Medenilla JR1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

MARINDUQUE STATE COLLEGE


School of Liberal Arts
Panfilo P. Manguera Sr. Rd., Tanza, Boac, Marinduque 4900
Tel. No.: (042) 754-0218 Email Address: msc.sas.edu@gmail.com

Deborah Dhane L. Medenilla Ika- 28 ng Setyembre, taong 2019

AB English 2

REBYU BILANG 1

RETORIKA AT HIKAYAT: ANG PAG-AARAL SA MGA PILING PATALASTAS NG


MCDONALD’S FAST FOOD CHAIN SA PILIPINAS

Pananaliksik nina Jan Ralph U. Go at Matthew C. So

Ang pananaliksik na isinagawa nina Jan Ralph U. Go at Matthew C. So na pinamagatang Retorika


at Hikayat: Ang Pag-aaral sa mga Piling Patalastas ng McDonald’s Fast Food Chain sa Pilipinas ay isang
artikulo o pananaliksik na nakasulat sa maayos, detalyado, at sistematikong paraan. Ang pananaliksik na
ito ay naglalayong makahanap ng malinaw na ugnayan sa pagitan ng komersyal at ng retorika at hikayat.
Ayon din sa mga mananaliksik, ang pananaliksik na ito ay naglalayon ding intindihin kung ano ang iba’t-
ibang paraan nang paggamit ng retorika at hikayat sa mga patalastas ng McDonald’s. Ang artikulong ito ay
orihinal sapagkat ang dalawang mananaliksik mismo ang nagsagawa ng isang mahusay pagsusuri simula
sa pagtukoy ng suliranin, pagkuha ng mga datos at impormasyon, hanggang sa pagpapaliwanag ng
kinalabasan ng pananaliksik at ang pagbibigay ng isang makabuluhang konklusyon sa pag-aaral na
isinagawa.

Ang pananaliksik na nabanggit ay patungkol sa pagsusuri sa mga paraang ginamit ng McDonald’s


sa kanilang mga patalastas upang makapanghikayat ng mga mamimili. Kung titimbangin at pakaiisiping
mabuti, masasabi kong makakatulong at magkakaroon ng malaking parte sa aking kinuhang kurso ang
pagbabasa ng pag-aaral na ito. Bukod sa mga mag-aaral na kumukuha ng mass communication o iba pang
mga kursong may kaugnayan sa mass media, mahalaga rin para sa mga mag-aaral na katulad ko na
kumukuha ng kursong AB-English ang mga makukuhang impormasyon, konklusyon, at mga
rekomendasyon sa nasabing pananaliksik. Ang tanong ay sa paanong paraan? Mahalaga sa kurso namin
ang apat na makro-kasanayan: pagsulat, pagbasa, pagsasalita, at pakikinig. Dalawa sa apat na ito ay
masasabi kong napapaloob sa mundo ng advertising: ang pagsasalita at pakikinig. Ang pagsasalita at
pakikinig ay ang mga palagiang ginagamit sa paghahatid at pagtanggap ng impormasyon, ito ay kung ang
pagsulat at pagbasa ay hindi maaaring gawin. Ang dalawa ring makro-kasanayang ito ay ang
pinakamahalaga sa pampublikong pananalita subalit ang gawaing ito na palagi naming ginagawa sa ilalim
ng aming kurso ay kailangan ring sumunod sa mga pamantayan ng mga elemento ng panghihiyakayat para
sa isang makabulahan at epektibong pagpapahayag. Katulad ng sa kung gaano kahalaga ang tatlong
elemento ng panghihikayat-- ang ethos, pathos, at logos sa mga patalastas ng McDonald’s, ganoon din ito
kahalaga sa pampublikong pananalita.

Bukod sa maaari itong ilinya sa aking kurso, masasabi ko ring magkakaroon ito ng malaking
kontribusyon sa literatura. Kapag sinabing literatura, ano baa ng ibig sabihin? Ang literatura, sa madaling
salita ay tungkol sa pagsusulat ng mga malikhaing sulating maaaring base sa totoong buhay o kathang isip
lamang, subalit kahit ito ay isang malayang pagsulat, kinakailangan din nitong magtaglay ng ethos, pathos,
at logos, na malinaw namang naipaliwanag sa pananaliksik nina Go at So.

Vision: Marinduque State College is a research-driven higher education institution pursuing excellence and innovation by 2025.
Mission: Marinduque State College is committed to pursue progressive and innovative lifelong education founded on humanistic, professional and technology
advanced programs across cultures and communities by establishing centers of excellence and development and research-driven outreach programs.

SAS Goal: To produce graduates necessary for the concerted effort of attaining sustainable development of the province and the country as a whole.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
School of Liberal Arts
Panfilo P. Manguera Sr. Rd., Tanza, Boac, Marinduque 4900
Tel. No.: (042) 754-0218 Email Address: msc.sas.edu@gmail.com

Sa kabuuan, makabuluhan ang isinagawang pananaliksik. May maiitulong ito sa kuryosidad ng


marami tungkol sa mga patalastas at mag-iiwan din naman ito ng lugar para sa mga pagbabago sa mga nais
pang magsagawa ng mga pananaliksik na may kaugnayan dito.

