Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Pagkakaroon ng Eksistensya ng Pilosopiyang Filipino

Patalinghug, Angelika Joy B.

Bachelor of Arts in Philosophy, AB 1-PHL-2

Unibersidad ng Santo Tomas

Abstrak

Sa patuloy na pag tatalakay ng pilosopiyang Filipino sa haba ng dekada, hindi nawawala ang
tanong kung mayroon nga bang uri ng Pilosopiyang Filipino. Ang mga tanyag na Pilosopo sa
bansang Pilipinas tulad nila Emerita S. Quito, Napoleon Mabaquiao, Roque J. Ferriols, Mercado
at iba pa; ay naglalayon bigyan ang mamamayang Pilipino na magkaroon ng makabuluhang pag
iisip patungkol sa eksistensya ng pilosopiya sa bansa. Ang ibang mamamayan ng pilipinas ay
nagkakaroon ng isip na ang pilosopiya ay maaring makuha at umusbong sa mga katutubong
alamat at mga tradisyong Pilipino. Ang iba naman ay, binibigyan depenisyon na ang
Pilosopiyang Filipino ay ang pang gamit ng Wikang tagalog o wikang Filipino rito. Kung
tutuusin, Libo libo pa ang kaisipan o kuro kuro na gusto iparating sa katanungan na “Mayroon
nga bang Pilosopiyang Filipino?” ngunit hanggang ngayon sa henerasyon ng kasalukuyan, hindi
padin nasasagot ito. Ang artikulong ito ay naglalayon bigyan ang mga mang babasa ng kuro kuro
sa tinuturing na Pilosopiya sa bansang Pilipinas, kung ano ang estado ng edukasyon ng
pilosopiya at kung ano at sa paanong paraan ginagamit at ginagawa ang Pilosopiyang Filipino sa
bansa.

Pambungad

Sa paglipas ng panahon, hindi nawawala ang tanong na ‘Mayroon bang Pilosopiyang Filipino?’,
at patuloy rin ang ating walang hanggang pag alam sa kasagutan rito. May ibang tao na
naniniwalang mayroon nito, at ang iba ay hindi. Ang pilosopiya sa bansang Pilipinas sa ayon ng
Edukasyon ay patuloy pinapataas ang estado, binbigyan pansin ito sa paglayag ng Pilosopiya sa
bansa upang makasabay sa ibang bansa at magamit ito ng mga estudyante sa pag aaral. Ang
pilosopiya sa larangan ng Edukasyon ay nag yayabong partikular sa mga Unibersidad na sakop
sa Maynila. Ang listahan ng mga Institusyon ay nilahad ni Emerita S. Quitoo sa kanyang
artikulong ‘The state of Philosophy in the Philippines’ , na nagbibigay ng degri sa Pilosopiya.
Ilan rito ay ang Adamson University, University of Santo Tomas, Ateneo De Manila University,
De La Salle University, University of San Carlos, University of Manila at maraming pang
Istitusyon na nagbibigay ng degri sa Pilosopiya. Ang Unibersidad ng Santo Tomas at Ateneo de
Manila University ay ang dalawang hinirang ng CHED na maging ‘center of excellence’ sa
larangan ng Pilosopiya. Dito, ay nagpapatunay na ang Pilosopiya ay patulog binibigyan pansin at
patuloy pinagyayabong mga mga mag aaral sa mga institusyon na nabanggit. Karamihan ng mga
estudyante na kumukuha ng degri sa Pilosopiya ay ang propesyon ng pag aabogasya, pagtuturo,
at pag pasok sa seminary o pagiging pari. Sa pagkat ang Pilosopiya ay nagbibigy ang dagdag
kaalaman sa pamamagitan ng lohikal, epistemolohiya, pagrarason, at ethics, na kung saan
magagamit nila sa mga kanya kanyang napiling propesyon sa buhay. Ang pagpili ng Pilosopiya
bilang degri sa edukasyon ayn lubos na makakatulong hindi lamang sa propesyon na napili kundi
sa pang araw araw na pamumuhay ng isang tao. Binibigyan tayong mga mamamayan ng bansa,
na alamin kung ano anog pinagmulan ng lahat ng bagay, ano ang dahilan o kung paano nag
simula ito. Tunay na ang Pilosopiya ay para sa pangkalahatan ang kakahayan.

You might also like