Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

TELA

JAMINAH PANGANDAMAN

Ang tela
Minsan manipis, minsan makapal
Madalas nakabalot sa ating katawan
Nagtatakip sa ating balat at maseselang bahagi
Nagsisilbing proteksyon sa ano mang panahon

Ang tela ay mahalaga, sobrang halaga


Nagpapadama ng seguridad tuwing tayo'y aalis sa ating tahanan
Ngunit hindi lahat ganoon ang nararamdaman
Minsan ang tela'y 'di sapat na proteksyon mula sa mga matang luwang luwa

Ilang beses na akong umalis ng bahay na may takot


Takot na masipulan
Takot na mahipuan
Takot na mahawakan
Takot na pagtinginan
Takot na mapaglibugan
Takot na makalimutang tao ako
At karapat dapat na irespeto

"Psst, ganda!"
"Ate, pakiss."
"Ate, uwi na kita."
Punyeta, wala ba kayong mga utak?
Giyang na giyang?
Tigang na tigang?
Dalawa ulo, pero parehas walang laman?

Isa pa, bakit biktima ang sinisisi?


Bakit sa pananamit? Bakit sa tela?
Bakit sinisisi ang igsi at haba?
Bakit basehan ang suot kung karapat dapat irespeto?
Hindi ba lahat tayo, tao?
Hindi pa ba sapat yon para marespeto?

Panghuli
Ang suot ko ay hindi imbitasyon para ako'y titigan
Hindi ito imbitasyon para ako'y sipulan
Hindi ito imbitasyon para ako'y hipuan
Hindi ito imbitasyon para ako'y hawakan
Hindi ito imbitasyon para sa kahit ano
Tao ako, respetuhin mo ako kahit ano pa ang saplot ko
Wala sa igsi, haba, nipis, o kapal ng tela
Sa pag-iisip ng tao ang puno't dulo ng problema

You might also like