A Nation Aborted

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

BUHAY, MGA GAWAIN AT SINULAT NI RIZAL (HIST 1023)

Ikaapat na Lektura – A Nation Aborted Ni Floro Quibuyen

I. Kaligiran ng May-akda
A. BA Philosophy, UP Diliman
B. MA Anthropology, University of Hawaii, Manoa
C. PhD Political Science, University of Hawaii, Manoa
D. Nagturo sa UP, University of Hawaii, at UST
E. Nagdisenyo ng BA Behavioral Studies sa UP College of Arts and Sciences
F. Nagpakilala sa UP Asian Center ng mga kurso tulad ng The Philippines and the Global Futures, The
Philippines and the Asia-Pacific Region, Visual Anthropology, at Filipino Perspectives on
Development
II. Kaligiran ng Aklat
A. PhD Disertasyon ng may-akda sa the University of Hawaii
B. Buod:
1. May konsepto si Rizal ng nasyon
2. Nasyon bilang kultural at etikal na komunidad (kinapapalooban ng pilosopiya ni Herder, gayundin
ng midyibal na konsepto ng Vox Populi Vox Dei)
3. Nakagawa si Rizal ng “historic bloc” (i.e. kilusang makabayan) sa pamamagitan ng pagsasama ng
naratibo ng Pasyon at tradisyon ng Kaliwanagan
4. Si Rizal ang naging sentro ng “historic bloc” na ito matapos ang kanyang kamatayan
5. Winasak ito ng kolonyalismong Amerikano matapos gapiin ang mga Pilipino at pasikatin ang
imahe ni Rizal bilang repormista
6. Ang pagkapanalo ng hegemonyang Amerikano sa aspetong ito ay makikita sa uri ng
pagsasakasaysayan nina Agoncillo at Constantino kay Rizal
III. Buod ng Bawat Kabanata (Mula Prologo hanggang Kabanata II)
A. Prologo: Rereading and Revisioning Philippine Nationalism
1. Kabanata 1 at 2: Kritika sa namamayaning imahe ni Rizal bilang repormista na pinasikat nina
Agoncillo at Constantino
1.1. Tinatalakay ng Kabanata 1 ang proseso ng radikalisasyon ni Rizal mula nang humiwalay siya
sa La Solidaridad
1.2. Tinalakay ng Kabanata 2 ang mga dokumento na esensyal sa debate kung si Rizal ba ay
repormista lamang o rebolusyonaryo tulad ng 1896 Manipesto ni Rizal, 1896 Testimonya sa
Kulungan ni Pio Valenzuela, 1914 Gunita/Memoir ni Valenzuela, at Ultimo Adios
2. Kabanata 3: Kritika sa pananaw ni Anderson kay Rizal bilang patriota
3. Kabanata 4: Maiksing biograpiya ni Rizal sa pamamagitan ng kanyang mga isinulat at ang
lokasyon nito sa konteksto ng nasyonalismong Pilipino
4. Kabanata 5: Pag-establisa sa mataas na pananaw ni Rizal sa panahong pre-kolonyal sa
pamamagitan ni Morga
5. Kabanata 6: Konsepto ni Rizal ng nasyon na naimpluwensyahan ni Herder, ng Latin na katagang
Vox Populi Vox Dei, at naratibo ng Pasyon
6. Kabanata 7: Kritika sa kolonyalismo sa pamamagitan ng Sucesos (tugon kay de los Reyes at
Barrantes), Sobre la Indolencia de los Filipinas at Dentro de Cien Anos
BUHAY, MGA GAWAIN AT SINULAT NI RIZAL (HIST 1023)

