Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

I.

Pamagat: Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan

Sa tingin ko, pinamagatan itong ganito dahil lahat ng pangyayari sa kuwentong ito ay
umiikot kay Pele na siyang may dahilan kung bakit nawalan ng kapayapan ang buhay ng mga
ibang tauhan.

II. Manunulat: Jon Kleyton G. Alvarez

III. Buod:

May isang pamilya na nakatira sa Tahiti. Si Haumea, diyosa ng makalumang lupa, at si


Kane-Milohai, diyos ng kalangitan, ang mga namumuno sa tahanan. Mayroon silang anim na
anak na babae at pitong anak na lalaki. Dalawa sa mga ito ay si Pele at Namaka. Si Pele ay
diyosa ng apoy at bulkan habang si Namaka naman ay diyosa ng tubig. Dahil sa kanilang
pagkakaiba nagkaroon ng matinding alitan sa pamamagitan nila na lalo lang lumala nang
suwayin ni Pele ang kanyang Ina. Aksidenteng niyang nasunog ang buong isla ng Tahiti sa
patuloy niyang pakikipaglaro sa apoy na ikinigalit ni Namaka. Kaya naman napilitan silang
umalis gamit ang isang bangka hanggang napadpad sila sa isang isla kung saan napisa ang itlog
na naglalaman ng kanilang nakababatang kapatid. Ang pangalan niya ay Hi’iaka na siya namang
diyosa ng hula at mananayaw.

Naging tanyag at labis na humanga ang mga tao kay Pele at Hi’aka dahil sa kanilang
matinding kagandahan at kahusayan sa pagsayaw. Ikinagalit naman ito ng apat na diyosa ng
niyebe na naninirahan na sa isla bago pa man dumating ang pamilya ni Pele kaya naman
nagpalano silang paalisin ang mga ito. Sa tuwing nagpapatayo sina Pele ng tahanan,
binubugahan nila ito ng niyebe kaya napilitan silang lumipat-lipat. Di nagtagal nakahanap ang
pamilya ni Pele ng ligtas na lugar sa napakataas na bundok na tinatawag na Mauna Loa. Ngunit
hindi pa rin humuhupa ang galit ni Namaka kaya’t pilit niyang pinapaabot ang along kanyang
pinapakawalan sa kanila. Upang iligtas ang kanyang pamilya, pinagliyab ni Pele ang init sa
kailaliman ng bundok na naging dahilan kung bakit ito pumutok at maglabas ng lava.

Nang matuyo ito, tinawag itong Hawaii o “The Big Island.” Bagama’t nanalo si Pele sa
kanilang laban, namatay naman ito. Siya ay naging espiritu na kayang baguhin ang sarili sa
anumang anyo na gusto niya. Di nagtagal ay nakilala niya si Ohi’a na lubos niyang nagustuhan
kaso meron na itong asawa, si Lehua. Dahil hindi kayang ibalik ni Ohi’a ang nararamdaman ni
Pele para sa kanya, nanibugho ito at ginawang puno si Ohi’ia kasama si Lehua na naging
bulaklak Ngunit hindi dito nagtatapos ang pagiging selosa ni Pele. Isang araw habang naglalaro
ang kanyang kapatid na si Hi’iaka, inutusan ito ni Pele na sunduin ang kanyang kasintahang si
Lohi’au. Pagkatapos ng mahabang paglalakbay, nadatnan niyang halos patay na si Lohi’au sa
pagaakalang kinalimutan na siya ni Pele.
Tinulungan ni Hi’iaka si Lohi’au na gumaling kaya’t naging malapit ang loob nila sa
isa’t-isa. Ngunit kahit ganunpaman, hindi niya hinayaan ang sarili niyang aksyunan ang
nararamdang ito dahil ayaw niyang masaktan ang kanyang Ate. Dahil matagal bago sila
nakabalik, naging masama ang inisip ni Pele. Muli siyang nanibugho at sinunog ang hardin na
pinapabantay sa kanya ni Hi’iaka, kasama na ang kaibigan niyang si Hopoe dito. Dahil rin sa
galit, napatay niya si Lohi’au. Humingi ng tulong si Hi’iaka sa kanyang kuya na si Kane-Milo
upang buhayin ulit si Lohi’au. Pagkatapos, umalis sila ng isla para umiwas sa galit ni Pele. Sa
huli, pinagsisihan ni Pele ang kanyang mga nagawa kaya’t hinayaan niya nang mamuhay ng
payapa ang dalawa.

