Professional Documents
Culture Documents
Ama Pagsusuri
Ama Pagsusuri
Ang akdang “Si Ama” ay isang maikling kwento na isinulat ni Edgardo M. Reyes. Isa
itong uri ng maikling kwento na kinapapalooban ng pitong tauhan at may payak na paksa. Ang
paksa dito ay tungkol sa isang amang may kakaibang ugali. Sa panunuring ito, bibigyan ng
pokus ang pagpapaliwanag sa pagdulog na gagamitin. Naglalayon din itong ipaliwanang ang
kabuuang kahulugan ng akda at kung bakit mayroong pag-uugaling kaniya-kaniya ang
pangunahing tauhan. Ang manunuri ay naglalayong magbigay ng konretong interpretasyon
hinngil sa akda kaugnay sa pagdulog na gagamitin.
Ang kwentong “Si Ama” ni Edgardo M. Reyes ay tungkol sa isang ama na kakaiba.
Siya ay kakaiba sapagkat malayo ang kaniyang pag-uugali sa ibang ama. Kakaiba rin ang
kaniyang prinsipyo at paninindigan. Ayaw niyang nangungutang, at nanghihingi ng pera at
tulong sa ibang tao maski sa kaniyang kamag-anak. Hindi rin siya nakikialam sa desisyon ng
kaniyang mga anak lalo na pagdating sa usaping pag-aasawa. Ikinuwento din dito ang
pagliligawan ng kaniyang ama at ina. Buong katapan ding ipinakita ng ama ang kaniyang
totoong pag-uugali mula simula hanggang sa wakas ng kwento. Ipinakita din ang magandang
pag-uugali ng kaniyang ama bilang responsible at masipag
Ang akdang “Si Ama” ni Edagardo M. Reyes ay isang uri ng maikling kwento na
nagpapahayag tungkol sa isang ama na may paninindigan at prinsipyo sa buhay. Kaiba ito sa
ibang akdang pampanitikan na maikling kwento sapagkat ang hindi ang nagsasalay ang naging
paksa ng akda bagkus siya ay naging tagasiwalat sa buhay ng pangunahing tauhan. Nakapaloob
sa akda ang hindi karaniwang pag-uugali ng isang ama. Ang paglalarawan sa kaniyang ama ay
isang responsible, maprinsipyo, at may paninindigan. Tahasan din ang kaniyang paglalarawan
sapagkat sa unang pangungusap pa lang sa akda ay inilahad na niya kung anong klaseng pag-
uugali mayroon ang kaniyang ama.
Sosyolohikal-Eksistensyalismong Pagdulog
“panganay siya sa pitong magkakapatid, maaga silang naulila sa ama, at natural, mangyari
pa, na siya ang magdala ng pamilya. Nang may kumikita na sa mga kapatid niya ay saka pa
lamang siya nakaisip na mag-asawa”.
“Di ko kaya ang hinihingi nila, at kaya ko ma’y di ako lokong magpapalaklak nang gayon sa
mga taong me malalaklak naman sa kani-kanilang bahay. Dalawang manok, kaya kong
magbuwal; kung lalampas pa ro’n ang gusto nila’y sabihin mong kanila ka na at akin ang
dalawang manok ko.”
Sa pahayag na ito may mapagpipiliang desisyon ang Ama, kung ibibigay ba niya o hindi
ang hinihinging dote ng pamilya ng babae, subalit sa huli mas pinili niyang maging praktikal.
Inamin niya sa babae na ayaw niyang ibigay ang hinihingi ng kaniyang magulang. Dahil sa
pagiging rational niya bilang tao may kalayaan siyang magpasya kung ano ang kaniyang nais.
At sa pahayag na ito pinatili niya ang kaniyang kalayaan sa pagdedesiyon. Hindi niya
hinayaang diktahan siya ng magulang ng babae sa kung ano ang kaniyang dapat gawin. Sa
pagiging existensyalismo ng tao ginamit niya ang kaniyang kalayaan na magpasya kung kaya’t
pinanindigan niya ang kaniyang desisyon na ayaw niyang ibigay ang doteng hinihingi ng
magulang ng babae.
“Man is the only creature who governs and directs himself and his action, who sets up
ends for himself and his purpose, and who freely orders means for the attainment of his aims.”
- Immanuel Kant
Ang tao ay natutuo mula sa kaniyang lipunan, at dahil sa lipunan nahuhubog ang
personalidad, paniniwala, at pag-iisip ng tao. Kapag ganap nang may natutuhan at nahubog ang
buong pagkatao, unti-unti na niyang nadidiskubre ang kanilang tungkulin at kasabay nito ang
kaniyang kakayahang mag-isip at pumili ng desisyon. Sa akda, nagkaroon ng ganoong pag-
uugali at pag-iisip ang pangunahing tauhan sapagkat ang kaniyang personalidad ay nahubog
mula sa kaniyang karanasan sa lipunang kaniyang ginagalawan. Bunga nito, may matatag
siyang paninindigan sa mga desisyong kaniyang pinipili.