Kabanata-I Fildis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KASAYSAYAN NG PAG-AARAL

Panimula

"Mate selection describes the process of finding a mate that meets our needs."

-(open.lib.umn.edu)

Isa sa mga sentro ng usapin sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng istandard sa

paghanap ng magugustuhan, mukha ba o talino? Talino ba o yaman? Yaman ba o ugali?

Ano ang mas binibigyang pansin? Ito ang nais sagutin ng pananaliksik na ito. Maraming

batayan sa paghahanap ng magiging kasintahan at hindi maipagkakait na sa pagdating ng

mga henerasyon, pataas ng pataas ang mga istandard ngunit nangingibabaw ang tanong

na kung ano ang nangunguna sa mga batayang ito. Ugali, talino, yaman o itsura. Hindi

maiiwasan ang pagkakaroon ng batayan, sa sobrang dami nito dumarating sa punto kung

saan imposible nang magkaroon ng taong aabot sa pamantayang nilikha. Dahil dito,

napatutunayan na kailangan talagang magkaroon ng kongkreto at isang batayan na

kayang abutin ng isang tao.

Ayon nga sa Principles of Social Psychology ng University of Minnesota, parehas

ang paghahanap ng makakasama at ang paghahanap sa taong mapupunahan ang iyong

1
pangangailangan. Masasabing mahalaga ito sapagkat hindi dapat basta-basta ang pagbuo

ng relasyon, kilalanin dapat ng maigi ang isang tao at alamin kung nasasakanya ang mga

katangiang iyong hinahanap upang magkaroon ng kahahantungan na mabuti. Nais ding

malaman ng pananaliksik na ito kung paano nakaapekto ang sosyodemograpikong

katayuan ng isang tao sa paghahanap ng makakasama.

It's easier for beautiful people to find mates. Men seek attractive women as

mates because good looks signal youth, health, and reproductive fitness.

-Spector, 2013

Ayon sa pahayag na ito ni Spector, mas madaling humanap ng makakasama kung

may kaakit-akit na panlabas na kaanyuan, lalo pa kung sa isang babae sapagkat mas

nahuhumaling ang mga kalalakihan sa mga babaeng may ganitong katangian. Alam

naman ng lahat kung gaano nakakaapekto ang kagandahan sa magugustuhan, karamihan

nagkakagusto ang mga kabataan sa magaganda o may itsura, sabi nga nila, mata ang

unang tumitibok. Love at first sight nga kung tawagin nila. Hindi mo nga naman kasi

makikilala ang ugali ng isang tao sa unang tingin pero makikita mo ang itsura nito at

madali mong malalaman kung kaakit-akit ba ito sa aspetong pisikal kahit sa isang sulyap

lamang.

2
Ayon sa Book of Genesis sa Lumang Tipan, walang duda na ginawa ng

Diyos ang babae at lalaki upang magkaroon ng pisikal na atraksyon sa

isa’t isa.

Ayon sa pahayag na ito, mahalaga ang pisikal na atraksyon sa pagkakaroon ng

magugustuhan, ang kadahilanang nagbibigay ito ng sekswal na sangkap na makakatulong

upang mas mapatibay at magtagal ang relasyon hanggang dumating sa punto ng

pagpapakasal. Mas nagtatagal at tumatatag ang samahan ng magkarelasyon kung hindi

nawawala ang romansa sa kanilang relasyon dahil isa itong esensyal na kasangkapan sa

pakikipagrelasyon na di dapat binabalewala at dapat bigyang pansin. Hindi man

karaniwan ang usaping ito at may pagkasensitibo, dapat itong seryosohin.

Nagiging mabuti o masama ang impresyon sa iyo ng mga tao depende sa

pakikitungo mo sa kanila. Kung maganda ang iyong asal, ituturing ka

nilang mature at responsable—at ganoon din sila makikitungo sa iyo! Pero

kung magaspang ka, iisipin ng mga tao na sarili mo lang ang iniintindi mo,

kaya baka hindi ka matanggap sa trabaho at makalampas sa iyo ang ibang

oportunidad. Gaya nga ng sabi sa Bibliya, “ang taong malupit ay

nagdadala ng sumpa [o, kahihiyan] sa kaniyang sariling katawan.”

-Kawikaan 11:17.

3
Ayon sa Kawikaan 11:17, mahalaga sa pagpapayaman ng tingin sayo ng ibang tao

ang pakikitungo mo sa kaniya o ang ugaling pinapakita mo sakanya na nagpapatunay na

isa rin itong malaking aspeto sa paghahanap ng magugustuhan. Nabanggit pa dito ang

isang linya mula sa bibliya na nagpapahiwatig na isang malaking bagay ang ugali.