7. Kabanata 8: Si Rizal at ang Himagsikang Pilipino sa konteksto ng Pasyon


8. Kabanata 9: Ang paglalalag (abortion) ng nasyon sa pamamagitan ni Aguinaldo at ng
kolonyalismong Amerikano (kalakip ng pag-usbong ng panibagong naratibo kung saan ang
Estados Unidos ang tagapagligtas)
9. Kabanata 10: Pamamayani ng bagong naratibong pangkasaysayan ng mga Amerikano kung saan
si Rizal ay repormista lamang
10. Kabanata 11: Ebolusyon ng imahe ng bansang Hapon at Amerika sa lente ng kamalayang
nasyonalista
11. Epilogo: Buod ng aklat, ideya ni Rizal ng bansa, aplikasyon nito sa Dapitan, at ang posisyon ni
Rizal kahanay ng mga dakilang tao ng ibang bansa
B. Kabanata 1: Towards a Radical Rizal
1. Namamayaning Imahe ni Rizal
1.1. Agoncillo (Revolt of the Masses): pagiging hindi magkaugnay ng Reporma at Himagsikan
1.2. Constantino (Veneration Without Understanding): Ang mga ilustrado ang nagbigay ng
ideolohikal na salalayan sa pagkilos ng masa, pero matapos nito ay itinatwa nila ang
himagsikang nabuo dulot nito (isang halimbawa si Rizal)
1.3. Ileto (Pasyon and Revolution): magkaiba ang kamalayan ng mga ilustrado (Tradisyon ng
Kaliwanagan) at ng masa (Naratibo ng Pasyon)
2. Peryodisasyon ng buhay at mga gawa ni Rizal
2.1. 1861-1882: Pormatibong Panahon
2.2. 1882-1887: Paglalakbay sa Europa (pagkasulat ng Noli Me Tangere)
2.3. 1887-1888: Kaso ng Hacienda Calamba
2.4. 1888-1892: Radikalisasyon ni Rizal (pagkakasulat ng El Fili, Morga; paghiwalay kay del Pilar)
2.5. 1892-1896: Pagbalik sa Pilipinas (pagbubuo ng La Liga, pagpapatapon sa Dapitan,
kamatayan)
3. Maagang mga patunay (sa pamamagitan ng mga liham niya) ng pagiging radikal ni Rizal bago
pa man ang Kaso ng Hacienda Calamba
3.1. “The Filipinos had long wished for Hispanization and they were wrong in aspiring it” - Rizal
kay Blumentritt, 21 Pebrero 1887
3.2. “A peaceful struggle shall always be a dream, for Spain will never learn the lesson of her
South American colonies. Spain cannot learn what England and the United States have
learned. But under the present circumstances, we do not want separation from Spain.”
- Rizal kay Blumentritt, 26 Enero 1887
3.3. “I can assure you that I have no desire to take part in conspiracies which seem to me
premature and risky in the extreme. But if the government drives us to it, that is to say,
when there remain no to us no other hope than to seek our ruin in war, when Filipinos shall
prefer to die rather than to endure their miseries any longer, then I too shall advocate
violent means. It is Spain who must choose between peace and ruin” - Rizal kay Blumentritt,
19 Hunyo 1887 (ang isyu ay hindi ang prinsipyo bagkus ang tamang oras ng himagsikan)
4. Mga patunay ng pagiging radikal ni Rizal pagkatapos ng Kaso ng Hacienda Calamba
BUHAY, MGA GAWAIN AT SINULAT NI RIZAL (HIST 1023)

4.1. “The propaganda for assimilation is necessary but separatist propaganda should be even
more active . . . I shall go, then, to Manila and in all my acts keep ever in mind my duty as a
separatist” - Rizal kay Antonio Luna, Enero 1892
4.2. Reaksyon ni Rizal sa pagpapadakip ng pamahalaan sa mga gobernadorcillo na nanawagan
para sa pagpapatalsik sa mga prayle sa Pilipinas (pinaniniwalaang naimpluwensyahan ng
Noli ni Rizal):