IV. Aral:

Ang aral na gustong ipahiwatig ng kuwentong ito ay dapat hindi natin pinapairal ang
ating galit at pagseselos para hindi tayo makagawa ng mga bagay na maari nating pagsisihan sa
huli. Gusto rin nitong iparating na dapat alam natin kung kailan tayo ang mali para makahingi
tayo ng tawad sa taong nagawan natin ng masama.
I. Pamagat: Macbeth

Sa tingin ko, pinamagatan ang kuwentong ito na Macbeth dahil inilahad dito kung
paano umangat ang kanyang estado sa buhay, kung paano siya bumagsak mula rito at ang
mga paraan na ginamit niya upang maabot ito.

II. Manunulat: William Shakespeare

Siya ay isang makatang Ingles, mandudula, at aktor, at


malawakang kinikilala bílang pinakamahusay na
manunulat ng wikang Ingles at preeminenteng
dramaturgo ng mundo. Madalas siyang tinatawag na
pambansang makata ng Inglatera, at tinaguriang "Bardo
ng Avon". Ang mga akdang ekstante niya ay
kiabibilangan ng mga kolaborasyon, na may mga 38 na
dula, 154 na soneta, 2 mahabang tulang salaysay, at iba
pang mga berso.

III. Buod:

Ito ay naguumpisa sa dalawang heneral ng Scotland na kakagaling lang sa digmaan.


Sila’y kilala bilang Macbeth at Banquo. Ang pagdurusa nila ay nag umpisa nung makilala nila
ang tatlong manghuhula. Sinabi ng tatlong manghuhula na si Macbeth ang magiging hari, subalit
nasa lahi ni Banquo ang magiging tagapagmana ng korona. Si Macbeth ay lubusang nagisip kung
papaano sya magiging hari, kaya siya at ang asawa niya na si Lady Macbeth ay nag-plano na
patayin ang kasulukuyang pinuno na si Haring Duncan. Nang namatay ito, si Macbeth ang
nagsilbing kapalit niya bilang hari katulad nga ng sabi ng tatlong manghuhula. Ang mga anak ng
hari na si Malcom at si Donalbain ay umalis ng kanilang kaharian sa takot na sila’y susunod ng
mamatay.

Isa sa mga pinagkakatiwalaan ng hari na si Macduff ay nagkakalat ng balita na si


Macbeth at ang kanyang asawa ay ang pinaghihinalaan na pumatay kay Haring Duncan. Nang
malaman ito ni Macbeth ipinautos niya na patayin ang asawa ni Macduff na si Lady Macduff at
ang kanilang anak pero naunahan ito ni Macduff na siya’y nagtungo sa England para sabihin kay
Malcom na si Macbeth ang pumatay sa ama niya. Si Malcom ay naghiram ng sampung libong
sandatahan para pabagssakin ang pamumuno ni Macbeth.
Sa kabilang kamay, si Macbeth ay pinuntahan ang tatlong manghuhula para malaman
kung papaano nya iwasan ang pagkabigo nya. Sinabi nila sa kanya na di sya mamatay pag ang
tumok ng Birnam Wood ay wala sa harap ng kastilyo niya at wala rin makakapatay sa kanya pag
di iniluwal galing sa sinapupunan ng kanyang ina. Subalit, ang hukbo ni Malcom ay nagdala ng
sanga galing sa Birnam Wood. Ang suliranin ni Macbeth ay wala nang solusyon, winalat ng
hukbo ni Malcom ang kastilyo ni Macbeth. Si Macduff naman ay linaban si Macbeth, subalit
namatay si Macbeth dahil si Macduff ay pinanganak gamit ang paraan na tawag Cesarean na
kung saan binubuka ang pinaka sinapupunan ng babae para kunin ang bata. Si Malcom at ang
kanyang hukbo ay nagwagi at siya na ang naging bagong hari ng Scotland.

