2ND P.T Ap-10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SAINT THOMAS DEVELOPMENT OF BULACAN INC.

Km. 37 National Road Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan

IKALAWANG PAGSUSULIT SA IKALAWANG KWARTER SA A.P 10


SY.2019-2020
Name: __________________________________________________Score:____________
Grade/Section: ____________________________________________Date:____________

I. PAGBUO NG TALATA.
Para sa bilang 1-5, kumpletuhin ang talata tungkol sa Kasaysayan ng Likas-Kayang Kaunlaran at
isulat ang tamang sagot sa patlang.

Ang 1. _______________ ay pag-unlad na natutugunan ang pangangailangan sa


kasalukuyang henerasyon na hindi naisasakripisyo ang pangangailangan sa susunod na henerasyon.
Ang salitang sustainability ay hango sa salitang Latin na 2. _______________ na nangangahulugang
pagtaas. Sustainable ang isang bagay kapag ito ay tumatagal.
Nag-ugat ang konsepto ng sustainable development sa ideya ng Sustainable Forest
Management na nagsimula sa Europa noong ika 17th-18th siglo sa pagtugon sa pagtaas ng kamalayan
sa pagkaubos ng puno dahil sa isang gawain
3. _______________. Nangamba ang mga tao at nag-isip ng paraan upang mapangalagaan ang
kalikasan dahil sa kakulangan ng suplay ng troso. Dahil dito isinaad ni Hans Carl Carlowitz 4.
__________ sa kanyang aklat na 5. _____________ ang kahalagahan ng wastong pagtotroso at
sustainability sa mga kagubatan at kakahuyan. Itinuro niya ang pagpapanatili ng balanse sa pagpuputol
ng puno at muling pagtatanim nito.

II. PAGTUKOY SA KONSEPTO.


Para sa bilang 6-10, pagtapat-tapatin ang mga konsepto na nasa Hanay A sa mga
katangian/paglalarawan nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon sa
Hanay A.

Hanay A Hanay B

6. Aquaculture A. Malaking demand sa mga bagay na di tunay na


pangangailangan na humantong sa mas mabilis
na pagkaubos ng mga likas na yaman
7. Consumerism B. Uri ng enerhiya na muling napapalitan tulad ng
biofuels, solar power at wind energy.
8. Fossil Fuel C. Artipisyal na pagpapalaki at pag-aalaga ng mga
isda
9. Philippine Agenda 21 D. Ayon dito upang magkaroon ng sustainable
development dapat makamit ng Pilipinas ang
pagkakaroon ng hanapbuhay sa nakakarami at
mataas na kita ng mamamayan, food security at
inclusive growth
10. Renewable E.Nagdudulot ito ng pagtaas ng temperatura sa
Energy atmospera

11. Ang mga kinauukulan ay nagtakda ng iba’t ibang pamamaraan upang makakolekta
at mapagbukod-bukod ng mga basura. Ano ang ipinatupad na estratehiya ang
tinutukoy nito?
A. Biofuels Act C. Ecological Solid Waste Management
B. Clean Air Act D. Renewable Energy

Pahina 1 ng 4
12. Itinataguyod ng estado ang isang patakaran upang makamit ang balanse sa
pagitan ng kaunlaran at pangangalaga sa kalikasan. Sa ganitong paraan anong
estratehiya ang kinikilala ng estado na makalanghap ng malinis na hangin at
magamit ng kasiya-siya ang lahat ng yamang-likas.
A. Biofuels Act C. Climate Change Act
B. Clean Air Act D. Renewable Energy

13. Anong estratehiya ang naglalayon na mabawasan ang greenhouse gas emission sa
buong mundo?
A. Biofuels Act
B. Climate Change Act of 2009
C. Pagbuo sa Philippine Strategy for Sustainable Development
D. Pagpapatupad sa Renewable Energy Act

14. Ang pagkasira ng ecosystem ay dulot ng tao o kalikasan. Paano ito magiging
balanse?
A. Deforestation
B. Dynamite Fishing
C. Sa pamamagitan ng dessertification
D. Sa pamamagitan ng rehabilitasyon ng ecosystem

15. Ang kaalaman sa pangangalaga ng kalikasan ay napakahalaga ngunit mas mainam


kung may pagtataguyod ang bawat isa. Alin sa mga sumusunod ang angkop para sa ganitong
adbokasiya?
A. Pagsusunog ng Fossil Fuels
B. Pagtataguyod ng edukasyon sa pangangalaga sa kalikasan
C. Pagtataguyod ng illegal logging
D. Quarrying

16. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Philippine Strategy for Sustainable
Development?
A. Integrasyon sa paggawa ng desisyon
B. Pagbibigay ng tamang presyo sa mga likas sa yaman
C. Pagpapalago ng mga pook-rural
D. Pagpapalakas sa paraan ng pagkontrol ng paggamit ng fossil fuel

17. Ang nangungunang ahensya na may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan?


A. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
B. Bureau of Forestry
C. Department of Agrarian Reform
D. Department of Environment and Natural Resources

18. Isang agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.
A. Ekonomiya
B. Ekonomiks
C. Pagkonsumo
D. Adam smith

19. Nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto.


A. Sambahayan
B. Kakulangan
C. Kakapusan
D. Pamayanan

20. Ito ang iba pang tawag sa Consumer Act of the Philippines.
A. Republic Act 7394
B. General Partners
C. Tubo o Profit
D. minimum na sahod
Pahina 2 ng 4
IV. TAMA O MALI
Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik T kung ang pahayag ay wasto
at M naman kung di-wasto.

