Professional Documents
Culture Documents
Lesson Plan
Lesson Plan
I. Layunin:
Task Analyze:
Sanggunian:
III. Pamamaraan:
Lapit : Patanong o Inquiry
Pamamaraan : Deductive
Teknik : Talakayan at Pangkatan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Pang-araw-araw na Gawain:
Pagbati:
Magandang umaga sa inyong lahat! "Magandang umaga din po Bb.
Valenzuela! Mabuhay!"
Panalangin:
Rose, maaari mo bang pangunahan ang
panalangin para sa araw na ito? "Opo"
"Amang makapangyarihan sa lahat, kami
po ay nagpapasalamat sa lahat ng biyaya
na iyong ipinagkakaloob. Salamat sa
gabay at kaalaman na patuloy naming
natatanggap. Nawa'y patawarin mo po
kami sa aming mga nagawang
pagkakasala. Patuloy po naming hinihingi
ang patnubay at katalinuhan para sa araw
na ito. Ito po ang aming samo't dalangin sa
pangalan ni Hesus na aming Panginoon at
Iyong anak. Amen"
Pagtala ng Liban:
Maaari bang tumayo ang presidente ng
klaseng ito para ilahad kung sino sino ang
mga liban? "Ikinalulugod ko pong ilahad na walang
liban sa araw na ito"
1. Pagbabalik Aral
Maaari mo bang ilahad ang ating
nakaraang tinalakay? Grace. "Ang atin pong nakaraang aralin ay Sektor
ng Paglilingkod."
Ano ang kahalagahan ng Sektor na ito ng
ekonomiya? Mark. "Mahalaga po ang sektor ng Paglilingkod
para sa mga mamamayan sa usaping
trabaho at serbisyo na ating natatanggap."
Mahusay! Tunay ngang mahalaga ito para
sa atin.
Maraming salamat sa inyong mga
kasagutan.
2. Pagganyak
Hulaan Mo Trabaho Ko!
a. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
b. Ang bawat pangkat ay bubunot ng
trabaho na kanilang gagayahin. Pangkat 1: "LABANDERA"
Pangkat 2: "SIDEWALK VENDOR"
Pangkat 3: "TAHO VENDOR"
Pangkat 4: "PEDICAB DRIVER"
c. Bibigyan lamang ng isang minuto ang
kabilang grupo upang mahulaan ang
trabaho.
d. Ang pinakamabilis na makahula ang
mananalo.
Pamprosesong Tanong:
1. Anong mga trabaho ang nabanggit?
Mae. "Ang mga trabaho pong nabanggit at
labandera, sidewalk vendor, taho vendor
at pedicab driver."
2. Sa inyong obserbasyon, ano ang
pinagkatulad ng mga nasabing trabaho?
Jake. "Ayon po sa aking obserbasyon, napansin
ko po na ang mga nabanggit ay
mararangal na trabaho at hindi po
kinakailangan ng anuman hindi katulad ng
ibang trabaho."
3. Saang sektor ng ekonomiya nabibilang
ang mga ito? Zel. "Ang mga trabaho pong nabanggit ay
pumapaloob sa Impormal na Sektor ng
Ekonomiya."
Mahusay!
Ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol sa
Impormal na Sektor ng Ekonomiya.
B. Paglalahad ng Aralin
Mula sa mga naunang halimbawa, ano
ang ibig sabihin ng impormal na sektor?
Greg. "Mula sa mga nabanggit ng halimbawa,
maaaring tumukoy ang Impormal na sektor
sa mga hanapbuhay na hindi rehistrado sa
pamahalaan."
Mahusay!
Maaari mo bang basahin. Kate. "Sa inilahad na economic development
model ni W. Arthur Lewis sinasabing
nagmula ang paggamit ng konsepto ng
impormal na sektor. Inilarawan niya ito
bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa
mga bansang papaunlad pa lamang o
developing countries."
Maaari mo bang ituloy ang pagbabasa,
Kyle. "Batay sa kahulugan ng National Statistical
and Coordinating Council o NSCB, ang
impormal na sektor ay tumutukoy sa mga
negosyo sa pamamahay kung saan
binubuo ng mga negosyo na sariling
pinatatakbo at mga negosyo ng mga
impormal na employer."
