Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 4

"Liham"

Kriiiing*

Pagkarinig ko sa aking orasan ay agad akong bumangon

"hays pasukan na naman, tapos na pala ang bakasyon


ang bilis talaga ng pagtakbo ng panahon"

Ako'y dumeretso sa palikuran pagkatapos kong kainin ang


almusal, pagkatapos ay nagsuot ng polo at nagpaalam na
sa aking ama at ina.

"Makikita ko na naman ang aking paaralan"

Agad na bumungad sakin ang masasayang ngiti ng tropa,


at napag-alaman kong pareho lang ang aming mga silid.

"Mike, pare pareho pala tayo ng silid nina Jomar, Kenneth at


Maccoy"

Sabi ni Jaypee na may bakas ng tuwa dahil siya ang pinaka


makulit sa aming magkakaibigan.

"Tabi-tabi tayo mamaya ah?"

Sabay sabi ni Jomar

Si Jomar naman ang agila namin tuwing may pagsusulit o


markahan, sa laki ng mata at haba ng leeg nito'y tiyak na
makakadagit ito ng sagot.

"Oh sige ba, basta mamayang recess sagot nyo ah?"

ani ni Kenneth

Si Kenneth ang pinaka matakaw sa amin pero siya rin ang


pinakapayat, malakas kumain pero mas malakas kumain ang alaga
niya sa sikmura

"pano ba yung sasabihin kapag introduce yourself? kinakabahan ako"

Nagtawanan kami pagkatapos naming marinig ang kaniyang sinabi

Si Maccoy naman ang pinaka maliit samin, pero may hitsura, masama
nga lang tignan.

Pagkatapos ng ilang minutong kwentuhan at tawanan ay pinapasok na


kami sa aming mga silid. Kagaya ng usapan ay tabi-tabi kaming
magkaka-upo. Dahil unang araw ng klase ay ang ginawa lang namin
ay umupo, magsulat ng pangalan at ipasa sa guro.

Tumunog na ang bell, senyales na recess na. Nagpaiwan ako sa silid


dahil wala naman akong pera. Naglakad-lakad ako sa pasilyo at pagbalik
sa silid ay may papel na nakapatong sa aking upuan.

"Hi! Pwede ka bang maging akin? este pwede bang makipagkaibigan?" ang
laman ng liham
Agad akong natawa dahil hindi ko alam kung sino ang nagsulat o
nagpatong sa aking upuan. Nakita ko ang isang babae sa dulo ng silid,
mag-isa at tila natatawa. Nilapitan ko ito at tinanong kung siya
ang naglagay ng papel sa aking upuan.

"Oo, ako yung naglagay angal ka?"

Ako'y napigla sa kaniyang sagot. Bigla siyang natawa ng makita ang


mukha kong gulat na gulat.

"Oh, bat parang nakakita ka ng multo?"

Nagulat at nabighani ako sa kaniyang ganda. Mas maliit siya sakin


pero lumutuang ang ganda niya, ang mapupungay niyang mata'y pumukaw
ng aking puso't mga mata, mapupulang labi, kutis na singputi ng nyebe,
hindi siya ganun ka-tangos pero bagay na bagay sa kaniya. Flat-chested nga
lang pero mas naakit ako sa ganung mga babae, dahil imbis sa dibdib
titingin ang mga lalaki, sa mukha sila maakit. Mas naappreciate
kasi ang ganda babae.

"uuyy, nakatulala ka na naman, siya nga pala, ako si Eloisa, Eloisa Villafuente"
pagpapakilala niya

"Mike, Mike Villaflor" tugon ko

"ayos ah, mukhang makakatabi kita sa upuan, magkalapit lang ang


apelyido natin" ani niya

At ganun nga ang nangyari, malapit nga ang apelyido namin ang kaso
ay sa magkaiba kami ng silid, pinagtataka ko lang ay kung papaano niya nalaman
ang aking silid ngunit hindi ko na iyon inintindi dahil nakilala ko na rin naman
siya.

Hindi iyon naging hadlang para kami ay hindi magkita dahil sa tuwing
papatak ang oras ng recess ay agad akong lalabas at pupunta sa kaniyang silid,
ililibre siya at sabay na kakain. Sabay din kaming umuwi, malapit lang rin
pala ang kaniyang tahanan sa aming bahay. Nakikitira lang pala siya sa kaniyang
tiyahin. Halos araw-araw na rin kaming magkasama, kahit walang pasok ay pupunta ako
sa
kanilang bahay at doon kami magkasabay na gagawa ng takdang-aralin.