Sa pahayag na ito makikita na hindi lang talaga itsura ang tinitignan ng ibang tao sa

pakikisalamuha sapagkat kanila ring napapansin ang pag-uugali nito na nagpapatunay na

dapat din itong bigyan ng pansin. Napakahalaga ng ugali kahit sa usaping labas sa pag-

aaral na ito, mahalaga ang pikikipagkapwa tao. Kung marunong kang makisama at alam

mo ang panlasa ng iyong kinakausap, agad kayong magkakaintindihan at magkakaroon

ng mayamang relasyon dahil hindi madaling humanap ng makakasama na iyong

makakasundo at nagtataglay ng magandang pag-uugali na isa pang magandang

kasangkapan sa pagbuo ng romantic relationship.

Maliwanag ang sagot ko sa tanong na tinutugon

Ang marapat na hangaan ay yung mga marurunong

Kahit ikaw ay mayaman, kung ulo mo ay mapurol

Kasikatan ay mailap, salapi man ay igugol.

-Tolentino, 2012

4
Ayon naman kay Tolentino, dapat mas bigyang pansin ang katalinuhan at dapat

mas hangaan ito. Di naman lingid sa kaalaman ng lahat na napakahalaga ng edukasyon,

sa pamumuhay at sa pagkakaroon ng pwesto sa lipunan. Hindi lang ito sa pamumuhay

nakaaapekto kundi sa pakikipagrelasyon din. Karaniwan itong hinahanap ng mga

kabataan lalo na ang mga naghahanda para sa kanilang kinabukasan. Kung pakaiisipin,

kung matalino ka, madali nalang ang yumaman at magkaroon ng magandang buhay

sapagkat ang mga taong edukado ang mga nagkakaroon ng mararangal na trabaho ay ang

mga edukado.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng mga psychologists, nakakahaba ng buhay at

mabilis kang makakatulog kung ang katabi mo sa higaan ay taong minamahal mo.

Kaya hangga’t maaari, ang dapat pakasalan ay ang taong tunay mong minamahal

dahil siya ang makakatabi mo sa pagtulog habang buhay.

-Anne,2016

Ayon sa pahayag na ito, mahalaga na mahal mo ang makakatuluyan mo dahil nakahahaba

ito ng buhay, ayon sa mga psychologist.

Dahil sa dito, mapatutunayan na mahalaga nga na malaman kung ano ang batayan

ng mga tao sa pakikipagrelasyon. Dapat mong malaman kung ano ang gusto at ayaw ng

makakasama mo upang malaman mo kung ano ang mas dapat mong bigyang pansin nang

hindi siya magsawa saiyo at hindi mawala ang pagmamahal kapag wala na sa iyo ang

mga katangiang nagustuhan niya sayo noong una pa lamang.

5
Pagdating naman sa usaping kayamanan, malaking parte din ang ibinibigay nito

sa aspeto ng pakikipagrelasyon. Madalas ngang naririnig kahit sa mga teleserye o mga

palabas sa telebisyon [ara lamang sa mayaman ang mayaman at para lamang sa mahirap

ang mga mahihirap.

Pero hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na may mga tao ring gustong umangat

sa buhay kaya naman nagnanais na humanap ng karelasyon na tutulong sa kanila sa pag-

abot nito. May mga tao na gustong mayaman ang makatutuluyan, hindi yan maitatanggi,

sa kung ano-ano mang mga dahilan, nangunguna ang dahilang dapat maging praktikal sa

buhay. Kaya naman masasabi na isa ito sa mga batayan ng mga tao sa pagpili ng

makakasama.

Ayon sa librong Pagpili ng Makakasama, pahina 49,

Mahalaga ang maging mapili sa makakarelasyon sapagkat malaki ang

magiging impluwensya nito sa iyong buhay.

Nagpapatunay ang pahayag na ito na hindi naman pala masama ang pagiging mapili

sapagkat makatutulong din ito sa pagpapabuti ng sarili, hindi lang para sa sarili kundi

para na rin sa makakasama mo. Mas nakabubuti ito upang magkaroon ng malusog na

relasyon na hindi makasisira sa indibidwal na pagkatao ng bawat isa. Isa din ito sa mga

aspeto na dapat tignan kung bakit mahalaga nga ang pumili ng makakasama at dapat

talaga itong bigyang pansin.

6
Paglalahad ng Suliranin

Nais ng mga mananaliksik na mabigyang kasagutan ang mga katanungang

naglalayon na magbigay ng beysik o pangunahing kaalaman at ideya sa mga mambabasa

ukol sa kung ano ang kabisaan ng Advertisement ng mga politiko ngayong eleksyon

2019.

Sa kabuuan, naglalayon ang pag-aaral na itong masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang mga sosyo-demograpikong katangian ng mga respondante?