IV. Aral:

Ang aral na gusting ipahiwatig ng kuwentong ito ay na sa likod ng pagtatagumpay o kaya


pagkabagsak ng isang lalaki, ay isang matalinong babae.
I. Pamagat: Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan

Sa tingin ko, naging ganito ang pamagat ng tula dahil nakatuon ito sa mga nabanggit at
kung ano ang nararamdaman ng manunulat para rito.

II. Manunulat:

III. Buod:

Sa unang talata ay ang pag-alis ng binata sa bukid ng kanyang ama. “Hudyat ng


digmaanang aking ligaya,” mula sa linya ng ito ay nagpapakita na mahilig sa digmaan ang binata
at gustong magsundalo paglaki. Sa pangalawang talata naman ay sinasabi ng sundalo na ang mga
bayaning namatay ay hindi malilimutan at nang pagtingin niya pagtingin niya sa ilaw ng
kamatayan / “imortal na sinag” ay naalala niya ang mga bayaning ito. Pagdating ng pangatlong
talata ay may nakita ang sundalo, ito ay isang maliwanag na bituin na nagturo ng daan sa mga
katawan ng mga sundalong namatay na. Mula sa pang-apat na talata ang linyang “Nagpiilit din
ako’t paa’y nananabik” ay ang pagtuloy ng sundalo sa gerang hinaharap niya. Sa talatang ito ay
mababasa kung ano ang nakikita ng sundalo ang dugo ng kanyang kalaban habang nasa digmaan.
Natapos ang kasalukuyang gera sa ika-limang talata na may linyang “Narating ko’ng rurok na
mithiin” (nagawa niya ang layunin na tapusin ang gera). Nang matapos ang gera ay naisip ng
sundalo ang kanyang buhay noong siya’y bata pa at naninirahan ng masaya at tahimik. Sa ika-
anim na talata ay napagtanto na ng sundalo na huli na ang lahat para talikuran ang pagiging
sundalo at bumalik sa matahimik niyang buhay.

IV. Aral:

Ang aral na ipinapahiwatig ng tulang ito ay dapat pinagiisipan nating mabuti ang mga
desisyon na ating ginagawa upang hindi natin ito pagsisihan.
I. Pamagat: Ang Kwento ng Isang Oras

Sa tingin ko, ang pamagat ng kuwentong ito ay ganito dahil ibig iparating ng manunulat
ang mga pangyayaring naranasan ni Ginang Louise sa ilalim lamang ng isang oras.

II. Manunulat: Kate Chopin

Siya ay ipinanganak noong Pebrero 8, 1850 sa St.


Louis, Missouri. Nailathala ang kanyang aklat na Ang
Kuwento ng Isang Oras noong Disyembre 6, 1984.
Isinulat rin niya ang The Awakening na naging isang
tanyag na nobela sa buong mondo. Ikinamatay naman
niya ang cerebral hemorrhage noong Agosto 22, 1904
sa edad na 54.

III. Buod:

Ang kuwentong ito ay tumatalakay sa iba’t-ibang damdamin na dinanas ni Ginang Louise


Mallard nang malaman niyang nakasama ang kanyang asawa na si Ginoong Brently Mallard sa
mga pumanaw mula sa isang aksidente sa riles. Ang ginang ay mayroong sakit sa puso kaya’t
maingat siyang inaalagaan ng kanyang kapatid na si Binibining Josephine. Nang malaman ng
binibini at ng matalik nilang kaibigan ang nangyari sa ginoo, dahan-dahan nila itong sinabi sa
biyuda. Sa labis na pagkagulat, umiyak nang husto ang ginang at piniling mapag-isa sa kanyang
silid.

Sa loob, siya’y nagmuni-muni at nakaramdam ng pangungulila sa kanyang yumaong


asawa. Makalipas ang ilang minuto, tila may naramdamang gaan sa loob ang ginang. “Malaya!”
Sigaw ng kanyang isip. Napagtanto ni Louise na ito ang mabuting naidulot ng pagkapanaw ng
kanyang asawa, kalayaan. Kalayaan sa kalupitan ng kanyang asawa. Lumabas ang ginang mula
sa silid at laking gulat ng lahat nang makita nila na sa likod ng pintuan ay si Brently, ang asawa
niyang akala’y kinuha na ng Diyos. Ang katotohanang iyon ang nagudyok sa inaakalang biyuda
upang magpunyagi. Dahil dito, sumikip ang kanyang dibdib na naging dahilan ito ng kanyang
pagpanaw— ang kaligayahang nakamamatay.

