimiss ko na si Alhea. Oo si Alhea yung tumulong sa akin
nung laban namin ni Jane. Siya pala ang Reyna ng mga Aluna/water pixies. After ng
laban naglaho nalang siya bigla, hindi man lang nagpaalam, gusto ko siyang makita
ulit pero hindi ko na alam kung paano.

Napabalik ako sa realidad nang tumikhim si Jack.

"Okay.. I just need to see something." Panimula nito.

"Okay, ano yun?"

"From your body" dagdag nito.

"H-ha?!" tanging naibulalas ko dahil nabigla ako sa sinabi niya, napayakap tuloy
ako sa sarili ko. Damn, Jack 'wag po, labanos maawa ka. Wala pa po akong kamuwang
muwang sa mundo.

And he just gave me playful smile that sent shiver throughout my body.

[ Jack ]

Natawa ako sa expression ng mukha ng babaeng nasa harap ko pero sa loob lang. Ano
na ulit pangalan nito .. Ruki ? Nuki? Ahh basta, she's quite funny.

Hmmm, I think wala namang mawawala kung pagtri-tripan ko muna tong babaeng to.

I gave her a playful smile kaya't napaatras ito.

"Can I see yours?" I asked her using my husky voice.

"A-ano? Anong a-akin?" Nauutal na sabi nito habang yakap-yakap pa rin ang kaniyang
katawan.

Di ko na napigilan ang sarili ko at ...

"Bwahaha! Your hahaha face hahaha was priceless! Hahaha" natatawang sabi ko.

Napansin ko namang namula siya at agad umiwas ng tingin.

"Ano ba kasing kailangan mo?!" inis na tanong nito.

Psh, pikon pala 'tong babaeng 'to eh. Pero, she's the only girl na nagpatawa sa
akin ng ganun. Ang inosente kasi ng mukha niya.

"Kailangan kong makita ang hinaharap mo" diretsong sabi ko sa seryosong tono.

Namula naman ito lalo, kaya narealize ko ang sinabi ko.

"Oh! No.. mali ka ng pagkakaintindi" depensa ko, kasi mali naman talaga ang
pagkakaintindi niya eh.

"Pe-per-pervert!" Namumulang sabi nito. Ang cute niya tuloy. I mean yung mukha
niya... basta!

Di ko sinabing cute siya, basta ano.. yung ano.. basta nga!!

"Fuck!" Naibulalas ko nang tirahin niya ako ng fireball, aba't gumaganti siya ah.

Aalis na sana siya kaya sinabi ko na ng diretsahan ang kailangan ko.

"I need to see your mark" seryosong sabi ko.

"What?! Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong nito.

"Well, umiilaw siya paminsan-minsan nang 'di mo namamalayan" sagot ko.

"Wait, are you observing me?" Tanong nito.

I was caught offguard kaya nag-iwas nalang ako ng tingin. Damn why am I blushing?!
I'm observing her kasi .. uhmmmm. Kasi curious ako sa pagkatao niya ayun!

"Hey, bakit ka namumula ?" Tanong nito.

"Nothing, just let me see your mark, I need to see it. I might help you answer some
questions in your mind" palusot ko.

Tumango naman ito sabay unbutton ng uniform niya. Shit bakit nagslo-slowmo ang
paligid? It was like she's seducing me.
Damn.. nag-iinit ako, kaya iniwas ko nalang ang tingin ko.

"Here's my mark" sabi nito kaya humarap ako and it was

A wrong move.

Shit. Her mark is located at the left side of her chest, on the clevage part.

Damn.. I felt something hardened behind my pants. Shit my mind is telling me to


stop but the reaction of my body is the opposite of what my mind is telling me.

"C-cl-close y-your b-bl-blouse!" shit bakit ba ako nauutal, damn ang init na ng
mukha ko.

"Why? Are you done checking my mark? How was it?" inosenteng Sabi nito.

Pero iba ang dating nito saken, her voice was so damn seductive! Shit.. I can't
take this.. Jack, control your emotions, sobrang init na ng mukha ko.

Huminga ako ng malalim, at lumunok. I saw it! Though it's blurred. I know it's an
Arankar Emblem. She's an Arankar.

"Alam mo naba kung anong classification mo?" Tanong ko rito.

"Uhmmm, Mage?" Alanganing sagot nito.

"Bakit mo nasabi?" Tanong ko.

"Because I was able to release and control the element of fire during our battle
with the Sorceress" sagot nito, yeah I saw it.
But still I'm not convinced.

"How did you manage to summon an elemental guardian?" Tanong ko.

Kasi, she was able to summon the Queen of Alunas- water guardians.

"May naalala lang akong spell and accidentally nasabi ko and boom! Lumitaw si
Alhea" paliwanag nito.

I knew it! She's an Arankar, she managed to control the element of Fire, she
summoned a guardian using a spell which only Arankar Tribe can do. And my Dad told
me that during their practise, she was able to transform a normal sword into a
Slayer sword. She also casted a Class S healing spell. And lastly, the book I saw
when I carried her, though I can't read the title dahil wala naman talaga, I'm sure
it's the book of the Arankars.

"Shall I close my blouse now?" And here she goes again, asking me innocently yet
seducing me badly.

Ugh, I need to control myself. I'm too young for that thing.

"Labanos? Hey"

All the clues and evidences that I've gathered about her, led me into a conclusion
that she is an Arankar.

"Labanos"

But the big question mark is..

' BAKIT SIYA KASING-EDAD LANG NAMIN, COME TO THINK NA THE ARANKAR TRIBE VANISHED 50
YEARS AGO?'

Napagpasiyahan kong bumalik na kami sa Academy dahil hapon narin, baka ano pang
magawa ko sa babaeng to. Ah, I mean baka ano pang isipin ng mga kaibigan niya .I
led her in the forest, gusto ko sana siyang batuhin ng apoy pero I have no time for
that. I need to know her more.

---

[ UNKNOWN ]

"Gin, ipadala mo si Minerva sa Paradus Academy bukas makalawa" utos ko kay Gin na
abala sa pakikipaglaro sa alaga kong si Knight.

"Bakit po pinuno, ano pong ipapagawa niyo sa Class S Sorceress na iyon?" Tanong
nito.

Binigyan ko naman siya ng pilyong ngiti sabay sabing "Papakabahin lang natin ang
mga estudyante. At kailangan narin nating magparamdam, nang matakot naman ang Magic
Council, Bwahaha!"

Ngumiti rin ito at agad tinungo ang Class S Sorceress na Si Minerva. Humanda ka
Arankar , tingnan natin kong makaligtas ka pa.

***

A/N :
Hey wazzup? Keep supporting this story :)

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Fifteen

Dedicated to fairypublishinghouse dahil napili nila ako upang magpatuloy sa second


round ng contest nila!

[YUKI]

Nagising ako dahil sa kakulitan ni Kiyu. Dinidilaan niya ang magkabilang pisngi ko.

Kaya niyakap ko ito ng mahigpit dahilan upang magpumiglas ito, tinutulak niya ang
mga braso ko gamit ang maliliit niyang paa.

Natawa ako sa reaksyon niya, napansin ko ring lumaki na ng kaunti si Kiyu kahit
gatas lang ang iniinom nito at take note, hindi ito kumakain. I wonder kung bakit
gano'n siya? As I look outside, tirik na tirik na ang araw kaya I hurriedly jumped
out of bed. Baka malate pa ako.

Naligo na ako dahil may klase pa kami. Kumuha lang ako ng tuwalya saka pumasok ng
CR hinubad ko na lahat ng suot ko and I was shocked to see my birthmark. It is now
an Emblem. Kaparehang-kapareha ng nakita ko sa librong binigay sa akin ng mga water
pixies.

It is a cursive letter U with a pair of wings on it's side and the whole emblem's
color is gold.

Hanggang ngayon di pa talaga ako makapaniwalang isa akong Alzorian. Akala ko normal
na tao lang ako na may abnormal na pag-iisip. Napaisip tuloy ako, sino ba talaga
ako? O ano ba talaga ako? Kagaya ko rin ba ang mga magulang ko?

Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ako at nadatnan ko sina Zy at Anna na


kumakain na, kaya nakisabay na ako.

"Goodmorning BFFs!" Bati ko sa kanila.

"Goodmorning din !" Sabay na sabi nila nang hindi man lang lumilingon. Galit-galit
muna.

Naisip ko naman na sabihin sa kanila yung tungkol sa emblem ko, tutal kaibigan ko
naman sila and i trust them,

"Uhmmm, BFFs.. may ipapakita ako, wag kayong magulat ahh" sabi ko saka tumayo.

"Sure, sige ano yun Bff?!!" Excited na sabi ni Zy.

Binigyan ko muna sila ng matamis na ngiti saka pinakita ang Emblem ko. Nanlaki ang
mga mata nila, nangangahulugang nabigla sila sa nakita nila.

"Oh my god, ang lusog ng boobs mo bff!" sabi ni Zy at nabatukan naman siya ni Anna.

"Ano ka ba naman Zy! Magseryoso ka nga!" sabi ni Anna.

"Psh Kj neto! Hmm, alam ko naman ang mark na 'yan eh, alam ko ang emblem na 'yan
dahil emblem yan ng Arankar Tribe ang pinaka---- wait what?!" putol na sabi ni Zy
dahil parang narealize niya ang sinabi niya.

"Yes Zyline Blowan, she's an Arankar! Oh my god! I really can't believe it!" 'Di
makapaniwalang sabi ni Anna.

And with that napuno lang naman ako ng katanungan galing sa kanila, kesho ano daw
ang feeling ng isang Arankar, may kakaiba ba. Kaya ko bang mapalabas ang mga pakpak
ko, pero puro 'no' and 'nothing' lang ang sagot ko. Kung kaya't nagdabog ang dalawa
at pumasok na ng Paradus Academy, ang damot-damot ko raw. I just shrugged my
shoulders at sinundan silang dalawa.

Sumakay kami ng Flaschen at as usual, paglabas namin para lang naman kaming
pinagsamantalahan ng sampung lalaking Deofrix.

Nang makapasok kami sa classroom ay naninibago parin kami dahil nga nasa Elites
classroom na kami, Ayaw man naming pumasok sa Elites Class, ay wala kaming
magagawa. Dahil si Headmaster Mathew na mismo ang nagsabi sa amin.

The whole class was awkward, they are all throwing us a disgusted look. Sarap
sunugin eh no? Kung hindi lang ako mabait tinusta ko na sila!

Nang break time na namin ay tumambay muna kami sa gilid ng Field under a Fire Tree
- a tree that have leaves that burns every full moon, sinabi ko na sa kanila 'yong
about sa birthmark ko. Nang ipakita ko pa nga ito ay nailang sina Mav at Pao, hindi
ko nga alam kung bakit.

Pero ang mas nakakagulat, may hinala na pala sila na isa akong Arankar simula no'ng
Battle namin with the Sorceress. Pero si Anna simula pa no'ng nakalaban namin ang
mga pangit na casters na 'yon.

Sinabi ko namang huwag na munang ipagkalat ang totoong pagkatao ko, dahil
kumplikado pa ang sitwasyon ko. Hindi ko pa kasi lubos na kilala ang sarili ko. I
need some answers that only Lola Magrett can give.

Masaya pa kaming nagkwekwentuhan pero natigil kami nang biglang dumating si labanos
wearing his poker face, as usual.

"Uhmm hi?" Naiilang na bati nito sa amin or sa akin? Nag-iwas siya ng tingin saka
namula

"Hello, ano kailangan mo?" Tanong ko rito at siniko naman ako ng dalawang katabi
ko, si Anna at Zyline. Anong problema nila?

"Uhmm I just need to ask you something" sabi nito, kung kaya't pasimple akong
tinusok ni Audrey sa tagiliran, pinadilatan ko lang siya ng mata nang matigil na.

"Okay ano 'yon?"

"Uhm, are you an Arankar?" Tanong nito na ikinagulat ko pero 'di ko pinahalata,
maging ang mga kasama ko ay nagulat rin.

"Pano mo naman nasabi?"

At ayun kinuwento niya lahat ng naging obserbasyon niya sa akin. From the time na
nagawa kong gawing isang Ice Slayer sword ang isang normal na espada, 'yong
nakontrol ko ang elemento ng apoy at nung na-summon ko si Alhea na isang water
guardian.
Napabilib nga kami sa kanya dahil na-obserbahan niya lahat ng iyon.

"Oy stalker ka ni Bff?!" Nang-aasar na tanong ni Zy kaya binatukan ko.

I looked at him, namumula siya.

"Aray, Yuki ano ba?" Reklamo nito saka hinimas ang batok niya.

"Uhm, can I ask a favor ?" Nag-aalangang tanong ni labanos, I saw him blushed
before he looked away, exposing his oh so pointed and detailed nose, hindi ako
makapag-salita, I'm too busy scanning him.

"Sige ano 'yon dre?" Si Mav na ang nagsalita, dahilan upang matigil ako sa
kakatitig sa lalaking nasa harapan ko.

"Can I join your group? " sabi nito sabay yuko. Ang cute niya sa ginagawa niya
ngayon, he's too innocent, and he's like a seven year old kid asking for a favor
from her mother.

Hmmm, I guess wala namang masama kung madadagdagan ang mga kaibigan ko diba? I
looked at my friends, and they were all giving me teasing looks.

"Okay pwede naman basta bawal ang cold na ugali" sabi ni Audrey bago akong tingnan
upang kindatan.

"Okay I'll try my best!" Sabi ni Jack sabay smile, isang pilit na smile, pero
bumagay parin sa mukha niya.

Ano bang nangyayari sa akin? Imbis na manlait, inaappreciate ko pa ang bawat angulo
ng labanos nato.

"Okay sige you're in" sabi ni Pao and with that..

"WELCOME JACK!" sabay na sabi nilang lima.

Ang dali naman.

Hey, paano naman ako? Ako po 'yong tinanong, kaya ako po ang may karapatang
magdesisyon. Nakakahiya naman sa side ninyo.

"Thanks guys, kayo pa ang unang naging kaibigan ko kaya nag-aadjust pa ako" sabi
nito habang pinaglalaruan ang magkabilang hintuturo niya, ugh why so cute?

"Group hug!" Sigaw ni Anna at ayun nag group hug sila, hindi ako sumali pero hinila
ako ni Zyline at binulungan niya pa ako ng 'samantalahin mo na ang pagkakataon!'
Umayaw pa ako pero silang dalawa na ni Anna ang humila sa akin at ang mas worst pa,
pinatabi nila ako kay Jack.

Naiilang man, dahan-dahan kong nilapat ang kamay ko sa braso niya. Hindi ako
yumakap, baka mas tuksuhin pa ako nila Anna at Zyline.

[ JACK ]

Hmm I guess it's not a bad thing na makipag-kaibigan ako kina Yuki, I think it's
good at para narin masubaybayan ko si Yuki because I'm really interrested on her
power, on her hidden power.

I wanna know more about her.


[ Magrett ]

Hintayin mo ako apo, babalik na ako. At sa pagbabalik ko, malalaman mo ang lahat ng
tungkol sayo.

Mag-iingat ka sana, prinsesa.

***

A/N : Sorry if Lame ✌

Tsaka sorry kung wala masyadong romance di ko po talaga kaya hehe!

VOMMENT and Share this story ;)

-- naughtyjackyy

Chapter Sixteen

This chapter ay parang karugtong lang ng Chapter Fifteen okay? Side chapter
kumbaga. Ah basta! Intindihin niyo nalang.

YUKI

Matapos ng klase namin ay mabilis kaming umuwi nila Anna at Zyline sa quarter namin
sakay ng Flaschen.

"Ikaw ang maghuhugas ng pinggan Yuki" utos ni Anna sa akin, nakakainis talaga
silang dalawa. Palagi na nila akong pinagtutulungan ni Zyline, ganito ba talaga
kapag maganda, lalaging inaapi?

"Oo na! Kanina pa kayong dalawa ha, pinagtutulungan ninyo ako, insecure siguro kayo
sa kagaya kong diyosa"

"Manahimik ka nga Bff, hindi ka pa nga natutulog nananaginip ka na, wakd up girl"
at nagsitwanan silang dalawa.

"AHH!" Halos mapahagalpak ako sa tawa nang bigla silang sakyan ni Kiyu at
pinagkakalmot.

"Very good Kiyu, good boy! Ngayon may kakampi na ako hahaha"

"Argh! Nako kung hindi lang cute yang si Kiyu nilunod ko na yan, tara na Zyline mag
'BEAUTY REST' na tayo" hinila na ni Anna si Zyline papasok sa kani kanilang kwarto.

"Kiyu huwag mo akong iiwan ha? Dito ka lang" inilapag ko si Kiyu sa tabi ng sink
kung saan ako naghuhugas.

'Lalalalala la la laaaaa"

Kumakanta ako habang naghuhugas ng pinggan upang hindi ko maramdaman ang pagod.
"Sa wakas tapos na! Kiyu matulog na tayo" kinarga ko na si Kiyu at tumungo sa loob
ng aking kwarto.

Patay ang mga ilaw sa loob ng aking kwarto at wala na akong balak na buksan yun,
inilapag ko si Kiyu sa aking tabi, matutulog na sana ako nang biglang bumukas ang
bintana kaya't napatayo ako, hindi naman ako takot sa multo kaya nga nanginginig
ang mga tuhod ko at nananayo ang balahibo ko eh.

Nanginginig man ay pilit akong tumayo upang isara ang bintana, pagkasara ko ay
halos mapasigaw ako nang may humawak sa balikat ko.

Mabilis kong hinawakan ang kamay na iyon at ibinalibag pababa sa sahig dahilan
upang mapadaing ang estrangherong pumasok sa loob ng aking kwarto.

"Ahh!" Daing nito nang kalmutin siya ni Kiyu, alam ko iyon dahil nag iingay si
Kiyu.

Mabilis kong binuksan ang ilaw at nakita ang hinayupak na pumasok sa aking kwarto.

"Jack? Peste ka talagang labanos ka, anong ginagawa mo rito?"

"Fuck! Bakit niyo ako binugbog?" Inis na wika nito.

"Aba't ikaw pa ang may ganang mainis labanos ka? Ikaw nga itong pumasok sa kwarto
ko ng walang pahintulot, gusto mo bang isumbong kita kay Headmaster?" Pagbabanta
nito.

"Ah talaga? Sinusubukan mo talaga ako? Huwag kang mag alala, bukas na bukas rin
isusumbong kitang labanos ka!"

"Why do you keep on calling me labanos? And what is maligno?"

"Wala ka ng pakialam dun!"

"Tell me or else" tiningnan niya ako na tila ba nagsasabing 'sabihin mo sa akin o


magsisisi ka'

"Or else what?" Tinaasan ko siya ng kilay, akala niya matatakot ako sa kanya ah.

Unti unti siyang lumalapit sa akin habang pilyong nakangiti, I can say na mas
attractive siya kapag nakangiti.

Ugh, ano ba itong iniisip ko?

"Natulala ka dyan? Masyado ba akong gwapo?"

Hangin.

"Gwapo e kamukha mo nga si Imao eh"

"Who's Imao?"

"Nagtatanong ka pa? Edi ikaw." Sagot ko dahilan upang malukot ang mukha nito.
"Pwede ba lumayas ka na? Ano ba ang sadya mo rito ha?"

"I just wanna check you if you're fine" sagot nito.

He wants to check me if I'm fine? Nakaramdam ako ng bahagyang kilitj nang marinig
iyon.
"And looks like okay na okay ka naman"

"And why are you checking me? Namimiss mo ba ako?"

"Yes" Damn, nakikiliti ako.

"Huwag mo nga akong bolahin malignong labanos ka!" Itigil mo ito, hindi ko gusto
ito, dahil parang kinikiliti ako.

"I'm not joking, hindi ko alam kung bakit hinahanap hanap ka ng mga mata ko, hindi
ko alam kung bakit ang isang katulad mong tanga, lampa at burara ang hinahanap ng
mga mata ko, minsan lang tayo kung magkita pero tumatak na sa akin ang amoy mo and
ugh! It's drivin' me crazy, ano bang ginawa mo sa akin ha?" Seryosong sabi nito
habang direktang nakatingin sa aking mga mata.

Hindi ako makapag salita, walang lumalabas sa aking bibig, gusto kong sabihin na
'Bola pa more' pero hindi ko magawa, tila salungat ang aking puso sa nais na
sabihin ng aking isip. Oo inaamin ko, kinikilig ako. Sino ba naman ang hindi
kikiligin kapag ang isang kagaya mo ay sinabihan ng magagandang salita ng isang
makalaglag bra at panty'ng nilalang?

Umupo ako sa kama at nakapameywang na hinarap siya.

"Wala akong ginawa sayo, sadyang nahumaling ka lang sa aking taglay na kagandahan"

"Ang kapal talaga ng mukha mo"

"Kung makapal ang mukha ko, mas makapal ang sayo, kamukha mo pa si Imao, isa kang
malignong labanos!"

"Now here we go again, tell me.. Ano ba talaga iyang labanos na iyan? Is it a food?
Animal? Plant?"

"I won't tell you"

"Then I'll force you" sabi nito bago mabilis na lumapit sa akin, hindi naman ako
maka atras dahil nga nakaupo ako.

"K-kung kaya mo" nag iwas ako ng tingin dahil sobrang lapit niya.

"Then I think I should do this" nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mga
bisig niyang niyayakap ako. Uminit ng husto ang mukha ko, amoy na amoy ko ang
pabango niya at ramdam na ramdam ko ang init na hatid ng pagkakayakap niya sa akin.

"Tell me what's labanos" sabi nito habang nakayakap sa akin. Sinubukan kong itulak
siya pero masyado akong mahina, nanghihina ako. Tila hinihigop ng yakap niya ang
lakas ko.

"Ayoko"

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako habang nakakunot ang noo.

"Ouch!" Daing ko ng pitikin niya ang noo ko.

"Hardheaded"

Sabi nito at tumalikod na, ngayon ko lang napansin na pigil pala ang paghinga ko. I
can still feel dragons in my stomach.
At mas lalo silang nagwal nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa aking
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Paa,

Biro lang, hinalikan niya ako sa aking noo sabay sabing,

"Goodnight Yukiko" At umalis na siya at iniwan akong tulala.

***

A/N: Oh ano okay lang ba? Comment kayo para ma motivate akong gumawa ng sweet
scenes!

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Seventeen

[ YUKI ]

Napakaganda ng gising ko ngayong araw kahit na hindi ako nakatulog ng maayos kagabi
dahil sa ginawa namin ni labanos, ay este dahil sa ginawa ni labanos sa akin.
Nakakabwisit na nakakainis na medyo nakakakilig ang ginawa niyang pagpuslit sa
aking kwarto, pero hindi ko parin maaaring hayaan siyang gawin ang mga nais niya
no, wala pa siyang karapatan, sa ngayon.

Mabilis akong bumangon dahil sa kakaibang nararamdaman ko, ewan ko ba kung bakit ko
nararamdamang may magandang mangyayari mamaya, tsaka himala rin na hindi ako
ginising ni Kiyu ngayon, teka asan na ba 'yon?

Pagtingin ko sa labas ay tirik na tirik na ang araw kung kaya't natitiyak kong
tanghali na. Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na dito sa Alzora, walang mga
gadgets, orasan, in short, no technologies at nasanay narin naman ako. Ganyan naman
talaga eh, sa una akala mo hindi mo kaya, pero sa huli... masasabi mong kaya mo
naman pala.

Nagmadali akong maligo, 'di dahil sa late na ako kundi dahil sa nararamdaman kong
excitement, basta parang may nagtutulak sa akin na pumunta na kaagad sa Paradus
Academy.

Matapos kong maligo at magbihis ay kumain na ako, may nakahain na sa mesa na


sinangag, itlog at sausage.

Matapos kong kumain ay umalis na ako ng bahay, 'di ko parin nakikita si Kiyu, nag-
aalala na ako baka ninakaw na 'yon, ang cute pa naman ng alaga kong 'yon!

Sumakay na ako na Flaschen pero unlike before, nasanay na ang katawan ko. Hindi na
ako natatakot at nahihilo, natuto narin akong imanage ang ganda ko sa tuwing
sasakay ako sa Flaschen.

Pagkarating ko sa Paradus Academy ay nakita ko ang mga estudyante na papunta sa


Magic Hall - isang lugar kung saan dinaraos ang events dito sa Paradus, isa itong
circular hall.

Susunod na sana ako sa mga estudyante nang may mahagip ang mga mata ko.. wait is
that .. Lola Magrett? Bakit siya andito?

"LOLA! LOLA!!" Pasigaw kung tawag rito pero di niya parin ako naririnig.

Hahabulin ko na sana siya, pero tinawag ako nila Zyline, napalingon ako sa kanila.
Nang balikan ko ng tingin ang kinaroroonan ni lola ay wala na ito. Baka namamalik
mata lang ako dahil sa sobrang pangungulila ko sa kanya.

"BFF,DITO!."sabi nito habang kumakaway.

Nakita kong anduon rin si labanos na bitbit si ... KIYU na mahimbing na natutulog
sa mga bisig niya, sinong may sabing kunin niya sa akin ang alaga ko? At paano
nangyaring magkasundo na sila kaagad?

Naglakad ako papunta sa kanila at nang makarating ako ay nahalata kong parang
tahimik lang sila Audrey, Pao at Mav, gano'n din sina Anna at labanos na hindi
makatingin ng diretso sa akin.

"Bff, let's go na sa Magic hall, excited na ako sa ia-announce ni Headmaster!"


Masayang wika ni Zyline at hinila ako, kukunin ko pa sana si Kiyu eh.

"Psh .. alam na kaya niya ang ia-aanounce ni Headmaster" bulong ni Pao pero rinig
ko naman.

Nang makapasok kami sa loob ng Hall ay sari-sari ang mga tao, I mean ng ginagawa.
May nagkwekwentuhan, nagbabangayan, nag-aasaran, naglalandian at naghahalikan.
Talaga? Dito pa talaga ginagawa ang mga bagay na ganyan, wala man lang privacy,
hindi kagaya ng sa amin ni labanos, de biro lang. Kayo naman sineseryoso niyo
kaagad kaya lagi kayong nasasaktan.

Natigil lang sila nang lumabas na si Headmaster Mathew in his cute form, 'yong
batang paslit na nakakunot ang noo, may kasama siyang dalaga na parang kahawig ng
kung sino... pero 'di ko matandaan, ang ganda ng kasama niya, maputi, chinita,
balingkinitan ang katawan at mahahalata mong makapangyarihan ito, dahil sa tindig
nito at aurang nanggagaling sa kaniya.

Paano ko nasabi at nailarawan sila? Simple lang nasa front row kasi kami nakaupo
dahil kay labanos, ang baliw niya, kasi sinigawan ba naman lahat ng nakaupo sa
front row kaya ayun! Nagsi-alisan. Kung titingnan mo talaga si labanos, masasabi
kong masungit, pero kapag nakasama mo, makikita mo talaga ang soft side niya at ang
kakulitan niya, hindi nga lang iyon nakikita ng iba dahil hindi naman nakikisama at
nakikihalubilo sa iba ang malignong labanos na iyon.

"Ahem, good morning students of Paradus Academy" bati ni Headmaster Mathew. Pero
isa na siyang teenager, hindi nayung baby boy,ang cute pa naman niya dun.

Binati rin namin siya at pagkatapos ay tumahimik na kaming lahat.


"Nais ko lang sabihin sa inyo na sa susunod na linggo, we will gonna have a ranking
battle, so better practise now, if you'll win your rank will increase depending on
your strength and power. And if you lose, its either your rank will decrease or
stay." Mahabang saad ni Headmaster.

Sari-saring reaksiyon ang bumalot sa hall. May excited, takot, kinakabahan, masaya,
etc.

"KYAH! I'M SO EXCITED!" Tili ni Zyline habang niyuyugyog ako katawan ng katabi
niyang si Paolo, habang sila Audrey at Anna ay napatakip nalang sa kanilang mga
tenga.

"Ako rin hehe!" segunda naman ni Paolo.

"Mas lalo na ako!" pahabol ni Mav.

"Ako konti lang" sabi ko.

"Kami ni Anna hindi, nakakapagod kaya yun, tama ba ako Anna? Sigurado akong mai-
stress lang ang kagandahan namin"

"Tama ka Audrey, sang ayon ako sa sinabi mo, baka masira pa ang mala porselanang
kutis natin, hindi na tayo mapagkakamalang diyosa" segunda naman ng mahangin kong
bespren.

"Ako okay lang saken, sigurado na naman ang panalo ko eh" sabi ni Jack ng
nakangiti, ang hangin ah.

Kaya napatingin kaming lahat sa kanya at napataas ang kilay si Kiyu rin na
kasalukuyang natutulog sa mga bisig ni Jack ay nagising dahil sa kahanginan nito.

"Wow ang humble mo!" Sarcastic na sabi ni Anna at nag roll eyes.

"Oo nga dude ! Sobra!!" Pagsang-ayon namin nina Mav at Pao.

"Totoo naman eh, I'm sure mananalo ako!" Confident na sabi ni Jack, taas-noo.

Ang kapal talaga ng pagmumukha ng labanos na ito, nako sana matalo siya sa laban.

"Tss. Hmm gusto mo ng pustahan?" Paghahamon ni Audrey.

"Pustahan na?" Si Jack na parang interesado narin sa alok ni Audrey.

"If you'll lose , you'll gonna wear a maid's uniform! Hihihi" si Zyline naman
ngayon ang nagsalita.

Nagtawanan kami kasi we can't imagine Jack wearing a maid's uniform. I'm sure
aatras siya sa deal.

"Sure, I'm in! What if manalo ako?" tanong nito. Patay! Akala ko aatras na.

"Mav and Pao will gonna wear a maid's uniform!" Natatawang sabi ko

"What?! Ayaw namin uy!" Pag-angal ng dalawang lalaki.

"The deal is closed, kaya no kontra allowed, hahaha!" natatawang sabi ni Audrey, na
sinundan ng halakhak ni Anna at Zyline.

"Uhmm, guys I think that's a better Idea para naman ma-challenge tayo na magpursige
at matalo 'tong hambog nato, if ever na makalaban natin siya!" Sabi ko at sumang-
ayon naman silang lahat.

Pero si labanos ay tiningnan lang ako na tila ba may nasabi akong mali.

"Just pray Yuki na hindi ikaw ang makakalaban ni Jack dahil siguradong patay kami
ni Mac!" Nag-aalalang sabi ni Pao.

"Grabe ka, salamat sa insulto ah, na-appreciate ko po" Sarcastic kong sabi at
nagtawanan lang sila.

Hayyy, sana nga hindi ako ang makakalaban ng labanos na ito dahil hindi ko na ulit
alam kung paano palabasin ang mga pakpak ko, lalong-lalo na ang kapangyarihan ko,
ilang beses kong sinubukan pero ayaw talaga.

"Excuse me students, my mom would like to leave a message" pambabasag ni headmaster


sa trip namin. Sarap bangasan ng matandang ito, de biro lang.

Tumahimik muli ang mga estudyante.

"Oh my! Don't tell me.." Zyline said with matching takip bibig effect pa habang
nanlalaki ang mata.

"Ano yun Zy?" Tanong naman ni Anna.

"Yang babaeng 'yan.. 'yang kasama ni headmaster.." pabitin nitong sabi.

"Yes you're right Zyline, she's master Magrett Luzien, the class S Caster, the
strongest caster and the mother of headmaster Mathew Luzien" pagpapatuloy ni Jack.

Lahat kami nagulat..pero kung mama siya ni Headmaster, so it means??

"Nasa 80's na siya??" Shocked kong tanong.

"Yep" tanging sagot lang ni Jack. Ang galing naman kapangalan pa siya ni Lola. Hmmm
si lola nga ba yung nakita ko kanina? Or I'm just hallucinating dahil miss ko na
siya ng sobra?

"Okay Goodmorning dear students, I'm Magrett Luzien the mother of Mathew, member of
the magic council, well don't fear me okay? Hindi naman ako kagaya ng anak kong
araw-araw may regla" sabi nito at natawa kaming lahat, habang si headmaster ay mas
lumukot lang ang lukot nitong mukha.

"Okay, I just wanna say that if ever you will reach the rank of A+ or higher than
that, your spirit guardians will show up, your spirit guardians may be in form of
the common guardians, or it may be their leader or baka isa rin itong dragon, well
walang makakapag sabi kung ano ang magiging anyo ng guardians ninyo, depende rin
kasi ito sa antas ng inyong kapangyarihan, kaya practise practise din pag may time
students. That's all you may leave." Sabi nito.

"And oh! Walang klase starting today hanggang sa Ranking Battle" pahabol nito at
naghiyawan ang lahat.

Ang cool niya sobra!

Papalabas na sana kaming mga estudyante nang biglang may sumabog sa loob ng Hall.
Nagkagulo sa loob dahil sunod-sunod ang pagsabog. Mabuti nalang at nakagawa agad ng
earth barrier si Audrey kung hindi baka nasali na kami sa mga tumilapong
estudyante.
Nang tumigil ang pagsabog ay may lumitaw na babaeng nakaitim, na sa tantiya ko ay
nasa 20's na. Nakasuot ito ng Sleeveless fitted leather shirt na kita ang pusod at
pinarisan ng mala-panty niyang short. May hawak na isang tungkod na may nakapulupot
na Ahas at sa dulo nito in which located ang ulo ng ahas ay may kagat-kagat itong
circular red gem, which is new to me.

"Shit, isang sorceress!" Bulalas ni Jack.

"What? Kasama siya nila Jane?" Takang tanong ko.

"Ulol! Totoong sorceress yan, at miyembro yan ng Wiccan Tribe!" Sabi nito sabay
batok saken. Ouch ha? Ang sweet. Kasalanan ko bang wala akong alam sa mundong ito?

"Okay, ayoko ng gulo, gusto ko lang makita ang babaeng Arankar" sabi nito sa
mahinahong paraan pero nakakatakot parin, then she looked at me and smiled
devilishly.

"Wala siya rito!" Sigaw ni Jack at akmang susugurin na sana niya ang misteryosong
babae pero napatigil siya sa ere. It was like he's frozen habang nakalutang sa ere.

"Uh-uh! Not so fast little boy" sabi nito at binalibag si Jack sa isang kumpas lang
ng kamay niya.

"Jack!!" Sigaw namin nang tumama ito sa pader ng Hall.

"Now.where.is.the.Arankar.?" Mariing tanong nito, habang nakatingin parin sa akin.

"She's not here.. You should leave before I'll kill you sorceress!" Banta ni
Headmaster.

"Haha kung kaya mo!" Sabi ng sorceress sabay sugod kay Headmaster.

Pero to our surprise bago pa mag-abot sila ni Headmaster ay tumilapon na ang


sorceress. May isang liquid-fire spike kasi ang tumama sa sorceress, sinundan namin
ang pinagmulan nito at nakita namin si Master Magrett pointing a magical staff on
the sorceress's direction.

"Don't mess with my son bitch" Banta nito bago balutin ng nakakasilaw na liwanag
ang katawan niya.

***

A/N: Sino kaya ang sumugod? Sino kaya si Magrett? Sino kaya si.. Ikaw? Lols. By the
way try reading my vampire story entitled 'This Vampire is Inlove with a Gangster'
just look at my works nandoon siya. Yun lang salamat!

Vote-comment-share this story guys! :*

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Eighteen

THIRD PERSON'S POV


Parang tumigil lahat ng estudyante sa kanilang pagpapanic nang balutin ng
nakakasilaw na liwanag ang buong Hall. Nakaramdam sila ng nakakapangilabot na
kapangyarihan na nagmumula doon.

Nang mawala ang liwanag ay bumulaga sa lahat ang isang babaeng nakasuot ng gintong
baluti na may may botang kulay ginto na hanggang tuhod na may disenyo ng
pinagsamang bughaw at pulang bato. Isang salita lamang ay maaari ng ilarawan ang
baluti ni Magrett 'sexy' dahil sa mala 'swimsuit' nitong baluti.

"Wow!" Tanging nasambit ng grupo nila Yuki dahil sa pagkamangha.

"Now ,let's start the real fight!" sabi ni Magrett at sinugod ang sorceress na
nagngangalang Minerva na ngayo'y nakasuot narin ng itim na baluti na may disenyo ng
mga pulang bato. Ang suot niya ay di nalalayo sa suot ni Magrett.

"Ovulleiu Barga! Nag cast ng spell si Magrett at lumitaw ang isang barrier na
maihahalintulad sa isang salamin ngutil mas matibay ito, ikinulong ng barrier sina
Magrett at Minerva sa loob, silang dalawa lang.

"Hmmm gusto mo palang tayo ang maglaban ha, sige pagbibigyan kita, pagkatapos ko
sayo sila naman! Hahahahaha" sabi ni Minerva at tumawa pa ito ng nakakaloko na
nagpatindig sa balahibo ng mga nakarinig.

"Ma! Kaya niyo po ba?" Nag-aalalang tanong ni Mathew.

"Wag kang mag-alala anak, ako pa!" Paninigurado ni Magrett sa anak.

Tahimik lang ang lahat ng estudyante. Ang ilang lumabas na ng Hall ay bumalik upang
manood ng laban ng Class S Caster at Class S Sorceress.

[ Magrett ]

Kailangan ko nang tapusin to ng madalian, kailangan ko pang makausap ang apo ko.

Sumugod na si Minerva at tinira niya ako ng black fire spikes, gumawa naman ako ng
waterballs upang kontrahin ang atake niya.

"Somna Aluna, Freah!" I casted a spell that enables me to call an elemental


guardian. A water elemental guardian. She's Freah my elemental guardian, and she's
an Aluna. Ang main element ko kasi ay water at sub-element ko ang fire na natutunan
kong gamitin dahil sa mahal na reyna.

"Master" bati nito sa akin.

"Let's end this Freah" sabi ko at tumango ito.

Unti-unting nagliwanag ang katawan nito, kitang-kita ko ang paglabas ng


napakaraking tubig mula sa alimpuyong ginawa ni Freah, the water moved upward and
formed a water dragon.

Gumawa rin ako ng Fire Dragon through casting a spell kahit na napakaraming Magoi
ang masasayang ko, kailangan ko itong madaliin, at kailangan kong siguraduhing
matatapos ang labang ito na ako ang nakatayo.

Napansin kong nag cast narin ng spell si Minerva at unti-unting nabubuo ang isang
Double-headed Fire Cobra. No doubts kung bakit siya isang Class S sorceress. Oo
kilala ko siya dahil isa siya sa tumapos sa lahi ng mga Arankar.

Napahigpit ang hawak ko sa baston ko, Thinking about what had happened last time,
last war, is just bringing up the pain and anger again.

Kinumpas niya ang hawak niyang baston at kasabay no'n ay ang pagsugod ng Fire Cobra
niya sa akin pero humarang at sumugod ang water and fire dragons namin ni Freah.

Ramdam na ramdam ko ang lakas ng impact na pagbabanggaan ng mga pwersa namin.

Freah quickly made a water tornado at gumawa naman ako ng fire blades through
casting a spell, pinakawalan ni Freah ang water tornado niya na kinontra naman ni
Minerva ng fire spikes, pero nagvavaporize lang ang mga atake niya dahil mas
dominant ang element ni Freah.

Tumalon si Minerva saka nagpaikot-ikot sa ere kasabay no'n ang pagpapakawala niya
ng napakaraming fire blades.

'Aquea spikr!' Tinira ko naman ang mga ito ng water spikes at lumikha iyon ng mga
pagsabog.

She casted a spell then her magical staff transformed into a sword, ginawa ko rin
ang ginawa niya, pero ginamit ko ang kapangyarihan ni Freah para di masayang ang
Magoi ko. Naglaho si Freah dahil naubos narin ang enerhiya nito.

Sinugod ako ni Minerva at hinampas ng espada niya. Mano-manong laban ang ginagawa
namin ngayon. She slashed me with her sword but I managed to dodged it. Tumalon ako
at sinipa siya sa tiyan niya, napadaing ito sa sakit. Ginamit ko namang pagkakataon
iyon upang wasakin ang armor niya pero she managed to transform her sword into a
magical staff again, she casted a spell then lumitaw ang napakaraming fire spikes
at sabay-sabay na bumulusok patungo sa direksiyon ko. Sinangga ko naman ito gamit
ang espada ko pero sadyang napakaraming fire spikes ang ginawa niya at nalapnos ang
hita ko. Ginamit niyang pagkakataon iyon upang gumawa ng isang fire wolf at
pinasugod ito sa akin, mabuti nalang at nagawa kong makapagcast ng barrier spell
through returning my sword on it's original form- a magical staff

Hmm I think I have to do that technique para matapos na ito, though there's no
assurance that it will be successful, I am practicing this one for almost fifteen
years, but still I can't do it successfully dahil sa ilang mga bagay.

Nag-cast ako ng spell at lumabas ang napakaraming tubig mula sa lupa at nagform ito
ng isang napakalaking water ball.

Pinaglaho ko narin ang fire at water dragon ko at ni Freah. I focused myself para
magawa ko ang techique na plano ko.

Sana magpalabas rin ng napakaraming apoy si Minerva. Sana.

Hindi naman ako nabigo at nagpalabas siya ng napakalaking bola ng apoy, napangisi
naman ako dahil umaayon na lahat sa plano.

"MAMATAY KANA!" Sigaw ko sabay bato ng water ball sa kanya.

"YOU WILL DIE! NOT ME!" Sigaw nito at binato rin ang fireball niya.

Nagsalpukan ang mga atake namin, kapwa malalakas ang mga ginawa naming technique
kaya naglalaho na ang mga armors namin, indikasyon na malapit nang maubos ang Magoi
namin.

Dahil narin sa pantay ang lakas ng mga atake namin ay sumabog ito ng napakalakas,
mabuti nalang at may barrier kung hindi baka nasira na ang buong hall kapag
nagkataon.
I casted a barrier spell para maprotektahan ang sarili ko sa pagsabog. Nabalot ng
hamog ang loob ng barrier na kinaroroonan namin.

Napangisi ako dahil nagtagumpay ang plano ko.

"Now you'll die Minerva, pagbabayaran mo ang pagpatay mo sa Tribo ng Arankar" sabi
ko at unti-unting itinaas ang baston ko.

[ YUKI ]

Halos di ako makapaniwala sa nakikita ko, napakalakas nilang pareho. Napansin ko


ring naging agresibo si Kiyu nang dumating ang babaeng sorceress na iyon.

Lahat kami ay tahimik na nanonood sa laban ng malalakas na tao sa harap namin.


Habang si headmaster ay di mapakali, kanina pa siya lakad nang lakad sabay gulo ng
buhok niya, siguro nag-aalala siya sa kalagayan ng Mama niya. Sino ba naman ang
hindi?

Nakita ko namang may guardian ding Aluna si Master Magrett kagaya ko, siguro ito
yung sinasabi niyang lalabas ang mga elemental guardian namin when we reach the
rank of A+ and above. Pero bakit ako? Meron agad?

Sumabog ng napakalakas ang mga atake nila at nabalot ng hamog ang loob ng barrier.
Napansin ko ring may kaunting crack na ang barrier.

Nagulat ang lahat ng nagtipon sa isang lugar ang hamog at nabuo bilang isang ....
Airball. I looked at the person who did it, it was master Magrett, she's holding
her staff upward. She used the water vapor and she was able to control the element
of air. Wow! Ang talino niya at the same time she's so powerful!

Nakaya niyang kumontrol ng tatlong elemento, no wonder bakit siya ang pinakamalakas
na caster, sabi ni Zyline.

"Aerie spkir!" Master Magrett casted a spell then large air spikes were formed from
the collected water vapor.

"Seotan"

Bumulusok ang mga ito sa direksyon ni Minerva, naalarma ito, ngunit dahil sa
napakaraming Magoi na ang nagamit niya ay di niya na naprotektahan ang kaniyang
sarili.

"AHHHH!" She screamed in pain.

Hindi pa nakontento si master at pinaulanan pa niya ito ng napakaraming air spikes.


Sinundan naman ng air blades at ang panghuli ay isang air phoenix.

"UGH!!" Tanging nasambit ni Minerva.

Nilapitan naman ito ni master at tinapakan ang tiyan.

"Who sent you here?" Mahinahong tanong nito.

"Alam mo na iyon Magrett! Hahaha.. mamamatay kayong lahat! Hahahaha..muling babalik


ang Wiccan Tribe upang lipunin kayo, upang patayin siya! Hahahaha" nababaliw na
saad ni Minerva habang ang mga titig niya ay nasa akin.

Kinabahan naman ako sa sinabi niya.


"You talked to much!" Inis na sabi ni Master saka nag cast ng spell at mau lumabas
na isang fire ball at ibinato ito kay Minerva.

"Ahhhhhhhhhhhh!!!" Sigaw nito habang unti-unting tinutupok ng apoy ang katawan


niya.

Natakot naman kami sa sinabi niyang babalik daw ang Wiccan Tribe at lilipunin kami.
Kahit wala akong alam sa Tribong sinasabi niya ay nakardam parin ako ng takot, well
mukhang pamilyar hindi ko lang maalala.

"Okay the Fight is Over! Students umuwi na kayo sa quarter in a fount of five!
Five... Four" Ma-otoridad na utos ni Headmaster at dahil sa takot nagsialisan na
ang mga estudyante.. maliban sa amin.

Naging abo ang katawan ni Minerva. Inalis narin ni master ang Barrier at hinihingal
na naglakad ito palapit sa amin... sa akin.

Unti-unti itong nabalot ng liwanag at nang mawala ito ay halos mapanga-nga at


lumuwa ang mga mata ko. I never expected this.

Master Magrett Luzien is..

My Lola Magrett.

[ UNKNOWN ]

"Mahal na pinuno, Nabigo po si Minerva na tapusin ang babaeng Arankar sapagkat


nakialam ang matandang Caster na si Magrett Luzien" balita sa akin ni Gin.

"ANO?! GANOON NA BA TALAGA KAHINA SI MINERVA?!" Galit kong tuhon rito dahilan upang
mabasag ang mga salamin sa aking silid, hindi ko na naman napigilan ang
kapangyarihan ko.

"Hindi po pinuno.. natalo siya dahil sa angking galing at lakas ni Magrett, nakaya
niyang kontrolin ang tatlong elemento.. tubig, apoy at hangin" pagpapaliwanag nito.

"Wag na 'wag mong pinupuri ang kalaban Gin! Sige ipaalam sa buong hukbo na sa
susunod na paglitaw nh blue moon ay susugod tayo sa Akademyang iyon, at isusunod
natin ang mamamayan ng Alzora. Tiyakin mong masasabi mo sa kanila Gin, tiyakin mong
sa blue moon dahil doon mas malakas ang kapangyarihan ko.." utos ko rito.

"Masusunod pinuno" sabi nito at umalis na.

Humanda ka sa akin babaeng Arankar, hindi mo alam kung sino ang kinalaban mo,
himanda kayo sa akin mga Alzorian.

Bakit pa kasi may nabuhay pang Arankar?! Pinatay ko na silang lahat! Maliban nalang
kung ... hindi siya rito napisa.

Sino ka ba talaga ? Anong kaya mong gawin? Na pati ang orakulo ko ay nasabing ikaw
ang wawakas sa buhay ko at ng buong tribong pinamumunuan ko..

Hindi ako magpapatalo sayo dahil ako ang itinakda, ako ang pinakamalakas!

***
A/N: How's the flow of the story? Okay lang ba? Ha? Comment ka naman.

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Nineteen

[ YUKI ]

"LOLA MAGRETT!!" sigaw ko at niyakap si lola, idiniin ko ng husto ang ulo ko sa


balikat niya, I missed her so much. "Lola..." I said before letting my tears roll
down from my eyes down to my rosy cheeks.

"Ano lola?? Oh my!" Di makapaniwalang sabi ni Zyline, I can imagine her covering
her mouth with her hands and eyes wide opened.

"Apo .." tawag ni lola at kumawala sa yakap ko. " May kailangan kang malaman,
importanteng-importante" seryosong sabi nito bago pahiran ang aking mga luha gamit
ang kaniyang hintuturo.

"Wait, master... totoo po bang apo niyo si Yuki?" Tanong ni Audrey, na halos hindi
makapaniwala.

Binigyan lamang siya ng ngiti ni lola.

"Kaya pala pamilyar ang pangalan ng lola mo Bff! 'Yon pala siya 'yong palaging
kinukwento ni papa sa akin!" sabi ni Anna.

"So it means .. Arankar din po kayo?" Di makapaniwalang tanong ni Jack kay Lola,
napalingon ako sa kanya at nakitang may nga sugat at galos siyang nakuha kanina.

Umiling lang si lola na ikinataka ko..

"No, isa akong Caster at anak namin ni Henry na isang slayer si Mathew na isang
Caster-Slayer." Paliwanag ni Lola na ikinalukot ng mga noo namin.

"What do you mean lola? Hindi ko kayo kadugo?" naguguluhang tanong ko rito, at the
back of my mind.. Iniisip kong sana mali ang iniisip ko, sana mali ang iniisip ko
na ang buong pagkatao ko ay pawang kasinungalingan lamang.

"Well I guess, ito na ang tamang panahon upang malaman mo ang katotohanan Yuki"
sabi ni Lola. "Sige umupo kayong lahat, total alam niyo narin namang Arankar si
Yuki, mabuti nang malaman niyo rin kung sino siya" dugtong nito.

Umupo naman kami at ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Magkahalong kaba, takot,
lungkot at excitement ngunit walang galit akong nararamdaman dahil walang rason
upang magalit ako kay lola. Siya ang nag-alaga sa akin, utang ko sa kanya ang buhay
ko, ang O.A ko naman kung mag-eemote ako tapos magwa-walkout pa ako 'di ba?

"Ikaw nga talaga ang itinakda Apo" sabi ni Lola habang nakatingin kay Kiyu na
kasalukuyang natutulog sa mga bisig ni Jack.

"Po? Itinakda? Pwede niyo po bang sabihin ng klaro la? Ang labo po kasi eh! Hehe"

"Sige. Fifty years ago, ang Alzora ay pinamumunuan ng mga Arankar. Si Haring Joseph
at Reyna Melissa ang namumuno sa kaharian, isang larawan ng payapa at masayang
lugar ang Alzora noon, ngunit bigla nalang nagdiklara ang Wiccan Tribe na
pinamumunuan ni Lucas, ng isang digmaan. Lahat ng may kakayahang lumaban ay
dinipensahan ang Alzora, mga Mages, Casters, Slayers, Ancients at Arankars, sa araw
ding iyon ay nangitlog ang Reyna Melissa, at ikaw ang nasa itlog na iyon Yuki. At
dahil isa akong royal guard at kanang kamay ng reyna, pinilit niya akong dalhin ka
sa Greiko upang mailigtas ka sa mga masasamang loob.

Binuksan ng Reyna ang portal patungong Greiko, kasabay no'n ang pagcast ni Lucas ng
Spell na bumura sa lahi ng mga Arankar sa buong Alzora, ang dahilan kung bakit
hindi ka nasali ay sa kadahilanang nasa ibang dimensyon ka. Kung nagtataka kayo
kung bakit ko alam ang lahat ay simple lang, uulitin ko, isa ako sa anim na Royal
Guard ng Palasyo." paliwanag ni lola.

Napabilib naman kami kay lola, dahil isa pala siyang Royal Guard.
Pero di ko parin talaga makuha ang punto niya.

"Para mas maging malinaw ang lahat Yuki Apo, Ikaw ang Anak ng Hari at Reyna. Kaya
ka iniligtas ng reyna Melissa dahil ikaw ang itinakdang tagapangalaga ng core ng
Alzora." Paliwanag nito.

So ako nalang pala talaga ang natitirang Arankar?

Nakaramdam ako ng lungkot at galit. Lungkot dahil di ko man lang nasilayan ang mga
magulang ko at galit dahil sa ginawa ni Lucas, sino ba siya upang gawin ang lahat
ng iyon? Anong karapatan niyang bawiin ang buhay ng ibang Alzorian?

"Pero paano po nangyaring kaedad lang namin si Yuki? Eh diba po fifty years na ang
nakalipas matapos mabura sa Alzora ang tribo nila?" Naguguluhang saad ni Pao at
nakakunot ang noo.

"Magandang tanong iho, bago ako tuluyang makapasok sa Portal dala ang itlog ng
reyna ay nag-cast ng spell ang reyna Melissa upang mapisa ang itlog ni Yuki, ngunit
dahil nasa mortal world kami, ay umabot ng tatlumpu't dalawang taon bago napisa ang
itlog." Paliwanag ni Lola at napatango nalang si Pao.

Grabe gano'n ba talaga ako katagal napisa? Kaya pala abnormal ang pag-iisip ko!
Haha joke.

"Lola.. Paano po nangyari na hindi naubos ang magoi niyo sa mundo ng mga tao?"

"Simple lang, gabi-gabi akong bumabalik sa mundong ito upang makabawi sa nawalang
magoi ko sa Greiko"

"Kaya pala madalas kong nakikitang nagliliwanag ang loob ng kwarto niyo la"

"Oo tama ka apo, gumagawa ako ng portal tuwing gabi"

Napa ahh nalang kami sa mga sinasabi ni Lola.

"Ahh, lola.. ano po iyong sinasabi niyong si Yuki ang itinakdang tagapangalaga ng
core ng Alzora?" Tanong ni Audrey kung kaya't napukaw ang atensyon ko.

"Siya ang nagtataglay ng Golden Emblem of Arankar" sagot naman ni Lola.

"Golden Emblem?" Tanong ko

"Oo, pansin mo sigurong kulay ginto ang Emblem mo apo, iyan ang indikasiyong ikaw
ang tagapangalaga ng Alzorian Core, sapagkat normal na kulay puti o itim lang ang
kulay ng emblem ng mga pangkaraniwang Arankar."
sagot ni lola at napatango nalang ako. Kaya pala...
"Ano po iyong Alzorian Core.?" Tanong naman ni Mav.

"Iyong ang pinagmumulan ng buhay ng kaharian ng Alzora. Kumbaga kung wala iyon, ay
unti-unting masisira ang Alzora" sagot ni Lola na ikinakaba ko.

"Lola, kung ako ang tagapangalaga ng Alzorian Core sigurado akong mabibigo ko kayo
dahil sa hindi ko kayang kontrolin at gamitin ang kapangyarihan ko" nakayuko kong
sabi.

"Haha, anong silbi ng training apo? tsaka may tutulong naman sayo" sabi ni Lola
saka isa-isang tiningnan ang mga kaibigan ko.

"Sino po?"

"Ang mga kaibigan mo, sila ay nagtataglay ng iba't-ibang klase ng elemento, kaya ka
nilang tulungan, at tutulungan mo rin silang makapag sanay, kulang nalang ng
elemento ng Kidlat" sabi nito.

"Bakit lahat sila ang makakasama ko? Eh apoy lang naman ang kaya kong kontrolin,
tsaka yelo"

"Ouch, ang sakit bff promise. Alam ko namang gusto mo lang masolo ang dalawang
fafables na ito, okay lang hindi naman kami mang iistorbo"

"Manahimik ka nga Anna, kilabutan ka naman sa mga sinasabi mo"

Bahagya pa akong nanginig matapos ko iyong sabihin.

"Oh my gosh, I can't believe this, isa ako sa tutulong upang mapangalagaan ang
Alzorian Core!" Di makapaniwalang sabi ni Zyline habang nagsasayaw, kaya nagtawanan
kami.

"Tsaka, may elemental guardians din kayong tutulong sa inyo" dagdag ni Lola.

"Paano po namin sila mapapalabas?" Takang tanong ni Mav.

"Kapag isa na kayong ganap na Class A+ o mas mataas pang Alzorian"

"Po?! Edi imposible na iyon!" Sabi ko naman.

"Haha nakakatuwa ka apo, nagawa mo ngang palabasin ang Reyna ng mga Aluna eh"
natatawang sabi ni Lola at narealize kong paano ko nga pala iyon nagawa?

"Kung nagtataka kayo paano nagawa iyon ni Yuki ay simple lang, dahil sa may dugo
siyang Arankar at siya ang tagapangalaga ng Alzorian Core at higit sa lahat
nagkaroon sila ng kasunduan ng Reyna ng mga Aluna" dagdag ni Lola at napa 'Ohh'
nalang kami.

"Bakit po namin kailangang maging Royal Guard ?" Tanong naman ni Anna.

"Sapagkat ayon sa kasaysayan, ang mga Royal Guard na may koneksiyon sa isa't-isa ay
maaaring lumakas pa kesa sa inaasahan. At dahil magkakaibigan kayong lahat, at may
iba-iba kayong elementong taglay ay swak na swak kayo bilang mga Royal Guards, sana
lamang ay tunay nga kayong kaibigan ng aking apo" Sagot ni Lola.

Sana nga la.

"Pero kulang po ng elemento ng Kidlat!" This time si Pao naman ang nagsalita.
"Hindi problema yan, makikita niyo siya pagdating ng Ranking Battle kaya magsanay
na kayo! Upang mas lumakas kayo, at mapalabas niyo na ang Guardians ninyo" sabi ni
Lola with hand gestures pa.

Napatawa naman kami sa kakulitan niya.

"Cge po mukhang tinataboy na ninyo kami eh .." natatawang sabi ko.

"Maiiwan ka Yuki, may pag-uusapan pa tayo" seryosong saad ni lola kaya napalunok
ako. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin?

"Sige Yuki bye!" Sabi nila saka lumabas na ng Hall.


Sumunod ding lumabas si Headmaster na kanina pa tahimik.
"Apo, kailangan mong maghanda.. kailangan mong hasain ang kapangyarihan mo" sabi ni
Lola.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya, ano bang mangyayari at kailangan kong maghanda?

"Anong ibig niyong sabihin la?"

" Sa susunod na masisilayan ang Blue moon ay sigurado akong susugod ang Wiccan
Tribe, at makakaharap mo ang pinuno nilang si Lucas"

Nakaramdam naman ako ng inis ng mabanggit ang pangalang pumatay sa mga magulang ko.

"Ano pong gagawin ko lola?"

"Magsasanay ka apo, papalabasin natin lahat ng guardians mo"

"Po? Lahat? Akala ko si Alhea lang ang guardian ko"

"Isa kang Arankar Apo, ikaw ang itinakda kung kaya't taglay mo ang lahat ng
elemento at may anim kang guardians, pampito yung alaga mong Fluxe"

"Po? si Kiyu?? Isang guardian?"

"Oo apo, anong elemento na ba ang napalabas mo?"

"Uhmmm, yelo at apoy palang po"

"Sige bukas na bukas din magsasanay tayo, kaya maghanda ka"

"Sige po lola, aalis na ako. Babalik nalang po ako bukas" niyakap ko muna ito bago
ako tuluyang lumabas ng Hall.

Pero bago pa ako makalabas ay may sinabi pa itong importanteng bagay.

Ngayon alam ko na kung sino ako, ako si Yuki Amina, anak ng hari at reyna na
itinakdang pangalagaan at protektahan ang kaharian ng Alzora.

Lucas, humanda ka.. Sisiguraduhin kong ipaghihiganti ko sila ama at ina.

Magsasanay ako upang matalo kita at upang maprotektahan ang tahanan ko... ang
Alzora.

***

A/N: Malinaw na ba ang lahat? Kung oo susunod na ang epilogue. Hahaha, de biro
lang.

Join our FB Group:

Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)

PM me kung gusto niyo ako makausap!

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Twenty

A/N: Sorry natagalan ang UD, enjoy nalang kayo sa pagbabasa :*

Matapos naming makapag-usap ni lola ay naglakad lakad muna ako sa buong Paradus,
iniisip ko ang mga bagay na akala ko noo'y imposible pero posible pala.

Yung mga nilalang na sa isipan ko lang nabubuhay ay tunay pala.

Ito nga siguro ang mga sinasabi nilang masyadong malaki ang mundo para isipin
nating ordinaryonh tao at hayop lang ang nabubuhay rito.

Masyado ngang malaki ang mundo, dahil kahit kaharap ko na siya ay hanggang tingin
parin ako.

Habang naglalakad ako malapit sa likod ng Paradus ay may naririnig akong impit na
pagdaing, mukhang nahihirapan itong huminga at mukhang matinding sakit ang
dinaranas nito.

Ngunit bakit hindi nalang siya humingi ng tulong diba?

Ang tanga niya lang eh no? Marami na ngang tanga sa pag-ibig, daragdagan niya pa.

Kunot noo kong tinungo ang likurang bahagi ng Paradus kung saan makikita ang
kagubatan, kagubatang saksi sa unang pagbuhat sa akin ni Jack. Sa tuwing naaalala
ko yun ay namamalayan ko nalang ang aking sarili na nakangiti na parang ewan.

Hindi ko parin nakikita ang hinahanap ko dahil mukhang natigil na ang impit na
pagdaing nito.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at halos manlaki ang mata ko nang
makita ko si Labanos na duguan ang tagiliran at wala ng malay.

Dali dali kong pinuntahan ang lalaki, bakas sa mukha nito ang sakit, pero bakit ang
gwapo niya parin?

Ano ba itong iniisip ko? Tss. Kalandian mo Yuki.

Nakahingan ako ng maluwag nang malamang humihinga pa ito, kaya maingat ko itong
binuhat, hinawakan ko ang beywang niya habang ang kamay niya ay nasa balikat ko.

"Ahh!" Daing ko nang matapilok ako at madaganan niya. Ang bigat pala ng lalaking
ito, hinaluan pa ng katangahan ko.

Muli akong tumayo at inakay siya, ilang beses akong nadapa at nadaganan niya pero
hindi ako sumuko.

At hindi ko alam kung paano kami nakarating sa quarter ng lalaking ito, paano ko
nalaman? Minsan na namin siyang tinanong kung saang block siya nakatira.

Mabuti nalang at hindi naka lock ang pinto, pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang
napakalawak nitong sala, kulay ginto at puti ang kabuuang kulay ng bahay niya.

Mabuti nalang at isang palapag lamang ang tinutuluyan niya at may isang kwarto
lamang na laan para sa kaniya.

Pagkapasok at pagkapasok namin sa kwarto niya at mabilis ko siyang inihiga sa


kaniyang kama at hinubad ang kaniyang damit upang
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

To be continued

.
.
.
.
.
.

Biro lang, hinubad ko ang damit niya upang makita ang kaniyang katawan ay este
sugat, nang mapadako ang tingin ko sa may tiyan niya ay may anim na perpektong
pandesal ang nakalagay doon.

Pahinging palaman! Hooo.

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko, kailangan ko pang gamutin ang sugat niya sa
tagiliran, siguro nakuha niya ito nang ibalibag siya ng sorceress kanina.

Lumabas muna ako ng kwarto niya at naghanap ng mga paunang lunas, may nakita akong
isang rolyo ng benda, bulak at isang pulang likido na sa tingin ko'y kahalintulad
ng alcohol sa Greiko, nagdala narin ako ng mainit na tubig at bimpo panglinis ng
katawan niya, hihihi

Pagkapasok ko ay tulog parin si labanos, malaya ko tuloy'ng napagmamasdan ang


kaniyang perpektong katawan,

Damn, what am I thinking? Nagiging green na ako ng slight.

Umupo na ako sa gilid ng malambot niyang kama at sinimulang linisin ang kaniyang
sugat. Nang lagyan ko ng pulang likido ang sugat niya ay napadaing ito kahit na
mahimbing ang pagkakatulog niya.

Kaya hindi ko na diniinan, dinahan-dahan ko nalang dahil mukhang nasasaktan siya sa


ginagawa ko eh.

Matapos kong linisan ang sugat niya ay nilagyan ko na ito ng benda, sinunod kong
nilinisan ang katawan niya, nang dumampi ang balat ko sa balat niya ay parang
nakuryente ako.

I felt something, tila nag-iinit ang aking katawan sa kabila ng napakalamig na


temperatura ng kwartong ito,

I shook my head at pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis sa katawan niya, matapos


nun ay nakita kong madumi pala ang suot niyang pantalon.

Mas lalo akong nag-init dahil dun, damn... What should I do?

Kinuha ako ang kumot niya at kinumutan ko siya, dahan-dahan kong hinawakan ang ano
niya
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang sinturon niya at kinalas ito, binaba ko na ang zipper niya bago ko hinubad ang
kaniyang pantalon, sobrang init na ng mukha ko at pinagpapawisan na ako ng malamig.

Nakahinga ako ng maluwag nang masuotan ko na siya ng cotton shorts, dahan-dahan ko


rin siyang sinuotan ng damit.

Nang matapos na ako ay aalis na sana ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay
ko dahilan upang mapaupo akong muli.

"Damn Yukiko, sana pinag samantalahan mo nalang ako" ang macho pakinggan ng boses
niya.

"Lab---Jack, a-aalis na a-ako" hindi ko magawang magsalita ng matuwid dahil sa


sobrang hiya na nararamdaman ko.

Damn! Kanina pa pala siya gising pero hinayaan niya lang akong gawin sa kaniya ang
mga bagay na yun, peste ka talagang labanos ka!

"Yukiko" halos manginig ang mga kalamnan ko nang haplusin niya ang pisngi ko. I
looked at him,

Ngumiti ito ng pagkalapad lapad dahilan upang magwala ang mga dragon ko sa tiyan.

"Sleep with me tonight, please?" Oh my paano ako makakatanggi nito? His puppy eyes,
ugh!

"Please, Yukiko?" Argh, his voice it's so hard to resist.

I don't know what to do, help me guys please?


"AHH!" napasigaw ako nang bigla niya akong buhatin at itinabi sa kaniya, niyakap
niya ako patalikod ng pagkahigpit-higpit, hindi niya ba alam na baka lumala ang
sugat niya?

"Thanks you for taking care of me Yukiko" he said as he kissed my


.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Boobs, joke!
He said as he kissed by forehead.

Mukhang mahihirapan akong matulog ngayon dahil sa mga bagay bagay na gumugulo sa
akin,

Una, dahil sa gwapong nilalang na nasa tabi ko, at ang pangalawa ay ang mga
katanungan uulan sa akin bukas na bukas galing kina Anna at Zyline at sigurado
akong sesegunda pa sina Mav, Pao, at Audrey.

"Ssssh sleep now, Yukiko" Jack said as he pulled me closer to him, now I can feel
his warm breath on my neck.

Damn Jack, please let me sleep!

***

A/N: Ano okay lang? Epilogue na ang susunod, haha joke. Lemme know your
reactions :*

~ n a u g h t y j a c k y y ~

JACK'S SECRET

What's with the title? wala lang. haha. Pero seriously, magtatanong ako okay>
~~Kung maipupublish ang AROTAP, bibili ba kayo? comment down :*

Chapter Twenty-One

[YUKI]

Maaga akong gumising kahit na hindi naman talaga ako nakatulog, alam niyo na kung
bakit. Iniwan ko na ang mahimbing na natutulog na si Jack dahil magtra-training na
ako ngayon, determinado akong matuto dahil nakasalalay sa akin ang kaligtasan ng
lahat.

Mabilis akong pumuslit sa aking kwarto upang maligo at kumain, pagkatapos ay


pumunta na ako nh Paradus Academy upang magtraining.

Dinala ko narin si Kiyu dahil kailangan rin siyang sanayin dahil isa siya sa mga
guardian ko sabi ni Lola.

Napansin kong wala na sila Zy at Anna kanina sa Quarter siguro nagsasanay narin ang
mga yun dahil nga sa pursigido silang mapalabas ang guardians nila at matalo si
Jack sa pustahan. Speaking of Jack, damn! Nevermind.

----

Naglalakad na ako ngayon papuntang Opisina ni Headmaster, doon kasi napagpasiyahan


ni lola ang meeting place namin. Nakita ko namang lahat ng estudyante ay abala.
Lahat nagsasanay sa open field, ang iba naman sa Battle Arena.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng opisina ni headmaster ay kumatok muna ako
ng tatlong beses saka pumasok.

"Goodmorning po sa inyo!" Masayang bati ko kina Lola at headmaster.

"Goodmorning iha" bati rin ni lola pero walang imik si headmaster.

"Let's go, there's no time to waste" sabi ni Headmaster saka naglakad papunta sa
bookshelf at may tinulak siyang libro doon.

Napanganga ako nang unti-unti pumagilid ang bookshelf at bumungad sa amin ang isang
hagdanan pababa. Totoo pala ang mga ganitong bagay? Wow.

"Tara na iha" sabi ni lola at naglakad na pababa sa hagdanan.

Sumunod na ako sa kanila, kada hakbang namin ay may umiilaw na sulo kung kaya't
naging maliwanag ang daan.

Nakarating kami sa isang underground Arena. Napakalawak nito at walang ibang


makikita rito kundi ang semento at kisame.

Huminto kami sa gitna at napansin kong umalis si headmaster at iniwan niya kami ni
Lola sa gitna with Kiyu.

"Sige simulan na natin" sabi ni lola sabag kuha kay Kiyu.

"Paano po lola?"

"Pakiramdaman mo ang enerhiyang dumadaloy sa katawan mo at unti-unti mo itong


ipunin sa mga palad mo" paliwanag nito.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang enerhiyang sinasabi ni Lola. Naramdaman ko ang


isang mainit na sensasiyong dumadaloy sa katawan ko. Sinubukan kong ipunin ito sa
kamay ko. Ilang sandali pa ay naramdaman kong may namumuong bola sa mga palad ko.

"Tagumpay apo" puri ni lola.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang dalawang fireball sa mga palad ko.

"Siguro apoy ang una mong nakontrol na kapangyarihan kaya iyan din ang lumabas.
Sige magsimula na tayo" sabi ni lola at binalutan siya ng nakakasilaw na liwanag.

Nang humupa ito ay naging isang teenager narin siya. Nilagay niya muna sa gilid si
Kiyu at binalutan ng Barrier.
"Mahirap na't baka magalit pa iyang guardian mo! Hehe" natatawang sabi ni lola.

Magalit, anong ibig niyang sabihin?

"Bakit po kayo nagtransform bilang isang teenager?"

"Siyempre para patas tayo no!" Sabi nito kaya napangisi ako.

"Ay! Bago pala tayo maglaban tuturuan muna kita ng mga basic techniques and attacks
gamit ang apoy" sabi nito at tumago naman ako.

Una kong ginawa ang fireballs at madali ko lang itong nagawa. Sunod naman ang
fireblades at fire spikes.

"Sige simulan na natin!" Sabi ni lola sa tumalon ito sa ere at pinaulanan ako ng
fireballs.

Iniwasan ko naman ito, pero di pwedeng iwas lang ako ng iwas no! Tinira ko rin siya
ng Fire Blades.

"Ahhh!" Sigaw ko nang matamaan ako sa gilid ko, nakita kong nalapnos ito, ang kutis
kong mala diyosa!

Pero hindi pa nakuntento si lola at tinira pa niya ako ng fire spikes at dahil sa
tama ko sa gilid ay di ko nagawang makatayo.

"Ahhh!" Sigaw ko then a dragon made of fire appeared. Prinotektahan ako nito.

Ikinumpas ko naman ang kamay ko na tila kinokontrol ang galaw ng dragon at sumugod
ang fire dragon ko kay lola. Sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon na abala pa
siya. Gumawa ako ng fireball na may fire spikes para tuloy itong fire urchins hehe.
Magandang name ito sa technique ko.

Tinira ko siya ng fire urchins at di siya nakaiwas pa.

"Ahhh!" daing nito nang matamaan siya sa braso at binti. Sinugod siya ng Fire
dragon ko at nilamon.

Akala ko tapos na, pero bigla nalang sumabog ang fire dragon ko at napakaraming
water blades ang lumabas.

Tinira ko naman ang mga ito ng fireballs at lumikha ito ng mga pagsabog.

Lumabas si lola suot yung Armor niya at yung wand niya ay naging isang baston.

"Mahusay kana apo, pero kulang pa iyan!" Sabi ni lola at binalot siya ng
napakaraming tubig.

Gumawa naman ako ng isang malaking fireball. Mukhang alam ko na ang patutunguhan
nito. Kagaya ito ng ginawa niya kay Minerva.

She released her water wave at sinangga ko naman ito sa pamamagitan ng paggawa ng
firewall.

Tinira ko naman si lola ng Fireball, napansin naman niya ito. Kinumpas niya ang
baston niya at may naboung isang water dragon. Nagsangkaan ang mga pwersa namin at
lumikha ito ng napakalakas na pagsabog.
Nabalot ng hamog ang Arena ngunit di ito nagtagal at nagtipon ito sa isang lugar at
nabuo bilang isang malaking airball. Hmm this technique is very similar to what she
did to Minerva yesterday.

Hinanda ko naman ang sarili ko at gumawa ako ng napakaraming fire blades .

Umulan ng napakaraming airblades patungo sa direksiyon ko kaya nirelease ko na ang


mga fire blades ko upang kontrahin ang atake ni lola.

Hindi ko namalayan ang isang airblades kung kayat natamaan ako sa braso.

"Ahhh!" daing ko dahil ang hapdi nito.

Sinundan ito ng isang fireball at natamaan ako sa tiyan. Tumilapon ako ng halos
anim na metro.

Parang nagkadurog-durog ang buto ko dahil dun. Nang tatayo na sana ako ay
nagulantang ako sa napakaraming air spikes sa nakatutok sa akin.

"Talo kana" sabi ni lola at bumulusok ang mga air spikes sa direksiyon ko.

"Ahh!" Sigaw ko at lumabas ang pakpak ko.

Prinotektahan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsara ng mga pakpak ko paharap.


Oh yes, saved by the wings.

Nakaramdam ako ng napakalamig na enerhiyang dumadaloy sa katawan ko kaya tinipon ko


ito sa mga palad ko. Pagtingin ko, isang iceball ang nagawa ko.

Another element?

Pagkabuka ng pakpak ko ay kasabay nun ang pagbato ko ng naipong ice ball sa kamay
ko sa direksiyon ni lola.

Di niya inasahan ang atake ko at natamaan ito sa tiyan.

"Ugh!" Daing nito nang tumama ang kanyang likod sa pader ng arena.

tumayo si lola ng parang wala lang sa kanya ang atake ko. Kinumpas niya ang baston
niya at may nabuong limang water dragons.

Oh my! Seryoso siya.

"Tapos kana apo!" Sigaw ni lola at sumugod ang limang dragon papunta sa direksiyon
ko.

Tinipon ko lahat ng enerhiya sa palad ko at pinakawalan ito. Ngunit imbis na tumama


ito kay lola ay bumalik ito sa akin.

Naramdaman kong lumamig ang buo kong katawan maging ang pakpak ko.

[ Magrett ]

Akala ko papunta sa akin ang ice energy blast ni Yuki pero nagkamali ako. Bago
paman makaabot sa kanya ang Water Dragons ko ay nagyelo na ang mga ito.

Kahanga-hanga ang kanyang nagawa. Siya pa lamang maliban kay Lucas ang nagawang
makamit ang Fundiere Form na tanging itinakda lang ang makakagawa.
***

To be continue...