2. Ano ang pinagkaiba ng istandards ng mga lalaki sa babae sa pagpili ng

karelasyon?

3. Ano ang nagiging dahilan sa pagkakaroon ng istandards sa pagpili ng

magugustuhan?

4. Bakit naaapektuhan ng katayuan sa buhay ng isang tao ang pagpili niya ng

karelasyon?

5. Bakit kailangang may istandards na dapat abutin ang isang tao para

magustuhan?

6. Paano nagbabago ng istandards ng tao sa pagpili ng magugustuhan sa

kanilang pagtanda?

7
Teoretikal na Balangkas

Economic Factors and Relationship Quality Among Young Couples: Comparing


Cohabitation and Marriage

Are economic resources related to relationship quality among young couples, and
to what extent does this vary by relationship type? To answer these questions, we
estimated regression models predicting respondent reports of conflict and affection in
cohabiting and married partner relationships using the National Longitudinal Study of
Youth, 1997 (NLSY97, N = 2,841) and the National Longitudinal Study of Adolescent
Health (Add Health, N = 1,702). We found that economic factors are an important
predictor of conflict for both married and cohabiting couples. Affection was particularly
responsive to human capital rather than short-term economic indicators. Economic
hardship was associated with more conflict among married and cohabiting couples.

8
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Nakatuon lamang ang pag-aaral na ito sa kung ano ang katangiang hanap ng mga

estudyante sa mga piling departamento ng kolehiyo ng CLSU tulad ng College of Arts

and Sciences, College of Education, College of Engineering, College of Business

Administration and Accountancy, College of Veterinary Medicine, College of Home

Science and Industries, kung saan random na mamimili ang mga mananaliksik ng labing

limang respondate bawat kolehiyo. Pocus nang pag-aaral na ito ang pag-alam at

pagtuklas sa mga batayan na isinasaalang-alang ng mga lalaki at babae sa kanilang

pamimili ng magiging potensyal na karelasyon. Nililimitahan lamang ang mga

pamimilian sa apat: ang ugali, talino, yaman, at itsura. Nagsimula ang pag-aaral na ito

noong Pebrero taong 2017 at natapos noong Mayo taong 2017.

9
Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito

upang mas maintindihan kung bakit nagkakaroon ng iba’t-ibang istandard pag dating sa

pagpili ng magiging karelasyon, kung ano-ano ang mga maaring makaapekto rito at

matukoy kung ano ang kadalasang hanap ng mga lalaki sa babae at ng mga babae sa

lalaki.

Kahalagahan sa Kabataan

Mahalaga ito sa kabataan dahil makatutulong ito upang mas magkaraoon sila ng

ideya ukol dito at mas maintindihan nila ang isa’t isa sa pagdating sa pamimili ng

magugustuhan. Maaari rin itong makatulong upang malaman nila kung ano ang dapat

nilang mas bigyang pansin, ang ugali ba, talino, mukha o yaman.

Kahalagahan sa mga Magulang

Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga magulang sa aspeto kung saan

malalaman nila ang mga batayan ng kanilang mga anak sa pagpili ng makakasama at

magkakaroon sila ng pagkakataon na gabayan ang mga ito at maturuan kung ano ang

tama at ano ang dapat.

Kahalagahan sa Lipunan

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay magkakaroon ng ideya ang lipunan

tungkol sa komplikadong pananaw ng mga kabataan sa pagpili ng makakasama at ang

pagkakaroon ng mga ito ng istandards o batayan sa pagpili. Mas maiintindihan nila ang

10
mga ito at makakapaglatag ng mas matibay na samahan sa pagitan ng lipunan at kabataan

na isang malaking bagay kung pakakaisipin sa panahon ngayon.

Kahalagahan sa mga Mananaliksik

Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga mananaliksik sapagkat nais nilang

masagot ang mga katanungang bumabagabag sa kanilang isip at magkaroon sila ng

kongkretong ideya tungkol ditto na makakatulong upang mas maintindihan nila ang

henerasyon na kanilang kinabibilangan.

Kahalagahan sa mga Guro

Mahalaga ito sa mga guro upang mas maintindihan nila ang kanilang mga

estudyante at upang maiwasan angpagkakaroon ng maling interpretasyon tungkol sa

kanila. Makatutulong ito sa agpapatibay ng relasyon ng mga guro at kanilang mga

estudyate dahil sa pagkakaintindihang maidudulot nito.

11
Depinisyon ng mga Termino

Ang mga sumusunod ay ang mga kahulugan ng mga importanteng salita na

nakapaloob sa pananaliksik na ito.

 Advertisement –

 Politiko –

 Eleksyon –

 Ethos-

 Pathos –

 Logos –

12

You might also like