“I believe that it is already late; the majority of the Filipinos have already lost the hope they
have pinned on Spain! Now, we await our fate from God and from ourselves, but never any
more from the Government” - Rizal kay Blumentritt, 23 Hunyo 1888
4.3. Ang istratehiya ay kalayaan habang ang taktika ay reporma: “Parliamentary representation
will be a burden on the Philippines for a long time. If our countrymen felt otherwise than
they do, we should reject any offer of such representation but, the way we are, with our
countrymen indifferent, representation is good.” - Rizal kay del Pilar, Abril 1890
4.4. Ukol parin sa pagdakip sa mga gobernadorcillo noong 1888 at kaugnayan nito sa 1872:
“Though we must regret this as a private misfortune, we must applaud it as a general good.
Without 1872, there would not be any Plaridel or Jaena . . . nor would the valiant and
generous Filipino colonies in Europe; without 1872, Rizal would now be a Jesuit, and instead
of writing the Noli me Tangere, would have written to the contrary . . . Good! Let them
commit abuses, let there be arrests, exiles, executions, good! Let Destiny be fulfilled! The
day on which they inflict martyrdom on our innocent families for our fault, farewell, pro-
friar government, and perhaps, farewell Spanish Government!” - Rizal kay Mariano Ponce,
18 Abril 1889
5. Kaso ng Hacienda Calamba
5.1. Hindi pagbibigay ng resibo, iregular na presyong sinisingil, mataas na pag-angat ng renta
taun-taon, dagdag na bayad kahit na mababa ang bentahan ng mga ani (hal. pandaigdigang
pagbagsak ng presyo ng asukal noong 1880s)
5.2. Nagtataka kung bakit hindi nagbabago ang buwis na ibinabayad ng mga Dominikano kahit
na tumataas ang renta ng kanilang estado, pinakiusapan ng konseho ng Calamba si Rizal na
pangunahan ang imbestigasyon
5.3. Resulta ng imbestigasyon: mula sa P40 naging P900 kaagad ang renta matapos lang ang
ilang taon; may dagdag na bayad na ipinapataw kahit na sa mga tanim na kusa lang namang
tumutubo (tulad ng katayan) at gayundin sa mga simpleng bagay tulad ng pagpapalit ng harang
mula kawayan tungong bago; hindi sila nakakapagbigay ng resibo dahil hindi sila makapagpakita
ng titulo ng lupang nagpapatunay ng kanilang pagmamay-ari
5.4. Pinayuhan ni Rizal ang mga tenante na itigil na ang pagbabayad. Tinakot sila ng mga
Dominikano na papalayasin. Pumabor sa mga tenante ang desisyon ng korte ng Calamba.
Iniangat ito sa korte ng Maynila kung saan nanalo ang mga Dominikano (dahil sa impluwensya ni
Gob. Hen. Valeriano Weyler). Iniangat pang muli ang kaso sa korte ng Madrid ngunit muling
natalo ang mga tenante.
BUHAY, MGA GAWAIN AT SINULAT NI RIZAL (HIST 1023)