Chapter Twenty-Two

[ Magrett ]

So ito pala ang kapangyarihan ng isang itinakda, si Yuki ay nakamit ang Fundiere
ICE form niya.

Her wings is now made of ice. She can be more powerful if she will learn how to
control her wings properly.

Lumipad siya paitaas at nagsimulang paulanan ako ng Ice spikes. Gumawa naman ako ng
water barrier upang salagin ang atake niya.

But unfortunately, my barrier turned into Ice.

I made a three headed water dragon. Pinasugod ko ito sa kanya ngunit ibinuka niya
ang mga pakpak niya at napakaraming ice feathers and sumalubong sa three headed
dragon ko.

She managed to control and use her wings ng walang kahirap-hirap.

Hindi pa siya nakontento at gumawa pa siya ng Ice sword. Lumipad ito papunta sa
three-headed dragon ko, pointing her sword towards it.

Para siyang isang palaso na tumama sa dragon ko. My dragon turned into an Ice,
nagpaikot-ikot pa siya sa ere at saka nagpakawala ng napakaraming ice blades na
pumino sa frozen dragon ko.

[ YUKI ]

WOAHH! This is amazing! Haha hindi ko alam kung anong tawag sa form kong ito pero
it's cool! Nakaya kong talunin ang mga atake ni lola.

Napansin kong di siya gumagalaw kung kaya't sinugod ko ito . I shoot her with my
Ice Spikes pero naiwasan niya ito.

Nagpakawala siya ng napakaraming tubig. Tinawag niya narin ang water guardian
niyang si Freah.

Umilaw ang katawan ni Freah at may lumabas din napakaraming tubig sa likuran nito.
Kaya naging alerto ako, dahil pursigido talaga si lola na talunin ako. Di ko
akalaing tatagal ako ng ganito sa laban ko.

Sabay sila ni Freah na umatake kaya parang isang napakalaking tsunami ang papunta
sa direksiyon ko.

Tinira ko ito ng ice blades ngunit walang epekto. Inipon ko lahat ng enerhiya ko sa
isang kamay ko at may nabubuong isang sky blue na liwanag.

Nang matantiya kong sapat na ito ay pinakawalan ko na ito. Para itong isang bala sa
bilis at lahat ng madaanan nito ay nagyeyelo. Nang matamaan nito ang tsunami nila
lola at Freah ay sandali itong nagyelo ngunit natunaw agad.
Wala na akong nagawa nang lamunin ako ng tsunami. Halos di na ako makahinga. Akala
ko mamamatay na ako ngunit may isang malakas na pwersa ang kumawala sa katawan ko.

HANGIN. Pinapalibutan ako ng hangin. Umiikot ito sa buo kong katawan kung kayat
nadadala nito ang tubig. Kinontrol ko ang water tornado na nabuo sa pamamagitan ng
pag-ikot ng hangin sa buong katawan ko.

Hindi inasahan nila Lola ang atake ko kaya hindi sila nakapaghanda.

Nalamon sila ng water tornado at nagpaikot-ikot.

Kinumpas ni Lola ang baston niya at nawala ang tubig kung kaya't nakawala siya sa
ginawa kong atake. Napansin kong wala na ang guardian niya siguro di na niya
nagawang ma withstand ang atake ko.

"You're improving fast Yuki.! Haha akalain mong napalabas mo ang Apoy, Hangin at
Yelo sa isang practise lang!" Natutuwang sabi ni lola.

"Thanks lola, hehe di ko ito magagawa kung wala ka!" Sabi ko rito.

"Sige let's continue!" Sabi ni lola saka sinugod ako ulit.

Nagpakawala naman ako ng napakaraming Air, Fire and Ice blades ngunit nakapag cast
siya ng Barrier spell. Hindi ko siya tinigilan patuloy lang ako sa pagtira,
napansin kong nagkakalamat na ang barrier ni lola kaya I made a fire phoenix, air
dragon and Ice Cobra. Kinumpas ko ang kamay ko at sumugod ng sabay-sabay ang mga
ito.

Hindi na kinaya ng barrier ni Lola ang mga atake ko at tuluyan na itong nawasak.

Siya naman ngayon ang sinugod ng mga ito. Iwas lang siya nang iwas hanggang sa
makagat siya ng air dragon ko at ibinalibag ito. Tumama ito sa sementadong ground
at napahiyaw sa sakit.

Naawa naman ako kay lola kaya pinaglaho ko na ang air dragon, fire phoenix at Ice
cobra ko.Agad ko itong nilapitan.

"Lola, ayos ka lang po ba?"

"Yes I'm okay. Hehe ang dali mo lang matuto Yuki. Kahit hindi ko tinuro ang ilan sa
mga iyon ay nagawa mo parin. Siguro natural nalang para sayo ang mga iyon" puri ni
lola at nginitian ako.

"Ano ka ba lola, ang laki nga ng naitulong mo eh! Without you baka di ko rin nagawa
ang mga iyon!" Sabi ko.

Napansin kong sira-sira na ang armor niya at may ilang lapnos at sugat din siya sa
katawan.

Itinapat ko ang kamay ko sa kanya at inisip na mapagaling siya. I casted a spell


similar to the spell I casted nung battle namin with Jane, ngunit tila mas madali
na ito, maraming mga salita ang umiikot sa utak ko na hindi ko maintindihan.

Nagliwanag ang katawan ni lola at unti-unti nang nawala ang mga sugat at lapnos
nito sa katawan. Sana ginawa ko rin ito kay Labanos kagabi, bakit nga ba hindi ko
iyon naisip? Tss.

Napansin kong hindi pa nauubos ang lakas at kapangyarihan ko kaya nagtaka ako.
"Lola bakit po ba hindi nauubos ang lakas at kapangyarihan ko?" Takang tanong ko
rito.

"Ahh, dahil iyon sa kadahilanang konektado ang Alzora sa iyo apo," paliwanag nito.

"What do you mean lola?"

"Hanggang sa nariyan ang Alzorian Core, walang limitasiyon ang lakas at


kapangyarihan mo" sagot nito.

"Ah, kaya pala. Matagal ko na kasing napapansin na hindi nauubos ang Magoi ko"

"Ingatan at alagaan mo ang Alzorian Core Apo dahil pag nawala na ito, unti-unting
masisira ang Alzora at ang balanse ng dalawang mundo, pati ikaw ingatan mo rin ang
sarili mo dahil kung mamamatay ka maghihintay pa ng ilang taon bago may mapiling
itinakda.

"Anong ibig niyong sabihin lola?"

"Magbubukas ang mga portal sa pagitan ng dalawang mundo at malayang makakalabas-


masok ang mga Alzorian, kahit na mga halimaw sa mundo ng mga tao."

"Sige lola, makakaasa ka po, pero hindi po ba talaga ako mamatay ?"

"Mamamatay ka apo, kaya mag-ingat ka. Dahil tanging ang itinakdang tagapangalaga ng
Dark Core which is si Lucas lang ang makakapatay sa iyo."

"Po ? Dark Core?"

"Oo, ito ang kalahating bahagi ng Alzorian Core na hiniwalay rito. Dahil isa itong
mapanganib na Core. Kumbaga, ang Alzorian ang mabuti habang ang Dark ang masama,
hindi maaaring pagsamahin dahil magbabanggaan ang dalawang pwersa na maaaring
makasira sa mundong ito maging ng Greiko"

"Ahh, makakaya ko kaya siya lola?"

"Oo naman! Magsanay ka lang ng magsanay, upang mapalabas mo ang mga guardians mo at
matawag mo ang pinakamalaks mong guardian"

"Opo lola, pero timeout na po tayo dahil sa tingin ko hapon na. Wala pa tayong
kain. Haha!" Sabi ko at nagtawan kami.

Now I need to train hard! Dahil sa alam ko na kung sino ang makakalaban ko,
kailangan kong ihanda ang sarili ko.

Sino ka ba talaga Lucas? Ang alam ko , ikaw ang sumira ng buhay ko! Ikaw ang
dahilan kung bakit ako ulila at naglaho ang mga Arankar!

Ipaghihiganti ko sila!

***

A/N: Ano na? Tatapusin ko na ba ito? Haha.

~ n a u g h t y j a c k y y ~
Chapter Twenty-Three

[ YUKI ]

Grabe! I can't believe it, it's almost four days na puspusang training ang ginagawa
ng mga estudyante. Lalo na AKO! Grabe kung atakihin at labanan ako ni lola parang
gusto niya akong patayin. Ang totoo, galit ba siya saken? Pero it's a big help
naman. Kasi dahil sa tuwing nasa bingit ako ng kamatayan ay lumalabas ang
kapangyarihan kong taglay. Wow! Ang lalim nun ah! Haha.

Apat na araw na pagsasanay lang pero natutunan ko nang gamitin ang elemento ng
apoy, hangin, tubig, yelo, mga halaman at lupa pero mas hiyang ako sa apoy. Oh
diba? Ang galing ko na! Haha. Pero di ko na muling nagawa yung Fundiere Form
(sinabi saken ni lola, yun daw ang tawag sa transformation ko) I don't know kung
bakit ko nga nagawa yun eh! At dahil pagod na pagod na pagod na talaga si lola
dahil halos araw-araw siya gumagamit ng napakaraming Magoi ay nagpahinga muna siya
at si Headmaster lang naman ang magsasanay sa akin. Pinayuhan nga ako ni lola na
'Huwag ka lang mamatay, mabubuhay ka!' Oh diba? Siya na talaga ang dabest lola in
the world kahit di ko pa siya kadugo.

And yung about sa training ni Kiyu? Ayun sumuko na si Lola dahil tinutulugan lang
siya ng alaga ko. Kaya ayun, napagdesisyunan kong iwan nalang siya sa Quarter.
Hindi ko narin nahahagilap ang labanos na iyo, siguro abala rin sa pagsasanay.

Kasalukuyan akong naririto sa underground Arena with headmaster, note that! Kaming
dalawa lang. Binigyan niya ako ng espada dahil we will gonna have a sword to sword
battle. Di naman ako kinabahan dahil ya know.. magaling na ako sa sword handling,
tinuruan kaya ako ni Sir Manuel.

"Are you ready Yuki?"

"Kanina pa po headmaster"

"Just make sure na ibubuhos mo ang buong lakas at galing mo sa labang ito dahil di
ako magpapakita ng kahit na anong awa sayo, Yuki. Dahil kung sa tunay na labanan,
malingat ka lang ng kaunti, maaari kanang mapatay ng kalaban."

Tumango lang ako at nagsimula ng iposisyon ang sarili..

THIRD PERSONS POV

Kapwa pinosisyon nila Yuki at Mathew ang kanilang mga sarili't sandata. Naunang
umatake si Mathew, tumakbo ito ng mabilis patungo kay Yuki ay iwinasiwas niya ang
espada. Sinangka naman ito ni Yuki ngunit nahihirapan siya dahil sa lakas ng impact
ng bawat wasiwas ni Mathew ng kanyang espada.

Tumalon palayo si Yuki kay Mathew. At siya naman ang tumakbo papunta sa
kinaroroonan ni Mathew upang umatake. Nakatutok ng direkta sa katawan ni Mathew ang
espada nito kung kaya't nahirapang salagin ito ng headmaster. Tumalon ito sa ere at
iwinasiwas ang espada. Nagulat si Yuki nang umapoy ang buong espada ng
headmaster...

[ YUKI ]

Nagulat ako sa pag-apoy ng espada ni headmaster, nang makalapag siya ay agad niya
akong tinira ng isang fire blade na nagmula sa espada niya. Umiwas ako ngunit
nadaplisan ako nito sa kanang braso. Ang sakit! Shit.. nasugatan na nga napaso pa!

Gumawa naman ako ng Air spikes at pinatama sa kanya.. ngunit hiniwa lang niya ito
gamit ang kanyang Flaming Sword.

Huminto muna ito saglit at kumunot ang noo.

"Don't use that kind of Attack miss Amina! it's a sword to sword battle!" Inis na
wika nito.

"Ehh?? bakit mo po ako tinira ng fire blades??"

"Saan ba nagmula ang fireblades ko?!"

"Uhmm, sa espada niyo po"

"Oo nga sa espada ko. Sword to sword battle nga ito at wala akong sinabing bawal
gumamit ng kapangyarihan. BASTA GALING SA ESPADA!"

"Eh? it's unfair headmaster! Slayer ka! Nature mo na ang gumamit ng kapangyarihan
galing sa espada mo, tsaka you can cast spells too dahil half caster ka rin""

"You're the guardian of the Alzorian Core kaya you must learn how to do it! Tsaka
nagawa mo na ito dati.. Remember?"

Tumango nalang ako. Hayy paano ko ba ito gagawin ?? Hmmm pano ko nga ginawa iyon?
Paano?!
Ang unfair naman kaai ng laban eh, sanay na sanay na si headmaster pero ako??
Haaayyyyy. Ang saklap!
bumalik ako sa realidad nang bigla akong tinira ni headmaster ng fire ball at dahil
sa katangahan ko, natamaan ako sa tiyan at tumilapon ng mga limang metro. Shit! Ang
sakit talaga ng mga atake ni headmaster. Mabuti nalang at naghihilom agad ang mga
sugat ko.

Tumalon ito sa ere saka iwinasiwas ang espada niya.. napakaraming fire slicers ang
tinira niya papunta sa akin. Kaya iwas lang ako ng iwas ang iba ay hinihiwa ko
gamit tong espadang hawak ko.

I need to think! I need to focus! Gumawa muna ako ng barrier upang magkaroon ako ng
panahon na gawin yung ginawa ko last time, yung isinalin ko ang kapangyarihan ko sa
espada. Ipinikit ko ang mga mata ko. pinakiramdaman ko ang mga enerhiyang dumadaloy
sa katawan ko. Ramdam ko parin ang impact ng paghampas ni headmaster sa ginawa kong
barrier pero hindi ako tumigil. I need to FOCUS. Naramdaman ko ang mainit, malamig,
presko, at iba pa na sumisimbolo sa mga elementong dumadaloy sa ugat ko. Ngunit may
isang di pamilyar na sensasiyon akong naramdaman.. isang sensasiyong parang may
mahihinang kuryente na dumadaloy sa ugat ko! Napangiti ako. Sa wakas, natuklasan ko
narin ang pang-huling elemento. Ang elemento ng KIDLAT.

Itinuon ko rito ang atensiyon at focus ko. Pinadaloy sa mga kamay kong may hawak ng
espada ang kuryenteng nagmumula sa katawan ko. Pilit ko itong isinasalin sa espada
ko. Hanggang sa naramdaman kong parang konektado na ang katawan ko sa espadang
hawak ko. It was like, we were connected through my power.

Nakita ko namang napangiti si Headmaster at tiningnang mabuti ang espada ko.


Tiningnan ko rin ito at may markings na ito ng mga hibla ng kidlat. Naramdaman ko
ang malakas na enerhiyang dumadaloy sa katawan ko patungo sa espada.

"This will be a great time for me to practise and train myself. Kinakalawang narin
kasi ako! Haha" sabi ni headmaster at sinugod ako.

Nagsalpukan ang aming mga espada. Rinig na rinig ko ang tunog ng metal sa tuwing
magtatama ang mga ito.
Hinampas ko siya ng buong pwersa ngunit nasalag niya ito pero napaatras siya ng
kaunti. Napangisi ako. Hinampas ko siya ulit ,pero napigilan na niya ako.

Nagsukatan kami ng lakas habang nanatiling magkadikit ang aming espada. Ang kanyang
flaming sword ay mas lalong lumagablab. Di naman ako nagpahuli, dinagdagan ko ang
enerhiyang dumadaloy saken patungo sa espada ko. Dahil dun, nagsimula naring
lumabas ang mga hibla ng kidlat mula sa espada ko.

Pinapalakas niya ang apoy niya, ganun din ang ginagawa ko. Hanggang sa lumikha ito
ng malakas na pagsabog. Tumilapon kami palayo sa isa't-isa. Di pa ako nakakalapag
ay may bumulusok ng Fire ball sa direksiyon ko kaya habang nasa ere ako ay
nagpaikot-ikot ako at hiniwa ang fire ball, ngunit dahil sa hindi ko pa masyadong
kontrolado ay imbis na hiwain ko lang ang fireball ay nakagawa ako ng napakalaking
lightning blades at bumulusok ito sa direksiyon ni headmaster.

He tried to counter my attack but it was too powerful. Nakuryente ito at napahiyaw
sa sakit. Sinamantala ko naman ito ay nagpakawala ako ng napakaraming lightning
bolts sa direksiyon niya.

He screamed in pain but still managed to throw a huge fire ball in my direction.
Nasalag ko naman ito nang salubungin ko ito ng electric blast..

Lumikha ito ng malakas na pagsabog at nabalot ng alikabog ang underground arena.


Napaubo nalang ako. Nang mawala ang alikabok ay bumungad sa akin si headmaster na
punit-punit ang damit at lantad na ang kanyang... shheeet! ABS!! Yuki behave
magbigay galang ka, kahit ang katawan niyan ay teenager, matanders nayan!

Linapitan ko ito, at bakas ang maraming sugat sa katawan nito.

"Ayos lang ho ba kayo?"

"tss. Tanga ka ba Yuki? Ang dami kong sugat oh. HEAL ME!"

Napakamot nalang ako sa ulo at pinagaling siya. Nang matapos ako ay tumayo na ito
ng parang walang nangyari.

"That was a good fight, Yuki. Now better take a rest until tomorrow. We will resume
our training a day after tomorow"

"Okay po. Thank you po sa pagtre-train niyo sakin!"

"No, it's my pleasure to train an Arankar, the chosen guardian of the Alzorian
core"

Matapos niya sabihin iyon ay naglakad na ito palabas ng arena pero ako? Nagpaiwan
ako upang sanayin ang aking kakayahan at BAGONG TUKLAS na kapangyarihan.

I'm sure lola and headmaster will be surprised pag nakita nila ang improvement ko.
Di kasi nila alam na sikreto akong nagsasanay.. MAG-ISA.

***

A/N: Congrats in advane sa gragraduate, mag cocompletion at magtatapos ng may


karangalan! I'm so proud of you my dear readers!

~ n a u g h t y j a c k y y ~
Chapter Twenty-Four

[ YUKI ]

Parang ang bilis ng isang araw. Halos wala akong ginawa kundi ang humiga,
makipaglaro kay Kiyu, humiga, kumain at higa ulit. Wala naman akong makausap dahil
kapwa abala ang mga kaibigan ko sa kani-kanilang pagsasanay. Kaya ang natripan ko
ay kinabisado ko ang mga primary Arankar spells. Haha I'm sure masusurpresa sina
Anna sa susunod na araw. Sa araw ng Ranking Battle.

Malalim na ang gabi ngunit di parin umuuwi sila Anna. Natapos narin akong kumain at
manghilamos. At dahil pagod ako, ay napagpasiyahan ko ng matulog na maaga. Dahil
sigurado bukas, puspusang training na naman ang kahaharapin ko.

---------

KINAUMAGAHAN

Nagising ako sa nakakasilaw na sinag ng araw. Makatulog nga ulit, wala naman akong
gagawin eh, it's saturday. Monday pa ang Ranking Battle. Wait.. what?! Oh my gosh!
May training pala ako ngayon. Huling training na.. nalate pa ako. Hindi na ako nag-
almusal, tutal di naman ako nauubusan ng enerhiya eh. Wala naring oras para pumunta
pa ako sa terminal ng mga flaschen. Iniwan ko si Kiyu sa bahay, tutal sanay na
naman siyang maiwang mag-isa. (A/N: Oo parang ako lang, sanay ng iniiwang mag-isa
at ginagawang tanga) Wow! Ang lalim ng hugot ni Mr. J

Kung kaya't I've decided to use my MIND. I focused my self, at pinalabas ko ang mga
pakpak ko. Hayy ang dami ko ng sirang damit! I slowly flapped my wings hanggang sa
unti-unti na akong umaangat sa ere. Nang matantiya ko na ang taas ng niliparan ko.
Huminga ako ng malalim saka humugot ng lakas. I flapped my wings as fast as i
could. Para tuloy akong isang bulalakaw sa tulin ng lipad ko.

Nang makarating ako sa Paradus Academy ay nagmadali agad akong pumunta sa


underground Arena. Nang mapadaan ako sa opisina ni headmaster wala na siya, ganun
din si lola. Nagmadali akong bumaba at nadatnan kong nakakunot ang noo ni
headmaster habang si lola namang ay nakapameywang habang marahang tinatapik ang
ground gamit ang paa niya. Napalunok ako dahil sigurado akong naghintay sila mg
matagal.

"Mukhang na-enjoy mo yata ang isang araw na pahinga Yuki at gusto mo pang mag-
extend?" Sarkastikong sabi ni Headmaster kaya napayuko ako.

"Oy! Tama na iyan anak, sige na apo, magsanay na tayo. Ihanda mo ang sarili mo ha?
Hehe baka magkalasog-lasog yan mamaya." Sabi ni lola at sabay ngiti sa akin, ng
nakakakilabot!

Muli, napalunok na naman ako. Mukhang sa training nila ibubuhos ang pagkainis nila
sa akin dahil sa late na akong nakapunta! Patay ako nito!

"Cge na apo, magsimula na tayong tatlo"

"Po? Sabay po tayong tatlo la?"

"Yes, may problema ba dun Yuki? Or takot kalang?" mapang-asar na sabi ni


headmaster.

"Hindi po no! Di ako natatakot! Ha-ha!" Pilit kong tawa, patay ako nito.
"Kaya namin napagpasiyahang magsabay ng pagsasanay sayo ay dahil ito sa
kadahilanang gusto naming makita ang improvement mo.. We want to know and see kung
kaya mo na bang labanan ang higit sa isang kalaban" paliwanag ni lola.

"Ahh.. ganun po ba? Sige ho. Magsimula na tayo! Excited na kasi akong maipalabas at
maipakita sa inyo ang lahat ng natutunan ko sa mga trainings natin!" Excited kong
sabi.

"O sige. Let's start!" Sabi ni Headmaster at tumalon na papuntang direksiyon ko.

Dahil sa pagkabigla ay natira ko siya ng electric blades. Nasangga naman niya ito
gamit ang isang fire ball.

Hindi ko namalayan ang atake ni lola sa akin kung kaya't natamaan ako sa likod.

"Ahcck!" Daing ko sa sakit. Dahil dun mas naging alerto at maingat ako. Ayoko nang
matamaan ng combined attacks niya no! Ang sakit kaya-- wait, combined attacks..
masakit.. mas malakas sa normal. Nagkaroon naman ako ng idea. Hmm this will be fun!

Tinira ako ni lola ng water spikes habang si headmaster naman ay tinira ako ng fire
blades. Nasa magkabilang direksiyon sila at napapagitnaan nila ako.

Kusang umikot sa katawan ko ang malakas na hangin. Kung kaya't naprotektahan ko ang
sarili ko. Pinalabas kong muli ang mga pakpak ko at lumipad sa ere, ngunit di
masyadong mataas dahil may kisame, remember? Nasa underground arena kami.

Bumuo ako ng isang maliit na ipo-ipo sa kanang kamay ko habang sa kaliwa ay Ice
spikes. Pinag-isa ko ang mga ito at ang resulta, isang ipo-ipong may umiikot na ice
spikes.

Ibinato ko ito sa ere at unti-unti ko itong pinalaki at pinalakas. Ikinumpas ko ang


kamay ko at pumunta sa direksiyon ni Headmaster ang Ice Spikes Tornado ko. Iniwasan
niya ito pero sinundan parin siya nito kung kaya't wala siya nagawa kundi ang
harapin at pigilan ito.

Hindi ko napansin ang pagkawala ni lola kung kaya't prinotektahan ko ang sarili ko
sa pamamagitan ng paggawa ng water bubble. Ngunit nasira ito agad ng hampasin ito
ni lola ng Baston niya. She's now wearing her "Sexy" Mage Armor.

Hinarap ko siya at tinira ko siya ng napakaraming air spikes ngunit napipigilan


niya ito. Napansin kong napkaraming fire spikes ang papunta sa direksiyon ko kaya't
tinira ko ang mga ito ng waterballs at lumikha ito ng mga pagsabog at nabalot ng
hamog ang Arena. Ginamit ko naman ang Hangin upang mawala ang hamog at doon
tumambad sa akin ang napakaraming fire, air at water spikes na nakatutok sa
direksiyon ko.

Napalunok ako,

I made an Air barrier, I released my Water Dragon at prinotektahan ako nito. Gumawa
rin ako ng isang Air tornado na umiikot palibot sa katawan ko. Bumulusok ang mga
nakapalibot na elemental spikes sa akin ngunit prinotektahan ako ng water dragon at
air tornado kung kaya't ito ang natamaan.

Muli sumabog na naman ang nagbanggaang mga atake namin. Nagpakawala ako ng Ice
spikes sa buong paligid kahit mahamog pa. Nakarinig ako ng mga nadudurog na yelo sa
kaliwang bahagi ko kung kaya't tinira ko iyon ng electric balls at nakarinig ako ng
malakas na paghiyaw ng babae. Natamaan si lola sa atake ko.

Mula sa ground ay pinasulpot ko ang napakaraming earth pins. Nakarinig naman ako ng
ingay ng metal sa bandang likuran ko kaya tinira ko iyon gamit ang air dragon ko. I
heard headmaster's scream. I'm sure napuruhan siya.

Nagpakawala pa ako ng napakaraming Ice, water, fire at Earth blades. Nakarinig ako
ng sunod-sunod na pagsabog sa magkaibang direksiyon.

Nang mawala ang hamog ay tumambad sa akin ang hingal na hingal na sina headmaster
at lola. Naaawa man ako pero pilit kong iwinaglit iyon. Dahil sabi ni lola, na
kapag nagtre-training kami, wag akong magpakita ng awa. Wag niyo naman akong pag-
isipan ng masama! Hehe. Mabuti kaya akong tao.

Napansin ko namang sumeryoso na ang mga mukha nila, binalot si lola ng elemento ng
tubig, hangin at apoy. Habang si headmaster naman ay mas nagliyab ang espada nito.

Napalunok ako. Oh my.. Ginalit ko ata sila..

Patay na talaga ako nito, TWO vs. ONE ? Oh common! I'm doomed.

***

Author's note: Sinong may problema sa pag-ibig? Pm niyo dadamayan ko kayo ;)


promise. Hehe

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Twenty-Five

[ YUKI ]

Napalunok ako dahil seryoso na sila lola at headmaster!

Napapalibutan na si lola ng elemento ng tubig, apoy, at hangin. Habang si


Headmaster ay napapalibutan ng apoy, at nagliliyab din ang espada nito! Oh my,
akalimutan kong caster-slayer pala si headmaster! All this time pinaglaruan lang
pala nila ako? Akala ko seryoso na sila noong mga nakaraang trainings namin.

Ngayon palang pala sila magseseryoso. Pinalibutan ko ang sarili ko ng elemento ng


kidlat, hangin, at apoy . Inipon ko sa mga palad ko ang pinaghalong tubig, yelo at
lupa, nakagawa ako ng Water-Ice Ball na may Earth spikes, habang may mga ugat ng
halaman namang pumapalibot sa akin.

Tinira ko sila lola ng ginawa kong atake. Naiwasan naman nila ito at biglang nawala
si headmaster. Gumawa agad ako ng Ice sword. Naramdaman ko ang presensiya niya sa
likod, kung kaya't umikot ako sa ere at sinalubong ang atake niya.

Nagbanggaan ang mga espada namin. Napansin ko namang aatake na si lola mula sa
likuran ko kung kaya't umikot ako, I spread my wings habang umiikot at lumikha ito
ng wind tornado. Ipinikit ko ang mga mata ko at ipinukos ang kapangyarihan ko sa
mga pakpak ko. I felt that my energy is now flowing in my wings. Pagmulat ko ng
mata ko ay nagliliyab na ang pakpak ko nagawa ko na ang Fundiere Fire Form ko.
Nagpaulan ako ng flaming feathers habang patuloy paring umiikot.

Sinangga ito nila lola. Gumawa siya ng water wall, habang si headmaster naman ay
gumawa ng fire balls. Sabog rito, sabog doon. Iyan ang tanging maririnig sa buong
underground arena.
Tumigil na ako sa pag-ikot at hinarap ko sila. Gumawa ako ng electric-fire balls at
pinaulanan sila lola. Lola made an air dragon, while headmaster made a fire cobra.
Ngunit hindi nito napigilan ang mga atake ko. Gumawa ako ng dalawang Electric-Water
Dragons at pinasugod ko ito sa kanila. Habang abala sila sa pagpigil sa mga dragons
ko ay gumawa ako ng napakaraming Air bombs na may fire blades sa loob.

Inihagis ko ito sa kanila at hindi na nila ito naiwasan. Natamaan silang dalawa at
nagkasugat-sugat dahil sa fire blades. Tumilapon sila sa pader at tumama ang likod
rito.

Dumaing sila sa sakit pero nakatayo parin sila. Alam kong hindi biro ang mga
kalaban ko, dahil si lola ang pinakamalakas na Caster habang si headmaster naman
ang pinakamalakas na Slayer.

Sabay silang sumugod sa akin sa magkaibang direksiyon, sinangga ko ang Fire dragon
ni lola gamit ang Water dragon ko, ngunit di ko naiwasan ang atake ni headmaster
kung kaya't natamaan ako sa likod. Nagkaroon ng hiwa ang likod ko ngunit gumaling
naman agad. But still it hurts!

Lola casted a spell then the whole arena is filled with fire, hindi naman mainit
kasi may elemento din ako ng apoy. But to my surprise, napakaraming fire blades ang
papunta sa direksiyon ko. Sinangga ko ang mga ito gamit ang air tornadoes ko.
Sumabog ito at dahil sa impact, tumilapon ako ng mga apat na metro ngunit bago pa
ako masubsob sa sahig ay lumipad na ako.

"Achhkk!!" daing ko ng bigla akong hampasin ni lola ng baston sa likod.

Bumulusok ako pababa ngunit tinira naman ako ni headmaster ng fireball kung kaya't
tumilapon ako pataas. Shit! Para tuloy akong pingpong ball nito. Nagpakawala ako ng
napakalakas ng lighting blast at sinundan ko pa ng ice spikes at air blades.

Halos masira ang buong arena sa ginawa kong atake, ngunit napigilan parin ito nila
lola.

Tumabi si headmaster kay lola at nadinig ko pa ang sinabi nito ' ma, shall we do
the fushion? ' . Tumango naman si lola.

Nakita kong ibinuka ni lola ang mga kamay niya at pumunta sa likod niya si
Headmaster. Lola is casting a spell pero di ko marinig. Unti-unting nababalot ng
apoy, tubig at hangin sila lola. Nakardam ako ng napakalakas na kapangyarihan kaya
inihanda ko ang sarili ko. I guarded myself using an Air-lightning tornado. Nasa
gitna ako nito.

"Tikman mo ang pinagsamang kapangyarihan namin ng aking ina!" Sigaw ni headmaster


bago niya iwinasiwas ang espada niya at isang nakakasilaw na liwanag ang papunta sa
direksiyon ko.

Isang malakas na pagsabog ang narinig ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

-----

Nagising ako dahil sa sari-saring boses na narinig ko.

Buhay pa kaya si Yuki?

Siyempre! Ikaw Mav ah nagiging bobo kana!

Sshhh! Tahimik nga, baka magising si Bff eh!


Minulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang nagbabangayang Mav at Anna.

"Guys! Ang ingay niyo!" Sabi ko rito.

Naagaw ko naman ang atensiyon nila at sabay silang napatingin sa akin.

"Salamat naman gising ka na!" Sabi ni Jack sabay yakap sa akin. Namula naman ako sa
ginawa niya.

"Uhm, Jack? O.A lang? Nahimatay lang si Bff kung makayakap wagas?" nanunuksong sabi
ni Zyline habang tinatapunan ako ng 'magkwento ka look'

Narealize naman ni Jack ang ginawa niya, kung kaya't kumawala ito sa yakap at
napansin kong namula ito kaya yumuko nalang ito.

"Ano ka ba naman Zyline, hindi mo ba nakikitang gusto rin ni Yuki ang yakap ni
Jack? Diba Yuki?'" Sabi ni Audrey at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko.

"H-ha? A-ano bang pi-pinag-sa-sabi m-mo A-Aud!" Nakayuko kong sabi dahil nag-init
ang mga pisngi ko.

"Ba't ka nauutal bruha? Hmmm gusto mo no?! Ayyiieh" ayan! Dumagdag pa si Anna.

"Uy jack! Bro.. ikaw ha duma-damubs kana ah!" Asar ni Pao kay Jack.

"Shut-up! Ma-mali kayo ng intindi!" Nakayukong sabi ni Jack, namumula rin ang tenga
nito.

"Uy pareho kayong nauutal ni Yuki bro! Haha M.U na kayo!" Nang-aasar ding sabi ni
Mav.

Kinantiyawan naman si Jack ng barkada, ay pati pala ako.

"Hoy! Wag niyo ngang inaasar si Jack!" Saway ko sa kanila.

"Ayiie pinagtatanggol, ikaw bff ha!" nang-aasar na wika ni Zy.

"Zy! Baka gusto mong sabihin ko kay Pao yu--- agamssbshabavg" di ko natuloy ang
sasabihin ko dahil tinakpan ni Zyline ang bibig ko.

"Ah hehe, shut-up na nga ako eh! Hehe behave napo ako!" Sabi ni Zy. Ayan, takot
pala eh!

"Anong sasabihin mo Yuki?" Interesadong tanong ni Pao.

"Hmm. Ano nga ba Zy?" nang-aasar kong tanong kay Zy. Pinanlakihan naman niya ako ng
mata.

"Ahh wala yun Pao hehe. Ikaw nalang ang umalam!" Sabi ko.

"Okay" - Pao

"Teka, guys, bakit pala ako andito?" Takang tanong ko.

"Ahh nahimatay ka raw, sabi ni Master Magrett." Sagot naman ni Anna.

"Ahhh okay" sagot ko. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nahimatay.
Ang natatandaan ko ay inatake ako nila lola, tapos ginamit nila ang Fusion tapos
isang nakakasilaw na liwanag ang patungo sa direksiyon ko, then isang malakas na
pagsabog ang narinig ko bago ako mahimatay.

Gosh! Natamaan ako ng Fusion nila lola't headmaster! Shit bakit ngayon ko lang
narealize??

"Hoy! Tulaley ka jan?" Tanong ni Aud.

Napabalik naman ako sa realidad dahil sa tanong ni Aud.

"Ahh oo, may naalala lang ako!"

"Sigurado ka Bff?" - Zy

"Yeah, naalala ko lang ang pustahan." Pagsisinungaling ko.

"Ay oo nga! Buti nabanggit mo!" - Anna.

" Excited na akong makitang magsuot ng Maid's uniform si Jack! Hihi" - Zy

"Haha kami din" segunda nila Anna, Mav, Pao at Audrey.

"Huh! Kung matatalo ako! Malakas na ako ngayon. Sobra. Si Papa kasi ang kasama kong
nagsanay!" - Jack.

"Oh my gosh! Ang hangin naman! Baka liparin ako help me!" Sarcastic kong sabi.

"Tara na nga mukhang okay kana naman Yuki. Uwi na tayo ng Quarter" - Zy.

Umalis na kami ng Clinic at umuwi na ng Quarter. Gabi na pala, Hayyyy.

Hanggang ngayon di parin maalis sa isip ko ang panghuling atake nila lola at
headmaster. It was so powerful!

I guess that's the Mother and Son's power, now I need to train harder. Kailangan
kong maging malakas upang maprotektahan ko ang mga kaibigan at mga mahal ko sa
buhay.

***

A/N: Mag-ingay kayo! Five chapters in one dat? Not bad. No exact date for the next
UD

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Twenty-Six

[ YUKI ]

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng dalawa kong kasama, isabay mo pa ang pagdila
ni Kiyu sa mukha ko.

"Ano ba? Ba't ang ingay niyo Zy, Anna?!"

"Eh kasi naman po, OPENING NGAYON NG RANKING BATTLE!!" Pasigaw na sabi ni Anna.
"Ahh yun nam--- what?!!"

"Yeah so better make bihis na okay? Sasabay na kasi tayo kina Audrey" sabi ni Zy.

Kaya ayun, nagmadali akong pumunta ng banyo upang maligo. Matapos ang ilang minuto
ay natapos na din ako.

Nagsuot lang ako ng backless dress. Haha ang daring ko masyado. It is a 3 inches
above the knee backless black dress na may outline na white. Pinarisan ko ito ng
black boots.

Paglabas ko ng Kwarto ay literal na napanganga sila Zy at Anna.

"O-M ! Bff ikaw ba iyan??! " gulat na tanong ni Zyline habang nakatingin sa akin.

"Yeah, oo nga.. himala at nagsuot ka ng ganyang damit! But you're stunning!" Puri
ni Anna.

" Yeah, ako to uy! Tsaka kaya lang naman ako nagsuot ng backless dress dahil po,
kung nag-shirt at pants ako, baka masira lang pagdating ng laban!"

"Okay, okay, tara na nga, kanina pa tayo hinihintay ni Mav!" Sabi ni Anna at
napatingin kami ni Zy sa kanya.

"Ah I mean, sila Mav hehe"

"Okay lang yan Bff Anna! Go lang ng Go! Push!" Sabi ni Zy kaya namula si Anna.

"Haayyy, mamaya nalang yang love-love na yan! Let's go!" Sabi ko.

"Psh, makapagsalita parang walang Jack!" Rinig kong bulong ni Anna at nagtawanan
nalang sila ni Zy.

Hindi ko nalang sila pinansin at binitbit ko si Kiyu palabas ng Quarter. Sumunod


naman ang dalawa sa akin.

Pagdating namin sa Block 8 ay nandoon na sina Audrey, Pao at Mav.

"Goodmorning sa inyo! " hyper na bati ni Audrey

"Goodmorning Aud, hyper ah ?" Tanong ko.

"Kaya Hyper yan, kasi po excited na sa labanan mamaya!" Si Pao na ang sumagot.

"Ako rin eh! Hindi na ako makapag-hintay patumbahin ang magiging kalaban ko! Haha."
Si Mav na itinaas pa talaga ang kamao sa ere.

"Sus! Ambaliw mo Mav!" Suway ni Anna.

"Oo baliw na nga ako, SAYO !" banat ni Mav na ikinapula ni Anna.

"Ayun ohhh! Haha ayiiieee!" Sabayang pagbigkas ni Zyline at Paolo

"Tama na nga iyang harutan jan!" Saway naming dalawa ni Audrey

"Ay sinuway tayo ng mga bitters!" Dinilaan kami ni Mav. Aba't!

"Che! Tara na!" at nag-umpisa na akong maglakad kasama si Audrey.


"Uhmm Yuki, pakarga naman kay Kiyu.. please?"

"Sige Aud. Heto oh"

"Awww, ang cute niya talaga! Sana maging class A+ na ako para magkaroon na ako ng
Guardian."

"Audrey okay lang yan.. basta pagbutihin mo lang sa laban mamaya!"

"Tama ka Yuki, tsaka ngayon ko lang napansin, ang cool mo sa suot mo! Idol na
kita!"

"Che, bolera ka! Haha. Tara na nga sumakay na tayo ng Flaschen!"

Hinila ko na siya at sumunod naman sila ana papuntang terminal.

-------

Pagkarating namin ng Paradus Academy ay nakita namin si Labanos na nag-aantay sa


Main Gate.

"What took you so long Yuki? I've neen waiting for you, I mean you... I mean all of
you?" Saad nito pagkatapos ay namula ang tenga, aww how cute.

"Kasi Jack, etong si Yuki.. ang tagal gumising at angtagal pang magbihis,
pinaghandaan talaga ang date ninyo" pagsusumbong ni Anna.

"Uy hindi ah!" Pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Okay tama na ang chit-chat, let's go!"sabi ni Audrey at tumakbo papasok ng gate,

Sa hindi inaasahang pangyayari, natumba si Audrey kasama ang isang lalaki.

"Audrey!" Sabi ko sabay takbo papunta sa direksiyon niya.

Pagkakita ko sa lalaki ay .. Oh My! Kahit nakasalamin.. he's so handsome, at the


same time hot! Bagay sila ni Audrey.

"Uy bawal yan gawin dito Aud!" Sabi ni Pao kaya napabalikwas ng tayo si Audrey.

Pano ba naman kasi, nakahiga yung lalaki tapos nadaganan ni Audrey. Para tuloy
silang nag-aano. Basta! Pulang-pula ang mukha nung dalawang nerd.

"I-Im s-sorry " nakayukong sabi ni Aud sa lalaki.

"Uhmm, a-ako d-din s-sorry" nakayukong sabi ng lalaki.

"Ano to ? Usong uutal-utal?" Sabi ni Paolo at nabatukan namin siya ni Zy.

"Ano ka ba Pao! Di mo nakikitang magkaka-lablayp na yang kaibigan natin?!" Bulong


ko sa kanya kaya napangisi siya.

"Uhmm, I'm Sai" sabi ng lalaki sabay lahad ng kamay kay Audrey.

"Em Edrey" pabebeng sabi nito.

"Nice meeting you Edrey! Ge gotta go. Bye!" Paalam ng lalaki.

"Bye Sai!" Kumakaway na sabi ni Audrey.


Binatukan ko naman ito.

"Aray te ba't ka nambabatok?!" Inis na sabi nito.

"Bakit ang pabebe mo! Em Edrey.." at ginaya ko pa ang boses niya.

Nagtawanan naman ang barkada.

"Yeah you're Right Yuki, haha halata masyado si Audrey. Crush mo yung Sai no?"
Nang-aasar na sabi ni Jack.

"Ha? Hindi ahh.. ano kasi uhmm cute siya , yun lang" nakangusong sabi ni Audrey.

"Ayuun! So crush mo nga?!" Sabay na sabi naming anim.

"Ano ba! Hindi nga, nakyutan lang yung tao!" Pagdedepensa nito sa sarili. "Aish!
Tara na nga! Baka wala na naman tayong upuan nito!" Dagdag pa nito.

Pagkarating namin sa Battle Arena ay nasa 300 plus lang naman ang mga tao. Puro
Altus lang ang naririto, ang Kelthie at Alescere naman ay sa ibang araw pa ang
schedule ng Ranking Battle nila.

I'm glad that Jack reserved seats for us in the front row. Haha ang galing talaga
niya. Bakas sa mukha ng mga estudyante ang determinasyon, at kagustuhang manalo at
tumaas ang Rank nila.

Natahimik ang lahat nang magsilabasan na sina headmaster, lola, sir Manuel, Ma'am
Helen at Ma'am Rita, tapos yung iba pang teachers.

"Good morning students of Paradus Academy!" - headmaster

"Goodmorning headmaster, good morning everyone!" Bati naming lahat.

"Ngayong araw na ang pinaka-hinihintay ng lahat, ang araw na ipapakita ninyo ang
inyong mga natatanging lakas at kapangyarihan. Sana'y ibigay ninyo ang lahat ng
inyong makakaya sapagkat kung malalagpasan ninyo ang class A+ rank, may malaking
surpresang naghihintay sa inyo." Sabi ni headmaster. "Ang magsisilbing hurado ay
sina Sir Manuel, Ma'am Rita and Ma'am Helen at ang panghuli, ang aking Ina, Master
Magrett, handa na ba kayo ??" Dagdag nito.

Hiyawan lang ang iginanti naming mga estudyante.

"I guess you're ready and excited, so let the Ranking Battle begin!!" Sigaw ni
Headmaster, kasabay nun ang malakas na tunog ng Gong -(a large metal disc that
makes a deep ringing sound when it is struck with a padded hammer)

------

[ UNKNOWN ]

"Mukhang nagkakasiyahan ngayon sa Akademiya Gin" sabi ko rito habang nakatayo kami
sa sanga ng puno malapit sa Paradus.

"Oo nga pinuno, ngayon kasi ang taunang Ranking Battle ng mga estudyante"

"Ganun ba? Haha. Sige ipadala mo ang Grupo nila Hyun. Makikisali tayo sa kasiyahan
nila, bwahahaha!"
"Mukhang masaya iyan pinuno, sige ho tutuloy na ako at sasabihin ko kay Hyun ang
utos ninyo" sabi ni Gin at umalis na.

Humanda ka sa akin babaeng Arankar, akala mo siguro, hindi ko malalaman na ikaw ang
itinakdang tagapangalaga ng Alzorian Core? Pwes nagkakamali ka, binalaan na ako ng
aking Orakulo. Sisiguraduhin kong hindi kana aabutan ng Blue moon! Bwahahaha.

Inilabas ko na ang mga pakpak ko at lumipad na.

Hindi ako makakapayag na kunin mo sa akin ang Dark Core.

***

Support please -___-

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Twenty-Seven

YUKI

Kasalukuyan kaming nandirito sa loob ng Arena at pinapanuod ang laban ng kapwa ko


Altus. Manghang-mangha ako sa nakikita ko, lahat sila ay magagaling. May kayang
magpalit ng anyo, palutangin ang mga bagay, magtawag ng mga halimaw at mythical
creatures, etcetera.

Natapos na ngang makipaglaban sila Mav, Zyline, Anna at Paolo eh. Sila Mav, Pao at
Zyline ay kapwa nakakuha ng Rank na Class B+ Mage habang si Anna naman ay class A.
Oh diba ang galing nila?

"And now, It's your turn Ms. Audrey Leafresk and Mr. Sai Reuk" announced ng MC.

Pumunta na sa gitna ng Arena si Aud. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang
magiging katunggali niya. Si Sai, yung lalaking nakabanggaan niya kanina.

AUDREY

Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko si Sai. Sa lahat ng pwedeng makalaban ko,
bakit siya pa ?

"Uyy, ikaw pala Edrey!" Masiglang bati niya saken.

Gosh, mali ang pagbigkas niya ng pangalan ko. Tanga ka kasi Audrey, isa kang
PABEBE! yan tuloy.

"Okay start!" Sabi ng MC.

"Galingan natin ah :)" nakangiting sabi ni Sai at tumalon paatras at nilabas ang
kanyang .... WAND ? isa siyang Caster ? Ommo! Destiny na this! Haha.

Bumalik lang ako sa ulirat nang biglang may namuong makapal na ulap sa buong arena.
At ang mas nakakagulat pa ay, dahil ito sa kagagawan ni Sai. He chanted a spell
already! Ang Cu- ay este ang daya niya! Maya-maya pay isang hibla ng kuryente ang
bumulusok sa direksiyon ko , mabuti nalang at mabilis akong nakakilos at naiwasan
ko ito. At dahil seryoso siya sa laban namin, galit-galit muna kami.

Zyline
Oh my Gosh ! Di ko lubos akalain na ang makakaharap ni Audrey ay yung crush niya
pa! Nakuuuu, baka matalo ang friendship ko.

Tinira si Audrey ng lightning strike ni Sai . She was able to dodge his attack by
making an Earth shield. Nagcounter attack naman siya. She cast a spell and
thousands of Earth pins were formed. Ikinumpas niya ang wand niya at bumulusok ito
sa kinatatayuan ni Sai.

Sinalubong naman ito ng mga lightning balls ni Sai at lumikha ito ng malakas na
pagsabog. Napuno ng alikabok ang buong Arena.

Nang mawala ang alikabok ay bumungad ang seryosong mga mukha nila Sai at Audrey.

Itinaas ni Audrey ang wand niya at lumutang ang malalaking tipak ng lupa.
Nagpaikot-ikot ito sa ere. Ganun din Si Sai, ikinumpas din niya and wand niya at
may unti-unting namumuong malaking boltahe ng kidlat sa dulo ng wand nito.

"Let's End this!" Sigaw ni Audrey kasabay nun ang pagkumpas niya ng wand niya at
bumulusok ang mga naglalakihang tipak ng bato sa kinatatayuan ni Sai.

Pinakawalan narin ni Sai ang inipon niyang boltahe ng kidlat at nang magtagpo ang
kanilang mga atake ay halos mayanig ang buong arena.

Napaubo ako nang makalanghap ako ng alikabok! Grabe ka Audrey busog pa ako, pero
pinakain mo na ako ng Polvoron!

Nang mawala ang alikabok ay bumungad ang nakabulagta at kapwa walang malay na
katawan ni Audrey at Sai. Oo tama kayo ng pagkakaintindi. TABLA ang laban nila. At
dahil sa galing ng kanilang pinakita ay nakakuha sila ng Rank B+ pareho.

YUKI

Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako nang husto. Dahil ba sa may
posibilidad na makalaban ko nga si Jack o kinakabahan ako na baka pumalpak ako sa
laban.

"And now, It's your turn Mr. Jack Siszier" sabi ng MC at halos mabingi ako sa
sigawan ng mga tao rito sa Arena. Halos mga babae at binabae ang sumisigaw at ang
mga kalalakihan naman ay parang pinagsukluban ng langit at lupa.

Pumunta si Jack sa center ng Arena. Ngunit wala pang binabanggit na magiging


kalaban niya kaya napuno ng bulong-bulungan ang Arena. Nakita kong lumapit si
Headmaster Mathew sa MC at may ibinulong ito. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa
ikinikilos ni Headmaster. Mas lalo pa akong kinabahan nang lumingon sa posisyon ko
ang MC at bahagyang napangisi.

"And now, ang makakalaban ni Mr. Siszier, ang pinaniniwalaang huling lahi ng mga
Arankar, Ms. Yuki Amina!" Anunsiyo ng MC at napuno ulit ng bulong-bulungan ang
Arena kagaya ng..

"Eh? Arankar? Diba extinct na sila?"

"Baka naman nagkataon lang na may pakpak siya, imposibleng maging Arankar siya"

"Tama ka diyan girl , eh ang weak niyang tingnan oh!"

Ilan lang yan sa mga narinig ko. Pero imbis na mainis ako, ay mas lalo akong naging
determinadong galingan ang aking pakikipaglaban. Una, dahil sa pustahan namin.
Pangalawa, Upang maipamukha ko sa kanilang lahat na karapat-dapat akong tawaging
isang Arankar. At panghuli, ang mga ngiting binigay nila Lola, headmaster, maam
Helen, Maam Rita at Sir Manuel na mas lalong nagpalakas ng loob ko.

Para mas makuha ko ang atensiyon ng madla ay ipinalabas ko ang pakpak ko. Pinagyelo
ko ito at naging mala-krystal na kumikinang ang mga pakpak ko na sa bawat pagaspas
ay nagsasaboy ng mga snowflakes na kumikinang sa tuwing nasisinagan ng liwanag.

Napa "WOW" naman ang mga manunuod. Lumipad ako papuntang center ng Arena. Pagbaba
ko ay aksidenteng natapakan ko ang isang tipak ng lupa kaya ang ending....

"Aray!" Napadaing ako sa sakit nang sumubsob ang mukha ko sa sahig. Napuno ng
tawanan ang buong Arena. Pati sila lola, headmaster at iba pa, namula tuloy ako
dahil sa hiya. Feeling ko, wala na akong mukhang maihaharap sa mga tao.

"Haha! Clumsy. AS ALWAYS!" Pang-aasar ni Labanos kaya mas lalong nag-init ang mukha
ko, sa hiya at inis.

"Che! Shattap ka nga! " saway ko sa kanya. Hindi man lang ba niya na-appreciate ang
mga efforts ko? Ang kapal niya talaga. Bwisit.

"Go Bff! Don't mind the crowd at patumbahin mo ang ugok na iyan!" Sigaw ni Zyline.
Dahil dun, naagaw niya ang atensiyon ng mga manonood, matatalim na tingin ang
ipinukol ng mga ito sa kanya. Paano ba naman kasi, tinawag niyang ugok si Labanos,
eh siya daw ang prince nila. Eww.

"Ah he-he, peace??" Sabi nito sabay peace sign.

Napangiti naman ako kaya kahit konti nabawasan ang hiyang nararamdaman ko.

"Okay let's start, nababagot na ako" walang ganang sabi ni Labanos.

"Wow ha! Minamaliit mo talaga ako no? Humanda ka!" Nanggigigil kong sabi.

"Eh bakit ? Totoo naman ah, aside sa katotohanag maliit ka, eh HINDI MO AKO KAYA!"
pang-aasar nito sa akin at mukhang epektibo naman.

"Ahh ganun pala ha?! Sige simulan na natin to!" Gigil kong sabi.

Ikaw ba, hindi ka manggigigil kung minamaliit ka? Ha?!


I'll make sure na pagsisisihan mo ang lahat ng sinabi mo saken Labanos ka.

In just a second, nagawa kong ibahin ang elementong gamit ko. Ang kaninang
nagyeyelo kong mga pakpak ay ngayon ay naging isang naglalagablab na apoy.

Naghanda narin si Jack. Itinaas niya ang kamay niya at lumitaw ang isang
napakalaking espada. Nang hawakan niya ito ay kusa itong nagliyab, a fire slayer
eh?

Hmmm, Fire vs. Fire? Not bad.

I spread my wings and started flapping it. Nang matantiya kong tama na ang taas ng
aking paglipad ay bumwelo ako upang sumugod na sa kanya.

"Hyaaaaaahhh!" Sigaw ko habang bumubulusok ako pababa sa kinatatayuan niya.

***

The End ~ wala na pong Book II, epilogue na ang susunod :D hahaha. Biro lang ;)
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

A/N : Okay lang? Haha. Sorry if Lame. Sadyang mahirap po talagang gumawa ng fight
scenes pero kakayanin ko para sa inyo :)

By the way good news! Narecover ko na ang ilang chapter ng AROTAP

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Twenty-Eight

THIRD PERSON'S POV

Mala-palasong bumulusok si Yuki papunta kay Jack. Ngunit sa isang wasiwas lang ng
espada ng lalaki at napigilan nito si Yuki, lumikha ito ng isang malakas na pwersa
na halos yanigin ang Arena.

Natahimik ang lahat, walang ni isa sa kanila ang nagbalak na basagin ang
katahimikan dahil kapwa silang seryoso, gustong-gusto nilang malaman kung hanggang
saan ang kakayahan ng dalawang nasa Arena.

Yuki managed to compose herself at sa isang iglap lang ay nagawa na nitong bumuo ng
fireballs at ibinato niya ito kay Jack.

Jack slashed Yuki's fireballs at bawat hiwa niya sa mga binabatong atake ng dalaga
ay sumasabog. Lihim na napangiti ang dalaga sapagkat tumilapon ang lalaki nang
matamaan siya ng sumabog na bola ng apoy.

"You're good" puri ng binata sa dalaga.

"I know haha!" Sagot nito.

"But not good enough to beat me!" Bara ng binata at tinangkang patamaan ng
naglalagablab niyang espada si Yuki.

Nadaplisan ito sa may braso kung kayat nalapnos ito't nasugatan,

"Ouch! Ugh! Ang sakit !" Daing ni Yuki at hindi mapigilang mapaluha sa hapdi.

YUKI

Ang sakit ng ginawa ni Jack sa akin. Promise! At dahil do'n, kailangan kong
makabawi.

I flapped my wings upang makalipad ako at nang matantiya ko na tama na ang


distansiya namin ni Jack ay sinimulan ko ng gumawa ng isang napakalaking fireball.

Mas pinalaki ko pa ang fireball ko. Mas lalong naglagablab ang mga pakpak ko.
Ibabato ko na sana ang ginawa ko nang makaisip ako ng isang technique.

Itinuon ko ang atensiyon ko sa fireball na ginawa ko at hindi ko namalayang gumawa


na palang isang fire dragon si Jack at pasugod na ito sa akin. Dahil sa
pagkakataranta ay agad kong isinagawa ang naisip kong technique.

"Meteor Rain!" Sigaw ko at may maliliit na bolang apoy galing sa ginawa kong fire
ball ang lumabas mula rito. Kasimbilis ito ng bala at dahil do'n, walang nagawa ang
Fire dragon niya at tuluyan na itong sumabog.

Akala ko tuluyan ko na siyang matatalo pero bigla siyang umikot habang iwinawasiwas
ang kanyang espada at nakabuo siya ng isang Burning Tornado na nagsilbing panangga
niya sa atake ko.

Matapos kong gawin yo'n ay hingal na hingal ako habang nakalutang sa ere. Gano'n
din si Jack. Hindi sa naubusan na ako ng magoi, ngunit dahil sa ang lakas ko ang
unti-unting nauubos.

Aatake na sana ako nang may marinig akong isang malakas na pagsabog galing sa mga
manonood. Nagsitakbuhan ang ilan upang mailigtas ang kanilang sarili habang ang iba
naman ay pilit na lumalaban sa mga taong may takip ang mga mukha.

Nabahala ako, kung kayat agad akong lumipad patungo sa mga kaibigan kong
kasalukuyan ding nakikipaglaban nang biglang may humarang na isang parang salamin
sa akin na sa tingin ko'y isang barrier pati narin kay Jack.

Narinig ko pa ang pagtawag nila Lola sa amin ni Jack ngunit natigilan din sila nang
may sumugod sa kanila. Tinira ko ng isang fireball ang barrier ngunit bumalik lan
ito sa akin, dahilan upang tumilapon ako pababa at halos mabaon sa lupa ang katawan
ko dahil sa lakas ng impact.

Akmang susugod sana ako ulit nang hawakan ni Jack ang braso ko sabay sabing "Stop
it! You'll just waste your strength for nothing"

"Kailangan nating makalabas dito Jack! We need to save our Friends, Schoolmates and
teachers" taranta kong sabi.

"What's the purpose of training them? Instead of worrying on how to help them, mas
makakabuti siguro kung talunin muna natin ang may gawa ng barrier nato" sabi nito.

"Nakakatawa namang tingnan" sabi ng isang lalaking di pamilyar ang boses.

"Sino ka?! Lumabas ka!" Sigaw ko rito, Jack held my hand, bahagya niya itong
pinisil siguro upang mapakalma ako, but he just made me more hotter, literally.

Maya-maya pay lumabas ang isang lalaking nakasuot ng silver armor, maputi, matangos
ang ilong, may itim na buhok na may highlights ng puti, matipuno. In short, gwapo
pero bakas sa mukha nito ang kasamaan.

"Ako nga pala si Hyun, binibining Arankar, isang space manipulator, Ancient Tribe
noon Wiccan ngayon. Makikisali sana kami sa kasiyahan ninyo, pwede ba? Hahahaha!"
Sabi nito na ikinainis ko.
"Ano bang gusto mo?! " inis na tanong ni Jack sa lalaking nagngangalang Hyun.

"I wanna see blood! Blood that will color this academy into Red! Bwahahahaha! "
sabi nito na nagbigay ng kakaibang kilabot at takot sa aking sistema.

Baliw siya.

"Tumahimik ka! Walang dugong dadanak na nanggagaling sa Akademyang to! Kundi galing
sayo mismo" seryosong sabi ni Jack sabay sugod kay Hyun. Ngunit bago paman ito
matamaan ni Jack, ay bigla nalang itong nawala at sumulpot sa may likuran ni Jack.

Gamit ang isang kamay ay hinampas ni Hyun si Jack dahilan ubang tumilapon ito ng
mga pitong metro.

THIRD PERSON'S POV

Parang isang laruan kung itapon ni Hyun si Jack. Walang nagawa si Yuki at nanatili
itong tulala. Nabigla siya sa mga nangyayari. Nakita niya ang kanyang mga kaibigan
na abala sa pakikipaglaban. Hingal na hingal na sila Audrey, Paolo, Anna, Zyline,
Mav at si Sai.

Marami naring sugatang Altus. Ang ilan ay wala ng buhay. Nabahiran ng dugo ang
Arena, dahilan upang manginig sa takot at pagkagalit si Yuki.

Bumalik lang siya sa kanyang ulirat nang tumilapon si Jack sa harapan niya mismo.
Duguan na ito at halos mapuno na ng galos ang kanyang katawan. Sira na ang suot
nitong damit at sumusuka narin ito ng dugo. Ngunit sa kabila ng kaniyang sitwasyon
ay nagawa nitong tumayo kahit nanginginig na ang mga tuhod nito dahil sa
panghihina.

"Wala pala kayong kwentang kalaro eh! Ang boring niyo naman." Saad ni Hyun.

"Shut.up!" Mariing sabi ni Jack sabay sugod pero nawala bigla si Hyun at basta
nalang lumitaw sa likod ni Jack at kagaya ng dati ay tumilapon si Jack na parang
isang laruan.

Akmang susugod muli si Hyun ng maagaw ang kanyang atensiyon sa pagsigaw ni Yuki.

JACK

"Ahhhhhhhh!" Sigaw ni Yukiko "TAMA NA! TAMA NA!" Dagdag nito.

Lalapitan ko na sana siya nang bigla akong itaboy palayo ng isang napakalakas na
pwersang nanggagaling kay Yuki. Ano ba to?! Bakit lagi nalang akong tumitilapon?

Napatigil ang lahat sa pakikipaglaban maging ako. Bakas sa mukha nila ang
pagkagulat at pagkamangha dahil sa isang napakalakas na enerhiyang nagmumula sa
kinatatayuan ni Yuki na ngayoy binabalot ng nakakasilaw na liwanag.

YUKI

Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga kasama ko. Hindi ko maintindihan kung bakit wala
akong ginagawa. Kung bakit di ako makakilos. Pero nung makita ko ang mga kapwa ko
Altus na duguan at ang ilan ay binawian na ng buhay, parang may isang pwersang
gustong kumawala sa katawan ko.

Nakita ko ang pagtilapon ni Jack sa harapan ko, kahit hirap na hirap na ito ay
pinipilit parin nitong lumaban.
Di ko na matiis. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, gusto ko ng
pakawalan!

"Ahhhhhhhh!" Sigaw ko "TAMA NA! TAMA NA!" Mariin kong sigaw sabay pakawala ng
pwersang kanina pa nagbabadiyang lumabas sa katawan ko. Kasabay nun ang pagbalot sa
akin ng isang nakakasilaw na liwanag.

THIRD PERSON'S POV

Nang mawala ang nakakasilaw na liwanag ay bumungad ang bagong anyo ni Yuki, isang
babaeng may kulay pulang mahabang buhok na nakasuot ng isang pulang Armor na may
outline ng ginto at may disenyo ng Red and Gold gems. Backless ito at mala-swimsuit
ang porma. Kapansin pansin rin ang pulang mata nito na nag-aalab. Ang pakpak nitong
naglalagablab na wari'y kayang tumupok ng kahit na anong bagay.

Litaw na litaw ang maputing kutis ng dalaga sa kanyang kasuotan. Swak na swak sa
kanya ang kantang "This girl is on Fire" at talagang tunay siyang HOT and SEXY.

"Magbabayad ka!!" Sigaw ni Yuki.

Akmang susugod na sana ang dalaga pero narinig niya ang isang ungol na nanggagaling
sa himpapawid.

Binutasan nito ang nilikhang barrier.

Bumaba mula sa himpapawid ang isang nilalang na may ginintuang balahibo. Ginituang
mata at ang nagliliwanag na Gem sa kanyang noo at may Limang ginintuang buntot.
Kasintaas ito ni Yuki.

Dinilaan ng nilalang ang pisngi ni Yuki na dahilan upang mapangisi ang dalaga.

"Kiyu" sabi nito at nag-wiggle ang buntot ng nilalang at nag-growl.

"Let's end this Kiyu okay? Help me" sabi ni Yuki at tumango naman si Kiyu.

"Tssk. Ang drama mo Arankar. At nagtawag kapa ng kasama! Sige, pagbibigyan kita. It
will be my pleasure to kill you both!" Sabi ni Hyun.

Ibinuka ni Yuki ang pakpak niya at lumipad kasama si Kiyu at sabay silang sumugod
kay Hyun.

"Humanda ka!" Mariing sigaw ni Yuki.

***

Mabagal ba ang story?

~n a u g h t y j a c k y y~

Chapter Twenty-Nine

THIRD PERSON'S POV

Magksabay na sumugod sina Kiyu at Yuki.

Yuki made a huge fireball habang si Kiyu naman ay gumawa ng Electric Ball sa
pamamagitan ng pag-ipon ng kanyang enerhiya sa bibig nito.

Sabay nilang itinapon ang fireball at electric ball kay Hyun ngunit bago paman ito
tumama sa lalaki ay naglaho na ito. Palinga-linga ang dalawa, hindi makita ang
Space Manipulator.

"At y-your b-back!" Nanghihinang sigaw ni Jack kay Yuki.

Napalingon agad ang babae sa likod, ngunit huli na. Hyun punched Yuki's Stomach
dahilan upang mapasuka ng dugo ang dalaga.

Di naman napansin ni Hyun ang paparating na atake ni Kiyu kaya natamaan ito ng
Electric Shock na nagmula sa buntot nito.

"Ahhck!" Daing ni Hyun nang matamaan ito ng atake ni Kiyu.

Sinamantala ito ni Yuki at tinira niya ang lalaki ng fire spikes dahilan upang
tumilapon ito. Akmang susugod na sana ulit si Yuki nang salubungin siya ng isang
Earth Dragon. Gumawa siya ng harang na Yari sa apoy, pero nagawa parin siyang
itaboy ng Earth Dragon.

"Oh, I forgot to say kanina , isa rin pala akong Sorcerer. Nagustuhan mo ba ang
sorpresa ko, Arankar?" Tanong ni Hyun.

Habang abala si Hyun ay di niya namalayan ang pasugod na si Jack. Ngunit dahil sa
reflexes niya ay nakaramdam siya at nakaiwas, pero nadaplisan parin ang braso nito
at nalapnos.

"Damn you! Pakialamero kang Slayer ka!" Galit na saad ni Hyun at biglang hinawakan
sa leeg si Jack at naglaho.

Inilabas niya sa barrier si Jack. Tanging si Yuki at ang alaga nitong Fluxe nalang
ang natitira sa loob. Solong-solo na niya ang Arankar at sigurado siyang
masisiyahan ang kanilang pinuno 'pag napaslang niya ang Babaeng Arankar.

"Ngayon , it's just between me and You, Arankar" sabi nito sabay sugod kay Yuki.

Gumawa ng napakaraming fire spikes ang babae at sabay-sabay na pinakawalan ito sa


direksiyon ni Hyun, but Hyun was able to counter her attack. He chanted a spell
then huge stones appeared. Ginamit niya ito upang masangga ang atake ni Yuki.

Ngunit 'di niya napansin ang paparating na Electric beam na ginawa ni Kiyu kung
kaya't natamaan siya sa likuran dahilan upang mawala ang kaniyang konsentrasyon.
Sinamantala ito ni Yuki at ibinukaka niya ang kanyang pakpak at nagpaikot-ikot sa
ere kasabay ng pagpapakawala niya ng burning feather. Para itong mga bala na
papunta sa direksiyon ni Hyun. Wala ng nagawa ang lalaki.

"Ahhcck!" Daing nito ng matamaan ng atake ni Yuki.

Hyun casted a healing spell kung kaya't nagawa nitong mabawasan ang sakit na
nadarama. He composed himself again.

"Tsk, tama na ang laro. Tapusin na natin to!" Mariing sabi ng lalaki sabay taas ng
kanyang wand.

HEADMASTER MATHEW

Nabigla kami ng biglang sumulpot ang ilang Wiccan Tribe/ Cursed Tribe habang
ginaganap namin ang Ranking. Maraming nasugatan at ang ilan ay nasawi. Tuluyan na
naming napaslang ang mga sumugod maliban kay Hyun na kasalukuyang nilalabanan ni
Yuki at ng alaga nitong Fluxe.

Kanina pa kami gumagawa ng paraan upang masira ang Barrier pero sadyang napakalakas
ng kapangyarihang ginamit sa paggawa nito.

Di ko mapigilang mamangha sa anyo ngayon ni Yuki. Nagawa niyang makamit ang


Fundiere Form ng elemento ng Apoy at sa Second phase pa nito. Ngunit di parin kami
kampante , dahil sa kalagayan ni Yuki, hindi pa buo ang kapangyarihang taglay niya.
Oo, alam kong isa siyang Arankar. Ngunit ang kaharap niya ay isang Class S Sorcerer
at Ancient na isa sa tumapos ng salinlahi ng mga Arankar.

Hindi pa nga nito pinapalabas ang kaniyang guardian. Kung kaya't nag-aalala ako sa
maaaring kahahantungan ng labanan nilang ito.

Gustuhin man naming tumulong, wala kaming magawa kundi ang manood at manalanging
sanay makayanan ni Yuki ang labang ito.

Bumalik lamang ako sa aking ulirat ng biglang yumanig ang buong Arena. Pagtingin
ko, nakita ko si Hyun, kasama ang kaniyang guardian. Isang black serpent. At halos
punuin ng pagkatakot at pangamba ang aking buong sistema, maging ng mga kasamahan
ko nang marinig namin ang binanggit na spell ni Hyun.

"El trumsi Earthus de prama!" Hyun casted a spell a Class S Earth spell on Yuki.

Pagkatapos niyang banggitin yun ay unti-unting may namumuong mga higanteng ahas na
gawa sa lupa sa buong paligid ng barrier, naglaho na ang kaniyang guardian, marahil
tapos na niyang paglingkuran ang kaniyang master.

Ikinumpas ni Hyun ang kaniyang wand papunta sa direksiyon ni Yuki, kasabay nun ang
pagsugod ng sabay-sabay ng mga Earth snakes sa kinatatayuan ng dalaga.

Agad namang ibinuka ni Yuki ang kanyang mga pakpak pati ang kaniyang mga kamay.
Ipinikit niya ang mata niya at Lumutang siya sa ere. Maya-maya pay may unti-unting
lumalabas na apoy sa kaniyang katawan, paikot ang galaw nito, sinabayan ito ng
alaga niyang Fluxe , tinitipon nito ang enerhiya ng kidlat sa kaniyang bunganga.

Nang imulat ni Yuki ang kaniyang mata ay itinaas niya ang kaniyang kamay sa ere,
kasabay nun ang pagkaipon ng apoy sa iisang lugar, palaki ito ng palaki hanggang
sa...

"Kiyu! Ngayon na!" Sigaw ni Yuki sabay tapon ng bola ng apoy na sinabayan naman ng
Electric ball ni Kiyu.

Ang dalawang bola ng apoy at kidlat ay unti-unting naging isang malaking bola ng
pinagsamang apoy at kidlat.

Nagbanggaan ang kanilang mga kapangyarihan. Si Hyun ay tila nahihirapang sanggain


ang pinagsamang atake ni Yuki at Kiyu. Kung kaya't dinagdagan niya ang antas ng
kaniyang kapangyarihan.

"Ahhhhhhh!" Sigaw ni Yuki habang pinipigilan ang atake ni Hyun. Halos bumaon ang
mga paa ng dalaga. Akala ko'y tuluyan na siyang matatalo ngunit laking gulat ko ng
biglang nag-iba ang kulay ng Armor nito, ang nooy pulang-pulang armor niya ay
nahaluan ng kulay abo, maging ang mata niya ay nagkulay abo rin. Ang kaninay
naglalagablab niyang pakpak ay nahaluan ng puting usok. Ang mahabang pulang buhok
niya ay nahaluan ng puti.

"Di.ako.papatalo. hyaaahhhh!!" Sigaw ni yuki at ang electric-fireball niya ay


nadagdagan ng elemento ng hangin. May kumakawalang air blades sa electric-fireball
ni Yuki dahilan upang magkalamat ang barrier. Dahil narin siguro sa halos magamit
na ni Hyun ang lahat ng kapangyarihan niya.

Nagsangkaan ang kanilang atake, naggigitgitan, may namumuo ng hibla ng kuryente sa


gitna ng nagsasalpukang pwersa ni Hyun, Yuki at Kiyu.

Dahil sa patuloy na pagtama ng mga air blades sa barrier ay tuluyan na itong


nasira. Dahil dun, mas naramdaman namin ang lakas ng pwersang nagsasalpukan. Halos
liparin kami nito, ang ilan ay di na kinaya ang enerhiyang nagmumula rito, kung
kayat minabuti nilang gumawa ng sariling Barrier.

"Haaaah!" Sigaw ni Yuki at humakbang ng isang beses, dalawa, tatlo, hanggang sa


lumamang na siya. Malaya na niya naitutulak ang atakeng ginawa ni Hyun. Halatang
namimilipit sa sakit at nahihirapan na si Hyun. Balak pa sana niyang magcast ng
spell nang kusang gumalaw ang buntot ni Kiyu. Humaba ito at papunta sa direksiyon
ng lalaki. Tila isa itong mahabang latigo na humampas sa katawan ni Hyun, dahilan
upang tumilapon ito. Lumikha ng isang napakalakas na pagsabog ang salpukan ng
kapangyarihan ni Yuki at Hyun na halos sumira sa buong Arena. Gumawa ako ng barrier
upang maprotektahan ko ang sarili ko. Ngunit kahit na may barrier pa, tumilapon
parin ako dahil sa lakas ng pwersang galing sa sumabog na nagbanggaang atake ng
dalawa.

Nabalot ng alikabok ang buong Arena. Natahimik ang lahat, tanging ang tunog lang ng
mga nagbabagsakang tipak ng lupa ang naririnig. Makalipas ang ilang sandali, naipon
sa isang lugar ang mga alikabok at bumungad ang hinihingal na sina Yuki at Kiyu.
Ang mga alikabok ay ginawang Earth ball ni Yuki at itinapon sa Nakabulagtang
katawan ni Hyun. Paulit-ulit. Narinig ko ang mga daing ni Hyun.

Wala na sa sarili niya si Yuki. Maging si Kiyu ay napaatras, tila natakot kay Yuki.

"Ha-ha! Y-yan, ma-maga-magalit ka, A-aran-arankar! Ha-ha!" Nahihirapang sabi ni


Hyun. Napansin kong may namumuong gintong ilaw sa kamay ni Yuki hanggang sa maging
isang Electric ball ito na napapalibutan ng Air spheres. Palaki ito ng palaki.
Akmang itatapon na sana niya ito sa direksyon ni Hyun nang biglang may lumitaw na
babaeng nakasuot ng mahabang bestidang kulay puti na may disenyo ng mga ancient
symbols na ginto ang kulay.

Hinawakan niya ang noo ni Yuki sabay sabing "Fies clamid" dahilan upang mapatigil
si Yuki sa ginagawa. Naglaho ang electric-air ball na ginawa niya. Bumalik na sa
normal ang buhok at mata niya, nawala na ang kaniyang pakpak at naglaho narin ang
Armor niya.

Agad kaming pumunta upang tulungan si Yuki at mahuli si Hyun. Pagkalapag namin sa
Arena ay agad na naglaho si Hyun sabay sabing "Hindi pa tayo tapos, magbabalik ang
Wiccan Tribe at tatapusin namin kayong lahat!"

Nalipat ang atensiyon namin sa babaeng nakasuot ng puting cloak.

"Sino ka?" Tanong ng aking inang si Magrett.