Ang impormal na sektor ng ekonomiya ay
mga hanapbuhay ng mga mamamayan na
hindi nangangailangan ng mataas na
sweldo at karaniwan sa mga bansang
papaunlad katulad ng Pilipinas.
C. Paglalahat
Ngayon naman ay may hinanda akong
mga katanungan upang matiyak ang
inyong pagkatuto.
Maaari mo bang ilahad ang ibig sabihin ng
impormal na sektor at magbigay ng mga
halimbawa. Hannah. "Ang impormal na sektor ay mga uri ng
hanapbuhay na kabilang sa mga bansang
papaunlad pa lamang o developing
countries. Ilan sa mga halimbawa nito ang
mga sidewalk vendors at pedicab drivers."
Bakit mahalaga ang mga hanapbuhay na
ito sa mga simpleng mamamayan? Ibigay
ang ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon
nito. Nick. "Isa sa pangunahing dahilan nito ang labis
na kahirapan. Upang matugunan ang
pang-araw-araw na pangangailangan ng
kanilang pamilya."
Paano makakatulong ang pamahalaan sa
usaping ito? Carl.
"Mahalaga po ang papel ng pamahalaan
sa usaping ito lalo na sa mga batas at
programa na lubhang makatutulong sa
ating mga mamamayan na kabilang sa
impormal na sektor."
D. Paglalapat
Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat at
ang bawat pangkat ay may itinakdang
gawain.
Pangkat 1:
Lumikha ng isang maikling dula na
nagpapakita ng mga pangunahing
dahilan ng Impormal na Sektor.
Pangkat 2:
Lumikha ng Poster na nagpapakita
ng kampanya ng pamahalaan
upang mapuksa ang mga ilegal na
gawain na nabibilang sa
Underground Economy.
Pangkat 3:
Gumawa ng Slogan na
magpapakita ng kahalagahan ng
mga proyekto at batas ng
pamahalaan para sa impormal na
sektor ng ekonomiya
E. Pagtataya
I. Multiple Choice
Panuto: Ang pagsusulit na ito ay susukat sa iyong kaalaman tungkol sa Impormal na
Sektor. Basahin at unawain ang bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat
ang kasagutan sa patlang bago ang bawat bilang.
_____4. Lubhang mahalaga ang papel ng pamahalaan para sa impormal na sektor. Alin
sa mga ahensiya ng pamahalaan ang lubhang sumasaklaw dito?
a. DepEd (Department of Education)
b. DOLE (Department of Labor and Employment)
c. DSWD (Department of Social Welfare and Development)
d. DOE (Department of Energy)
_____5. Bakit mahalaga ang mga batas at programa ng pamahalaan para sa mga
mamamayan na kabilang sa impormal na sektor?
a. Upang mas dumami ang bilang nito.
b. Para mas tumaas ang ekonomiya ng bansa.
c. Upang mawala ang impormal na sektor.
d. Para matulungan ang mga mamamayan na kabilang sa impormal na sektor.
HANAY A
_____6. Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa
mga disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa
pamahalaan.
_____7. Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa.
_____8. Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Philippine Health Insurance Corporation
(PhilHealth).
_____9. Kumikilala ito sa ambag at kakayahan ng kababaihan para itaguyod ang
pambansang kaularan.
_____10. Sa ilalim nito itinalaga ang TESDA bilang ahensiya ng pamahalaang itinatag
upang makapagbigay ng edukasyong teknikal.
HANAY B
a. PRESIDENTIAL DECREE 442 (Philippine Labor Code)
b. REPUBLIC ACT 7875 (National Health Insurance Act of 1995)
c. REPUBLIC ACT 7796 (Technical Education and Skills Development Act of 1994)
d. REPUBLIC ACT 8282 (Social Security Act of 1997)
e. REPUBLIC ACT 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997)
f. REPUBLIC ACT 9710 (Magna Carta of Women)
Batayan ng Pagwawasto:
I. II.
1. a. 6. e.
2. d. 7. a.
3. b. 8. b.
4. b. 9. f.
5. d. 10. c.
F. Pagtatapos
“ Masarap tamasahin ang tagumpay kung
ito ay nakamit sa pamamagitan ng
marangal na gawain”
Inihanda ni:
ALIZA B. VALENZUELA
BSE III D