Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Dalagang Naputulan ng Bagwis

May isang mag-asawang naninirahan sa isang bundok. Mahirap lamang sila at may isa
silang anak. Iisa lamang ang kanilang anak dahil alam nila na di nila kayang ibigay ang kanilang
mga pangangailangan dahil sa kahirapan. Ang batang iyon ay nagngangalang Thea. Marami siyang
pangarap na gustong matupad. Halimbawa nalang dito ang gusto niyang maging doktor. Pero
kahit na mahirap sila sa buhay, hindi niya ito ikinahihiya. Ginawa niya ito bilang inspirasyon sa
kanyang pag-aaral.
Siya ay nag-aaral sa isang pribadong paaralan sa lungsod. Maganda at matalinong bata si
Thea. Kinaiingitan siya ng kanyang mga kaklase. At dahil sa kanyang katayuan niya sa buhay,
araw-araw siyang nakararanas ng paghihirap sa paaralan. Ginawa siyang katulong, palagi siyang
inuutusang bumili ng mga bagay-bagay ng mga kaklase niya. Minsan naman siya ang ginagawang
‘ answer key’ ng klase dahil sa araw-araw niyang pag-aaral. Pero kahit na ginagawa na niya ang
lahat para sa mga kaklase niya, tinuturing parin siyang basahan dahil sa kanyang katayuan sa
buhay.
Meron siyang mga kaibigan, kasama niya palagi kung saan-saan. Isang araw, humingi ng
tulong ang mga kaibigan ni Thea sa kanya, ngunit hindi alam ni Thea kung ano ang gagawin kaya
hindi niya natulungan ang mga kaibigan niya. Nagalit ang mga ito kay Thea, kaya kinamuhian nila
ang dalaga. Hinusgahan, siniraan, at patuloy na pinahirapan si Thea ng kanyang mga kaibigan.
Doon napagtanto ni Thea na ginagamit lang pala siya ng mga kaibigan niya.Nilayuan na niya ang
mga ito.
Napuno na siya sa mga paghihirap na naranasan niya sa lahat ng mga taong nagpasakit sa
kanya. Gusto lang naman niyang mabuhay ng mapayapa, ngunit hindi siya pinayagan na mabuhay
nang ganoon. Naisipan niyang gumanti sa kanila. Pero nag-iisa lamang siya. Wala siyang kasama
para paghigantihan silang lahat. Umuwi siyang luhaan.
Habang naglalakad siya pauwi may nakasalubong siyang mga taong nagsusuntukan.
Napansin niya ang isang lalaki na nasa away. Nang tingnan niya ito sa mata, biglang tumibok ang
puso niya. Nawala lahat ang mga sakit na nararamdaman niya nang nakita niya ang binata.
Maya’t-maya’y natapos ang away. Napansin ng binata ang isang dalagang luhaan na nakatingin
sa kanya. Nilapitan niya ito. Nabigla naman si Thea nang lumapit sa kanya ang binata.
“ Bakit ka umiiyak, naawa ka ba sa mga nakatumbang lalaki dyan?” tanong ng binata.
“ Hindi ah, di ko nga kilala ang mga yan eh” sagot ni Thea.
“ Bakit ka naman umiiyak?”tanong ulit ng binata.
Kinuwento ni Thea sa binata ang mga nangyari sa kanya sa paaralan.
“ Bakit naman nila sasaktan ang magandang dalaga katulad mo?” pambobola ng binata.
Napangiti si Thea at napatigil sa pag-iyak. “ Alam mo, puro ka nalang tanong. Di naman
kita kilala, nambobola ka pa” ngiting sabi ni Thea.
“ Gusto ko lang naman kitang mapangiti, parang kanina ka pa umiiyak eh.” “ Bryan nga
pala” sabay lahad ng kamay ng binata.
“ Thea” sabay tanggap niya sa kamay ng binata.
“ Alam mo, sa sitwasyon mong yan kailangan mo ng tulong para mabago naman ang turing
nila sayo” sabi ng binata.
“ Kahit kelan di na mababago ang kapalaran ko sa buhay. Ipinanganak akong ganito at
mamamatay akong ganito” sabi ni Thea.
“ Hindi ibig sabihin na kung ipinanganak kang nasa baba ay mamamatay ka ring nasa baba.
Samahan mo lang ng tiyaga at pagtitiis aangat ka rin sa buhay” pagpapaliwanag ng binata.
Habang sila ay nag-uusap gumaan ang pakiramdam ni Thea sa binata, parang unti-unti na
siyang nahuhulog dito.Tinanong ulit siya ng binata
“ Tutulungan kita, kung gusto mo?”
Pumayag si Thea.
“ Pero sa isang kondisyon” dugtong ng binata.