Humarap ang babae at nang makita namin ang mukha nito ay maraming tanong na naman
ang lumitaw sa aming mga isipan.

"Ikaw?!" Di makapaniwalang tanong ni Manuel.

***
Sino kaya ang babae? Bakit ikaw ang pangalan niya?

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Thirty

(Andromeda on the multimedia section )

MAGRETT

Hindi ko lubos maisip na makikita ko siyang muli. Kasalukuyan kaming narito sa loob
ng silid ng aking anak na si Mathew.

"Paano ka nabuhay?" Tanong ko sa babaeng lumitaw kanina at nagpatigil sa pagwawala


ni Yuki.

"Isa akong Imortal Magrett" sagot nito.

"But, I thought you vanished kasama ng ibang Arankar" naguguluhang sabi ni Manuel.

"Hindi ako tinablan ng Spell na isinagawa ni Lucas upang tapusin ang aming lahi"
sagot nito.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa loob ng maraming taon?" Takang tanong ni Mathew

"Sapagkat ako ay naging parte ng Alzorian Core. Naging bahagi ako nito sa loob ng
mahabang taon, kung kaya't hindi ko magawang magpakita" paliwanag nito.

"Bakit ka naging bahagi ng Alzorian Core?" Tanong ni Helen.

"Noong kasagsagan ng digmaan, nawala ang tagapagmana at tagapangalaga ng Alzorian


Core, kaya upang mapanatili ang kagandahan at kaayusan ng Alzora ay pinili kong
maging bahagi nito upang hindi tuluyang masira ang Mundong ito. Iyon din ang naging
dahilan upang di ako tablan ng Spell ni Lucas" mahabang paliwanag nito.

"Teka, nahuguluhan ako, bakit ikaw ang pinili ng Alzorian Core na maging
pansamantalang tagapangalaga nito?" Naguguluhang tanong ni Rita.

"Sapagkat ako si Andromeda, ang pinakaunang tagapangalaga ng Alzorian Core at ang


Haligi ng Alzora" sagot nito at napatango nalang kami.

"Ibig sabihin, libong taong gulang kana?" Manghang tanong ni Manuel.

"Oo, ako ang pinakaunang Reyna ng Alzora. Ang pinakaunang Pinuno ng Arankar" sagot
nito.

"Bakit ka pala naririto?" Tanong ko.

"Nais ko nang ibigay ang Alzorian Core sa tunay na tagapangalaga nito." Diritsong
sagot nito.

Kinabahan naman ako sa sinabi niya, hindi pa hasa ang kapangyarihan ni Yuki.
Kailangan niya pa ng puspusang ensayo.

"Ngunit hindi pa handa si Yuki" sagot ni Mathew. Habang ang ilan ay tahimik lamang
na nakikinig.

"Kaya nga ako nandito, nandito ako upang sanayin ang Prinsesa. Ako mismo ang
magsasanay sa kanya. Dahil tungkulin kong sanayin at ihanda ang tagapangalaga ng
Alzorian Core sa nalalapit na Blue Moon." Saad nito.

"Kung ganun, may maitutulong ba kami?" Tanong ni Manuel.

"Oo, meron. Sanayin at hasain ninyo ang kapangyarihan ng mga batang nag-ngangalang
Anna, Zyline ,Paolo, Mav, Audrey, Jack at Sai. Sila ang itinakdang Royal Guard ng
Tagapangalaga" sabi nito.

Paano niya nalaman?

"Okay kung ganoon, asahan ninyong hahasain namin ang kakayahan ng mga batang
binanggit mo" sagot ko.

"Sige, maaari niyo bang tawagin ang mga batang iyon? Pati na ang Tagapangalaga?
Nais ko sana silang kausapin ngayon." Sabi nito.

"Sige tatawagin ko na sila ngayon din" sabi ni Rita then cast a spell "Efrisk somna
el vida suinm"

Ilang sandali lang ay lumitaw na sa harap namin ang mga gulat na mukha ng mga bata.

"What was that?! How did i get he---" putol na sabi ni Zyline.

"Magsiupo kayo mga bata" utos ni Mathew.

YUKI

Kasalukuyan kaming nakaupo at kaharap sina Lola Magrett, Headmaster Mathew, Sir
Manuel, Maam Rita, Maam Helen at ang isang magandang babae. Mahaba ang puti na may
halong ginto nitong buhok, kulay ginto ang mata, maputi, matangos ang ilong. Para
siyang goddess.

"Ako nga pala si Andromeda" pakilala nito sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

Awwww, ang gondo niya! Crush ko na siya!

"Ano palang pag-uusapan natin?" Tanong ni Jack.

"Ahh oo nga, ano po pala ang pag-uusapan natin?" tanong din ni Zyline.

"May mahalaga akong sasabihin sa inyo mga bata" sabi ni Andromeda. "Pero bago 'yon,
maaari niyo muna ba kaming iwan?" Dagdag nito sabay tingin kina headmaster, lola,
Ma'am Rita, Ma'am Helen at Sir Manuel.

Agad naman silang tumalima at iniwan kami nila Zy, Anna, Aud, Pao, Mav, Jack at Sai
kasama si Andromeda.

Napansin kong naiilang si Sai sa amin kung kaya't tinanong ko ito upang hindi niya
maramdamang OP siya.

"Uhm, Sai kamusta naman ang buhay mo?" Tanong ko.

"Okay lang naman" nakayukong sabi nito.

Babanat pa sana akong ng isa pang tanong ng biglang magsalita si Andromeda.


"Kayong lahat ang naatasang tumulong upang mapangalagaan ang Alzorian Core"
diretsong sabi nito.

"Ha?/weee?" Sabay na bigkas naming lahat.

"Oo seryoso ako, heto ang aking ebidensiya" sabi nito sabay kumpas ng kamay niya.

May lumabas na puting usok sa kanyang palad at may lumitaw na mga imahe, naroon
kaming walo.

"Kayo ang sinasabi ng propesiya na itinakdang tulungan ang Itinakdang Arankar na


pangalagaan ang Alzorian Core" saad nito.

Napatango nalang kaming walo, talaga naman kasing kapani-paniwala ang sinabi ni
Andromeda, kung nagbibirl siya mag eefort pa ba siyang gawin yun?

Matapos niyang sabihin ang lahat ng gusto naming malaman, sagutin ang lahat ng
aming mga katanungan ay nag-kwentuhan pa kami.

Napag-alaman kong siya ang Sinaunang tagapangalaga ng Alzorian Core at ang


pinakaunang haligi ng Alzora. Libong taong gulang narin siya pero hindi halata
dahil mukhang kaedaran lang namin siya.

Mas lalo tuloy kaming humanga sa kanya, sa kabila kasi ng pagiging maganda, mabait
rin ito at halatang malakas ang kapangyarihan. Mas napa"WOW" pa kami ng ilabas niya
ang puting-puting pares ng pakpak niya. Para tuloy siyang isang anghel sa anyo
niya.

"Sa susunod na buwan ay may misyon akong ipapagawa sa inyo, kung kaya't nais kong
magsanay kayong walo upang mas mahasa pa ang kapangyarihan niyo" sabi ni Andromeda.

Naexcite naman kami sa sinabi niyang misyong ipapagawa niya sa amin.

"Uhm, excuse me po, sino pong magsasanay sa amin?" Tanong ni Sai.

"Ang magsasanay sa inyo ay sina Magrett, Mathew, Manuel, Rita at Helen. Pero kayo
Yuki at Jack, ako mismo ang magsasanay sa inyong dalawa" sabi nito.

Mas lalo tuloy akong na-excite dahil akala koy ako lang ang Arankar, andiyan parin
pala si Andromeda tsaka siya pa ang magtuturo sa akin! Im so excited na! Haha.

"Kailan po kami magsisimula?" Tanong ni Mav

"Bukas na bukas din" nakangiting sambit nito.

"Okay! Haha excited na ako!" Sabay na sabi ni Zy at Pao. Nagkatinginan ang dalawa
at sabay nag-iwas ng tingin. Wait, parang may something! Hmmm I smell something
fishy!

"Kung yun lang po ang sasabihin niyo, maaari na ho ba kaming umalis?" Magalang na
tanong ni Anna.

"Oo yun lang ang sasabihin ko. Magpahinga na kayo dahil bukas, magsisimula na ang
mahahabang araw ninyo " sabi nito.

Nagpaalam na kami at nagsiuwian na sa sari-sarili naming tinutuluyan.

---
Pagkarating namin nila Anna at Zy sa Quarter ay nadatnan namin si Kiyu na mahimbing
na natutulog.

"Uyy bffs! Excited na akooo!" Sabi ko sa kanila.

"Ako rin bruha! Sobra! Gusto ko na talagang magkaroon ng Guardian at magka-armor"


sabi ni Anna ng nakangiti na tila may iniisip.

"Ommo, ako rin! Yung super hot and fabulous armor and super cute guardian, yun yung
gusto ko!" Pagsang-ayon ni Zyline.

Napangisi nalang ako sa kakulitan ng dalawa.

"Oh sige , gusto niyo talaga? Edi matulog na tayo dahil maaga pa tayo bukas sa
training natin" sabi ko sabay hikab.

Nagsitanguan lang ang dalawa at pumasok na sa kani-kanilang kwarto.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay naramdaman ko lahat ng pagod ko at ilang sandali lang


nakatulog na ako.

***

Padaan lang. Walang masabi eh! By the way try to read 'This Vampire is Inlove with
a Gangster' other story ko. Thanks :*

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Thirty-One

YUKI

Grabe, halos dalawang linggo na kaming nagtre-training at walang araw na wala akong
galos! Maging sina Mav, Paolo, Sai, Jack, Audrey, Zyline at Anna.

Mabuti nalang talaga at may spell si Audrey na nakakapag-tanggal ng mga peklat


naku, dahil kapag wala? Ampangit ko na talaga.

"Hoy Yuki! Tulaley? " Sabi ni Zy habang ikinakaway ang kamay sa harapan ko.

Nandito kasi kami ngayon sa Cafeteria, kumakain ng lunch. Kakatapos lang naming
magtraining at kapansin-pansin talaga ang pagbabago sa aming pangangatawan. Hindi
sa pagmamayabang ha? Pero kitang-kita ko na talaga at ramdam ko na mas lumakas pa
sila.... Pati ako? Maybe.

Natutunan ko ng kontrolin ang elemento ng Apoy, Yelo, Tubig, Lupa, Hangin, Kidlat
at may natuklasan din akong mga bagong kapangyarihan. Hindi ko lang talaga lubos
maisip na magiging ganito karami ang aking tataglaying kapangyarihan. It's just too
good to be true.

Ilang araw o linggo na ba ang lumipas nang ako ay aksidenteng mapunta sa mundong
ito? Sa mundong akala kong isang kathang-isip lamang pero ito pala ang tunay kong
tahanan.

"Hoy bruha nag-eemote kana naman diyan! " saway ni Anna saken sabay bato ng
mansanas sa noo ko. Bastos lang no?
"Hoy karin Impakta! Busy ako haha" sagot ko nalang.

"Busy saan?" Takang tanong ni Audrey.

"Basta!" Sagot ko at napagpasiyahang kumain nalang.

Napansin kong madalas magnakaw ng tingin si Audrey kay Sai. Nga pala, Nakuha narin
namin ang loob ni Sai, nakakasabay na siya sa trip ng barkada. Eh sa maysapi rin
pala ang mokong eh.

"Hoy Audrey, makatingin ka kay Sai wagas ah! Nakuuuuuh, baka matunaw yan impakta
ka! Haha" Saway ko at ayun namula ang gaga! Haha.

"Ha? Ah-eh di ah! Am-ampa-ampangit nga niyan eh !" Nauutal na saad nito habang
namumula.

"Eh kung pangit ako? Eh ano tawag sayo?" Bara ni Sai. Oh kitams? May attitude ang
lolo niyo!

"Ayun oh! Audrey ano daw tawag sayo?! Haha. Maligno?" Natatawang tanong ni Mav.
Habang si Jack ay tahimik lang na kumakain at parang may malalim na iniisip.

"Hoy Mav at Sai! Kung makatawag kayo sa akin na isang maligno eh kayo? Isa kayong
Holex! No mas pangit pa kayo sa Holex! Hahaha." Bara naman ni Audrey sa dalawa.

(Holex - A creature with a slimy body, green colored skin, with long ears, Fangs
and teeth that are so sharp and big round black eyes)

"Go Audrey! Iuntog mo nga ang ulo ng dalawang unggoy na yan!" Pagche-cheer ni
Zyline.

Napatawa nalang ako sa kakulitan ng mga kasama ko. Grabe ang babaliw talaga!

"Nice idea Zy!" Sabi ni Audrey sabay labas ng wand niya. She chanted a spell then
biglang umilaw ang wand niya at.

"Aray! Pakshet! Ang sakit na ng noo ko Aud!" Angal ni Mav.

"Aw! Ampota ang sakit! " angal din ni Sai.

Paano ba naman? Eh biglang nagcast ng spell si Audrey at ayun nag-untugan ang mga
mokong.

"Hahahaha!" Tawa ng barkada. Pati si Jack napangisi sa nakita niya.

"Very good Aud! Ang cute nilang tingnan!" Sabi ni Zyline na nagpakunot ng noo ni
Paolo. Hmmm, I smell something fishy here!

"Babe, nacu-cutan ka sa kanila? Gusto mo iumpog ko rin ulo ko, para atleast macutan
ka sa akin?" Tanong ni Paolo.

There's really something wrong here!

"Babe, hindi ka cute, dahil gwapo ka! Alam mo yan. Kaya nga kita sinagot eh,
dahil---"

"Wait, what?! Kayo na?!" Sabay na sabi namin ni Anna.


Nangingiting tumango si Paolo habang si Zy ay namula lang .

"Hoy impakta ka! Malihim ka ha! Di mo sinasabing nilalandi kana nitong si Pao!"
Saad ni Anna.

"Ah, hehe, kasi si Baby Pao eh. Ang sweet pag kami nalang. Gabi-gabi nga iyang
dumadalaw sa Quarter natin, kaya ayun!" Paliwanag nito.

"Ay bruha ka talaga! Di mo sinabi sa'min!"? Maktol ko.

JACK

Kanina pa ako tahimik, hindi talaga maalis sa isip ko ang mga binitiwang salita ni
Andromeda sa akin. Alam kong napapansin yun ng barkada pero wala talaga akong gana
eh. Ganito kasi iyong nangyari.

FLASHBACK

Habang naglalakad ako papuntang Quarter ay nabigla ako nang biglang lumitaw si
Andromeda suot ang puting bistida nito na bumagay sa kaniya.

"Anong kailangan mo binibining Andromeda?" Magalang kong tanong.

"Marami, kaya kung maaari, sumama ka sa akin at may importante akong sasabibin sa
iyo"

"Ano naman iyon?" Curious kong tanong.

"Malalaman mo lang ito kung susunod ka sa akin"

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa Garden ng Paradus. Isa ito sa pinaka-


magandang lugar sa buong Academy, may fountain sa gitna, may iba't-ibang uri ng
paru-paru at iba pang insekto, klase-klaseng uri ng bulaklak na talagang nagbibigay
ng magaan na pakiramdam sa sinumang mapapadpad sa hardin.

Umupo sa isang bench si Andromeda at pinagpag ang katabi nito, senyales na


inaanyayahan niya akong umupo katabi niya.

Pagkaupo ko ay nagkaroon muna ng mahabang katahimikan, hanggang sa ako na ang


naunag magsalita dahil parang kinakabahan tuloy ako sa maaari niyang sabihin.

"Ano pala ang sasabihin mo?" Tanong ko.

"Kailangan niyong magpalakas, sapagkat nakita ko sa aking pangitain na sa Araw ng


Blue Moon ay dadanak ng dugo dito sa Alzora"

"Ano?! Sigurado ka ba?" Tanong ko. Tila tinablan ako ng takot at kaba sa sinabi
niya.

"Oo, sigurado ako. Hindi pa ako kailanman nagkakamali sa aking mga pangitain, kaya
kailangan niyong maghanda, magpalakas at hasain pa ng husto ang inyong mga
kapangyarihan at kakayahan"

"Sige, kung ganoon aalis na ako" sabi ko.

"Sandali, sa tingin ko, kahit makamit niyo pa ang pinakamataas na Rango ng pagiging
isang Alzorian ay hindi niyo matatalo ang Wiccan Tribe"

Napatigil ako. Napaisip sa sinabi ni Andromeda. Kung ganoon, ano pa ang saysay ng
puspusan naming pagsasanay? Ano ang saysay ng aming paghihirap?

Nasagot ang tanong ko ng magsalitang muli si Andromeda.

"Ngunit may isa pang paraan para masiguradong matatalo niyo ang Wiccan Tribe"

"Ano iyon?" Tanong ko.

"Ang hanapin ang pitong Elemental Gems at amuhin ang pitong Elemental Dragons"
sagot nito.

Napatanga ako sa sinabi niya, nababaliw naba siya? Hindi niya alam ang sinasabi
niya! Ang hirap. It's so hard to find the Elemental Gems ! Lalong-lalo na ang
Elemental Dragon Taming! Damn, is she insane?

"Kung sa tingin mo ay nababaliw na ako, pwes nagkakamali ka, kaya ko sinabi sa iyo
ito, dahil alam kong kaya niyong lagpasan ang mga pagsubok na kahaharapin niyo sa
paghahanap ng mga Elemental Gems at pag-amo sa mga Elemental Dragons"

"Pero--"

"Wala ng pero-pero, alam kong kaya ninyo. Bukas na ang huling pagsasanay ninyo,
oras ng ipakita ninyo ang lahat ng mga natutunan ninyo sa halos dalawang buwan
ninyong pagsasanay, dahil pagkatapos nun, magsisimula na ang inyong paglalakbay
upang mas mapalakas pa ang inyong mga kapangyarihan." Mahabang saad nito.

Tumango lang ako at napag-desisyunang umalis na dahil bigla nalang naglaho si


Andromeda. Tss,nang-iiwan basta-basta.

End of Flashback

"Hoy! Jack ano? Hindi kapa tatayo? Uso ang tatanga-tanga ngayon?" sabi ni Anna.

"Tss. Wait. Heto na" bored kong sabi.

"Okay! Let's go. Training na tayoooo!" Hyper na saad ni Zyline.

"Haaaay, bukas na pala ang final training guys! Kaya pagbutihin natin!" Pang-
eencourage ni Yukiko, this girl... She's so adorable in her own simple ways.

"Yeah!" Sabay na sabi ng barkada.

Haaay, I think after the Final training ko nalang sasabihin ang sinabi sa akin ni
Andromeda.

We do really need to empower our strengths and skills. Goodluck to us!

***

A/N: Uyy guys! Wala munang fight scenes ha? Babawi ako next chap! Promise ;) Iisa-
isahin ko ang final training nila para mas detailed hehe.

~ Sorry for the wrong typos and grammars.

~ n a u g h t y j a c k y y ~
Chapter Thirty-Two

YUKI

Haaaay, Grabe! Ngayon na ang final training namin. At hindi ko maintindihan kung
bakit kinakabahan ako, parang sinasabi nitong huwag na akong tumuloy sa Training
Hall, na para bang may mangyayari sa akin 'pag pumasok ako.

Hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng pinto ng Traning Hall. Nagdadalawang
isip man, still, pumasok parin ako. Eh sa walang akong choice eh!

Pagkapasok ko, ako nalang pala ang hinihintay at yung mga tingin nila ay parang
mangangain ng tao. And I was like 'Uh-oh, may something!'

Aatras ng sana ako nang biglang lumitaw si Andromeda at nakangiti itong sumalubong
sa akin.

"Magandang umaga Yuki" bati nito sa akin.

"GoodMorning din sayo Andromeda!" Hyper kong sagot.

"Halika na Yuki, magsisimula na ang Final Training ninyo at may naisipan kaming
magandang paraan upang makita ang mga kakayahan ninyo" sabi nito na ikinakaba ko.

"Ano naman 'yon?" Tanong ko kay Andromeda nang tuluyan na kaming makalapit sa mga
kasamahan ko. Naroon din sina Lola Magrett, Headmaster Mathew, Maam Rita,Maam Helen
at Sir Manuel.

"Aming napagpasiyahan apo na paglabanin kayong walo" sagot ni lola sa tanong ko

"What?! Ommo excited na ako, sana makalaban ko si Sai, nang mapalabas ko lahat ng
inis ko." Nanggigil na sabi ni Audrey.

"Hindi mangyayari iyang iniisip mo Audrey, sapagkat kayong lahat ay iisa lang ang
kalaban" sabi ni Headmaster. Mukha namang nadismaya si Audrey sa sinabi niya,
matalim niyang tiningnan si Sai na dinilaan siya.

"Sino naman ang kakalabanin namin ?" Takang tanong ni Anna.

"Si Yuki. Dahil siya lang ang bukod tanging hindi nauubusan ng Magoi, magsisilbi
narin itong pagsasanay niya upang mas maging karapat-dapat siya upang mapangalagaan
ang Alzorian Core" sabi ni Andromeda.

Aangal pa sana ako, pero narealize kong tama rin naman ang sinabi niya. Kailangan
kong maging malakas upang mapangalagaan ko ang buong Alzora.

"At dahil narin, pagkatapos nitong huli ninyong pagsasanay, nasisigurado kong
lilitaw at magagamit niyo na ang mga baluti ninyo" saad ni Andromeda.

Naghiyawan naman kaming walo dahil sa excitement, kasi, ang mga armors namin ang
mas magpapalakas pa ng mga kapangyarihan namin.

"Okay, let's start the operation training 101! Masiglang sabi ni Zyline at
pinatunog ang kaniyang mga buto sa kamay.
"Oh sige magsimula na tayo" sabi ni Sir Manuel.

"Sige, sino po ang mauunang lalabanan ni Yuki?" Tanong ni Audrey.

"At dahil sobrang na-excite si Zyline, siya ang mauuna" Nakangiting saad ni Sir
Manuel bago binalingan ng tingin si Zyline.

"Okay, magsimula na tayo bff, oh wait let me rephrase it, magsimula na tayo Amina,
hindi muna tayo friends ngayon ha? Galit-galit muna okay?" Paninigurado ni Zyline.

Ngumiti lang ako at tumango. Naglakad na kami papunta sa gitna ng Training Hall.

ANNA

Naghahanda na ang mga impakta sa kanilang magaganap na laban, at nasisiguro kong


magiging maganda ang labanan nila, Zyline will surely give Yuki a real fight.

"Handa kana ?" Tanong ni Zyline kay Yuki.

"Game na!" Nakangiting sagot nito.

Tumakbo papunta si Zyline kay Yuki sabay bato ng mga pulang bilugang prutas na
kapag nagkakaroon ng contact sa kahit na anong bagay ay sumasabog. Tumalon naman sa
ere at nagpaikot-ikot si Yuki upang maiwasan ang mga ibinabato ni Zyline, kasabay
nito ang pagbato niya kay Zyline ng mga matutulis na dahon. Sinangga naman ito ni
Zyline gamit ang Vine Whip.

Pagkalapag ni Yuki ay Agad itong hinampas ni Zyline ng Vine whip. Iiwas pa sana si
Yuki nang biglang may baging na pumulupot sa mga hita't kamay niya.

"Ahh!" Sigaw ni Yuki ng paulit-ulit na hampasin ni Zy ang katawan niya.

Hindi pa nakontento si Zyline, gumawa siya ng maraming leaf spikes at idinirekta


ito sa nakataling si Yuki. Hindi na nakapalag si Yuki at tuluyan na itong tinamaan,
wari'y isa siyang target sa isang Archery Contest.

"Ahhhhh!" Hiyaw niya ulit.

Balak pa sanang tirahin ni Zyline si Yuki ng Vine whip nang biglang umilaw ang
katawan ni Yuki, kasabay nun ang kusang pagluwag ng mga nakapulupot na ugat sa
kanyang katawan.

"It's payback time!" Nakangising sabi ni Yuki.

Tumalon ito sa ere at binalutan ng Berdeng liwanag, pagkalapag niya ay halos


mamangha kami. Nakasuot na siya ng isang Dark Red Armor na may halong bughaw na
kulay at Diyamante (A/N: wala akong makitang may pakpak kaya imaginin niyo nalang
ha ?) litaw na litaw rin ang pakpak niyang Sobrang puti na hinaluan ng gintong
kulay. Napaka sexy niyang tingnan sa suot niya, para tuloy siyang modelo ng
Victoria's Secret.

Lumipad ng kaunti si Yuki sa ere, at nang matantiya niyang tama na ang taas na
nilipad niya ay itinaas niya ang kanyang kamay at lumitaw ang isang Magical Rose
Stuff . Napa "Wow" naman kami sa ginawa niyang trick.

Itinaas naman niya ang Staff niya at umilaw ito, iwinasiwas niya ito at halos
malaglag ang panga namin nang gumamit siya ng Class S Magic, Nagawa niyang
palakihin ang Rose petal at gawing Rose blade, paulit-ulit niya itong ginagawa at
pinapatama sa direksiyon ni Zyline, todo iwas naman ang ginawa ng huli. Gumawa si
Zyline ng isang higanteng Carnivine ( A carnivorous plant ) kasing taas ito ng
dalawang palapag na gusali. Sinangga nito ang mga atake ni Yuki sa pamamagitan ng
Vine whip.

Hindi nagpatinag si Yuki, ikinumpas niya ang Bastong hawak niya at may lumitaw na
mga Bullet Seeds, sabay- sabay itong bumulusok papunta sa kinatatayuan ng Carnivine
ni Zy, sinangga naman ito ng halaman sa pamamagitan ng pagbuga ng berdeng likido.

Hindi namalayan ni Yuki ang vine whip ni Zyline, kung kaya't tumilapon ito ng ilang
metro. Muling bumuga ng berdeng likido ang Carnivine papunta sa direksiyon ng
tumilapong si Yuki na sinabayan ni Zyline ng Laser Leaf.

Mabuti nalang at mabilis ang reflexes ng bff kong bruha at nakalipad ito sa ere at
naiwasan ang pinagsamang atake ni Zyline at ng Carnivine. Inulit muli nila Zy ang
atakeng ginawa nila sinangga ito ni Yuki, gumawa siya ng LeafWall na kasingtibay ng
concrete wall.

"Tama na bff, sobra kana! Haha" sabi ni Yuki.

"Eh sa kailangan ko na talagang magkaroon ng super hot armor na gaya ng iyo no!"
Sabi ito.

"Okay, tapusin na natin to!" Sigaw ni Yuki. Tumango lamang si Zy.

Muling ipinagaspas ni Yuki ang pakpak niya at itinutok ang Baston niya sa posisyon
ni Zy at ng Carnivine nito.

"Maglaho kang pangit ka!" Sigaw ni Yuki habang palipad na sumusugod sa direksiyon
ng Carnivine. Segundo lang ang pagitan nang liparin ni Yuki ang distansiya niya sa
Carnivine. Pagkarating niya ay kaagad siyang nagpakawala ng isang Rose Blade na
lumikha ng sugat sa halaman, umagos ang berdeng likido mula sa sugat nito.

Umungol ang halaman dahil sa ginawa ni Yuki.

Tinira naman ni Zyline si Yuki ng Leaf spikes ngunit nagawa itong kontrahin ni Yuki
sa pamamagitan ng Rose Blades.

Paulit-ulit niyang pinatamaan ang Carnivine hanggang sa bumagsak na ito sa lupa at


naglaho.

"No, Carnivine!" Sigaw ni Zy na halatang hingal na hingal na sa ginawang mga atake


kanina. "Ipaghihiganti kita!" Sigaw nito at may namuong kumpol ng mga dahon na
pumalibot sa kanya at binalot siya ng isang nakakasilaw na berdeng liwanag.

Napatakip kami ng mga mata. Pagkawala ng ilaw ay bumulaga ang Zyline na suot ang
kanyang pinaka inaasam na armor.

****

A/N : Bibitinin ko muna kayo ha? Hehe. Please do vote and Comment.

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Thirty-Three

[ A/N : Zyline's Armor on the multimedia section. ]


AUDREY

Grabe! Ngangabels kami sa Armor ni Zyline! Ang cool niya, para siyang isang sexing
mandirigma. Ayy! Let me rephrase it, isa siya hot and sexing mandirigma ganern! At
napansin kong may hawak rin siyang isang Bow at may arrows sa likod niya.

Agad na sumugod si Yuki kay Zyline . Hahampasin sana niya ito ng hawak niyang
baston ng biglang panain siya nito. Napansin kong umilaw and dulo ng palaso ni
Zyline bago ito tumama kay Yuki na tumilapon at halos bumaon sa pader ng training
hall.

Akala ko tapos na ang laban ng biglang nagliwanag ang buong katawan ni Yuki at
kusang naghilom ang mga sugat nito.

"Uyy! Ang daya mo bff!" Sigaw ni Zy sabay pana kay Yuki. Nakita ko kung paano
nagliwanag ang pana ni Zy. Ang lahat ng madaanan nito ay tila naitataboy dahil sa
lakas ng energiyang nagmumula rito.

Nataranta si Yuki dahil ramdam rin niyang mas lumakas pa ang mga atake ni Zy.

Wala siyang nagawa kundi sanggain ang atake ni Zyline. Nagliwanag nang husto ang
bastong hawak niya. Nagbanggaan ang kanilang mga atake, halatang nahihirapang
sanggain ni Yuki ang atake ni Zyline na ngayon namay hinang-hina na.

Dahil sa gitgitan ng dalawang malalakas ng atake ay may nuong mga hibla ng kuryente
sa pagitan nito.

"Haaaaaa!" Sigaw ni Yuki at nagawa niyang ibalibag ang atake ni Zy. Papunta ito sa
direksyon..... NAMIN?!

"Ahhhhh!" Tili namin ni Anna,natataranta na kaming lahat. Akala namin ay tuluyan na


kaming matatamaan pero biglang humarang si Andromeda. Nakita ko kung paano siya
tumalon habang nagpaikot-ikot sa ere at dala-dala ang bola ng enerhiyang nanggaling
sa palaso ni Zy. Ibinalibag niya ito at tumama ito sa pader ng Hall.

Lumikha ito ng napakalakas na pagsabog at halos masira ang pader dahil rito. Mabuti
nalang talaga at makapal ang pader.

Hindi pa kami nakakarecover sa nangyari nang maagaw na naman ng dalawang bruha ang
atensiyon namin.

Kasalukuyang gumagawa ngayon si Yuki ng isang napakalaking energy ball, habang si


Zy naman ay iniipon ang bola ng enerhiya sa dulo ng palaso niya.

"Haaaaaaaa!" Sigaw ng dalawa at sabay pinakawalan ang inipong bola ng enerhiya.

Pansin kong hindi pa tapos si Yuki sa kaniyang ginawang atake, muli niyang itinaas
ang kanyang baston at nagsilitawan ang mga ugat ng puno, ikinumpas niyang muli ang
baston niya at sabay-sabay itong bumulusok sa kinatatayuan ni Zy.

Lumikha ng isang malakas na pagsabog ang pagsasanggan ng kanilang mga atake, ramdam
namin ang lakas ng impact nito at sigurado ako na kung ordinaryong tao lang kami?
Baka natumba na kami.

Nabalot ng alikabok ang buong hall. Nacurious tuloy kami kung sino na ang panalo.
Bigla kasing tumahimik ang dalawa.

Walang nagsalita sa amin, maging sina Master Magrett ay inaabangan ang resulta ng
laban.

Nang mawala ang alikabok ay inilantad nito si Yuki na kasalukyang nakaluhod sa


nakabulagtang katawan ni Zy.

Balak pa sana naming puntahan kaso pinigilan kami ni Andromeda. Sabi niya na hayaan
nalang daw namin si Yuki at Zyline.

Nakita naming nagliwanag ang kamay ni Yuki na nakalapat sa may bandang dibdib ni
Zy. Maya-maya pa'y nagising na si Zy, parang walang nangyari, wala man lang
kagalos-galos. Marahil isa ito sa mga natutunan niyang gawin.

Zyline

Oh my! I can't believe it talaga! Kahit natalo ako, feeling ko panalo parin ako,
kasi nagamit ko na sa wakas ang Armor ko! Oh ha?! Atsaka may isang skill pa akong
na-acquire, yun ay ang Archery. Mwahahaha.

Konting push nalang, may guardian na ako. Oh ha?! Ano kayo ngayon. Hehehe.

Kung confused kayo sa mga acts ko, na kahit natalo ako , well alam niyo na ang
sagot. Hindi ako lugi at higit sa lahat wala akong mga sugat! Thanks to Bff!

Naglakad na ako papunta sa pwesto ng Barkada. Balak pa sanag sumunod ni Yuki nang
pigilan siya ni Headmaster Mathew.

Pagkarating ko, puro 'ayos ka lang?' 'May masakit sayo?' Ang tanong nila.

Tumango lang ako at ngumiti. At siyempre pinagyabang ko ang armor ko, at pinalabas
ko pa ulit sa harap nila mismo! Nasira naman ang mukha ni Audrey haha. Inggit ang
lola niyo! Pero sinaway ako ni Master Magrett. Kaya ayun, shut-up nalang ako.

"Okay, ang susunod mong makakalaban Yuki ay si Audrey" sabi ni Headmaster.

"Oh my! Ako na talaga? Aww haha. Okay! Sisiguraduhin kong mas hot ang armor ko kesa
sa iba diyan! Bwahahaha." Sabi nito at pumunta na sa gitna ng Training Hall.

I guess this will be a very long day for Yuki.

For she will fight ALL of us NONSTOP!

***

A/N : Short update muna ha? Karugtong lang 'to ng last chap :)
Please hit Vote& Comment button Alzorians ;)

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Thirty-Four

SAI

Naglakad na papunta sa gitna ng Training Hall si Audrey. Pansin kong kinakabahan


ito. Maka-ilang ulit pa itong nagbuntong hininga.

Bakit naman siya kakabahan? She's strong enough naman. Kaya na niyang tapatan ang
kapangyarihan ni Yuki, kahit pa napakalakas nito, still may chance na manalo si
Audrey. Earth vs. Earth ang labanan at mas bihasa na si Audrey sa paggamit ng
elemento ng lupa.

"Okay magsimula na kayo!" Sabi ni Master Magrett, hudyat upang ilabas ni Audrey ang
Wand nito.

Si Yuki naman ay nabalutan ng liwanag at pagkawala ng liwanag ay tumambad ang


sobrang sexing armor ni Yuki. Kulay golden brown ito with black outline. May
disenyo ng Gold gems. Ang porma nito ay parang swim suit. Kaya sobrang hot!

"Wow! Bff ang hot mo! Wetwew!" Sigaw ni Anna at Zy sabay sipol pa. Mga baliw
talaga.

"Tss. Magkakaroon din ako ng ganyan! Isinusumpa ko sa pekpek ng puting uwak!" Sigaw
ni Audrey sabay sugod kay Yuki.

Napatawa naman kami sa sinabi ni Audrey.

Nag cast ng spell si Audrey at lumitaw ang mga earth pins sa paligid niya. Naging
alerto naman si Yuki.

YUKI

Gumawa ng napakaraming earth pins si Audrey kung kaya't naging alerto ako.

Ikinumpas niya ang wang niya at sabay-sabay na bumulusok ang mga earth pins niya
patungo sa direksiyon ko. Iwas naman ako ng iwas. Tumalon ako sa ere at nagpaikot-
ikot kasabay ng pagpapakawala ko ng rockballs upang masangga ang atake niya. Ngunit
dahil sa napakarami ng earth pins ni Audrey ay di maiwasang madaplisan at matamaan
ako.

Pagkalapag ko sa sahig ay halos mawalan ako ng balanse sa dami ng tama ko. Mabuti
nalang at may healing power ako.

Sumugod na ako kay Audrey kasabay ng pagbalot ko sa aking kamay ng bato. Patalon
akong sumuntok kay Aud na naiwasan niya. Pumaikot siya at sinipa ako sa tiyan na di
ko naiwasan. Napadaing ako sa sakit dahil dun. Hindi ko alam magaling pala sa
physical combat si Aud.

Muli akong tumalon kasabay ng pag-ipon ng enerhiya ng elemento ng lupa sa mga palad
ko at sabay tapon kay Aud. Hindi niya iyon napansin kung kaya't natamaan siya nito.

"Ahhhh!" Daing niya matapos niyang tumilapon ng 3 metro.

"El kuliumba arma!" Sigaw nito at agad binalutan ng golden brown na ilaw ang buong
katawan ito.

Matapos nun ay lumantad si Aud suot ang kaniyang Armor na napaka-sexy, golden brown
ang kulay nito at may nakaukit na mga disenyong lubos na nakakamangha. Napansin ko
rin ang wand niyang naging isang scepter na parang pinuluputan ng baging at may
berdeng bato sa dulo.

Agad niya iyong ikinumpas at kasabay nun ang pag-angat ng lupang kinatatayuan ko.
Tumalon ako, ngunit agad na tumilapon ng patamaan ako ni Aud ng isang tipak ng
lupa.

Tatayo na sana ako, ngunit halos mapamura ako ng bumulaga ang napakaraming earth
spikes sa harap ko.
Ikinumpas muli ni Aud ang kamay niya at halos atakihin ako sa puso ng sabay sabay
bumulusok ang mga ito sa kinaroroonan ko.

Agad akong gumawa ng earth shield upang maprotektahan ang sarili ko. Unti-unti ng
nasisira ang harang na ginawa ko kung kaya't agad akong nagpakawala ng napakaraming
earth blades na sumangga sa earth spikes niya.

Dahil dun, napuno ng alikabok ang training hall.

Nakiramdam ako sa paligid, pinikit ko ang mga mata ko upang maramdaman ang enerhiya
ng mga kasama ko sa training hall.

Napadilat ako ng may maramdaman akong napakabilis na earthballs papunta sa


direksiyon ko. Sinangga ko naman yun ng mga earthballs, pero nang sumabog iyon ay
may kumawalang earth pins kung kaya't natamaan ako.

"Ugh! Ang sakit!" Daing ko.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang enerhiyang dumadaloy sa katawan ko.

AUDREY

Aatake na sana ako ulit ng biglang balutin ng golden brown light si Yuki.

Akala ko talaga di ako tatagal ng ganito. Kanina kasi hinang-hina na ako, pero
parang may kapangyarihang gustong kumawala mula sa katawan ko. Tila bombang
nagbabadyang sumabog. Kung kaya't pinakawalan ko ito sabay cast ng spell, summoning
my armor. Nagbabakasakaling lumabas, at yun nga! Di ako nagkamali.

Bumalik lang ako sa realidad ng mawala ang liwanag na bunabalot kay Yuki at
tumambad ang mga pakpak niyang puting-puti na may halong ginto

Ibinuka nito ang pakpak niya at napa WOW naman kami sa ganda nito.

"Wow! Grabe Yuki ang ganda mo ah! Sooobra! Haha" hiyaw ng mga lalaking ugok pati
si Sai. Tss!

Nainis naman ako kay Sai. Ganun pala ang gusto niya? Tss. Okay payn!

Dahil sa inis ko ay nagcast ako ng spell at lumitaw ang napakaraming tipak ng bato,
paikot ang galaw nito na tila pinoprotektahan ako

Nakita kong nag-iipon ng enerhiya si Yuki sa palad niya. Palaki ito ng palaki.
Itinaas niya ang dalawang kamay niya sa ere at pinag-isa ang dalawang bola ng
enerhiyang inipon niya. Naging isang malaking bola ng enerhiya ito.

Naging alerto naman ako, ano na naman kayang gagawin ng babaeng ito..

Dahan-dahan niyang itinutok ang bola ng enerhiya sa direksiyon ko na naging dahilan


upang mapalunok ako ng laway.

"Hyaaah!!" Sigaw ni Yuki kasabay ng Pag-ilaw ng energy ball niya. Akala ko ibabato
niya saken ngunit laking gulat ko ng nagpakawala ito ng napakaraming earth mula sa
energy ball na ginawa niya.

Agad kong pinagalaw ang mga bato upang gawing harang at upang ma-counter ko ang
atake niya.

Ngunit 'di lang 'yon, gumawa pa siya ng napakaraming earth blades at pinatama sa
direksiyon ko. Tumambling ako at sa bawat paglapat ng kamay ko sa sahig ay gumagawa
ako ng earth shield upang maprotektahan ang sarili ko.

Akala ko tapos na ang atake niya ng bigla na naman siyang lumipad ng mataas.

Siyempre ayokong magpatalo ng ganun noh?! I casted a spell at lumitaw ang


napakaraming earth spikes and blades at idinerekta ko iyon kay Yuki na kasalukuyang
lumilipad.

But to my surprise, she managed to summon earth blades and spikes ng mas maaga than
me. At di lang yon, pinagsama niya ito at nakabuo ito ng isang dragon na may
katawan ng lupang hinaluan ng bato at matutulis na kaliskis na yari sa bato.

Ikinumpas ni Yuki ang kamay niya at sumugod na ang dragon papunta sa direksyon ko.
Pinuntirya ko ang dragong ginawa niya, tinira ko ito ng earth balls, spikes and
blades ngunit parang wala lang itong epekto, tila hindi natinag ang earth dragon na
ginawa ni Yuki. Tuloy-tuloy itong sumugod sa direksyon ko.

I tried to make an earth shield, pero winasak lang iyon ng dragon niya. Muli,
inipon ko sa scepter ko ang halos lahat ng enerhiya ko at bumuo ng energy ball.

Nang matantiya kong sapat na ito ay paikot ko itong inihagis sa direksyon ni Yuki.
She countered my attack by using an energy ball also.

Nagbanggan ang aming mga atake, ngunit ayaw kong magpatalo.. Muli kong dinagdagan
ang enerhiya ng bolang ginawa ko. Ngunit ganun din si Yuki, pinasugod niya ang
kaniyang dragon sa bolang ginawa ko.

Hindi ko na kayang sanggain ang atake ni Yuki kung kaya't tinodo ko na ang aking
atake.

"Haaaaaaaa!!!""" Sigaw ko at mas lalong pinalakas ang energy ball ko.

"Hyaaaaahhhhh!" Sigaw rin ni Yuki at tinodo narin ang kaniyang atake. Dahilan upang
magsilutangan ang mga maliliit na tipak ng lupa sa paligid. Unti-unti naring
nagkakaroon ng crater sa pagitan ng naggigit-gitang kapangyarihan namin ni Yuki.

Hanggan sa...

"ENOUGH!" Rinig kong sigaw ni Master Magrett bago ako tuluyang mawalan ng malay.

***

Chapter Thirty-Five

YUKI

Pinatigil na kami ni Lola, dahil mukhang seryosohan na talaga ang away namin ni
Aud.

Nang mawalan ng malay si Audrey ay naglaho narin ang armor nito at bago pa ito
bumagsak sa lupa ay nasalo na ito si Sai. Hmm, i smell something malansa hihi.

Agad kong pinuntahan si Aud at pinagaling, at siyempre ako rin. Pinagaling ko ang
sarili ko at pinalakas ko rin ang stamina ko, mahirap na no!

Pupunta sana ako kina lola para humingi ng timeout ngunit humarang na naman 'tong
bubwit na si Headmaster Mathew and as usual naka poker face na naman. I wonder, may
dalaw ba siya palagi?

"What's with the look Yuki? Parang may iniisip kang masama tungkol saken ah" sabi
ni H.M Mathew

"Ha? Di ah, wala. Wala kaya!" Sabi ko ng nakanguso.

Paano niya nalaman yung iniisip ko? Mind reader ba siya?

"I'm not a mind reader"

Halaa! Hindi raw siya mind reader tapos alam niya ang iniisip ko, meganun?

"Tss. Halata sa mukha mo. You look confused. By the way, ang sunod mong makakalaban
ay si Anna. Get ready. I know this battle will be a tough one for you" sabi nito.

Napalunok naman ako, kasi... Paano ko ba 'to sasabihin? Aside sa bestfriend ko si


Anna, malakas na siya. She's advance. Alam na niyang gamitin ang Armor at
kapangyarihan niya. Eh ako? Paano ako ha?! Tell me.

"Anna it's your turn, now show us what you've got!" Sabi ni HM Mathew at naglakad
na papunta sa kumpol nina Lola.

Tiningnan ko pa si Andromeda at binigyan ng "please 'wag na nating ituloy look"


pero ang bruha? Ayun tinalikuran ako. Haaay, kainis ka naman Andromeda oh! Walang
support.

Naglakad na si Anna papunta sa direksiyon ko, mas lalo akong napalunok nang makita
siyang nakangisi. Nakangisi ng nakakaloko, it was like 'humanda ka'smile.

"Bruha, uwi na tayo :)" nakangiti kong sabi, pero halatang kinakabahan.

"After this battle bff" cold nitong sabi sabay sugod saken.

JACK

Agad na sumugod si Anna kay Yuki na ikinabigla ng huli, nabigla si Yuki kung kaya't
hindi nito nagawang dipensahan ang sarili.

Hindi paman nakakabawi si Yuki binato na agad siya ni Anna ng napakaraming


waterballs. Hindi pa ito nakontento at sinundan pa niya ito ng water spheres.

Kinabahan naman ako para kay Yuki, I don't know why, pero right from the start nung
nabangga ko siya, whenever she's near , all I hear is dugdug, dugdug. And I don't
know why this is happening to me. Am I ?? Naaah! Imposible, di yun mangyayari at
'di kailanman. Hindi pa ako nakaka-move-on sa kanya. I still do love her.

Napabalik ako sa kasalukuyan nang mabalutan ng nakakasilaw na liwanag sina Yuki at


Anna, after the blinding light dissapeared, bumungad ang dalawang babaeng nakasuot
ng magagarang armors. They're both hot, sexy, fierce and of course, powerful at the
same time.

May dala ngayong espada si Anna habang si Yuki naman ay isang mahabang Scepter na
may matalim na dulo.

Tumalon si Anna sabay bato ng water blades sa direksyon ni Yuki. Hiniwa naman ito
ni Yuki gamit ang scepter niya at tinira si Anna ng Water balls na naiwasan naman
ng huli.
Tumakbo si Anna papunta sa kinatatayuan ni Yuki, hinampas noya ito ng espada niya
na nasalag naman ni Yuki. Tanging sigaw lang ng dalawa at tunog ng nagbabanggaang
metal ang naririnig sa buong training hall. Maging sina Zyline, Audrey, Paolo,
Mavs, At ang mga nakatataas ay tahimik na nanonood sa labanan ng dalawa.

Mahahalatang nahihirapan si Yuki sa pakikipaglaban kay Anna. Di ko naman


maitatanggi na magaling talagang makipaglaban si Anna pisikal man o gamit ang
kapangyarihan

"Water Dragon!" Sigaw ni Anna at lumabas ang dragong gawa sa tubig na sumugod sa
direksyon ni Yuki. Gumawa ng napakaraming water blades si Yuki at pinatamaan nito
ang water dragon , hindi pa ito nakuntento at gumawa pa ito ng water spikes at
pinatama kay Anna.

Nadistract naman si Anna dahil sa ginawa ni Yuki kung kaya't nawalan siya ng
kontrol sa water dragon niya at tuluyan na itong naglaho.

Itinaas ni Yuki ang kanyang scepter sa ere at unti-unting inipon ang elemento ng
tubig doon. Unti-unti itong nabuo bilang isang napakalaking water ball.

Habang sa kabilang banda naman ay itinaas ni Anna ang kanyang espada kapantay ng
kanyang mukha, nakapikit at may light blue na aura ang lumalabas sa katawan nito.
Nakita ko naman ang namumuong malaking alon sa likuran ni Anna.

What the! Is she going to do it? The Class A Controlled Wave? Seryoso talaga siya
sa laban. I mean, ang technique na Controlled wave ay nangangailangan ng matinding
konsentrasyon dahil kung hindi maaari itong ikapahamak ng Mage na gumawa nito at
maaari ring makapinsala ng iba.

Nang lumingon ako kay Yuki nakapikit narin siya, at halos lumuwa ang mata ko
literally, dahil ang kaninay binubuo niya napakalaking water ball ay hindi lang
pala isang simpleng water ball. Isang itong whirlblade! Ang whirlblade ay isang
technique na nangangailangan din ng napakaraming magoi at kapag pinakawalan ay
mabilis na paikot ang galaw nito kasabay ng pagpapakawala ng mga water blades kung
kaya't itinuturing rin itong complex technique. I wonder how did Yuki managed to do
such technique, considering the fact na baguhan palang siya. For me, she's really
special and interesting.

Ibinuka na ni Anna ang mata niya kasabay ng pagwasiwas niya sa kaniyang espada
papunta sa direksyon ni Yuki, kasunod nun ang paggalaw ng Controlled Wave papunta
kay Yuki.

Iminulat narin ni Yuki ang mata niya at itinapon ang whirlblade upang salubungin
ang controlled wave ni Anna.

Nang magsalpukan ang kanilang mga atake ay halos mapamura kaming lahat nang
kumawala ang napakaraming water blades papunta sa direksyon namin mabuti nalang at
mabilis na nakagawa ng Barrier si Andromeda ngunit bakas parin dito ang mga hiwang
dulot ng water blades.

Muling sumigaw ang dalawa at mas lalo pang lumakas ang pagsasalpukan ng kanilang
mga atake. Halos mabaon na sa sahig ang dalawa at dahil sa lakas ng pwersang
nanggagaling sa mga atake nila.

Ngayon, para tuloy umuulan sa loob ng training hall. Hindi lang ordinaryong ulan
kundi, umuulan ng water blades na isang tama lang sugat ang aabutin mo! Narinig
namin ang pag-crack ng barrier na ginawa ni Andromeda kaya nabahala kami't naging
alerto. Bawat isa sa amin ay inilabas ang kaniya-kaniyang kapangyarihan , maliban
kina master Magrett, HM Mathew, Ma'am Helen&Rita, Dad and Andromeda.

Nang tuluyang masira ang barrier ay gumawa na kami ng sariling barrier habang
hinihintay na matamaan kami ng mga water blades pero mga ilang sandali pa ang
lumipas, wala akong naramdaman, kaya I decided to take a look kung ano ang
nangyayari, but to my surprise nakita ko ang mga water blades na nakahinto, tila
natigil ang paggalaw nito.

Pagtingin ko si Master Magrett at Andromeda, magkahawak kamay habang paulit-ulit na


sinasabi ang salitang 'stuppia moviere' . Hindi ko alam ang ibig sabihin nito pero
nakakasigurado akong ito ang rason kung bakit tumigil sa paggalaw ang mga water
blades, Controlled wave, at Whirlblade.

"That's it! Tama na, napatunayan mo na Anna na kayang-kaya mo ng makipag-sabayan sa


amin, and you Yuki, pinatunayan mo ring madali kang matuto at gumawa ng sarili mong
techniques without knowing na advance na pala ito. That's it for now. Umuwi na
kayong lahat, and for boys, bukas, it's your turn so prepare. Gabi na kaya umuwi na
kayo" sabi ni HM Mathew at naglaho na sila ni Dad kasama sila Maam.

Naiwan nalang kaming anim at napag-pasiyahang umuwi narin, dahil pagod na ang mga
kababaihan at kami naman, ay magahahanda pa para bukas.

---

SOMEONE'S POV

Matapos ng aming training ay dumiretso na ako sa likod ng Paradus Academy kasama


ang isa ko pang kasamahan sa pag-iispiya.

Hinihintay namin ang mensaherong galing sa Cursed Tribe upang maisiwalat namin ang
aming report at mga nalalaman. Ilang sandali pa ay dumating na si Gin, ang sinasabi
kong mensahero ng Wiccan Tribe, siya rin ang kanang kamay ng aming Pinuno.

"Anong nalaman niyo?" - Gin

"Aside sa mas lalong lumalakas ang Arankar ay wala na kaming maiuulat pa" maikling
sagot ng kasama ko.

"Mga walang kwenta! Gusto niyong tuluyan ko ng tapusin ang buhay nila? Tingnan
nalang natin ku--"

"Huwag! Bigyan mo pa kami ng sapat na oras upang maisagawa namin ang plano.
Nahihirapan din kasi kaming gumalaw dahil palaging may mga matang nakamasid" putol
ko sa sasabihin niya.

"Oh sige, palalampasin ko 'to, pero pag sa susunod, pumalpak ulit kayo,
sisiguraduhin kong wala na kayong babalikan sa kuta" sabi ni Gin at tuluyan ng
naglaho.

Nagkatinginan nalang kami ng kasama ko at nagbuntong hininga. Sobrang hirap na


kami, naiipit na kami sa sitwasyon.

Ang hirap mamili kung sino ang isasalba, ang mga mahal mo sa buhay o ang mga
kaibigan mo?

***

A/N : Hala! Ano ang ibig sabihin nun? Abangan ;)


Vote and Comment po :*

Their Armors

This is not an update but it can help you sa pag-iimagine sa main Characters ;)
Enjoy.

ZYLINE'S ARMOR

Advantages : Enhances her Nature power and gives her an additional skill ; Archery

AUDREY'S ARMOR

Advantages : improves her stamina and help her to cast a spell without reciting it.

ANNA'S ARMOR

Advantages : improves her water skills and stamina, plus skill in handling sword

MAV'S ARMOR

Advantages : improves his ice skills and strength.

SAI'S ARMOR

Advantages : enables him to cast a spell without reciting it plus gives him skills
on handling swords

JACK'S ARMOR

Advantages : Improves his handling sword skills and his element ; FIRE

PAOLO'S ARMOR

Advantages : improves his wind skills and gives him additional skill on ARCHERY

Overall advantage of their armors

Gives them protection from physical attacks and offensive spells and incantations.
YUKI'S ARMORS

Her armors helps her to improve her skills and power, it also give her additional
skills like handling swords, bow and arrow, spheres , etc.

Chapter Thirty-Six

YUKI

Nagising ako dahil sa kakulitan ni Kiyu, dinidilaan niya kasi ang pisngi ko. Namiss
ko rin 'tong alaga kong to eh, gusto ko sanang isama siya pero dahil sa naganap
nung Ranking Battle ay sinabihan ako ni Lola na kung pwedeng huwag na munang isama
si Kiyu sa Training Hall dahil baka magwala na naman ito.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at hinanap sina Zy at Anna ngunit wala na ang mga
ito. Tss, iniwan na naman nila ako.

Kumain nalang ako at nagsipilyo. Binigyan ko rin ng gatas si Kiyu bago ako umalis
ng Quarter. And as usual, dahil late na ako, ginamit ko na ang pakpak ko upang
makaabot sa takdang oras ng training. Mahirap na no! Baka pagalitan na naman ako ng
bubwit nayun!

---

Pagkarating ko ay saktong kakarating lang din nila H.M

"Okay since maaga pa, we've decided to give you an exercise" sabi ni Sir Manuel.

"And what is that Dad?" Tanong ni Jack

"A battle will do! Haha" pilyong sabi naman ni Maam Helen.

"So Yuki and Sai, get ready" sabi ni Lola.

"Okay po, total kahapon pa ako handa" sabi ni Sai.

"Duh! Ang hangin mong kidlat ka! Humanda ka kay Yuki. Yuki, tustahin mo ang hambog
na 'yan ha!" Sabi ni Aud, natawa nalang ako sa tinuran niya.

"Tama na iyan, sige na simulan na ninyo ang laban, dahil mamaya may mahalaga kaming
sasabihin sa inyo" sabi ng bagong sulpot na si Andromeda. Na-curious tuloy ako, ano
kaya ang sasabihin ni Andromeda?
At dahil sa excitement ay nagmadali na akong pumunta sa gitna ng Training Hall at
ganun din si Sai.

Pumosisyon na si Sai kaya naghanda narin ako.

"Simulan niyo na!" Sigaw ni lola, hudyat upang simulan na namin ang laban, a
friendly one.

Audrey

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako ganito kung makitungo kay
Sai, eh kasi nakakainis siya! Di niya napapansin yung mga paramdam ko, Yuki
pakipatay ng ugok na yan. Ay wag pala ma-- i mean kaibigan ko parin yan.

Pinosisyon na nila Yuki at Sai ang isa't-isa, sumigaw si Master Magrett hudyat ng
simula ng kanilang laban.

Tinira ni Yuki si Sai ng isang electric ball, Sai casted a spell 'el barga' then a
lightning barrier appearedz protecting him from the attacks of Yuki.

"El boltahezier!" Sigaw ni Sai, maya-maya pa ay may namuong makapal na itim na ulap
sa ibabaw nila ni Yuki. Nagsimulang lumanbas ang mga hibla ng kidlat mula rito
papunta sa direksyon ni Yuki. Iwas lang ito ng iwas hanggang sa matamaan siya ng
isang hibla ng kidlat na dahilan upang masugatan siya nito sa binti.

Inulit pa ni Sai ang ganung atake, mas pinalakas pa niya, pero inilabas ni Yuki ang
pakpak niya at lumipad papunta sa direksyon ni Sai at pagkalapag nito ay kaagad
niyang sinipa si Sai sa tiyan ngunit nasalag ito ni Sai at sinipa rin si Yuki,
naiwasan ito ni Yuki sa pamamagitan ng pag-yuko sabag sipa sa paa ni Sai dahilan
upang matumba ito.

Hinawakan ni Yuki ang kanang paa ni Sai at inihagis sa ere kasabay ng pagbato nito
ng lightning balls, natamaan si Sai kung kaya't tumilapon ito at tumama ang likod
sa pader.

Muli itong tinira ni Yuki ng lightning spikes ngunit bago pa ito umabot kay Sai ay
nabalutan na ito ng ginintuang liwanag nang mawala ang liwanang ay tumambad ang
Gwapo at Maskuladong Sai na nakasuot ng Armor. Omaygash! He's hot . naglalaway ako.
Tubig please!

Napansin ko ring imbis na wand ang hawak niya ay isa itong espada. Nabalot narin si
Yuki ng liwanag at nang mawala ay tumambad ang Sexy and Hot Yuki wearing her so
fabulous Armor, may hawak narin siyang espada at isang shield.

Sumugod na si Sai at hinampas ng espada si Yuki, sinalag naman ito ni Yuki ng


kanyang shield sabay hampas ng espada niya kay Sai. Napaatras si Sai dahil dun,
sumugod ulit siya at hinampas muli si Yuki, umiwas si Yuki sabay tira ng lightning
spikes kay Sai.

Hinarang ni Sai and espada sa harap niya upang salagin ang atake ni Yuki. Itinapon
muna ni Yuki ang shield niya at nakitang kong mas naging seryoso ito.

Ganun din si Sai, mas naging seryoso ito.

Pumikit si Sai at napansin kong naiipon ang kaniyang enerhiya sa kaniyang espada,
may lumalabas na hibla ng kidlat mula rito, habang sa kabilang banda naman, si Yuki
ay nakapikit din habang nakataas ang espada sa ere, malaya kong nakikita ang
pagdaloy ng dilaw na liwanag mula sa katawan niya patungo sa espada nito. Napansin
kong may mga markings na lumitaw sa espada niya.

Nnag linguni ko sila Sir Manuel at Headmasted ay kapwa ito namangha sa nasaksihan.
Habang sila Ma'am Rita and Helen, Andromeda and Master, ay nakangisi sila habang
nakatingin kay Yuki.

Napabalik ako ng tingin sa dalawang nagalalaban ng maagaw ang atensyon ko sa isang


nakakasilaw na liwanag mula sa espada ni Yuki. Inimulat niya ang kaniyang mata at
sumugod ng direkta kay Sai, ngunit bago paman matamaan ni Yuki ang nakapikit na si
Sai ay nagmulat na ito ng mata kasabay ng pagpapakawala ng inipong enerhiya sa
kaniyang espada upang salubungin ang pasugod na si Yuki.

Hindi inasahan ni Yuki ang atakeng iyon ni Sai kung kayat natamaan ito sa mah
bandang tiyan. Tinangay siya ng enerhiyang pinakawalan ni Sai papunta sa Pader,
ngunit imbis na tumama si Yuki at nagawa niya itukod ang kaniyang mga paa upang
pigilan ang nag-ngangalit na enerhiya. Akala ko natamaan siya, hindi pala. Nagawa
niyang iharang ang kaniyang espada. So galing talaga ni Yuki na.

Ibinuka niya ang kaniyang pakpak at ipinagaspas ito para mabigyan siya ng supporta
upang maitulak ang enerhiyang pinakawalan ni Sai. Halos mabiyak ang pader, ngunit
nagawa ni Yuki na itulak ito paitaas at doon sumabog. Ang akala ko'y normal na
pagsabog lang ay hindi pala, umulan ng lightning bolts matapos ng pagsabog kung
kaya't nataranta kami pero nagawan na ng paraan ni Andromeda.

Ano ba'to? Kahapon si Anna, ngayon naman si Sai?! May balak ba silang patayin kami?
Nakaka-imbyerna na ah. Patay ka talaga sa akin Sai!

Muling sumugod si Yuki kay Sai na ngayo'y hingal na hingal na. Nagawa naman ni Sai
na salagin ang atake ni Yuki. Hinampas muli ni Yuki si Sai ng espada at sinipa sa
tagiliran, and with that, napaatras si Sai ng mga dalawang metro. Hindi pa
nakontento si Yuki at sinipa niyang muli si Sai sa tiyan kaya't napaluhod na ito.
Sinipa ni Yuki ang kamay ni Sai dahilan upang mabitawan nito ang kaniyang espada.

Tinutok ni Yuki ang dulo ng espada niya sa leeg ni Sai sabay sabing "tapos na"

Matapos niyang sabihin yon ay nagpalakpakan ang mga boys sabay sabing "uyy Sai!
Wala ka pala eh. Haah natalo ka ni Yuki oh!"

"Hala! Pinagbigyan ko lang no!" Sagot naman ni Sai. Napa-iling nalang si Yuki sa
sinabi niya.

"Hoy Ugok kungrats! Ang galing mo ah" sabi ko.

"Aww salamat sa papuri, pero sanay na ako sa ganyan!" Sagot nito na ikinainis ko.

"Che!"

"Oh kita mo, Audrey wag na kasing puriin ! Masasaktan ka lang! Haha" sabi ni Zy.
Tiningnan ko nalang siya at binigyan ng 'tumahimik ka' look.

"Oh tingnan niyo ang isa pang mahangin! Literal na mahangin. Ayun na sa gitna at
nakaporma na!" Sabi ni Anna.

Napatingin naman kami kay Pao na kasalukuyan ng nasa gitna na ng Training Hall at
iniipon ang lahat ng hangin sa kaniyang palad

***
Chapter Thirty-Seven

YUKI

Makikisali pa sana ako sa asaran ng grupo nang biglang pumunta si Pao sa gitna at
hinamon ako .

"Yuks, tayo naman! Gusto kong subukan ang nalaman kong bagong technique hehe!" Sabi
nito at nagsulang ipunin ang hangin sa kaniyang mga palad.

"Oh sige ba! Para matapos na'to! Hehe, at nang makapag-pahinga na ako!" sagot ko.

"Hoy Bro! Excited ah! Baka matalo ka niyan!" sigaw ni Mav.

"Hindi, sigurado ako na ang matatalo ay si Yuki!" Sigaw ni Jack na ikanainis ko.

"Hoy Apoy! Manahimik ka diyan! Nakaka-kalbo yang kabwisitan mo!" Inis na sigaw ko
sa kanya.

"Hoy ka din LIIT! An----" puto na sabi nito dahil sumingit na si bubwit.

"Tama na iyan mga bata, Pao and Yuki magsimula na kayo!" sabi ni Headmaster Mathew.

Makatawag ng Bata tong bubwit na ito!

"Yuki 'pag natalo kita, hahalikan mo si Jack ha! Hehe" sabi ni Pao.

"What?! Baliw ka ba?! Ayoko nga. Yung gwa-- hambog nayun?? Ayoko."

"Eh totoo naman palang DUWAG ka eh. Akala ko pa naman matapang ka, ipinagtatanggol
pa naman kita kina Jack pero--"

"Oo na! Tama na ang pangongonsensya!"

"So hahalikan mo talaga si Jack?!" Gulat na tanong nito.

Ngumisi lang ako sa kanya sabay sabing "kung matatalo mo ako!" and with that,
sumugod na ako.

ANDROMEDA

Lubos akong nasisiyahan sa aking nasasaksihan. Hindi ko mapigilang mapangiti


sapagkat nasisigurado kong kayang-kaya ng pangalagaan ni Yuki ang Alzorian Core.
Madali lamang itong natututo sa pisikal at mental na aspeto ng pakikipaglaban.

Malapit na ang Blue Moon kung kaya't kailangan ng gawin ang seremonya ng pagpapasa.

Naagaw ang atensyon ko ng mabalot ng puting liwanag ang binatang si Paolo at nang
mawala ito ay nakita ko itong suot ang kaniyang Baluti na kulay ginto't itim, may
dalang pana ngunit walang palaso at may suot na pulang kapa.

Itinutok nito ang kaniyang pana sa direksyon ni Yuki na ngayoy pasugod na sa


binata.

Nnag hilain niya ang pisi ng pana ay may namuong palasong gawa sa hangin, tinira
niya si Yuki ngunit naiwasan lang ito ng dalaga. Inulit pa niya, isang palaso,
dalawa, tatlo hanggang sampung palaso na ang intinitira niya sa dalaga kung kaya't
walang nagawa si Yuki nang matamaan siya nito sa binti. Humiyaw sa sakit ang dalaga
bago ito mabalutan ng puting liwanag.

Nakakatuwa at nakakabilib ang mga batang ito, nakaya nilang palabasin at gamitin
ang kanilang mga Baluti sa maikling panahon lamang. Ang ilan nga ay ilang taon pa
ang ginugugol mapalabas lang ang Baluti nila.

Nang mawala ang nakakasilaw na liwanag ay tumambad si Yuki na nakasuot ng Baluting


kulay puti at ginto. Wala itong dalang kahit na anong sandata.

YUKI

Nakakamangha talaga! Ang sarap sa pakiramdam kapag nakasuot ka ng Armor! Kagaya


ngayon, nakasuot ako ng puting armor na may touch ng ginto at ang sexy! Pero sanay
na akong magsuot ng ganito. Sanayan lang yan! Naramdaman ko rin sa kanang kamay ko
na may hawak ako.

Oh my! Isang espada. Hindi lang basta espada, isang espadang yari sa hangin pero
invisible siya! Unlike kay Pao nakikita ko ang mga Arrows na pinakakawalan niya.

Sumugod na ako kay Pao, tinira ko siya ng napakaraming airballs, pinatatamaan naman
niya ito ng mga arrows niya.

Malaya akong nakalapit sa kanya, ang sandata niya ay for long range battle lang,
samantalang itong saken ay for short range kaya mas pabor sa akin ang labang ito,
and kapag nanalo ako, di ko na hahalikan si Jack! Mwehehe. Sayang.

Ang akala koy pabor sa aking sitwasyon ay nabaliktad. Tinira ako ni Pao ng air
blast na hindi ko nasalag. Tumilapon ako ng ilang metro mabuti nalang may Baluti
ako dahil kung wala? Baka puro gasgas na'tong balat ko.

Nakita ko siyang lumipad gamit ang hangin, kaya I decided to use my wings. Lumipad
ako upang magkapantay kami.

Tinira ko siya ng napakaraming airballs na kapag sumabog may naglalabas ng


airblades.

Sinalubong niya iyon ng air spikes, kaya sumabog ang mga airballs ko at nagpakawala
ng daan-daang air blades na di niya inaasahan kung kaya't napuruhan siya ng husto.
Akala ko babagsak na siya ngunit ginamit niyang pang-supporta ang hangin upang di
siya malaglag. Ikimumpas niya ang kamay niya sa hangin, hindi ko maintindihan kung
anong ginagawa niya pero maya-maya pa'y nalaglag nalang ako, namimilipit dahil
hindi ako makahinga. Wala akong hanging nalalanghap.

Eto ba ang bago niyang technique? Naiiyal na ako habang hawak ko ang leek ko, konti
nalang mauubusan na ako ng hininga.

"Pao! Itigil mo yan! Ipapahamak mo si Bff!" Sigaw ni Zy.

Nang tingnan ko si Pao halatang nahihirapan siyang kontrolin ang technique na


ginagawa niya.

"Paolo! Enough. Maaaring ikamatay ni Yuki ang ginagawa mo!" Sigaw ni Lola.

"Hindi ko alam kung paano! I can't control it!" Sigaw ni Pao.

And with that, wala na akong nagawa kundi ang pumikit, ang sakit na ng mga katawan
ko, napansin kong namumutla na ang balat ko.
Humiyaw ako sa sakit! Ayoko pang mamatay! May misyon pa ako. Ipaghihiganti ko pa
ang mga magulang ko!

"Haaaaaaaaaaaaaa!" Tuluyan na akong napasigaw, kasabay nun ang pagwawala ng hangin


sa buong Training hall. Unti-unting may nabubuong mga ipo-ipo sa paligid, nag-iba
rin ang pakpak ko, from solid feathers, naging parang hangin ito.

Ang ganitong anyo, nakamit ko na'to noon. Ang Fundiere Form!

"Ikinumpas ko ang mga kamay ko na tila kinokontrol ang mga ipo-ipo papunta sa
direksyon ni Pao.

Nagpakawala pa ako ng maraming air blades at inihalo ko sa ipo-ipo kung kaya't


napakatalim na ng bawat gilid ng ipo-ipo.

Iwas lang ng iwas si Pao , abala sa pag-iwas sa ginawa kong atake. Kung kaya't
sinamantala ko ito upang gumawa ng air dragon.

Hindi niya iyon napansin kung kaya't malayang umatake ang air dragon ko sa kanya.
Pinaglaho ko na ang mga ipo-ipo. Nagtaka naman si Pao kung bakit pero nang makita
niya ang pasugod kong air dragon ay naging alerto siya, pedo huli na. Tuluyan na
siyang nilamon ng air dragon ko at dinala pababa sa ground ng training hall.

Sumabog ang air dragon ko at iniwan nito ang walang malay na katawan ni Pao.

Mabilis naman akong pumunta sa kanya at pinagaling ang kaniyang mga pasa't sugat.
Nang magkamalay ito ay agad itong kinuha nila Zy.

Sasabihin ko na sanang itigil na muna ang pagsasanay ng biglang..

" Ako na ang susunod ha? Ready?" Nakangiting sabi ni Mav.

Wala akong ibang nagawa kundi tumango dahil tiningnan ako ng masama ni Bubwit!

Wala naba akong karapatang magsalita dito? Heller! Tao parin po ako! Ay este
Alzorian parin po ako -.-

***

Chapter Thirty-Eight

YUKI

Nakakainis na talaga huhu! Wala na talaga akong karapatang pang Alzorian. Ginagawa
nila akong sparring partner. Muntik na nga akong mapahamak kanina pero okay lang!
May kutob kasi akong may sumabotahe sa ginawang technique ni Pao, pero kung tama
ang hinala ko, sino naman ang gagawa? May nagmamasid kayang kalaban? Kung meron
saan? Sino?

Natigil ang pag-iisip ko nang maramdaman kong lumamig ang buong paligid. Napatingin
ako kay Mav na ngayon ay binabalutan na ng nakakasilaw na liwanag. Grabe! Anong
trick na naman ito?

Nang mawala ang nakakasilaw na liwanag ay tumambad ang Mav na nakasuot ng mahabang
kasuotan na kulay Blue na mas pinaganda pa ng ginto disenyong nakaukit rito at sa
balikat na parte nito ay may ice crystals. Wow! Just wow! Ang cool niyang tingnan
literally.

"Hoy Mav! May balak ka bang pagyelohin ang mga katawan namin?!" Bulyaw ni Anna kay
Mav, ngunit sinuklian lang ito ni Mav ng isamg matamis na ngiti.

Gumawa naman ng fireball si lola at Jack sapat na upang malabanan ng kanilang


katawan ang lamig na dulot ng Ice Mage na si Mav.

"Let's start princess!" Sabi nito sabay tira sa akin ng iceballs na naiwasan ko
naman.

Agad kong binalot ang katawan ko ng elemento ng yelo at inisip na gawin itong
shield, iyan din ang ginawa ko nung mga nakaraan kong laban. Mga ilang sandali pa
ay binalot na ako ng puting ilaw at naramdaman ko ang pag-iiba ng kasuotan ko, ang
pagkakaroon ko ng hawak na scepter.

Muli niya akong tinira ng iceballs but I managed to dodged it. Itinaas ko ang
scepter ko sa ere at inipon sa dulo nito ang ilang enerhiya hanggang sa may mabuong
energy ball. Napansin ko namang mas naging alerto si Mav.

"Haaaaaaa!" Sigaw ko. Kasabay nun ang pagtira ko kay Mav ng Ice spikes na nagmula
sa ginawa kong energy ball. Mabilis na nakagawa ng shield na yari sa yelo.
Sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon upang gumawa ng napakaraming ice pins.

Nang mawala ang ginawa niyang shield ay agad kong itinira sa kanya ang mga ginawa
kong ice pins mabilis pa sa kidlat ang pagkilos ni Mav. He managed to create an Ice
sword na ginamit niya upang salagin ang ice pins ko. Nagpaikot-ikot ito habang
sinasalag ang mga atake ko, he's just holding the sword with his right hand.
Napatingin naman ako sa kaliwang kamay niya at halos mapamura ako dahil hindi ko
napansin ang paggawa niya ng ice spikes na ngayoy nakapalibot na sa akin.

At sa isang kumpas lang ay sabay-sabay na bumulusok ang mga ito sa kinatatayuan ko,
at dahil sa adrenaline rush ay napalabas ko ang pakpak kong nagyeyelo upang
protektahan ako by covering my entire body. Now I am in my Fundiere Form again! Ang
sarap sa pakiramdam ng ganito. Ramdam ko ang impact ng mga ice spikes na tumatama
sa pakpak koz pero kada tama ng ice spikes ay tila mas nadadagdagan pa ang enerhiya
ko, parang ina-absorb ng pakpak ko ang enerhiyang nanggagaling sa mga ice spikes.
Wow ! Bagong discovery.

Nang mahinto na ang pag-atake ni Mav ay mabilis akong sumugod sa kaniya, tinira ko
siya ng iceballs at habang abala siya sa pagsalag sa mga atake ko, ay ipinosisyon
ko ang scepter na hawak ko upang bumuo ulit ng panibagong energy ball. Nang
matantiya kong sapat na ang energy ball na ginawa ko ay iwinasiwas ko ito sa ere at
may lumabas na ice blades papunta sa direksiyon ni Mav na sinalubong naman niya ng
sariling version niya ng ice blades.

Tumalon siya sa ere at nagpakawala ng napakaraming Ice spikes at ice blades, i


counter his attack by forming a snowflakes na kasing tulis ng espada, idinerekta ko
ito sa kaniya.uli siyang gumawa ng ice shield, pero this time iba na, sa shield
niya ay may lumalabas na ice spikes na hindi ko inasahan kung kaya't natamaan ako
sa balikat, binti at tagiliran na mabilis na nagyelo.