5.5. Ang ilang miyembro ng pamilyang Rizal ay ipinatapon sa Bohol (tulad ni Herbosa) at
Mindoro (tulad ni Francisco at Paciano) habang si Teodora Alonso ay pinalakad mula Maynila
hanggang Laguna dahil lamang sa hindi paggamit ng apelyidong Realonda Rizal
5.6. Ipinagpapalagay ng ilan na natalo ang mga tenante sa kasuhan dahil ang namuno ay si Rizal
(na kaaway ng mga prayle)
6. Epekto kay Rizal
6.1. Pagkawala ng tiwala ni Rizal sa pamahalaang kolonyal
6.2. Pagkakaiba ng Noli at El Fili (satire ang una samantalang siryoso na masyado ang ikalawa;
“literary genius” ang una samantalang masyadong pulitikal ang ikalawa; anti-prayle lamang ang
una habang anti-kaayusang kolonyal na ang ikalawa; reporma lang ang makikita sa una habang
may elemento na ng himagsikan ang ikalawa)
6.3. Humiwalay si Rizal mula sa La Solidaridad na pinamumunuan ng repormistang si del pilar
(mga nakababatang separatistang Rizalistas vs. mga nakatatandang konserbatibong Pilaristas:
isang labanan ng ideolohiya at basta ng personalidad lamang)
6.4. Iginiit ni Rizal sa kanyang liham na ang labanan ay wala na sa Europa bagkus ay sa Pilipinas
na (kaya naman mula Europa at Hongkong ay bumalik na siya sa Pilipinas)
7. Suliranin ng dichotomizing at essentializing (o generalizing) nina Agoncillo at Constantino
7.1. Kaakibat ng dichotomizing ang essentializing, na nagbibigay ng maling haka na walang
mga pagkakaiba na umiiral sa loob ng isang grupo
7.2. Halimbawa: Sino kina Bonifacio, Mabini, at Aguinaldo ang mga ilustrado?
7.3. Ang mga unang miyembro ng Katipunan ay mula sa La Liga, at ang ilan sa kanila ay
mayayaman at edukado (hal. Pio Valenzuela, Ladislao Diwa, Emilio Jacinto, Restituto Javier)
7.4. Ang ilang ilustrado ay naging pinuno ng himagsikan (hal. Edilberto Evangelista, Antonio
Luna, Apolinario Mabini, Paciano Rizal, at maging ang mga kapatid ni Rizal)
7.5. Ang repormista/anti-himagsikang tendensiya ay hindi lamang limitado sa mga gitnang
uri. Sa katunayan, puro mula sa gitnang uri ang nagsimula ng himagsikan sa Latin Amerika
C. Chapter 2: Rizal and the Revolution
1. Mga maagang tagapagpakalat ng Imahe ni Rizal bilang repormista
1.1. Panayam ni Wenceslao Retana's kay Trinidad Pardo de Tavera, na ginamit sa Vida y
Escritos
1.2. Introduksyon ni Charles Derbyshire sa The Social Cancer (Noli)
1.3. Aklat ni Austin Craig na Lineage, Life and Labors of Jose Rizal
1.4. Identipikasyon ng imahe ni Rizal kay Ibarra (na pinabulaanan mismo ni Rizal sa kanyang
artikulong tugon sa kritiko niyang si Barrantes sa La Solidaridad, gayundin sa sulat niya
kay Jose Alejandrino)
2. Zaide vs. Manuel
2.1. Zaide bilang maagang tagapagpakalat ng imahe ni Rizal bilang rebolusyonaryo
2.2. Ginamit niya ang 1914 Gunita/Memoir ni Pio Valenzuela
2.3. Sinagot sikya ni E. Arsenio Manuel na ginamit naman ang 1896 Testimonya sa Kulungan
ni Valenzuela, 1896 Manipesto ni Rizal at testimonya ni Jose Dizon
2.4. Idiniin ni Manuel na kailangang pagdudahan ang gunita/memoir dahil sa distansya nito
sa panahon ng pangyayari
BUHAY, MGA GAWAIN AT SINULAT NI RIZAL (HIST 1023)

2.5. Ang artikulo ni Manuel ang naging batayan ng mga argumento nina Agoncillo at
Constantino
2.6. Iginiit ni Constantino na makalawang beses tinatwa ni Rizal ang himagsikan: una noong
tinangka niyang maging doktor sa Cuba at ikalawa noong isulat niya ang Disyembre
1896 Manipesto
3. Testimonya Pio Valenzuela: 1896 Testimonya sa Kulungan vs. 1914 Gunita/Memoir
3.1. Sa kanyang panayam kay Zaide, sinabi ni Valenzuela na ang layunin ng kanyang 1896
Testimonya sa Kulungan ay protektahan si Rizal na noon ay dumadaan din sa paglilitis
3.2. Nakaranas din siya ng pressure dahil siya ay nililitis noong ibigay niya ang testimonya
3.3. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga testimonya sa kulungan (hal. testimonya ni Antonio
Luna)
3.4. Nilinlang lamang ni Valenzuela ang mga Kastila
4. 1896 Manipesto
4.1. Taktika lamang ni Rizal upang maipanalo ang paglilitis sa kanya
4.2. Isang makakakapagpatunay na hindi talaga itinatwa ni Rizal ang himagsikan ay ang
katotohanang hindi nakumbinsi ng isinulat niya ang hukom: hindi inilathala at pinakalat ng
hukom ang Manipesto
4.3. Sa Manipesto, hindi naman talaga tinatwa ni Rizal ang prinsipyo ng himagsikan kundi
ang maling tiempo lamang nito at ang pagiging imposible nitong manalo dahil sa
kakulangan sa armas
4.4. “His manifesto can be condensed into these words: 'Faced with the proofs of defeat, lay
down your arms, my countrymen; I shall lead you to the Promised Land on a later
day.'” - Leon Ma. Guerero
4.5. Ang kanyang huling salita ay hindi ang 1896 Manipesto kundi ang Mi Ultimo Adios
5. Ultimo Adios
Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip
walang agam-agam, maluwag sa dibdib
matamis sa puso at di ikahapis

