Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

TALUMPATI

Maluwalhating umaga sa inyong lahat, kapwa Pilipino.


Ang wika ay makapangyarihan! Maniwala ka at subukan.
Magsulat ka, magsalita ka, at makinig sa sariling wika. Saka mo
malalaman ang tunay na kapangyarihan nito. Tandaan ang
kasaganahan sa kultura ay nagpapakita ng pagkakaisa at
kaunlaran ng bansa! Kaya huwag ikahiya at ipagmalaki ang wika
mo.
Filipino ang ating wikang Pambansa. Ito na ngayon ang ating
ginagamit upang mapanatili ang pagkakaisa. Habang tumatagal
atin nang nalilinang at napapalago ang kaalaman at tungo sa
layunin ng komunikasyon. Sa kalagayan ngayon, oo maraming
buhay na katutubong wika, ngunit wikang Filipino ang batayan
upang mapanatili ang nasimulan at ipinaglaban ng ating
namayapang bayani. Wikang ginagamit na nakakatulong upang
mapalago at mapaunlad ang ating sariling kultura.
Ngunit sa dahilanang patuloy na pag-usbong ng makabagong
henerasyon, atin nang natuklasan ang paggamit ng teknolohiya
na kung saan ang iba ay kanilang ginagaya sa kasuotan man o sa
pagsasalita. Sapagkat, atin sanang marapatin na mayroon
tayong sariling wika upang tangkilikin.
May kasabihan na ayon kay Dr. Jose Rizal… ang hindi marunong
magmahal ng sariling wika ay higit pa sa malansang isda.
Maraming Salamat at muli, isang maluwalhating umaga sa ating
lahat.

You might also like