Parang naparalize ang buo kong katawan sa ginawa ni Mav, tila nagyelo ang lahat ng
organs ko sa katawan. Susugod na sana siya sa akin habang hawak-hawak ng mga kamay
niya ang iceballs na may mga ice blades, kaya I SECRETLY used my fire element upang
tunawin ang yelo sa loob ng katawan ko, Nakaiwas ako sa atake niya, kaya imbis na
sa akin tumama ay tumama ito sa sahig na agad namang nagyelo.

Sumugod ako sa kaniya at hinampas ng hawak kong scepter, ginamit naman niyang
pangharang ang espada niya upang mapigilan ang pagtama ng matulis na dulo ng
scepter ko. Hinampas ko siya ng paulit-ulit hanggang sa manghina na siya kakasalag
sa atake ko. Akala ko susuko na siya nang bigla siyang umatras at tinira ako ng
explosive ice balls dahilan upang tumilapon ako ng ilang metro, kasunod nu'n ang
paggawa niya ng dragong yari sa yelo at pinasugod sa akin. Gumawa rin ako ng ice
dragon, umikot ang ice dragon ko na parang pinoprotektahan ako nito sa dragon ni
Mav.

Tinira ko naman si Mav ng iceblades dahilan upang madistract siya sa pagkontrol sa


ice dragon niyaz sinamantala ko ito at tinira ko ng pagkarami-raming ice blades ang
ice dragon niya, hindi pa ako nakontento at lumipad pa ako hanggang makapantay ko
na ang ulo ng ice dragon niyaz hinampas ko ito ng scepter ko ng pagkalakas-lakas
dahilan upamg madurog ito.

Muli na namamg lumamig ang paligid kasabay ng pag-iipon ni Mav ng enerhiya sa mga
palad niya, pinagsakop niya ang dalawa niyang palad at unti-unting namuo ang
napakalaking energy ball na palaki pa ng palaki.

Hindi rin naman ako magpapatalo kaya itinabi ko muna ang scepter ko at inipon rin
ang enerhiya ng yelo sa mga kamay ko. Unti-unti kong naramdaman ang napakalamig na
sensasyong dumadaloy sa katawan ko papunta sa magkabilang palad ko.

Hindi ko namalayan na pinakawalan na pala ni Mav ang inipon niyang enerhiya papunta
sa akin kaya't pinakawalan ko narin amg ginawa ko. Nagbanggan ang aming mga atake
na lalong mas nagpalamg sa buomg training hall.

Mas dinagdagan ko ang enerhiyang pinapakawalan ko nang makita kong lumalamang si


Mav. Dinagdagan rin niya ang enerhiyang pinapakawalan niya at ganun rin ako
hanggang sa lumiwanag ng napakatingkad ang aming nagbanggaang mga atake at sumabog
ito ng napakalakas.

Tila umuulan ng niyebe sa buong training hall dahil sa mga pinong-pinong yelo na
nahuhulog mula sa ere,narinig ko pa ngang napa 'wow' naman sila Anna.

Nakita kong naglalakad na ang hingal na hingal na si Mav papunta kina Anna. Kung
kaya't tinawag ko ito.

"Mav! San kana pupunta?!"

Ngumiti lang ito sabay sabing " Panalo kana" at tumalikod na at pumunta kina Anna.

Napangiti naman ako dahil dun, pero agad na nawala ng muntikan na akong matamaan ng
Fireblades mabuti nalang at nakaiwas ako. Sino pa ba ang gagawa nun?! walang iba
kundi si...

"Jack! Peste ka talaga! Magbabayad kaaaaa!"

***

Chapter Thirty-Nine

YUKI

PESTE talaga, Nakakainis kang apoy ka! Batuhin ka ba naman ng Fireballs?! Eh paano
kung natamaan ako? Edi sira ang mala-diyosa kong kagandahan. Haha.
"Letche kang apoy ka!" Sigaw ko sabay bato sa kaniya ng fireballs. Gusto ko sanang
gamitin lahat ng elementong taglay ko pero baka pagalitan ako ni bubwit.

"Yeah, yeah.. I know liit!" Nalangising sabi nito. What?! Liit? Hindi ako maliit!

Arghh! Bakit ba ganyan ka Jack?! Minsan nakakakilig ka pero MOST pg the time
nakaka-BWISIT ka!

"Uyy LQ ang Team Juki!" Nang-aasar na sabi nila Anna.

"Manahimik kayo! Dumadagdag pa eh!" Bulyaw ko sabay bato sa kanila ng fireballs.

Gumawa naman ng water shield si Anna upang di sila matamaan ng fireballs ko.

"Woah! Easy lang bff! Okay shut-up nalang kami!" Nakangising sabi ni Zy.

" Don't mind them Yuki, ako lang dapat ang pagtuunan mo ng pansin!" Sabi ni Jack na
nagpataas ng kilay ko.

"At bakit naman? Aber?!" Inis kong tanong rito.

"Dahil gusto ko ako lang muna ang pansinin mo kahit ngayon, kahit ngayon lang"
lumambot ang ekspresyon niya nang sabihin niya yun.

Tila nagulo naman ang sistema ko sa sinabi niya.. Half of me says it was a sign
that he **** me, and half of me says that don'tind it, he's just distracting you.
At dahil sa mas matimbang ang huli kong side ay napag-pasiyahan kong sumugod sa
kaniya.

Habang tumatakbo ako ay binabato ko siya ng fire blades, iwas lang siya nang iwas
at hindi siya nagco-counter attack. Nang makalapit ako sa kaniya ay sinipa ko siya
sa tagiliran ngunit nahawakan niya ang paa ko at hinila niya ako palapit sa kanya,
dahilan upang ma-out of balance ako at masubsub sa dibdib niya.

"Gotcha!" Sabi nito.

"Hoy let me go!"

"No i won't, hayaan mo munang maging ganito tayo. Just this once, pagbigyan mo ako"
mahinahong sabi nito.

Nagpumiglas ako, sinuntok-suntok ko siya sa dibdib pero he just hugged me sabay


sabing "please? Kahit ngayon lang" . Tila nanghina ang mga tuhod ko sa sinabi niya.
Gusto kong magpumiglas pero 'tong traydor kong sarili nagpaubaya nalang na yakapin
niya ako.

"Uyyyy. Bati na sila! Ayyieee" pang-aasar nila Audrey na dinagdagan pa ng tikhim ni


bubwit.

Narealize ko naman na hindi lang pala kami ang naririto. Uminit naman ang pisngi ko
dahil sa hiya. Nang tingnan ko sila lola ay nakita kong nakangisi silang lahat
habang si Sir Manuel naman na ama ni Jack ay nag-thumbs up lang habang tumatango.

Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Gosh! Wala na akong mukhang maihaharap sa
kanila. Ayoko ng ituloy ang laban na ito.

"Uyy hindi pa siya humihiwalay! Naeenjoy yata niyang kayakap si fafa Jack!" Sabi ni
Audrey, narealize kong hindi pa nga ako humihiwalay sa yakap ni Jack kaya natulak
ko siya bigla pero napalakas ata dahil tumilapon siya ng ilang metro!
"Jack!" Sigaw ko at kaagad itong pinuntahan. Nakita kong wala itong malay.

"Hoy gising!" Tinatapik ko ang mukha niya pero ayaw parin niyang magising.

"Hoy kayo! Tumulong naman kayo!" Pagsusumamo ko kina Anna na nakatingin lang, ganun
din sila Lola.

"Hoy Jack! Gumising ka. Wag ka namang ganyan! Para ganun lang, Madededs kana agad?"
Sabi ko habamg niyuyugyog ang katawan niya.

"Hala kaaa Yuki!" pango-ngonsensya ni Pao. Hindi ko napansing nakalapit na pala ang
barkada.

"Tumigil ka nga jan!" Bulyaw ko rito.

"Hala ka bff, kailangan mo yatang e-CPR si Jack!" Sabi ni Zy at mas lalo akong
nakonsensya.

"Oo nga Yuki!" Pagsang-ayon naman ni Mav.

"Kailangan ba talaga 'yon?" nag-aalangan kong tanong.

"Oo! Gaga ka kasing bruha ka! Ba't mo kasi tinulak ng pagkalakas-lakas?!" sabi ni
Anna.

"Hindi ko naman sinasadya eh!" Pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Hala kaaa! Kailangan mo talagang gawin 'yung sinabi ni Anna, kahit di ko alam ibig
sabihin nun!" Sabi naman ni Audrey.

" Yuki! Unti-unti ng humihina ang hangin na nagmumula kay Jack! Baka ikamatay niya
ito!" Natatarantang sabi ni Pao.

"Paano mo naman nasabi?!" natataranta narin ako. Ganun ba kalakas ang pagtulak ko
sa kanya?

"Hellooo, Air Mage po ako diba?" Sagot nito.

Nasapo ko naman ang ulo ko, tama nga naman siya. Haay Yuki ang bopols mo.

"Bilisan mo na! Baka mamatay si Jack!" Natatarantang sabi ni Pao.

"Eh kung kayo nalang kaya?!" Hindi ko talaga kayang e-CPR siya eh.

"Yuki!!!" Sigaw nila. Kaya ayun! Wala akong nagawa.

Unti-unti kong nilapit ang bibig ko sa labi ni Jack, napakalakas ng tibok ng puso
ko, nakakabingi. Malapit na, konti nalang... Nang biglang magmulat ng mata si Jack
at ngumisi ng nakakaloko sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko dahil baka iniisip ngayon ni Jack na hahalikan ko siya!
Oh my. Nakita ko naman sila Anna na naghahagik-gikan sa gilid, impit ang kanilang
tawa habang hawak ang kanilang tiyan.

"Anong balak mo saken? Hahalikan mo'ko nuh?" mapanuyang tanong ni Jack.

Hanudaw?! Hahalikan ko siya? Oo ay hindi no! Never.


"Hoy ang kapal ng lips mong Apoy ka! Hindi ah" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Eh bakit ilalapat mo sana ang labi mo sa labi ko?" Tanong nito.

"Bibigyan sana kita ng hangin! Dahil sabi ni Pao baka ikamatay mo raw 'yon kung
hindi ka sasalinan ng hangin" sagot ko.

"Ha? Pwede mo naman akong salinan sa pamamagitan ng pagpapalabas ng hangin o di


kaya gamitan mo ako ng healing spell" sagot nito.

Wala akong makapang sagot sa tanong niya. I was caught off guard. Bakit ko nga ba
hindi naisip 'yon?! Arggh! Ang bobo mo talaga Yuki. Tested and proven na.

"Mga bata, tama na muna ang landian, humayo na kayo at sumunod sa akin may mahalaga
tayong pag-uusapan patungkol sa misyong iaatas ko sa inyo" mahabang litanya ni
Andromeda.

At ano daw? Landian?? Grabeng term naman ang ginamit ng gurang na ito!

"Pwede bang dito nalang natin pag-usapan?" Tanong ni Audrey.

"Hindi, doon tayo sa silid ni Mathew upang makapag-pahinga narin kayo pagkatapos ng
ating pag-uusapan"

Tumango nalang kami at sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami ay di ko talaga


magawang makatingin kay Jack. Sobrang nahihiya talaga ako.

---

Nang makarating kami sa office ni bubwit ay umupo agad kami, at nagsimula ng


magsalita si Andromeda.

"Nais kong maglakbay kayong walo upang hanapin ang mga makapangyarihang bato na
nagtataglay ng mga elementong kakailanganin natin sa seremonya ng paglilipat"
panimula nito.

"Bato? Seremonya ng paglilipat?" Naguguluhang tanong ni Mav.

"Oo, ito ang mga batong pinangangalagaan ng mga sinaunang dragon na matagal ng
natutulog sa mga liblib na lugar ng Alzora, malayo sa mga mamamayan" sagot nito.

"Ahh! Ang elemental Gems na pinapangalagaan ng mga ancient dragons! Seryoso ka ba


Andromeda?!" Napataas ang boses ni Zy nang sabihin niya ito. Parang takot na
takoylt siya.

"Oo, kailangan niyo itong hanapin upang mapalabas natin ang Alzorian Core sa oras
ng paglabas ng Blue Moon"

"At ano namang mapapala namin?" Tanong ni Audrey.

"Kung magagawa niyong makuha ang mga makapangyarihang bato, mapapasainyo ang mga
dragong nangangalaga rito at sila ang magiging Guardians ninyo" sabi nito na
nagpaning-ning sa mga mata ng mga kasamahan ko.

"Ay yun naman pala eh! Haha. Kailan ba ? Ha?" Excited na tanong ni Anna. Napansin
ko namang kanina pa tahimik si Sai tila may iniisip na malalim.

"Bukas makalawa ang araw ng inyong paglalakbay, kung kaya't maghanda na kayo.
Dalhin niyo lamang ang mga kailangan ninyo" sabi ni Andromeda.
Tumango nalang kami at lumabas na ng office ni HM.

Haayyy, I guess isang mahabang paglalakbay na naman ang aming gagawin. Kaya ko 'to!
Para sa Bayan! Para sa Alzora.

***

A/N: Join our FB Group:

Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)

Chapter Forty

YUKI

Mabilis na lumipas ang isang araw at ngayon na ang araw ng aming paglalakbay, dala-
dala ko ngayon ang isang bag nay may lamang mga damit na kailangan ko lang at
siyempre si Kiyu. nakasuot ako ng loose shirt na kulay gray at pantalon na itim
habang isang itim na sapatos naman ang ipinares ko, nagsuot rin ako ng sumbrerong
puti bilang panangga sa init ng araw.

Napagpasiyahan naming magkita-kita sa bukana ng tulay na nagkokonekta sa Paradus


Academy at Bayan ng Alzora. Magkasama kami nila Anna at Zy papunta doon.

Nadatnan namin sila Mav, Aud, Pao, Sai at Jack kasama sila Lola, bubwit, Ma'am
Helen , Ma'am Rita at Sir Manuel at Andromeda.

"Oh andito na pala kayong lahat, sige na kailangan niyo ng magsimula dahil malayo-
layo pa ang inyong lalakbayin" sabi ni Andromeda.

Tumango nalang kami, nagpaalam na kami sa kanila.

"Lola, bye na po! " sabi ko rito at niyakap ito ng pagkahigpit-higpit. Matagal ko
na rin kasing di nayayakap si Lola.

At nang matapos na ang pagpapaalam ay nagsimula na kaming maglakad, Oo! Maglalakad


lang kami dahil hindi raw kaya ng flaschen ang maglakbay. Haay ang malas naman!

"Saan pala ang unang destinasyon natin?"tanong ko kina Mav na kasalukuyang


tinitingnan ang mapang ibinigay sa amin ni Andromeda.

Alangan namang walang kaming guide diba?! Edi para kaming tanga kung maghahanap
kami ng walang dalang Mapa.

" Sa Flienros Lair " sagot ni Mav habang tinitingnan parin ang mapa.

"Ha flien ano?!" Tanong kong muli.

"Flienros Lair, matatagpuan sa lugar na ito ang mga nilalang na gagamitin natin sa
ating paglalakbay. Dahil hindi natin magagawang mahanap ang pitong elemental Gems
sa loob ng tatlong linggo" sagot ni Mav at itinago na ang mapa sa bag niya.

"Wow! Brilliant idea Mav!" Sabi ko habang pumapalakpak pa na parang bata.

"Tss, he's not brilliant, you're just stupid!" Sabi ni Jack na ikinasira ng mood
ko.

"Hoy magtigil kang apoy ka! Hindi ako bobo, kasalanan ko bang ignorante ako ha?!"
Bulyaw ko rito.

"Hoy! Magsitigil nga kayo para kayong bata!" Sabi ni Anna at tumigil naman kami ni
Jack.

"Okay , let's go!" Masiglang sabi ni Pao at nagsimula ng maglakad.

May naisip naman akong very bright ideya! Haha. Bakit ba di ko naisip yun agad?
Ibinigay ko muna kay Anna si Kiyu dahil may gagawin ako, hihi.

Inilabas ko ang pakpak ko at napagpasiyahan kong LUMIPAD! so brilliant tologo Yuki


bwahahaha.

"Yeeey! Ang saya. Im free haha" sigaw ko habang lumilipad sa ere.

"Hoy ang daya mong bruha ka!" Nakangusong sabi ni Anna. Binelatan ko lang ito.

Lipad lang ako nang lipad, ineenjoy ang ganitong pakiramdam. Ngayon ko lang kasi
mas nafeel ang pagkakaroon ng mga pakpak. Noong mga nakaraang araw kasi ay
nagagamit ko lang ito sa pakikipaglaban, pero ngayon? Im free. Weeeeiiii!

"Hoy bruha! Mababangga ka!" Sigaw ni Anna kaya napabalik ako sa realidad at nakita
ko ang isang malaking puno, iiwas sana ako but it was too late.

"Araaaayyy!" Daing ko nang mabunggo ako sa kahoy at nawalan ng kontrol at tuluyan


ng bumagsak. Itinukod ko ang mga paa ko pero isa iyong malaking pagkakamali!

"Ouch! Pxta" daing kong muli nang tila nabali ang kanang paa ko!

Tumakbo papunta sa akin sila Anna habang ako? Nakaupo lang habang hawak ang paa ko.
Itinago ko ng muli ang mga pakpak ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Mav.

"Gaga ka ba? Kita mo na ngang masalit yung paa ko, tatanungin mo pa ako kung ayos
lang ako?!" bulyaw ko kay Mav.

"Woah easy! Haha. Red days feels" nakangising sabi ni Mav. I just rolled my eyes to
him.

"Kaya mo bang tumayo bff?" Tanong ni Zy. Tumango ako at sinubukang tumayo pero na-
out of balance ako kaya napaupo akong muli.

"Come, i'll give you a ride" sabi ni Jack. Parang may ibang meaning yung sinabi
niya ah! Oh my! Green mind umalis ka..

"Ayoko nga! Ayokong magka-utang na loob sayo no!" Sabi ko rito.

"Bahala ka" sabi nito at tiningnan ang mga kasama namin at nagsktanguan naman sila,
tila alam ang pinapahiwatig ni Jack.

Nagsimula na silang maglakad, Ay ganun? Iiwan nila ako? Hindi pwede.

"Hoy! Wag niyo akong iwan! Guys!!!!" Sigaw ko. Lumingon naman si Jack sabay
sabing..
"Sabi mo ayaw mong magkaroon ng utang na loob sa akin, pwes sumunod ka nalang kung
maayos na ang lagay mo" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nagsimula na siyang
maglakad ulit.

Hala! Seryoso talaga sila na iwan ako kaya ..

"Hoy Apoy! Papayag na ako! Huwag niyo lang akong iwan dito!" Sabi ko.

Lumingon naman si Jack ng nakangisi at tila may hinihintay sa sabihin ko. Nakuha ko
naman ang ibig niyang ipahiwatig. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong
hininga bago tiningnan siya sa mata sabay sabing ..

"Fine... Help me please? Pwede ba kitang sakyan?" Sincere kong tanong sa kanya.

"Hoy Yuki maghunos-dili ka nga! Ang manyak mo ah!" Sabi ni Audrey.

Na-gets ko naman ang sinabi ni Audrey kaya nahiya ako.

"Hehe, let me rephrase it, Pwede ko bang sakyan ang likod mo?" Tanong ko kay Jack.

Ngumisi ito ay maya-maya pay lumuhod ito at tumalikod sa akin, he tapped his back
and said "halikana, sampa na!"

Paika-ika akong tumayo at sumampa sa likod ni Jack. Tumayo na ito at nagsimulang


maglakad sa mapunong daang aming tinatahak.

"Ang bigat mo naman!" Reklamo nito.

"Hoy ! Hindi ako mabigat.. It's just you're weak kaya nabibigatan ka sa akin" sabi
ko rito.

Tumawa lang ito at tumigil sa pang-aasar sa akin, siguro nagco-concentrate sa daan,


baka madapa kami mahirap na.

Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin sa paligid. Matataas


at matatabang kahoy na may iba't-ibang kulay ng dahol, may pula, pink, yellow,
green, puti at asul, may mga paru-paro ring habang lumilipad sa ibabaw ng mga nag-
gagandahang bulaklak ay nagsasaboy ng makukulay na dust. Napakaganda ng scenario,
it's so relaxing. Nakita ko ring nag-eenjoy sila Anna sa paligid.

Napagpasiyahan kong kausapin si Jack dahil ayoko talagang ma-bored.

"Jack, uhmm, thanks pala" sabi ko habang idiniin ang mukha ko sa likod niya.

"Hmmmm?"

"Thanks sa pagkarga saken, for the second time" sabi ko.

" No probs! Ikaw pa" sabi nito.

"Salamat talaga, kahit palagi kitang sinisigawan tinulungan mo parin ako" sabi ko,
naramdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata ko.. Tinamaan ng ako ng antok.

"Eh sa inaasar kasi kita kaya moko nasisigawan, okay lang I understand haha!" Sabi
nito ay bahagyang tumawa.

"Haaaay, bakit mo nga ba ako inaasar?" Mahinang sabi ko bago ko ipikit ang mga mata
ko.
Ilang sandali pa ang lumipas pero wala akong nakuhang response mula sa kanya.

Unti-unti ng nawala ang kamalayan ko pero bago ako tuluyang makatulog ay may
narinig akong sinabi niya pero di ko masyadong naintindihan dahil sa antok na antok
na ako.

"Inaasar kita para makuha ko lagi ang atensyon mo, na kahit ilang sandali lang ay
bigyan mo ako ng oras.. I'm doing this to you Yuki, because i think I like you"

***

Chapter Forty-One

YUKI

Nagising ako sa tilian ng mga kaibigan kong bruha, napasarap yata ang tulog ko.

"Asan tayo?" tanong ko kay Jack na karga-karga parin ako.

"Are you okay ? Hindi naba masakit ang paa mo?" Nag-aalalang tanong nito.

"Ahh oo, I'm fine. Salamat sa pagkarga mo saken ah" nakangiti kong sabi kahit di
niya ako nakikita dahil nasa likod niya ako.

"So pwede na kitang ibaba? Kanina pa kasi sumasayad yang flat chest mo sa likod ko
eh!" sabi nito.

What?! Flat chest??? Ako flat-chested?!

"Hoy apoy! Hindi ako flat-chested ! May ibubuga rin 'tong akin no!" Sabi ko sabay
batok sa kanya. "Ibaba mo nga ako baka mabalian kita ng leeg dyan eh!"

"Tss, hindi naman masakit yang pambabatok mo, mas masakit yung wala ka man lang
nasabi sa sinabi ko kanina" pagdra-drama nito at ibinaba ako.

"Wait, ano bang sinabi mo kanina ha? Saan dun?" Takang tanong ko dahil 'di ko
talaga siya magets.

"Yung huling sinabi ko" nakangusong sabi nito. Oh my stop pouting Jack.. It's
seducing. Green mind please leave me!

"Ha ano bang huling sinabi mo?"

"Hindi mo ba narinig?" Tanong nito.

"Wala na akong matandaan eh, antok na antok kaya ako nun" sabi ko.

"Okay fine! Sige dyan kana nga!" Inis na sabi nito. Problema nun? May dalaw ba yon
o bipolar ?

Lumapit naman sa akin si Anna upang ibigay ang mahimbing na natutulog na si Kiyu.

"Uyy Bff anong problema niyo ni Jack? Ha?" mausisang tanong ni Anna.

"Wala naman kaming problema no!"

"Meron kaya.. Tssm manhid mo talaga, 'di mo ba nahahalata?"


"Ako manhid? Hmmm, ano bang ibig mong sabihin Anna?"

"Tss. Manhid ka ngang bruha ka! Hoy bibigyan kita ng clue ha, may gusto sayo si
Jack! Gets?"

Loading ...

Loading...

Loading ...

Loading ...

"What?! Sigurado ka ba dyan Anna?!" Pasigaw kong sabi kaya nakuha namin ang
atensyon ng iba na busy sa pagtingin-tingin sa paligid.

"Oy oy! Anong pinag-uusapan niyo diyan ha?" Tanong ni Zy na ngayo'y nakalapit na sa
amin.

"Eh kasi Zy, 'tong si Yuki.. Hindi napapansin ang mga damubs ni Jack ang manhid
lang kasi or tanga lang!" Naiiling na sabi ni Anna.

"Oh my?! Totoo? Kyaaaaah!!!" Si Zy at niyugyog pa talaga ang katawan ko.

"Oo, parang may gusto si Jack kay Yuki!!" Si Anna at sinabayan ang pagyugyog ni Zy
sa katawan ko habang sumisigaw.

"Hoy mga bruha! Tama na iyan! Andito na tayo" sabi ni Audrey kaya ayun! Tumigil
kami.

Pero palinga-linga ako sa paligid at ang nakikita ko lang ay isang napakalawak na


damuhan. Pure green lang!

"Saan ? Bakit wala akong nakikitang mga nilalang?" nagtataka kong tanong.

"Because it's hidden" sagot ni Pao.

"Bakit naman ito nakatago?" Tanong ni Anna.

"Because they are the mythical creatures that maintains the beauty of Alzora.. The
Flienros" sabi bi Audrey.

"So paano natin ito makikita?" Interesadong tanong ni Sai.

"We must feel it, we must feel the presence of Flienroses they are just arround"
sabi ni Jack. "Close your eyes and feel their presence" dagdag nito.

Kaya sumunod nalang kami, me,myself, I closed my eyes at pinakiramdaman ang


paligid. May naririnig akong mga yabag ng paa.. Napakaraming paa. Nang buksan ko
ang mga mata ko, wala naman akong ibang nakikita maliban sa mga kasamahan ko. Muli
kong ipinikit ang mga mata ko at pinakiramdamang muli ang paligid.

Mga ilang sandali pa ang lumipas nang tuluyan kong maramdaman ang mga enerhiya ng
mga nilalang na sinasabi nila, sinundan ko ito habang nakapikit. Ilang hakbang pa
ang ginawa ko hanggang sa may nakapa akong napakalambot at napakalamig na bagay.

Iminulat ko ang mga mata ko ngunit wala parin akong nakita. Pero nang subukan ko
ulit hawakan yung kanina ay may nahahawakan akong isang malamig at malambot na
bagay. Kaya napagpasiyahan kong tawagin silang lahat.

"Hoy! Dito bilis may natuklasan ako" sabi ko.

Tumakbo silang lahat papunta sa direksyon ko at kinapa rin ang kanina ko pa


kinakapa.

"Heto na nga! Ito na ang lagusan!" Masayang sabi ni Mav.

"Ofriagat" sabi ni Mav at biglang may humigop sa aming isang napakalakas na pwersa.
Parang tumambling ang mga lamanloob ko dahil dun!

Naramdaman ko nalang na parang nahuhulog ako kaya ..

"Ahhhhhhhh!!!" Magkasabay naming sigaw nang makita ang babagsakan namin. Puro mga
puno! Siguradong bali-bali ang mga buto namin dahil dito. Niyakap ko ng mabigpit si
Kiyu at inilabas ang pakpak ko.

"Ay peste kang bruha ka! Tulooongggg!" Sigaw ni Anna pero huli na. Bumagsak na sila
sa kakahuyan.

Sinundan ko sila at nadatnan itong hinihimas ang kanilang mga katawan.

"Okay lang kayo??" Tanong ko at tiningnan lang nila ako ng masama as in! SOBRANG
sama!

"Ah hehe mukhang hindi nga, wait... Haelien!" Sabi ko at mabilis na gumaling ang
kanilang mga sugat.

"Let's go!" Sabi ni Pao at naglakad na. Sumunod naman kami, puro puno lang ang
nakikita namin.

Mga ilang hakbang pa ang ginawa namin hanggang sa makalabas kami ng kakahuyan at
bumungad ang isang PARAISO.

"Wow!" We said in chorus. Na-overwhelm kami sa aming nakita.

Isang lugar na nagnining-ning dahil sa makukulay na crystal na pumapalibot rito,


makukulay na mga halaman na kasinlaki ng tao at ang agaw-pansing talon sa gilid na
kulay kristal na puti ang tubig at kumikinang kapag nasisinagan ng liwanang. Mas
naging maganda rin ang paligid dahil sa mga maliliit na kulay gintong nilalang na
lumilipad sa ere. This place is so magical!

Naagaw ang pansin ko nang may makita akong isang nilalang, no! Hindi lang pala
isa.. Marami sila at papunta sila sa amin!

Kung ilalarawan ko sila ay may katawan ito ng kabayo pero ang kulay mg kanilang
balat ay puti at ang pinagkaiba lang nila sa kabayo ay mag pakpak itlng kagaya ng
sa paru-paro. Kumikinang ang mga pakpak nila at sa thwing kanilang ginagalaw ay
naglalabas ng glowing dusts.

"Woah! Sila na nga! Sila na ang Flienros!" Manghang sabi ni Audrey.

"They are so beautiful like me!" Sabi ni Zy.

"Ang ganda pala talaga nila sa malapitan" namamanghang sabi ni Sai. Bago ito umalis
at pumunta sa likod ng puno. Siguro magwi-wiwi hehe.

"Okay pumili na kayo ng Flienros na sasakyan niyo upang makaalis na tayo." Utos ni
Jack.

Kaya pumili na kami isa-isa. Bawat isang Flienros isang tao.

Yung pinili ko ay may pakpak na kulay gold and makinang na kulay black. Ang unique
niya kasi.

Bumalik narin si Sai at pumili narin ng flienros.

"Okay let's have a race! Ang mahuhuli ang maghahanap ng pagkain mamaya! Ready?
Go!!!" Mabilis na sabi ni Pao pinalipad na ang Flienros niya.

Sumunod na sila at ganun din ako.

We're enjoying the moment nang biglang may napakaraming black energy balls ang
papunta sa direksyon namin na sinundan ng sigaw ni Audrey na ..

" Mga Kalaban!!!"

***

Chapter Forty-Two

YUKI

Parang isang karera ang aming ginagawa ngayon, kami ng mga kaibigan ko sakay ng
Flienros at ang mga kalabang sorcerers sakay ng mga Krawa- isang halimaw na may
pakpak ng paniki at katawan ng itim na lobo, kinatatakutan ito dahil kumakain ito
ng laman ng tao.

Iwas kami ng iwas sa mga binabato nilang dark energy balls, hindi namin magawang
mag-counter attack dahil napakarami ng bilang ng mga kalaban. Kanina pa kami
naghahabulan, naaawa na ako sa mga Flienros .

At dahil hindi ko na matiis, nakakapagod ng umiwas! Inilagay ko si Kiyu sa likod ng


Flienros pati ang bag na dala ko. Inilabas ko ang pakpak ko at hinarap ang mga
pesteng kanina pa sumusunod sa amin.

"Yuki! Nahihibang kana ba?!" Bulyaa ni Anna.

"I'll stop them! I'll buy you time. Bilis lumapag na kayo. Huwag na kayong lumipad
dahil makikita kayo ng mga kalaban!" Sabi ko habang tinitira ng fireballs ang mga
kalaban.

Tumango silang lahat, napansin ko si Kiyu na unti-unting lumalaki, marahil


naramdaman niyang nasa panganib ang buhay ko. Muli itong bumalik sa pagiging isang
malaking Fluxe na may 12 buntot at sumugod narin ito sa mga kalaban.

Susunod sana ang ilang mga kalaban ngunit hinarangan ko ito.

"Saan kayo pupunta? Ako ang harapin ninyo!" Sabi ko at tinira sila ng ice spikes.
Natamaan ang ilan at naging yelo.

Muling dumami ang bilang ng mga kalaban, parang hindi sila nababawasan! Pumaitaas
ako at ikinumpas ang kamay ko. Maya-maya pa'y may namuong makapal na itim na ulap
sa kalangitan at bumulusok mula rito ang mga lightning bolts na tumusta sa ilang
kalaban.
Naagaw ang atensyon ko nang humiyaw si Kiyu. Nang tingnan ko siya ay lalo akong
nagalit sa mga kalaban. Natamaan si Kiyu ng dark energy ball, ngayo'y kasalukuyang
bumabagsak. Nawalan ito ng malay.

Mabilis pa sa kidlat akong lumipad upang masalo si Kiyu. Nakita kong nagdurugo ang
may bandang tiyan niya.

Magbabayad kayong mga peste kayo! Inilagay ko si Kiyu sa may ugat ng puno at
lumipad muli upang harapin ang mga kalaban.

Binalot ko ang sarili ko ng lahat ng elementong taglay ko, naramdaman ko ang


pagbalot sa akin ng mga metal, suot-suot ko na ngayon ang pinakaunang armor na
nagamit ko. Itl yung ginamit ko sa laban namin nila Jane.

Inipon ko sa aking magkabilang palad ang bola ng Apoy at sa kabila naman ay lupa.
Itinaas ko ang kamay ko sa ere at pinag-isa ito. Kasinlaki ito ng gulong ng 10
wheelers truck. Nang makarating ito sa kumpol ng kalaban ay sumabog ito at kumawala
ang malilit na fireballs at earth spikes.

Tinira ako ng mga kalaban ng napakaraming dark blades pero madali ko itong
naiiwasan. At dahil sa inis na inis na inis na talaga ako sa mga pesteng ito ay
ikinumpas ko ang kamay ko sa hangin, kinokontrol ko ngayon ang hangin hanggang sa
makabuo ako ng napakaraming tornado na hinaluan ko pa ng lightning bolts.

Naging abala ang mga kalaban sa pagkontra ng atake ko kaya't sinamantala ko ito
upang tumakas. Mabilis kong kinuha si Kiyu na ngayoy naghilom na ang sugat at
hinanap sila Anna.

Ilang minuto rin akong naghanap at natagpuan ko sila sa may batis kumakain. Nagutom
naman ako dahil ang daming prutas ang nakahain sa harap nila. Binilisan ko ang
paglipad at lumapag sa harap nila mismo at mabilis pa sa kisapmata kong kinuha ang
mansanas at kinain. Inilapag ko muna si Kiyu upang makapag-concentrate ako sa
pagkain.

"Kamusta ang laban?" Tanong ni Audrey habang busy sa pagkain ng ubas.

"Eh kung iumpog ko kaya ang mga mukha niyo dyan? Hindi man lang kayo bumalik upang
tulungan ako!" Reklamo ko.

"Assus! Kaya mo na yon! Ikaw pa!" Sabi ni Pao.

"Hoy Bff! Appreciate the view naman! Di puro kain ka lang!" Sabi ni Zy na ngayoy
may hawak hawak na pink rabbit.

Inilobot ko ang paningin ko sa buong paligid at isa lang ang masasabi ko! Ang
ganda. Malinaw na batis at kitang-kita mo ang mga isdang malayang lumalangoy,
malawak na damuhan na tinubuan rin ng mga ligaw na bulaklak, mga hayop na malayang
namumuhay. This place is so peaceful!

Not until...

Nakarinig kami ng malakas na pagsabog na nasundan pa ng isa hanggang sa parami na


ito ng parami. Nagsiliparan papalo ang mga ibon, habang nagsitakbuhan naman ang mga
hayop palayo, maging ang mga Flienros ay umalis. Naging alerto kaming walo dahil
tila hindi pa tumitigil ang mga kalaban sa pagsunod sa amin.

At hindi nga kami nagkamali, nasundan kami ng mga ugok na sorcerers na nakasuot ng
itimm itim lahat. Bakit ba ang mga kalaban ay itim ang suot, di ba pwedeng pink?
Pinalabas nila Anna, Zy, Paoz Mav, ang kanilang elemento habang kina Sai at Audrey
ang kanilang wand at kay Jack ang kaniyang espada na hindi ko alam saan niya
tinatago.

Nagsimula na kaming umatake, naghiwa-hiwalay kami upang mas madali naming mapuksa
ang mga kalaban.

Gumawa ako ng napakaraming earth pins na binalutan ko ng apoy at isa-isa kong


tinira ang mga kalaban, hindi pa ako nakontento, gumawa pa ako ng wind blades na
hinaluan ko ng kidlat at pinakawalan ito. Tanging mga pagsabog at hiyaw lamang ng
mga kalaban ang maririnig sa mala-paraisong lugar na ito na ngayo'y sirang-sira na.

Kinontrol ko ang tubig sa batis at idinerekta ko ito sa mga kalabanz sinadya ko


talaga silang basain. Gumawa ako ng isang lightning ball at itinapon ito sa gawi
nila. At dahil basa sila, ayun! Kilig to the bones ang pangingisay nila.

Nababawasan ang mga bilang mg mga kalaban pero may dumarating! Bakit hindi sila
nauubos?! Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga sugatan kong kasama.

'Haelien' sabi ko at kusang gumaling ang knailangga sugat at bumalik ang kanilang
mga lakas.

Gagawa sana ako ng isang napakalaking ipo-ipo ng biglang sumigaw si Zy.

"HAAAAAA!" At nabalutan ito ng nerdeng liwanag na nagmumula sa mga puno't halaman.

"You'll pay for this! Pagbabayaran niyo ang pagsira niyo sa paraisong ito!" Dagdag
nito at naramdaman ko ang tindi ng kapangyarihang nanggagaling kay Zy.

"Nature's Gift!" Sigaw nito sabay kumpas ng kaniyang kamay sa paikot na mosyon.
Maya-maya pa'y lumitaw ang napakaraming mga ugat at baging na pumulupot sa mga
kalaban.

Hindi pa siya nakontento at itinaas pa niya ang kamay niya at gumawa ng


napakaraming malalaking tinik at tinira ang mga kalaban gamit ito dahilan upang
malagutan ng hininga ang mga natamaang kalaban.

Tumigil sa pakikipaglaban sila Anna, Audrey, Mav, Pao, Jack, Sai and me, dahil
mukhang kayang-kaya na ni Zy na tapusin ang mga ugok na 'yon.

"Carnivine!" Sigaw ni Zy at lumitaw sa field ang napakaraming mga Carnive- mga


halamang kumakain ng tao.

Oh no! Wag ming sabihing ... Ipapakain niya ang mga sorcerer sa mga alaga niya.

Hindi nga ako nagkamali, ipinakain niya sa mga alaga niya ang mga nangahas.
Napansin kong hindi parin nauubos ang mga kalaban kaya't aatake na sana kaming
lahat ng maagaw ang aming atensyon ng isang malambing na boses.

"Tama na iyan" mahinahong sabi nito at sinundan namin ng tingin ang


pinanggagalingan ng boses.

And as we saw the owner of that voice, our jaw dropped literally and said in
chorus..

"Nature Dragon"

***
Chapter Forty-Three

YUKI

"Nature dragon" we said in chorus. Isang dragong kasinlaki ng dalawang palapag na


gusali ang aming nakita, kulay green ang kabuuan nito. Balak pa sana naming
atakihin ang kalaban but the Nature Dragon growled kasabay ng paglabas ng
napakaraming huge thorns na kumitil sa buhay ng lahat ng kalaban.

Nakahinga kami ng maluwag nang tuluyan ng mawala ang mga kalaban.

"Sino kayo?" Tanong muli ng dragon sa amin.

"Kami ang inatasang mangolekta ng pitong elemental Gems na nasa pangangalaga


ninyong mga dragon" sagot ni Jack.

"Patunayan niyong kayo nga, dahil marami ng nagtakang kunin ang pinangangalagaan
kong Bato" sabi nito.

"So ibig mong sabihin marami na ang nakarating rito??" ganong ni Anna.

"Oo, at lahat sila ay hindi na nakabalik pang buhay" sagot ng dragon. Napalunok
naman kaming lahat dahil dun.

"Wait, nasa Derkesthai naba talaga kami? Ang tirahan ng pitong sinaunang dragon?"
'di makapaniwalang saad ni Mav.

"Oo, naririto na kayo sa aming teritoryo kaya kailangan niyong patunayang karapat-
dapat kayong mangalaga sa pitong makapangyarihang bato"

"Sa paanong paraan?" Tanong ko. Ano na naman kaya ang gagawin namin.

"Pailawin ninyo ang batong nasa noo ko, at kapag nagawa niyo iyon, ibibigay ko sa
inyo ang bato ng kalikasan, bibigyan ko lamang kayo ng isang pagkakataon bawat isa.
Labat pwede niyong gawin, maliban sa paggamit ng mahika"

Tumango kami at nagsimula ng pailawin ang batong nasa noo ng dragon. Naunang
sumubok si Anna sa pamamagitan ng paghimas sa noo ng dragon ngunit waepek!

Sumunod si Pao at sumayaw-sayaw ng parang abnoy kaya mas lalong wa epek! Natawa
nalang kami sa ginawa niya.

Sumunod si Sai at hinalikan ang bato sa noo ng dragon, pero wala parin.

"Yucks ka Sai! Sa tingin mo iilaw yan?! Bulyaw ni Audrey. Ngumisi lang si Sai.

Napapansin kong madalas tahimik ngayon si Sai, malayo sa Sai na nakilala ko. May
problema kaya siya? Tatanungin ko siya after ng mission.

Sumunod si Mav " open sesame! Abra kadabra!" Sigaw nito pero wa epek parin!

Teka, wait, sandali.. May naaalala ako. Nung time na binabasa ko ang Book of
History and Spells nabasa ko dun ang spell na kayang palitawin ang Nature Gem at
maging ang iba pang Elemental Gems, pero nakalimutan ko kung ano 'yon .. Arghh
kainis! I should often read that book.
Sumunod naman si Audrey "oh powerful gem of nature come to mama! Oh ha! Oh ha!"
Sabi nito with matching sayaw-sayaw pa. Yung parang nagtwe-twerk! Haha. Natawa
naman kaming lahat.

Sumunod si Zy na malalim na nag-iisip, kung ano ang gagawin. Pero halos lumuwa ang
mata ko kakatawa ng bigla niyang sinabing "BULAGA! BWAAAA!" mukhang nagulat ang
dragon kaya pinuluputan niya ng baging si Zy at ibinitin patiwarik.

Sumunod naman si Jack.. Tila may alam na kung paano papailawin ang bato. Nang
biglang "haaaa!" Hampasin niya ng espada niyang naglalagablab ang noo ng dragon
kaya ang ending..

Pinuluputan rin siya ng baging at iginapos patiwarik sa puno. Sigaw lang sila ng
sigaw ni Zy.

"Ngayon, ikaw nalang ang natitira. Kapg hindi mo pa napailaw ang bato, mapipilitan
akong tapusin ang buhay ninyo" sabi ng Dragon. Kinabahan naman ako dun.

" Ahhh!" Sigaw ng mga kasama ko ng puluputan sila ng mga baging.

Nataranta na ako, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!

"Magmadali ka babae"

"Oo na ! Wait lang okay?" Sabi kk at nameywang habang nakalagay ang hintuturo ko sa
ulo ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas! Naalala ko na!

"Aha! Waiitttttt.. Hetoo naaaa. Somna gemme el natus! " sigaw ko at napansing unti-
unting lumiwanag ang noo ng dragon at maya-maya pay lumitaw na ang Nature Gem.

"Magaling, isa ka bang Arankar binibini?" Malambing na tanong ng Dragon kaya


tumango ako.

"Kung ganoon, may makakatalo na pala sa sakim na si Lucas, akala ko siya nalang ang
natitira sa inyong lahi" sabi nito na nagpagulo sa aking isip.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong.

"May isa pang Arankar Maliban sa iyo ang nabubuhay sa kasalukuyan. Siya ang pinuno
ng Wiccan Tribe at ang tagapangalaga ng Dark Core" sabi nito.

"Sino naman iyan?"

"Siya si Lucas ang kumitil sa buhay ng lahat ng mga Arankar dahil sa kasakiman niya
at pagkaganid sa kapangyarihan" sagot nito.

Kumulo naman ang dugo ko ng marinig ko ulit ang pangalan niya! Bwisit sino ka ba
talaga Lucas? Bakit ang sama-sama mo?!

"Bakit nga pala nasa iyo ang Nature Gem?" Tanong ko sa dragon.

" Dahil isa ako sa bumubuo ng Alzorian Core, ako ang Nature Gem" sagot nito na
nagpagulong muli sa isip ko

"Pakilinaw nga" request ko.

"Ako ang Nature Gem, nilikha ko ang dragong nasa harap mo upang pangalagaan ang
Nature Gem" sabi nitk at tumnago nalang ako kahit hindi ko naman talaga
naiintindihan ang mga sinabi niya.

"Paano ang ibang dragon ? Ganun rin ba ang ginawa nila? Sila rin ba ang mga
Elemental Gems?" Tanong ko.

Tumango lamang ang dragon at tiningnan ang mga kasamahan kong nakapulupot at maya-
maya pay nakawala na ang mga ito.

"Aray yung ulo ko!" Sigaw ni Zy nang mauna ang ulo niya nung bumagsak siya.

Nagtawanan ulit kami na parang wala lang nangyari.

"Ngayon, kailangan ko nalang pumili ng karapat-dapat na amo upang aking


pangalagaan" sabi ng dragon na nagpa-excite sa aming lahat.

Tiningnan ng dragon ang mga kasamahan ko, sinusuri na tila ba'y binabasa ang isip
nito. Napansin kong napalunok ang mga kasamahan ko kaya lihim akong napangiti.
Akala siguro nila kakainin sila.

"Nakapili na ako, dahil sa aking nasaksihan kanina, na kayang gawin ang lahat
mapangalagaan lang ang kaniyang mga kaibigan, at ang kalikasan" pabiting sabi nito.

"Ikaw ang napili ko" sabi ng dragon at nag-anyong berdeng liwanag at pumasok sa
katawan ni..

"Zyline"

***

Chapter Forty-Four

YUKI

Mabilis lumipas ang mga araw, at malapit narin naming makita ang lahat ng mga
elemental gems. Walang kahirap-hirap haha! Nang makuha namin ang nature gem ay
itinuro nito ang mga dragon kung kaya't mas napadali ang aming trabaho.

Ang air dragon ay nasa pangangalaga ni Pao, ang Ice dragon kay Mav, ang Earth
Dragon kay Audrey, Lightning Dragon kay Sai, Water kay Anna at Siyempre Nature kay
Zy, at ang mga Elemental Gems ay siyempre nasa pangangalaga ko!

Kung nagtatanong kayo kung saan ang fire Gem and Dragon, pwes pupuntahan pa namin!
Kasalukuyan kaming tumatawid ngayon sa isang lupang tulay at sa ilalim nito ang
nagbabagang magma.

Nasa gitna na kami ng tulay nang makarinig kami ng pag-crack kaya't napatigil
kaming lahat.

"Walaang gagalaw! Even the slightest movement can cause this bridge to collapse!"
Babala ni Jack.

Sunod-sunod na paglunok ng laway ang aking ginawa, at halos lahat ng santo, anito,
diyos at mga espirito sa Alzora maging sa Greiko ay natawag ko na! Gosh. Baka
matusta kaming lahat neto!

Walang gumalawa hanggang sa may dumapong lamok sa ilong ko.


"Shuuu! Alis! Shuu" sabi ko at hibipan ang lamok sa ilong ko pero ang gagang lamok,
hindi nagpatinag!

"Shhuuuuu! Peste kang lamok ka!" inis na bulyaw ko hanggang sa di ko na natiis,


sinapak ko na ito pero umiwas ito at ang ilong ko ang natamaan kaya napa-padyak ako
sa sakit na sinundan ng pagcrack ng kinatatayuan naming tulay.

"Yukiiiiiiiiiiii" sigaw nilang lahat habang nahuhulog pero ako? Nakalipad ako.
Thank god! I was about to rescue them pero lumabas na ang kanilang mga dragon at
isinakay sila. Pero hindi ko makita si Jack.

"Ho-hoy! Tu-tulu-tulunga n-niyo a-ako!" Nahihirapang sabi nito.

Oh my! Malapit na siyang mahulog!

"Jack!!" Sigaw ko habang lumilipad upang saluin siya dahil tuluyan na siyang
nahulog.

But I was too late! Masyado ng mainit para saken ang tumuloy! Baka masunog ang
pakpak ko.

Pero ang akala naming mahuhulog ng tuluyan si Jack, hindi pala! He was saved by a
dragon... A Fire Dragon!

"Ang fire dragon" sabi naming lahat.

Lumapag na kaming lahat at nagsimulang kausapin ang Fire Dragon which is also the
Fire Gem.

"Kung ganoon, ikinalulugod kong ihandog sa'yo ang batong pinangangalagaan ko" sagot
ng Fire Dragon at lumitaw sa ere ang Fire Gem na kaagad ko namang kinuha.

At kung nagtatanong kayo kung sino ang pinili ng Fire Dragon, eh sino pa ba? Kundi
si Jack.

Huhu ako lang ang walang Dragon! Pero okay lang nasa akin naman ang pitong
elemental Gems! Haha.

"Tara magmadali na tahong bumalik ng Paradus para maibigay na natin kay Andromeda
ang mga Elemental Gems" sabi ni Jack. Tumango lang kami at nagsimula ng lumipad.

Nang nasa himpapawid na kami ay napansin kong tumindig ang mga balahibo ni Kiyu,
senyales na may di magandang mangyayari. Kiyu sensed DANGER! Maging ang mga Dragon
ay naging alerto sa paligid.

Pinakiramdaman ko ang paligid hanggang sa maramdaman ko ang napakaraming palasong


papunta sa amin!

"Kalaban!" Sigaw ko habang gumagawa ng barrier upang maprotektahan kami sa mga


palasong paparating.

Mabuti nalang at mas mabilis akong nakagawa ng barrier dahil kung hindi, baka
nagmukha na kaming dartboard nito

"Oh! Magaling magaling! Bwahahaha" sabi ng di kilalang boses at sinundan ng mala-


demonyong tawa.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon pero hindi ko makita.
"SINO KA?! Lumabas ka!!" Sigaw ko na umalingawngaw sa buong paligid.

"Woah! Ang tapang ah! Hahaha" sabi ng isang boses kasabay nun ay naramdaman ko ang
isang nakakapangilabot na kapangyarihan. Sobrang lakas nito!

"Magpakita ka!!" Sigaw ni Jack.

"Looking for me?" Sabi ng isang di kilalang lalaki na ngayo'y nasa harapan namin,
may pakpak rin siya gaya ko kaso ang kulay nito ay itim. Unti-unti ko naring nakita
ang mga kasamahan niya, ang dami nila at napapalibutan nila kami. Maaari kayang isa
rin siyang Arankar?

"Sino ka!!!" Gigil na sabi ni Mav. Nang tingnan ko sila ay kapwa galit ang
ekspresyon ng kanilang mga mukha lalong-lalo na si Sai.

"Well I'm Lucas Moniere ang kasalukuyang nangangalaga sa Dark Core, Ang lider ng
Wiccan Tribe at ang tatapos sa inyong lahat" he said plainly pero nakakakilabot.

Tiningnan ko siya ng mataman, nasa mid 30's na ang mukha nito, maputi , gwapo. Pero
naiinis ako! He's the one who killed my parents and my tribe!

"Ikaw si Lucas?! Ikaw ang pumatay sa mga magulang ko?!!!" Nanggigigil kong sabi.

"Well yes and by the way it's my pleasure to finally meet you Arankar" nakangising
sabi nito.

Mabilis akong nakagawa ng fireballs na may airblades at itinapon ko ito sa kaniya.


Ngunit naharangan niya ito sa pamamagitan lamang ng pagharang ng hintuturo sabag
sabing " Uh-uh! Not so fast my dear!"

Umatake ang isang sorcerer ngunit agad ding binawian ng buhay nang bugahan ng Fire
Dragon ng burning magma.

"Ano bang balak mong gawin sa amin?!" Inis na sabi ni Anna.

"I need the Elemental Gems!" Sabi nito ay gumawa ng isang napakalaking blueflame
ball at itinapon sa amin. Blue flame? Isang dark magic ang ginamit niya.

Mabilis namang gumawa si Anna ng waterwall na sinuportahan naman ng water dragon


niya at nila Mav kung kaya't naharangan ang pag-atake ni Lucas.

Kanina pa ako nag-iipon ng hangin sa mga palad ko, ang ginamit koy ay invisible
air. Gumagawa ako ngayon ng Airball sa magkabilang kamay ko na may lamang
airblades.

"Give. Me. The. Elemental. Gems!!" Mariing saad nito sabay pakawala ng napakaraming
dark spikes.

"El barga" Audrey casted a spell then huge rocks appeared and covered us from the
dark spikes.

And as a counter attack,

"Hindi.ko.ibibigay.sayo.ang.Elemental.Gems!" Mariin kong sagot sabay pakawala ng


invisible air balls.

Hindi iyon namalayan ng mga kasamahan ni Lucas kung kayat napuruhan ang mga ito.
Habang siya naman ay mabilis siyang nakagawa ng barrier upang protektahan ang
kaniyang sarili.

"Playing tricks eh?" Nakangising sambit ni Lucas. Ibinuka niya ang kaniyang mga
pakpak at unti-unting may lumalabas na itim na enerhiya na pumalibot sa kanya.

Nabahala naman kami dahil sobrang lakas ng Magoi na nanggagaling sa kaniya.

"Anong gagawin natin?" Natatarantang sambit ni Anna.

"Use the Elemental Gems Yuki" sabi ng Nature Dragon.

"Paano?" Natataranta kong tanong dahil ramdam ko na ngayon ang lalong lumalakas na
Magoi ni Lucas.

"Humiling ka, o utusan mo ang mga ito, iyon lang" sabi ng nature Dragon.

"Die!!" Sigaw ni Lucas at bumulusok ang napakaraming dark blades, dark spikes and
dark energy balls sa aming kinaroroonan.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at humiling na...

"Elemental Gems, dalhin mo kami sa Paradus Academy ngayon din" yun langang sinabi
ko at nabalutan na kami ng nakakasilaw na liwanag na sinundan ng isang malakas na
pwersang tila hinihigop ang aming katawan.

***

Chapter Forty-Five

YUKI

Bigla nalang kaming iniluwa ng isang portal sa harap ng isang gate. Isang napaka-
pamilyar na gate. Ang gate ng Paradus Academy!

"Sa wakaaaas! We're Hooooome!" Sabi ni Zyline at patakbong pumasok ng gate.

Napangiti nalang kami sa tinuran niya. Nakangiti kaming naglalakad papasok ng


Academy baon ang magandang balita nang..

"Aaaaaahhhhhhhhh!" Sigaw ni Zy kaya nataranta kami at agad siyang pinuntahan.

Nang makita namin siya ay naluluha siya habang may itinuturo. Sinundan namin iyon
ng tingin at halos mapasigaw rin kami sa takot at gulat. Paano ba naman kasi may
tatlong estudyante ang nakasabit sa mismong second gate ng Academy, hindi lang iyon
ang kalunos-lunos na nakita namin.. Ang academy... Sirang-sira, may nabuwal na mga
puno, sirang buildings, at may ilang estudyanteng nakakalat sa buong academy,
duguan at ang ilan hindi na makilala dahil nasunog ang kanilang mga katawan.

"What happened here?!" Nanlalaking tanong ni Jack nang makita ang kabuuan ng
academy.

Bigla namang pumasok sa aking isipan sila Lola!

"Sina Headmaster!" Sabay naming naibulalas at mabilis pa sa kidlat na nagtungo sa


opisina ni Bubwit.

Napapapikit nalang ako, dahil di ko magawang tingnan ang lagay ng mga estudyante
mapa Commoners o Elites man. Nang mapadaan ako sa may corridor papuntang girl's
dormitory ay may nakita akong babaeng nakadapa at humihinga pa kaya agad ko iyong
pinuntahan.

"Yuki saan ka pupunta?" Tanong ni Anna pero di ko nalang siya pinansin.

Inilagay ko muna si Kiyu sa sahig ag inakay ko ang babae at sinubukang pagalingin.

"Haelien" sabi ko pero hindi parin siya gumagaling. Maya-maya pa'y idinilat nito
ang kaniyang mata at di ko mapigilang mapangiti.

"Um-uma-take si-sila" sabi nito.

"Sino ang umatake?" Tanong ko.

"Ang Wi-wiccan T-tribe" sabi nito bago tuluyang ipinikit ang mata at nang echeck ko
ang pulso niya, wala na ito. Tuluyan na siyang binawian ng buhay. Nakaramdam ako ng
matinding inis, bakit ba kasi kailangan pang magaway-away?! Bakit kailangan pang
may mamatay!

Inilapag ko ang babae at inayos ang kaniyang pagkakalatay bago ako tuluyang umalis
upang hanapin sila Lola.
.
.
.
.

Hinalughog na namin ang lahat ng sulok ng Academyang ito ngunit wala kaming nakita.
Wala sila lola at maging ang ilang mga estudyante ng Paradus Academy! Nagsimula na
akong kabahan, hindi maaari! Huwag naman sana. Sana hindi pa sila patay, hindi ko
iyon makakaya.

Dumating narin sina Mav at Anna na pumunta sa bayan upang tingnan kung may tao rin
ba doon.

"Wala kaming nakitang mamamayan ng Alzora, walang katao-tao doon" sabi ni Anna,
makikita mo sa kaniyang mata ang magkahalong inis at pag-aalala.

"Nasaan na ang mga tao?! Bakit wala sila!!!" Naiinis na sabi ni Pao habang nakayuko
at ginulo ang buhok.

"Pao relax kai---" putol na sabi ni Zy.

"Relax?! Oh c'mon Zy! Hindi ko na iyon magagawa ngayon! Look around you.. Do you
think makakapag-relax ka?!!" Napataas yata ang boses ni Pao. Nagulat naman kami
dun, it's his first time to shout.

"Look, im sorry.. It's just nag-aalala lang ako" sabi nito at di napigilan ang
pagtakas ng butil ng luha sa kaniyang mata.

"Let's go, walang mangyahari kung pipirmi lang tayo rito" sabi ni Jack. Tumango
lang kami.

They summoned their dragons habang ako ay inilabas ko ang pakpak ko at nagsimula na
kaming lumipad. Hindi ko napigilang mapaiyak. Halo-halong emosyon ang nararamdaman
ko, poot, galit, pag-aalala at pagkainis. Niyakap ko nalang si Kiyu upang maibsan
ang aking nararamdaman.

Nang matingnan ko ang kabuuan ng academy at bayan sa himpapawid ay di ko talaga


mapigilang manlumo, ang dating mala-paraisong ganda nito ay wala na at ang dating
masiglang mundo ng Alzora ay napalitan ng kalungkutan.

Lipad lang kami nang lipad, nagbabakasakaling may mahanap na kahit isang nilalang
ngunit wala talaga. Pero nang mapagawi ang tingin ko sa may gubat malapit sa
Academy ay tila ba may humihilang pwersa sa akin papunta doon.

Kaya napagpasiyahan kong puntahan ang lugar na iyon, sinenyasan ko silang sumunod
sa akin.

Nang tuluyan na kaming makalapag ay may naramdaman akong Magoi sa paligid kung
kaya't hinanap ko ito at natagpuan ko ang aking sarili sa harap ng isang kweba,
tinawag ko silang pito.

"Guys, May nararamdaman akong Magoi sa lolb ng kwebang iyan" sabi ko sabay turo sa
bukana ng kweba.

"How sure are you?" Tanong ni Sai na ngayon lang ata nagsalita simula kanina.

"I'm 99.99% sure" sagot ko at sinimulamg tahakin ang daan papasok ng kweba. Sumunod
naman ang mga kasamahan ko ng walang pag-aalinlangan.

Pagkapasok ko sa kweba ay ramdam ko ang hiwagang bumabalot rito. This place is one
of the most magical places I've ever been. Mga kristal na nagliliwanag sa bawat
sulok ng kweba, mga malilit na gintong insektong nagsasaboy ng gold dusts. Hindi ko
mapigilang mamangha.

Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig sa unahan kung kaya't mabilis ko itong


pinuntahan. Sumunod lang sila sa akin. Nang marating ko ang dulo ng kweba ay
tumambad sa akin ang isang lugar na sa tingin ko ay isang natatagong paraiso.

Mala-kristal na tubig ang umaagos sa maliit na talon patungo sa lawang umiilaw. Oo


umiilaw dahil sa mga ginintuang isdang lumalangoy rito. May mga luminous mushrooms
at paro-paro rin sa paligid.

"Wow!" Sambit naming walo na di mapigilan ang pagka-mangha.

"Ang ganda!" Sabi ni Zy at pumunta sa lawa at inihilamos ang tubig galing rito.
"Ang.. Ang.. Ang tamis ng tubiiiggg kyaaah" sabi niya at ininom ang tubig.

Na-curios naman kami kaya tinikman din nami at oo nga ang tamis! Uminom pa kami,
parang mga batang ignorante.

"Matamis ba ang tubig mga bata?" Nagulantang kami sa aming narinig na boses sa
likod namin kung kaya't napag-pasiyahan naming lingubin ito..

"Andromeda?" Bulalas ko nang makilala ang babaeng nagsalita. Marahil sa kaniya ang
Magoi na naramdaman ko kanina.

Tuluyan na siyang nagpakita at nang matamaan ng liwanag ang kaniyang katawan ay


nakita ko ang mga sugat at pasa niya, sira-sira narin ang suot niyang puting
bistida na ngayo'y may bakas ng dugo at dumi.

"Oh my god! Anong nangyari sayo?!" Tanong ni Anna.

Sinenyasan niya kami na umupo muna, kung kaya't umupo kami upang makapag-simula na
siya.

"Kani-kanina lang, napag-alaman naming may traydor sa Academya" panimula nito.


"ANO?!" Saad ni Sai. Bakas ang pagkagulat niya. Bakit kaya?

"O.A lang Sai? Sige Andromeda magpatuloy ka" sabi ni Audrey.

"Kanina'y nalaman naming traydor si Rita pero huli na, umatake na ang Wiccan Tribe
sa pamumuno ng lalaking nagnga-ngalang Gin na may ancient magic. Wala kaming nagawa
dahil kakaiba ang kaniyang kapangyarihan. Naroon rin ang ilang mga rebeldeng Mages
at Casters at Slayers na sinamahan pa ng mga malalakas na Sorcerers at sorceresses.
Itinakas namin nila Magrett ang ilang mga estudyanteng nailigtas namin at ang ilang
mamamayan, ngunit sa kasagsagan ng aming paglilikas ay tinambangan kami ng mga
kalaban kung kaya't nahuli ang ilang sibilyan maging si Magrett, Manuel, Mathew at
Helen, ngunit dahil sa kakayahan kong maglaho ay nagawa kong makatakas at
ipagpatuloy ang paglikas sa mga mamamayan" mahabang kwento nito.

"What?! How come ?!!! Kailangan na nating magmadali iligtas natin sila!"
Natatarantang sabi ni Jack. Naiintindihan ko siya, 'yon din ang gusto kong sabihin
inunahan niya lang ako.

"Huminahon ka ginoo, sa tingin mo ba matatalo mo ang mga kalaban sa ganyang


kalagayan?" Tanong ni Andromeda kung kaya't natahimik si Jack. Maging kami ay
napaisip sa sinabi niya.

"Paano natin sila lalabanan kung kulang tayo sa tao? Paano natin maiipigtas ang
mamamayan ng Alzora ? Ha! Paano?!" Naluluhang sabi ni Audrey.

Tama siya, paano namin lalabanan ang Wiccan Tribe?

"Sa pamamagitan ng pagsagawa ng Claiming Ceremony ni Yuki at ang paghingi ng tulong


sa Ancient Tribe" sabi ni Andromeda.

Ancient Tribe? Mukhang narinig ko na iyon. Pero wala pa akong nakikitang isang
Alzoriang miyembro ng Ancient tribe. At yung claiming na sinasabi ni Andromeda
handa na ako at handa narin akong gawin ang lahat mapangalagaan lang ang Alzora.

"Kailan at Saan natin isasagawa ang claiming?" Desidido kong tanong.

"Sa Anszien Mountain, ang lugar na kasalukuyang pinaglikasan ko sa mga mamamayan ng


Alzora at ang lugar na tinitirhan ng Ancient Tribe"

***

A/N : Oh yan na muna ha? 8 or less chapters to go tapos na'to :3


Votes and Comments are highly appreciated

Chapter Forty-Six

A/N : 6 chapters to go.. Tapos nato :(

YUKI

Nagmadali kaming tumungo sa Anszien Mountain. Matatagpuan ito sa hilagang parte ng


Alzora.

Pinalabas nilang muli ang kanilang mga Dragon habang kami ni Andromeda ay lumipad
lang habang akap-akap ko si Kiyu.
"Naway malagpasan mo ang suliraning ito Yuki" sabi ni Andromeda habang palinga-
linga sa paligid.

"Sana nga. Sana. At sanay tulungan niyo akong magampanan ang aking tungkulin"

"Maaasahan mo ang tulong ko mahal na Prinsesa" sagot nito.

Nauuna kami ni Andromeda dahil siya ang may alam ng lokasyon ng Anszien Mountain.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ni Mav.

"Malapit na tayo ginoo, kapag nalampasan natin ang mga ulap na iyan ay bubungad sa
atin ang Anszien Mountain" sagot ni Andromeda sabay turo ng mga ulap .. ulap na
sobrang MAKULIMLIM ! kumikidlat pa sa parteng yun!

"Papatayin mo naba kami?" Di makapaniwalang tanong ni Audrey.

"Iyan lang ang tanging daan kaya't maghanda na kayo, kailangan na nating magmadali
dahil malapit ng magpakita ang Blue Moon" sagot nito.

Oo nga pala! Ang Blue Moon, kapag nagpakita na ito ay gaganapin na ang Claiming
Ceremony, doon lang pwedeng gawin ang Seremonya.

Nang makarating kami sa tapat ng mga ulap ay lumunok muna kami ng makailang beses
bago tuluyang pinasok iyon.

"Ahhhhhhh !" Sigaw namin nang salubungin kami ng buhawi.

"Kami na ang bahala!" Sabi ni Pao at tinapik ang Air Dragon. Maya-maya pa'y gumawa
rin ng Tornado sila Pao at iyon ang isinalubong niya sa buhawi, dahilan upang
magwala ang hangin sa paligid.

"Ampota mo Pao! Mas pinalala mo pa ang sitwasyon!" Inis na sabi ni Zy habang


gumagawa ng barrier.

"Sorry poooo!" Sabi ni Pao at nag-peace sing.

Huminto sa gitna si Andromeda at ikinumpas ang kamay niya ng marahan na tila ba


sumasabay sa ihip ng hangin. Ilang saglit pa ay tumigil ang pagkulog, pagkidlat at
ang nagwawalang hangin ay naging mahinahon.

Napa-awang ang aming bibig sa kaniyang ginawa.

"Tara na" sabi nito at lumipad na.

---

Isang mala-paraisong lugar na naman ang sumalubong sa amin nang marating namin ang
Anszien Mountain. Ngayon ko lang napagtantong kailangan ko talagang pangalagaan ang
Alzora dahil sa gandang taglay nito.

Nag-anyong ilaw muli ang mga dragon at pumasok sa kani-kanilang pinili.

Naglakad na kami at ramdam ko ang kapayapaan ng lugar, tila hindi pa nagagambala ng


sinumang masamang nilalang.

Maya-maya pay nakarating kami sa isang maliit na pamayanan, mga kabahayang yari sa
kahoy ang nadatnan namin. Isang payak na pamumuhay ngunit sadyang napaka-gandang
isipin. Ang sarap sigurong mamuhay kasama ng mga tao rito.
"Sino kayo at anong pakay ninyo sa aming lugar?" Tanong ng isang matandang lalaking
may hawak na kahoy na tungkod. May mahaba itong balbas na puti na ang kulay at
kalbo na.

"Ako ito Maki, si Andromeda at kasama ko ang itinakdang taga-pangalaga ng Alzorian


Core"

"Ikaw pala mahal na reyna" sabi nito at bahagyang yumuko, siguro bilang pagbigay-
galang kay Andromeda.

"Huwag mo na akong tawaging Reyna, wala na ako sa posisyon"

"Marahil nga'y wala kana sa posisyon ngunit ikaw parin ang pinagsilbihan ko ng
mahabang panahon"

"Nga pala Maki, heto sila Mav, Paolo, Jack, Sai, Audrey, Zyline, Anna at ang huling
prinsesa ng mga Arankar si Yuki"

"Ikinalulugod kong makilala kayo lalong-lalo kana Yuki" sabi nito at bahagyang
yumukod.

"Ay tatang 'wag kanang yumuko!" Sabi ko at inalo ang matanda upang itayo.

"Napakabait mong bata" sabi nito ng nakangiti.

"Salamat po" sagot ko.

"Maiba tayo Maki, nasaan ang mga mamamayan ng Alzora at ang mga katribo mo?" Tanong
ni Andromeda.

"Lahat sila ay nahihimbing na ngayon mahal na reyna" sagot nito. "Sumunod kayo sa
akin upang makapag-pahinga na kayo" dadag niya.

"Kailangan na nating isagawa ang Seremonya Maki, malapit ng magpakita ang Blue
Moon" saad ni Andromeda.

"Alam ko mahal na reyna, maghintay ka at gigisingin ko ang aking mga katribo" sabi
nito at bahagyang ipinadyak ang tungkod niya. Makailang sandali lang ay nakarinig
kami ng mga yabag ng paa.

"Mahal na pinuno, ano ang problema at ipinatawag ninyo kaming lahat?" Tanong ng
isang gwapong nilalang sa harap ko. Kung sa Greiko kamukha niya si James Reid.
Siniko naman ako ni Zy sabay bulong "Besh ulam hihi" siniko ko din siya sabay
bulong din "Oo nga!"

"Sino si James Reid binibini?" Tanong niya at bahagyang kunot ang noo kaya ang cute
niya! Hehe.

"Cute ba ako?" Nakangising sabi nito. Wait, ngayon ko lang napansin.. Nababasa niya
ang iniisip ko!

"Oo nababasa ko ang isip mo binibini" sabi nito.

"What?! Oh my!!" Naitakip ko sa mukha ko ang mga kamay ko. Ibig sabihin alam niya
iyong pinag-usapan namin ni Zy? Nakakahiya.

"Ah eto nga pala si James, kayang niyang basahin ang isip ninuman, at kaya niya
ring makipag-usap gamit lamang ang utak niya, iyan ang kaniyang ancient power" sabi
ni tatang Maki.

"Wow!" Manghang sabi naming mga babae habang ang mga lalaki ay umismid lang.

"Haha mukhang may nagseselos mga binibini" makahulugang saad ni James at tumingin
sa gawi ng mga boys.

"Magbantay kayo sa buong lugar James, pamunuan mo ang hukbo. May isasagawa kaming
napaka-importanteng seremonya na marahil ay alam mo na" sabi ni tatang Maki.
Tumango lang si James at sinenyasan ang mga kasama niya na sumunod sa kanya.

Nang tuluyan ng maka-alis sina James ay ibinaling ni tatang Maki ang tingin niya sa
aming walo.

"Kailangan na nating gawin ang seremonya, sumunod kayo sa akin upang makapagsimula
na tayo" sabi nito at nagsimulang maglakad kasama si Andromeda.

Tahimik naman kaming sumunod ngunit habang naglalakad kami ay may bumulong sa isip
ko "May traydor sa inyo binibini" sabi ng boses ni .... James?!

"James, ikaw ba iyan?"

"Oo binibini"

"Sino ang sinasabi mong traydor?"

"Si--"

"Yuki, pumunta kana sa gitna ng magic circle" utos ni Andromeda kaya hindi ko na
napakinggan ang sasabihin sana ni James.

Pumwesto na ako sa gitna ng magic circle at napapalibutan ako nina Mav, Anna, Zy,
Pao, Audrey, Sai at Jack. Tumabi sa akin si Andromeda at iniharap niya ako sa
kanya.

"Magsisimula na tayo , ilabas mo na ang pitong makapangyarihang bato prinsesa" sabi


ni Andromeda kaya't sinunod ko siya.

Inilabas ko ang elemental gems at hinayaan itong lumutang sa ere. Idinilat ko ang
mga mata ko at napansin kong gabi na pala, malapit ng sumilay ang Blue Moon.
Ipinikit kong muli ang mga mata ko at nrinig kong may sinasabi si tatang Maki
ngunit hindi ko maintindihan.

THIRD PERSON'S POV

Maki recited the transfer spell, itinaas nito ang hawak nitong kahoy na tungkod at
unti-unting pumunta ang mga Elemental Gems kina Anna, Zy, Pao,Mav, Audrey, Sai at
Jack. Labas narin ang mga Dragon at nagpaikot-ikot ito sa ere.

Umilaw ang katawan ng pitong napiling maging Royal Guards kasabay ng pag-ilaw ng
katawan ng mga Dragon, nina Yuki at Andromeda habang ang mga Elemental Gems ay
unti-unting nag-aanyong bola ng enerhiya.

Hanggang sa sabay-sabay itong naipon sa isang lugar kasama ang enerhiyang nagmumula
sa pitong Royal Guards at Pitong Dragon ay pumasok sa loob ng katawan ni Yuki.

Unti-unting umangat ang dalaga sa ere ngunit may pahabol pang enerhiyang nagmumula
kay Andromeda at pumasok ito sa katawan ni Yuki.
Nang tuluyan ng sumilip ang liwanag na nagmumula sa Blue Moon ay umilaw narin ang
katawan ni Yuki at unti-unting may nabuong isang kwintas sa kaniyang leeg na may
pendant ng half-moon na may bilog na nakapatong at sa loob nito ang imahe ng Blue
Moon.

Malapit ng matapos ang seremonya.

Ngunit ...

"Mga kalaban!!" Anunsiyo ng isang miyembro ng tribo na sinundan ng sigaw ng mga tao
at sunod-sunod na pagsabog na bumalabog sa buong Anszien Mountain.

***

Chapter Forty-Seven

ANDROMEDA

Nagulantang ang lahat sa sunod-sunod na pagsabog na bumulabog sa buong Anszien


Mountain, hindi pa nakukumpleto ang seremonya, oo nga't natapos na naming tawagin
ang Alzorian core at ipasa kay Yuki ngunit hindi pa niya ito lubusang natatanggap.

Mabilis na kumilos ang lahat ng mga miyembro ng Ancient tribe at hinarap ang mga
kalabang dumating gamit ang kani-kanilang mga sinaunang kapangyarihan.

Oo, kasalukuyan kaming sinusugod ngayon ng Wiccan Tribe, tanging mga low-class
sorcerers lamang ang sumugod.

Akala ko kaya na ng mga miyembro ng ancient tribe ang mga kalaban ngunit may
dumating pang tila mas malakas, kung kaya't hindi na ako nakatiis at inilabas ko na
ang mga pakpak ko. Bilang sinaunang reyna at tagapangalaga ng Alzorian core,
tungkulin kong pangalagaan ang aking mga nasasakupan.

Mabilis kong binalot ng apoy at hangin ang magkabila kong palad hanggang sa
matantiya kong sakto na ito, lumipad ako sa himpapawid at isa-isang tinira ng mga
airballs at fireballs ang mga kalaban, nakita ko sa di kalayuan ang mga kaibigan ni
Yuki na abala sa pakikipaglaban.

