Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG ORAS AY MAHALAGA

BY: AARON JAN DANGAN

Ang buhay ay patuloy na tumatakbo. Kahit ika’y natalisod o ikaw man ay namomroblema, ang oras
ay patuloy na tumatakbo. Marami sa atin ang gustong pigilan ito o maantala man lamang ng kahit na
ilang sandali, upang ang bawat pagkakataon ng ating buhay ay ating malasap.
Ngunit, meron kayang makapipigil sa pagtigil ng oras? Gaano nga ba ito kahalaga sa isang buhay ng tao,
na sa huli ay nagsisisi ang marami sapagkat hindi nila nagamit ang oras nang wasto?

Sa loob lamang ng labinlimang minuto, ay maaari mo nang maayos ang iyong kama, itapon ang
mga nakakalat sa iyong kwartoo palitan ang plastik ng iyong basurahan. Maaari rin namang pumunta sa
pinkamalapit na “drive thru” at umubos ng isang burger o lasapin ang paborito mong kape.
Maaari rin namang makatapos ka ng isang kabanata ng isang nobela manuod ng apat na palabas sa
youtube o magsulat ng isang talatang sanaysay tungkol sa buhay. Sa loob ng labinlimang minuto,
makakapagbasa ng isang artikulo, magluto ng agahan or meryenda o tignan ang mga papeles mo nang
pahapyaw.
Ang bawat tao ay may kani-kaniyang palagay hinggil sa oras dito sa daigdig. Ang oras daw ay ginto
na hindi nararapat na aksayahin laman sa mga walang kawenta-kwentang bagay bagkus ay dapat
gamitin sa mga makabuluhan at kapaki-pakinabang na gawain. Para sa ilan nama’y ang oras ay ang tagal
o haba na maaaring itigil o isagawa ng isang tao upang matugunan ang iba’t ibang responsibilidad at
obligasyon na dapat niyang harapin at balikatin.

Hindi sa ating emosyon, sa tamis ng dila o galing ng pagpapaliwanag, bagkus ay sa pamamagitan ng


isang matalinong pag-iisap at maingat ng pagsasaliksik ng mga bagay-bagay at kung paano nagamit ang
oras sa tama ang magiging basehan ng tunay na paggamit ng oras.

Maari rin namang makausap mo ang iyong kapitbahay na iyong tinitingala, linisan ang iyong hardin
o pakainin mo na ang iyong limang aso. Sa ilang minuto, maaari kang magalit sa mundo at magtanong
kung bakit ka pinapahirapan, maaari ring umiyak ka dahil sa taong dumurog sa iyong puso o tignan ng
kahit na ilang saglit ang iyong mga litrato.
Sa hinaharap, maaaring mabilisan na rin ang proseso kung paano ka sisikat. Ngunit sa ilang
minuto, ganito rin katagal kung paano namatay ang mga tao sa Air France 447. Sa loob ng labinlimang
minuto, ang lahat ng nakasakay ay namatay sa eroplano.
Sa ilang saglit lamang, maaring mamili kang maging masaya at magpatuloy-tuloy sa buhay o
tapusin ang iyong buhay.
Dapat nating mabatid na ang oras ay hindi dapat inaaksaya. Na sa bawat segundong lumilipas ay
mayroong magandang bagay na nagaganap, hindi lamang ng kasawian. Ang oras ay tumatakbo, at sa
ilang sandali’y maaaring tayo ay wala na sa mundo. Ang lahat ay may hangganan, mayroong katapusanat
wakas. Subalit, naipapamuhay ba natin ang ating mga sarili sa tamang landasin sa bawat oras na
dumarating sa ating buhay?

You might also like