Walang Sugat Dulang Akda Ni Severino Reyes

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

WALANG SUGAT DULANG AKDA NI SEVERINO REYES

Ibinatay sa Pahanon ng Rebolusyon ng 1896, ang dulang Walang Sugat ay unang naipalabas sa ‘Teatro Libertad’ noong
1902. Tungkol ito sa kawalan ng hustisyang tinamasa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ang mga temang
gamit nito ay pagmamahalan sa gitna ng digmaan, sakripisyo, pagkawalay, at kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya.
Isinulat ito ni Severino Reyes upang ipakita sa lahat ang kanyang pahayag laban sa imperyalismo. Ang orihinal na musikang
kasama nito ay nagmula kay Fulgencio Tolentino.

Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene I) Dumating si Tenyong sa bahay ng kasintahan niyang si Julia. Inabutan niyang
nagbuburda si Julia ng isang panyo. Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong ang kanyang gawa. Nakita ni Tenyong na ang panyo
ay may mga letra ng kanyang pangalan (Antonio Narcisso Flores) ngunit sabi ni Julia ay para raw ito sa Prayle (Among Na
Frayle). Nagalit tuloy si Tenyong at gustong sunigin ang panyo. Sinabi ni Julia na para nga kay Tenyong ang panyo at sila’y
nagsumpaan na ikakasal sa altar. Biglang dumating si Lucas/Lukas, isang alalay ni Tenyong, na nagsabing inaresto ang ama
ni Tenyong at ilan pang kalalakihan ng mga Guardia Civil sa pag-aakalang sila ay mga rebelde.

Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene II) Ang mga pamilya at kaibigan ng mga inaresto ay naghandang bumisita at
magbigay ng pagkain sa kulungan. Sumakay sila sa tren papunta ng kapitolyo. Inutusan ng mga Kastilang frayle si Kapitan
Luis Marcelo na paluin at saktan pa ang mga nakakulong kahit na mayroon ng namatay at nag aagaw- buhay na si Kapitan
Inggo, ang tatay ni Tenyong.

Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene III ) Sinabi ng punong-frayle na papakawalan na si Kapitan Inggo sa kanyang
asawa. Sinabi rin niyang pupunta siya sa Maynila upang sabihin sa Gobernador-Heneral na pakawalan na ang iba pang mga
inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin ng prayle pagdating duon. Ipapapatay niya ang mga mayayaman at edukadong
Pilipino. Nakapiling ni Kapitan Inggo ang kanyang pamilya at mga kaibigan bago siya mamatay. Pagkamatay nito, sinumpa
ni Tenyong na maghiganti!

Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene IV) Pinili ni Tenyong na sumali sa mga rebelde kahit anong-pilit ni Julia na tigilan
ito. Sa huli, pumayag si Julia at ibinigay kay Tenyong ang kanyang medalyon/agimat. Nagsumpaan muli sila na mamahalin
ang isa’t-isa habang-buhay.

Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene I ) Sinabi ng ina ni Julia na ikakasal ito kay Miguel, isang mayamang illustrado.
Inayawan ito ni Julia. Hindi alam ng kanyang ina na hinihintay niya ang pagbabalik ni Tenyong. Sa kabilang banda,
nagsimulang magkarelasyon ang mga alalay nina Julia at Tenyong na sina Monica at Lucas/Lukas.

Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene II/III ) Sumunod na linggo, dumating sina Miguel, ang kanyang ama, at isang
pari sa bahay nina Julia upang ayusin ang pag-iisang-dibdib nina Miguel at Julia. Kabado si Miguel at hindi masabi ng tama
ang kanyang panliligaw kay Julia. Naiba ang usapin ng kasalan nang naging pagrereklamo ito ng pari sa lumalaking
problema tungkol sa mga Pilipinong hindi na nagsisimba.

Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene III ) Sa kuta ng mga katipunero, biglang dumating si Lucas/Lukas na may
bitbit na sulat para kay Tenyong na galing kay Julia. Nalaman ni Tenyong na namatay na ang kanyang ina at ikakasal na si
Julia kay Miguel. Balisa at malungkot sa nabasa, humingi siya ng tulong sa kaniyang heneral. Umatake ang mga Kastila at
nagsimula ang labanan.

Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III - Scene I) Bumalik si Lukas kay Julia na walang nakuhang sagot mula kay Tenyong.
Bumisita muli si Miguel kay Julia at nagsabing magiging engrande ang kanilang kasalan. Nagkunwari si Julia na masakit
ang ulo upang iwasan si Miguel.

Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III – Scene II / III) Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si Julia
na pumayag, sa pag-akalang patay na si Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang kanyang ina. Engrandeng
selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang buong bayan. Pero bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na may
balitang nakita na si Tenyong pero agaw-buhay itong nakaratay sa karte. Dinala si Tenyong sa pinagdausan ng kasal ni
Julia. Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling ni Tenyong sa pari na, yaman din lamang na mamamatay na
siya, ikasal na sila ni Julia. Sa pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si Miguel. Dahil mukhang
matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin si Miguel sa kakaibang huling hiling ni Tenyong. Kinasal si Tenyong at
Julia ng paring Kastila. Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw;
“Walang sugat! Walang sugat!”.

You might also like