Gumawa ako ng pana't palaso gamit ang hangin at isa-isa kong pinana ang mga kalaban
na di maubos-ubos. Sa kabilang dako nakita ko si Maki na iwinasiwas ang kaniyang
tungkod at maya-maya pa'y may nabuong isang itim na butas sa hangin na humigop sa
mga papasugod na sorcerer.

JACK

Mabilis kong nilaslas ang leeg ng pesteng sorcerer na nagtatangkang sugurin si Yuki
na ngayo'y kasalukuyan paring nagliliwanag. Hindi pa tapos ang Passing and Claiming
Ceremony kaya heto kami ngayon pinoprotektahan si Yuki.

"El barga" Audrey casted a spell and a barrier appeared and protected Sai from a
sorcerer.

Mabilis na binalot ng armor si Sai at tinusok ng espada ang sorcerer na nagtangkang


patamaan ng dark ball si Audrey.
"Now we're even" sabi ni Sai kay Audrey bago sumugod sa mga kalaban at ang Audrey?
Ayun namula.

Mabilis kong binalot ng armor ang katawan ko at pinaapoy ang aking espada.
Iwinasiwas ko sa ere ang aking naglalagablab na espada at nagsulputan ang mga fire
spikes na tumupok sa mga papasugod na kalaban. Tumalon ako sa ere upang iwasan ang
dark sphere na papunta sa gawi ko , pagkalapag ko ay di ko maiwasang mapamura nang
makita kong ang daming dark spikes ang papunta sa akin.

Binalot ko ng fire element ko ang katawan ko uoang maprotektahan ang sarili ko sa


mga dark spikes kasabay ng pagpapakawala ng fire blades.

"Twin Dragon!" Sigaw ni Anna at lumabas ang dalawang dragong gawa sa tubig. Inatake
nito ang mga nakapalibot na mga sorcerrer.

MAV

Ang daming kalaban ang ngayo'y umaatake sa amin, pinagmasdan ko ang paligid... And
daming sugatan at ang ilan ay binawian na ng buhay.

Mas lalo akong nainis sa mga kalaban kaya itinaas ko ang mga kamay ko at tinira ang
lahat ng makita kong sorcerer. Napatingin ako sa may gawi ni Zy na ngayo'y
napapalibutan ng mga kalaban, halatang nahihirapan siya sa pagdipensa ng kaniyang
sarili, kaya't tinulungan ko ito, tinira ko ang mga ito ng iceballs na nagpayelo sa
buong katawan ng mga ito.

Napatingin sa gawi ko si Zy kaya tinanguan ko lang ito. Gumawa siya ng vine whip at
paikot na hinampas ang mga nagyelong katawan ng mga sorcerer, dahilan upang madurog
ang mga ito.

Binalot ko ang sarili ko ng elemento ng Yelo at maya-maya pa'y naramdaman ko na ang


armor ko. Nag-concentrate ako ng maigi at inipon ang aking enerhiya sa mga palad ko
at itinapon ito sa ere, sumabog ito at naglabas ng maliliit na snowflakes .

THIRD PERSON'S POV

Mabilis na ikinumpas ni Mav ang kaniyang mga kamay at kinontrol ang galaw ng mga
snowflakes, pinatama niya ito sa mga kalabang pasugod. Habang sa kabilang dako
naman ay si Paolo na abala sa pagtira sa mga kalaban ng Airballs, nagtataka na ito
kung bakit hindi maubos-ubos ang mga kalaban.

Itinutok nito ang kaniyang hintuturo sa ere at inipon doon ang elemento ng hangin
"Mamatay na kayo!!" Sigaw nito at lumabas mula sa hintuturo niya ang mga maliliit
na ibong gawa sa hangin na singbilis ng bala at singtulis ng espada.

"Erda spikr!" Patuloy sa pagtira ng earth spikes si Audrey sa mga kalaban,


nakasandal siya ngayon sa likod ni Sai na kasalukuyan ring tinitira ng lightning
volts ang mga kalaban.

Itinaas ni Audrey ang kaniyang wand at umilaw ng golden brown ang tuktok nito
kasabay ng paglutang ng malalaking tipak ng lupa. Ikinumpas niya ang wand niya at
nadurog sa maliit na piraso ang mga tipak ng lupa, bago niya tuluyan tirahin ang
mga kalaban ay hinaluan ito ni Sai ng mga hibla ng kidlat.

"Seotan!" At bumulusok na ang mga ito sa mga kalaban, nanginig ang ilang mga
natamaan bago tuluyang maging abo ang kanilang mga katawan.

Abala sa paggawa ng waterballs si Anna upang tirahin ang mga kalaban kung kaya't
hindi niya namalayan ang isang sorcerrer na gumagawa ng dark spikes sa kaniyang
likuran..

"Sa likod mo" nagulat si Anna nang marinig niya ang boses ni James sa kaniyang
isip. Agad siyang lumingon sa kaniyang likuran pero napa-yuko agad. Muntik na
siyang matamaan ng dark spikes! Pagkatayo niya ay tinira niya agad ng water blades
ang sorcerer, sinundan pa ito ng water spikes. Hindi na nakapalag ang kalaban at
tuluyan na itong naglaho.

Nakasuot na ngayon ng gintong armor si Andromeda habang abala sa pagtira sa mga


kalaban ay hindi niya namalayang may grupo ng mga sorcerer na gumagawa na ngayon ng
isang offensive spell. Unti-unting may lumalabas na itim na usok sa tuktok ng wand
mg mga sorcerer. Ilang saglit pa ay itinira nila ito sa walang kamalay-malay na si
Andromeda..

Ilang metro nalang ang layo, hanggng sa..

"Maki!!!!!!!" Malakas na sigaw ni Andromeda nang makita niyang sinalo ni Maki ang
offensive spell na para sa kanya sana. Unti-unti ng nagiging itim ang mga labi ni
Maki, nagiging puro itim narin ang kaniyang mga mata. Hindi lang pala isang
offensive spell iyon kundi isang curse spell.

"Magbabayad kayo!!" Sumugod si Andromeda gamit ang napakalaking fireball sa


kaniyang magkabilang palad. Pinag-isa niya ang dalawang fireballs, naging isang
malaking bola ito ng apoy at pabagsak niyang itinapon ito sa mga sorcerer na may
gawa ng curse spell.

Lumikha ng napakalakas na pagsabog ang kaniyang ginawa. Naagaw nito ang atensyon ng
iba pang kalaban. Sabay-sabay itong sumugod ngunit tila wala lang ito kay
Andromeda, mabilis niyang ikinumpas ang kaniyang mga kamay at mabilis pa sa kidlat
ang pagkabuo ng isang buhawing may mga air blades. Hinigop nito ang mga sumugod na
kalaban at mala-karneng nagkaputol-putol ang mga katawan nito.

Napaawang nalang ang bibig ni Zy sabay sabing " Ang scary ni Andromeda! So powerful
pag angry."

Unti-unti ng nababawasan ang bilang ng mga kalaban at malapit naring matapos ang
Passing and Claiming Ceremony, ngunit hinang-hina na sila Andromeda maging sila
Anna at konti nalang, mauubos na ang Magoi nila.

Akmang gagawa na sanang muli si Andromeda ng air tornado, nang bigla siyang
mapahinto upang salagin ang dark energy blast na nanggaling sa...

"SORCERESS!!!!!" sigaw ni Anna nang makilala ang dumating..

Ang grupo ng Sorceress na pinamumunuan ni Jane.

***

Chapter Forty-Eight

YUKI

Alam ko ang nangyayari sa buong paligid ngunit wala akong magawa sa kadahilanang
hindi parin natatapos ang pagtanggap ko sa Alzorian Core. Ipinakita nito sa akin
lahat. Oo as in LAHAT! Lahat ng mga nangyari mula ng maitatag ang Alzora.

Kung paano ito pangalagaan, ang mga kapangyarihan na maibibigay nito sayo. Nang
dahil rin sa Alzorian Core ay nakita ko ang aking mga magulang, ang maamong mukha
ng aking ina na kamukhang-kamukha ko, at ang aking matapang ngunit maawain sa loob
na ama. Hindi ko tuloy maiwasang di mapaiyak. It's just, hindi ko manlang
naramdaman ang kanilang mga haplos. Dahil nawala na sila, tinapos ng suwail at
halang ang kalaluluwang si Lucas!

Ipinapangako ko, ipaghihiganti ko ang lahat ng mga inosenteng nilalang na tinapos


ni Lucas.

Kanina pa ako rito sa isang dimensyong puti lang ang tanging kulay, at sa sahig
nito mismo nakikita ko ang nagaganap sa buong Anszien Mountain, kung paano magbuwis
ng buhay ang ilan kaka-protekta sa akin. Muli, hindi ko napigilang maluha. Wala
akong nagawa para protektahan ang mamamayan ng Alzora!

"Haaaaaa!!!" Sigaw ko sabay bato ng airballs sa paligid. Patuloy parin ang pag-agos
ng luha ko.

Nagwawala na ako nang may marinig akong isang boses "Mangako ka Arankar, na
pangangalagaan mo ang buong Alzora" umalingawngaw ang boses sa buong paligid.

"Oo nangangako ako! Ako si Yuki Amina, ang prinsesa ng mga Arankar na itinakdang
pangalagaan ang buong Alzora, tinatanggap ko ng buong puso ang Alzorian Core at
gagamitin ko ito sa kabutihan upang panatilihin ang kaligtasan at kapayapaan ng
buong Alzora" and with that, lumiwanag ng pagkatingkad-tingkad. Nakakasilaw!

THIRD PERSON'S POV

Nahihirapan na ang mga Alzorian na labanan ang mga sumugod na miyembro ng Wiccan
Tribe lalo na nang magbago ang anyo ng grupong Sorceress mula sa pagiging casters
hanggang sa Deofrix form, LAHAT silang anim na ngayon.

"Ahhh!" Sigaw ni Zy nang matamaan siya ng dark balls na galing kay Rin na nasa
Deofrix form niya.

"Zy!" Sigaw ni Pao. Nagmadali itong puntahan si Zyline na ngayo'y napaupo na habang
hawak-hawak ang brasong nagdurugo.

"Ikaw!!" Duro ni Pao kay Rin at tinira ito ng napakaraming air blades ngunit
mabilis naman itong naiiwasan ni Rin.

Itinutok ni Rin ang kamay niya sa direksyon nila Pao at unti-unting may namuong
maliit na bola ng enerhiya.

Naging alerto naman si Pao at pinalibutan ng hangin ang sarili maging si Zy, paikot
ang mosyon ng hangin na nagsisilbing panangga nila sa anumang atakeng itatapon sa
kanila.

Pinakawalan ni Rin ang naipong maliit na enerhiya papunta sa direksyon nila Pao,
pas pinalakas pa niya ang ikot ng hanging pumapalibot sa kanila ngunit ..

Sumabog ng pagkalakas-lakas ang pinakawalan ni Rin na atake kung kaya't tumilapon


sila Pao at Zy, sumadsad ang kanilang katawan sa lupa. Mabuti nalang at nakasuot
sila ng Armor.

Tumayo silang dalawa, kapwa nanginginig ang kanilang mga tuhod dahil sa panghihina.
Nagpokus ang dalawa at unti-unting lumalabas ang kanilang pana sa kanilang kaliwang
kamay.

Hinila nila ng sabay ang string ng pana at automatikong may namuong isang palaso sa
pana ni Pao habang kay Zy sa palosong gamit niya ay may unti-unting nabuong bola ng
enerhiya.

Itinaas din ni Rin ang kaniyang kamay at inipon ang itim na kapangyarihan rito.
Palaki-ito ng palaki.

"Haaaaaa!!" Sigaw nila Zy at Pao bago tuluyang bitawan ang lubid ng pana at
pakawalan ang kanilang palaso papunta sa direksyon ni Rin na kasalukuyan naring
pinakawalan ang kaniyang atake.

Naging isa ang dalawang palaso na pinakawalan nila Zy at Pao, isang berdeng liwanag
na pianlilibutan ng puting liwanag ang anyo ng kanilang palaso.

Nagbanggaan ang kanilang mga atake, ngunit tila mas lamang si Rin kung kaya't
mabilis na sinundan ito ni Pao ng airballs habang si Zy ay Laser leaves kung kaya't
pantay na ngayon ang laban, humangin ng malakas dahil sa gitgitan ng atake nila.

Sa kabila naman ay abala si Anna sa paglaban kay Shiena.

"Twin Dragon!" Sigaw nito sabay labbas ng dalawang dragong yari sa tubig ngunit
pinantayan lang ito ni Shiena ng napakaraming dark blades.

Lumipad si Shiena papunta kay Anna at sinuntok ito, umiwas si Anna sa pamamagitan
ng pag-atras sabay tira ng water ball sa kalaban.

"Ahh! Damn you!" inis na wika ni Shiena sabay sugod muli kay Anna. Sinipa niya si
Anna ngunit mabilis na sinalag ito ni Anna sa pamamagitan ng pagtira muli rito ng
water ball.

"Fuck you!" Sigaw ni Shiena at nagpakawala ng napakaraming dark spikes, todo iwas
naman si Anna ngunit di nito nakita ang isang dark spike kung kaya't natamaan ito.

"Ahhh!" Daing nito at napaluhod ng bahagya habang hawak ang tagiliran.

Mabilis na sinugod ni Shiena si Anna ngunit..

"Aaaahhh!!" Daing ni Shiena nang masugatan siya sa tiyan. Ginamit ni Anna ang
kaniyang espada at inatake nito ang kalaban.

"Haaaaa! Mamatay ka naaaa!" Nanggigigil na sabi ni Anna sabay wasiwas ng kaniyang


espada na nagdulot ng maraming sugat sa katawan ni Shiena.

But to her surprise, nagawang makagawa ni Shiena ng dark blades kung kaya't
nabaling ang atensiyon niya rito upang salagin ang mga nagliliparang dark blades.

Hindi niya namalayan ang paggawa ni Shiena ng isang malaking dark energy ball.

Nang maubos ang dark blades na pinakawalan ni Shiena ay sunod-sunod ang pagmurang
ginawa niya nang makita ang dark energy ball na papunta sa direksyon niya..

Wala na siyang magagawa kundi ajg salagin ito. Sinalubong ni Anna ang dark energy
ball gamit ang kaniyang espada na hawak ng kanang kamay niya habang ang kaliwa ay
kasalukuyang gumagawa ng waterball.
Nang sa tingin niya ay sapat na ito ay tumambling ito paatras sabay pakawala ng
water ball upang salubungin ang dark energy ball.

Malapit lang si Anna sa pwesto nila Zy at Pao kung kaya't nakita niya ring pareho
sila ng sitwasyon.

Napapangiwi na si Anna dahil sa hirap na hirap na siyang pantayan ang atake ni


Shiena.

Habang sa kabilang banda ay ganun din sila Pao dahil kasama na ni Rin ngayon si
Kim.

"Aaaaahhhhhh" sabay na sigaw nila Anna, Zyline at Paolo nang tuluyang magapi sila
ng kalaban.

Napapikit nalang ang tatlo habang hinihintay na matamaan sila ng dark energy ball
na tatapos sa kanilang buhay.

Ngunit imbis na pagsabog ang marinig nila ay puro mga pagdaing kung kaya't
napamulat silang tatlo ay nakita ang tatlong Deofrix na hawak-hawak ang kanilang
mga brasong dumudugo.

At nang mapukol ang atensyon nila sa gitna ay may nakita silang nakatalikod na
nagliliwanag na babaeng nakasuot ng gintong armor na may ginintuang pakpak na
kasalukuya'y nakahawak ng gintong espada..

'Haelien'

Dinig nilang sabi ng babae at maya-maya pa'y naramdaman nila ang pagbalik ng
kanilang lakas at Magoi.

Isa lang ang naisip nilang makakagawa nun.. Walang iba kundi si ..

"Yuki" sabay na sambit nilang tatlo.

***

Chapter Forty-Nine

YUKI

Nang mapagaling ko ng tuluyan sila Anna ,Zy at Pao ay hinarap ko na ang tatlong
Deofrix na ang talim na ng tingin sa akin ngayon.

"Bwisit ka talaga Yuki!!" Inis na sigaw ni Rin sabay pakawala ng napakaraming Dark
spheres.

Mabilis ko naman itong sinalag gamit ang espada kong ngayo'y naglalagablab. Ginamit
ko ang espada ko at iginalaw na parang may hinihiwa na gumawa ng napakaraming fire
blades. Mabilis naman itong sinalag ng tatlong Deofrix sa pamamagitan ng pagtira ng
dark energy balls na nagdulot ng napaka-kapal na usok dahilan upang hindi ko sila
makita. Ngunit dahil sa panibagong kapangyarihang bigay sa akin ng Alzorian Core,
naramdaman ko ang tatlo sa magka-ibang direksyon. Si Rin sa harap ko, si Shiena sa
likod at si Kim sa gilid.

Mabilis kong inipon ang elemento ng hangin at apoy sa magkabila kong palad.
Pinagisa ko ngayon ang apoy at hangin at itinaas sa ere at pinakawalan mula rito
ang napakaraming flaming air spikes sa lahat ng direksyon, kaya napatigil sa
pagsugod ang tatlo upang salagin ang atake ko.

Ikinumpas ko ang kaliwa kong kamay upang ipunin ang lahat ng usok sa isang lugar,
habang ang kanan ang patuloy na sumusuporta sa energy ball na pinaumulan ng flaming
air spikes. Nang maipon ko na ang lahat ng usok ay tumambad ang hingal na hingal na
tatlong Deofrix, may mga sugat na rin ito sa katawan.

Hindi pa ako nakontento kung kaya't ginamit ko ang usok, gumawa ako ng napakaraming
air blades gamit ang usok at ipinatama ito sa kanilang tatlo.

Lalaban pa sana ang tatlo ngunit hindi na nila nagawa dahil mabilis na itinarak ni
Anna ang kaniyang espada sa may puso ni Rin, si Zy ay tinira si Shiena ng palaso
at natamaan ito sa may puso gayundin si Kim, dahilan upang maglaho na ito.

Hindi ako nakaramdam ng pagod, and that's odd. Maybe part parin ito ng bagong
kapangyarihang kaloob sa akin ng Alzorian Core.

"BFFfffffffffffff" magkasabay na sigaw ni Zy at Anna at binigyan ako ng isang


napaka-higpit na yakap.

"Waaaahhhh! Namiss kita!" Bulalas ni Zy sabay yakap ulit sa akin ng pagkahigpit-


higpit.

"Yow!" Napalingon ako sa gilid at nakita ko ang papuntang sina Aubrey, Jack, Mav
and Pao, where's Sai?

"Mabuti at tapos narin ang seremonya mahal na prinsesa!" Nakangising sabi ni Pao.

"Oo nga, sa wakas tapos na rin, maraming salamat sa pagbabantay aking mga alipin"
nakangising sabi ko sabay kindat.

Matatalim na tingin lamang ang ipinukol nila sa akin. May nasabi pa akong mali?
*painosente*

"Mabuti't okay kana" sabi ni Jack.

At..

At...

At...

Niyakap niya ako ng pagkahigpit-higpit , tila umakyat lahat ng dugo ko papunta sa


aking mukha, nagwala ang mga laman loob ko at ang daming paru-parong nagliliparan
sa aking tiyan. Natulala nalang ako. Ano ba itong nararamdaman ko?

"Hoy tama na iyang landian okay?? Ang dami pang mga kalaban. Tapusin muna natin ito
then after that pwede na kayong mag-honeymoon" tuloy-tuloy na sabi ni Anna kaya
napatanga nalang kaming dalawa at kahit sinag lang ng buwan ang nagsisilbing
liwanag, napansin ko si Jack na... Namula. Did he just blushed?

Tumalikod na ito at agad na inilabas ang kaniyang naglalagablab na espada, gayundin


ang iba. Napansin kong nakasuot na silang lahat ng armorms nila, I guess this fight
is really serious.

I focused myself, ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang iba't-ibang
enerhiyang dumadaloy sa aking katawan. Nagulat ako nang may panibagong enerhiya na
naman akong naramdaman, hindi ko malaman kung ano iyon, malamig na mainit, hindi ko
maipaliwanag.

Naramdaman ko ang presensya ng napakaraming sorcerers na nakapalibot sa akin, they


are all raising and pointing their wands on me.

Binalot ko ang katawan ko ng lahat ng elementong taglay ko maliban dun sa isang di


pamilyar.

Iminulat ko ang mata ko at napaaplibutan na ako ng naghalo-halong elemento ng


kidlat, apoy, hangin, tubig, yelo, Kalikasan, at lupa. Malayang nililipad ng hangin
ang aking mahabang buhok.

"Seotan!" sigaw ng isang sorcerer at with that..

Sabay-sabay na bumulusok ang napakaraming dark energy balls papunta sa deriksyon


ko, humigpit ang hawak ko sa espada ko, inipon ko doon ang lahat ng elementong
taglay ko at umikot ako ng pagkabilis-bilis habang iwinawasiwas ito sa ere, at
dahil dun nakagawa ako ng energy blast na pabilog ang porma.

Nagsalpukan ang aming mga atake, pinaglaho ko na ang aking espada at mabilis akong
lumipad sa ere, at doon kitang-kita ko ang pinsalang dulot ng Wiccan Tribe sa mala-
paraisong lugar na ito.

" mamatay na kayo!!!" Sigaw ko sabay pakawala ng napakaraming lighting, water,


fire, air, ice at earth spikes papunta sa direksyon ng mga sorcerers.

Mga pagdaing at pagsabog lamang ang naririnig ko. Mabilis na nawalan ng buhay at
naglaho ang ilang sorcerer.

Lumipad ako papunta sa mga kaibigan ko upang matulungan sila, hingal na hingal na
sila kung kaya't pinagaling ko sila.

Lumipad akong muli sa ere, tiningnan ko ang buong lugar... Ang dami paring mga
kalaban. At mukhang dehado na kami dahil mas kaunti nalang ang bilang namin..

Itinaas ko ang dalawa kong kamay at idinikit ang magkabila kong palad, ipinikit ko
ang aking mga mata at pinadaloy muli ang lahat ng elementong aking taglay mula sa
katawan ko papunta sa aking mga palad. Unti-unting may namumuong bola ng enerhiya,
pinalaki ko pa ito nang pinalaki, hanggang sa matantiya ko na sapat na ang laki
nito, kasing-laki ito ng gulong ng ten wheelers truck.

"HAAAAHHHHH!" Sigaw ko at sabay tapon ng bola ng enerhiya pababa, nang nasa


kalagitnaan na ito ng ere ay sumabog ito at nagpakawala ng napakaraming elemental
balls na siya namang bumulusok papunta sa mga kalaban.

Lumikha ito ng mga pagsabog at napuno ng alikabok ang buong lugar. Ikinumpas ko ang
mga kamay ko at inipon ang mga alikabok sa aking kanang palad.

Bumungad sa akin ang hingal na hingal kong mga kaibigan at ang ibang Alzorians.
Wala na ang mga sorcerers!

Nagwagi kami.. Natalo namin ang mga kalaban! Magdiriwang na sana ako ng biglang....

Pagsabog!

Isang malakas na pagsabog ang naganap sa Silangang parte ng lugar. Napansin kong
umiilaw ang Alzorian Core sa aking leeg at naramdaman ko ang bahagyang pag-init
nito na nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam, yung pakiramdam na parang may
gustong kumawala sa iyo..
"Shit!" Tanging nasambit ko nang magulat ako sa papabulusok na dark energy ball
papunta sa direksyon ko mabuti nalang at nakagawa kaagad ako ng harang...

Binato ko ng Electric Ball ang pinanggalingan ng Dark energy ball, sumabog ito,
indikasyon na may natamaan ako and right after that... I heard a roar, no hindi
lang simpleng hiyaw ng hayop.. Nakakatakot ito!

"Bad Girl... Sinaktan mo ang alaga ko" sabi ng isang pamilyar na boses.

Napadako ang tingin ko sa nagsalita at halos madurog ang ngipin ko sa gigil nang
makilala kung sino ang dumating..

"Lucas"

***

Chapter Fifty

"Lucas" matigas kong sabi habang halos dumugo ang palad ko sa tindi ng pagkakakuyom
ko rito. Napansin kong wala silang kasamang kahit na anong hayop, kung ganoon..
Sino o ano iyong natamaan ko kanina?

"Oh! Kamusta aking mahal na prinsesa.. Nga pala, may sorpresa ako sayo "
nakangising sabi nito na labia kong ikinainis.

Unti-unti niyang itinaas ang kaniyang kanang kamay at sa palad niya, may unti-
unting namumuong itim na bola ng enerhiya, palaki ito nang palaki hanggang sa may
naaaninag akong bulto ng mga tao sa loob nito.

"Ooops! Haha, diyan nalang muna, mamaya ko nalang sila ipapakita para exciting"
sabi nito.

Nainis naman ako sa tinuran niya kaya mabilis ko siyang binato ng fireball na
naharangan naman niya gamit ang kaniyang hintuturo.

"Tss, masyado kang agresibo arankar, ma--" hindi niya naituloy ang sasabihin niya
nang bigla ko siyang sinugod. Gamit ang magkabila kong kamay ay gumawa ako ng
waterball ar electric ball, pinagsama ko ito kaya lalong lumakas ang kuryente.

"Aaahhh!" Daing nito nang matamaan ko ng atake ko.

Napansin kong hindi gumagalaw ang mga kampon niya, imbis na tulungan siya ay
pinapanood lamang nila kaming dalawa.

"Ngayon na!" Sigaw ni Lucas na tila ba hudyat ng pagsisimula ng isang bagay.


Mabilis na kumilos ang mga kasamahan niya at bumuo ito ng bilog.

Nakilala ko ang ilang kasamahan niya, naroon si Hyun at Minerva. Naramdaman ko ang
ilang presensiya sa aking tabi kung kaya't tiningnan ko ito, naroon ang mga
kaibigan kong determinadong magapi ang kasamaan, kahit pagod na pagod na ay
nanatili paring nakatayo at si Andromeda na... Umiiyak? Ano kayang nangyari sa
kaniya. Kitang-kita ko sa mga mata nito na gustong-gusto na niyang tapusin ang mga
kalaban.
Napatingin ako sa paligid, kaunti nalang ang bilang namin, ngunit mas kaunti nalang
ang bilang ng mga kalaban.

"Walang mamamatay sa atin ha!" Sabi ko.

"Walang mamamatay!" Sagot nilang lahat.

"Sugod!!!" Ang pagsigaw kong iyon ang naging hudyat ng pagsugot namin kina Lucas.

Mabilis kong sinummon ang gintong espada ko upang harapin ang sino mang pangahas na
humarang sa daraanan ko. Ang target ko ngayon ay si Lucas, ngunit tila hinaharangan
ako ng mga kampon niya. Pinoprotektahan nila si Lucas at ang mga kasamahan nitong
kasalukuyang may ginagawa.

Maya-maya pay nakita ko ang unti-unting paglitaw ng dark magical circle sa gitna ng
bilog.

"May ginagawa sila! Pigilan niyo!" Sigaw ko.

Itinaas ko ang espada ko sa ere at inipon doon ang enerhiya ng hangin at apoy, nang
matantiya kong tama na ang naipon ko ay ibinato ko ito sa direksyon nila Lucas.
Nagtangka ang ilan na harangan ito ngunit naglaho lamang sila, at nang malapit na
ito sa linatatayuan nila Lucas ay bigla itong naglaho kasabay ng paglitaw ng usok,
isang makapal na itim na usok.

"Tagumpay!" Pagbubunyi nila.

*ROAR!*

Isang nakakapangilabot na atungal ng isang halimaw. Hindi ko maipaliwanag ang


nararamdaman ko, tila ba binubuhay nito ang takot na pilit kong itago. At nang
mawala ang usok ay halos mapaluhod ako sa panginginig ng aking mga tuhod.

Nakikita ko ngayon sa aking harapan ang isang dambuhalang dragon.. Hindi lamang
isang typical na dambuhalang dragon, may pitong ulo ito! Nakakatakot.

*ROAR!*

Sa pag-atungal nitong muli ay kasabay na nun ang pagbuga nito ng asul na apoy.
Kaniya-kaniya kaming gawa ng barrier upang protektahan ang aming mga sarili. Pero
nanlaki ang mata ko nang makitang unti-unting natutunaw ang barrier na ginawa ko.

Mabilis kong pinagalaw ang mga pakapak ko upang maiwasann matamaan ng asul na apoy.

Nakita ko sa ang ilan na abala rin sa pagproprotekta sa kanilang mga sarili, ang
mga apoy na ibinubuga nito ay asul, berde, pula, dilaw, itim, lila, at ang huli ay
gintong may halong itim na kulay.

Inipon ko ang enerhiya ng kidlat at apoy sa aking mga palad, pinagdikit ko ang mga
ito bago ihagis sa direksyon ng dragon. Ngunit tila wala lang itong naging epekto,
ni wala akong nakitang reaksyon ng dragon.

Sa tingin ko ay kailangan ko ng gawin ito..

"KIYUUUU!!!"

"Somna Aluna"
Matapos kong sabihin iyon ay may lumitaw na alimpuyo ng tubig (whirlpool) at
iniluwa nito si Aluna, habang sa kalangitan naman ay may ginintuang liwanag ang
papunta sa direksyon ko at nang makilala ko ito ay napangiti ako.. Si Kiyu.

"Tulungan niyo ako" sambit ko at ginantihan lamang ako ng tango nila Kiyu at Alhea.

Nagpalabas ng napakaraming boltahe ng kidlat si Kiyu habang napakalaking bola ng


tubig naman ang ginawa ni Alhea. Ako naman ay binalot ko ng elemeto ng yelo ang
aking katawan at gumawa ako ng napakaraming ice spikes.

Inihagis ni Alhea ang ginawa niyang waterball sa direksyon ng dragon sapat na upang
mabasa ang katawan nito, naagaw namin ang atensyon nito at ngayon, lahat ng ulo ay
nakatuon sa amin. Mabilis namang sinundan ni Kiyu ang atake ni Alhea sa pamamagitan
ng pagbato ng mga boltahe ng kidlat na sanhi upang umatungal ng pagkalakas-lakas
ang dragon, sinundan ko naman ito ng ice spikes na bumaon sa katawan nito na lalong
nagpalakas sa kaniyang atungal.

Matapos kong gawin iyon ay naramdaman ko na naman ang misteryosong pakiramdam na


para bang may gustong kumawala sa aking katawan, isang enerhiyang dumadaloy sa
aking mga ugat na hindi ko mawari kung ano.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napansing abala nag lahat sa


pakikipaglaban, hinanap ko si Lucas ngunit hindi ko na siya makita, kaya itinuon ko
nalang ang atensyon ko sa nagwawalang dragon.

Gumawa ako ng napakaraming earth, water, fire, ice at lightning spikes. Itinaas ko
ang kamay ko at unti-unting naipon sa isang lugar ang mga ito, ikinumpas ko ang isa
kong kamay at unti-unting may pumulupot na baging sa katawan ng dragon, hindi pa
ako nakontento at mas dinamihan ko pa ang pumupulupot na baging sa katawan ng
dragon at nilagyan ko ito ng tinik, bumaon ito na katawan ng dragon. Humiyaw ito sa
sakit, pilit itong kumakawala ngunit mas pinapatibay ko ang mga baging.

Ikinunpas ko ang kamay ko na kumukontrol sa mga spikes na ginawa ko, singbilis ng


bala ko itong ibinato sa direksyon ng dragon. Tanging ang malakas na hiyaw ng
dragon lamang ang naririnig sa buong paligid.

Matapos ng aking pag-atake ay bibalot ko ng yelo ang buong katawan ng dragon. Akala
koy tapos na ang laban ngunit halos mapamura ako nang unti-unting matunaw ang
yelong bumabalot sa dragon.

"Aahhh!" Hiyaw ko sa sakit nang matamaan ako ng asul na apoy na ibinuga ng dragon.
Mabilis kong hinawakan ang nalapnos kong braso. Lumiwanag ang kamay ko at unti-
unting nawawala ang sugat na aking natamo.

Susugod na sana akong muli nang may maalala akong isang bagay.

"Ang aking ibang guardians" tanging nasambit ko bago ngumisi na nagaaphiwatig ng


pag-asa.

***

Chapter Fifty-One

Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip ang mga summoning spells na nabasa ko sa
librong binigay sa akin ni Alhea.

"Somnar Sederies(Earth)
Somnar Framma(Fire)

Somnar Aersies(Air)

Somnar Isyviel(Ice)

Somnar Nascie(Nature)"

Matapos kong sabihin ang summoning spells ay lumiwanag ng pagkatingkad-tingkad ang


aking katawan at may mga nakakasilaw na liwanag ang lumitaw sa bawat gilid ko,
iniluwa nito ang aking mga guardians. They looked so powerful and magical!

"Help me.. Kill that Dragon" tanging nasabi ko bago nagsimulang umatake ang aking
mga guardians.

Tutulungan ko na sana ang mga kaibigan ko ng biglang may bumato sa akin ng dark
energy ball na hindi ko naiwasan, tumilapon ako at bumangga ang aking likod sa may
puno.

Mabilis akong bumangon at lumipad, hinanap ko kung sino ang bumato sa akin, at
natagpuan ko ang nakangising si Lucas na pinaglalaruan pa ang kaniyang
kapangyarihan. Bumaba ako upang magkapantay kami.

Mabilis kong inipon sa magkabila kong palad ang elemento ng apoy at lupa,
pinagsakop ko ang mga palad ko at pinag-isa ang dalawang elemento, ibinto ko ito sa
kinatatayuan ni Lucas.

THIRD PERSON'S POV

Hindi natinag si Lucas sa ginawang atake ni Yuki, sinangga lamang niya ito gamit
ang isang dark energy ball na nagdulot ng isang malakas na pagsabog.

Mabilis nitong inilabas ang kaniyang itim na pakpak at sinugod ang dalaga, sinuntok
niya ito ngunit hindi umabot nang batuhin siya ni Yuki ng electric ball dahilan
upang makaramdam siya ng bahagyang pamamanhid ng katawan. Nang makabawi ay binato
niya ng napakaraming dark spikes ang dalaga, todo salag naman ang ginawa ni Yuki,
gumawa siya ng Air Barrier bilang depensa at Fire spikes bilang opensa.

Mabilis na lumipad pataas si Lucas upang maiwasan ang atake ni Yuki. Itinaas ni
Lucas ang kaniyang kamay hanggang sa may tiyan niya, nasa itaas ang kanan at nasa
baba ang kaliwa, sa pagitan ng mga palad niya ay iniipon niya ang itim na enerhiya,
palaki ito ng palaki..

Sa kabilang banda naman ay nakuha ni Yuki ang nais gawin ni Lucas kaya inipon niya
rin ang lahat ng elementong taglay niya sa kaniyang mga palad, naghalo-halo ang mga
ito at naging isang gintong bola ng enerhiya, nais sana niyang palabasin ang bagong
kapangyarihang nararamdaman niya sa kaniyang katawan ngunit hindi pa niya kaya.

"HAAAAA!!" sigaw ni Lucas bago tuluyang pakawalan ang kaniyang inipong energy ball,
hindi naman nagpahuli si Yuki "HAAAA!!" sigaw nito nang pakawalan rin niya ang
kaniyang naipong energy ball.

Nagbanggaan ang kanilang mga atake dahilan upang magliwanag ang madilim na
kalangitan.

"HAAAA!!!" parehong sigaw ng dalawa at dinagdagan pa ang pinapakawalang


kapangyarihan.
Unti-unting may kumakawalang boltahe ng kulay ginto na may halong itim na kidlat sa
pagitan ng naggi-gitgitang kapangyarihan ng dalawa.

"Ahhh!!" Daing ni Yuki nang hindi mapansin ang pasekretong pagbato sa kaniya ni
Lucas ng dark spike. Natamaan siya sa may binti, dahilan upang mapaluhod siya.

Unti-unti ng lumalamang si Lucas. Akala ni Yuki ay matatalo na siya ngunit


naramdaman niya ang mga kamay na nakahawak sa kaniyang magkabilang balikat,
paglingon niya ay nakita niya ang mga kaibigan niyang nakangiti.. Pilit na
pinapalakas ang loob ng dalaga.

"Sama-sama tayong lalaban" sabi ni Jack bago nagliwanag ang palad na nakalapat sa
balikat ni Yuki, ganoon din ang iba.. Unti-unting naramdaman ni Yuki ang kakaibang
lakas, pinagaling niya ang sugat na natamo niya at unti-unting tumayo. Inihakbang
niya ang kaniyang kanang paa at pilit na itinutulak ang kapangyarihan ni Lucas,
nakita ng dalaga na unti-unti ng nahihirapan si Lucas sa pagpapanatili ng balanse
ng kanilang mga kapangyarihan kaya mas tinodo pa niya ang pagpapalabas ng kaniyang
kapangyarihan.

"HAAA!!!!" sigaw ng dalaga bago buong pwersang ibinuhos ang kapangyarihan.

"Ahhhhh!!!" Sigaw ni Lucas nang hindi na napigilan ang kapangyarihan ni Yuki at


natamaan na ito.

"Yes!"

"At last!"

"Sa wakas!"

"Tapos na!"

Ilan lang yan sa mga sinabi ng mga kaibigan ni Yuki, nagyakapan ang mga ito.. Hindi
mapigilan ni Yuki na maiyak dahil napatunayan niyang may mga tapat siyang kaibigan
na handang tumulong sa kaniya, at hinding-hindi niya alam ang gagawin kung may
mangyayaring masama sa kanila.

"Hanapin na natin sila Lola Magrett" sabi ng dalaga.

Akmang lilipad na ito nang...

"Bff!!" Sigaw ni Zyline at itinulak si Yuki. "Ahhhhh!" Daing ni Zyline nang saluhin
ang dark energy ball na para sana kay Yuki..

"ZYLINE!!" sigaw nila at mabilis na pinuntahan ang nakabulagtang katawan ng dalaga.


Naiwang tulala si Yuki, hindi niya lubos akalaing hahantong ang lahat sa ganito.

Nakita niya ang nakabulagtang katawan ni Zyline, nalapnos ang harapang bahagi ng
katawan nito, nagdurugo ang bibig at ilong, at nahihirapang huminga.

"Haelien" sabi nito ngunit tila walang nangyayari kay Zyline.

"Ano ba?! Bakit walang nangayayari.. Zy! Bff gumising ka! Haelien, ano ba.. Bakit
walang nangyayari!" Pilit na pinapagaling ng dalaga ang kaibigan ngunit tila walang
nangyayari.

"Bwahahahahaha!!" Napalingon ang lahat sa pinanggagalingan ng mala-demonyong tawa


at halos madurog ang ngipin ni Yuki sa panggigigil nang makitang buhay na buhay pa
si Lucas.
"Hinding-hindi mo na mapapagaling ang kaibigan mo dahil itim na kapangyarihan ang
tumama sa kanya, bwahahaha! Iyan ang hindi mo magagawa Arankar, hindi saklaw ng
kapangyarihan mo ang kapangyarihan ko. Kahit ikaw pa ang taga-pangalaga ng Alzorian
Core, may limitasyon rin ang kapangyarihan mo! Bwahahaha! Tandaan mo ito Arankar..
Ako ang taga-pangalaga ng Dark Core, ako ang katapat mo!" Sabi nito bago tinira ng
napakaraming dark spikes sila Yuki.

Mabilis namang gumawa ng barrier ang umiiyak na si Paolo, pinalibutan niya ng


hangin ang kanilang kinatatayuan.

"Ipaghihiganti ko si Line!" Sabi nito at mabilis na gumawa ng napakaraming air


balls at sabay-sabay na binato kay Lucas.

Gamit ang isang kamay ay napigilan ni Lucas ang atake ni Paolo, sumunod na umatake
sila Audrey at Anna na nagpaulan ng earth spikes at water blades, ngunit kagaya ng
kay Paolo ay wala itong epekto kay Lucas. Mabilis na binalot ng yelo ang
kinatatayuan ni Lucas at mula rito ay sumulpot ang napakaraming ice spikes na
kagagawan ni Mav, mabilis na lumipad si Lucas ngunit hindi niya napansin ang fire
blades na pinakawalan ni Jack at electric bolts na gawa ni Sai.

"ARGH!" Daing nito nang matamaan sa kanang braso. Sinundan ito ng mga earth pins ni
Audrey, Ginamit niya ang kaniyang pakpak upang gawing panangga, hindi tumigil ang
magkakaibigan, pinaulanan nina Mav at Anna ng pinagsama nilang kapangyarihan si
Lucas, sinundan naman ni Jack na nagpakawala ng napakaraming fireballs, ni Paolo na
nagpakawala ng air spikes, at pinagsamang earth and lightning spikes ni Audrey at
Sai.

Nagdulot ng pagsabog ang ginawang pag-atake ng magkakaibigan, hingal na hingal ang


mga ito matapos gawin ang sunod-sunod na pagpapakawala ng kapangyarihan. Malapit ng
maubos ang magoi nila. Samantalang si Yuki ay pilit paring pinapagaling ang
kaibigang si Zyline, patuloy na umaagos ang mga luha nito, hindi matanggap ang
katotohanang maaaring mawala ang matalik na kaibigan.

"Iyon lang ba ang kaya niyo? Sige ako naman" sabi ni Lucas at ngumisi ng parang
isang demonyo. Nakaramdam ng di maipaliwanag na takot ang magkakaibigan nang makita
nila ang pag-ngisi ni Lucas.

Mabilis na lumipad si Lucas at inatake si Anna, mabilis namang ginamit ni Anna ang
espada upang protektahan ang sarili, tinulungan naman siya ni Mav na gumawa ng
espadang yari sa yelo ngunit tumilapon rin ng tamaan ng dark energy ball ni Lucas.

"MAV!" sigaw ni Anna. "AHH!" daing nito nang matamaan rin ng dark energy ball ng
kalaban.

"MAV! ANNA!" sigaw ni Yuki, wala na siyang maintindihan. Gusto niyang saklolohan
ang mga kaibigan niya ngunit tila na-estatwa siya sa kinalalagyan, hindi siya
makagalaw, naninikip ang dibdib niya.

"AHHH!" daing naman ni Audrey nang matamaan rin ito, sumunod naman si Jack, pero
nakatayo agad.

"AUDREY!!" sigaw ni Yuki.

Humarang si Pao kay Lucas, itinaaa nito ang kamay sa ere, mataman nitong tiningnan
ang kalaban hanggang unti-unting napaluhod si Lucas dahil kinakapos na ito sa
hangin, pero pilit na ikinumpas ng kalaban ang kamay at mabilis na nakagawa ng dark
spike na tumama sa may dibdib ni Paolo.
"PAOLO!!" sigaw nila nang matumba ang binata.

Nang makabawi si Lucas ay mabilis itong lumipad sa ere at matamang tiningnan si Sai
bago ito tumingin at ngumisi kay Yuki.

"Alam mo Arankar.. May sasabihin ako sayo.." Sabi nito ngunit imbis na tumingin kay
Yuki ay kay Sai ito nakatingin. Kung kaya't nagtaka si Yuki at si Jack.

"Manahimik ka!!" Sigaw ni Sai at mabilis na binato ng mga boltahe ng kidlat si


Lucas.

Iniharang lamang nito ang isang kamay at tila huminton sa ere ang mga boltahe at
biglang naglaho.

"Nagtataka ka ba kung bakit namin kayo nasundan sa Derkesthai's Territory? Kung


paano namin nasugod ang Paradus Academy? Kung bakit kami nakapasok sa Flienros
Lair?"

"Anong sinasabi mo?!" Inis na bulyaw ni Yuki at inilapag muna si Zyline, tumayo na
ito dahil hindi na niya mapigilan ang kaniyang nararamdaman.

"Simple lang... May traydor, at yun ay walang iba kundi ang lalaking iyan, ang
lalaking Caster na nagtataglay ng elemento mg kidlat" nakangising wika ni Lucas.

Nanlaki ang mga mata ni Yuki, napagtanto niya kung bakit nitong mga nakaraan araw
ay kakaiba ang mga ikinikilos ni Sai.. Hindi niya mapigilang mapaluhang muli.

"Sai... Bakit?" Naluluhang tanong mg dalaga.

"Hayaan mo akong magpaliwanag Yuki.."

"Fuck you!" Inis na wika ni Jack at biglang sinuntok si Sai dahilan upang matumba
ito.

"Jack!!" Sabi ni Yuki at pinigilan si Jack sa ginagawa kay Sai.

"Dinukot nila ang pamilya ko Yuki, si Mama at ang kapatid ko... Dinukot sila ng
Wiccan Tribe.. At upang mabawi ko sila.. Inutisan nila ako upang maging espiya,
patawarin niyo ako" hindi na napigilan ng binata ang mapaluha. Bumangon ito at
lumuhod sa harapan ni Yuki at paulit-ulit na sinasabing 'patawad'

"Sai... A-aminin mo, p-planado b-ba ang l-lahat ng ito? S-simula p-palang?"
Naluluhang tanong ni Yuki.

"Oo" sa simpleng sagot ng binata ay napaluhod si Yuki at hinayaang umagos ang mga
luha sa kaniyang mga mata, ang buong akala niyang totoong kaibigan.. Peke lang
pala.

"Nasaan ang pamilya niya ?" Mahinang tanong ni Yuki kay Lucas.

Ngumisi ang kalaban sabay sabing "Pinatay ko na sila" nanlaki ang mga mata ni Sai
sa narinig, unti-unting may namuong makapal na kumpol ng ulap sa kalangitan,
pabilog ang mosyon nito..

Humarap si Sai kay Lucas, nagliliwanag ang mga mata nito habang umiiyak, hindi niya
matanggap ang katotohanang wala na ang pamilya niya.

"MAGBABAYAD KA!!!!" sigaw nito bago umulan ng kidlat sa kinatatayuan ng kalaban,


gumawa ng harang si Lucas upang protektahan ang sarili sa nagwawalang si Sai.
Tumagal ng ilang minuto bago tumigil ang pag-ulan ng kidlat sa kaniyang
kinatatayuan. Hindi man lang natinag si Lucas sa ginawa ng binata.

"Yan lang ba ang kaya mo? Ako naman" sabi ni Lucas at mabilis na inatake si Sai,
dinikit nito ang palad sa binata sabay pakawala ng dark emergy ball. Tumilapon si
Sai at lumapag ng walang malay.

"SAIIIIIII" sigaw ni Yuki, nanginginig ang kaniyang katawan, sinisisi niya ang
kaniyang sarili kung bakit wala siyang nagawa upang pigilan ang kalaban.

"ENOUGH YUKI! STOP CRYING OKAY? WALANG MAGAGAWA ANG PAG-IHAK MO PUTA!" Bulyaw sa
kaniya ni Jack dahilan upang matauhan siya, dahil sa sinabi ni Jack, napagtanto
niyang kailangan niyang lumaban upang maipaghiganti amg mga kaibigan.

"Salamat Jack" nabigla si Jack nang bigla siyang yakapin ni Yuki.

"Oh how sweet, pero teka lang.. I have something for you!! Bwahaha" sabi ni Lucas
at nakuha niya ang atensyon ng dalawa.

Ikinumpas niya ang kamay niya at iniluwa nito ang nakagapos na sina Manuel,
Headmaster Mathew at Master Magrett.

"Dad!" Sigaw ni Jack.

"H.M Mathew, Lola!!" Sigaw ni Yuki at akmang pupuntahan sila ngunit bigla itong
naglaho.

"Ibigay mo sila saken!!!!" Sigaw nito at unti-unting nagliwanag ang suot nitong
kwintas, ang Alzorian Core

***

Malapit na'tong matapos :3 Please vote and comment .

Chapter Fifty-Two

Nagliwanag ng pagkatingkad-tingkad ang kwintas ni Yuki ngunit bigla itong nawala na


ikinataka ng dalaga.

"Ano iyon? Mukhang may itinatago ka Arankar" sabi ni Lucas na tila napukaw ang
atensyon sa nagliliwanag na bagay sa leeg ng dalaga.

"Wala kang pakialam" sabi ng dalaga. Mabilis niyang binato si Lucas ng water at ice
balls na sinundan ng lightning at fire spikes, at nature and earth pins.

Sinangga naman ito ng lalaki gamit ang napakaraming dark energy balls. Nagbatuhan
lamang ang dalawa ng mga atake, sabog rito, sabog doon. Iyan lang ang tanging
maririnig sa buong paligid.

Habang ang ilang Alzorian naman ay pilit na lumalaban upang ipagtanggol ang
kanilang lupain, sila Andromeda at iba pa ay pilit na ipinagtatanggol ang Alzora
mula sa mga nilalang na walang ibang alam kundi ang maghasik ng lagim.

Nakisali na si Jack sa labanan nina Yuki at Lucas, kung kaya't nagkaroon ng


pagkakataon ang dalaga na ikumpas ang kaniyang kanang kamay, umilaw ito ng kulay
berde.
Unti-unting may lumitaw na malalaking ugat ng puno sa kinatatayuan ni Lucas kung
kaya't nahati ang atensyon nito, lumipad ito ngunit hinabol ito ng mga ugat na gawa
ni Yuki.

Pinigilan nito ni Lucas gamit ang mga dark energy blades dahilan upang magkapira-
piraso ang mga ito.

Natigil ang kanilang pagbabatuhan ng mga atake, tumigil sa ere si Lucas. Ipinikit
niya ang kaniyang mga mata, unti-unting lumiwanag ang suot nitong singsing dahilan
upang palibutan ito ng itim na aura.

Sa kabilang banda, biglang naglaho ang dragong may pitong ulo kung kaya't
pinuntahan ng mga guardians ang kanilang master na si Yuki.

Pagkawala ng ilaw na nagmumula sa singsing ni Lucas ay itinaas niya ang kanyang


kamay, may lumabas na isang magical circle na kulay violet na may disenyo ng araw
at buwan at sa gitna nito ay may unti-unting lumabas na isang dambuhalang kulay
itim na dragon.

"Isang dragon?" Gulat na wika ni Jack bago ipinosisyon at inihanda ang sarili upang
umatake.

"Ito ang aking Guardian, ang tatalo sa inyo" sabi ni Lucas bago utusan ang kaniyang
dragon na atakihin sila Yuki, inihanda nila ni Jack ang kanilang mga sarili, akmang
aatake na sila nang dumating sila Kiyu, Alhea at ang iba pang guardians, na siyang
kumalaban sa dragon ni Lucas.

Mabilis namang sinugod nila Yuki si Lucas, inilabas ng dalaga ang kaniyang gintong
espada.

Nag-espadahan silang tatlo, si Yuki, si Jack at Lucas, na kasalukuyang ginagamit


ang kaniyang itim na espada.

Mga ungol ng mga guardians, malakas na hiyaw ng dragon, mga pagsabog at tunog ng
mga nagbabanggaang metal lamg ang tanging maririnig sa buong paligid.

"HAAAA!!" sigaw ni Yuki at sinipa sa tiyan si Lucas na sinabayan naman ng fireballs


ni Jack.

Napaatras si Lucas dahil do'n, sinigundahan pa ito ng air spikes at water blades ni
Yuki. Hindi napapansin ng dalaga na nagliliwanag na ang Alzorian Core na suot-suot
niya.

"JACK!" sigaw ni Yuki nang mahawakan ni Lucas ang binata sa leeg at hindi ito
makakilos, lumipad si Lucas habang sakal-sakal ang binata.

"Sige Arankar, tirahin mo ako ng kapangyarihan mo at nang matamaan itong lalaking


ito" nakangising wika ni Lucas.

"Pakawalan mo siya duwag!" Inis na sabi ni Yuki, titirahin sana niya si Lucas pero
natigil siya nang mapagtantong maaaring matamaan si Jack.

"Ano? Hindi mo kaya? Haha wala ka pala eh!" Naghahamong wika ni Lucas at mas
hinigpitan ang pagkakasakal sa binata.

"Isa kang duwag!!" Gigil na wika ni Yuki.

"Tss, sige, para hindi na humarang ang lalaking ito sa laban nating dalawa,
ililigpit ko na 'tong lalaking ito!" sabi ni Lucas bago inihagis ang binata sa ere
at tirahin ng dark energy blast.

"JACK!!!!!" sigaw ni Yuki at sinalo ang walang malay na binata, napatingin ang
dalaga sa binata, ang katawan nitong puno ng mga sugat at pasa, at ang mukha nitong
mababakasan mo ng paghihirap at sakit.

"MAGBABAYAD KAAAAA!!" Sigaw ng dalaga bago ito balutin ng isang nakakasilaw na


liwanag. Tuluyan na niyang naipalabas ang kanina pa niya gustong gamiting
kapangyarihan, naramdaman niya ang kakaibang lakas at daloy ng enerhiya sa kaniyang
buong sistema.

Habang si Lucas naman ay halos manlaki ang mata sa nasasaksihan.

Hindi maaari. Iyan lamang ang tanging nasambit niya sa kaniyang nasasaksihan.

Nang mawala ang liwanag ay tumambad ang Yuking napapalibutang ng puting usok,
nagpaikot-ikot ito sa katawan ng dalaga, ginto ang kaniyang mga mata, pati pakpak
nito ay napaka-tingkad na ginto. Itinaas nito ang kaniyang kamay sa ere at unti-
unting may namumuong magical circle kagaya ng kay Lucas ngunit kulay puti lang ito,
at sa gitnang bahagi nito mismo ay iniluwa nito ang dragong tagapangalaga ng
nagmamay-ari ng Alzorian Core, mabilis itong lumipad sa ere at nagpakawala ng
napakalakas na hiyaw bago sinugod ang itim na dragon ni Lucas na kasalukuyang abala
sa pakikipaglaban sa mga guardians ng dalaga.

"Pagbabayarin kita" tanging nasambit ni Yuki bago sinugod si Lucas na hindi


nakaiwas, sinuntok ng malakas ng dalaga ang kalaban dahilan upang tumilapon ito
pababa at halos bumaon ang buong katawan sa lupa, ipinagaspas ni Yuki ang kaniyang
pakapak at mabilis na inipon ang puting enerhiya sa kaniyang mga palad at ibinato
sa pinagbagsakan ni Lucas.

BOOM!

Matapos ng pagsabog ay mabilis na ginamit ni Yuki ang kaniyang gintong espada at


pinadaloy doon ang puting enerhiya, kasabay ng paglitaw ng mga ancient markings
rito.

"HAAAAAAA!!" sigaw ni Yuki at iwinasiwas ang kaniyang espada na naglalabas ng


napakaraming light blades patungo sa pinagbagsakan ni Lucas. Muli, lumikha ito ng
pagsabog. Ngunit imbis na usok, ay puting kumikinang na alikabok ang bumalot sa
lugar ng pinaglalabanan ng dalawa.

Nang humupa ay agad na bumaba si Yuki upang tingnan ang kalagayan ni Lucas, itinago
niya ang kaniyang espada ngunit pinadaloy niya sa kaniyang mga palad ang puting
liwanag at hinayaan itong magpaikot-ikot sa kaniyang katawan.

Nang makita niya ito ay may tumutulong dugo sa kaniyang ilong at bibig, nanghihina
at hindi na kayang tumayo. Hindi ganoon kalakas ang mga atake ni Yuki pero grabe
ang pinsalang dala nito, sapagkat ang ginamit na kapangyarihan ng dalaga ay ang
light magic, ang mahikang may kakayahang bigyan ng malaking pinsala ang sinumang
nagtataglay ng itim na mahika, kaya rin nitong gamutin ang mga pinsala at sumpang
dulot ng itim na mahika.

"Hindi mo ako matatalo... Ako ang pinakamalakas" nanghihinang wika ni Lucas.

Imbis na mainis si Yuki ay naawa ito sa kalagayan ng lalaki. "Tanggapin mo nalang


na natalo kita Lucas" sabi ni Yuki.

"Nagmahal lang naman ako.. Nagmahal lang ako! Minahal ko ang ina mo pero mas pinili
niya ang kapatid ko" umiiyak na wika ni Lucas.

Napatigil si Yuki, akmang tatalikod na sana siya ngunit pinili niyang makinig sa
kwento ng lalaki.

"Akala ko magiging masaya na kami ng ina mo, tanggap na ng lahat na kaming dalawa
talaga, ngunit nang araw na ng pagpapasa ay nabago ang lahat! Nabago lahat-lahat!
Pati ang pagmamahal ng ina mo sa akin ay nagbago.. Dahil iyon sa ako ang
tagapangalaga ng Dark Core habang siya naman sa Alzorian Core, itinakwil ako ng
lahat ng mga Arankar, ipinatapon ako sa pinakadulong parte ng Alzora, ayos lang
sana para sa akin 'yon eh, pero ang hindi ko talaga matanggap ay nang malaman kong
ikakasal na ang ina mo at ang kapatid ko na siyang ama mo, dahil do'n tuluyan na
akong kumilos.. Pero nagsisisi ako, nagsisisi ako" umiiyak na si Lucas.

Hindi napigilan ni Yuki ang pagtulo ng mga butil ng luha sa kaniyang mga mata,
kahit nabigla ang dalaga sa mga rebelasyong nalaman niya ay pinilit niyang
talikuran nalang si Lucas.

Ikinampay niya ang kaniyang mga pakpak at lumipad ito sa ere, ibinuka niya ang
kaniyang mga kamay na tila nakadipa, ipinikit niya ang kaniyang mga mata, hinayaang
dumaloy ang puting enerhiya papunta sa kaniyang mga palad hanggang sa maging isa
itong bola ng enerhiya, nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay inihagis niya ng
buong pwersa sa kalangitan ang dalawang bola ng puting enerhiya.

"Haelien" sabi nito bago sumabog ang dalawang bola at naging maliliit na bola ng
enerhiya.

Umulan ng puting liwanag mula sa madilim na kalangitan, para itong pag-ulan ng mga
bulalakaw, lahat ng mga Alzorians na natatamaan nito ay gumagaling.

Matapos gawin iyon ni Yuki ay nakaramdam siya ng sobrang pagod kung kaya't lumapag
na ito sa lupa, akmang lalapitan na sana niya ang kaniyang mga kaibigan nang
biglang may humablot sa kaniyang kwintas.

"Akin na'to! Ako na ang magiging pinaka-makapangyarihan sa buong Alzora maging sa


Greiko!" Tila nababaliw na wika ni Lucas, mabilis itong lumipad sa kalangitan.

"HUWAG MONG GAWIN YAN!!" sigaw ni Yuki ngunit tila hindi siya naririnig ni Lucas,
mabilis na lumipad ang dalaga upang bawiin ang kaniyang kwintas, ngunit napatigil
dahil sa liwanag na inilalabas ng Alzorian Core.

"AKO SI LUCAS MONIERE AY BUONG PUSONG INAANGKIN ANG ALZORIAN CORE, MAPASAKIN KA!!"
Sigaw nito at tuluyang nagliwanag ang Alzorian Core, nag-anyo itong usok at pumasok
sa katawan niya.

"BWAHAHAHA! Ako na ang pinaka-malakas! Humanda kayo sa akin!" Wala na sa katinuang


sabi ni Lucas bago magpaulan ng dark and light energy balls papunta sa mga Alzorian
na nasa ibaba.

Binalot ng dalaga ang kaniyang katawan ng lahat ng elementong taglay niya.

Mabilis niyang ikinumpas ang kaniyang mga kamay at gumawa ng napakalaking barrier
upang maprotektahan ang kapwa Alzorians.

"HAAAAAAAA!!!" sigaw ni Yuki at tinodo ang pagpapakawala ng Magoi upang makagawa ng


matibay na barrier.

Napangiwi ito nang magsimulang tumama ang mga pinakawalang atake ni Lucas sa
kaniyang ginawang barrier, mabuti nalang at nagawa niyang malampasan ang mga
pinakawalang atake ni Lucas.

Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang lahat,

Itinaas ni Lucas ang kaniyang dalawang kamay sa ere, sa kanang kamay niya ay
gumagawa siya ng dark energy ball habang sa kaliwa ay ang light energy ball. Pinag-
isa niya ito kung kaya't may kumakawalang puti at itim na boltahe ng kidlat mula
rito,

"MAMATAY KAYONG LAHAT ! BWAHAHAHA!" Sabi nito. Akmang ibabato na sana niya ng
biglang..

"ARGH!! AHHHH" napasigaw si Lucas sa sakit dahilan upang maglaho ang dalawang
makapangyarihang bola ng enerhiya, hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya,
unti-unting may lumilitaw na itim at puting ugat sa kanyang katawan, tumutulo ang
dugo mula sa kaniyang mata, tenga, ilong at bibig. Nahihirapan siyang huminga at
napakabilis ng tibok ng puso niya.

Napatingin siya sa palasinsingan niya, lumiliwanag ito ng pagkatingkad-tingkad ang


kalahati nito ay itim at ang isang kalahati nito ay puti.

Hindi kailanman maaaring magsama ang liwanag at kadiliman Lucas, 'yan ang
katotohanan, kaya kailangan naming gawin ito para sa kaligtasan ng ating mundo.

Naalala ni Lucas ang sinabi ng kaniyang ama noong panahon na ipapatapon na siya sa
outland upang ilayo sa prinsesa ng mga Arankar.

"AHHHHH!!!" Huling sigaw nito bago sumabog ang kaniyang katawan. Walang iniwang
marka ni bakas.

Napansin ni Yuki na may isang bolang kasinlaki ng basketball ang nagliliwanag sa


ere, sobrang liwanag nito at may kumakawalang mga sinag ng liwanag mula rito,

Hanggang sa isang napakalakas na pagsabog ang bumalot sa buong lugar, nakita ni


Yuki ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga piraso ng pinagsamang Alzorian at Dark Core, at
napunta ito sa lugar na hindi niya alam.

Napatingin siya sa paligid at di mapigilang mapaluha dahil sa saya.

"ANNA! ZYLINE! MAV! AUDREY! PAOLO! SAI!" Tawag nito sa mga kaibigan. Mabilis niya
itong niyakap ng pagkahigpit-higpit.

"APO!" napalingon si Yuki sa tumawag sa kaniya,

"Lola!!" Mabilis niyang pinaulanan ng yakap at halik si Magrett na nahanap ni


Andromeda.

"Sir Manuel, nasaan si Jack?" Pagtatanong ni Yuki sa ama ng kaibigan.

Ngunit isang iling lang ang natanggap niya mula rito, lumipad siya at pilit na
hinanap ang kaibigan.

"JACK!!" sigaw nito na umalingawngaw sa buong lugar, malapit na sana siyang mawalan
ng pag-asa nang makita niya ang lalaking nakasuot ng pulang armor na paika-ikang
naglalakad hawak-hawak ang kaniyang tagiliran ng kaniyang kanang kamay habang ang
kaliwa ay hawak ang espadang nagsisilbing tungkod niya upang mapigilang matumba.

Mabilis siyang bumaba upang salubungin ito, tila nag-slowmo ang lahat nang magtagpo
ang kanilang mga mata, unti-unting pumasok sa isip ni Yuki ang mga alaalang nagawa
niya kasama si Jack, ang unang araw ng pagkikita nila, unang hawak-kamay, unang
pagkarga, unang piggyback ride, unang yakap.. Ang mga asaran at bangayan nila,
hindi niya tuloy maiwasan di mapangiti kapag naaalala niya iyon.

"Oh bakit ngumingiti kang mag-isa dyan? Baliw!" Striktong turan ni Jack. Napangisi
lang ang dalaga sa sinabi ng binata.

"I'm glad okay ka lang" sabi ni Yuki. Hindi maiwasan ni Jack na mamula sa sinabi ng
dalaga kung kaya't nag-iwas ito ng tingin.

Unti-unti ng sumisilip ang haring araw hudyat ng panibagong araw, panibagong buhay.

"Jack.." Tawag ni Yuki sa binata.

"Ano?" Poker face na sagot ng binata.

"Ayiiieeee, ang O.A niyo, tukaan na!!!" Sabi ni Zy kaya nagtawanan ang ilan at ang
ilan ay napangisi lang.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na nagbawi ng tingin, kapwa namula ang dalawang
pabebe. Ngunit mas namula si Yuki nang bigla siyang hilain ni Jack palapit sa
kanya.

"Sus, ang bagal mo.. Ako na nga lang" sabi nito bago halikan sa labi ang dalaga.

Nanlaki naman ang mata ni Yuki ngunit kalaunay ipinikit ang mga mata upang namnamin
ang 'kissing moment' nila ng binata, ang bawat paggalaw ng malambot at mapulang
labi nito, hindi niya tuloy napigilan ang mga kamay na yumakap sa leeg ng binata.

Nagpaulan ng iba't-ibang bulaklak ang nature guardian ni Yuki na si Flora at


nagpaulan naman ng ice flakes ang ice guardian niyang si Sien. Nagpaputok ng mixed
fire, air, lightning at water fireworks ang guardians niyang sina Felix, Breeze,
Kiyu, Alhea. At ang dragon ni Yuki ay nagpakawala ng napakaraming puting kumikinang
na mga alikabok na mas nagpa-espesyal sa moment nila.

Naramdaman niya ang pagkurba ng bibig ng binata na parang ngumisi kung kaya't
nahiya ito at inayos ang sarili.

Humiwalay na ito sa halik at tiningnan ang paligid at halos mamula sa hiya nang
mapansin ang mga tingin ng mga kasamahan.. Magkakaiba man ang tinging ibinibigay
pero isa lang ang ibig ipahiwatig.

'Ang landi mo'

"WAKAS"

***

Epilogue

-----

YUKI

Ang akala koy tapos nang laban ay nagsisimula pa lang pala, sa pagkawasak ng
Alzorian at Dark Core ay nasira ang buong balanse ng Alzora, nagbukas ang mga
lagusan papuntang Greiko, nagkaroon ng kalayaan ang mga halimaw na maglabas-masok
sa Alzora at Greiko World, marami ring mga Alzorians ang nasawi, kaya minabuti
naming lumikas at lumipat sa Greiko World dahil hindi pa namin maaayos ang Alzora.

Tuluyan nang nawala ang Wiccan Tribe, ngunit may mga masasamang loob parin ang
nabubuhay sa buong Alzora maging sa Greiko.

Sa pagsabog ng dalawang Cores, ay hindi ito nawala, nagkapira-piraso lamang ang mga
ito at napunta sa hindi namin inaasahang lugar.. Sa Greiko o mas kilala bilang
Mortal World. At ang mga nilalang na nakakuha o nagtataglay ng kahit isang piraso
lamang ng core ay magkakaroon ng kapangyarihan na maaaring makapaminsala sa iba,
kapangyarihang kanilang dadalhin panghabambuhay.

Kaya kaming mga Alzorians ay pumunta sa iba't-ibang parte ng mundo upang magpatayo
ng paaralan upang maturuan ang mga taong nagtataglay ng iba't-ibang kapangyarihan
at the same time makuha ang piraso ng Core na nasa kanila, upang buohing muli ang
dalawang cores at ayusin ang aming nasirang mundo. Kami ng mga kaibigan ko ay
napag-desisyunang dito sa Pilipinas mamalagi at itayo sa gitna ng syudad ang
'HIDDEN ACADEMY'.

"YUKI! BILISAN MO, MAY ISANG BATANG NAGWAWALA ANG KAPANGYARIHAN SA CEBU!" wika ni
Sai.

Oh siya, dito na muna ako, may gagawin pa kami eh! Mabilis kaming sumakay sa isang
espesyal na eroplanong gawa ng isang technopath. Alangan namang lumipad ako diba?
Edi buking kami.

"MAHAL HALIKANA!" sigaw sa akin ni Mahal ay este ni Jack kaya nagmadali na akong
sumakay upang makapuntang Cebu.

"Bakit ba atat na atat kayo ha?!" Bulyaw ko sa mga kasamahan ko.

"Eh kasi naman... Magbabakasyon tayo sa Cebu at the same time maghahanap ng piraso
ng Cores!" Sabi ni Zyline at yumakap kay Paolo na baby niya raw, ew!

Habang pasimpleng landian naman ang ginagawa ni Audrey at Sai, while Mav is hugging
sleeping beauty, ay este si Anna pala na natutulog. Iba talaga, taglandi pala
ngayon? Haha. Naramdaman ko na ang mabilis na paglipad ng eroplano kaya sumandal
ako sa balikat ng mahal kong si Jack.

***

Someone's POV

Magsaya kayo ngayon ng mga kaibigan mo Arankar, dahil nasisiguro kong sa mga
susunod na araw... Maghihirap at maghihinagpis na kayo!

***

Jack

Hi! Just wanna say salamat at umabot ka hanggang sa chapter na ito :) Bilib na ako
sayo dahil sobrang tyaga mo. Then salamat sa lahat ng votes and comments ninyo!

Akala ko hindi na talaga matatapos ang storyang ito dahil sa dami ng mga pagsubok
na dumating, lols.
Pero heto na! My first ever finished story, and I'm glad that this story reached
number two in what's hot. Hehehe. Salamat sa inyooooooo ❤

***

Sinong may gusto ng SPECIAL CHAPTER? Comment ka dali at please include the
characters na gusto niyo okay? Tapos kung ano ang gagawin nila hihi.

Love, naughtyjackyy

Matthew

Wala lang! Alam ko kasing hindi niyo babasahin kapag ang nilagay ko ay AUTHOR'S
NOTE eh :)

Just wanna plug my new story

'This Vampire Is Inlove With a Gangster"

Please read it guys habang naghihintay kayo ng UD ko sa AROTAP kung meron man haha
lols. Please? Salamat :*

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Author's Profile

(That's me on the multimedia section)

Name : Jack Denver B. Gemoya


Nick name : Jackjack
Birthday : August 31, 1999
City/Province: North Cotabato
Religion : Catholic
Dialect : Bisaya
Tribe : Cebuano

Say something 'bout yourself : I'm nerd... BEFORE, I love Chocolates, my hobbies
are reading and writing stories ( Fantasy/Romance/Horror).
So if you'll gonna add me in my FB Account,

Just search 'Jack Denver Babia Gemoya' and message me 'pa-add Author'
~ 'yan lang ;)

Nerdy Love

HETO NA ANG SPECIAL CHAPTER NG AROTAP

"Featuring Audrey and Sai"


Audrey's POV

Narito ako ngayon sa ilalim ng Fire Tree, isang uri ng puno na sa tuwing
nasisinagan ng buwan, ang mga dahon nito'y nagliliyab ngunit hindi nagiging abo,
malapit na itong magliyab dahil nag-aagaw na ang liwanag at dilim, papalubog na ang
araw at papasikat na ang buwan.

Lumanghap ako ng sariwang hangin, ilang araw narin ang lumipas matapos magapi namin
ang Wiccan Tribe, alam kong nalalapit na ang pagkasira ng Alzora kaya sinusulit ko
na ang bawat sandali ko rito, mami-miss ko talaga ang bawat sulok at bawat nilalang
ng mundong 'to.

Napabuntong hininga ako at napangiti ng mapait, masakit sa loob na iwanan ang


mundong kinagisnan mo. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagbabasa ng mga libro
tungkol sa mga spells at incantations na may kaugnayan sa element ko, hindi
pangkaraniwan ang librong ito dahil bawat pahina nito ay may mahika, lumilitaw sa
hangin ang mga ginintuang letra na nakasulat ng libro kung kaya't maganda itong
basahin kapag gabi na.

Ilang sandali pa ay may naramdaman akong presensya sa paligid kaya palihim kong
hinawakan ang wand ko at inihanda ang sarili.

"Sinong nand'yan?" Tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot.

"May tao ba d'yan?" Tanong kong muli pero wala paring sumasagot kaya itinapat ko
ang wand ko sa lupa.

"Detectuas Posisyunare" pagka cast ko ng spell ay nalaman ko kaagad ang


kinaroroonan ng nilalang na nagmamasid sa akin. Nasa gilid ko lang siya.

"Erda spikr!" As I cast the spell lumitaw ang mga matutulis na tipak ng lupa at
bumulusok sa kinaroroonan ng nilalang.

"El barga!" Pag cast nito ng spell at nakarinig ako ng pagsabog. Isa rin pala
siyang caster, mabilis akong kumilos at tinungo ang kinaroroonan ng nilalang.

Naghanda ako sa isang pagsugod dahilan upang magliwanag ang dulo ng wand ko,
makakapatay siguro ako ngayon ng isang caster.

"Erda spi--"

"Huwag Audrey, ako lang to si Sai. Papatayin mo ba ako?"

"Bwisit ka! Kung nagpakita ka nalang sana agad edi sana hindi na umabot sa ganito,
nako balak pa naman sana kitang patayin, pasalamat ka..." napatakip ako ng bibig.
Kamuntik na.

Napataas ang kilay nito.

"Pasalamat ako dahil?" Nag-iwas ako ng tingin, hanggang ngayon tanga parin ako at
isang malaking duwag. Kahit isa na ako sa mga pinaka malalakas na caster sa buong
Paradus, mahina parin ako. Mahina parin ang loob ko.

Kahit na ilang sorcerers, sorceresses at miyembro pa ng Wiccan Tribe ang napaslang


ko, duwag parin ako, duwag parin akong aminin sa kaniya ang nararamdaman ko.
"Audrey? Hoy!" Napabalik ako sa realidad nang pitikin ni Sai ang noo ko.

"Bwisit ka talaga 'no? Kita mo na ngang kasinglapad na ng kapatagan 'tong noo ko


pipitikin mo pa! You must learn how to conserve the beauty of nature" sabi ko at
pasimpleng inilagay ang buhok ko sa likod ng aking tenga.

"Oo na, halika na nga may sasabihin ako sa'yong importante" ano naman kayang
sasabihin niya? Magtatapat na ba siya?

Hinila niya ako sa ilalim ng Fire Tree, at umupo kami sa upuang gawa sa bato na
ginawa ko kanina.

"Uhm anong sasabihin mo Sai?" Nakangiting sabi ko, siguro heto na ang perfect
moment.

"Uhm" napakamot ito sa batok nito, nahihiya siya at senyales ito na aamin ang isang
lalaki sa feelings niya para sa isang babae.

"Ano?" Malambing kong tanong.

Makailang beses pa itong nagbuntong-hininga bago hinawakan ang balikat ko. Ito na
ba?

"Paheram naman ng extrang gold oh, nay bibilhin lang ako" nahihiyang sabi nito.

Bwisit, kumulo yata ang dugo ko at nag-init ng husto ang aking mukha dahil sa inis.
Akala ko kung ano na ang sasabihin niya, manghihilam lang pala ng pera!

"Ano na Audrey?"

Dinukot ko lahat ng golds sa bulsa ko.

"Oh heto isaksak mo d'yan sa baga mong bwisit ka! Paasa, bumalik kana nga sa
Paradus, nabubwisit ako sa pagmumukha mo!" Gigil kong saad.

"Ah.. Sige una na ako"

"Alis na! Erda spikr!" Pinaulanan ko siya ng mga earth spikes kaya nagtatakbo siya
palayo. Bwisit talaga ang lalaking 'yon nakakainis, sinisira niya ang moment ko.

