Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob na

333 taon.
• Nagpatupad ang mga Espanyol ng mga patakarang
pangkabuhayan, pampolitika at pangkultura na
nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.
• Marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang
pagpapataw ng buwis, pagkamkam sa mga ari-arian at
mga produktong Pilipino.
• Nabago din ang kultura ng mga Pilipino dahil sa
pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo.
• Naging laganap din ang racial discrimination sa
pagitan ng mga Espanyol at mga Pilipino na tinatawag
na Indio ng mga mananakop.
• Higit sa lahat, nawala ang karapatan at kalayaan
ng mga
Pilipino na pamunuan ang kanilang sariling bansa.
• Naging sunud-sunuran sila sa ilalim ng
mapagmalupit na
mga Espanyol.
Bagama’t may mga pag-aalsa na naganap sa
Pilipinas sa pagitang ng ika-16 hanggang sa unang
bahagi ng ika-19 na siglo, lahat ng ito ay nabigo.
Ilan sa mga dahilan ay ang
• mas malakas na armas ng mga Espanyol,
• kawalang ng damdaming pambansa na maguugnay at
magiisa laban sa mga mananakop
at
• ang pagtataksil ng ilang Pilipino.
Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, nagkaroon ng
malaking pagbabago sa ekonomiya at lipunang
Pilipino.
• Nabuksan ang Pilipinas sa pandaigdigang
kalakalan.
Pumasok sa Pilipinas ang mga produkto mula sa mga
Kanluranin.
• Naging tanyag at mabili sa Kanluran ang mga
produkto ng mga Pilpino tulad ng asukal, kopra,
tabako at iba pa.
Ito ang nagbigay-daan sa pag-unlad ng kalakalan sa
bansa.
• Umusbong ang gitnang uri o middle class. Sila ay
mayayamang Pilipino, mestisong Tsino at Espanyol.
Ang mga anak ng gitnang uri ay nakapag-aral sa mga
kilalang unibersidad sa Pilipinas at maging sa
Espanya. Ang grupo ng ito ay tinatawag na ilustrado
mula sa salitang Latin na ilustre na ang ibig
sabihin ay “naliwanagan”.
Ang pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay
pinasimulan ng mga ilustrado na nagtatag ng
Kilusang
Propaganda at ipinagpatuloy ng mga Katipunero na
nagpasimula ng Katipunan. Paano nga ba ipinahayag
ng mga Propagandista at Katipunero ang damdaming
nasyonalismo? Tunghayan ang dayagram sa susunod na
pahina.

PROPAGANDA
Sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga akda tulad ng
nobela, tula, sanaysay at artikulo sa pahayagan ay
ipinahayag ng mga Propagandista ang kanilang mga
hangarin para sa Pilipinas. Isiniwalat din ng mga
Propagandista ang mga suliraning kinakaharap ng mga
Pilipino sa ilalim ng mga Espanyol: ito ay ang
katiwalian sa pamahalaan, pang-aabuso ng mga prayle
at kawalan ng damdaming pambansa ng mga Pilipino.
Ang La Solidaridad ang opisyal na pahayagan ng
Kilusang Propaganda. Nabigo ang kilusan na makamit
ang hinihiling na reporma o pagbabago dahil sa
pagsasawalang-bahala ng pamahalaang Espanyol, hindi
pagkakaunawaan ng mga kasapi at kakulangan sa
pondo. Bagamat nabigo, mahalaga ang Kilusang
Propaganda dahil naimulat nito ang mga Pilipino na
ipaglaban ang kanilang karapatan at ang kanilang
bayan.

HIMAGSIKAN
Ipinamalas ng mga Katipunero ang kanilang
pagmamahal sa bayan sa pamamgitan ng pagsasagawa ng
himagsikan o rebolusyon. Nakita ng mga Katipunero
na hindi ipagkakaloob ng mga Espanyol ang mga
hinihiling na reporma ng Kilusang Propaganda. Bunga
nito, itinatag ang lihim na samahan na KKK o
Kataas-taasan Kagalanggalangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan. Batid ng mga Katipunero na matitigil
lamang ang nararanasang
pagmamalupit at pang-aabuso sa kamay ng mga
Espanyol kung makakamit nila ang kalayaan.
Bagama’t hindi handa, isinulong ng mga Katipunero
ang isang armadong pakikipaglaban. Nabigo ang mga
Katipunero dahil sa lakas ng kagamitang pandigma ng
mga Espanyol at sa kakulangan ng mga Pilipino ng
kaalaman sa larangan ng pakikidigma. Bagama’t
natalo, ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang
kahandaan na magbuwis ng buhay para makamit ang
minimithing kalayaan.
Gawain 4. NASYONALISMO TSART
Sagutan ang graphic organizer tungkol sa pag-unlad
ng nasyonalismo sa Timog Silangang Asya.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga salik sa pag-unlad

You might also like