_________21. Ang pamilihan ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang
sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at
serbisyong handa at kaya niyang ikonsumo.
_________22. Ang mga prodyuser ang siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga serbisyo at
produkto upang ikonsumo ng mga tao.
_________23. Sa ilalim ng isang monopolyo, iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto
o nagbibigay serbisyo kung kaya’t walang pagpipiliang pamalit o alternative ang mga mamimili.
_________24. Ang konsepto ng copyright ay tumutukoy sa pagpapalagay ng mga simbolo o marka
sa mga produkto at
serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito.
_________25. Sa uri ng pamilihang tinatawag na monopsonyo, walang kapangyarihan ang mamimili
na maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
_________26. Ang konsepto ng kartel ay nangangahulugang pagkakaroon ng alliances of
enterprises.
_________27. Ang supply ang nagsisilbing hudyat o senyales sa prodyuser kung ano ang gagawing
produkto.
_________28. Mayroong tatlong pangunahing aktor sa pamilihan ang konsyumer, prodyuser, at ang
produkto.
_________29. Ang price freeze ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy o ang
pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kanyang mga produkto.
________30. Price floor ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na nagbabawal sa
pagtataas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang ng
kalamidad.
________31. Migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng indibidwal o pangkat ng
mga tao mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa panibagong lugar maging ito man ay
pansamantala o permanente.
________32. Migrante ang tawag sa labor migration na kung saan umalis sa bansa ang mga Filipino
upang makahanap ng magandang tabaho at pagkakataon sa ibang bansa.
________33. Immigrants ang tawag sa mga taong paalis sa isang lugar.
________34. Ang uri ng pag-aagawan ng teritoryo na bumubuo ng likas na yaman, strategic value at
populasyon ay materyal na uri ng pag-aagawan
________35. Occupied territory ay mga teritoryo sa pagitan ng dalawang magkatunggaling estado.

V. PAGSUSURI SA PANGUNGUSAP.
Para sa bilang 36-40, basahin at suriin ang dalawang pangungusap sa bawat aytem. Isulat
ang titik ng tamang sagot gamit ang sumusunod na batayan sa loob ng kahon sa ibaba.

A. Kung ang dalawang pangungusap ay tama.


B. Kung ang unang pangungusap at tama at ikalawa ay mali
C. Kung ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawa ay tama
D. Kung ang dalawang pangungusap ay mali

___36. A. Irredentism ay nagaganap kapag ang isang bagong bansa na humiwalay mula sa mas
malaking bansa ay hindi naibigay ang pagkontrol sa teritoryo.
B. Ang Article I ng Montevideo Convention ay tungkol sa defined territory.

___37. A. Ang Pilipinas ay kapuluan kaya’t ang uri ng mahalagang pinanggagalingan ng pambansa
ekonomiya ay pagsasaka.
Pahina 3 ng 4
B. United Nations Convention on the Law of the Sea ay bahagi ng katubigan na may sukat na
200 nautical miles.

___38. A. Napakahirap unawain ang isyu ng alitan sa West Philippine Sea sapagkat marami ang
umaangkin nito hindi lang ang Pilipinas at China.
B. Ang suliraning kakapusan ay isa sa pangunahing dahilan ng pagkatalo sa teritoryo sa
kasalukuyang panahon.

___39. A. Ang epekto ng suliraning teritoryal sa aspektong panlipunan ay maaaring


magtanim ng galit at poot laban sa bansang kaagaw sa teritoryo.
B. Ang Benham Rise ay nakamit ng Pilipinas noong taong 2010.

___40. A. Ang suliraning teritoryal ay nagiging banta sa kapayapaan ng mga bansa sa


mundo.
B. Maraming buhay ng mga tao at mga ari-arian ay nasisira dulot ng digmaan

VI. Para sa bilang 41-45, isulat ang letrang A kung ang sagot ay GRAFT at letrang B nman
kung CORRUPTION batay sa pahayag.

________41. Paggamit ng pampublikong katungkulan o posisyon.


________42. Pagkakaroon ng kalamangan o yaman sa pamamagitan ng di-matapat o kaduda-
dudang pamamaraan.
________43. Kawalan ng kalinisan, integridad o prinsipyong moral at katapatan ng
isang taong nanunungkulan.
________44. Paggamit ng politiko ng kanyang awtoridad.
________45. Paglustay sa kaban ng gobyerno.

VII. AKRONIMS. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod.

46. DENR

47. DILG

48. DTI

49. DFA

50. OFW

Pahina 4 ng 4

You might also like