Saan man mautas ay di kailangan


cipress o laurel, lirio ma'y putungan
pakikipaghamok at ang bibitayan
yaon ay gaon din kung hiling ng Bayan

5.1. Ang himagsikan at pagpapaka-martir ay hindi magkataliwas na mga bagay: kapwa sila
ginagawa para sa bayan (kaya naman hindi anti-himagsikan si Rizal)
5.2. Inaawit ng mga rebolusyonaryo ang tulang ito ni Rizal samantalang ang Manipesto ay ni
hindi man lamang kumalat
5.3. Tiningnan si Rizal bilang Kristong Tagalog
6. Josephine Bracken
6.1. Kinabukasan matapos ang pagpatay kay Rizal, nagtungo si Josephine at mga kapatid ni
Rizal sa Cavite at ibinigay ang Ultimo Adios kay Bonifacio
BUHAY, MGA GAWAIN AT SINULAT NI RIZAL (HIST 1023)

6.2. Sinagot ni Quibuyen ang pahayag ni Constantino na walang pagpipilian si Josephine


kaya ito sumali sa himagsikan, at imposible na lumaban siya dahil kaunti lamang ang
armas ng mga rebolusyonaryo
6.3. Lumaban si Josephine tulad ni Gregoria de Jesus
6.4. Hinahangaan ng mga rebolusyonaryo si Josephine dahil mataas ang respeto nila kay
Rizal
6.5. Maaari bang rebolusyonaryo ang kasintahan niyang si Josephine habang si Rizal ay
hindi?
6.6. The entrance of Josephine signifies the Rizal's blessing of the Revolution
7. Denigration Without Understanding
7.1. Bakit pinababagsak ng Kaliwa ang imahe ni Rizal? Dahil ito ang kanilang nakikitang
paraan upang mapawalang bisa ang pangkasaysayang hegemonya ng mga Amerikano
gamit ang imahe ni Rizal bilang repormista
7.2. Kung tutuusin, ang akto ng Kaliwa ay mapanganib: Lalo nitong binibigyang
kapangyarihan ang hegemonyang Amerikano at naglalagay ng bakanteng espasyo
(vacuum) sa mythological terrain ng nasyonalismong Pilipino
7.3. Kaya naman maging ang kamalayan ng ating mga pangunahing mga nasyonalista ay
makikitang apektado ng hegemonyang Amerikano
7.4. Sang-ayon kay Setsuho Ikehata, nakapagsagawa ng modernist fallacy si Constantino:
tinangka niyang ipaliwanag ang kamalayan ng masa noong ikalabingsiyam na dantaon
gamit ang perspektibang makauri ng Marxismo
IV. Pagpupugay at Pagpuna
A. Pagpupugay
1. Hindi gumamit ng bagong mga batis pero nakapaghain ng bagong perspektiba
2. Tinangkang lansagin ang namamayaning pananaw ukol kay Rizal
3. Magandang gabay sa isyu ng tekstuwal na kritisismo
4. Nailigtas si Rizal mula sa mga kritikal na iskolar
B. Pagpuna
1. Apologist ni Rizal
2. Hindi sapat ang patunay na mula kay Herder ang ideya ni Rizal ng nasyon
3. Mayroong bias/pagkiling sa pagpili ng batis (hal. mas pinili ang 1914 Gunita/Memoir ni
Valenzuela dahil nagpapatunay ito na hindi tinatwa ni Rizal ang himagsikan; ikumpara sa
pagpili ni Soledad Buehler sa 1896 Testimonya sa Kulungan ni Valenzuela dahil
nagpapatunay ito na sa Balintawak at hindi Pugadlawin naganap ang Unang Sigaw tulad ng
iginigiit ng kanyang lolong si Guillermo Masangkay)
V. Pangkabuuang Tesis ng Aklat at ang Imahe ni Rizal
A. Si Rizal ay ang Unang Filipino
B. Si Rizal ay rebolusyonaryo/radikal
C. Mayroong maayos na konsepto ng nasyon si Rizal
D. Magagamit si Rizal laban sa hegemonyang Amerikano at sa mga kasalukuyang suliranin ng
bansa

You might also like