Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Posisyong Papel

Langit, Lupa, Impyerno "Death Penalty"

PANIMULA:

Langit, Lupa, Impyerno isang pangalan ng laro na hinalintulad sa "Death

Penalty". Matagal nang pinag dedebatehan ang pagpapatupad ng Parusang

Kamatayan o Death Penalty sa ating bansa. Ito ay isang isyu na hindi lamang ang

mambabatas ang nakikipagtalunan ngunit pati ang pangkaraniwang mamamayan.

Drugs, gun-for-hire killings, murder, rape, child prostitution, kidnapping, robbery, acts

ofterrorism at malversation of public funds. Iyan ay ang mga lumalalang krimen sa ating

lipunan ngayong kasalukuyan. Ito din ang problema na maaring pati ang susunod na

henerasyon ay manahin. Ito din ang mga dahil kung bakit gusto ng ating gobyerno na

ibalik ang Death Penalty sa bansang Pilipinas.

Ano nga ba ang Parusang Kamatayan? Dapat pa ba natin ito ibalik sa

kasalukuyan? Sapagkat ito ay una nang naisabatas noong panahon ng Batas Militar na

kung saan si dating Pangulong Ferdinad Marcos pa ang may hawak ng gobyerno.

Makalipas ang termino ng dating Pangulo Ferdinand Marcos, ito ay napasawalang

batas o tinanggal sa panibagong konstitusyon. Maraming nang bansa ang may

ganitong batas na kung saan kanilang pinaparusahan ang sino mang makalabag sa

kanila batas o gumawa ng karumal-dumal na krimen. Ang parusang kamatayan ay ang

pinakamabigat na hatol na maiibigay ng gobyerno sa isang kriminal na kung saan

hawak-hawak nila ang iyong buhay ngunit ito ay nakapadepende pa din sa kasalanan o

bigat na kasalanan na nagawa ng isa tao. Ang Parusang Kamatayan ay maaaring


isagawa sa iba’t ibang paraan: ang silya elektrika na isang instrumento na gumagamit

ng kuryente upang kumitil ng buhay, ang lethal injection na gumagamit ng lason, at ang

paraan ng pagbibigte.

Sa kasalukuyan, ang ating pangulo na si Pangulong Rodrigo Dutere ay ninanais

ibalik muli ang parusang kamatayan. Hindi ito upang takutin ang mga kriminal at takutin

ang mga mamamayan ngunit ibabalik ito upang pambayad sa nagawang kasalanan ng

isang kriminel. Marami ang nag bigay ng suporta sa plano ang ating pangulo ngunit

marami din ang tumuligsa at isa na dito ang pinuno ng CHR o Commission on Human

Rights.

You might also like