“ Ano?” tanong ni Thea.
“ Magiging akin ka...” at sabay tawa ng binata.
Hindi na nakasagot si Thea at umuwi na siya. Di alam ni Thea na ang binatang iyon ay ang
pinakamayaman at pinakasikat sa kanilang paaralan.
Kinabukasan, pagdating ni Thea sa paaralan, tila nagbago ang ihip ng hangin. Sa kanya
nakatuon ang mga pansin ng mga estudyante sa paligid. Di niya alam na nasa likod niya si Bryan.
Bigla siyang nagsalita
“ Alam kong kilala niyo ang babaeng ito. Si Thea Marie Mendoza. Siya ay pag-aari ko na
mula ngayon at kung sino man ang mananakit sa kanya ay ipapatumba ko. Maliwanag?” at
biglang hinawakan ni Bryan ang kamay ni Thea at biglang hinila. Kinilig naman si Thea.
Oras na ng pananghalian. Habang kumakain si Thea mag-isa nilapitan siya ng dati niyang
mga kaibigan.
“ Hi Thea” sabi ng isa niyang kaibigan. “ Kayo na ba ni Bryan?”dugtong nito.
Hindi agad nakasagot si Thea.
“ Kelan pa naging kayo?” tanong pa ng isa.
Pinagpapawisan si Thea dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot.
“ Bakit ka pinagpapawisan Thea? Di ka makasagot?” sabi ng kaibigan.
“ Ito ang tatandaan mo Thea, kahit kelan hindi ka magugustuhan ni Bryan. Hindi ikaw ang
tipo niyang babae kaya huwag kang assuming, ginagamit ka lang niya”
Napayuko si Thea at nalungkot. Nang nakaalis na ang mga babae, nawalan na ng gana sa
pagkain si Thea. Hindi mapakali ang kalooban ni Thea sa sinabi ng babae. Ilang araw na ang
nakalipas di niya parin nakaklimutan ang mga sinabi nito.
Isang araw habang naglalakad si Thea nakasalubong niya si Bryan. At hindi na
nagdalawang-isip si Thea na tanungin si Bryan.
“ Br...ya...n...” nauutal pa si Thea.
“ Hmm?” sabi ni Bryan.
“ Bryan, bakit mo ako tinulungan? Bakit mo ginawa ang mga iyon?”
“ Bakit Thea?” tanong ng binata.
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Thea, “ Ginawa mo ba iyon dahil may kailangan ka sakin?
Dahil sa gagamitin mo lang ako?”
Nagulat si Bryan nang marinig niya ang mga salitang iyon kay Thea. Naguguluhan siya. Di
niya alam kung ano ang gagawin. Totoo ang mga sinabi ni Thea. Gagamitin niya sana si Thea para
tulungan siya sa kanyang pag-aaral para sa pagsusulit ngunit naunahan siya nito. Alam niyang
may angking talino ang dalaga. Pero hindi niya masabi dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa
kanya. At sa bawat pag-uusap nila ay palagi siyang natutulala sa kagandahan ng dalaga sa panloob
man o panlabas kaya’t hindi niya masabi ang kanyang nararamdaman.
Dumating nanaman ang mga dating kaibigan ni Thea.
“ Anong ginagawa mo sa jowa ko Thea. Mang-aagaw ka!” sabay sabunot kay Thea.
“ Di ko inaagaw si Bryan sayo at wala akong balak na agawin siya sayo!” sagot ni Thea.
Tumingin siya kay Bryan na nakatayo lang at biglang tumakbo papalayo sa kanila.
Wala na siyang mapuntahan. Namumula nanaman ang kanyang mga mata dahil sa
kaiiyak. Pero wala nang Bryan na magpapatahan sa kanya. Ayaw niyang umuwi dahil baka
malaman ng mga magulang niya kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi siya mapakali. Patong-
patong na ang mga problema niya. Di na niya kaya pang takbuhan ito dahil nasa isip niya
magkakaroon nanaman ulit ng problema ang buhay niya.
Wala na siyang naisip na solusyon. Parang nababaliw na siya sa kaiisip. Nagpunta siya sa
isang tulay malapit sa lugar nila. Tumungtong siya sa riles ng tulay. Napag-isip nalang niya na
walang nang kwenta ang buhay niya.
“ My life is a mess. I don’t need fame, I don’t need money, all I need is care from
everybody. But they didn’t give that to me, so I’m ending it now”
At hinayaan niya ang grabidad na kumontrol sa katawan niya.

Ipinasa nina:
Elaine Ann Abud
Catherine Nedruda

You might also like