"Ugh! Peste siya" nasabunutan ko nalang ang sarili ko dahil sa inis, nagbasa nalang
ulit ako ng libro dahil malapit ng magdilim.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nabigla ako nang biglang may mga boltahe ng kidlat
ang bumulusok papunta sa direksyon ko.

"P*tang*na naman Sai oh, wala ako sa mood makipag-asaran sayo ha! Bakit ka pa
bumalik rito?!" Nangigigil na ako ha, isa nalang babayagan ko ang lalaking 'to.

"Well wala naman ako rito upang makipag-asaran, now just shut up and sit down!"
Nabigla ako sa pagsigaw ni Sai kaya umupo ako habang sinasabunutan ang sarili ko sa
inis.

"Electrum mahicaie" pag cast nito ng spell at itinaas ang wand niya sa ere at
nagsimulang umulan ng kidlat sa paligid, akala ko maglalaho agad ang mga ito ngunit
nanatili itong nakatusok sa lupa dahilan upang magliwanag ang buong paligid.

Inilibot ko ang mata ko sa paligid, napapalibutan ako, kami ni Sai ng mga boltahe
ng kidlat, nakitang kong naglalakad ito papunta sa akin at ugh bakit ang sexy
niyang tingnan. Ngumiti siya dahilan upang kapain ko ang ilalim ng palda ko, baka
nalaglag kasi ang panty ko.

"Audrey" his voice echoed in my head and sent shivers throughout my body.

"Ano na naman? Ilang golds ba ang hihilamin mo at nag effort ka pa ng ganito ha?"
Pagtataray ko.

"I don't need golds anymore Aud, what I need now from you is..."

Napataas ang kilay ko, nambibitin pa 'to ah? Hindi na niya kailangan ang golds, ang
gusto nalang niya sa akin ay, wait don't tell me ang virginity ko? Napatakip ako sa
katawan ko.

"Sai 'wag, virgin pa ako" after saying that humagalpak siya ng tawa.

"No, hindi 'yan Audrey" he said while looking at me at promise parang tumatagos ang
tingin niya sa kaibuturan ng aking puso, ang lalim ko!

"Electrum beullia" he cast a spell at nagsimulang lumabas mula sa wand niya ang mga
bola ng kidlat at nagpalutang-lutang ito sa ere.

"Gustong-gusto kong sabihin sayo 'to noon pa, every time na inaasar kita ay hindi
ko maipaliwanag pero ang bilis ng tibok ng puso ko kapag naririnig ko ang mga
pagalit mong pagtawag sa pangalan ko, Audrey what I need now is your love"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, hindi ako nakapaghanda, I'm expecting him to
borrow some golds but what the heck!

"Audrey, sorry ngayon ko lang inamin. Ngayon lang din naman ako nagkalakas ng loob,
okay lang sa akin kung hindi mo ako mahal, at least nasabi ko sayo hindi ba?"

Wala akong makapang salita, I want to speak but I can't. Ang bilis ng tibok ng puso
ko, all this time M.U na pala kami nang hindi ko man lang nalalaman? Gosh kinikilig
ako.

"Mukhang ayaw mo nga sa akin. Sige bye" nakitang kong tumalikod na ito kung kaya't
mabilis kong hinawakan ang kamay niya at iniharap ito sa akin. Sinuntok ko ang
tiyan niya sabay sabing,

"Gago ka! Sana noon mo pa sinabi, halika nga rito!" Idinikit ko ang katawan ko sa
kaniya, inilagay ko ang kamay niya sa beywang ko habang ang sa akin naman ay nasa
balikat niya.

At dahil sa liwanag na bigay ng mga boltahe ng kidlat ay nakita ko ang pamumula ng


mukha niya. Napangiti ako.

"Bwisit ka talaga! Mahal din kita" sabi ko bago hinawakan ang mukha niya at
hinalikan ito kasabay ng pagputok ng mga bola ng kidlat na nagsasaboy ng mga
gintong alikabok at ang pagsinag ng buwan dahilan upang magliyab ang fire tree na
nasa uluhan namin.

I guess this how do NERDY LOVE ends!

***

A/N: ano okay lang? Gusto niyo ng R18 na scenes sa mga susunod pang special chapter
ha? Ano? Lols. Comment lang kayo :*

~ n a u g h t y j a c k y y ~

BOOK II Prologue

~~~~~~~

PROLOGUE

Nang dahil sa ginawang kamalian ni Lucas ay nagkapira-piraso ang dalawang core na


nagpapanatili sa balanse ng Alzora.

Dahil rito ay unti-unti ng nasisira ang mala-paraisong lugar, kung kaya't


napilitan ang mga Alzorian na lumikas at pumunta sa Greiko sa dalawang
kadahilanan ; Una, ay upang mailigtas ang kanialng sarili sa unti-unting pagkawasak
ng kanilang lupain. At ang pangalawa, ay upang hanapin ang mga piraso ng dalawang
core at buohing muli upang maibalik sa dati ang Alzora.

Ngunit ang dalawang dahilan nila ay mahirap, sapagkat nagtatago at umiiwas


sila sa mga mortal upang maiwasang matuklasan ang kanilang lahi. Maging ang mga
piraso ng Alzorian at Dark Core ay hindi madaling hanapin, sapagkat ilan sa mga ito
ay napasa-kamay ng mga mortal, dahil rito nagkaroon ng kakaibang kakayahan ang mga
ito. At ang huli ay may mga grupo ring naghahanap ng mga pirasong ito.

Ngayon, magiging madali kaya para kina Yuki ang pagsasagawa ng kanilang
misyon? O mauuwi lang sa wala ang kanilang mga paghigirap?

***

A/N : So, how was it? Okay lang ba? Haha. Please let me know your reactions, the
comment box is open for your suggestions ;) sana suportahan niyo ang book II hehe

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter One

[YUKI]

"Welcome, what's your name and your ability?" Tanong ko sa isang batang babae na
nasa sampung taong gulang na siguro. Medyo chubby, may mahabang buhok ito na medyo
wavy, brown eyes, maputi at nasa 4'3 ang taas, nakasuot ito ng white dress na
siguro hanggang tuhod niya.

Tiningnan lang ako ng bata saka nag-crossarms at tinaasan ako ng kilay. Aba't
maldita ang isang 'to ah?!
"Sino ka ba? Makapag-tanong ka daig mo pa ang nanay ko ah?" Sabi nito at nag-roll
eyes.

Aba't ! Isa pang pagmamaldita, tutustahin ko ang batang ito, sige pigilan niyo ako.
Pigilan niyo ako! Tiningnan ko lang si Audrey na siyang nagdala sa batang ito rito
sa Academy. Ngumisi lang ito saka nagkibit-balikat at mabilis pa sa kidlat na
lumabas ng opisina ko.

Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na buntong hininga, dahil mahirap na baka
maging inihaw na biik 'tong batang 'to.

"Hey kid, ako pala si Yuki Amina ang kasalukuyang head ng Academy na ito, I am
asking you about your name and ability para maging official student ka ng Hidden
Academy, at para maisagawa narin ang extraction upang tuluyan naring maihiwalay ang
piraso ng cores na nasa katawan mo" sabi ko sa pinaka-pormal at kalmadong tono.

"So 'yon pala ang gusto niyo? Tss. Now I know, you're just using us para sa
sariling kapakanan niyo" matapos niyang sabihin ito ay tumayo na ito at akmang
lalabas na, kaya tumayo narin ako.

"DON'T YOU DARE OPEN THAT DOOR, OR ELSE I'LL BURN YOU TO DEATH YOU STUPID LITTLE
BRAT!!" At ayun na po, sumabog na ako. Hindi ko an natiis ang pagka-maldita ng
batang ito.

Tila natakot naman ang bata at hindi na niya tinuloy ang pagbukas ng pintuan.
Humarap siya sa akin na medyo takot na ang ekspresyon sa mukha.

Bibalot ko ng elemento ng apoy ang buong katawan ko at hinayaang lumitaw ang aking
Fire Armor, naglakad ako palapit sa kaniya at nang magkaharap na kami ay nameywang
ako sa harapan niya, at gamit ang kanang kamay ko, nagpalabas ako ng fireball at
nilaro-laro ito. Napansin kong nanigas ang bata kung kaya't napangisi ako. 'Yon
naman pala eh, sa gano'ng paraan lang pala titino ang batang 'to.

"Now tell me your name and your ability" sabi ko habang inihahagis-salo ang
fireball sa kamay ko.

"Ah.. I-I'm Cheamy Dello, at kaya kong basagin ang eardrums mo, maging ang mga
salamin rito sa loob sa pamamagitan lang ng pagsigaw" sabi nito sabay smirk sa
akin.

Aba't hinahamon ako ah? Matest nga ang kakayahan ng batang 'to.

"So hinahamon mo ako? Kung gano'n, let me make a deal, kapag nakabasag ka ng kahit
na anong bagay na yari sa salamin dito sa opisina ko, i'll give you ypur freedom to
choose, whether to stay or to leave this Academy"

I saw her smile, meaning pumapayag siya sa alok ko.

"Deal" sabi nito at inihanda ang sarili niya.

I secretely released my wind element at pinalibutan ko si Cheamy. Ingat na ingat


ako upang hindi niya mapansin ang ginagawa ko.

Tinakpan niya ang kaniyang mga tenga gamit ang dalawang hintuturo niya at bumwelo.
Pinalibutan ko rin ang sarili ko ng elemento ng hangin upang maiwasang mabasag ang
aking eardrums kung sakali.

"AHHHHHHH!!!!!!" kitang-kita ko kung paano tumalsik ang mga kagamitan sa buong


opisina ko, sa isang sigaw pa lang ni Cheamy ay mukhang binagyo na ang opisina ko,
pero kahit crack sa mga gamit ko ay wala akong nakita.

Nagtaka naman ito kung kaya't inulit niyang muli ang kaniyang ginawa, pero gano'n
parin ang nangyari, ilang beses pa niya itong inulit hanggang sa mapagod na siya.

"Bakit gano'n? Nothing happened" sabi nito at medyo nalungkot.

Yumuko ako ng kaunti upang magka-lebel ang aming mga mukha, nginitian ko siya ng
pagkatamis-tamis.

"Ganito kasi 'yan Cheam, kaya ka namin dinala rito sa Academy ay dahil gusto naming
ang mga katulad mong vessels ay matutong gamitin ng tama ang kanilang
kapangyarihan, at upang maiwasang makapaminsala at makasakit ng kapwa,
naiintindihan mo ba iyon? Tsaka isa pa, gusto naming makuha ang piraso ng core na
nasa katawan mo, nang sa gano'n ay maibalik namin sa dati ang nasira naming mundo"
pagpapaliwanag ko.

Mula sa nakabusangot na mukha ng bata ay unti-unting lumambot ang ekspresyon nito.

"So you mean na ginagawa niyo ito para sa aking kapakanan? Hindi para gamitin ako?
Kami?" Tanong nito.

"Oo, tama ka. Nakita mo naman ang nangyari no'ng nagwala ka diba? Halos mawasak ang
buong school niyo sa cebu, muntik mo na ngang masaktan ang mga classmates mo eh, at
bakit naman namin kayo gagamitin? Hinding-hindi namin 'yon gagawin. Ang nais lang
namin ay mabuong muli ang Alzorian at Dark Core sa pamamagitan ng pangongolekta ng
mga pirasong nasa katawan ninyo, pero don't worry hindi namin kayo pag-
eeksperimentuhan, we have the safest and most harmless way of extracting it from
your body, so ngayon payag ka na ba?"

Tumango si Cheamy saka ngumiti sa akin, I hugged her so tight sabay sabing,

"Welcome to the Hidden Academy, where everyone is treated as a family"

Kasabay no'n ang pagbukas ng pinto at iniluwa nito ang pinaka-gwapong nilalang sa
buong mundo.

"Hmm, I guess you're ready to have a baby" sabi nito habang tinataas-baab ang kilay
at ngisi ng nakakaloko.

"JACK!" saway ko rito, mahirap na. May bata kaya kaming kasama.

"Asus! Ang O.A niyong dalawa, matanda na kayo, hindi na bagay sa inyo ang
magpakipot, kung hindi niyo na talaga mapigilan ang bugso ng inyong damdamin, hala
go! Walang pipigil sa inyo" napatanga nalang ako sa sinabi ni Cheamy, tell me...
Bata pa ba talaga itong kausap ko? Kung makapag-salita akala mo marami ng
pinagdaanan sa buhay ah.

"See? Tama ang bata Yukiko" sabi ni Jack at kinindatan pa ako kaya namula ang mga
pisngi ko.

"Cheamy, labas ka muna saglit okay? May pag-uusapan lang kami ng kuya Jack mo ha?
Hanapin mo nalang si Ate Audrey mo" pagtataboy ay este sabi ko sa bata.

"Okay, just make sure na mag-uusap lang kayo, hindi magme-make out, remember walang
privacy kung dito niyo gagawin ang mga ganoong bagay, pero kung hindi na talaga,
huwag lang masyadong gumawa ng ingay" sabi nito saka mabilis na nilisan ang opisina
ko..
Namula naman ako sa sinabi niya habang si Jack ay nagpipigil ng tawa.

"Ano?!" Inis na baling ko rito, mukhang pinagkaisahan ako ngayon ah.

"Wala, that kid just gave me an idea, what if, gawin nga natin yo'ng ano rito huh?
What do you think?" Nakangising sabi nito at kinindatan pa ako.

Pulang-pula na ang mukha ko, ano bang dapat kong isagot, hmmm ganito kaya, 'okay!
Go. Eat me!' Haha joke lang.

"Shut up Jack, we're too young for that thing" sabi ko saka tumalikod na, pero
nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong yakapin sa likod at inamoy-amoy ang
batok ko na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa buong sistema ko.

"Jack.." Pigil ko rito.

"Sshhhh, akong bahala" sabi nito in his very sexy and seductive voice, wala akong
nagawa, tila tuluyan na akong nalunod sa sensasyong binibigay sa akin ni Jack.

Pinaharap niya ako sa kaniya, ngunit yumuko lang ako, ayokong salubungin ang mga
titig niya baka bumigay ako at masuko ko ang bataan ng wala sa oras. Pero hindi
parin siya tumigil, he pulled me closer at hinalikan ang leeg ko, dahilan upang
mapatingala ako, nakakakiliti. Damang-dama ko na ang eksena ng biglang ...

"YUKI MAY NAGWAWALANG HALIMAW DAW SA... Tondoooo" nanlaki ang mga mata ko nang
makita si Pao na biglang pumasok sa opisina at nahuli kami ni Jack sa ganoong
posisyon.

"Uh-oh, naistorbo ko ba kayo?" He said while grinning.

"Hey! It's not what you think! We're not making out!" Bulalas ko.

"Oops! I didn't say that. Defensive haha!" Sabi nito at humalakhak na sinabayan
naman ni Jack.

"ARGGHHH! YOU TWO, run before I'll electrify you to death!" Sabi ko bago binalot
ang mga braso ko ng elemento ng kidlat.

"RUN!" Sigaw ni Jack at mabilis na hinila si Pao.

"Make sure na hindi ko kayo mahuhuli!!!" Sigaw ko at hinabol sila habang binabato
ng electric balls.

***

Guys siguro nagtataka kayo dahil may mga comment sa last chap na mga ganito ganyan,
inunpublish ko kasi ang book II kaya gano'n and for those readers na nagcomment ng
mga characters, sorry kung hindi ko na 'yon masasali ha? hanggang 20 chaps lang
kasi ito. then may characters din ako na nakuha from your comments, salamat =.
Credits to the owner of the character :) and by the way, salamat sa 1k+ notif lols.

~ Votes and Comments are highly appreciated.

~ n a u g h t y j a c k y y ~
Chapter Two

Nagmadali kaming tumungo sa Tondo, kasama ko sina Jack, Mav, Pao, Sai, Audrey, Anna
and Zyline sakay kami ng isang espesyal na eroplanong gawa ng isang technopath ,
isang Vessel na may kakayahang gumawa ng mga futuristic things. At isa lang itong
sinasakyan namin sa kaya niyang gawin.

"Malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Jack na siyang may control sa eroplano, siya
lang naman kasi ang may kakayahan eh, you'll know it soon.

"Mga 3-5 minutes nalang at mararating na natin ang lugar, don't worry Yukiko, don't
be tensed, kaya natin 'to" he said as he kissed my forehead that caused me to blush
again.

Kung nagtatanong kayo kung bakit siya lang ang may kakayahang kontrolin 'tong Plane
X12, well... he marked it with his blood and Magoi, whenever his near this plane,
nag-aactivate ito, self-activation kumbaga.

"Hoy bruha tama na 'yang kalandian niyo!" Saway sa akin ni Zy na kasalukuyang


nakapulupot kay Pao.

"Well ako pa talaga ang malandi ha? Eh anong tawag mo sa ginagawa mo?" Balik ko sa
kanya.

"Well, ang tawag rito... Paglalambing, diba bebe Pao?" Sabi nito at bahagyang
nilaro-laro ang buhok ni Paolo, napangisi lamang ang lalaki sa ginawa ni Zyline,
paglalambing daw.

"Wow, grabe ka kung makapaglambing ah, paano nalang kung landiin mo na si Paolo?"
Nakangising sabi ni Sai na kasalukuyang nakaakbay kay Audrey na nakatulog at
nakanganga ng bonggang-bongga. Pwede nang gawing isang portal ang bibig niya.

"Tsaka Dude matigas na ba? Ha? Ha?" Nang-aasar na wika ni Anna na kasalukuyang
nakayakap kay Mav na natutulog.

Namula naman ang mukha ni Pao dahil sa sinabi ni Anna. At dahil doon nagpatagisan
na silang lahat sa pagta-trashtalk. Napangisi nalang ako sa kakulitan ng mga
kasamahan ko.

"We're here Yukiko" sabi ni Jack habang may kinakalikot sa control system ng
eroplano.

"Okay guys, get ready! May sasagipin tayong nilalang ngayon!" Pagkasabi ko no'n ay
madaling nagsikilusan ang mga kasamahan ko.

"Let's go Jackiko, let's go guys!" Sabi ko bago tuluyang lumabas ng eroplano.

Pagkatapak ko palang sa lupain ng Tondo ay naramdaman ko na ang presensya ng piraso


ng Core, isa lang ito pero nasisigurado kong mahihirapan kami. Tiningnan ko ang
paligid... Mga kabahayang yari sa mga pinagtagpi-tagping mga yero, kahoy, sako at
plywood. Sa bandang kaliwa ko ay may isang ilog ng basura. Napatingin ako kay Anna
at nakita kong bahagya ito nabadtrip sa nakita. Malamang elemento niya ang tubig
kung kaya't malaki ang epekto nito sa kaniya.

Inaamin kong taglay ko rin ang elemento ng tubig, pero nasanay na ako sa mga mortal
na ganito ang kanilang ginagawa, hindi natututo, hindi nila alam na unti-unti rin
nilang pinapatay ang kanilang sarili.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang maramdaman ko ang malakas na kapangyarihang


nagmumula sa hilagang bahagi ng aming pinuntahan.

Nagkatinginan kaming lahat.

"Kilos na!" Sabi ko at nagsitakbuhan na kami. Napatingin ako sa kalangitan, nag-


aagawa na pala ang liwanag at dilim. Malapit ng mag-gabi, kung kaya't wala na
kaming masyadong nakikitang mortal na naglalakad.

Ilang minuto pa kaming takbo nang takbo hanggang makarating kami sa isang liblib na
lugar, at nakakita kami ng isang kubong tinutupok ng apoy, pero hindi lang ito
isang ordinaryong apoy... It wasn't just an ordinary flame for pete's sake! It's a
violet colored flame. So piraso pala ng Dark Core ang napunta sa kung sino mang
mortal ito.

Mula sa naglalagablab na kulay lilang apoy ay nahati ito sa dalawa at nakita ko ang
isang babaeng nakasuot ng puting blouse, at maikling maong shorts, nag-aapoy ang
buhok nito, maging ang kaniyang mga kamay ay nag-aapoy. Kahit madilim na ang
paligid ay kitang-kita ko ang mukha ng babae dahil sa liwanag na nagmumula sa apoy,
at isa lang ang masasabi ko, maganda ito.

"PINATAY NIYO SILA!" sigaw nito bago umulan ng apoy papunta sa direksyon namin.
Todo iwas naman kami dahil hindi pa namin alam ang epekto ng lilang apoy.

AUDREY

Mabilis na binalot ni Yuki ang kaniyang katawan ng elemento ng apoy, inilabas naman
ni Jack ang kaniyang naglalagablab na espada. Habang kami naman ay manonod lang
muna, ganito kasi ang patakaran namin, kung sino ang may mas malaking tsansang
matalo ang Vessel ay siya ang lalaban rito, that's why, ang magjowa ang lalaban
muna sa Babaeng Violet ang apoy.

Reresback lang kami kung hindi na nila kayanin ang laban.

Mabilis na kumilos sina Yuki, pinaulanan niya ng fireballs ang babae ngunit sa
isang kumpas lang ng kamay nito ay humarang ang makapal na pader ng kulay lilang
apoy at kinain lang nito ang fireballs ni Yuki, dahil rito mas lalong lumaki ang
apoy.

Mula sa likuran ng babae ay mabilis na iwinasiwas ni Jack ang kaniyang espada,


napansin ito ng babae kung kaya't binato nito ang lalaki ng isang Violet Fireball.

Nabigla si Jack sa ginawa ng babae, he tried to cut the fireball into two but it
was useless, sumabog ito at tumilapon ang lalaki. Susugod na sana kami nang pigilan
kami ni Yuki.

"PINATAY NIYO SILA!" sigaw nito. Itinaas nito ang dalawang at unti-unting naiipon
ang lahat ng lilang apoy rito, hanggang sa maging isang malaking bolang apoy.

I saw a tear rolled down from her cheeks, she's in pain, I can see it. Maybe the
pain she felt, awakened the power of the core piece.

Nakita ko si Yuki na naglabas ng napakaraming apoy at hinayaan itong sumayaw sa


hangin, it was dancing in a circular motion at sa gitna nito si Yuki, maya-maya
pa'y pinalabas niya rin ang elemento ng liwanag. She released hundreds of
lightballs at nagpaikot-ikot ito sa kaniya.
Nakita ko si Jack na nasa gilid lang katabi ni Pao at pinapanood si Yuki, such a
good boyfriend! Insert sarcasm.

So balik tayo sa dalawa, pabikis nang pabilis ang galaw ng apoy at lightball ni
Yuki palibot sa kaniya, to the point na nililipad na ang mahabang buhok niya. While
the girl with the violet flame spread her arms and hundreds of violet fire blades
appeared in the air.

"MAGLAHO NA KAYO!!" sigaw nito bago tuluyang pakawalan ang napakaraming violet fire
blades papunta sa direksyon namin.

Napamura naman ako dahil nabigla ako, I casted a spell then an earth barrier
appeared right in front of me at siyang promotekta sa akin mula sa mga violet fire
blades. I took a glance at Yuki... Mabilis niyang ikinumpas ang kamay niya at
mabilis na kumilos ang apoy at pinalibutan nito ang nagwawalang babae. Pabilis nang
pabilis ang ikot ng apoy na pumapalibot sa babae, ngunit tila hindi parin ito
sumusuko! Unti-unting nagiging violet ang apoy ni Yuki, pero hindi pa siya tapos,
she released her light element at hinalo iyon sa apoy. Since nagmula sa Dark Core
ang kapangyarihan ng babae ay mabisang pangontra ang light element nito.

"MAGABABAYAD KAYO!!" the girl shouted again. This time sumabog ang apoy na
nakapalibot sa kaniya dahil sa nag-aagawang pwersa ng light and dark element.
Tumilapon kmaing lahat at kamalasan nga naman! Napunta ako sa isang canal! Canal ng
basura, napuno tuloy ng itim na putik ang katawan ko. Yucks!

Mabilis akong bumangon at hinanap ko kaagad ang mga kasamahan ko, I was relieved
when I saw them okay. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila, pero bago pa ako
makalapit sa kanila ay nakulong na ako sa isang water bubble.

"Ablblblbl" bulalas ko nang mabilis na nagpaikot-ikot ang katawan ko sa loob ng


water bubble, masusuka na sana ako, mabuti nalang at pinakawalan na ako ni Anna.

"Now mukha kanang tao" she said while grinning at me. Aba't inaasar pa ako!

Pero hindi ito ang oras upang makipagtalo, agad kong ibinaling ang tingin ko kina
Yuki, at nakita kong nahihirapan na talaga ito!

"Kilos na! Resback na tayo!" Sigaw ko bago inilabas muli ang wand ko.

3rd Person's POV

abilis na nagsikilos ang mga kasamahan ni Yuki.

Mula sa kamay ni Paolo ay naglabas siya ng apat na ipoipo at ipinalibot ito sa


kaniya, he raised his right hand in the air at nagsama-sama ang apat na maliliit na
ipo-ipo at naging isang malaking ipoipo ito, habang si Zyline ay ipinikit ang
kaniyang mga mata at pinakiramdaman ang kalikasan, maya-maya pa'y nagsiliparan ang
napakaraming dahon papunta sa ipoipong gawa ng nobyo niya.

Kinontrol ni Anna ang tubig mula sa lawa at itinipon ito sa iisang lugar, habang si
Mav naman ay mabilis na pinalibutan ng yelo ang kaniyang kinatatayuan, may maliit
na snowflakes ang nagpalibot-libot sa kanilang dalawa ni Anna. Ginawang Yelo ni Mav
ang tubig ni Anna at dinurog ito sa maliit na piraso.

While Sai casted a spell then a group of dark clouds gathered above him in a
circular motion, while Audrey casted a spell then huge rocks appeared in the air.
Jack released numerous fireblades using his blazing sword to support Yuki, while
the latter made a wall of light element and covered the circle of flame she made.

"Ngayon na!" Sigaw ni Anna at sabay-sabay nilang pinakawalan ang kanilang mga atake
papunta sa nagwawalang babae, na nagdulot ng isang malakas na pagsabog.

***

AIKA'S POV

Nakaramdam ako ng isang parang malamig na mainit na hanging pumasok sa ilong ko na


naging dahilan upang bumalik ang aking lakas, na hindi ko alam kung bakit naubos.
Nang imulat ko ang aking mata ay may nakita akong isang magandang babae.

Inilibot ko ang paningin ko at nakitang may pito pa siyang ibang kasama.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sapagkat labis akong nagtataka.

"Wala ka bang naaalala?' Nag-aalalang tabong ng babaeng maganda.

Umilimg lang ako, totoo naman talaga eh wala akong maalala.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko rito.

"I'm Yuki, ikaw?"

"Aika ang pangalan ko" sagot ko.

Ngumiti si ate Yuki ng pagkatamis-tamis sa akin. "Alam mo bang nagwala ka kanina?"


Sabi niya at halata ang pag-aalala sa tono nito.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, ako? Nagwala? Imposible!

"Base sa reaksyon mo, hindi mo talaga maalala, kaya tumingin ka do'n sa kubong
'yon" sabi niya habang tinuturo ang.... Ang ... Ang bahay naming..... Nasunog.

At nang makita ko ang bahay namin ay bumalik lahat ng mga alaala ko. Ang nanay kong
walang ibang ginawa kundi ang magtrabaho mapabuti lang ang buhay namin, kayod dito
kayod doon, labada rito, plantsa doon. Ginagawa niya lahat mapakain lang kami ng
tatlong beses sa isang araw ng bunsong kapatid kong Si Fer. Si Fer naman na palagi
akong kinukulit na turuan siya sa Math at palaging sinasabing idol niya ako.

Hindi ko napigilan hindi maiyak... Nagsisisi ako! Nagsisisi ako na ikinahihiya ko


sila. Nagsisisi akong hindi ko sila pinansin nang dinalaw nila ako sa skwelahan,
nagsisisi akong mas inisip ko pa ang mga pangungutyang makukuha ko sa mga kaklase
ko kesa sa nararamdaman nila,

Mas lalo akong naiyak nang maalala kung paano sila walang habas na pinagpapa-
paslang ng mga tulisan sa harap ko mismo! Sana... Sana ibibigay ko nalang lahat ng
oras ko sa kanila, sana hindi ko nalang sila ikinahiya, sana naging mabuting anak
at ate nalang ako! Pero kahit gaano ko man sisihin ang sarili ko... Hinding-hindi
ko na sila mababalik! Nay! Fer!

Matapos kong masaksihan ang pagpatay sa mga taong napaka-halaga sa akin ay


naramdaman kong uminit ng husto ang katawan ko bago ako mawalan ng ulirat.

Napahagulgol na ako, wala akong pakialam kung may mga tao pang nakatingin sa akin!
Naramdaman ko ang isang kamay na pilit pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa mga
mata ko.
"Magiging ayos din ang lahat" sabi ni ate Yuki at niyakap ako kung kaya't mas
napaiyak ako.

"Sila Mama at Fer... W-wala na sila" at mas umiyak na ako. Sobrang sakit! Ang
sakit-sakit! Totoo ngang diyan mo lang malalaman kung gaano kahalaga mag isang
tao/bagay sa buhay mo.. Kung wala na ito.

"Sumama ka sa amin, kami ang bahala sayo at ipapaliwanag namin sa'yo ang lahat ng
mga kailangan mong malaman" sabi ni ate Yuki bago ako inalalayang makatayo. Wala na
akong mapupuntahan, at mas lalong ayokong tumira pa rito, mas masakit para sa akin!

"Sasama ako, pero"

"Pero ano Aika?"

***

Kakatapos lang naming bigyan ng maayos na libing sina Mama at Fer, dito namin sila
inilibing sa gilid ng bahay namin. Ginamit ni ate Audrey ang kaniyang kapangyarihan
upang makapaghukay sa lupa at si ate Zyline naman ay nagpatubo ng magagandang
bulaklak sa paligid ng puntod ng aking ina't kapatid.

Oo, alam ko na kung ano ako... Sinabi nila sa akin na isa akong vessel, no'ng una
hindi ako naniniwala pero pinatunayan nila sa akin 'yon sa pamamagitan ng
pagpapakita sa akin ng kanilang mga kapangyarihan, maging ako ay hindi ko lubos
akalaing nagtataglay ako ng kapangyarihan... Pero nagawa ko itong palabasin kanina,
isa itong violet fire. Wala itong temperatura, hindi ito mainit hindi rin malamig.
Bagay na bagay sa akin... Walang nararamdaman.

"Tara na" sabi ni ate Yuki habang bahagyang nakangiti at nakalahad ang kamay sa
akin.

"Tara" I said as I grabbed her soft hand.

***

A/N : "So how was it? Sana nagustuhan niyo. Well the comment box is open for your
suggestions and feedbacks ;) Don't forget to vote and share this story :*

Langya naduling ako sa Prologue! Haha. Imbis na Prologue ang isulat ko naging
Epilogue -__-

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Three

"Ano ba Evan? Bakit ba ang kulit-kulit mo? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na
wala akong gusto sa'yo." Irita kong sabi kay Evan na hinaharangan na naman ako dito
sa school gate namin.

"Ano ba naman Khione Frost.. It's almost five months nang magsimula akong ligawan
ka.. Ano ba manhid ka bang talaga? " he irritatedly said.

"Yes! I don't know kung bakit ako ganito. I wan't to love but I can't, I wan't to
feel those shitty thing called love but I JUST CAN'T! Weird right? Well that's me.
I'm weird kaya walang lumalapit sa akin, I don't have friends. Ikaw lang ang
pinaka-unang taong lumapit sa akin, kaya I don't know how to deal with you. Hindi
ako sanay sa mga tao... Hindi ako sanay na may lumalapit sa akin!" Ibinuhos ko na
lahat ng mga hinanaing ko... I don't know pero feel ko lang na ilabas lahat.

Evan looked at me from head to toe, and flashed his sweetest smile.

"I don't care, I will still court you" he said but I didn't felt anything. And this
is one of the hardest thing I ever had, hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong
walang maramdaman simula nung magbakasyon kami sa Japan. It was like my heart were
frozen.

"Aish... Wag ka na ngang tumunganga let's go libre kita sa Jollibee para 'bida ang
saya!" He said as he intertwined his hand on mine and pulled me, akala ko may
mararamdaman ako pero wala talaga.

Habang naglalakad kami sa kalsada ay nagtataka kami kung bakit napakaraming taong
nakakasalubong namin na tumatakbo, tila takot na takot. Nagtataka man ay mas pinili
naming magpatuloy ni Evan.

But we are so shocked to see four men wearing fatigues with red ribbon tied on
their right arms, holding guns and looking intently on us. Nakaramdam ako ng
takot.. Yes, gusto ko sanang maging masaya dahil nakaramdam na ulit ako ng emosyon
pero hindi ito ang tamang oras para doon.

"KAYONG DALAWA HALIKAYO RITO!" Sigaw ng isa sa kanila at hinila kaming dalawa. I
saw Evan's face, takot na takot siya, ang masayahing mukha niya at napalitan ng
takot at pangamba.

ANNA

"Mav nasaan na ba tayo? Lintek naman oh! Kanina pa tayo umiikot dito" reklamo ko
kay Mav na kasalukuyang tumitingin sa Core-piece Radar (a device used in detecting
the core pieces) parang isa lang itong touch screen phone ng mortals.

"Shut up ka muna okay? Malapit na tayo" sagot nito without even looking at me.

"Kanina pa 'yang malapit na tayo ha! Isang malapit pa at bibigwasan na talaga kita"
gigil kong saad.

"Wait... Heto na. Malapit na tayo!" sabi nito.

"At talagang sinabi mo pa talaga ha!" Bibigwasan ko na sana siya when I heard the
sound of the radar meaning nasa isang lugar lang kami at ng core.

KHIONE

"STOP! BITAWAN.NIYO.SI.EVAN!!" Tinulak ko ang humila kay Evan dahilan upang malukot
ang mukha nito.

"Aba't letche kang bata ka! Hetong sayo!"


"AHH!" I groaned in pain when his hand slapped my right cheek causing me to fell in
the ground.

"ANO BA?! Mukhang hindi kayo lalaki gago!" Evan angrily said at sinuntok ang
nanampal sa akin. Nabigla ako sa ginawa niya. Dahil do'n, apat na baril ang
nakatutok sa amin ngayon.

MAV

Ilang hakbang pa ang ginawa namin ni Anna bago namin tuluyang matagpuan ang taong
nagtataglay ng core piece.

"Damn! Bakit sa ganitong scenario pa? Paano natin makukuha ang vessel kung maraming
taong nakapalibot sa atin? Argh!" Pagmamaktol ni Anna. I held her hand causing her
to look at me, I flashed a sweet smile at her, and I can't help but to chuckle when
I saw her blushed.

"Kaya natin 'to, let's just hope na may darating na himala" sabi ko at hinila na
siya papunta sa kinaroroonan ng mga vessels.

But to our surprise, I saw the guy 'yong kasama ng babae... Sa inaapakan niya
mismo, ay may puting bagay ang namumuo, palaki ito nang palaki. I saw the girl's
reaction, she was shocked, while the four ugly men just grinned.

"Isa siyang VESSEL!" bulalas ni Anna at mabilis akong hinila, and as we stepped in
the color white thing, para kaming nahulog sa isang panibagong mundo dahilan upang
mapapikit kami.

And as we opened our eyes, we saw an endless grass field, nothing but just grasses
na hanggang tuhod namin, at sa itaas namin ay hindi araw kundi tanging liwanag
lang, OO.. Liwanag lang, pansin ko ring hindi mainit at hindi rin malamig ang
temperatura rito, at ang tanging nilalang lang yata na naririto ay ako si Anna, ang
apat na ungas, 'yong lalaki at ang kasama niyang babae, wala ng iba pa. Kahit
insekto wala. Nasaan kami?

"Salamat sa ginawa mo bata, ngayon ay mas malaya na kaming makakagamit ng aming


kapangyarihan" sabi ng pinaka-ungas sa kanilang apat. Itinaas niya ang kanang kamay
niya at mula roon may namuong itim na bola, palaki ito nang palaki.

Naghanda naman kami ni Anna, mabilis kong pinagapang ang elemento ng yelo sa aking
mga braso... Damang-dama ko ang lamig na dulot nito sa aking balat. Habang si Anna
naman ay pinalibutan ng elemento ng tubig ang kaniyang sarili.

"Mukhang may makikisali sa atin ah! Hala SUGHRIN NIYO!" Utos ng lalaking may hawak
na itim na bola. Nagsikilusan naman ang tatlong kasamahan niya, mabilis nilang
kinalabit ang mga baril nila at nakita nalang namin ni Anna ang aming sarili na
umiiwas sa mga balang papunta sa direksyon namin.

Habang umiiwas at tumatakbo ay mabilis akong gumawa ng mga ice balls at ibinabato
ko ito sa tatlong bibe. Natamaan ang isa kung kaya't natumba ito, pinagapang ko
kaagad ang elemento ng yelo papunta sa kinaroroonan ng natumbang lalaki. Bawat
madaanan ng kapangyarihan ko ay nagyeyelo, hanggang sa umabot ito sa katawan ng
lalaki, I saw how my element froze his entire body. And I'm glad na hindi mainit
rito, hindi agad matutunaw ang Ice na ginawa ko.

I looked at Anna, she jumped in the midair while releasing numerous amount of water
blades and aiming it to the two ugly ducklings.

"Ugh!" Daing ng isa na natamaan sa tiyan, magpapaputok pa sana siya pero mabilis
kong pinagyelo ang kaniyang katawan.

Hindi ko napansin ang isa na nakatayo na pala at akmang babarilin na sana niya kami
ni Anna when a circular white portal appeared sa kinatatayuan niya mismo, dahilan
upang mahulog siya. We heard him screamed before the portal closed.

"Sinong may gawa no'n?" Tanong ni Anna, halatang hindi niya talaga alam kung sino.

Napadako ang tingin ko sa binatang kasama ng babae, he just gave us a slight smile.

"BWAHAHAHA!" naagaw ang atensyon namin nang mala-demonyong humalakhak ang lalaking
ungas. And our jaws literally dropped as we saw dead bodies, no mali... Hindi lang
mga patay na katawan kundi mga naaagnas na mga katawan! At lumalabas sila sa
malaking bolang itim na gawa no'ng lalaki.

Yuck!

"Sino ka ba?!" Matigas na tanong ni Anna. I looked at the two teens na kasama
namin, and I saw horror on their young faces.

"Ako si Demi Lhor isang necromancer"

KHIONE

Watdapak!

I can't believe what I am seeing right now men! People with superpowers? Daheck.
All my life I thought magic, powers and special abilities aren't real.

Ngayon kahit ang childish mang pakinggan... namamangha ako sa nakikita ko, I saw
Evan using white wholes na parang portals, those two strangers using Ice and Water
as their powers and this ugly bastard in front of us summoning dead bodies from the
grave na kinakalaban na ngayon no'ng dalawang stranghero.

I felt something cold and hot in my palms, and as I open it.. I saw red ice?!
Another watdapak. Red Ice men! At sa mga kamay ko pa mismo lumalabas, I tried to
shake my hands and nabigla ako nang may lumabas na mga matutulis na pulang yelo sa
mga palad ko at tumusok ito malapit sa mga paa ko.

"Woah! Alzorian ka rin Khione?" Manghang tanong ni Evans sa akin.

"Hindi! Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito!" Gulong sagot ko.

THIRD PERSON'S POV

Mabilis na nagpaulan ng magutulis na yelo si Mav sa mga naaagnas at nabubulok na


mga bangkay na bumangon mula sa hukay at ngayo'y sinusugod sila. Habang si Anna
naman ay walang habas na pinaghihiwa ang mga kalaban gamit ang espada niya na kulay
blue at silver.

At ang binatang si Evans naman ay mabilis na gumagawa ng mga lagusan sa lupa


papuntang ibang dimensyon, at doon nahuhulog ang ilang mga bangkay. Si Evan Psychos
ay nagmula rin sa Alzora at isa siya sa mga Ancient Tribe na nakipaglaban sa Wiccan
Tribe kasama sila Yuki. At ang kaniyang kapangyarihang gamit ay isa siyang
dimention maker, kung saan mabilis siyang nakakagawa ng mga dimensyon at mga
portals ngunit may limitasyon lamang ito, ilang oras lang ang itatagal ng kaniyang
ginagawang mga dimensyon at portal at pagkatapos mawawasak na ito.

Habang sa kabilang banda naman ay nanginginig ang mga kamay ni Khione dahil sa
kaniyang natuklasan sa kaniyang sarili at sa kaniyang manliligaw. Hindi niya
namalayan ang isang bangkay na papasugod na sa kaniya, at dahil sa bigla ay
nakagawa siya ng isang red ice spikes at natamaan sa tiyan ang bangkay, kitang-kita
niya ang paggapang ng yelo sa katawan ng bangkay habang tinutupok ito ng apoy. Oo,
habang tinutupok siya ng apoy ay nagyeyelo rin ito.

"What have I done?" Nanlalaking mata niyang tanong sa sarili.

Dahil sa ginawa niya ay maraming bangkay na sumugod sa kaniya.

"AHHHH!!!" sigaw niya at itinapat ang nagyeyelong kamay niya sa mga papasugod sa
kaniya, naramdaman niya na parang naubos ang lahat ng enerhiya niya nang biglang
sabay-sabay na bumulusok ang mga nagtutulisan at nagbabagang yelo na tumama sa mga
kalaban.

After that attack, nanlabo agad ang paningin niya, and before she passed out... She
saw Evan's worried face.

"Khione passed out ate Anna, kuya Mav!" Tarantang wika ni Evan habang karga-karga
bridal style si Khione.

Mabilis namang nagsikilusan sila Anna at Mav.

Anna raised her hand and after that biglang umulan ng pagkalakas-lakas, mabilis
namang pinagyelo ni Mav ang mga patak ng ulan at sabay-sabay na itinira ito sa mga
kalaban. Ginamit naman ni Demi Lhor ang mga bangkay upang protektahan ang kaniyang
sarili sa pamamagitan ng pagharang nito upang hindi siya matamaan ng mga nagyelong
patak ng ulan.

MAV

"Evan... Umalis na tayo rito, tingnan mo ang paligid,unti-unti nang nabibiyak ang
lupa!" natatarantang wika ni Anna.

I heard Evan cussed before I felt something, parang hinihigop kami ng isang pwersa
at napapikit ako, muli.. Nang iminulat ko ang mata ko, nandito na kami sa rooftop
ng isang mall, at kilala ito sa tawag na MOA. At tangna! Hindi lang pala kami ang
nakalabas, pati rin pala si Demi Lhor!

"Maglaho kana!" sigaw ni Anna at tinira ng napakaraming water slicer si Demi Lhor,
but he just used those dead bodies he summoned to project himself.

Naghahanda na sana ako upang umatake nang bigla na lamang tumalon si Demi Lhor
pababa habang isinisigaw ang mga katagang nagbigay ng kaunting kaba sa sistema ko.

"Magbabalik kami... At sa aming pagbabalik, ang mga kagaya kong mortal na


biniyayaan ng kakaibang kapangyarihan ay mapapasakamay ang mga makapangyarihang
hiyas na kinokolekta niyo!"

***

Share/Recommend/Vote/Comment po ;)

~ n a u g h t y j a c k y y ~
Chapter Four

Zyline

"Bebe Pao? Nasaan na ba tayo?" Tanong ko sa kasama kong kumakain ng dirty Ice cream
mango flavor na nakalagay sa apa.

"Basta" maikling sagot nito at dinilaang muli ang ice cream, mabuti pa ang Ice
cream dinidilaan niya, kainggit.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa kalye ng EDSA, nakakasulasok ang mga usok ng mga
sasakyang gamit ng mga tao! Nakakasira sa kalikasan. I looked at Pao, kahit hindi
niya sabihin, alam kong naiinis rin siya, well hello, Air Mage po siya.

Tsaka mortal should plant more trees so that they can minimize the number of
greenhouse gasses in the atmosphere, especially CO2. Oh diba? May knowledge na ako
sa mundong 'to.

I looked around, instead of seeing trees, flowers and animals around, all I can see
was plastics, buildings, trash, and other things na ikinabu-bwisit ko. Minsan nga
sarap ibitay sa baging ng mga mortal eh!

"Bebe Pao, I want to go somewhere, where I can feel the nature" sabi ko sa katabi
ko na ngayo'y nakapamulsa na. Ang bilis niya palang dumila. Hihi.

"Okay tara Bebe Zy, may alam akong lugar" he said bago ako kaladkarin papunta sa
walang hanggang. Joke.

---

Briannia Marilie Constantine

"Hoy Freak! Bumalik Ka Rito" sigaw sa akin ni Gemma.

"Ayoko! Bahala kayo sa buhay niyo" sagot ko at mabilis na tumakbo papalayo sa


kanila.

Tumingin ako sa likod ko, buti hindi na nila ako nasundan, aagawin na naman nila
ang allowance na bigay sa akin ni Nanay Felly, pagkatapos gugulpihin na naman nila
ako at aasaring ampon. Oo alam ko namang ampon ako eh, lumaki ako sa bahay ampunan.
Hindi naman talaga ako freak eh, nagsimula lang ito no'ng may makita akong shooting
star na bumagsak sa harapan ng bahay namin ni Nanay Felly. Akala ko nga malaki ang
stars, eh nang makita ko 'yon ay parang isa lamang iyong piraso ng nadurog na
jackstone ball. Hahawakan ko na sana 'yon nang biglang lumiwanag ito nang
pagkatingkad-tingkad, napapikit ako at naramdaman ang kakaibang enerhiyang pumasok
sa katawan ko bago ako mawalan ng malay.

Right after that incident weird things started to happen. Every time na gustuhin
kong utusan ang mga tao sa paligid ko ay nagagawa ko, sa tingin ko nga may
superpowers ako eh. Haha, pero joke lang. Masunurin lang siguro sila.

Balik tayo sa realidad, nandito ako ngayon sa park kung saan mararamdaman mo talaga
ang presensya ng kalikasan. Dito niyo nalang makikita ang nagyayabungang mga
punong-kahoy, mga makukulay na bulaklak at paru-paro at iba pang insekto. Kung
kaya't napakaraming tao ang pumapasyal rito.
Bakit ko alam? Well kami ang caretaker ng park na ito, tsaka FYI may donations
kaming natatanggap mula sa mga taong pumupunta rito no! 'Yon ang ginagamit namin sa
pagpapanatili ng kagandahan ng park na'to at 'yon din ang pinapantustos namin sa
pang-araw-araw na pangangailangan namin.

Mabilis akong naglakad papunta sa kubong yari sa kawayan na napapalibutan ng pula


at puting rosas na pananim.

"Nay... Mano po" sabi ko at kinuha ang kanang kamay ni Nanay Felly.

"Kaawaan ka ng diyos anak" sabi nito at ipinagpatuloy ang paggawa ng bibingka.


Sideline namin 'yan, ayaw naming umasa sa mga donasyong nakukuha namin.

"Napaaga ka yata ng uwi anak?" Tanong nito.

Patay!

"Ah eh.. May meeting po kasi ang mga guro namin nay, kaya pinauwi kami ng maaga."
Pagdadahilan ko at mabilis na tumungo sa kwarto upang magbihis.

Nagsuot ako ng puting loose shirt at maikling shorts- pantalon 'to pinutol ko lang.

Pagkalabas ko ay tinulungan ko na si Nanay Felly sa paglalagay ng mga bibingka sa


bilao.

"Nay sasama ako sa pwesto natin ha? Gusto ko tumulong magtinda ng bibingka"
nakangiting sabi ko.

"Magandang ideya 'yan anak, para makapag-bonding rin tayong mag-ina" nakangiting
sagot ni Nanay.

---

"Bibingkaaaaa! Bili na'po kayooo" sigaw ko sa mga taong dumaraan sa pwesto namin.

Maya-maya pa'y may dumating na dalawang... Jusko ang gwapo ng kasama no'ng babaeng
maganda! Ang sweet nila.

"Ah.. Eh.. Ano 'to?" Tanong ng babae habang tinhturo ang bibingka.

"Bibingka ate"

"Bibingka?" Taas-kilay nitong tanong. Mukhang taga-ibang bansa si ateng, hindi alam
kung ano ang bibingka.

"Opo ate, bibingka. Masarap 'to" pangungumbinsi ko sa kaniya.

"Magkano 'to ?" tanong ng kasama niyang pogi.

"25 pesos lang pogi!" Sagot ko habang nakangisi ng pagkalaki-laki.

"Okay, dalawa" sagot nito sabay bigay sa akin ng 1000 peso bill.

"Nako kuya wala pa kaming panukli, paano na 'to?"

"Keep the change" sagot ng babae at nginitian ako.

"What's your name?" Tanong ni pogi.


"Ahhh, Briannia Marlie po, kayo po?"

"Wow ang ganda naman ng pangalan mo, by the way, I'm Zyline :)"

"And I'm Paolo"

"Nice meeting you ate Zyline at kuya Paolo" ngiting sabi ko. Ginatihan lang nila
ako ng isang matamis na ngiti bago sila umalis nang hindi kinukuha ang sukli nila.

PAOLO

"Bebe Zy, did you felt that?" Tanong ko kay Zyline na kasalukuyang minamassacre ang
bibingka ni Briannia.

"Yes, naramdaman ko 'yon Bebe Pao. We need to look after her" sagot nito at
nagpatuloy sa pagkain ng bibingka.

Naglalakad kami ngayon sa flower tunnel nitong park, kung ilalarawan ko, it was a
tunnel but what makes it different was the different colors and species of flowers
planted to form a tunnel.

"Wow bebe Pao, ang ganda rito!" Zyline said, tumingin ito sa harapan at likuran
namin pagkatapos ay ngumiti.

"Hold this" binigay niya sa akin ang bibingka niya ay este ang hawak niyang
bibingka.

Pumunta siya sa gitna ng tunnel, she closed her eyes, spread her arms and green
light started to appear encircling her body. Nagpaikot-ikot ito sa katawan niya at
sa isang kumpas lang, the green light covered the whole tunnel. Bawat bulaklak na
madaanan ng liwanag ay mas tumitingkad ang kulay at mas dumarami.

She snapped her right hand and numerous fireflies appeared in the air. Nagsiliparan
ito dahilan upang magkaroon ng karagdagang liwanag ang buong tunnel. Woah, it's so
magical. Ang romantic ng ambiance, what a perfect time for a date.

"Ang ganda ng ginawa mo" I said and kissed her right cheek. I saw her stiffened.

"Ikaw ha! Magnanakaw ka. Ninakawan mo ako ng halik!" Sabi nito. "Pagbabayaran mo
'to bebe Pao!" Dagdag nito.

"Then chase me! Hahaha" sabi ko bago tumakbo palayo sa kaniya. But I was caught by
the vines. Pumulupot sa buong katawan ko ang mga baging at nakita ko si Zyline ng
nakangisi.

"Ang daya mo Bebe Zy!"

"Well hindi ako madaya, mautak lang ako, now... It's payback time!" She said before
giving me a smack on the lips.

"Oh see? Natulala ka! Hahaha" natatawang sabi nito. Unti-unting lumuwag ang
pagkakapulupot ng mga baging sa katawan ko hanggang sa mawala na ito.

"Let's go bago pa ako may magawang milagro sa'yo" hinila ko na siya palabas ng
tunnel.

"Ambastos mo Bebe Pao!" Sabi niya at mahinang sinapak ang braso ko. Ang sweet niya.

Nang makalabas kami sa tunnel we both stiffened. Nagkatinginan kami.


"Naramdaman mo 'yon?" I asked her. Tumango siya at nagmadaling pumunta sa gitna ng
park.

Nang makarating kami do'n ay kaniya-kaniyang takbuhan ang mga tao.

"HALIMAAAAAW! TULONG!" Sigaw nila. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid and
right there I saw a mysterious group consisting of three members. They are all
wearing black shirts, black pants and black shoes. At sa harapan nila I saw a
Deofrix - half demon, half caster.

"How come na may Deofrix rito?!" Takang tanong ni Zyline.

"I don't know, pero kailangan nating labanan 'yan bago pa may mapahamak" sabi ko
bago tumakbo papalapit sa Deofrix.

"Okay, let's do this bebe Pao!"

***

A/N: Haha, nagUD nga ko bitin naman :) hahaha. peace tayo!

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Five

Briannia

Ang masayang panininda namin ni Nanay ay nauwi sa gulo nang biglang may lumitaw na
halimaw sa gitna ng park na bumulabog sa aming lahat at nagbigay ng matinding takot
sa aming sistema.

"Marilie bilisan mo, baka mapahamak tayo rito. Lumayo muna tayo rito!" Takot na
sabi ni Nanay.

"Pero Nay! Ang park, hindi natin pwedeng pabayaan ito!" Angal ko. Kasi naman hindi
ko maaatim na iwanan ang parkeng ito, ito na ang naging tahanan namin ni Nanay.

"Pero anak..."

"Nay, unahin niyo na ang sarili ninyo, lumikas na kayo. Ako na ang magbabantay rito
sa park"

"Pero.."

"NAY! MAKINIG KAYO SA AKIN OKAY? SIGE NA... PLEASE"

"Basta mag-iingat ka"

"Pangako po"

Mabilis na umalis si Nanay dala-dalang ang paninda naming bibingka. Ngayon, ang
kailangan ko nalang gawin ay bantayan ang halimaw na 'to. Kahit gulong-gulo ako
kung bakit biglang may lumitaw na halimaw gayong hindi naman talaga sila nag-eexist
ay nagtungo parin ako sa kinaroroonan nito.

Nagtago ako sa puno ng mahogany at laking gulat ko nang makita si Kuya Paolo at Ate
Zyline na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ng halimaw.

Ngunit mas nagulat ako nang biglang may malakas na hangin ang pumalibot sa buong
katawan ni Kuya Paolo, habang binabalutan naman ng berdeng liwanag si Ate Zyline.

Zyline

Ikinumpas ko ang dalawang kamay ko pataas at nagsilabasan ang mga ugat ng puno mula
sa lupa. Itinuro ko ang kinatatayuan ng Deofrix at sabay-sabay na bumulusok ang mga
ugat ng puno rito.

Napatingin ako kay Pao na kasalukuyang gumagawa ng napakaraming air blades,


nagpaikot-ikot ito sa ere.

Nagtaka ako kung bakit hindi gumagalaw ang Deofrix, mukhang hinahayaan niya lang na
puluputan siya ng mga ugat.

The Deofrix screamed in pain nang tirahin ito ni Pao ng air blades, I saw how it's
body tore into pieces.

Sasayaw na sana ako ng victory dance when I heard a sarcastic clap.

"Bravo, magaling.. Ha.ha.ha natalo niyo ang puppet ko" napatingin ako sa
pinagmumulan ng ingay at nakita ko ang dalawang lalaki at isang babae. Lahat ng
suot nila ay itim making their looks weird.

"Who are you?" I asked them. I saw Pao on my peripheral vission making numerous air
spikes.

"Kami? Well secret. Basta ang sigurado ay nandito kami upang maunahan kayo sa
pangongolekta ng mga piraso ng cores" sabi ng babae.

Nabigla ako sa sinabi niya, how come na alam nila ang tungkol sa mga piraso ng
cores?

"Surprised? Well gano'n rin kami. Before. Before our master told us about it"
dagdag nito.

"Master?" Takang tanong ko.

"Ang dami mo ng tanong. Laban na!" Sabi nito bago sumugod sa akin.

Gumawa ako ng malalaking tinik at tinira ko ang babaeng pangit na 'to. Pero to my
surprised, napakabilis ng galaw nito.

"Ugh!" Daing ko nang matamaan ako ng sipa niya sa tiyan. Mabilis ko siyang tinira
ng laser leaves ngunit naiiwasan niya parin.

Briannia

What's happening? Akala ko sa TV ko lang to makikita. Pero napatunayan kong lahat


ng mga 'I thought' ko ay mali. Dahil ngayon sa harap ko mismo, kitang-kita ng
dalawang mata ko ang mga nilalang na may kakaibang kapangyarihan. At kilala ko pa
ang dalawa sa mga ito.
Imbis na matakot ay mas lalo akong nasabik sa aking nasasaksihan. I'm a big fan of
fantasy for pete's sake! I saw how ate Zyline fought the girl wearing a black
dress. She controlled all the dried leaves around and gathered it in one place
tapos sabay-sabay na tinapon sa babaeng nakaitim.

Wow. I said when I saw how the leaves made a cut on the girl's skin.

"Peste kang babae ka!" Rinig ko pang sigaw ng babae kay Ate Zyline.

I looked at kuya Pao, and another WOW escaped from my mouth. He's playing with the
wind! Gumawa siya ng napakaraming airballs at ibinato ito sa dalawang lalaki. Isa
lang ang natamaan sapagkat 'yong isa ay naglahong bigla.

"Sino ang tinitingnan mo?" Napasigaw ako sa gulat nang makita ang lalaking kanina'y
naglaho.

"AHHH! TULOOOONG!" sigaw ko nang bigla akong hilain ng lalaki papunta sa


kinaroroonan nila.

"BRIANNIA!" sigaw ni ate Zyline at mabilis na pinagalaw ang mga baging at


ipinulupot sa kalaban niya.

Zyline

Shit! Nakuha na nila si Briannia. Hindi nila maaaring makuha siya, baka gamitin
nila ang natatagong kakayahan niya sa kasamaan.

"Poisonous thorns!" Sigaw ko bago nagpakawala ng napakaraming nakakalasing tinik sa


kalaban ni Paolo kung kaya't nadistract ito.

Paolo quickly made a tornado and thrown it to his opponent.

"Ahh!" Daing ng kalaban niya nang matamaan ng tornado ni Paolo.

Lumapit ako sa kaniya. He held my hand. I can feel his energy flowing inside my
body.

I saw how a tornado with laser leaves encircled the both of us, nililipad nito ang
mahabang buhok ko.

"Now!" We said in unison and numerous air blades with laser leaves appeared
surrounding us.

I looked at Briannia and I saw amusement on her eyes instead of fear.

"HAAA!" We shouted before releasing our attacks.

Mabilis na kumilos ang mga kalaban, ang isang lalaki ay nagpalabas ng napakaraming
Deofrix na siyang ginawang panangga mula sa atake namin ni Paolo.

"Yan lang ba ang kaya niyo?" Mahanging tanong ng babae sa amin. "P'wes ngayon, alam
na naming wala kayong binatbat sa grupo namin" dagdag nito.

"It's time to get the core piece from this girl's body" sabi no'ng lalaking
naglalaho at may inilabas na isang pulang kutsilyo.

"NOO!!" pigil ko at mabilis na gumawa ng napakaraming laser leaves habang si Pao ay


air spikes.
Pero hinarangan lang ng mga Deofrix ang aming mga atake.

"BRIANNIA! DO SOMETHING! USE YOUR POWER!!!" sigaw ko.

I saw how a smile formed from her face. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata and I
can clearly saw her saying something. And in an instant, the Deofrix started to
attack the three.

"How..." Di makapaniwalang sabi ni Paolo.

"Ben stop! Ano bang ginagawa mo?!" Rinig kong bulyaw ng babae sa kasama niya.

"Stop this Ben!" Sigaw ng isang lalaki. Unti-unting nagkakasugat na sila dahil sa
kagagawan ng mga Deofrix.

Mabilis kaming kumilos ni Paolo. Inilabas namin ang bow and arrow namin. I
concentrated half of my energy on the arrow's tip. Kitang-kita ko ang pagkakabuo ng
berdeng liwanag rito. I looked at Paolo, a tornado served as his arrow.

"Sabay tayo" I said then tumango siya.

"NOW!" sigaw ko at sabay naming binitiwan ang string ng pana. I saw how our arrows
combined into one. An arrow with an ash gray and green colored light.

Mabilis kong kinontrol ang ugat ng puno at ipinulupot ito kay Briannia at mabilis
ko siyang hinila papunta sa amin. And right after that, a huge explosion broke the
silence in the park.

"At last, makakauwi na tayo" Paolo said with a big smile on his face.

---

"Nay sana maintindihan mo" rinig kong sabi ni Briannia.

Nandito kami ngayon sa labas ng kubo nila. Sila pala ang caretaker ng park, mabuti
nalang at naayos ko na ang mga nasira kanina. Napag-alaman rin naming mind
controlling ang kapangyarihan ni Briannia, kaya pala biglang inatake no'ng lalaking
nag-ngangalang Ben ang mga kasamahan niya ay dahil kinontrol niya ang isip nito.

"Pero Marilie, kailangan mo ba talagang umalis?" garalgal na tanong ng nanay niya.

"Opo Nay, dahil kung mananatili ako rito, maaaring balikan ako ng mga taong 'yon at
baka mapahamak pa kayo dahil sa akin. At alam niyong hinding-hindi ko iyon
hahayaang mangyari"

Ano ba 'to bakit naiiyak ako? Naalala ko tuloy sila mama ko. Sumandal nalang ako sa
balikat ni Paolo.

Maya-maya pa'y lumabas na si Briannia na may dala-dalang bagahe kasama ang Nanay
Felly niyang nagpapahid ng luha.

"Ingatan niyo ang anak ko ha?"

"Oo naman nay, hinding-hindi namin siya pababayaan" paninigurado ni Paolo.

"Alam ko, dahil ramdam ko ang kabutihang nasa inyo mga anak" sabi nito na
nagpangiti sa amin.

"Oh siya let's go? Sasabihin pa natin kina Yuki ang nangyari" paalala ni Paolo.
Tumango lang kami.

"Mauna na po kami Nanay Felly" paalam ko.

Mabilis na niyakap ni Briannia ang kaniyang nanay at binigyan ito ng halik sa


pisngi. "Paalam Nay, pangako dadalaw ako rito" sabi nito bago humiwalay sa
pagkakayakap.

Naglakad na kami papalayo sa kubo ngunit huminto ako sandali.

Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang kalikasan, I can feel it's energy.
Inipon ko ito sa aking katawan dahilan upang magliwanag ako, nang imulat ko ang
aking mga mata ay mabilis kong inipon ang liwanag sa dalawang palad ko at itinapon
ito sa itaas.

Sumabog ito at naging maliliit na piraso, kumikinang na kulay berdeng liwanag ang
nahuhulog mula sa kalangitan.

"WOW!" Manghang sabi ni Briannia habang nakatingin sa mga bumabagsak na liwanag.

Hindi lang iyon basta liwanag, dahil ang mga iyon ay mga buto ng bulaklak na walang
kamatayan. At sa sandaling mapunta ito sa lupa at automatikong tutubo at at
mamumulaklak agad.

Habang naglalakad kami ay kitang-kita ko ang pagtubo ng mga bulaklak at


pamumukadkad nito, kulay pula, pink, yellow, blue at iba pang kulay ng bualklak ang
pumuno sa buong parke.

"Wow ate ang galing mo talaga!"

"Haha ako pa!"

"Ang hangin mo Bebe Zy!"

"Brianna kontrolin mo nga ang isip ni bebe Pao at utusan mong maghubad. Please??"
Pagmamakaawa ko.

"Oo naman! Sure. Hahaha" sabi ni Briannia at lumapit kay Paolo.

"Shit! Huwag kayong magbibiro ng ganyan. Fuck. Heeeeelp!" Sigaw ni Pao at tumakbo
palayo sa amin.

Hahaha!

***

A/N: So how was it? haha.

Chapter Six

AUDREY
"Bilisan mo sa pagtakbo Saiiiiiii!" I said habang daig pa ang kabayo sa pagtakbo.
Hinahabol kasi kami ngayon ng isang balete. Oo balete po! Kasi naman akala namin sa
mga tao lang napunta ang mga piraso ng cores, pero watdahek! Pati rin pala sa mga
halaman?

"Audreeyyyy.. Beb hintaaaay!" Sai said while running.

Hindi ko talaga siya hinintay baka maabutan na kami ng balete.

(A/N: Oh diba? May pasabi-sabi pa kayong walang iwanan, pero kapag may habulan,
ambilis niyong kinakalimutan ang mga pangakong binitiwan!)

Kung ilalarawan ko ang baleteng humahabol sa amin ay kasinlaki ito ng narra, may
mga sanga itong humahaba at ugat na nagsisilbing paa. Juicecolored!

Ang sayang nararamdaman namin ni Beb kanina ay napalitan ng inis at pangamba, nag-
eenjoy pa naman kami sa pamamasyal rito sa Davao, ang sarap ng Durian nila.
Promise.

Magkasabay na kaming tumatakbo ni Beb sa kagubatang ito, hindi naman talaga namin
ine-expect na ganito pala ang madadatnan namin, ang akala kasi namin madali lang
naming makukuha ang piraso dahil hindi ito napasakamay ng kahit ninuman.

(A/N: Dyan kayo magaling ang mag-expect. Did you know that... What hurts you most
is your expectations?)

"Damn!" Inis kong sambit nang muntikan na kaming mahulog sa pampang, and as I
looked down, mga naglalakihang bato lang naman ang naghihintay sa amin ni Beb Sai
ko.

"We need to fight Beb" he said as he faced the ugly balete tree.

"Okay, parang may pagpipilian pa tayo" sagot ko sabay labas ng aking wand.

Umatungal ng pagkalakas-lakas ang halimaw na puno kasabay ng paglabas ng mga ugat


nitong sobrang hahaba, gumalaw-galaw pa ito na parang mga galamay bago bumulusok sa
aming kinatatayuan.

"El barga" I casted a spell then a huge wall made of rocks appeared to protect us.

"Electrum spikr!" Sai casted a spell then lightning spikes appeared in front of us.
"Seotan" dagdag nito bago bumulusok ang mga lightning spikes papunta sa puno.

Kitang-kita ko kung paano bumaon ang mga ito sa katawan ng puno at kung paano
kumalat ang mga boltahe ng kidlat sa katawan nito. Ngunit tila wala lang ito sa
puno, nagpatuloy ito sa pag-atake.

"Erda spikr!" I casted a spell at pinatama ko sa katawan ng puno ang mga earth
spikes na ginawa ko.

Damn!

Mukhang hindi naapektuhan ang puno sa mga atake namin ni Sai.

"elvien corvz"

"electrum corvz"

Me and Beb casted a spell then numerous earth and lighting pins appeared encircling
the two of us.

"Seotan!" We said in chorus at pinatamaan ang katawan ng puno, but still, walang
epekto.

MAY AMORES' POV

Hingal na hingal at pagod na pagod na ako kakatakbo mula sa mga di ko kilalang


nilalang. Kagaya ko rin sila na may kakaibang kakayahan. Sinabi nga sa akin nung
isa sa kanila na nasa akin raw ang isang piraso ng core. Hindi ko maintindihan ang
mga pinagsasabi nila.

Akala ko mga baliw silang dalawa, ngunit nanlaki ang aking mga mata nang bigla nila
akong sugurin. Pinaulanan nila ako ng mga matutulis na bagay na gawa sa itim na
usok.

Mabuti nalang at mabilis akong tumakbo. Kamuntik na akong mamatay sa mga kamay
nila.

Ako nga pala si May Amores, nakatira ako rito sa Davao City, at meron akong
kaakibang kakayahan na kailanman hindi ko inaakalang magkakaroon ako. Kaya ko lang
namang e-summon ang mga weapons na gusto ko. Nadiskubre ko ito three months ago,
nung nagkaroon ng gang riot sa lugar namin.

I accidentally summoned a dagger na nakatulong sa akin upang makaligtas. Yep! Isa


akong gangster pero mabuti akong tao.

Don't judge the book by it's cover ika nga nila. Okay enough 'bout ma'self.

Upang tuluyan ko ng matakasan ang dalawang weird na 'yon ay pumasok ako sa masukal
na parte ng kagubatan, dahil rito nasisigurado kong mahihirapan silang mahanap at
mahabol ako.

Habang tumatakbo ako ay nakarinig ako ng mga pagsabog at isang atungal, at dahil
isa akong gangster, hindi ako natakot sa aking narinig, mabilis kong hinanap ang
pinagmumulan nito.
.
.
.
Nakita ko ang dalawang nilalang, isang lalaki at isang babae na nakikipaglaban sa
isang... Halimaw na puno? Dfck. Ano 'to panibagong weird creature na naman? Hindi
pa nga ako nakakapagmove-on dun sa dalawa eh.

I saw them holding a stick na naglalabas ng liwanag na golden brown and yellow.
They are reciting something na hindi ko maintindihan, and everytime na ginagawa
nila 'yon ay may lumalabas na mga kidlat, mga bato, at tipak ng lupa sa ere. 'Yon
ang ginagamit nila upang ipanglaban sa mga ugat ng puno na sumusugod sa kanila.

Tumalon ang babae sa ere kasabay ng pagtutok niya ng hawak niyang stick sa halimaw
na puno, at mula sa stick na 'yon ay nagsilabasan ang mga matutulis na bato.

Habang ang lalaki ay itinaas sa ere ang kaniyang hawak na stick at sa itaas niya
mismo ay may namuong makapal na itim na ulap, at ilang sandali pa ay nagsimulang
umulan ng kidlat papunta sa direksyon ng puno.

At mukhang may sariling isip ang puno, pinagalaw nito ang kaniyang mga ugat at
pinagdikit-dikit, gumagawa ito ng harang para salagin ang atake ng dalawa.

At nang matamaan ang ugat na nagsilbing shield ng mga atake nung dalawa ay
nagkapira-piraso ito, dahilan upang umatungal ng pagkalakas-lakas ang halimaw.

And in an instant, ang mga nagkapira-pirasong ugat nito ay muling tumubo na tila ba
wala lang nangyari. This time, mas naging agresibo ang puno, mabilis nitong
hinampas ng mga ugat niya ang dalawa, todo iwas naman ang ginagawa ng dalawa habang
patuloy parin sila sa pagtira sa halimaw.

Kung sila ay nakakayang makapag-summon ng kidlat, lupa at bato... nangangahulugan


ba itong kagaya ko rin sila? Isang summoner?

"AHHH!" sigaw ng babae kaya napatingin ako, nakita ko siyang nahuli ng puno, ngayon
ay nakapulupot ang ugat nito sa katawan ng babae. At kitang-kita ko kung paano
humiyaw sa sakit ang babae, tila sobrang higpit ng pagkapulupot ng ugat sa katawan
nito.

"PAKAWALAN MO SIYA!" rinig kong sigaw ng lalaki bago itinutok ang hawak nitong
stick sa halimaw, at mula sa dulo ng stick ay lumabas ang napakaraming boltahe ng
kidlat at ipinatama niya ito sa puno.

Ngunit kagaya ng mga pag-atakeng ginawa nila kanina, wala parin itong epekto.

"ARGH!" nakita kong nahuli narin ang lalaki, pinuluputan narin siya ng ugat ng
puno.

Tutulungan ko ba sila? Baka masamang tao rin sila kagaya nung dalawa kanina. Argh!
Peste naman oh, bakit ba ang bait ko?

Napakamot nalang ako ng ulo at lumabas sa pinagtataguan kong puno.

"Hoy baleteng ungas! Ako ang harapin mo!" Naks mala-superhero lang ang linya ko.

Naagaw ko naman ang atensyon ng halimaw at mabilis na bumulusok sa direksyon ko ang


mga ugat nito.

Umilaw ang dalawang kamay ko kasabay ng paglitaw ng dalawang double bladed sword.

"HAAA!" Tumalon ako upang salubungin ang mga ugat ng halimaw, nagpaikot-ikot ako sa
ere habang pinaghihiwa ang mga ugat ng puno. Pagkalapag ko sa lupa ay mabilis kong
itinago ang dalawa kong espada at lumitaw pagkatapos ang isang bazooka.

BOOM!

Isang malakas na pagsabog ang nangyari dahilan upang mabalutan ng usok ang buong
paligid. Narinig ko pa ang pag-ubo ng dalawa na sa tingin ko ay nakawala na sa
pagkakapulupot ng mga ugat.

Nang mawala ang usok ay tumambad ang nagkalasog-lasog na katawan ng puno.

"Ang galing mo bata!" Puri sa akin ng lalaking naka eyeglasses. Shet bakit ang
gwapo niya?

"S-s-salamat" sagot ko at yumuko, I can feel my face blushing.

"No thank you talaga sayo, kung hindi dahil sayo ay baka ginawa na kaming
fertilizer ng baleteng 'yon!" Sabi nung babaeng naka eyeglasses rin, and I can tell
na maganda siya. Pero mas maganda ako, haha.

"How come na mabilis kang nakakapagpalit ng armas?" Tanong ni koyang gwapo.


"Ahh, kagaya niyo rin po ako, may kakaibang kapangyarihan rin po ako, at 'yon po ay
ang pagsa-summon ng mga weapons" pagpapaliwanag ko.

"Oh so you mean, miyembro ka ng Ancient Tribe? Nanggaling ka rin sa mundo ng


Alzora?" Pagka-klaro ni ateng.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Po? Hindi po. Isa akong tao, mortal po ako. It's just bigla nalang akong nagkaroon
ng ganitong kapangyarihan" sagot ko.

Baliw siguro 'tong dalawang 'to. Paano ba naman kasi, sabihan ako na miyembro ako
ng Ancient Tribe at nanggaling rin ba daw ako sa Alzora? Ano 'yon?

"So isa kang vessel?" Nakangiting tanong ni koyang gwapo.

"Ah? Siguro? Hehe. Sorry po wala po talaga kasi akong alam sa mga pinagsasabi niyo,
pasensya na" pagpapaumanhin ko. Dapat maging mabait ako no! Nandiyan kaya si crush,
dagdag pretty points ba. Haha.

"Okay lang 'yan girl, gusto mong turuan ka naming gamitin ang kapangyarihan mo?
Tsaka may kailangan rin kasi kaming kunin sa iyo eh" sabi ni ateng.

"Po?"

"Ah, ang gusto kong sabihin sayo ay gusto naming kunin ang piraso ng core sa
katawan mo, pero 'wag kang matakot hindi ka namin sasaktan, we are just going to
get the core piece na nasa katawan mo, don't worry hindi mawawala ang kapangyarihan
mo kung makukuha man namin ang piraso ng core, kailangan lang talaga namin 'yon
upang mabuo naming muli ang Alzorian at Dark Cores at upang maayos narin namin ang
aming nasirang mundo" mahabang paliwanag ni ateng.

"Saan niyo pala ako dadalhin kung sasama man ako sa inyo?"

"Sa Hidden Academy, kung saan naroon din ang mga kagaya mong vessels, mga kagaya
mong may espesyal na kapangyarihan, at doon tuturuan ka naming magamit ang
kapangyarihan mo ng tama at nasisigurado kong mas lalawak ang kaalaman mo sa
paggamit nito" sagot ni koyang crush.

"Ahh okay po, sige sasama ako. Mukhang mababait naman kayo eh, siguraduhin niyo
lang dahil iba akong magalit" pagbabanta ko pero tinawanan lang ako ng dalawa at
ginulo lang ni kuya ang buhok ko, ayy 'wag ganyan kuya, kinikilig ako.

"By the way, what's your name sweetie?" Tanong ni ateng.

"May Amores po"

"Oh, ako nga pala si Audrey, just call me ate Aud"

"I'm Sai, just call me kuya Sai"

"Okay tara na?" Aya ni kuya Sai at nagsimula ng maglakad.

But to our surprise, bigla nalang nabuong muli ang halimaw, at nanibago kami dahil
sa katawan nito, sa gitna... may umiilaw na bagay.

Pansin kong mas lumakas ang halimaw, mabilis nitong pinagalaw ang kaniyang mga ugat
papunta sa amin. I quickly summoned my bazooka, tinira ko ang parte ng puno kung
saan naroroon ang nagliliwanag na bagay.
BOOM!

Isang malakas na pagsabog ang nangyari.

"Grabe ka May ah! Ambilis mong natalo ang halimaw na 'yon!" Puri ni ate Aud.

"Napansin ko po kasi na hindi po naaapektuhan ng mga atakeng ninyo ang puno, kasi
po elements of nature po ang gamit ninyo, kaya nag-conclude po ako na baka kung mga
weapons ang gagamitin baka umepekto" pag-eexplain ko.

"At ang talino mo pa!" Puri ni kuya Sai, dahilan upang kiligin na naman ako.

"Thank you talaga May" Ate Audrey said bago pumunta sa lugar kung saan bumagsak ang
puno, nakita ko siyang may kinuhang kung ano sa puno.

"I got it!" She happily said at ipinakita sa akin ang isang nagliliwanag na tipak
ng crystal. Ito siguro iyong sinasabi nila piraso ng core.

"Heto May, ito ang nagbibigay ng kapangyarihan sa sinumang nilalang na makakakuha


nito, kung kaya't lubos itong mapanganib kung sa masasamang kamay ito mapupunta"
ate Audrey said.

Tumango nalang ako, well I guess kailangan ko naring ibigay sa kanila ang piraso na
nasa akin, sinabi naman nilang hindi raw mawawala ang kapangyarihan ko eh.

"Let's go, mahirap na't baka may makakita pa sa atin rito" Kuya Sai said at
naglakad na.

"Teka ate Audrey, kuya Sai. May nakaharap rin po akong mga taong may kapangyarihan
rin, sinugod nila ako at sabi pa nila na kukunin nila ang piraso ng core na nasa
akin" pagsusumbong ko.

Nanlaki ang mata nila at bahagyang kumunot pa ang mga noo.

"Kailangan na nating magmadali. We need to tell this to Yuki"

***

~ vote/comment/share this story :)

|n a u g h t y j a c k y y|

Chapter Seven

YUKI

Nandito kami ngayon sa Quezon, hindi ko alam kung anong lugar ito, basta ang alam
ko Quezon City ito. Kanina pa kami nagpapaikot-ikot rito sa lugar na 'to.
Nangingitim na nga yata ang mukha ko dahil sa usok ng mga sasakyan at alikabok dito
sa daan.
"Jackiko, kain muna tayo! Wala naman akong nararamdaman na piraso ng cores eh!"
Sabi ko kay Jack na abala sa pagtingin sa radar.

Nakakainis, wala ba siyang tiwala sa kakayahan ko at kailangan niya pang magdala ng


radar?

"Yukiko, alam ko ang iniisip mo, gusto ko lang naman makasiguro, hindi sa wala
akong tiwala sayo"

"Gusto mong makasiguro? So wala ka ngang tiwala sa akin" malungkot kong sabi at
naglakad na, binilisan ko ang paglalakad ko. Nakakainis, wala ba talaga siyang
tiwala sa akin?

Ang sakit pala kapag nalaman mong ang taong minamahal at pinagkakatiwalaan mo, ay
walang tiwala sayo.

(A/N: Utot mo Yuki, 'wag kang magdrama. May hinahanap pa kayong Core pieces! 'Wag
kang makisabay sa pagdadalamhati ko)

"Yukiko, hey wait. Hintayin mo naman ako"

"Bahala ka diyan. Tse!" Inis kong sabi at nagmarcha papasok sa isang Café, na puro
glass ang wall, ang pangalan ng café ay 'Ex Café' pagkapasok ko ay kulay yellow-
orange ang ilaw, vintage style ang tema, at mga furnitures na yari sa kahoy ang
gamit, at naamoy ko kaagad ang sariwang amoy ng tsokolate, kape at vanilla. Natakam
naman ako nang makita ang mga naka-display na pastries. Gusto kong matikaman muli
ang cupcakes na mortalmade, hindi Alzorianmade.

"Excuse me" tawag ko do'n sa nagbabantay.

"Bakit? Dadaan ka?" Pamimilosopo nito.

"Ano?!"

"Bingi ka miss?" pamimilosopo muli nito.

"Aba't, hindi ako dadaan, at hindi ako bingi. Tinawag kita dahil bibili ako. At
ikaw, umayos ka dahil nagtratrabaho ka rito. Tratuhin mo ng maayos ang customer
mo!" Bulyaw ko sa kaniya.

Ngunit ang gaga, pinalobo lang ang nginunguya nitong bubblegum at pinaputok sa
harapan ko pa, at bored akong tiningnan sabay sabing. "Oorder ka o hindi?"

"Argh! Chocolate cupcake nga dalawa, tsaka red velvet narin dalawa" inis kong sabi.

"Sige umalis kana, ihahatid ko lang sa lamesa mo ang inorder mo" sagot nito at
tinalikuran ako.

Napakagat nalang ako ng labi, nanggigigil ako. Ang sarap niyang tustahin. Peste!
Kung nasa Alzora lang sana kami... Nako! Hindi ko alam ang gagawin ko sa babaeng
'yon. Ginulo ko nalang ang buhok ko dahil sa inis. Umupo ako sa upuan, alangan
namang sa lamesa ako umupo diba?! Malapit ako glasswall kung kaya't kita ko ang
labas. Mas lalo lang nadagdagan ang inis ko nang hindi man lang sumunod sa akin si
Jack. Ang lalaking 'yon... Nako 'pag nakita ko 'yon kakalbuhin ko talaga siya mula
ulo hanggang gitna!

"Hoy!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin, at kulang nalang sabunutan ko ito. Walang iba
kundi si Inday tindera.

"Oh?"

"Hintayin mo ang order mong cupcakes, naubus na kasi. Nagpa-bake pa ako. Pero kung
ayaw mong maghintay lumayas ka nalang" letse talaga 'tong babaeng 'to. Ang talas ng
baba! Ay este ng dila.

"Maghihintay ako. Sige na umalis ka na baka mabigwasan pa kitang impakta ka!"


Bulyaw ko rito.

"Mabuti pa nga, baka masabunutan rin kita miss, pasalamat ka at bagong manicure
ako, ayokong madumihan ang kuko ko" she said at bago ito umalis ay nagflip-hair pa
ito. Nagliparan tuloy ang kuto niya.

Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo ko sa babaeng 'yon. Parang may pinagmumulan
talaga ang galit ko eh, hindi ko lang alam kung ano... basta ramdam ko, may malalim
na rason talaga kung bakit ako sobrang galit sa impaktang 'yon.

Tumingin akong muli sa labas, haaay. Hindi talaga sumunod si Jack! Sana dinala ko
nalang si Kiyu, kawawa naman ang alaga kong 'yon nasa opisina ko lang. Hindi ko
naman pwedeng tawagin si Alhea, maging ang ibang guardians ko. Haaay. Napabuntong
hininga nalang ako, hashtag Alone talaga ako.

Itinukod ko nalang ang siko ko sa lamesa habang hawak ng dalawa kong kamay ang
nakabusangot kong mukha.

Nasaan kana ba kasi Jack?!

"Yuki Amina?" Napatingin ako sa tumawag sa akin, and I saw a Greek God! Sobrang
gwapo niya talaga, the Jawline, the perfect nose, the red heart-shaped kissable
lips, the dark blue expressive eyes, the thick yet perfectly detailed eyebrow.
Damn, busog na ako, at parang familiar siya, hindi ko lang alam kung saan ko siya
nakita.

Napatigil nalang ako sa pagtutok nang tawagin niyang muli ang pangalan ko.

"Uhm Yes?" Taas-kilay kong tanong, pasuplada effect ba, haha.

"I'm Arvin Del Rosario, we're classmates nung fourth year high school" he said
while smiling and oh! The teeth. Damn.

(A/N: See? Wala ng loyal sa mundo!)

"Ahh oo tama! Tanda ko na. So how's your life? And umupo ka nga" I asked him.

Nang maka-upo siya ay sinagot niya agad ang tanong ko.

"Well I'm okay, I'm a Doctor now." Sagot nito. "And you, damn. Hindi ko alam kung
dapat kong sabihin 'to but you're hot and more beautiful now" dagdag nito.

I can't help but to blush, crush ko kasi itong si Arvin nung high school pa ako eh.

"Thanks" tanging nasambit ko nalang.

Nag-eenjoy na akong makipag-usap kay Arvin nang biglang dumating si Jack na


nakakunot ang noo.

"I've been looking for you kanina pa!" Inis na saad nito sa akin.
"Akala ko nakita mo akong pumasok rito sa Café"

"Ah 'yon ba? Sorry ha, abala kasi ako sa pag-aasikaso ng misyon natin, hindi kagaya
ng iba diyan na nakikipag-flirt lang pala"

Ouch!

"Hey dude, watch your words!" pagtatanggol ni Arvin sa akin.

"Why? Sino ka ba?" Inis na baling ni Jack kay Arvin.

"I'm Arvin, classmate niya nung highschool"

"Classmate ka lang pala eh, makaasta ka parang kayo, For your information DUDE.
Girlfriend ko 'yang kalandian mo"

Ouch!

"Jack! Ang sakit mong magsalita! Hindi nga kami naglalandian eh. Tangina naman oh,
bakit ba kasi nagagalit ka ha? Siguro nga wala ka talagang tiwala sa akin. Lahat
nalang ng mga ginagawa ko pinagdududahan mo!"

"Uhm, excuse me, Yuki I'll go ahead. Let's just meet next time, mukhang wrong
timing eh" sabi ni Arvin at umalis na.

"See? Tingnan mong ginawa mo!" Bulyaw ko sa kaniya.

"Yuki, ayokong nakikipaglandian ka sa iba, gusto ko sa akin lang!"

"Peste ka Jack! Hindi nga ako nakikipaglandian eh! Nag-uusap alng kami. Magtiwala
ka naman sa akin oh! Tsaka bakit ba bigla kang nag-iba? Ang selfish mo!"
Nanggigigil kong sabi.

Naramdaman ko ang pagpatak ng mga butil ng luha mula sa mga mata ko. Shet! Bakit ba
ako umiiyak. Letche kasi eh, kung kailan pa kami naging matured, saka pa siya
nagdrama!

"Masama bang maging selfish kung ang pinag-uusapan ay ang taong mahal mo?"

"Oo masama Jack! Nakakasakal kasi kapag ganun!"

Magsasalita pa sana si Jack nang dumating na 'yong babae dala ang inorder kong
cupcakes.

"Jack?" Di makapaniwalang sabi nito habang nanlalaki ang kaniyang mga matang titig
na titig kay Jack.

"Aries Cha Jukiba" sabi ni Jack.

Wait magkakilala sila ng babaeng 'to? I looked at Jack at sa mga mata niya at labis
akong nasaktan nang makita ang saya sa mata nito, sayang hindi ko nakita nung ako
ang kasama niya.

***

A/N: Usap tayo :)


Chapter Eight

Kung pwede lang magwala ginawa ko na, please pigilan niyo ako! Naaawa na ako sa
cupcakes na nasa harapan ko, durog na durog na ang mga ito dahil sa panggigigil ko.

Paano ba naman kasi, sa harapan mo mismo naglalandian ang BOYFRIEND mo at ang EX ng


BOYFRIEND mo.

Oo alam ko na, sinabi sa akin nung babaeng puno ng kalyo ang mukha na Alzorian rin,
pero si Jack? Hindi man lang siya nagkwento o nagpaliwanag kahit slight man lang.
Nakakabwisit

Kung pwede ko lang sanang balutin ng apoy ang buong lugar na ito para maramdaman
nila kung gaano ako nag-iinit.... nag-iinit sa inis, ginawa ko na.

"So Jack, kamusta ka na? Si Tito Manuel?" sabi ng bruha.

"Ah okay lang kami, si Dad kasama niya sina Master Magrett, Headmaster Mathew, at
Andromeda"

"So may girlfriend ka na pala?" Nang sinabi ng bruha yun ay hindi siya nakatingin
kay Jack, nakatingin siya sa akin habang sinusuri ako mula ulo hanggang kuko.

I looked at Jack, nag-aalinlangan siyang sumagot, at ang loko! Aba't nagkamot pa ng


ulo? At dahil kilala ko na siya, alam kong hindi niya alam ang isasagot.

Nakakainis.

Ang sarap pumatay!

At dahil hindi talaga sumagot si Jack ay ako na ang sumagot.

"Oo meron na, at AKO yun"

Tiningnan lang ako ng bruha at binigyan ng mapang-asar na ngiti.

"Ikaw ba ang tinatanong ko? Diba hindi? I'm asking Jack kung may girlfriend na siya
and it seems like parang wala? Kasi hindi siya sumagot sa tanong ko eh." Then she
smiled at me.

Konti nalang at gigilitan ko na sa leeg 'tong babaeng 'to.

"Jack tell her na ako ang girlfriend mo"

Jack looked at me and said,

"Yuki pagod na ako, maybe it will be better kung umuwi muna tayo"

Damn! Hindi man lang niya sinunod ang sinabi ko, hindi ko tuloy mapigilang maluha.
Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko para maiwasan ang umiyak.

"Siguro nga.. Tara na" malungkot kong sabi at hinila na siya patayo upang umalis na
kami.
"I hope we can see each other again Yuki... And Babe, oh! I mean Jack" pahabol ng
babaeng chihuahua.

I held Jack's hand and intertwined it with mine. Narinig kong tumikhim yung si Cha-
huahua dahilan upang bawiin ni Jack ang kamay niya.

Ouch!

Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko, hinayaan ko nalang na tumulo ang luha
ko. I cried silently.

I thought Jack would comfort me at sasabihin niyang 'Sssshh, wag kanang umiyak..
Everything will be fine Yukiko' pero hindi niya ginawa.

Tama nga ang sinabi nilang 'What hurts you most is your expectations'

Nang makarating na kami sa lugar na wala ng masyadong tao, ay tumigil muna kami.

Tumingin ako sa paligid at nang makasigurado ako na wala ng tao ay nagbukas ako ng
portal na konektado sa aking opisina.

Idinikit ko ang palad ko sa pader at mula sa aking palad ay kumalat ang bilog na
kulay gintong liwanag hanggang sa makita ko na ang loob ng aking opisina, lumayo
ako ng bahagya at tumingin sa paligid, baka may nakakita sa amin.

"Let's go" sabi ni Jack at tumapak na papasok ng portal.

"Sorry Jack, mauna ka na... I need time para makapag-isip" sabi ko kasabay ng
pagtulak ko kay Jack papasok ng portal at mabilis itong isinara.

Nagpakawala ako ng napakalalim na buntong hininga, tumingala ako sa langit at


hinayaang umagos ang aking mga luha.

Ang sakit pala, shet! Ang sakit na malaman na ang boyfriend mo na pinagkatiwalaan
at minahal mo ng lubos ay hindi pa pala nakakapagmove-on sa ex niya, nagmukha tuloy
akong panakip butas nito.

"AHHHH!" Sigaw ko kasabay ng malakas kong pagsuntok sa pader dahilan upang


magkaroon ito ng crack.

See? Pader nga na sobrang tibay ay nagkakalamat, relasyon pa kaya?

Umalis na ako sa lugar na yun at humanap ng peaceful place kung saan malaya akong
makakapag-isip, malaya akong gawin ang lahat ng gusto ko, at higit sa lahat malaya
akong pakawalan ang lahat ng galit na nararamdaman ko.

Nakarating ako sa isang kakahuyan, puro puno ng narra at mahogany ang makikita sa
paligid. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong lugar kung saan
walang kahoy na tumutubo, tanging mga halaman lang na hanggang tuhod ang laki na
may mga makukulay na bulaklak... red, orange, blue, yellow at marami pang iba.

May mga paru-paro at insekto rin malayang lumilipad sa itaas ng mga halaman.
Sobrang ganda ng tanawin, isang perpektong lugar sa pag-eemote.

Inilahad ko ang kamay ko sa harap ng mga halaman at isang berdeng ilaw ang bumalot
rito hanggang sa makabuo ako ng isang berdeng bola ng enerhiya, itinapat ko ito sa
mga halaman dahilan upang mas tumingkad ang mga kulay nito.
Inilabas ko ang pakpak ko at lumipad sa ere, mula sa aking kinatatayuan ay kitang-
kita ko ang siyudad. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang banging
puno ng mga bato.

Mabilis kong ipinagaspas ang aking mga pakpak at lumipad papunta sa bangin.

Pagkatapak ko sa isang bato ay mabilis akong nagpakawala ng napakaraming fireballs.

"NAKAKAINIS KAAAA" sigaw ko at sinuntok ang bato sa harapan ko.

"MAMATAY KA NA BABAENG BRUHA!" at nagpakawala ako ng napakaraming boltahe ng


kidlat.

"AAAAARRGHHHH!"

Sigaw ko bago nagpaulan ng napakaraming fire blades, air spikes, earth balls,
electric balls, at water blades.

Sinigundahan ko pa ito ng mga malalaking ugat ng puno na dumurog sa mga bato sa


paligid.

Hingal na hingal ako matapos kong gawin 'yon, hindi dahil sa napagod ako kundi
dahil sa hindi parin nawawala ang inis ko.

"So ito pala ang kapangyarihan ng isang Arankar?"

Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses na yun, ang boses na sobrang
kinaiinisan ko, ngunit wala akong nakita ni pesteng anino niya.

"Magpakita ka babaeng impakta!"

"Sinong tinawag mong impakta?!" Inis na sabi nito, sinundan pala ako ng babaeng
'to.

Nakita ko ang isang uwak na dumapo sa bato at unti-unti itong nag-anyong tao ay
hindi pala, nag-anyong bruha.

"Cha-huahua"

Tiningnan niya ako mata sa mata.

"Ngayong wala na si Jack maaari ko ng gawin ang lahat ng gusto kong gawin sayo
Yuki"

"Asa ka naman kung hahayaan kitang bruha ka!"

"Well let see kung kayang mong tapatan ang sinaunang mahika ko" she said as she
transformed herself into a dragon, a red dragon.

Miyembro pala ng Ancient Tribe 'tong bruhang 'to.

I flapped my golden wings at sinalubong ang bruhang dragon.

Binugahan ako nito ng apoy, mabilis ko namang binalot ng elemento ng tubig ang
aking mga palad at mabilis na gumawa ng water balls.

Ikinumpas ko ang kaliwa kong kamay at nagsilabasan ang mga ugat sa paligid, habang
ang kanan kong kamay naman ay patuloy na tinitira ng waterballs ang dragon na
patuloy ring bumubuga ng apoy.
Umatungal ang dragon nang magsimulang puluputan ito ng mga ugat ng puno.

Lumapag ako at naglakad palapit sa dragon, ibinuka ko ang kanang palad ko at gumawa
ako ng isang bola ng kidlat, habang sa kaliwa naman ay isang waterball.

"TANDAAN.MO.ITO.BRUHA. Minsan lang akong mainis, pero sagad. Hindi ako mabait, at
hindi ako maawaing tao basta ang mga kagaya mo na ang pinag-uusapan, and one last
thing, dahil sayo nagkakalabuan na kami ng taong mahal ko, dahil sayo naiinis ako
ng husto ngayon!!" Gigil kong sabi bago ko siya batuhin ng waterball ng sinundan ng
electric ball, dahilan upang mas umatungal ito.

Tumalikod na ako, ngunit mas hinigpitan ko ang pagkakapulupot ng mga ugat sa


katawan niya.

"Don't worry, hindi naman ako kasing-sama ng iniisip mo, hindi pa kita papatayin,
pero ito ang tandaan mo, kahit isang rason lang ang ibigay mo sa akin para patayin
ka... hinding-hindi ko iyon palalagpasin, and lastly stay away from Jack, from US"

I flapped my wings and started to fly, at nung nasa kalagitnaan na ako lumingon
akong muli kay Cha-huahua.

"One last thing, ang mga ugat palang iyan ay hindi lang basta ordinaryong ugat,
pumupulupot iyan kahit na mag-anyong langgam ka pa, kaya good luck girl, sana
makaalis ka pa dyan" sabi ko kay Cha-huahua na nag-anyong tao na.

"MAGBABAYAD KA YUKI!!! PESTE KA!"

***

A/N: Sorry for the long wait :*

By the way, Join our Group:

Jack Denver GemoyaWP(naughtyjackyy)

Chapter Nine

A/N: At dahil Mother's Day ngayon, mag-uUD ako! Haha. Happy mother's day to all
mothers out there! Guys, don't forget to greet your moms!

***

Pagkatapos kong pakawalan ang mga hinanaing ko sa buhay ay bumalik na ako sa Hidden
Academy, ang aking tahanan.
As I opened the door of my office, nakita ko na agad ang tanging nilalang na
nakakapagpasaya sa akin.

"Kiyu!" Tawag ko rito.

Agad itong tumalon papunta sa akin at dinilaan ang aking pisngi.

"Hahaha, tama na... Hahaha" pigil ko rito, tumigil na ito sa pagdila sa pisngi ko.

Umupo ako sa itim na sofa kung saan kitang-kita ko ang mga vessels na masayang
naglalaro sa field ng academy.

Hanggang kailan kaya kami mananatili sa mundong ito? Sa Greiko? Namimiss ko na ang
Alzora, pero kapag bumalik naman ako dun, sino na ang mangangalaga sa mga vessels?
Baka gamitin lamang sila ng mga tao sa masama.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang sunod-sunod na magsipasukan ang aking mga


kaibigan, kasama si Jack.

"Yuki! Sa wakas narito kana, kanina ka pa namin hinahanap" sabi ni Anna.

"Mabuti pa kayo hinahanap ako"

"Anong drama na naman ba yan Yuki?"

"Hindi to pagdradrama Zyline, pagod at sugatan lang ako"

"Then heal your self"

Sa sinabi ni Audrey ay mas nalungkot ako. Heal myself? Joke ba yun? Paano ko
papagalingin ang sarili ko kung hindi naman literal na sugat ang natamo ko, kundi
sugat sa puso!

"Bakit niyo pala ako hinahanap?"

"Yuki we need to tell you something, importanteng-importante ito"

"Okay, maupo na muna kayo"

Nagsiupuan na silang lahat, sa sofang kinauupuan ko ay nakaupo rin si Mav, Anna,


ako, at si Jack, kaharap namin sina Sai, Audrey, Zyline, at Paolo.

"So gaano ba ito kaimportante?" I asked them.

"Yuki, nung nagpunta kami sa isang park ni Paolo ay may nakita kaming vessel, akala
namin madali namin siyang maisasama, ngunit may mga taong humadlang sa amin, at ang
mas malala pa ay may kapangharihan sila na siguro nagmula sa mga piraso ng dalawang
cores" sabi ni Zyline.

"Kami naman ni Anna ay may nakasagupa kaming isang nilalang na kayang bumuhay ng
mga patay, ang pangalan niya ay Demi Lhor at may sinabi pa nga siya na silang mga
taong may kakaibang kakayahan daw ay mapapasakamay ang mga piraso ng cores na
hinahanap at kinokolekta natin" sabi naman ni Mav.

"So sinasabi niyong may mga taong nangongolekta rin ng mga piraso ng cores?" Tanong
ni Jack.

"Oo, at hinala rin namin na may Alzorian sa likod ng mga pagkilos na ito,
nasisiguro ko yun dahil hindi naman basta-bastang malalaman ng mga vessels ang
kapangyarihan ng dalawang cores" sagot ni Sai.

"Pero sino sa tingin niyo ang may gawa nito?" Tanong ni Audrey.

"Yan nga ang tanong na hindi pa natin masasagot, we need to know kung sino ang nasa
likod nito" said Anna.

"Ako may hinala ako" sabi ko dahilan upang mapunta sa akin lahat ng atensyon nila.

"Sino Yuki? Sabihin mo" tanong ni Paolo.

"Yung ex ni Jack" I said.

"Ex?! As in past jowa?" Di makapaniwalang sabi ni Anna.

"Wala ka namang ebidensya kaya wag kang basta-basta nalang magbintang" malamig na
tugon ni Jack.

"Wala? Hindi pa ba sapat yung inatake niya ako?!" Medyo may inis sa tono ng boses
ko nang sabihin ko yun.

"What? Inatake ka niya bessy? Eh dapat lang pala sa babaeng yun ang ginawa mo eh!"
Suporta ni Zyline.

"Inatake ka niya? Anong nangyari sa kaniya?!" Nag-aalalang tanong ni Jack. Wow sa


bruhang yun pa talaga siya concern.

"I punished her. But I didn't killed her" sagot ko.

"Bakit mo naman ginawa yun Yuki? Paano kung napahamak siya? Paano kung napatay mo
siya?!" Medyo galit na sabi ni Jack.

"Wow! At sa kaniya kapa talaga nag-alala, eh paano naman ako Jack? Ako ang
girlfriend mo! Inatake niya ako kaya dinepensahan ko ang sarili ko, minaliit niya
ang kapangyarihan ko kaya ipinatikim ko sa kaniya ang kapangyarihang minamaliit
niya"

"Pero ikaw parin ang mali, sana ikaw nalang ang umiwas" malamig niyang sabi.

"Eh gago ka pala eh! Paano kung napatay niya ako?"

"Hindi niya yun magagawa, alam kong malakas ka. You can protect your self" he
said. Damn! So ganito pala kapag malakas ka, walang nag-aalala na baka mapahamak ka
dahil alam naman nilang kayang mong protektahan ang sarili mo.

"Ah, labas muna kami ah" pagpapaalam ni Sai.

"Walang lalabas! Gusto kong malaman niyo ang lahat ng pag-uusapan namin ni Jack"
pigil ko sa kanila.

"Bakit Jack? Bakit mukhang ako pa ang may kasalanan? Bakit mas ipinagtatanggol mo
pa ang babaeng yun kesa sa akin? Sagutin mo nga ako....
.
.
.
.
.
Mahal mo pa ba siya?"
Damn ang sakit para sa akin na sabihin ang mga katagang yun.

Tiningnan ko siya sa mata, at umaasang sasagot siya ng 'hindi, ikaw na ang mahal at
mamahalin ko habang buhay' pero hindi, ang sinagot lang niya ay....

"I don't know, pagod na ako. Sige magpapahinga na muna ako" at tumayo na siya at
mabilis na nilisan ang aking opisina.

Saan ka ba pagod Jack? Sa paglalandian niyo kanina? O sa ating dalawa?

Muli na namang tumulo ang mga traydor kong luha. Niyakap ako ni Anna at Zyline
while Audrey is wiping my tears.

"Sssh, tama na yan bff. Akong bahala sa Jack na yun. Tutusukin ko ng tinik ang
bayag nun" sabi ni Zyline habang yakap-yakap ako. Sinapak ko naman siya ng mahina
sabay sabing..

"Gaga, akong gagawa nun"

At nagtawanan kaming apat, while the boys? They just covered their precious thing.

Mabuti nalang at nandito ang mga baliw na to, kung wala sila siguro nagwala na ako
sa EDSA.

Binuksan nalang namin ang TV upang manood ng paborito naming palabas, nakakatuwa
kasi eh. Ang pamagat ng palabas ay 'Dora the Explorer'

Nakakatawa talaga itong palabas na ito, ngayon ko lang kasi ito nakita. Dahil nung
bata pa ako ay hindi ako mahilig tumingin ng mga ganitong palabas.

Nag-eenjoy na kami sa panonood nang biglang may mag-interrupt na Flash report.

Isang kakaibang nilalang ang bigla nalang lumitaw sa Quezon City, narito ang video
na kuha ng ilang mga saksi.

Pinalabas ang video at nakita ko ang isang dambuhalang halimaw na may katawang yari
sa bato, naglalagablab ang mga kamao nito.

"Tara!" Mabilis kaming nagsikilusan palabas.

Mukhang may mapagbubuntungan na ako ng galit ngayon, humanda kang halimaw ka!

Iisipin kong ikaw yung Cha-huahua'ng yun!

I will kill yoooouuuuuu!"

***

Chapter Ten

Mabilis kaming lumabas mula sa Plane X12. Nang makatapak kami sa lupain ay este
semento ng Quezon City ay yumakap kaagad sa amin ang kakaibang pakiramdam.
Ang hangin... Ang bigat nito sa pakiramdam, at kula sa kinatatayuan namin ay
naririnig namin ang mga sigaw ng mga tao at ang alulong ng halimaw.
"Evans, tara na" hinila ko na agad si Evans, sinama namin siya dahil makakatulong
siya sa sitwasyong ito.
Pagkarating namin sa lugar kung saan naroroon ang halimaw ay hindi magkamayaw sa
pagtakbo at pagsigaw ang mga tao. I looked around... The whole place was a mess!
May mga nasirang kotse na parang inapakan yata ng halimaw, may mga nasusunog na
buildings at stores, at may ilang taong wala ng buhay.
I looked at the monster, mga twenty feet ang taas, made of black and gray rocks ang
katawan and may naglalagablab na mga kamay at ulo.
"YUKO!" sigaw ko bago sinalag ang kamao ng halimaw na papunta sa aming siyam gamit
ang dalawa kong kamay. At habang sinasalag ko ang kamao ng halimaw ay mabilis kong
pinagapang ang elemto ng kidlat sa katawan ng halimaw, ngunit wala itong reaksyon,
mukhang hindi man lang ito naapektuhan.
"AHHH!" sigaw ko nang biglang umapoy ng pagkalakas-lakas ang kamao nito, damn!
Mabilis ko namang binalot ng elemento ng tubig ang aking katawan, habang sa
dalawang kamay ko ay pinagapang ko ang elemento ng yelo kung kaya't namatay ang
apoy sa kamao ng halimaw.
Ngunit bigla na naman itong nag-apoy, kainis.
"HOY! WALA KAYONG BALAK TULUNGAN AKO?!" nakatunganga lang kasi sila eh. Mukhang
nag-eenjoy silang manood.
Mabilis namang kumilos si Evans, ipinikit niya ang mata niya at mula sa
kinatatayuan niya ay may gumapang na puting liwanag patungo sa kinatatayuan ng
halimaw, pati narin sa amin.
Ilang segundo pa lang ang lumipas ay halos mapamura ako nang bigla akong mahulog
mula sa kinatatayuan ko dahilan upang mapapikit ako, nang idilat ko ang mga mata ko
ay nasa isang malawak na disyerto kami kasama ang halimaw.
"Ngayon solong-sola ka na naming pangahas ka!" Sigaw ko bago inilabas ang aking
puting pakpak na may halo ng ginto.
THIRD PERSON'S POV
Mabilis na nagsikilusan sila Yuki, gumawa ang dalaga ng napakalaking bola ng apoy
at ibinato ito sa kinatatayuan ng halimaw. Sumabog ito ngunit hindi man lang
naapektuhan ang halimaw.
Mula sa paanan ay mabilis na gumapang ang mga ugat ng puno na gawa ni Zyline at
pinuluputan ang katawan ng halimaw, sinundan ito ng naglalakihang tipak ng lupa na
gawa ni Audrey.
Sa tagiliran naman ay gumawa ng napakaraming boltahe ng kidlat si Sai habang fire
blades naman kay Jack, binato nila ito sa halimaw.
Mula sa likuran naman ng halimaw ay mabilis na binuo ni Paolo ang ipo-ipong may
kasamang matutulis na yelong gawa naman ni Mav. Idinirekta ito ng dalawa sa katawan
ng halimaw, ngunit kagaya ng atake ng iba ay wala rin itong epekto.
YUKI
"Peste kang bruha ka!!!" Inis na sigaw ni ko bago paulanan ng napakaraming boltahe
ng kidlat ang halimaw.
Sinundan ko pa ito ng mga naglalakihan at nagtutulisang mga ugat at baging,
ipinulupot ko ito sa katawan ng halimaw.
Papatayin kitang Cha-huahua ka!!
Hindi na makagalaw ang halimaw kung kaya't mabilis akong nagpakawala ng mga
matutulis na yelo at itinusok ito sa katawan ng halimaw, pero.... Tangna! Ang tigas
ng katawan! Sing tigas ng mukha ng babaeng yun.
"ARGH! BAKIT WALANG EPEKTO?!" inis na sabi ko habang patuloy parin sa pagpapakawala
ng mga boltahe ng kidlat.
Inikot ko ang paningin ko at nakita ko si Jack na hawak ang naglalagablab niyang
espada at sinalubong ang naglalagablab na kamao ng halimaw, nagsalpukan ang pwersa
nila at lumikha iyon ng crater.
Umatras ng bahagya si Jack at muli niyang hinampas ng hawak niyang espada ang kamao
ng halimaw, at mula sa kinaroroonan ko, nakita ko ang crack sa kamao ng halimaw.
Wait... Kung hindi siya tinatablan ng mga atake namin gamit ang kapangyarihan...
Maaari kayang matablan siya kung ang gagamitin namin ay ang mga sandata namin?
Itinaas ko ang kamay ko sa ere at hinayaang mag materialize ang aking gintong
espada, pagkahawat at pagkahawak ko palang sa espada ko ay mabilis kong ipinagaspas
ang pakpak ko at buong lakas kong hinampas ang likuran ng halimaw.
ROAR!
Umatungal ang halimaw ng pagkalakas-lakas nang mag-crack ang kaniyang likuran.
"UGH!" Daing ko nang matamaan ng kamay niya. Damn, hindi ko napansin yun! Tumama
tuloy ang katawan ko sa ground.
"Yuki!!" Mabilis akong itinayo ni Sai.
"Salamat" pagkasabi ko nun ay agad akong lumipad, pero bago ako sumugod ay
sinabihan ko muna ang mga kasamahan ko.
"Use your weapons! Mas may tiyansa tayong manalo kung gaagmitin natin yun"
Tiningnan ko si Evans na mukhang nahihirapan na, napapangiwi na kasi ito.
"Evans, kaya pa ba? Wag kang susuko... bibilisan naming talunin ang pesteng to"
"Just make it quick ate Yuki, Alam mo namang hindi ko pa masyadong kaya ang paggawa
ng dimension na magtatagal at hindi basta-basta masisira"
Alam ko yun Evans, wala talagang nagtatagal sa mundo, maging ang relasyon ay hindi
rin nagtatagal.... nasisira ito kahit sa isang simpleng dahilan lang.
Ibinaling ko ang atensyon ko sa nagwawalang halimaw, marami na palang cracks ang
katawan niya.. Good to know.
Huminga ako ng malalim at bumwelo bago malakas na inihagis ang gintong espada ko sa
kinatatayuan ng halimaw.
ROAR!
Atungal nito nang magkaroon ng malaking crack sa gitna ng tiyan nito na gawa ng
espada ko.
At dahil hindi ko na hawak ang espada ko, sinummon ko ang bagong weapon ko, ang
light scythe. Oo para itong karit ni kamatayan pero ang pinagkaiba lang ay kulay
ginto ito, ang ang blade nito ay may dekorasyon ng mga diyamante, at magkabilaan
ang blade nito, kumbaga kahit baliktarino ito, taas o baba man ang paghawak mo dito
may blade parin ito. Nakuha mo na ba? In short ang bawat dulo ng scythe ko ay may
golden blades decorated with diamonds.
"HAA!" Sigaw ko sabay hampas sa halimaw, napansin ko ang puting liwanag na
nilalabas ng talim ng sandata ay mas pinapalaki ang tipak ng mga batong nakabalot
sa katawan ng halimaw.
ROAR!
Unatungal itong muli kasabay ng kakaibang enerhiyang kumakawala rito, ang lakas!
ROAR!
At sa muling pag-atungal niya, nagsimulang mabalutan ng apoy ang katawan niya, apoy
na kahit malayo ka ay ramdam mo ang init.
"AHHH!!" sigaw namin nang mabilis na nagpakawala ng napakaraming naglalagablab na
bato ang halimaw.
What?! How come? Paano nagkaroon ng kapangyarihan ng apoy ang halimaw na ito?
Pakingteyp!

***

A/N: Guys, haha. miss me?

Join our FB Group : Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)

Chapter Eleven

Kung nakakayaman ang pagmumura siguro bilyonarya na ako! Kanina ko pa kasi ito
ginagawa.

"Pakyuu! Mamatay ka na!!!" Sigaw ko bago nagpakawala ng napakalaking alon ng tubig,


ngunit sinalubong lang ito ng napakalaking bola ng apoy kung kaya't nag-vaporized
lang ito.

Hingal na hingal na kaming lahat rito, kanina pa kami nakikipaglaban, at wala


kaming magawa dahil tangna! Hindi man lang naapektuhan ang halimaw! Kung kanina ay
nakakagawa kami ng crack sa katawan niya, ngayon ay sobrang imposible na.... kasi
wala ng katawan ang halimaw, kundi isa na itong apoy, literal na apoy!

"THAT'S IT! NABWIWISIT NA AKO" I said before flapping my wings, I summoned my air
armor, and in an instant... I can feel my overflowing power.

I motioned my right hand, at mabilis na nabuo ang napakaraming ipo-ipo, humalo rito
ang mga buhangin kung kaya't mas kumapal ito.

Sana naman umepekto na ito, dahil kanina pa ako naaawa kay Evans, nasisigurado kong
pagod na pagod na siya, kanina ko pa napapansin ang pagngiwi niya, nahihirapan na
talaga siya.

Nakakainis naman kasi eh! Bakit ba ganitong uri ng halimaw ang sumulpot sa Greiko?!
Kung yung mga common na halimaw lang sana.... Madali ko silang mapupulbos. Pero
ito? Damn. Kasama ko na nga ang mga kaibigan ko, ang hirap parin!

"Die you ugly monster!" Sigaw ko bago pagalawin ang mga ipo-ipo papunta sa
direksyon nito.

Matapos kong gawin yun ay sinummon ko kaagad ang earth armor ko bago pinalutang ang
naglalakihang tipak ng lupa sa paligid at idinirekta ito sa halimaw.

I looked at my friends, they are all wearing their armors.

Nagpalutang ng mga naglalakihan at nagtutulisang bato si Audrey, Si Zyline ay


pinalitaw ang nagtatabaang mga ugat ng puno na may tinik sa bawat gilid nito, si
Sai ay itinaas ang hawak na wand at may namuong makapal na itim na ulap sa itaas ng
halimaw, si Anna ay gumawa ng napakalaking whirlpool, Si Mav ay gumawa ng
nagtutulisang ice spikes, si Pao ay ginaya ang ginagawa ko, gumagawa siya ng mga
ipo-ipo, while Jack? Nasa tabi siya ni Evans, he can't do anything dahil baka mas
lumakas lang ang apoy na nanggagaling sa halimaw.

"Ngayon na!" Sigaw ko at sabay-sabay naming ibinato sa halimaw ang mga atake namin,
I heard the monster growled in pain before the loud explosion.

Dahil sa lakas ng impact ay natangay at tumalsik ako palayo sa halimaw, nakakain


tuloy ako ng buhangin!

Napuno ng alikabok at buhangin ang paligid, naging tahimik... Tanging mga


nagbabagsakang tipak ng lupa lang ang maririnig mo...

"Guys?" Tawag ko pero walang sumasagot.

"Tapos na ba?"

ROAR!

"Ay pota! Hindi pa pala" gulat kong sambit nang umatungal ang halimaw at napamura
na naman ako nang makita ang mga naglalagablab na bato papunta sa kinaroroonan ko.

Ikinumpas ko ang kamay ko at may lumitaw na Earth wall, doon tumama ang mga flaming
rocks. Lumipad ako at mabilis na inipon sa kamay ko ang alikabok at buhangin na
sagabal upang makita ko kung ano na ang nangyayari.
And another shit nang makita ko na hindi man lang nagalusan ang halimaw. Damn!
Halimaw nga siya.

Nakita ko naman ang papasugod na si Jack, walang takot siyang tumakbo upang
salubungin ang nagliliyab na kamao ng halimaw,

Nang magsalpukan ang kanilang pwersa ay nabingi ako sa lakas ng pagsabog ngunit
wala man lang natumba ni isa sa kanila. Grabe ka Jack! Nakaya mong pantayan ang
lakas ng halimaw... sana makayanan mo ring pantayan ang pagmamahal ko sayo.

But I was shocked to see something on his sword... mula kasi sa espada ni Jack na
nagliliyab ay may nakita akong parang itim na aura pero sandali lang iyon dahil
biglang humiyaw sa sakit si Evans...

"I can't take it anymore!!" Sabi nito bago namin maramdaman ang pagyanig ng
paligid, nabibiyak narin ang lupa, at unti-unting nawawala ang hangin sa paligid.

"Let's hurry... bago pa tayo mamatay! Ayokong mamatay ng virgin!" Natatarantang


sabi ni Zyline at hinila si Paolo.

"Wait... Mauna na kayo guys" I said before I moved my hands upward kasabay ng
paglitaw ng mga naglalakihang ugat ng puno na pumulupot sa katawan ng halimaw.

"Baka makasama ka pa sa amin! Much better kung maiiwan ka rito... kasabay ng


pagkawasak ng dimensyong ito" para lang akong tanga na nakikipag-usap sa kalaban
naming halimaw.

Neknek mong halimaw ka! Babay sayo mawawasak ka na kasama ng dimensyong ito! Blee,
pfft. Nagiging childish na naman aki.

Sumunod na ako sa portal na gawa ni Evans, and shit! Nakakasuka talaga, parang
nagrarambulan ang mga lamanloob mo sa katawan.

And the thing I saw earlier, yung dark aura sa espada ni Jack, totoo kaya yun? O
naghahallucinate lang ako?

Argh! Andami ng gumugulo sa isip at puso ko, nakakainis, I can't think straight.

Pagkalabas namin sa dimensyon ay agad kong inilipad si Audrey sa itaas....sa


himpapawid, we need to do something.

"Gawin mo na Aud" utos ko, tumango lang si Audrey bago niya itinaas ang kaniyang
wand.

She's reciting something na hindi ko maintindihan, ang unfair talaga ng mga


caster... may sarili silang language for spells and incantations purposes, kahit
Arankar ako at ako pa ang tagapangalaga ng Alzorian core, may limitasyon parin ang
kakayahan ko. Everything has it's own limitation, kagaya nalang ng pagmamahalan
namin.

Nang matapos si Audrey ay ang tanging naintindihan ko lang sa sinabi niya ay


'forget'

Mula sa dulo ng wand niya ay lumabas ang maraming maliliit na bola ng liwanag at
kumalat sa iba't-ibang parte ng kalangitan.

Akala ko yun na yun, pero hindi pa pala..


Mula sa isang bola ng liwanag ay may linyang gumuhit papunta sa isa, pagkatapos ay
mula sa isa ay may linya na namang gumuhit papunta sa isa pa hanggang sa makabuo
ito ng napakalaking magical circle na kulay dilaw na nagliliwanag, may simbolo ito
ng crescent moon at sa gitna nito ay may simbolo ng araw.

"Spraieteinn" sabi ni Audrey bago lumiwanag ng pagkatingkad-tingkad ang magic


circle at naglabas ng mga kumikinang na alikabok pababa.

Umuulan ng luminous dust ngayon sa buong Quezon City kung saan sumalakay ang
halimaw, hindi lang for the char ang ginawa ni Audrey, It was a Class A+ spell na
kayang burahin ang memorya ng isang nilalang.

Oo tama kayo, para sa aming kaligtasan ay binura ni Audrey ang memorya ng mga tao
sa Quezon City, madalas namin itong ginagawa. Minsan nga sa buong Pilipinas pa!
Kaya kung bigla nalang kayong may nakalimutan na kani-kanina lang ay tanda niyo
pa... Baka kami ang may pakana nun! Haha.

Nang mawala na ang magic circle ay inilapag ko na si Audrey sa lupa, pinuntahan ko


si Evans at pinagaling ito, pagkatapos ay sumunod na kaming dalawa sa Plane X12.

Naunang pumasok si Evans, susunod na sana ako pero napatigil ako nang maramdaman ko
ang isang pamilyar na enerhiya..

Inikot ko ang mata ko sa buong paligid, and right there... Standing next to the
lamppost...

Kahit kalahati lang ng mukha niya ang natatamaan ng liwanag mula sa lamppost,
kilalang-kilala ko kung sino siya.

Hinding-hindi ko siya makakalimutan! Napansin kong may kasama pa siya... At


pamilyar rin ang kasama niya... Paano siya nabuhay?!

Tumalikod na ako at mas piniling balewalain nalang ang nakita ko.

"Yuki Amina" tawag nila sa akin, paglingon ko


.
.
.
.
.
.
.
.

Wala nang tao.

What is happening to me?? Am I hallucinating? Hindi naman ako nag-aadik,

Sa dalawang bagay lang naman ako adik eh, sa pagmamahal at pagpapakatanga!

***

A/N: Hala! Sino kaya ang nakita ni Yuki? May alam ka ba? Comment mo nga ;)

Chapter Twelve
"Mmmmm, ano ba... Stop it Jack... Nakakakiliti.."

Nakakainis tong Jack na to, alam naman niyang nakikiliti ako kapag dinidilaan yung
leeg ko pero ginagawa parin niya--- wait? Oh my!

Napabalikwas ako nang mapagtantong nasa kwarto ko si Jack, pero pagdilat ng mga
mata ko.... Wala siya, si Kiyu lang pala ang dumidila sa leeg ko.

(Ang sakit talagang umasa)

"Kiyu, good morning" binuhat ko si Kiyu at niyakap ito, at dinilaan na naman niya
ang pisngi ko dahilan upang mapangisi ako.

"Mabuti ka pa Kiyu, hindi ako iniiwan, palagi kang nasa tabi ko at handang ialay
ang buhay para lang sa kaligtasan ko, ikaw nalang yata ang loyal sa mundo eh"

"Shuuck"

Napatingin ako kay Kiyu... Sa mga mata niyang nangungusap, nakuha ko naman ang
gusto niyang ipahiwatig, he wants to see his co-guardians.

"Talaga? Gusto mong makalaro ang ibang guardians ko?"

"Shuuck" he answered and wiggled his tail.

"Okay, ngayon lang ha?"

"Shuuck" he answered and licked my cheeks.

I closed my eyes and ready my self, I focused my mind.

"Somnar Sederies

Somnar Framma

Somnar Aersies

Somnar Isyviel

Somnar Nascie

Somnar Aluna"

After chanting the summoning spells, the whole room was covered with a blinding
light, kaya ginamit ko ang kanang kamay ko upang takpan ang mata ko.

"Prinsesa"

Inalis ko ang pagkakatakip ng mga mata ko, bumungad sa akin ang mga guardians ko.

"Magandang araw! Matagal-tagal naring hindi ko kayo natatawag ah"

"Oo nga prinsesa" nakangiting saad ni Alhea.

"Sige maglaro na muna kayo. Kiyu masaya ka na?"

"Shuuck"
Naligo na ako at nagbihis bago lumabas upang mabigyan sila ng time upang mag
reunion.

Tinahak ko ang daan papunta sa silid kung nasaan nakalagay ang mga core pieces.

Habang naglalakad ako sa pasilyo at hindi ko mapigilang mapangiti nang makitang


masayang nagsasanay ang mga vessels sa paggamit ng mga mahika nila. Ilang buwan na
ba? Ilang buwan na ba ang lumipas simula ng itayo namin ang paaralang ito? Ang
tahanan ng mga vessels? Ang bilis talaga ng panahon, noon halos mamatay na kami
makumbinsi lang ang mga vessels na pumasok rito. Sobrang hirap ng mga pinagdaanan
namin noon, pero seeing how the vessels grow, how they smile and laugh just made me
realize that every sweat we spent building this academy was all worth it. That's
why, I won't let anyone destroy this place, I will do everything just to protect
this place.

Hindi ko namalayan na narito na pala ako sa harap ng silid kung saan namin
inilalagay ang mga core pieces.

( Hindi ko talaga namalayan.. Hindi ko namalayan na niloloko lang pala ako ng taong
mahal ko)

Binuksan ko ang itim na double door na may pentagram na design at bumungad sa akin
ang isang malaking silid, walang mga bintana at walang sahig. Oo walang sahig,
isang napakalalim na bangin ang nasa loob ng silid na ito.

Sa pinakagitna nito ay may isang nakalutang na pabilog na lamesa kung saan


nakapatong ang isang kahon na kinapapalooban ng mga core pieces.

Inilabas ko ang pakpak ko, ipinagaspas ko ito. Unti-unting umangat ang aking
katawan hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan ng mga pirasong nakolekta namin.

Sa loob ng kahon, nakalutang ang mga piraso ng cores. Kinuha ko ang kahon at
lumipad na palabas ng silid.

Dumiretso ako sa aking opisina. Pagkarating ko ay inilapag ko sa aking lamesa ang


kahon at dali-dali kong kinuha ang aking cellphone.

To: Audrey, Anna, Zyline, Mav, Paolo, Sai, Jack<3

Guys, pumunta kayo ngayon dito sa office and get ready for today, we will going to
meet Andromeda. Bilisan niyo.

Gt.

After texting them ay tinungo ko muna ang aking paboritong lugar ng aking opisina,
ang malaking glass window kung saan kitang-kita ang field ng Hidden Academy.

"Good morning bff!" Napalingon ako dahil may nagsalitang timawa, biro lang.

"Good morning din Zyline" I looked at them, they are all ready, I can see
determination on their eyes.

"Let's Go?" Sabi ko sa kanila pero na kay Jack lang ang tingin, nagtagpo ang mga
mata namin pero umiwas siya, damn ang sakit.

"Yeah!" Excited nilang sagot. Matamlay kong kinuha ang kahon bago sumunod sa kanila
papuntang field kung saan nakalagay ang PlaneX12.

"Good morning po sa inyo" bati sa amin ng tatlong magagandang dilag na kasalukuyang


nakasuot ng training suit na kulay itim na hapit na hapit sa kanilang katawan.

"Good morning din sa inyo Briannia, Khione and Aika" bati ko sa kanila na sinundan
naman ng mga kasamahan ko.

"Saan po kayo pupunta?" Tanong ni Aika.

"Sa malayong lugar" sagot ko na ikinanguso niya, ayaw kasi nilang umaalis kami ng
HA, natatakot silang baka hindi na kami makabalik.

"Mag-iingat po kayo!" Nakangiting sabi nilang tatlo, ngiting pilit na ikinukubli


ang takot at pangamba.

"Naman! Mag-iingat kami, kami pa!" Sagot ni Audrey at tinapik ang balikat ng tatlo.

Umalis na sila, nang makalapit kami sa PlaneX12 ay hindi ito nag-activate kaya
nagtaka kami. Pero maya-maya pa ay nag-activate na ito, ano kayang nangyari?

Agad na bumukas ang pintuan nito at sumakay na kami, may kaniya-kaniyang pwesto
kami gaya ng dati. Pero ako, hindi ko alam kung saan ako lulugar. Parang ayoko
munang makatabi si Jack, kaya umupo nalang ako sa pinakalikod.

"Yuki sure ka na dyan ka uupo?" Tanong ni Sai.

"Ah oo. Hehe trip ko eh, matutulog kasi ako" sagot ko sabay ngiti ng pilit at
sumandal sa upuan.

"Pe---"

"Wag mo ng istorbohin si Yuki, matutulog nga siya diba? Ako nalang ang istorbohin
mo"

Salamat talaga Audrey you're my savior. I looked at the pilot of this plane...
Kahit likod niya lang ang tinitingnan ko hindi ko maiwasang mapangiti at malungkot.

Mapangiti dahil minsan ay nakasama at minahal ako ng lalaking hindi ko inaasahang


mamahalin ko nang husto. At malungkot... Di ko maiwasang malungkot dahil... dahil
ang taong noo'y dahilan ng mga ngiti at kilig ko ay siya nang dahilan ng sakit na
nararamdaman ko.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko nang magsimula ng umandar ang PlaneX12. Pero
iminulat kong muli dahil tanging mga masasayang alaala lang namin ni Jack ang
nakikita ko. Ang mga masasayang alaala na mas lalong nagpapatindi ng sakit na
nararamdaman ko. Totoo nga'nt bad memories causes pain, but good memories causes
more pain.

Akala ko talaga isa na ako sa pinaka makapangyarihang nilalang sa mundo, pero hindi
pala. May hindi pala ako kayang talunin... Hindi ko kayang talunin ang aking
nararamdaman, I can't fight my feelings and I hate it.

Again... A tear escaped my left eye, umiiyak na naman ako, nagiging O.A na ako ah.
Hindi na bagay sa character ko.

Gulong-gulo na ako! Damn. Maraming mga bagay na ang gumugulo sa akin... Yung mga
pangyayari this past days, yung paglitaw ng pesteng Cha-huahuang yun, argh! Nagulo
ko nalang ang mahaba kong buhok.

"Fuck!" Mura ni Jack nang magsimulang umalog ang aming sinasakyan, napahawak ako sa
inuupuan ko.
"What's happening?" Tanong ni Pao na napatayo na.

"Wag ka ngang magtanong, as if naman may sasagot sa atin bebe Pao, lahat tayo
clueless okay?" Sagot ni Zyline, tama naman siya.

"AHH!" sigaw namin nang biglang magpaikot-ikot ang PlaneX12.

Naiinis na ako! Panira ng moment.

Pero mas nainis pa ako nang marinig ang sinabi ni Mav.

"May mga kalaban!!!"

Na naman?!

***

Comment-vote-share this story.

Join our FB Group:

Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)

| n a u g h t y j a c k y y |

Chapter Thirteen

Nang bumukas ang pintuan ng PlaneX12 ay ipinahawak ko muna kay Anna ang kahon na
naglalaman ng core pieces bago ji mabilis na inilabas ang aking mga pakpak at
pinalibutan ng elemento ng kidlat ang aking sarili. Nagngingitngit ako ngayon,
naggigigil ako! Gusto kong pumatay ng mga pesteng tao.

Pagpagaspas ko ng pakpak ko ay sinalubong kaagad ako ng malamig na hangin, at mula


sa makapal na kumpol ng ulap ay may lumabas na mga taong nakasuot ng mga itim na
kasuotan na nakasakay sa mga lumilipad na walis, kung bibilangin nasa sampu
hanggang labinglima silang lahat.

Nilingon ko ang eroplano namin at mabuti nalang hangin ang elemento ni Paolo,
nagagawa niyang kontrolin ang hangin upang mapanatili ang balanse nito.

"Anong pakay niyo rito?" Matalim to silang tiningnan nang tanging ngisi lamang ang
isinagot nila sa aking tanong.

"Ibigay mo sa amin ang mga core pieces, Arankar" sabi ng isang babaeng may hawak-
hawak na dalawang pulang bola sa kaniyang magkabilang kamay.

"Ano ako? Uto-uto? Hindi ko ibibigay sa inyo ang core pieces" matigas kong sagot na
ikinunot ng kaniyang noo.
"Puwes kung gano'n pipilitin namin itong kunin mula sa inyo! Mga kasama sugurin
siya!" Sa isang iglap lang ay napapalibutan na ako ng mga pangit na kalaban na
magkakapareho ang mukha, wait magkakapareho? Clones pala sila!

Kung gano'n, dalawang tao lang ang kalaban ko.

"Mamatay kana Arankar!" Sigaw ng babae bago ako batuhin ng mga pulang bolang hawak
niya na sumasabog ng pagkalakas-lakas dahilan upang mahawi ang mga ulap sa
kalangitan.

Gaganti na sana ako nang sabay-sabay na sumugod ang mga clones sa akin kung kaya't
ang ginawa ko ay lumipad ako nang pagkataas-taas upang makaiwas ako sa kanila, pero
nakakainis lang dahil sinusundan nila ako!

Binilisan ko pa ang paglipad, ramdam na ramdam ko ang paghampas ng malamig na


hangin sa aking mukha, hindi ko magawang makalayo sa kanila dahil mabilis rin ang
sinasakyan nilang walis na hindi ko alam kung sino ang gumawa.

Sunod sunod na pagsabog ang naririnig ko sa aking likuran at sa iba't-iba pang


parte ng kalangitan dahil sa babaeng 'yon, habang ang mga lalaking clones naman ay
pinalilibutan ako.

Nang tingnan ko ang eroplano namin ay maayos na ito at nailayo ko narin ang mga
kalaban na siyang plano ko sa una palang.

Sumilay sa aking mukha ang isang ngiting tagumpay kasabay ng pamumuo ng makapal na
itim na ulap sa palibot ko at ng mga kalaban, paikot ang galaw nito na sinasabayan
pa ng elemento ng hangin na ako ang may pakana.

"Anong gagawin mo?" Medyo kinakabahang tanong ng babae, kanina ang tapang-tapang
mo? Ngayon para kang isang asong bahag ang buntot.

"Gagawin? Wala... wala" nakangising wika ko bago itinaas ang kamay ko sa ere
kasabay ng pagbilis ng pag-ikot ng itim na ulap nanagkukulong sa amin.

Mula sa mga ulap na gawa ko ay may mga namumuong boltahe ng kidlat na kayang
pumatay ng isang tao sa isang tirahan lang.

"Bwisit, mamatay kana!" Sigaw ng babae bago ako pagbabatuhin ng mga pulang bola
niya pero ikinumpas ko lang ang kamay ko at tinangay na ito nt hangin palayo sa
akin at doon ito sumabog sa taas.

"Kayo ang mamamatay" sagot ko bago nagsimulang bumulusok ang mga boltahe ng kidlat
sa kanilang direksyon, kitang-kita ko kung paano sumabog at mag-anyong usok ang mga
clone hanggang sa dalawang tao nalang ang natira.

"Ha! Hindi kami namatay babae, kaya ngayon pagsisisihan mong binuhay mo pa kami!"
Sigaw ng lalaki bago ito nagsimulang dumami nang dumami, pero kahit na katiting na
takot ay wala akong naramdaman.

Nginitian ko lang sila, ngiting nagpapaalam.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang kumawala ang napakalakas na enerhiya ng


pinagsamang hangin at kidlat sa aking katawan.

Pagmulat ko ng aking mga mata ang nakita ko nalang ay ang dalawang umuusok na
katawan ng nga kalaban, pero hindi pa doon nagtatapos ang lahat, mula sa magkabila
kong palad ay gumawa ako ng dalawang fireball at ibinato ko ito sa kanila, isang
malakas na pagsabog lang ang narinig ko bago ako lumipad pabalik sa eroplanong
sinasakyan namin.

Pagkabukas ng pinto ay agad akong pumasok at hinintay na tanungin nila ako kung
ayos lang ba ako, o kung nasaktan ba ako, pero wala. Hindi nila ginawa.

Lihim akong nadismaya, alam ko namang hindi nila 'yon itatanong sa akin pero
masakit parin pala kapag naranasan mo na talaga.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at hinayaang lamunin ako ng antok.

