Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pagibig at Sakit

Ikaw, ikaw na nagbabasa,

Tatanungin kita.

"Nagmahal ka na ba?"

"Nabigo't nasaktan pa?"

Kung oo ay halika't dadalhin kita,

Kung saan mga salita'y ubod ng ganda.

Mga salitang pawang kawangis ng mga binitawan niya.

Siya na taong pinangakuan ka,

Pangakong "ikaw lamang, walang iba"

Mga salitang hanggang ngayon ay bangungot.

Walang ibinigay kundi sa puso'y poot.

At sa pag-alala ay mayroon paring kirot.

Mga wikain niyang sakit lamang ang dulot.

Halika't balikan pa.

Pangako sa huli'y lilimutin mo siya.

Sa kasinungalingan imumulat ko iyong mata.


Sa kahibangan gigisingin kita.

Ako ay nangangako'ng ito'y magagawa sa bisa ng aking TULA.

Wala mang sukat, may tugma.

GURO, NASA LANGIT ANG IYONG PARAISO

Hatinggabi, nagbabasa sa malamlam na ilawan,


naglalamay samantalang ang iba ay nahihimlay,
samantalang ang marami’y nasa binggo, nagsusugal,
nasa sine, nasa “night club”, naglalasing, nagsasayaw.

Madalas na malipasan ng gutom sa di-pagkain


sa oras na kailangan… pagkabigat na gawain!
Hanggang doon sa tahana’y dala-dala ang iksamen,
kaya’t siya kung matulog ay hatinggabing malalim.

At lalo nang ang isipa’y gulung-gulo, naghihirap


kung sa kanyang pagtuturo’y pasakit ang niyayakap
pagkatapos na gampanan ang tungkuling iniatas,
ang katawa’y nanghihina’t ang tinig ay nababasag.

Ang marami’y natutuyo at ang tungo’y sa libingan,


lalo na kung sa iskwela’y mga batang walang galang
ang palagi nang kaharap sa umaga’t maghapunan,
mga batang di na kayang patuwirin ng magulang.

Ang sariling kabutihan ay kanilang nililimot,


pinapatay ang damdamin nitong dibdib sa pag-irog,
sa gawaing pagtuturo ang diwa ay nakabalot,
at ang pintig nitong puso’y di pansin ang lumuluhog.

Natutuwa kung marinig ang papuring walang laman:


“Kung ikaw ma’y nagsasalat sa salapi’t karangyaan,
nasa iyo namang lahat ang papuri at parangal
pagka’t tapat kang maglingkod sa bayan mong minamahal.”
Nagagalak pag narinig ang pangakong di-natupad:
“Ang sahod mong kakarampot, may pag-asang magkadagdag
pag dumating ang panahon na ang kaban ay bumigat.”
O pag-asang naluluoy at sa hangi’y lumilipad!

Isang Dipang Langit

Ako’y ipiniit ng linsil na puno


hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:


bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,


sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala


na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang


sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
At ito ang tanging daigdig ko ngayon –
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap


at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog


at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!

Watawat ng Pilipinas

AKO’Y
Watawat ng Pilipinas
Tatlong kulay
Tatlong tala’t isang araw;
Inisip ng naghimagsik
Tatlong angkan ang tumahi
Ibinunyi
Ng sandatang bagong hasa,
Sa labana’y naging tanda
Tinudla ng mga punglo
At sa pawis at sa dugo ay napigta,
Ang tagdan ko ay nabakli
Nguni’t ako’y nasalo pa
Ng bayaning nabulagta,
At nagningning sa wagayway
Nang ang baya’y matimawa;
Bughaw, puti’t pulang likas
na kulay ko’y
Diwang mahal
Pusong wagas
Dugong saga,
Kaisaha’t sagisag ng
Isang bayan
Isang laya
Isang wika.

log by the prolific Filipino poet Jose Corazon de Jesus.

ANG SALAPI

Ang salapi‘y parang tubig, natutuyo’t bumabalong


kung alam mong magpaagos ay dadaloy nang dadaloy.
Sa pagsalok, ang kamay mo’y kailangang nakatikom,
kung padakot, nawawala; kung palahad, natatapon.

Ang salapi ay may bibig, namumuri’t nanunuya,


mapamuri sa mayaman; sa mahirap, mapang-aba;
Sa mayaman, kumakanta, mataginting at may tula,
sa mahirap, ang kalansing kung kumanta, parang tingga.

Ang mukha ng mga tao’y nababago ng salapi,


kung wala ka, makangunot; kung mayr’on ka, nakangiti.
Pati gulang na ng tao’y humahaba’t umiigsi,
kung wala ka, tandang lelong; kung mayr’on ka, batang munti.

Ang salapi’y isdang paing panghuli ng kapwa isda,


sa puhunang isang libo, mahuhuli’y isang laksa;
nanganganak sa mayaman at baog sa maralita,
palaka sa mahihirap, dakmain ma’y di madakma.

Ang salapi’y mahimala, bumubuhay, sumasawi


kahit pilay, ilalakad, ngingipinan kahit bungi.
Kung salapi ang kaaway, matakot ka sa salapi
gagantihan ka ng iba’y may iba kang katunggali.

Pati tiyan na ng tao, sa salapi’y umaayon,


kung mayr’on ka, laging busog; kung wala ka, nagugutom.
May salapi, di mapansin ang pagkain sa maghapon,
at kung wala, ang tiyan mo’y sumisigaw, tumututol.

Gayong bilog ang salapi, naaaring ipanggapos,


kapag ikaw’y natalian mahirap nang makakilos;
hindi baril, hindi sumpak, bumubulag kung pumutok,
kapag ikaw’y tinamaan, nawawalan ka ng loob.

Nabibili ng salapi ang mukha ng kapisanan,


nabibili ng salapi ang papuri’t karangalan;
ang di lamang mabibili at bilhin ma’y magtatanan
ay ang puso ng dalagang wagas hanggang kamatayan.

You might also like