Ang abstrak ay punong-puno ng impormasyon at talaga namang nasuportahan ang kinalabasan o


resulta ng pananaliksik. Paano sila nagkatugma? Isa na diyan ang impormasyong patungkol sa mga paraan
na ginagamit sa mga patalastas upang mapukaw ang pansin ng mga manonood. Sa abstrak ay ipinakita ang
kahalagahan ng ethos, pathos, at logos sa panghihikayat at nasuportahan naman nito ang resultang
naglalaman ng pagsusuri tungkol sa kung paano nailagay sa apat na patalastas ng McDonald’s ang tatlong
elemento ng panghihikayat. Bukod pa dito, binigyang diin rin sa resulta ang nakasaad sa abstrak na ang
mga paraang ginagamit ng advertisers sa panghihikayat ay ibinabase sa ideolohiyang umiiral sa isang
kultura. Halimbawa na lamang ay ang pagmamahalan, pakikiramdam, at pakikisamang mao-obserbahan
dito sa Pilipinas.

Ang pananaliksik ay may pangklahatang layuning maintindihan ang iba’t ibang paggamit ng
retorika at hikayat sa mga patalastas ng McDonald’s. Kung may kabuuang layunin, ano naman ang mga
tiyak na layunin ng pag-aaral? Ayon kina Go at So, nilalayon ng pag-aaral na ito na: (1) ipaliwanag ang
iba’t-ibang paraan ng panghihikayat (persuasion techniques) sa mga patalastas ng McDonald’s gamit ang
mga aparatong retorika at hikayat (tatlong elemento ng mabisang pagpapahayag at paraan ng
panghihikayat); (2) mabigyan ng malay ang mga tao sa epekto ng patalastas sa tulong nang pagsuri ng
patalastas tulad ng McDonald’s; (3) maintindihan mng mga mamababasa na ang midya ay maipmluwensiya
at nakapupukaw ng pansin sa mata ng mga tao at industriya; (4) matukoya ang itinatagong layunin ng mga
advertiser upang maging mas alisto ang mamamayan: at (5) mabigyan ng konkretong linaw ang iba’t-ibang
paraan ng mga patalastas upang malaman at maging mas alaganin ang mga tao sa pagtanggap ng mga
impormasyon na naririnig nila. Samantala, maayos na naisagawa ang pananaliksik sapagkat naging tiyak
ang mga layunin na inilatag ng mga mananaliksik at naging malinaw ang resultang nakuha nila mula sa
mga obhektibong nais nilang matugunan.

Ang naging resulta ng pag-aaral ay naging malinaw at lubos kong naintindihan kaya sigurado ako
na kahit na sino pa man ang makakabasa nito ay lubos ding mauunawaan ang pagsusuri at interpretasyon
ng resulta mula sa pagsasagawa ng pagsusuri sa nakitang suliranin. Naintindihan kong ang bawat isa sa
apat na patalastas ng McDonald’s ay gumamit ng mga elemento ng panghihikayat na ethos, pathos, at logos,
ganoon na rin sa kung paanong paraan iyon ginamit katulad na lamang ng paglalagay ng mga sikat na
personalidad bilang gaganap sa mga pangunahing karakter, paglalagay ng taong totoo ang ginagampanang
karakter, at kung paano nila nadadala ang emosyon ng mga manonood sa pamamagitan ng paglalagay ng
mga awiting tugma sa kwentong McDonald’s. Ipinakita rin dito ang mga paraan ng panghihikayat lalung-
lalo na ang pakikisama, pag-uulit, at emosyon na talaga namang may malaking ambag sa pag-aaral ng
retorika at hikayat.

Ang pag-aaral na ito ay isang napakagandang usapin na maaari kong maireprodyus ang resulta
kasama ng iba pa kung mabibigyan ng pahintulot ng mga orihinal na mananaliksik at kung may sapat
kaming kaalaman na patungkol dito. Ang mga palagay, ideya, o teorya ng mga mananaliksik ay nabigyan
lahat ng hustisya. Kung mayroon mang pagkukulang sa kanilang pananaliksik, ito ay naipahayag na rin nila
sa kanilang mga rekomendasyon.

Totoong ang retorika ay makikita sa kahit na anong uri pa man ng pagsulat at pagsasalita at isang
malaking hakbang ang iyong lalampasan bago mo ito lubusang maintindihan. Sa kabilang banda, sa tulong

Vision: Marinduque State College is a research-driven higher education institution pursuing excellence and innovation by 2025.
Mission: Marinduque State College is committed to pursue progressive and innovative lifelong education founded on humanistic, professional and technology
advanced programs across cultures and communities by establishing centers of excellence and development and research-driven outreach programs.

SAS Goal: To produce graduates necessary for the concerted effort of attaining sustainable development of the province and the country as a whole.
Republic of the Philippines
MARINDUQUE STATE COLLEGE
School of Liberal Arts
Panfilo P. Manguera Sr. Rd., Tanza, Boac, Marinduque 4900
Tel. No.: (042) 754-0218 Email Address: msc.sas.edu@gmail.com

ng mga ganitong uri ng pananaliksik nina Go at So, mas magiging madali ang pag-aaral at pagsasabuhay o
paglalapat sa praktikal na pamumuhay ng retorika. Sa kabuuan, ang buong pananaliksik ay mahusay na
naisagawa at nasisigurado kong magiging produktibo at epektio itong makakatulong sa mga naghahangad
pang magsagawa ng pag-aaral kaugnay ng mga naunang pananaliksik na katulad nito.

Vision: Marinduque State College is a research-driven higher education institution pursuing excellence and innovation by 2025.
Mission: Marinduque State College is committed to pursue progressive and innovative lifelong education founded on humanistic, professional and technology
advanced programs across cultures and communities by establishing centers of excellence and development and research-driven outreach programs.

SAS Goal: To produce graduates necessary for the concerted effort of attaining sustainable development of the province and the country as a whole.

You might also like