~~~

"Yuki gising na, malapit na tayo" nagising ako dahil sa pagtapik ni Audrey sa aking
pisngi. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko sa baba ang napakalawak na
karagatan at ang tatlong isla na parang triangle ang porma kung pagdudugtungin mo.

Isinuot ko ang seatbelt at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa upuan, ilang saglit pa


ay narinig na namin ang salitang magpapaikot sa aming mga sikmura.

"Bermuda Triangle mode on, please fasten your seatbelts"

Pagkatapos sabihin 'yon ng PlaneX12 ay naramdaman ko nalang ang mabilis na pag-ikot


ng eroplano dahilan upang magrambulan ang mga bituka ko, ramdam ko na sa oras na
ibubuka ko ang bibig ko lalabas lahat ng kinain ko.

Rinig na rinig ko rin ang impit na sigaw ng mga kasamahan ko, marahil pinipigilan
nilang sumigaw ng malakas dahil baka masuka sila.

Ito ang dahilan kung bakit iniipon muna namin ang nakokolekta namng core pieces
bago namin ito ibigay kay Andromeda, dahil hindi namin gustong magpabalik-balik sa
Bermuda Triangle. Ang lugar kung saan pinaniniwalaan ng mga tao na isang
misteryosong lugar at binabalot ng hiwaga na totoo naman talaga, at sa tuwing may
dumadaan ritong mga sasakyang pandagat at pang himapapawid, kung hindi lulubog ay
mawawala.

Dahil 'yon sa dalawang kadahilan. Una, dahil dito namin napiling ilagay ang lugar
kung saan isasagawa ang ritual ng pagbubuo ng dalawang cores, sinigurado ni
Andromeda na mahirap itong pasukin ng kahit ninuman. Mas nilakasan niya ang
gravitational pull sa lugar na ito dahilan upang mahirapang lumutang ang mga barko
at lumipad ang mga sasakyang pang himpapawid rito. Pangalawa, nawawala ang mga
sasakyan dahil nahuhulog sila sa isang black hole na lagusan papunta sa ibang
dimensyon, sa ibang mundo. Ang black hole ring ito ay may kakayahang e block ang
signal ng radars.

Dahil rito nahihirapang pasukin ng mga mortal na tao ang Bermuda Triangle at
tanging mga Alzorians at Vessels lamang ang may kakayahang makapasok rito.

Nakahinga ako nang maluwag nang tumigil na sa pag-ikot ang eroplano at naging
normal na ang paglipad nito, ilang sandali pa ang lumipas ay naramdaman ko ang
paglapag ng eroplano sa karagatan, unti-unti naring nagbago ang anyo ng eroplano
hanggang sa maging isa itong submarine.

Pagkalubog namin ay naaliw ako sa mga isdang nakikita ko na pinalilibutan ang buong
Atlantis, ang kastilyo sa ilalim ng Bermuda Triangle kung saan nakatira si
Andromeda kasama pa ang ilang piling Alzorians.

Ang Atlantis ay napapalibutan ng isang barrier na gawa mismo ng sinaunang Arankar


dahilan upang hindi ito mapasok ng tubig, may mga puno ring nabubuhay rito, mga
buhay ilang kagaya ng mga usa at rabbit, may mga paru-paro rin at iba pang insekto.
Huminto ang submarine sa harap ng kastilyo, mula sa barrier ay may lumitaw na kulay
puting pabilog na lagusan. Bumalik muli sa dati ang anyo ng PlaneX12 bago ito
pumasok sa lagusan.

Pagkalapag namin ay sinalubong kami kaagad ng sinaunang Arankar, ibinigay ko sa


kaniya ang kahon at tumuloy na kami sa loob kastilyo.

Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakapasok, nakarinig na naman kami ng mga
pagsabog sa labas na parang sisirain ang barrier.

***

JOIN OUR FB GROUP!

Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)

Guys, hindi ko na mareplyan ang mga comments niyo. Nasasapawan kasi eh. Di ko na
makita huhu. Sorifu. Pm niyo nalang ako :*

Chapter Fourteen

"Andromeda mauna kanang pumasok sa loob at dalhin mo itong mga piraso ng dalawang
cores" pag-uutos ko bago mabilis na sinundan ang mga kasamahan kong nauna nang
salubungin ang mga kalaban.

Wala ba kaming oras para magpahinga? Palagi nalang may sumusugod na mga kalaban.

Pagkalabas ko ay nakita ko ang grupo ng mga taong nakaitim na nasa loob ng isang
malaking bolang gawa sa salamin. Ngunit may isang taong naiiba ng kulay sa lahat,
isang babaeng naka-pink, babaeng nakakapagpakulo ng dugo ko, si Cha-huahua!

At halos madurog ang mga ngipin ko sa panggigigil nang makita ko kung sino ang
kasama niya, kasama niya si Gin, ang lalaking may kakayahang gumawa ng barrier,
isang miyembro ng wiccan tribe. Ang lalaking nakita ko nung bago ako pumasok sa
PlaneX12.

Silang dalawa ang nakita ko, sila ni Cha-huahua.

"Anong kailangan niyo?" Tiim bagang na tanong ni Zyline habang inihahanda ang
sarili sa pagsugod.

"Alam mo na 'yon girl" sagot ng bruha kong karibal at bahagya pang inikot ang mata.

"Magtatanong ba ako kung alam ko na? Bobo mo girl" sagot ni Zyline na ikinainis ng
bruha, lihim akong napangiti.

"Sirain ang barrier" utos ni Gin sa mga kasama niya. May isang lalaking humakbang
sa unahan nila Gin at itinaas niya ang kaniyang kanang kamay, umilaw ito ng kulay
violet, hanggang sa may namuong isang itim na portal sa harap ng barrier at lumabas
ang mga bangkay na naaagnas na. Pilit nilang sinisira ang barrier ngunit wala itong
epekto.

Habang may isang lalaki na naman ang humakabang sa unahan nila at naglabas ng
napakaraming Deofrix, whatdafack? He summoned numerous Deofrix para sirain ang
barrier pero walang nangyari.

Inihanda ko na ang sarili ko, naglabas ako ng puting usok na may mga hibla ng
kidlat, nagpaikot-ikot ito sa katawan ko. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang
nahihirapang mukha ni Jack, napahawak siya sa kaniyang puso.

Agad ko siyang dinaluhan ngunit humiyaw siya nang pagkalakas-lakas nang magdampi
ang aming mga balat.

"Anong nangyayari sa kaniya?!" Tarantang tanong ni Audrey, nagsilapitan ang mga


kaibigan ko sa amin ni Jack.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, bigla nalang siyang nagkaganyan. Parang may
nararamdaman siyang matinding sakit" nag-aalalang sabi ko.

"Heal her Yuki" Paolo suggested.

Tumango ako at itinapat ang palad ko sa puso ni Jack, mula rito ay may lumabas na
puting usok, babanggitin ko na sana ang healing spell nang humiyaw na naman ito sa
sakit. Anong nangyayari sa kaniya?

"Mukhang lumalabas na" napatingin ako kay Gin na nakangisi habang nakatingin kay
Jack.

"Anong lumalabas?" Mav asked.

"Ang kasamaan sa kaniyang katawan" sagot naman ni Cha-huahua.

Kasamaan? Anong ibig niyang sabihin?

Hahawakan ko na sana si Jack nang bigla nalang maglabasan ang napakainit na apoy sa
kaniyang katawan, paano nangyari 'yon? He's a slayer, paano niya nagawang
magpalabas ng elemento ng apoy without using his sword?

At mula sa red orange na apoy ay nahaluan ito ng itim na lalong nagpainit ng apoy
niya dahilan upang lumayo kami. Kahit hindi kami natatamaan ng apoy parang
malalapnos ang balat namin dahil sa init.

"J-jack" tawag ko rito nang magsimula itong tumayo ng nakatungo, hindi ko makita
ang mukha niya, tumigil na siya sa paghiyaw kaya mas kinabahan ako.

"Sa wakas, magiging akin narin siya!" Matalim kong tiningnan ang bruha nang sabihin
niya 'yon. Hinding-hindHinding-hindi mapapasakaniya ang mahal ko.

"Sett, palutangin ang buong isla" utos ni Gin. May isang babaeng lumabas sa
sinasakyan nilang bola, umilaw ng pagkatingkad-tingkad ang katawan nito bago kami
nakaramdam ng pagyanig at unti-unti naming nararamdaman ang pag-angat ng kastilyo
hanggang sa tuluyan na itong lumutang sa tubig.

Hindi na nakalubog ang Atlantis!

"Anong namgyayari?" Tanong ni Andromeda na kasalukuyang nakalabas na ang kaniyang


puting pakpak. "Bakit nasa ibabaw na ng karagatan ang Atlantis?!" Gulat nitong
sabi.

"Gawa yan ng isang vessel" sagot ko ngunit na kay Jack parin ang tingin. Nakatungo
parin siya at hindi gumagalaw.
"Ngayon magagawa ko na ang nais ko" sabi ni Gin bago lumabas ng barrier nila at
itinapat ang kamay nito sa harang ng Atlantis.

At mula sa kamay niya ay unti-unting natutunaw ang harang na ginawa namin hanggang
sa mawala ito ng tuluyan.

"Kunin ang lalaking slayer" utos nito bago magsikilusan ang mga kasama niya.

Nagbago ang anyo ni bruha at naging isang dragon ito. Inilabas ko ang pakpak ko at
sinalubong ang dragong higad.

"Hinding-hindi mo maaagaw sa akin ang boyfriend ko" sabi ko bago ko binalot ng bato
ang kanang kamao ko at malakas na sinuntok ang mukha ng dragon.

She growled in pain.

"Ugh!" Daing ko nang matamaan ako ng buntot niya, I can even imagine her smirking.

"Fuck you!" Mura ko bago gumawa ng dalawang ipo-ipo na ibinato ko sa kaniya, umiwas
siya. Ngunit hindi niya napansin ang ginawa kong air blades kung kaya't nasugatan
ang makapal nitong balat, singkapal ng mukha niyang mukhang puwet.

Tiningnan ko ang mga kaibigan ko sa baba, abala sila sa paglalaban habang si Jack
ay hindi parin gunagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Anong ginagawa niya? O anong
nangyayari sa kaniya?

"Ugh!" Hindi ko napansin na nakabawi na pala ang bruhang dragon. Mabilis kong
ikinampay ang nga pakpak ko at hinayaang balutin ng kidlat ang bawat balahibo nito,
tingnan nalang natin kung makakayanan mo pa ang Fundiere Lightning Form ko.

Singbilis ng kidlat kong nilipad ang distansiya naming dalawa. Nabigla siya sa
ginawa ko at hindi na nakaangal pa nang tuluyan kong mahawakan ang leeg niya.

At mula sa mga kamay kong nakahawak rito ay pinadaloy ko ang napakaraming boltahe
ng kidlat na nagpahiyaw ng husto sa dragon hanggang sa mawalan ito ng malay.

Lumapag ako sa gilid ni Anna na hingal na hingal na, maging ang iba pa naming
kasama.

"Haelien" I cast.

"Salamat Yuki" Anna said while smiling.

"Tapusin na natin 'to bff" sabi ko bago ikinumpas ang kamay ko sa ere at pinagalaw
ang tubig sa dagat, ganun din ang ginawa ni Anna.

Pinagyelo ko ito at dinurog sa maliliit na piraso at hinayaan ko itong magpaikot-


ikot sa ipo-ipong ginawa ni Paolo.

"Die!" We shouted in chorus bago nagsimulang umulan ng matutulis na tipak ng yelo


sa kanilang direksyon.

Pagkatapos ng atakeng 'yon, nabalot ng usok at katahimikan ang buong paligid. Nang
mawala ang usok ay nakita ko sa loob ng bolang gawa ni Gin ang mga kasamahan niya.

Ni hindi man lang sila nagalusan!

Napatingin ako sa bitbit niya at hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa pagiging


pabaya ko! Nakuha nila... Nakuha nila si...
"Paalam Arankar!" Huling sabi nito bago nawala na parang bula sa ere.

"IBALIK NIYO SA AKIN SI JACK!"

***

Pm niyo ako dahil di ko na mareplyan mga comments niyo :( nasasapawan na kasi :3 by


the way salamat sa 2.2k notifs!

Join our FB Group!

Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)

Chapter Fifteen

"Magpahinga kana muna bff, baka mapagod ka nang husto" sabi ni Anna habang
binibigyan ako ng tubig.

Kakatapos ko lang libutin ang buong Makati, nagbabakasakaling mahanap ko si Jack


pero hindi... wala... Ilang araw ko na itong ginawa pero wala paring improvement.
Wala parin!

"Hindi ako magpapahinga hangga't hindi ko nahahanap si Jack, Anna. Hinding-hindi


ako mapapagod na hanapin siya" sabi ko bago sumalampak sa sofa at nilaro si Kiyu.

Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap si Jack, baka kung ano ang
gawin nila sa kaniya.

"Bff, tutulungan ka nalang namin" sabi ni Zyline na agad kong tinutulan.

"No, magbabantay kayo rito sa HA, baka salakayin ito ng mga kalaban, hinding-hindi
ko kayo mapapatawad kapag pinabayaan niyo itong paaralang ito" sabi ko.

Nagbuntong hininga silang anim bago magkasabay na tumango.

"Aalis na ako" sabi ko at hindi ko na hinintay ang sagot nila, inilabas ko ang
pakpak ko lumipad na papunta sa kung saan.

Hindi pa namin magagamit ang PlaneX12 dahil wala pa si Jack, at sa katunayan nga
naiwan namin 'yon sa Atlantis, kaya ang ginawa namin ay nagpatulong kami kay
Andromeda. She teleported us papunta sa HA.

Ilang oras pa akong lumilipad nang may mamataan akong anino ng isang dragong
papunta sa direksyon ko, kaya agad kong inihanda ang sarili ko. Pinadaloy ko sa
isang kamay ko ang elemento ng apoy habang sa isa naman ay ang elemento ng hangin.
Sisiguraduhin ko na ngayon na mapapatay ko na ang babaeng 'yon.
Aatakihin ko na sana siya pero napatigil ako nang makita kong may kasama siyang
isang lalaki, isang lalaki na kailanman hindi ko malilimutan.

Kasama niya si Jack.

Tiningnan ko ang kabuuan ni Jack, parang may nagbago sa kaniya... parang hindi na
siya ang lalaking nakilala ko.

Umatungal ang dragon nang makita niya ako, pero wala akong pakialam sa kaniya,
nanatili akong nakatitig sa lalaking kasama niya. Parang hindi siya si Jack.

Inilagay ko sa likod ng tenga ko ang buhok kong tinatangay ng hangin.

Ngumisi ang lalaki bago niya ako batuhin ng isang bola ng apoy, mabilis ko naman
itong nailagan. Pero hindi ko nailagan ang katotohanang tinangka akong saktan ng
lalaking labis kong minahal.

"Kamusta ka, Arankar?" Malamig nitong tanong na pumiga sa puso ko, hindi niya ako
tinawag sa aking pangalan. Ngayon alam ko na na hindi siya si Jack.

"Nasaan si Jack?" tanong ko.

"Nasaan? Nasa harap mo Arankar, ako si Jack" sagot nito habang nakangisi parin.

"Hindi ako naniniwala sayo" pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi siya si
Jack.

"Puwes sa tingin ko maniniwala kana rito" sabi nito bago inilabas ang kaniyang
espadang naglalagablab.

At doon na ako napaluha, bakit? Bakit kailangang maging ganito pa ang lahat?

"Jack bumalik kana... Huwag kang sumama sa kanila... Please, bumalik kana sa HA"
pangungumbinsi ko rito.

"Oo babalik ako Arankar, basta kung ibibigay mo sa akin ang lahat ng piraso ng
dalawang cores" sabi nito na ikinainis ko.