"Di mo makuha?" sabi niya

"Oo eh, di ko makuha ang puso mo, pwede bang pakituruan ako?" sagot ko

"Add the sweetness, minus ang pag-aaway, multiply ang pasensya,


gawin mo yun kung ayaw mong madivide ko yang katawan mo" sabi niya

Nang sumapit ang semestral break ay madalas kaming nasa bahay.


Nagkukwentuhan, naghaharutan at laging kumakain. Sa panahong iyon
rin ako nagtapat ng aking nararamdaman. Gayun din ang kaninyang nararamdaman.
Di na siya nabigla dahil sa mga napakita kong asal noong magkaibigan pa lamang
kami.
Nanligaw ako ngunit sinabi niyang hindi na raw kailangan. Nabigla ako sa kaniyang
sagot.
Gastos lang raw kasi iyon at nararamdaman niyang hindi ko siya sasaktan kaya niya
nasabi iyon.

At isang araw, ako'y kaniyang inimbitahan para sa isang pagdiriwang sa


mansyon ng kaniyang lolo. Tumanggi ako noong una dahil nahihiya ako, pero
sinabi niyang huwag daw akong mahiya dahil ipapakilala daw niya ako sa kaniyang
mga magulang. Agad niya naman akong napapayag, bago siya umalis ay hinagkan niya
ako
sa kaliwang pisngi. Naiwan akong naka-ngiti sa aming pinto habang tinitignan siyang
naglalakad papalayo.

Dumating na nga ang araw, hapon ang naging usapan ngunit umaga pa lang
ay aligaga na ako kung paanong kilos ang gagawin ko para mamaya. Pagkatapos
maligo ay pinili ko ang pinaka maayos na polo at pantalon, nagpabango at
nanalamin. Sumakay na ako sa aking motor at umalis. Sa aking daan ay nakita ko si
Eloisa sakay ng isang kalesa. Agad niya akong pinasakay at tumabi sa kinauupuan
niya.
Di ko na pinansin ang aming paglalakbay papunta sa mansyon dahil nakatitig lang ako
sa
kaniya, gandang ganda, bawat kurap at kislap ng mapupungay nitong mata ay
lumulukso ang aking puso. Paano na kaya kung ngumiti ito? Edi namatay na ako sa
kilig.

"Narito na tayo mike"

Bumababa ako at inaalayan siyang bumaba ng kalesa. Malaki ang mansiyon ngunit may
kalumaan na, halos nasa gitna ito ng kawalan dahil ito lang ang bahay na makikita
sa
lugar marahil magubat ang kinatitirikan ng mansyon. Pumasok kami at agad bumungad
ang mga bisita. Kapansin-pansin ang kanilang kasuotan, di mo malaman kung buwan ng
wika dahil sa kanilang barong at saya.

"Mike, ang aking lolo si Procopio, lolo ang aking nobyo, si Mike" sabi ni Eloisa

Nakilala ko rin ang kaniyang magulang na si Gabriela at si Narciso. Kagaya ng


kanilang napakagandang anak, sila rin ay may mapuputing kutis. Nagtatanong sila
tungkol sa kotse, unibersidad at mga sasakyang panghimpapawid na lubos kong
ipinagtaka.

"Mike, Mahal kita kaso..." sabi niya

"Kaso?" sabi ko

"Kaso lulubog na ang araw, kailangan mo ng umuwi hahaha" tugon niya

Nagtawanan lang kami pero may halong kirot dahil sa salitang "Kaso"
pero ininda ko na lang iyon dahil mahal ko nga siya. Hinawakan ko ang kamay niya,
pinanood na lumubog ang araw pero ng malapit na itong tuluyang lumubog tinitigan
niya ako
at niyakap. Tumakbo siya papasok ng mansyon at hindi na pinagbuksan pa. Pinagmasdan
ko
na lamang ang araw at ng lumingon ako sa mansyon bigla itong naglaho. Nangilabot
ako at
tumakbo papalayo, tumakbo ng tumakbo, binigay ang aking pinakamabilis at nahilo,
dahil sa hilo ay bumagsak ako. Nagising na lamang ako at ako'y nasa aking kuwarto
naka higa at sumasakit ang aking buong katawan. Sabi nila'y magtatatlong araw na
raw akong
inaapoy ng lagnat at hindi nagigising, nagpatawag na daw sila ng mga albularyo
ngunit wala
parin, hindi kasi kaya ng aming pera magpatawag ng doktor, buti na lamang daw ay
nagising na
ako.
Kriiiiiiinggg**

Pagpasok ko sa eskuwela ay may papel na namang nakapatong sa aking upuan,


inakala kong naiwan ito ng mga unang gumamit ng silid ngunit binuklat ko ito.

isa na namang liham...

"Kami man ay umiibig rin. nagmamahal,Eloisa"

You might also like