IV. Aral:
Sa tingin ko, ang aral na gustong iparating ng maikling kuwento ay dapat tayong
matutong rumespeto at alamin ang ating limitasiyons bilang kaibigan, kapamilya o asawa man
iyan. Dapat hindi tayo nagiging marahas at minamaltrato ang iba.
I. Pamagat: Si Anne ng Green Gables

Sa tingin ko, ito ang pamagat ng kuwento dahil sa

II. Manunulat: Lucy Maud Montgomery

Siya ay inilathala bilang LM Montgomery, isang


Canadian author na kilala para sa isang serye ng
mga nobelang simula noong 1908 sa Anne of
Green Gables. Ang unang nobela ay sinundan sa
pamamagitan ng isang serye ng mga sequels na
may Anne bilang ang pangunahing katangian.
Karamihan ng mga nobelang ay nakatakda sa
Prince Edward Island, at ang mga lokasyon sa
pinakamaliit na lalawigan ng Canada ay naging
isang pampanitikan palatandaan at tanyag na
tourist site - ang Green Gables farm.

III. Buod:

May dalawang magkapatid na nangangalang Marilla at Matthew na naninirahan sa


kanilang sakahan, ang Green Gables. Dahil matanda na sila, walang asawa’t walang anak, ay
naisipan nilang umampon ng isang batang lalake na makakatulong sa kanila magtrabaho sa
kanilang sakahan. Ngunit, sa paghihintay ni Matthew sa istasyon ng tren para sa kanilang
inampon na bata, isang batang babaeng edad labing isa, may pulang buhok, lumang bagahe at
maduming damit ang dumating, imbes na sa isang lalaki. Siya ay si Anne Shirley.

Dahil sa pagiging madaldal at kagandahan ng ugali ni Anne ay sinabi ni Matthew kay


Marilla na kung pwedeng kupkupin na lamang nila ito. Sa una’y nag-alangan si Marilla ngunit sa
huli ay sumang-ayon na siya. Si Anne ay isang napakamasiyahing bata kahit na siya ay ulila na.
Siya ay positibo, mapagbigay at napakalawak ng imahinasyon. Nung una’y wala pa siyang
naging totoong kaibigan bago pa siyang pumunta ng Green Gables.

Ngunit, isang araw ay nakilala niya si Diana Barry at sila ay naging matalik na
magkaibigan. Sa eskuwelahan ay may isang lalaki na nagngangalang Gilbert Blythe na lubos na
kinaiinisan ni Anne sapagkat lagi nitong inaasar si Anne tungkol sa kanyang pulang buhok.
Sinisigawan ni Anne si Gilbert sa tuwing hinihila niya ang tirintas nito. Ito ang naging simula ng
kanilang matinding tunggalian laban sa isa’t-isa. Sa paglaki ni Anne ay mas lalo siyang nagiging
seryoso patungkol sa kanyang pag-aaral. Napansin siya ng kanyang guro na si Bb. Stacy dahil sa
kanyang talino at hinihikayat niyang sumali sa isang grupong naghahanda para sa isang entrance
exam sa Queen’s Academy.

Dahil sa kanyang pagpupursigi ay nakuha niya ang Avery Scholarship na kung saan ay
magkakaroon siya ng pera upang makapag aral sa isang apat na taong kurso sa kolehiyo. Bitbit
ang magandang balita, umuwi si Anne sa Green Gables upang masabi ito kela Matthew at
Marilla. Ngunit, sa pagdating niya, naabutang inatake sa puso si Matthew at pumanaw na. Nang
malaman din ni Anne na halos bulag na si Marilla ay napagdesisyonan niyang manatili nalang sa
Green Gables, alagaan si Marilla at isuko na lang ang kanyang scholarship.

