Document

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PADRE DAMASO

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen Haha... Haha... Hahaha.... Mga Indio

Wala kayong karapatan lapastanganin ang aking pangalan!Ako ang kura paroko ng San Diego kaya ako
ang nararapat na galangin ninyo tanan. Ahem! Uhum! Uhum! Huwag ninyong kalilimutan ang aking
kapangyarihan! Aba't di pa rin kayo naniniwala? iQue Lastima! (Kahangalan!)

Naalala ko pa rin hanggang ngayon ang simula ng lahat ng ginagawa kawalanghiyaan ng Juan

Crisostomo Ibarra na yan! Nag umpisa ang tanan ng minsa'y nagkaroon ng pagtitipon si Kaitan Tiago,
ahrg! Huwag na nating pag usapan pa ang naging pagtatalo namin ng Tenyente Guevarra na iyon!
Hampaslupang sumbungero palibhasa'y inggitero! Dumating ang Ibarra na iyan aba'y sabihin ba namang
matalik na kaibigan ko raw ang aking nasirang ama! Sinagot ko naman ng- “Hindi ka nag kamali pero ang
hindi ko matatanggap ay ang sinabi monna ako matalik na kaibigan ng iyong ama “ Hapuna'y sumapit at
isa- isa na kaming lumapit, ang mga indio, tila nakalimutang kaming mga kura ang dapat na unahin. Hala
pinagsisipa ko nga ang bawat silya na aking madaanan, sipa dito, sipa doon! Eto pa, si Padre Sibyla, ang
lintik at nakipag – agawan pa sa akin ng kabisera ng hapag- kainan naturalmente ako pa rin ang nanaig
sa huli! Hahaha! Tunay na makapangyarihan!

Inihain na ang umuusok pa na uuuhm....malinamnam na tinola! Aba't puro upo at sabaw na may

isang talop na leeg at makunat na pakpak na manok lamang ang napunta sa akin! Samantalang ang kay
Ibarra nama' y puro lamang loob. Ba! Padabog ko ngang binitawan ang kutsara' t padabog na itinulak
ang mankok! Ngunit bakit walang pumansin sa akin? Di bale sapagkat nang may mag tanong kay Ibarra
kung ano ang pinakamahalagang nakita niya sa ibang bansa' y sumagot ba naman ng- “Bago po ako
maglakbay ay sinisikap ko munang malaman ang kanyang kasaysayan.....blah. blah.blah! Kabalbalan!
Aba! Di ba niya batid na ako'y nanirahan na rin naman sa Hong Kong at mahusay magsalita ng Pidgin
English ang sinampay-bakod na wika ni Shakespeare! Binara ko nga siya_“ Wala ka bang nakita kundi
iyon? Hindi dapat aksayahin ang iyong salapi para lamang sa napakaliit na bagay. Kahit munting bata' y
nakakaalam niyan” Ang walang -modo! Agad ba namang nagpaalam na't umalis,haay,nakahinga na rin
ako maluwag “ Nakita niyo na! Hindi matanggap mapagsabihan ng kura. Akala mo king sinong nakapag
aral. Iyan ang masamang bunga ng pagpapadala ng indio sa Europa. Kung ako lamang ang masusunod,
ipagbabawal ko ang pag papadala ng indio sa Europa”.

Kumukulo ang akong dugo! Grrr! Tama na nga muna ang tungkol sa Ibarra na iyon! Madako

Tayo sa aking “ kaibigan ”na si Pia Alba at ang kanyang asawa na si Kapitan Tiago. Alam naman nating
lahat na anim na taon na'y di pa rin nagkakaanak ang dalawa yaon.“ Kung mamanata ka kaya sa Obando,
Pia? Magsayaw ka sa kapiyestahan ni San Pascual Bailon para magkaanak ka! Utos este payo ko kay Pia
siyempre, nagbunga nga ang kanyang ginawa, subalit siya' y namatay rin matapos ang ilang buwang
panganganak. Ang aking anak ahum inaanak na si Maria Clara ay sadyang aking pinakamamahal at di ako
makakapayag na mapahamak siya

Itong si Ibarra nama'y nalaman na ang aking ginawang “kabutihan” sa kanyang amang si Don
Rafael. Alam niyo ba kung ano, ha, alam, niyo ba? Hahahahaha! Ako lang naman ang may pakana ito'y
erehe at filibustero ang kaawa-awang Don Rafael ,walang nagawa sa pag kakaibalanggo sa kanya
hanggang sa siya ay mamatay! Pagpalain nawa siag ni Satanas sa imperno! Napakarami pang ginawang
kalapastanganan sa aking kapangyarihan ang Crisostomo Ibarra na yaon,arhg,ayaw ko nang maalala!
Grr! Di ako mag papalupig, ako si Padre Damaso magpapatalo, di puwede! Hahahaha!

Isip, Isip, Isip, Hala sige isip pa. Aha! Akin siyang ipagkakanulo, siya ang pagbibintangan kong

Utak ng isang magaganap na rebelyon. Humanda ka na Ibarra dahil susunod ka na sa iyong ama,kayo'y
magkikita nanag muli sa impiyerno! At iyon. Natupad ang aking plano gaya ng aking inaasahan, nakulong
si Ibarra ngunit.
PATAWAD AKING BUTIHING KAIBIGAN

“ Dinilat ko ang aking naniningkit na mata. Andito pa rin ako sa lugar. Tingin sa kaliwa, Tingin ea kanan,
apat na haliging ang kulay ay pinag lipasan na ng panahon. Ako’y nasa dulo isang nakakatakot na bangin.
Wala akong lakas upang umalis. Wala sa aking isipan na mang- iwan. Ewn ko ba kung bakit ang lakas ng
loob kong pagsilbihan siya. Tama ba ito? Lalo na ngayon , umalis siyang mainit ang ulo. Natatakot ako,
natatakot ako na baka umuwi siyang galit pa rin. Tiktak! Tiktak!, Tunog ng isang pagod na orasan na
bumalot sa buong silid . Makalipas ang hindi ko na mabilang na oras, darating pa ba siya? Unti- unting
akong nalugmok nang may narinig akong sigaw. Sumisigaw siya! Kasabay ng kanyang sigaw pag bilis ng
pintig ng aking puso. Unting – uni bumubukas ang pinto at isang malakas na pagsara ang Mas lalong
nagpakaba saakin.ayokong masilayan ang mukha niyang pulang-pula na ang mga mata niyang naglilisik
at tila gusto ng pumatay na tao. Kasabay ng madiin niyang pagkuyom ng kanyang kamao ang luhang
dumaloy sa aking pisngi. Ayoko! Ayoko ko siyang makita! Natatakot ako sa possible niyang gawin.
Nanginginig ang aking buong katawan. Wala akong laban. Walang akong karapatang lumaban . Sa isang
pikit mata, tila tumigil ang oras na pagdilat ko wala na. Wala na akong magagawa. Ang aking katawan ay
unti unti ng nabiyak . Bakit may umaagos na dugo? Kahit hirap ay nilingon ko siya. Isang hiwa sa paa ang
aking nasaksihan. Gumuho ang aking pagkatao. Sana ay napawi ang bigat ng iyong nararamdaman. Sa
pagpikit ng aking mata ang siyang pagbigkas ko ng huling limya. Patawad aking butihing kaibigan.

You might also like