"Hindi ko iyon ibibigay sa iyo, hinding-hindi. Hindi ako magpapabulag sa pag-ibig


ko sayo, kahit na sobrang mahal kita na kaya kong ibigay lahat sayo... Hinding-
hindi ko parin isasakripisyo ang kapakanan ng nakararami" sagot ko dahilan upang
malukot ang mukha nito.

Mula sa kanang kamay niya ay may namuong bola ng apoy na may halong itim na usok.
Paano niya 'yon nagagawa?

Ibinato niya ito sa akin pero sinalubong ko ito ng isang air blade.

"Binubwisit mo ako Arankar, kung hindi mo ibibigay sa akin ang mga hinihingi ko,
kukunin ko ito ng sapilitan. Walang makakapigil sa akin, walang makakapigil sa
aking paghihiganti! Babawiin ko ang dapat na sa akin!" Huling sabi nito bago sila
balutin ng isang itim na usok at naglaho sa hangin.

Anong sinasabi niyang paghihiganti? Hindi ko siya maintindihan. Talagang hindi siya
si Jack, alam ko 'yon, hinding-hindi ako maniniwala sa kaniya na siya ang lalaking
minamahal ko! Iba siya alam ko 'yon, alam ng 'yon ng puso ko.

Dali-dali akong bumalik ng HA at pinulong ko ang mga kaibigan ko.


"Sigurado ka ba d'yan Yuki?" Paninigurado ni Paolo.

"Oo Pao, sigurado na ako na may mangyayaring pagsugod sa mga susunod pang mga araw,
kaya kaikangan nating maghanda, kailangan nating siguraduhin ang kaligtasan ng mga
vessels at ng mga core pieces"

"Paano naman Yuki?" Tanong ni Sai.

"Sa pamamagitan ng pagpunta sa Atlantis, iiwan natin ang mga vessels sa


pangangalaga ni Lola Magrett, gagawa ko ng portal papuntang Atlantica kung saan
naroroon si Lola, pagkatapos nitong meeting natin gagawin ko 'yon"

"O sige huwag na nating patagalin, tara na at maghanda na tayo!" Sabi ni Anna at
nauna ng lumabas ng opisina.

Sumunod na kami sa kaniya, pagdating namin ay nagsipuntahan na ang mga vessels sa


field, marahil ay pinatawag silang lahat ni Anna.

"Mga minamahal naming vessels, kailangan niyo na munang umalis rito, pupunta kayo
sa ibang paaralan upang doon muna mamalagi hanggang hindi pa namin natatapos
resolbahin ang problemang kinakaharap namin ngayon"

Nakarinig kami ng mga pagtutol sa sinabi ni Anna.

"Wala ng tututol, lahat ay susunod sa sinabi ko sa ayaw at sa gusto niyo! Kaya


ngayon pila at pumasok kayo sa portal na 'yan!" Tinuro ni Anna ang portal na ginawa
ko.

Kung bakit kasi kami nalang ang hindi pa natatapos sa pangongolekta ng mga piraso
eh. Oo, tama kayo ng rinig. Tanging kami nalang ng mga kasamahan kong nadestino
rito sa pilipinas ang hindi pa tapos kolektahin ang mga pirasong naririto. Kaya
ngayon, kami ang pinupuntirya ng mga kalaban.

Kaya kailangan naming magmadali upang makapunta na kami sa Atlantis dahil


nasisiguro kong 'yon ang uunahin nilang sugurin.

Bakit kailangan pa kasing pag-awayan ang mga pirasong 'yon? Tsaka ano kaya ang
totoong nangyari kay Jack? Bakit siya nagkaganon?

Argh, nakakainis!

***

FB Group:

Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)

~ pm niyo lang ako kung gusto niyong makipag-usap sa akin hehe :*

Chapter Sixteen

"Abre porta de Atlantis" pagkasabi ko ng spell ay kaagad na lumitaw ang isang


pabilog na portal sa harap namin.
"Tara na" nauna na akong pumasok, hindi kagaya ng portals papuntang Alzora na
nakakahilo, ang portal papuntal Atlantis maging sa ibang lugar ay para ka lang
dumadaan sa isang malamig na lagusan.

Pagkatapak ko sa sementadong sahig ng Atlantis ay nakahinga ako ng maluwag nang


makitang walang kahit na anong bakas na inatake ito.

"Magandang araw Yuki, bakit kayo bumalik kaagad dito? May problema ba?" Inosenteng
tanong ni Andromeda na kakalabas lang mula sa loob ng kastilyo.

"May malaking problema nga tayo Andromeda, at kapag hindi natin ito nasolusyunan
maaaring maging katapusan na ito ng mga Alzorian maging ng mga tao" sagot ni Anna
na sinang-ayunan naming lahat.

"Anong ibig mong sabihin? At bakit hindi niyo kasama si Jack, anong nangyari sa
kaniya?" Nagtatakang tanong nito, bahagya pa ngang kumunot ang kaniyang mala-anghel
na mukha.

"Si Jack? Si Jack na hinahanap mo ay nasa panig ng mga kalaban, hindi namin alam
kung bakit siya nagkagano'n, pero sinabi sa amin ni Yuki na hindi siya ang Jack na
nakilala natin, maaaring may gunagamit lang sa katawan niya, sinabi rin nito na
babawiin nila ang mga piraso sa kahit na anong paraan pa" mahabang litanya ni Sai.

"Kung ganoon, hintayin niyo ako at tatawagin ko ang ilang mga Alzorian upang
tulungan tayo kung susugod man rito ang mga kalaban" aalis na sana si Andromeda
pero pinigilan ko ito sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang palapulsuhan.

"Huwag mo nang tangkain pa Andromeda, hayaan mo na silang manatili sa lugar kung


saan sila nakadistino, baka may ibang masasamang loob din ang sasalakay sa kanila,
nasisiguro kong mapapahamak ang mga vessels kapag nagkataon" sabi ko, humarap siya
sa akin at ngumiti.

"Ang galing mo nang magdesisyon Yuki, parang kailan lang... Pagdalos-dalos ka sa


lahat ng mga bagay" puri niya sa akin na ikinapula ng mukha ko.

Ilang sandali pa ay may narinig na kaming mga pagsabog sa iba't-ibang parte ng


kastilyo.

"Panahon na upang tuluyang wakasan ang kasamaan sa mundo" sabi ko sa mga kasamahan
ko bago ko inilabas ang aking puting pakpak na may halong ginto at ang aking
gintong baluti at espada.

Gano'n din ang ginawa nila.

Pinalibutan namin ang aming mga sarili ng elementong aming taglay, ramdam na ramdam
ko ang determinasyon ng mga kasamahan ko kung kaya't mas lalong tumindi ang
pagnanais kong talunin ang kasamaan.

"Laban na!" Sigaw ko bago mabilis na lumipad upang salubungin ang mga nagliliparang
mga halimaw na marahil na nanggaling pa sa Alzora. May mga pakpak ito kagaya ng sa
paniki, may katawan ng payat na kabayo at mukha ng isang asong may mahahabang
pangil.

Mula sa aking katawan ay pinadaloy ko sa aking espada ang elemento ng apoy, nakita
ko pa ang paglitaw ng simbolo ng apoy sa aking espada bago ito tuluyang nagliyab.

Iwinasiwas ko ito sa ere dahilan upang magsilabasan mula rito ang mga fire blades
na tumupok sa kalahati ng bilang ng mga halimaw.
Nagtaka naman ako kung bakit hindi pa umaatake sila Gin sa amin, tanging mga
halimaw lamang ang sumusugod. Hindi ko rin sila makita.

Imbis na isipin ang mga wala ay ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa mga
papasugod na halimaw.

"Haaa!" Sigaw ko kasabay ng paghiwa ko sa katawan ng halimaw, mula sa likuran ay


tinusok ko ang ulo ng isa pang papasugod sa akin.

At gamit ang kaliwang kamay ko, inipon ko rito ang elemento ng hangin at
nagpakawala ng napakaraming air blades na humiwa sa mga katawan ng nga halimaw na
hindi maubos-ubos.

THIRD PERSON'S POV

Gamit ang pana na hangin ang nagsisilbing palaso ay pinana ni Paolo ang mga
nagliliparang halimaw.

Itinaas niya ang kamay niya sa ere at inipon ang hangin sa paligid sa paikot na
mosyon, habang tumatagal ay nagiging isa itong napakalakas na ipo-ipo, ibinato niya
ito sa ere dahilan upang mahigop ang mga halimaw.

Si Zyline naman ay pinalitaw ang napakaraminh ugat ng puno na pumulupot sa mga


halimaw hanggang sa mapisat ang mga ito, tinira rin niya ng mga laser leaves ang
ilang sumusugod sa kaniya.

"Erda spikr!" Pag cast ni Audrey ng spell at nagsilitawan ang matutulis na tipak ng
lupa sa paligid. "Seotan!" Sigaw nito at hinayaang bumulusok ang mga earth spikes
papunta sa mga halimaw.

"Electrum spikr!" Si Sai naman ay walang habas na kinukuryente ang mga halimaw na
nagtatangkang pumasok sa loob ng kastilyo. "Electrum ranuie" cast nito ng spell
bago namuo ang makapal na kumpol ng itim na ulap sa ibabaw ng kastilyo at mula rito
ay bumulusok ang mga hibla ng kidlat na nagpatumba sa mga halimaw.

Habang sa kabilang banda naman ay magkahawak-kamay si Anna at Mav habang binabalot


ng elemento ng tubig at yelo ang kanilang mga katawan hanggang sa maging isa itong
dragong may katawan ng tubig at bumubuga ng yelo.

Sumugod ito sa mga halimaw na kaagad namang nagyelo na sa tuwing bumabagsak sa lupa
ay nadudurog.

"Hinding-hindi ko kayo hahayaan makapasok sa loob ng kastilyo" mariing sabi ni


Andromeda bago itinaas ang kaniyang dalawang kamay sa ere at bigla nalang may isang
pwersa ang humila sa mga halimaw papunta sa kaniya na mabilis niyang tinapos sa
pamamagitan ng pagpapakawala ng mga light blades.

Sa kabilang banda naman,

"Makikialam naba tayo?" Tanong ni Cha kay Gin na kasalukuyang nakatingin sa mga
matatapang na Alzorian na nilalabanan ang mga halimaw na tinawag ng isa sa mga
kasamahan niyang vessels.

"Mamaya na, hayaan muna natin silang tapusin ang mga halimaw na iyan, hayaan mo
muna silang magsayang ng Magoi, nang sa gano'n, kapag sumugod tayo... madali na
natin silang mapapaslang"

"At makukuha narin natin ang mga piraso ng dalawang cores na talaga namang
nararapat sa akin" napalingon ang dalawa sa nagsalita, at doon nila nakita si Jack
na nakangisi. Ang isang mata nito ay kulay pula na kapag tumitig ka rito ay
makakaranas ka ng labis na takot.

"Tama kayo pinuno" sagot ni Cha at Gin na bahagya pang yumuko bilang pagbibigay ng
galang kay Jack.

"Maya-maya rin ay mauubos na ang bilang ng mga halimaw na 'yan, kaya maghanda na
kayo dahil mapapalaban na kayo. Tandaan niyo, agawin niyo ang atensyon nila upang
magkaroon ako ng pagkakataong makapasok sa loob ng kastilyo at makuha ang mga
piraso ng cores" paalala nito sa dalawang kasama.

"Opo pinuno"

Bumalik siya sa kaniyang upuan at bahagyang napahawak sa kaniyang dibdib.

"Papatayin kita Arankar" mariing sabi ni Jack bago isinandal ang kaniyang ulo sa
upuan.

***

Mga at least 10 chaps nalang 'to :(

Chapter Seventeen

AUDREY

Sa wakas at natapos narin naming iligpit ang lahat ng mga halimaw na sumugod sa
amin. Ngunit hindi namin magawang magdiwang dahil alam naming hindi pa natatapos
ang labanan.

Mula sa kalangitan ay nagsibagsakan ang mga bola ng apoy.

"Sht!" Nataranta ako nang makitang sobrang dami nito.

Napatingin ako kay Yuki na ikinumpas ang kaniyang kamay at maya-maya pa ay lumitaw
ang isang napakalaking alon ng tubig na pumatay sa mga bola ng apoy.

"Hahaha, magaling Arankar" napatingin ako sa lalaking nagsalita at halos hindi ko


siya makilala dahil sa kasamaang bumabalot sa katauhan niya.

"Jack" sabay naming bigkas.

"Tapusin silang lahat" utos nito bago nagsikilusan ang mga kasamahan niya habang
siya naman ay biglang naglaho sa hangin.

Tiningnan ko sila, abala na sila sa pakikipaglaban sa ibang vessels na piniling


kalabanin ang kabutihan.

"Anong tinitingnan mo?" Napatingin ako sa babaeng humarang sa aking paningin.

"Ano bang pake mo?" Tanong ko rito na ikinainis niya.

"Peste ka!" Sigaw nito bago ako tinira ng matutulis na bato, hmmm may kakayahan
palang siyang kontrolin ang mga bato.
"Talaga! Peste ako" sabi ko bago gumanti sa kaniya. "Elvien corvs" pag cast ko ng
spell at mula sa dulo ng wand ko ay nagsilabasan ang maliit at matutulis na earth
pins. "Erda spikr!" Pahabol ko.

Gumawa ito ng matibay na pader na gawa sa bato kung kaya't nadurog lang ang mga
atake ko.

"Nakita mo na? Wala kang binatbat sa akin" sabi nito bago ako batuhin ng mga rock
spikes at rock pins, dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi ko ito naiwasan at
natamaan ako sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

"AHHH!" daing ko dahil sa hapdi, napuno ng dugo ang aking katawan. "Haelien" I
healed myself at muli kong inihanda ang aking sarili.

"How dare you use my element against me? How dare you! Now I'll show you the proper
and right way of using the rocks idiot" sabi ko bago itinaas sa ere ang aking wand.

"Stuena Raenie" I cast a spell then a huge piece of rock appeared in the air.
"Seotan!" I shouted then the rock was divided into pieces and pieces. Kasinlaki
nalang ito ng mga pako pero libo ang dami nito.

"Die evil vessel" malamig kong tugon bago pinaulanan siya ng mga maliliit na bato,
she tried to made a wall of rock but I cast a spell that nullified her power.

"AHHHHHH!" she screamed in pain hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng malay. I


didn't killed her, may awa parin ako. Nilapitan ko ang nakabulagtang katawan nito,
puno ng dugo ang itim nitong kasuotan.

"Habiere sus" I cast a spell at unti-unting umilaw ang kaniyang katawan at mula sa
kaniyang noo ay lumabas ang puting piraso ng core, Alzorian Core. Sayang ang
babaeng ito, hindi naman pala Dark Core ang nasa kaniya pero pinili niyang maging
masama.

Now I know that being evil is a choice.

Iniwan ko na ang babae at sinugod ang iba pang nagtatangkang pumasok sa kastilyo.

SAI

Kakatapos ko lang kalabanin ang isang lalaking may kakayahang magtawag ng mga
halimaw mula sa Alzora, siya rin ang may pakana ng mga pagsugod ng mga halimaw noon
sa Quezon at kani-kanina lang. Matindi rin ang natamo kong pinsala kanina dahil
hindi pambihira ang lakas ng nakalaban ko, kaya alam kong mahihirapan na akong
makipaglaban pa.

Pupuntahan ko na sana si Audrey upang samahan siya sa pakikipaglaban nang may


humarang sa aking isang lalaking nakaitim at may suot na itim na goggles.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito.

"Sa walang hanggan" sagot ko at inihanda ang aking sarili sa pag-atake. Umilaw na
nang pagkatingkad-tingkad ang aking wand, may kumakawala narin ritong boltahe ng
kidlat.

"Elec--- ahh!" Hindi ko nabanggit ang spell nang mabilis akong suntukin sa tiyan ng
lalaki, bahagyang namilog ang aking bibig dahil sa sakit. Nang makabawi ako ay agad
naman niya akong sinipa sa tiyan, tumilapon ako ng ilang metro, hindi pa man ako
nakakatayo nang pagsusuntukin na naman niya ang mukha ko, wala akong nagawa kundi
ang tanggapin ang mga atake niya.

"Electrum Bleas" pagkasabi ko no'n ay nanginig ang lalaki nang matamaan siya ng
electric blast ko.

"Pasensya na pero ayoko nang makipaglaro sa iyo" sabi ko bago itinutok sa kaniya
ang aking wand. "Electrum spikr" mabilis siyang nawala sa paningin ko kaya hindi ko
siya matamaan, kung gano'n pambihirang bilis pala ang kapangyarihan niya.

"Seotan!" Pinatamaan ko siya ngunit sadyang mailap siya, mabilis akong napaatras
nang makita ang paparating niyang kamao.

"Ang bagal mo" sabi nito at lumitaw sa harapan ko at mabilis na sinuntok ang aking
mukha. Napaluwa ako ng laway dahil do'n at lasa ko narin ang aking sariling dugo.

"Tss, tama na ang laro" sabi ko bago binalot ang aking sarili ng nakakasilaw na
liwanag, unti-unting nagbabago ang aking kasuotan hanggang sa lumitaw ang aking
baluti, nawala ang aking wand at naging isang espada ito. "Simulan na natin ang
totoong laban" singbilis ng kidlat kong nilakbay ang distansiya naming dalawa at
mabilis kong nahiwa ang kaniyang kanang braso.

At mula sa aking kanang kamay ay gumawa ako ng isang bola ng kuryente at pinatama
ito sa kaniya, pero naiwasan niya ito at sinuntok ako sa tiyan. Ngunit dahil sa
tigas ng aking baluti hindi iyon tumalab. Sumilay sa aking mukha ang ngiting
tagumpay.

"Paalam" sabi ko bago binitiwan ang aking espada at hinawakan ang kaniyang
magkabilang kamay.

Mula sa aking katawan ay pinadaloy ko ang elemento ng kidlat papunta sa kaniya,


sumigaw ito nang sumigaw dahil sa sakit. Pero nanatili akong nakahawak sa kaniya.
Saka ko nalang siya binitawan nang mawalan na ito ng malay.

"Habiere sus" Pag cast ko ng spell at mula sa kaniyang kanang binti lumitaw ang
itim na piraso ng core, ng Dark Core.

Iniwan ko na siya at pinuntahan ko si Audrey na kasalukuyang nakikipaglaban sa


dalawang lalaking may kapangyarihang gumawa ng kahit na anong bagay mula sa
kawalan.

"Ayos ka lang?" Tanong ko nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya.

"Oo ayos lang, nand'yan kana eh" banat nito, napangiti nalang ako sa tinuran niya.
Hinawakan ko ang kamay niya nang pagkahigpit-higpit.

"Let's do this together" sabi ko at bahagyang pinisil ang kaniyang malambot na


palad.

"Yeah together" sagot nito at itinaas na ang wand niya, gano'n din ang ginawa ko.
"SUGOD NA!" matapang naming sabi at sinalubong nang magkahawak kamay ang mga
kalaban.

ZYLINE

"Nakakainis na ah!" Asar kong sabi bago tinira ng mga matutulis na dahon ang
kalaban kong may kakayahang kontrolin ang mga halaman, pero itim lang ang sa
kaniya, patay... as in walang buhay.
"Ikaw din nakakainis na!" Sabi nito bago ikinumpas ang kamay at nagsilitawan ang
mga patay na ugat sa paligid. Ikinumpas ko rin ang kamay ko at nagsilitawan ang mga
buhay na ugat sa paligid.

"Sugod na!" Paghahamon ko at bahagya ko pang inilahad ang aking kamay sa kaniya at
iginalaw ito na para bang hinahamon siya.

"Peste ka!" Sigaw nito bago pinabulusok sa akin ang mga ugat niyang patay,
sinalubong ko naman ito ng sa akin.

Halaman laban sa halaman, sino kaya ang mananalo?

Mula sa kamay ko ay may unti-unting lumitaw na isang mahabang baging na may tinik
ang katawan, tanging ang hawakan lang nito ang walang tinik, ngayon lalatiguhin
kitang babaeng vessel ka.

"Haaa!" Sigaw ko at hinampas siya ng latigo na kaagad naman niyang naiwasan, gumawa
rin siya ng sarili niyang bersyon ng latigo at naglatiguhan kaming dalawa.

"Bebe Zy, okay ka lang?" Napatingin ako kay Paolo na walang pinagbago, ang yummy
parin.

"Oo okay na ako, andito na kasi ang lakas ko eh" pagbanat ko na ikinapula niya, ang
cute talaga ng bebe Pao ko.

"Ang gwapo naman ng kasama mo, akin nalang siya pwede? Pero alam ko namang hindi ka
papayag kaya papatayin nalang kita bago ko siya lalandiin" nagpagting ang tenga ko
sa narinig ko mula sa pangahas na babaeng kumakalaban sa akin.

"Anong sinabi mo?" Nanggigigil kong saad habang binabalutan ng berdeng liwanag ang
aking buong katawan hanggang sa lumitaw ang aking armor.

"Lalandiin ko ang kasama mo, pero bago 'yon, papatayin muna kita!" Sabi nito at
sumugod na. Tss, itinaas ko ang kamay ko sa ere at lumitaw ang aking pana't palaso.

Agad kong inipon ang enerhiya ko sa dulo ng palaso hanggang sa magkaroon ng berdeng
liwanag rito saka ko ito mabilis na pinakawalan papunta sa babae. Tinamaan siya sa
balikat bago sumabog ang aking palaso.

Bumulagta ang kaniyang katawan kaya agad ko itong pinuntahan, kahit vessel lang
siya inaamin kong kaya na niyang makipag sabayan sa mga Alzorian, hindi narin naman
sila naiiba dahil nagmula din naman sa dalawang cores ang kapangyarihan nila.

Itinapat ko ang palad ko sa katawan ng babae.

"Somnar cuario el prasi" sabi ko, isa itong spell na itinuro sa amin ni Master
Magrett upang palitawin nag mga piraso ng core sa katawan ng mga vessels.

At mula sa braso ng babae, lumitaw ang itim na piraso ng core na agad ko namang
kinuha. Pagkatapos ay binalingan ko ng tingin ang kasama kong hindi man lang ako
pinagtanggol.

"Bakit wala kang ginagawa? Tuwang-tuwa ka siguro ano dahil pinag-aagawan ka ng


isang bruhang babae which is ang kalaban ko at ng isang diyosa which is ako, tama
ano?" Taas-kilay kong tanong. Ngumisi lang ito na ikinainis ko.

"Tss, malandi ka!" Bulyaw ko bago ko hinawakan ang kaniyang ulo at mabilis kong
inangkin ang kaniyang mga labi.
"Sa akin ka lang lalandi, tandaan mo 'yan" sabi ko bago ko siya hinila papunta kina
Anna.

***

Chapter Eighteen

ANNA

"Mav, okay ka lang?" Agad kong dinaluhan ang nobyo ko na kasalukuyang may tama sa
kaniyang tagiliran.

"Oo, a-ayos lang a-ako" nakangiwing sabi nito, ayos daw? Pero halatang sobrang
nasaktan? Mga lalaki talaga, mapag-kunwari.

Matalim kong tiningnan ang lalaking kalaban niya, nginisihan lang ako nito bago ako
tingnan mula ulo hanggang paa bago ako tiningnang muli. "Ang sarap mo" sabi nito at
dinilaan ang kaniyang ibabang labi. Peste ang manyakis niya.

"Don't you dare flirt with my girlfriend you stupid asshole" galit na sabi ni Mav
bago ko naramdaman ang paglamig ng temperatura sa paligid. Ngunit imbis na matakot
ang lalaki ay mas lalo lang itong ngumisi.

"Hindi ko na 'yon kailangang gawin dude, kaya ko siyang agawin sayo" sabi nito bago
magsimulang dumami. Wtf?! His power is to multipy himself and now, kaharap na namin
ni Mav ang halos isang daang ungas na magkakamukha.

"Kaya mo ba talaga?" Nakangising sabi ni Mav na nagbigay kilabot sa aking buong


sistema. Yes Mav is kind and good but he can be your worst nightmare ever.

Naramdaman ko ang paglamig ng tinatapakan ko and nanlaki ang mga mata ko nang
makitang nagyelo na ang sementadong sahig ng Atlantis. Gumagapang ito papunta sa
kinatatayuan ng mga clones ng kalaban namin.

"Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan mo!" Sabay na sigaw ng mga clone ng lalaki
bago sumugod sa amin ni Mav. I was about to release my water element when Mav
stopped me by holding my hand.

"Hayaan mo akong talunin ang kalaban Anna, let me prove to you how much I love you,
to the point that I will do anything just to make sure that no one will take you
away from me" bulong nito sa akin. I know na hindi ngayon ang tamang panahon para
kiligin, pero I just can't help it. Damn.

Tumango nalang ako bago ko siya hinalikan sa pisngi. "Sige nga" paghahamon ko kaya
ngumisi ito bago hinarap ang mga kalaban.

"Ang sweet naman, pero mas bagay kami ng syota mo pre" mas lalong tumalim ang
tingin ni Mav sa lalaki. Nakita ko pa ang pagyeyelo ng kamay ni Mav bago niya ito
itinapat sa sahig na mas lalong nagpakapal sa yelong bumabalot rito.

Mabilis namang nagsikilusan ang mga clones upang atakihin si Mav, pero hindi paman
sila nakakaabot ay may lumitaw nang mga matutulis na yelo na tumama sa mga katawan
ng clones dahilan upang isa-isa itong maglaho hanggang sa isa nalang ang matira.
He was about to multiply himself again pero mabilis akong nakagawa ng water bubble
at kinulong ko siya doon.

"Alam mo na ang gagawin mo" makahulugang sabi ko. Isang ngisi lang ang iginanti ni
Mav sa akin bago niya itinapat ang kamay niya sa lalaki. Nakita ko ang unti-unting
pagyeyelo ng water bubble ko kaya naman nataranta ang lalaki.

"Pakawalan niyo ako, maawa kayo! Gagawin ko lahat ng gusto niyo pakawalan niyo lang
ako" isang ngisi ang gumuhit sa mukha ko nang marinig ko 'yon.

"Kung gano'n, isuko mo sa amin ang hawak mong core piece" I said while smiling.

"Sorry. Sorry pero wala na sa akin ang piraso ng core na taglay ko, kinuha na ito
sa akin ng lalaking tinatawag nilang pinuno" simpleng sagot nito.

"Magsabi ka ng totoo" may halong pagbabanta sa tono ng boses ko.

"Oo! Nagsasabi ako ng totoo" ramdam ko ang sinsiridad sa boses niya kaya tumalikod
nalang ako. "Do what you want" sabi ko kay Mav. Damn, naunahan na kami.

He smiled at me before I heard the sound of ice enveloping my water bubble.

"Now can I have my reward?" Pilyong tanong ni Mav kaya't napangiti ako. I was about
to kiss him pero napatigil ako nang makarinig ako ng isang tikhim.

"Anna nagiging ano kana ha" matalim kong tiningnan si Zyline, I know what she mean.
"Look who's talking" makahulugang sabi ko kaya inirapan niya lang ako. Asar talo.
Haha.

"Teka bakit ba kami ang binabantayan niyo ha? Tingnan niyo nga sila Sai oh,
magkaholding hands while fighting" sabi ko kaya napatingin kami sa kanila. May time
pa talaga kaming magdaldalan sa gitna ng laban ano? Ibang klase talaga.

"Look guys! Tingnan niyo si Yuki" sinundan namin ang hintuturo ni Paolo and we saw
Yuki fighting a big red dragon.

The dragon roared loudly bago nito binugahan ng apoy si Yuki, but my bestfriend
just motioned her hand at naipon sa kanang kamay niya ang apoy na ibinuga ng
dragon. Mabilis niyang ibinalik ang fireball sa dragon sa pamamagitan ng pagbato
nito, dahil sa laki ng dragon ay madali itong natamaan ni Yuki.

Mabilis na nilipad ni Yuki ang distansiya nila at malakas itong sinipa kaya
bumulusok pababa ang katawan ng dragon.

"Sht! Iwas!" Sigaw ni Mav at hinila ako palayo, kung nahuli pa siya sa paghila sa
akin nadaganan na ako ng dragon. Ang galing talaga ng bespren ko, insert sarcasm.

Nakita ko ang pagkabuo ng crater sa pinagbagsakan ng dragon, Yuki is indeed


stronger than before. Hindi pa man nakakabawi ang dragon ay mabilis na lumapag si
Yuki bago hinawakan ang katawan nito.

I saw how her wings transformed. From normal feathers, it is now made of yellow
lightning threads. Now she's in her Fundiere Lightning Form. She held the dragon's
body and released a huge amount of lightning that caused the dragon to growl in
pain hanggang sa mawalan ito ng malay.

"Wow! Bravo ang galing" Zyline and Paolo said while clapping their hands. Napailing
nalang kami ni Mav, mga baliw.
"Why are you just watching us? Bakit hindi kayo tumulong?" Tanong ni Yuki. Hindi
kami makasagot dahil hindi namin alam kung bakit nga ba kami nanonood lang.

"Tss. Nevermind. Just knock those shits down at nang matapos na ang kaguluhang ito"
she said before vanishing in our sight.

Inilibot ko ang paningin ko at hindi ko mapigilang huwag mapamura nang makitang


pinagtutulungang patumbahin ng mga kalaban sila Audrey at Sai. Hirap na hirap na
ang dalawa, na-guilty tuloy ako.

"Guys, let's help those two gorgeous nerd casters" sabi ko kaya napatingin din sila
sa dalawa.

"Yeah let's go!" They answered in chorus before releasing their elements. I did the
same.

"LET'S KNOCK THEM DOWN!" I shouted before summoning my sword.

***

Malapit na 'tong matapos. Mga less than 6 chapters nalang 'to.

~ Join our FB Group:

Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)

Chapter Nineteen

PAOLO

Gumawa ako ng isang air spike at isinaksak ko ito sa braso ng lalaking sasaksakin
na sana si Sai na abala sa pakikipaglaban. I am not that merciless. I know they
have their reasons why they chose to be in the dark side.

"Hey Sai, ayos lang kayo?" Tanong ko sa kaniya. He just nodded before casting a
spell then numerous lightning spikes appeared in the air that electrified most of
the vessels.

"Paolo, at your back!" Sigaw ni Mav bago tirahin sa tiyan ng ice spike ang lalaking
papasugod sa akin.

"Thanks" I said at hinarap na ang mga kalaban. I raised my right hand to gather the
air element.

I made a small tornado in my right hand. I was about to release it when someone
punched me in my stomach.

"Ugh!" Daing ko kaya nawala ang konsentrasyon ko sa atakeng ginawa ko. Napatingin
ako sa kung sino ang gumawa no'n sa akin. And right there I saw a girl wearing a
black dress.

"Hey handsome" malanding tawag nito sa akin.


"Hey ugly" I answered. Well hindi ako nanlalait, I am just telling the truth.
Nakita ko ang paglukot ng mukha nito kaya napangisi ako.

"Damn!" Daing ko nang muli niya akong suntukin. How come? Eh ang layo niya sa akin.

"Sorry pero hindi ako nananakit ng babae" I said bago ko siya tinalikuran pero
natigil ako nang may mga brasong pumulupot sa aking beywang at mabilis ako nitong
hinila palapit sa babae. Damn, she has the ability of elasticity, kaya niyang
pahabain ang alinmang parte ng katawan niya.

"Your hard baby" she whispered bago kinapa ang tiyan ko. Damn!

"AHH!" daing nito sa hindi ko malamang dahilan kaya nabitawan ako nito. Nakita ko
ang babae na pilit na tinatanggal ang nakapulupot na ugat sa kaniyang leeg.

"Bebe Paolo, ang landi mo! Cool off muna tayo!" Zyline angrily said bago mabilis na
lumayo sa akin. I was about to follow her nang humarang na naman ang babaeng goma.

"Where are you going handsome?" Humarang ito sa dinaraanan ko kaya napilitan akong
patamaan siya ng air ball.

"Uh-uh, not so fast" napalingon ako at nagtaka kung bakit hindi man lang siya
nasaktan.

"Damn you!" Mabilis kong ikinumpas ang kamay ko kasabay ng pagkabuo ng napakaraming
air blades sa paligid at sabay-sabay ko itong pinatama sa babaeng goma. I thought
she will dodge it, pero nanatili lang siyang nakatayo and my eyes widened nang
makitang wala siyang nakuhang ni galos mula sa mga air blades ko.

"Alam mo, palaban ka. I like it" she said bago mabilis na humaba ang kamay niya at
sinuntok ako sa tiyan. Tiniis ko ito at hinawakan ang kamay niya pero biglang
mabilis na bumalik sa dati ang taas nito. Ngayon nasa harap ko na siya.

She smiled devilishly bago niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko at inangkin ang
labi ko. Yuck! Para kay Zyline lang ang mga labi ko. I tried hitting her with my
air spikes pero wala, she's just absorbing it, hindi siya nagagalusan ng mga atake
ko.

"Hmmmppp!" Pagpupumiglas ko. She's giving me goosebumps!

Nang bumitaw siya sa halik ay matalim ko siyang tiningnan. "Your lips are sweet,
honey" malandi nitong sabi.

"But yours are not" sagot ko bago itinapat ang kamay ko sa kaniya, I closed my hand
dahilan upang magsimula siyang mahirapang huminga.

"Kung hindi ka naaapektuhan ng mga atake ko, puwes tatanggalin ko nalang ang hangin
sa katawan mo" nakangisi kong sabi. I saw how her face turned pale.

Nang malapit na siyang mawalan ng hangin ay itinigil ko na ang ginagawa ko, may awa
parin naman ako.

I tried to summon the core piece on her body but I can't. Tama naman ang spell na
binanggit ko.

"If you're thinking to take the core piece I have, well sorry. You're late. Someone
already took it away from me" sabi nito kaya napakunot ang noo ko. Naunahan kami,
pero sino?
"Tss. Okay" I said before making a big air ball at ikinulong ko doon ang babaeng
goma. Just making sure na hindi na siya makakalaban pa.

Mabilis kong nilapitan sina Zyline at Anna na kasalukuyang hinaharap ang mga
naaagnas na mga bangkay, maybe this is the power of the vessel they called Demi
Lhor, a necromancer.

"Bakit hindi sila namamatay?" Inis na sabi ni Zyline habang pinaghahampas ng


latigong may tinik.

"Tss, bobo. Malamang patay na sila, paano pa sila mamamatay?" Pabalang na sagot ni
Anna kaya sinamaan lang siya ng tingin si Zyline.

"Now, how are we going to kill them?" I asked them.

"We won't kill them, we will just knock them down. And after that, we need to find
their summoner. The necromancer" Paliwanag ni Anna. Tumango ako bago binalot ng
hangin ang aking mga kamay at bumuo ng mga air spikes at binato ang mga bangkay.

"Damn! Fck these shits!" Anna exclaimed before making a huge water ball. "Mav!" She
shouted as she released the water ball. Mav moved quickly and froze those corpses.

"Pwede naman palang gawin 'yan kanina, bakit ngayon niyo pa naisipan? Damn,
pinahirapan niyo pa kami" Audrey said.

"Ngayon ko lang din naisip, haha. Sorry" Mav said before giving us a peace sign.

"Nah, it's okay. Nasaan na ba kasi sila Yuki at Andromeda? Tsaka nasaan na ang
ibang kalaban?" Sai asked habang inililibot ang kaniyang tingin sa paligid.

"Bakit sa amin mo tinatanong? Magkasama tayo oh, kaya parehas nating hindi alam.
Tss, isip-isip din 'pag may time Sai" tama naman si Audrey sa sinabi niya.

"Let's find them" mabilis kaming nagsikilusan, naghiwa-hiwalay kami upang madali
naming mahanap sila Yuki.

YUKI

Tiim bagang kong hinarap ang limang kalaban na nagtatangkang agawin ang mga
natitirang piraso ng cores na kasalukuyang hawak ni Andromeda. Napag-alaman kong
halos kalahati ng dalawang cores ay nasa kanila na at hawak-hawak ito ngayon ng
lalaking hindi ko kailanmang inaasahang mang-iiwan sa akin, sa amin.

"Ibigay mo na ang mga piraso, Arankar. Dahil baka mainis ang aming pinuno, alam mo
na. Baka patayin niya lahat ng mga vessels na nasa pangangalaga niyo" nakangising
sabi ng lalaking necromancer.

"Hinding-hindi ko 'yon gagawin. Magkamatayan man. Hinding-hindi ko isusuko ang mga


natitirang piraso" matigas kong sabi bago lihim na pinadaloy ang elemento ng hangin
sa aking mga palad.

"Nagmamatigas ka talaga ha, humanda ka ngayon!" Nakita ko ang pagkabuo ng itim na


portal sa ibabaw ng palad ng necromancer, palaki ito nang palaki hanggang sa may
makita akong mga bulto ng tao sa loob nito.

Bwisit, kailangan ko nang matalo ang vessel na ito, hahanapin ko pa si Jack.


Kailangan kong malaman kung bakit siya nagkagano'n.

"Humanda kana Arankar" malamig na sabi ng necromancer bago tuluyang pinalaki ang
portal niya dahilan upang magsilabasan ang mga bangkay na binuhay niya.

"Tigil" nanlamig ako nang marinig ko ang maotoridad na boses ng lalaking kakarating
lang. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, nahahati sa dalawang desisyon ang
katawan ko. Ang desisyon ng puso ko at ng isip ko.

"Kamusta Arankar?" Mala-demonyo itong ngumisi sa akin. Hindi ko na siya kilala,


hindi siya 'yon.

"Jack" malungkot kong tawag sa kaniya na sinuklian lang niya ng blankong titig.

***

Chapter Twenty

"Ibigay mo sa akin ang mga piraso, Andromeda" naguguluhan akong tumingin kay Jack
na halos hindi ko na makilala dahil sa kasamaang bumabalot sa kaniya.

"Hindi ko ito ibibigay" pagtutol ni Andromeda bago balutin ng puting liwanag ang
kaniyang sarili. Pagkawala ng liwanag ay suot-suot na niya ang kaniyang gintong
baluti at nakalabas narin ang kaniyang puting pakpak.

"P'wes, kukunin ko 'yan nang sapilitan mula sa iyo" akmang susugod na sana si Jack
pero mabilis akong kumilos at pinatamaan siya ng bola ng kidlat dahilan upang
mapaurong ito.

THIRD PERSON'S POV

"Lalaban talaga kayo sa akin? Hindi niyo ba alam na kaya ko kayong tapusin sa isang
tira lang?" Nakangising sabi nito bago itinaas ang kanang kamay, at mula rito ay
may namuong isang malaking bola ng apoy na may nakapalibot na itim na usok.

"Subukan mo kung kaya mo" sabi ni Yuki bago balutin ang kaniyang sarili ng lahat ng
elementong taglay niya. Inilabas niya ang kaniyang ginintuang baluti at pakpak.
Mula sa kanang kamay niya ay unti-unting namuo ang gintong espada niyang may mga
simbolo ng lahat ng elementong taglay niya.

"Hayaan niyo na kaming tatlo, umalis na muna kayo" utos ni Jack sa mga vessels na
kasama niya. "Tapusin niyo na muna ang mga pakialamerong Alzorian" dagdag nito.
Tumango lamang ang tatlo bago mabilis na nilisan ang lugar.

"Akin na ang mga piraso"

"Hindi nga maaari!" Sagot ni Yuki, akmang susugurin na niya ang lalaki nang bigla
itong mawala sa kaniyang kinatatayuan.

"Ugh!" Daing ng dalaga nang malakas siyang suntukin ng binata sa tiyan. Hindi
mapigilan ni Yuki ang mapaiyak dahil sa pisikal at emosyunal na sakit na
nararamdaman niya.
"Andromeda! Tumakas kana!" Sigaw ni Yuki. Mabilis na ipinagaspas ni Andromeda ang
kaniyang pakpak upang lumipad paalis ngunit mabilis na inilabas ni Jack ang
kaniyang pakpak at naabutan nito si Andromeda. Hinawakan niya ang leeg nito bago
ito malakas na ibinagsak sa sementadong sahig ng kastilyo.

Lumikha ng isang malaking crater dahil sa lakas ng impact nang bumagsak si


Andromeda. Napasuma ng dugo ang sinaunang reyna at halos maiyak ito nang maramdaman
niyang nabali ang isang pakpak niya.

"Andromeda!" Mabilis itong dinaluhan ng dalaga at inalalayang tumayo. Matalim na


tingin ang ipinukol ni Yuki sa lalaking may pares ng itim na pakpak na ngayo'y
naglalakad palapit sa kanila.

"Hindi ikaw si Jack" sabi ni Yuki at pilit na kinikilatis ang lalaki. Labis siyang
nagtataka kung bakit may pares ng itim na pakpak ang lalaki, kung bakit nito
nakayanang gumamit ng elemento ng apoy nang hindi ginagamit ang espada.

Ngumisi lamang ang lalaki bago ito balutin ng itim na aura, unti-unting nagbabago
ang wangis ng kalahati ng mukha ng lalaki, naging pula ang kaniyang kanang mata.

"Tama ka, Arankar. Hindi ako si Jack" nakangising wika ng lalaki. "Ako si Lucas" at
doon na binaha ng katanungan ang isip ng dalaga, maraming bakit at paano ang
gumugulo sa kaniya. Maging si Andromeda ay hindi alam kung ano ang nangyayari.

"Papaano ka nabuhay?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga bago ipinosisyon ang


sarili.

"Nabuhay? Hindi naman ako namatay, Arankar" malamig na sabi ng lalaki. "Gin!" Sigaw
nito. Maya-maya pa'y may lumitaw na lalaki sa kaniyang tabi, ang kaniyang kanang
kamay na si Gin. "Ngayon na" utos nito.

Susugod na sana si Yuki nang biglang hindi na siya makaalis sa kaniyang


kinalalagyan. Tila ba nakulong ito.

"Anong nangyayari?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Yuki bago pilit na sinisira ang
barrier na gawa ni Gin.

Isang mala-demonyong ngiti lamang ang iginawad ng dalawa bago unti-unting humakbang
palapit sa nahihirapang si Andromeda.

"Ibigay mo sa akin ang mga piraso" mariing utos ng lalaki at mas pinalaki pa ang
kaniyang ginawang bola ng apoy.

"Ayoko" pagmamatigas ng sinaunang reyna. Pilit na winawasak ni Yuki ang barrier


ngunit sadyang napakatibay nito.

"Kung gano'n, paalam, Andromeda" huling sabi ng lalaki bago binato ng bola ng apoy
ang sinaunang reyna. Sumigaw sa sakit si Andromeda.

"Ang ingay mo" malamig na sabi ng lalaki bago inilabas ang kaniyang naglalagablab
na espada at sinaksak sa puso si Andromeda.

"ANDROMEDA!" Sigaw ni Yuki.

Kinuha ni Gin ang mga piraso ng dalawang cores na kasalukuyang hawak parin ng wala
ng buhay na si Andromeda.

"Tara na" sabi ni Lucas bago sila balutin ng itim na usok at naglaho sa hangin.
Ganoon din ang nangyari sa mga kalaban ng mga kasamahan ni Yuki.

Pagkawala nila Gin ay kusang nawala rin ang barrier na pumipigil sa kaniya. Lumuhod
siya sa gilid ng reynang sumusuka na ng dugo.

"Patawad...patawad" paulit-ulit sa sabi ni Yuki habang nakayuko at umiiyak.


Hinawakan niya ang kamay ni Andromeda. "Patawad kung wala akong nagawa" patuloy sa
pagtulo ang mga luha ng dalaga.

"AHHHHH!" Sigaw nito bago magsimulang yumanig ang buong Atlantis. Nakita niya ang
unti-unting pagbabago ng katawan ni Andromeda, nagiging maliliit itong bola ng
liwanag na tinatangay ng hangin. "Patawad Andromeda" niyakap ni Yuki sa huling
pagkakataon ang sinaunang reyna na unti-unti nang naglalaho.

"Ipaghihiganti kita" malungkot nitong sabi bago tumayo upang hanapin ang kaniyang
mga kasamahan. Tumigil na ang pagyanig.

Nakita niya ang mga itong papasok sa loob ng kastilyo.

"Yuki ayos ka lang?" Tanong ni Anna habang sinusuri ang katawan ng kaibigan.
Tumango lang ang dalaga.

"Umiyak ka ba Yuki? Anong problema?" Tanong ni Zyline. Isang malungkot na titig


lamang ang iginanti ni Yuki bago sumagot.

"Wala na si Andromeda, patay na siya. Pinatay siya ni Lucas at kinuha nila ang mga
natitirang piraso na hawak natin"

Naikuyom nila ang kanilang mga kamay.

"Paano nabubay si Lucas?" Tanong ni Sai na labis-labis ang galit kay Lucas na
siyang pumatay sa kapatid at ina niya.

"Hindi siya namatay" sagot ni Yuki.

"So ano na ang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Audrey.

"Babalik tayo ng Alzora, nasisigurado kong doon patutungo ang grupo nila Lucas"
sagot ni Yuki bago nagsimulang humakbang palabas ng kastilyo.

"Si Jack? Paano siya?" Tanong ni Paolo na nagpatigil sa dalaga. Hindi alam ni Yuki
kung ano ang isasagot niya, dahil hindi rin naman niya alam kung paano maibabalik
ang nobyo niya.

"Hindi ko alam" sagot nito. Gagawa na sana siya ng portal nang matigil ito dahil sa
biglaang pamumuo ng maitim na ulap sa kalangitan, paikot ang galaw nito. At halos
madurog ang ngipin niya sa panggigigil.

"Gumagawa na sila ng hakbang" sabi ng dalaga bago ipinagaspas ang pakpak at tinungo
ang kumpol ng maitim na ulap.

***

A/N: kung gusto niyo akong nakausap just pm me or add me on my facebook acc or
simply join the fb group I've created, Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)
~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Twenty-One

YUKI

Mabilis kong tinungo ang kumpol ng itim na ulap at doon nadatnan ko si Gin na
nakasakay sa pulang dragon habang si Lucas na nasa katawan ni Jack naman ay
pinalutang ang mga piraso ng dalawang cores.

Hindi maaari!

Balak niyang buuhing muli ang dalawang cores at sana.. Sana mali ang iniisip ko na
pag-iisahin niya ang mundo ng Alzora at ang Greiko, hindi iyon pwedeng mangyari
dahil masisira ang balanse ng dalawang mundo at maaapektuhan ang ibang dimensyon!

At kapag naging isa ang Alzora at Greiko, may isang mundo ang manganganib. May
isang mundong mawawala!

"Itigil niyo 'yan!" Mariin kong sigaw bago gumawa ng ipo-ipo upang mapigilan sila
ngunit gumawa ng barrier si Gin kaya't hindi sila naapektuhan ng mga atake ko.

"Huwag kang makialam, Arankar!" Mariing sabi ni Gin.

"Maaaring manganib ang dalawang mundo kapag ipinagpatuloy ninyo yan, maaaring hindi
na mabuo ang Alzora o maaaring mawala ang mundo ng mga tao!" Nakita kong bahagyang
natigilan si Gin ngunit may ibinulong si Lucas sa kaniya kaya't nagpatuloy ito.

GIN

Lubos ako nagagalak at tuluyan nang nabuhay ang aking master, ang taong nagligtas
sa amin ni Cha mula sa kamatayan. Siya ang nagsilbing ama namin noong mga panahong
tinutugis kami ng Ancient Tribe dahil sa krimeng ginawa ng aming mga magulang.

Kung sa tingin niyo ay masama si master, hindi iyon totoo. May malalim siyang
dahilan kung bakit niya 'yon ginagawa, at noong panahon ng digmaan ng mga Wiccan
Tribe laban sa babaeng Arankar at Alzora... Iniligtas niya kami sa ikalawang
pagkakataon.

FLASHBACK

"Gin, umalis kana at isama mo si Cha. Kailangan niyong lumayo rito, pumunta kayo sa
pinakadulong parte ng Alzora."

"Pero pinuno, anong ibig niyong sabihin? Hindi ko kayo maintindihan? Gusto kong
samahan kayo sa pakikipaglaban!"

"Huwag kanang tumutol Gin, kinausap ako ng aking Orakulo at sinabi niyang sa
paghaharap ng tagapangala ng liwanag at dilim, mangingibabaw ang liwanag at
mawawala ang kadiliman. Kaya nasisigurado kong mamamatay tayong lahat. Kaya
magpakalayo-layo na kayo ng kapatid niyo, nais kong maging ligtas kayo mula sa
kamatayan" hindi ko mapigilang mapaluha sa sinabi ng aming pinuno.

"Pero paano ka?" Pinilit kong maging matatag sa kaniyang harapan kahit sa loob ay
sobra akong nag-aalala sa kaniya.

"May plano na ako, napaghandaan ko na 'yon"

***

(Kay Lucas na'to, explanation kung paano siya napunta sa katawan ni Jack"

LUCAS

Alam ko na ang mangyayari, mamamatay ang lahat ng Wiccan Tribe, mamamatay ako. Pero
mabuti nalang at binalaan na ako ng aking Orakulo kung kaya't nakapaghanda ako.

~~~

Ramdam ko na ang sakit sa aking katawan, para bang napapaso ako sa kaloob-looban
ko, ito na marahil ang epekto ng pagsasama ng liwanag at dilim.

Kaya't agad kong isinagawa ang aking plano.

Nang papasabog na ang katawan ko ay binalot ko ng matingkad na liwanag ang akinh


sarili at sinabi ang spell na tinuro sa akin ng aking ama.

"Luefa tranfardes" matapos kong sabihin 'yon ay nag-anyong usok ang aking katawan
at naghanap ng pinakamalapit na Alzorian, at may nakita akong binatang nakasuot ng
pulang baluti kaya doon, pumasok ako at hinintay ang tuluyang pagkagising ng aking
kapangyarihan.

FLASHBACK ENDS HERE

YUKI

"Yuki!" Mabilis kong nilingon ang tumawag sa akin at nakita ko ang mga kaibigan ko
na nakasakay sa isang water bubble na gawa ni Anna.

"Nasaan ang mga kalabang vessels?" Tanong ko sa kanila.

"Pinatulog na namin. And bad news, wala na sa kanila ang mga piraso ng cores,
kinuha na pala ni Jack" namilog ang mata ko nang marinig ko iyon at mapait na
ngumiti, nalalapit na ang katapusan.
"Ngayon kailangan nalang nating pigilan sila. Tatlo nalang sila kaya kaya na natin
silang patumbahin" sabi ko bago muling inilabas ang aking gintong espada na may
marka ng lahat ng elementong taglay ko. Maging sila Anna ay inilabas ang kanilang
mga baluti at sandata.

"Sugod na!" Sigaw ko bago inipon ang aking enerhiya sa aking espada. "HAAAA!" sigaw
ko bago pinakawalan ang gintong enerhiya sa ere. Lumikha ito ng hugis half moon at
tumama sa barrier na ginawa ni Gin.

Nakita kong bahagya itong nagkalamat kung kaya't ipinagpatuloy ko pa ang ginagawa
ko hanggang sa tuluyan nang masira ang barrier ni Gin.

Mabilis akong kumilos at sinugod ang dalawa kung kaya't mabilis silang naghiwalay.

"Akin ang dragon!" Sigaw ko bago mabilis na sinugod ang dragon na dapat ahas! Dahil
inahas niya ang nobyo ko!

"Mamatay kana bitch" sabi ko bago pinaglaho ang aking espada, inipon ko ang
elemento ng lupa sa aking magkabilang kamay. Unti-unting binalot ng metal ang aking
mga kamao kaya mas lalo akong naggigil na sapakin ang dragong kaharap ko.

"Pakyu bitch!" Mabilis ko siyang sinuntok na sinalubong ng apoy na nanggagaling sa


bibig niya. Hindi na talaga siya nadala,fire is one of my elements.

Inipon ko ito sa magkabilang kamao ko at tuluyan kong sinuntok ang matigas niyang
mukha ng naglaalgablab kong kamao.

Pumadausdos ito pababa sa karagatan kaya mabilis kong ipinagaspas ang aking mga
pakpak upang mahabol siya. Nang babagsak na sana siya sa tubig ay sinipa ko siya
hanggang sa mapadpad siya sa isang isla at doon mo siya sinugod.

"Magbago ka ng anyo! Maging tao ka!" Inis kong sigaw habang pinagsisipa ang katawan
niya.

Unti-unting binalot ng liwanag ang kaniyang katawan hanggang sa maging tao na siya.
Mabilis ko siyang sinugod at sinabunutan.

"Nanggigigil ako sayo, gigil mo si ako eh!" Sabi ko habang hila-hila ang buhok
niya. Pinaglaho ko ang baluti ko upang maging patas ang laban. Ganda ang labanan!

"Bitawan mo ako!"

"Bakit kita bibitawan? Bobo mo. Kapag ginawa ko 'yon, ako naman ang sasabunutan
mo!" Sabi ko at marahas siyang ibinagsak sa lupa. Pumaibabaw ako sa kaniya at
pinagsasampal ko ang Cha-huahua.

"Ito para sa pagdating sa buhay ni Jack!" Sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas.

"Ito, para sa pag-ahas mo sa boyfriend ko!" Sinampal ko siyang muli.


"Heto para sa nakakabwisit nating pagtatagpo!"

"Heto pa! Para to sa bwisit mong mukha!" Gigil kong sampal sa kaniya at mabilis
kong sinuntok ang mukha niya pagkatapos ay tumayo ako at tinadyakan siya. Hindi
naman kasi ako gaanong brutal! Slight lang.

"Sleep well! Bessssss" sabi ko bago gumawa ng fireball at iceball na magkasabay


kong ibinato sa kaniya dahilan upang mawalan siya ng malay.

Pero dahil sa mabait ako, hindi konsiya natiis. Hinarap ko siya at itinapat ang
kamay ko sa ulo niya.

"Haelien"

***

Chapter Twenty-Two

CHA

Hindi ko mapigilang ma-guilty sa ginawa ko, hindi ko naman gustong agawin si Jack
mula kay Yuki. Kasalanan ko bang naging mas maganda ako sa paningin ni Jack? Joke.
Pero seryoso, nagi-guilty ako.

Masyado palang mabait si Yuki, she's too kind to be betrayed. Kaya napagtanto ko
na, kailangan kong bumawi. Kahit ngayon lang.

Napatingin ako sa kalangitan nang biglang dumagundong ang malakas na kulog na


sinabayan pa ng kidlat na nagbibigay ng saglit na liwanag sa madilim na kalangitan.
Mas bumilis ang pag-ikot ng mga ulap hanggang sa unti-unting namuo ang malaking
portal sa kalangitan at nakikita ko ang mga halimaw na nag-uunahang makalabas,
ngunit hindi pa nila magawa dahil sa hindi pa natatapos ang pagdudugtong sa
dalawang mundo.

Nagbago ang aking anyo mula sa pagiging tao sa pagiging dragon.

Kasabay kong lumipad si Yuki, I growled at her pero ang gaga inirapan lang ako.
Sarap sabunutan! Pasalamat siya maiikli ang kamay ko ngayon!

Lumapit ako kay Jack na ngayon ay si Lucas at kinausap ko siya sa pamamagitan ng


aking isip.

"Master, itigil niyo na ito. Baka... Baka magkatotoo ang sinabi ng Arankar na may
mundong manganganib!"

"Tumigil ka!" Sigaw nito sa akin bago ko maramdaman ang isang malakas na pwersa na
dahilan upang pumadausdos ako pababa.

Mabuti nalang at nakalipad ako, kamuntik na akong sumubsob sa buhanginan. Nakita ko


si kuya na nakikipaglaban sa mga kaibigan ni Yuki, I want to help him, but I can't.
O should not.
Napatingin ako kay Yuki na ngayo'y iniipon ang elemento ng hangin sa kaniyang
dalawang kamay na kasalukuyang nakataas sa ere. Palaki-ito nang palaki hanggang sa
itinapon niya ito papunta kay Jack ngunit hindi paman ito nakakaabot ay biglaan
nalang itong naglaho.

Muling gumawa ng bola ng enerhiya si Yuki, ngayon naman ay magkahalong apoy at


kidlat. May kumakawalang hibla pa mula sa ginawa niyang atake. At kagaya ng nauna
niyang atake ay bigla na lamang naglaho ito.

Gagawa pa sana siya muli pero kumilos na si Jack at mahigpit niyang hinawakan ang
leeg ni Yuki at malakas itong ibinalibag pababa sa malawak na karagatan. Nang
bumagsak si Yuki ay wari mo'y nagkaroon ng panandalian crater sa dagat dahil sa
lakas ng impact, gunawa ito ng malalakas na alon.

Maya-maya pa'y biglang umikot ang tubig ng karagatan hanggang sa maging isa itong
whirlpool at mula rito ay lumabas si Yuki na kasalukuyang nasa Fundiere water form
niya, ang kaniyang pakpak ay gawa sa tubig, at may kasama siyang isang Aluna.

Narinig ko siyang sumigaw ng 'ngayon na!' At kasabay no'n ang pagsulpot ng mga
matutulis na tubig mula sa karagatan papunta kay Jack.

YUKI

Kanina ko pa sinusubukang patamaan si Lucas ngunit hindi ko magawa dahil bigla na


lamang naglalaho ang aking mga atake, tss. I guess wala na akong pagpipilian pa.

I summoned all my guardians including Kiyu. Muli kong pinalitaw ang ang aking
gintong baluti't espada.

"Sugod!" Sigaw ko kasabay ng pagsugod ng aking mga guardians. At sa isang iglap


lang sari-saring elemento ang bumalot sa kalangitan. Mga ungol at atungal ng aking
guardians lamang at mga pagsabog ang tanging maririnig sa buong paligid.

"Golum!" Sigaw ko nang bumagsak ang aking earth guardian dahil sa tama sa kaniyang
likod. Unti-unti itong naglaho. Masama kong tiningnan ang nakangising si Lucas,
gusto ko siyang patayin, pero ayokong gawin dahil si Jack parin ang nasa katawang
kaniyang inaangkin.

Sunod-sunod na naglaho ang aking mga guardians hanggang si Kiyu nalang ang natira.
Lumapit ito sa akin, hinimas ko ang ginintuang balahibo niya at nginitian ko ito.

"Let's do this, Kiyu" sabi ko. Tumango ito sa akin bago ibinuka ang kaniyang bibig,
mula rito ay may namuong mga hibla ng kidlat. Habang ako naman ay inipon sa aking
palad na kasalukuyang nakatapat kay Jack ang lahat ng elementong taglay ko,
naghalu-halo ang mga ito hanggang sa maging isang gintong enerhiya.

"Ngayon na!" Sigaw ko bago pinakawalan ang aking atake, ganon din si Kiyu. Dalawang
energy blast ang ngayo'y patungo sa direksyon ni Jack, ngunit habang palapit ito
nang palapit sa kaniya ay unti-unti itong naging isa.

Nakita ko ang paglabas ni Jack ng kaniyang naglalagablab na espada at sinalubong


ang aming atake.

Isang nakakabinging pagsabog ang bumalot sa buong lugar na naging dahilan ng


pagkahawi ng makapal na kumpol ng itim na ulap sa kalangitan, nabalot ng usok ang
buong paligid.

Katahimikan.
Nabigla ako nang may isang naglalagablab na espada ang bumulusok papunta sa akin,
tila nagslowmo ang buong paligid. Nakita ko kung paano humarang sa akin ang aking
guardiang si Kiyu at sinalo ang atakeng para sa akin.

"Shuuuk!" Nahihirapang sabi nito habang unti-unting natutupok ng apoy ang kaniyang
katawan.

"No! Hindi... Kiyu! Kiyuuuuuuu!" Hindi ko mapigilang mapaluha habang pinagmamasdan


ang paghihirap ng aking guardian.

"Shuuuk" nakita ko ang pag-ngiti ni Kiyu bago siya tuluyang maging abo.

"KIYUUUU!" kasabay ng pagluha ko ay ang paglakas ng hangin sa paligid, pagwawala ng


karagatan at pagkulog at pagkidlat, unti-unti naring nagsisilitawan ang mga ugat sa
paligid, lumilindol at umuulan ng niyebe. Ang alaga ko, ang naging katuwang ko sa
buhay... Ang cute kong guardian... My protector... Wala na siya! Wala na si Kiyu.
Hindi na siya muling babalik pa. Unlike my other guardian si Kiyu lang ang
namamatay dahil siya ang main guardian ko.

Namatay siya dahil sa kahinaan ko, dahil sa akin namatay si Kiyu! Matalim kong
tiningnan ang walang awang lalaking pumaslang sa kaniya. Isang mala-demonyong ngisi
lang ang iginanti niya sa akin, habang ako ay nanggagalaiti na sa galit.

"Magbabayad ka... Magbabayad kaaaaaaaaa!" Sigaw ko bago sumugod sa kaniya, sa


pagtatagpo ng aming mga espada ay nawala ang tubig ng dagat sa aming paanan dahil
sa lakas ng pwersang dulot nito. Idiniin ko ang espada ko, at ganon din siya.

"HAAA!" Sigaw ko at pinadaloy pa ang mga elementong taglay ko sa espada ko, ganon
rin siya, mas naglagablab ang kaniyang espada dahilan upang kumawala ang mga hibla
ng kidlat mula sa naggigitgitan naming mga atake.

Isa lang ang nasa isip ko ng mga oras na iyon, ang pumatay o ang mamatay.

***

A/N: kung gusto niyo akong nakausap just pm me or add me on my facebook acc or
simply join the fb group I've created, Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)

Chapter 23 and Epilogue will be posted later. I think mga six pm :)

Thanks!

~ n a u g h t y j a c k y y ~

Chapter Twenty-Three

THIRD PERSON'S POV

"Ahh!" Daing ni Yuki nang malakas siyang itinulak ni Jack palayo. Masyadong malakas
ang kaniyang kapangyarihan, dahil sa mga piraso ng cores na hawak niya.

"Mamatay kana, Arankar" malamig na sabi ng binata bago ibinatong muli ang kaniyang
espada.
Matatamaan na si Yuki...

Malapit na...

"Ugh!" Tumagos sa katawan niya ang espada, natamaan siya! Natamaan si...

Cha.

"CHA!" sigaw ni Yuki at ni Gin. Sinalo ng dalaganga si Cha na kasalukuyang sumusuka


ng dugo. Ibinaba ng dalaga si Cha sa buhanginan.

"Ano bang ginawa mo?! Peste ka, bakit mo sinalo ang atakeng 'yon?! Galit na usal ni
Yuki sa pagitan ng kaniyang mga luha.

Nginitian lang siya ni Cha bago sumagot. " at least, m-may n-na-nagawa a-akong ma-
mabuti, s-sorry" huling sabi ng dalaga bago malagutan ng hininga.

Nagmamadaling pumunta si Gin sa kaniyang kapatid at inakay ito. "Bakit?! Bakit...


Bakit?!" Sigaw nito habang nakatingin kay Jack. Isang ngisi lang ang iginanti ng
binata sa kaniya.

"Bakit mo iyon nagawa, pinuno?" Mahinang usal ng binata na sapat na upang marinig
ni Jack.

"Parte rin kayo ng plano" simpleng sagot nito. "Ngayon, isasama ko na kayo sa
kanila. Mamamatay kayo kasama nila. Bata pa lang kayo ay parte na kayo ng plano.
Ngayong tapos ko nang pakinabangan ang mga kapangyarihan ninyo, paalam" dagdag
nito.

Nagtiim bagang si Gin at matalim na tiningnan ang kaniyang pinunong tinuri na


niyang pangalawang ama.

Tiningnan niya si Yuki, nagbuntong hininga ang lalaki.

"Tulungan mo akong pigilan siya" tumango ang dalaga bago inilabas muli ang pakpak.

"Yuki, tutulong kami. You can have our magoi" suhestyon ni Zyline. Tumango ang
dalaga bago itinaas ang kamay sa ere.

Binalot ng liwanag sina Audrey, Zyline, Anna, Mav, Paolo at Sai.

"Habiere sus" pagkasabi no'n ni Yuki ay unti-unting naging bola ng enerhiya ang
liwanag na bumabalot sa kaniyang kaibigan hanggang sa unti-unti itong pumasok sa
katawan ng dalaga at nawalan ng malay ang kaniyang mga kaibigan.

Binalot ng gintong liwanag ang dalaga at nang mawala ito ay naging purong ginto ang
kulay ng kaniyang pakpak, buhok, mata, baluti at espada.

"Suauportahan kita, ako ang bahala sa barrier. Proprotektahan ka nito, basta


tulungan mo lang akong mapigilan siya.. Pakiusap, pigilan mo siya sa kahit na anong
paraan.

Tumango lang ang dalaga at lumipad na. Ramdam nito ang kaakibang lakas, parang
triple ang inilakas niya.
"Hindi mo ako mapipigilan, Arankar" sumugod si Jack kay Yuki at nagsalpukan ang
kanilang mga atake. Mga pagsabog lang ang maririnig at ang malakas na pagbabanggaan
ng kani-kanilang mga espada.

Sa tuwing titira si Jack ay gumagawa ng barrier si Gin upang maprotektahan si Yuki.

"HAA!" natamaan sa braso si Jack at umagos rito ang masaganang dugo. Dahil rito ay
nagdilim ang kaniyang paningin.

Unti-unting binalot ng itim na usok ang kaniyang katawan, muling bumalik ang kumpol
ng itim na ulap sa kalangitan, nagwala ang hangin at ramdam ng dalaga ang
napakalakas ng magoi na nagmumula sa kaniyang nobyo.

"Tumigil kana!" Sigaw ni Yuki at mabilis na tinungo si Jack. Sinusubukan ng binata


na patamaan ang dalaga ng kaniyang mga atake pero palaging may barrier na lumilitaw
upang protektahan ang dalaga.

YUKI

Palapit na ako nang palapit sa nagwawalang si Jack, ang sakit sa pakiramdam na


nakikita ang lalaking mahal mo na nahihirapan.

Nang makalapit ako ay nanginginig kong inihanda ang aking espada, dahan-dahang
tumulo ang aking mga luha, ayokong gawin ang nais nila, pero kapag hindi ko 'yon
ginawa... Manganganib kami. Manganganib ang mundo, ang Alzora at Greiko.

Ang hirap mang gawin pero kailangan ko.

Nang makalapit na talaga ako sa kaniya ay tiningnan ko siya sa mga mata.

"Jack! Gumising ka! Jack!" Naiiyak kong tawag sa kaniya, nagbabasakaling marinig
niya ako.

Ngunit nabigo ako nang isang mala-demonyong ngisi lang ang isinukli nito sa akin.

"JACK!" tawag ko. Bahagya itong natigilan at tumingin sa akin, nakita ko rito ang
kalungkutan at pagsusumamo. Hindi kaya, si Jack parin ang lalaking kaharap ko?

"Tulungan mo ako" sabi nito. Tumulo ang luha ko nang mapagtantong lumalaban si Jack
kay Lucas ngunit masyadong malakas ang huli. I felt sad for him, naaawa ako sa
kaniya. I know he's in pain, naghihirap siya. And I can't stand seeing him like
that.

"Mahal na mahal kita, kahit na hindi na ako ang mahal mo, hindi parin magbabago ang
nararamdaman ko sa iyo. Tandaan mo ito Jack, mahal kita at kaya ko ito gagawin
dahil ayoko nang maghirap ka pa... Patawad" pikit mata kong itinarak ang aking
espada sa kaniyang dibdib kasabay ng pagdampi ng aking labi sa labi niya.

"Patawad Jack"

Naramdaman ko ang magkabila niyang palad sa pisngi ko, maluha-luha ko siyang


tiningnan.

"S-salamat" naluluhang sabi nito at nginitian ako. Nakita ko ang marahang pagsara
ng mata niya bago ito malagutan ng hininga kasabay ng pagtigil ng lahat na parang
walang nangyari.
"JAAAAACK!"

***

A/N: Epilogue na ang next T__T

EPILOGUE

Buwan na ang lumipas matapos mamatay ni Jack pati narin ni Lucas sa kadahilanang
iisa lamang ang kanilang katawan.

At gamit ang mga piraso ng cores, binuo naming muli ang Alzora. Muli naming
ibinalik ang ganda ng mala-paraisong lugar na ito.

Naging bukas narin ang mundo namin para sa mga vessels na nakatira sa Greiko,
kumbaga malaya na silang nakakalabas-masok sa mundo namin at mundo nila, hindi na
nila kailangan pang gumawa ng portal.

Nagsasaboy ako ng mga petals ng iba't-ibang uri ng bulaklak upang alalahanin ang
lalaking naging parte ng buhay ko.

"Yuki! Narito kalang pala! Kanina kapa namin hinahanap! Bilisan mo d'yan at
magsisimula na ang seremonya" sabi ni Anna pero nanatili akong nakatanaw sa kabuuan
ng Alzora at ipinagpatuloy ang pagsasaboy ng petals.

"Hoy bruha, bumaba kana d'yan, nag-aalburuto na si Master Magrett!" Bumaba nalang
ako dahil baka magwala pa si lola.

"Halika na, MAHAL NA REYNA" at hinila na ako ni Anna papunta sa palasyong minsang
pinamunuan ng aking ama't ina upang pormal na tanggapin ang pagiging reyna ng buong
Alzora.

THE END!

****

Huhu, thank you ng marami sa umabot hanggang dito! I love you :* this is my first
ever finished story! And thank you for the floodvotes, comments and for leaving a
message on my profile, for messaging me privately, adding and following me on
facebook! Thank you guys :* kahit tapos na ang story na 'to, may iba pa naman akong
on-going stories eh. Support it k? Haha. Labyuu :*

And alam kong ang pangit at ang lame ng mga past chapters, sorry sabaw eh! Hahaha.
Peace nalang tayo! So para maging updated parin kayo sa mga latest news about
AROTAP join our FB Group: Jack Denver GemoyaWP (naughtyjackyy)

Yun lang, maraming thank you! And by the way, this story passed the standards of
officscrittoreph ! Magdiwang!
~ SANA MAIPUBLISH 'TO HAHA!

Headmaster

Attention Alzorians,

This story joined the Wattys 2017 so please keep supporting this one. Ito lang ang
hinihingi ng inyong panty-dropping gorgeous author.

Have a nice day!

Announcement!

Tomorrow, June 22, 2017. I'll start editing and revising this story. I'll make it
more detailed, aayusin ko ang mga loopholes, yung characters aayusin ko rin,
bibigyan ko ng hustisya at siguro iibahin ko ang title at ang ilang details ng
story para naman mukhang bago parin kapag binasa niyo ulit.

May madadagdag at may mababawas po! So huwag po kayong magtaka kung may maiiba at
may bago.

Again, BUKAS PO (JUNE 26, 2017) I'll start the TRANSFORMATION of AROTAP :)

***

Special Chapter- Jack's Side

I know from the very start that something weird is happening on my body. It started
when Yuki defeated Lucas and the two cores of Alzore were shattered into pieces.

Yes, Yuki healed me but I felt something - something weird in my body, parang may
pumasok sa katawan ko dahilan upang bahagya akong manghina, that's the reason why I
can't walk normally nang makita ako ni Yuki.
As the day passed by, the strange feeling became weirder, it was slowly invading my
system. Until I saw something on my magoi, a dark energy emitted by my sword.

I thought I was just hallucinating that time but there was a time, I am sleeping
peacefully, dreaming about me and Yuki when suddenly Lucas entered the scene and
showed me a world of chaos, full of misery and blood.

And as I woke up, I knew that something weird is already happening in my entire
system. It was like a virus that is slowly corrupting my system.

Then it was followed when the PlaneX12 did not recognized me, my magoi. It took
some time before it finally activated.

Days passed.

Every night, I always see Lucas in my dreams, showing me the collision of Alzora
and Greiko. Monsters, blood, corpse, and darkness everywhere. Sobra akong natakot.
To the point na pati sarili ko ay kinakatakutan ko na rin.

Kaya nga pilit kong iniiwasang mapalapit nang husto kina Yuki at sa mga kaibigan ko
dahil natatakot ako na baka mapahamak ko sila.

Then Cha came, I diverted my attention on her. Mas pinagtuunan ko siya ng pansin
upang magalit sa akin si Yuki at hindi na siya magdalawang isip na patayin ako
kapag nagkatotoo man ang mga pangitaing pinapakita sa akin ni Lucas.

I'm glad that Yuki hated me. So I convinced her that I don't love her anymore by
paying more attention on Cha. But the heck, it was killing me inside. It was a
suicide. But I need to do it, para rin naman iyon sa kaligtasan nilang lahat

Then the day I feared the most came, the Day tha Lucas successfully took over my
body. Every inch of my body was under his control, even the way I think.

Pero kahit na nasa kontrol ni Lucas ang katawan ko, alam ko parin ang nangyayari sa
buong paligid. Alam na alam ko at ramdam na ramdam ko.

At nang siubukan ni Lucas na agawin ang mga piraso ng cores mula sa pangangalaga
nila Yuki, pilit kong nilabanan ang hayop pero higit na malakas ito sa akin, palagi
akong natatalo. Weird pero may nagaganap na laban sa loob ng katawan ko, me against
him.

I felt sad when I saw how I killed Andromeda with my own hands. I killed her! Kahit
hindi ako ang nag-isip no'n, still parang ako parin ang pumatay sa kaniya! Katawan
ko parin ang ginamit niya.

Nang maagaw niya ang mga cores ay mas lalo siyang lumakas kaya wala akong nagawa
kundi ang manahimik sa pinakasulok ng katawan ko. I'm useless!

I cried hard when Lucas killed Cha using my body. Fuck him! Fuck him a million
times!

I tried to fight him but I can't!

Nang labanan niya si Yuki, sobrang sakit ng puso ko. I can't fight her, I can't
fight the one who's giving me the strength and the courage to continue living.
She's my world, she's my everything.

When she hit me with her magic, I felt that Lucas became weak so I took advantage
of it.

I stopped him when Yuki was about to stab me with her sword.

"Tulungan mo ako" pagsusumamo ko nang mawakasan ko na ang paghihirap ko at


mailigtas ko ang dalawang mundo. Alam ko na kapag namatay ako, mamamatay rin si
Lucas.

I felt Yuki's sword on my chest then penetrated in my heart. I cried silently.

"Salamat" I closed my eyes and savoured Yuki's lips and kiss. Because I know, this
will be the last time that I will feel her kiss and sweet lips. This will be the
last time that I will feel her love.

Because I know after this, everything will end, including my life.

I want to speak up, but my body were too weak, I can't even move my lips.

I cried.

Yuki, tandaan mo, ni minsan hindi ka nawala sa isip ko. Hindi ka nawala sa puso ko.
You were always and forever will be there, because you are my everything.

I love you, Goodbye.

And that's the last thing I said in my mind before everything went black and I can
no longer feel anything.

***

A/N: Ano okay lang ba? So naliwanagan na ba kayo? Sorry kung pinatay ko si Jack,
bitter ako eh! Mwehehehe.

You might also like