Nang mabalitaan ni Gilbert ang pangyayari, isinuko niya ang kanyang trabaho bilang
isang guro upang makuha ni Anne ang puwesto niya. Sa huli ay naging matalik na magkaibigan
sila Anne at Gilbert. Si Anne naman ay nanatili paring positibo patungkol sa kanyang hinaharap.

IV. Aral:

Ang aral na gustong ipahiwatig ng kuwentong ito ay ang pagsasapuso ng kasabihan na


anumang pangyayari ang maranasan mo, anumang matinding kahirapan ang maranasan mo; sa
huli, kasiyahan pa rin ang maabot mo.
I. Pamagat: Pagibig na Nawala at Natagpuan sa Berlin Wall

II. Manunulat:

III. Buod:

Si Amelia Bohler ay isinilang sa lungsod ng Berlin noong 1939. Siya ay isang ordinaryong
mamamayan, kontento sa kanyang buhay. May trabaho, maraming katoto, maganda ang sahod at
higit sa lahat ang kanyang kasintahan na si Ludwik. Nung sumapit na ang gabi ng Agosto 12,
1961. Kagaya ng mga taga-Berlin matutulog at maghihintay sa kinabukasan na hindi nila alam
ano ang mangyayari. Pagsapit ng Agosto 13, 1961, nananaw ang masayang buhay ni Amelia.
Wala na bumabiyahe na tren patungo sa kanlurang Berlin. At nagkaroon ng alambreng nakatayo
at nakalibot sa Silangang Berlin.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Bansang Alemanya ay sinakop ng


Allied Powers. Pinaghatian ng mga kasapi sa Allied Powers ang buong bansa ng Alemanya. May
bahaging napunta sa bawat bansang kabilang sa Allied Powers. Tulad ng Estados Unidos ng
Amerika, Gran Britanya, Pransya at Soviet Union. Noong una ay magkasundo ang apat subalit
hindi nagtagal dahil sa pagkakaiba sa paniniwala at pamamahala. Ang tatlong bansa ay
Demokrasya samantalang ang Soviet Union ay Komunista. Dulot nito nabuo ang Berlin Wall at
nahati ang bansang Alemanya sa dalawang bahagi. Ang kanluran at silangan ng bansang
Alemanya. Ang kanlurang bahagi ay nagtulungan para mapabuti ang kanilang ekonomiya
samantalang ang silangang bahagi ay kinuha ng bansang Soviet Union ang mga
mapapakinabangan at dinala sa kanilang bansa at ito’y nagdulot ng malawig na pag-unlad at
karalitaan sa silangang bahagi ng bansang Alemanya.

Dahil sa dusa naramdaman ng mga tao ay hindi nagtagal, nagtumalis ang mga tao papunta sa
Kanlurang bahagi ng bansa. Sanhi nito, sinara ang mga pagtatakasan sa Berlin Wall. At naiwan
si Amelia Bohler sa Silangang bahagi.Kaya hindi na sinubukan ng mga tao tumalis muli dahil sa
banta na papatayin sila kung tumalis sila. Paglipas ng dalawampu’t walong taon , binuksan muli
ang Berlin Wall at naghanap ang mga tao ng pangwalat sa Berlin Wall at pinagsisira ito. Si
Amelia Bohler ay limampung taong gulang nang nangyari ito. Palingon-lingon si Amelia Bohler
sa paligid niya na tila nag-inot tinitingnan ang mga tao. Dahil sa liham na binigay ni Ludwik na
konti lang ang nilalaman ay sinabi na “Hihintayin kita”. Sa takot na hindi alam ni Amelia kung
matutupad ng pangako ni Ludwik, kaba at nahapis ang naramdaman ng puso niya. Sa mga tao na
nagyayakapan at nagsisigawan ay nakita niya si Ludwik. Lumapit si Amelia at niyakap siya.
Matapos buksan ang Berlin Wall, isang buwan ay ikinakasal sila at nabuhay ng masaya.
IV. Aral:

Sa tingin ko, ang aral ng kuwento ay ang pagkakaroon ng matinding pananampalataya at


paniniwala na magkakatotoo ang mga bagay na gusto nating maabot kagaya na lamang ng ating
mga mithiin. Gaya nga ng sabi-sabi, “What’s meant to be, will be.”

You might also like