Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay-Aralin sa Filipino

Filipino sa Piling Larang Grade 12


Hunyo 4-8, 2018

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, Layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan ( Akademik)

B. Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin

C. Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat (CS_FA11/12PB-0a-c-101

Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:


a.) Layunin b.) Gamit c.) Katangian d.) Anyo ( CS_FA11/12PN-
Oa-c-90)

II. Paksang-Aralin

A. Paksa: Kahulugan,kalikasan at katangian ng sulating akademiko

B. Sanggunian: Filipino sa Piling Larang (Akademik) pp. 1-16

C. Kagamitan: laptop

III. Pamamaraan

A. Pagganyak
- Ihahanda ng guro ang klase (Panalangin, pagcheck ng attendance)

- Bakit mahalagang matutuhan ang kahalagahan at katangian ng mga akademikong


sulatin

- Ipoproseso ng guro ang kasagutan ng mga mag-aaral.

B. Paglalahad
- Ilalahad ng guro ang paksa tungkol sa kahalagahan ng pagsulat
- Magkakaroon ng maikling Pagsusulit upang matukoy ang dating kaalaman ng mga
mag-aaral hinggil sa pagsulat

C. Pagtalakay
- Mga dapat tandaan sa Pagsulat
- Pagtalakay sa mga sumusunod:
1. Layunin at kahalagahan ng pagsulat
2. mga Gamit o Pangngailangan sa Pagsulat
3. Mga Uri ng Pagsulat
4 Ang Akademikong Pagsulat

- Pangkatang Gawain Isasagawa ang Cooperative Learning Group (CLG)


1 – lider
2 – tagapagsulat
3 – tagapag-ulat

- Ang bawat pangkat ay mabibigyan ng mga tanong at tutukuyin kung ano- ano ang
nakapaloob dito. Isasagawa ito sa loob ng 3 hanggang 5 minuto.
- Iuulat sa klase ang mga kasagutan sa gawain.
- Magkakaroon ng malayang talakayin tungkol sa akademikong pagsulat

D. Paglalapat
1
Ano-ano ang mga katangiang dapat mong taglayin upang magkaroon ng kasanayan sa
akademikong pagsulat? Magtala ng Limang katangian at Ipaliwanag.

IV. Pagtataya
- Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat gamit ang
concept map. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat katangian.

- Isaalang-alang ang pamantayan sa pagwawasto ng gawain

Pamantayan:
Nilalaman ------------ 10
Organisasyon -------- 5
Pagkamalikhain ----- 5
_____________________
20

V. Kasunduan
Gumupit ng isang pangulong-tudling mula sa kinahihiligan mong
pahayagan,Pagkatapos idikit ito sa isang bond paper. Suriin at ipaliwanag ito ayon sa
sumusunod na mga pamantayan:
1. Uri ng mambabasa na kinauukulan ng teksto
2. Organisasyon ng Sulatin
3. Katangin ng sulatin at wikang ginamit
4. Layunin ng sulatin
5. Damdamin ng sulatin
6. Mensahe ng sulatin para sa iyo

Inihanda ni:

ESTRELITA B. SANTIAGO
Guro sa Filipino

You might also like