Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sitwasyon Taliwas sa Panahon

Mag - aaral, magtatrabaho, at magpamilya, ito ang karaniwang


pagkakasunod – sunod ng obligasyon o priyoridad ng bawat studyante. Ngunit
nakakalungkot isipin na kung minsan ay nasasangkot sila sa pagpasok sa isang
sitwasyon sa hindi naaayong panahon. “Teenage Pregnancy ” o maagang
pagbubuntis, hindi na lamang problema ng ibang paaralan , suliranin na rin
maging ng Cantilan National High School.

Layunin ng edukasyon ang mabigyan ng mabuting kinabukasan ang


bawat mag – aaral. Ngunit minsan ay lumalabag sa limitasyon ang ilang
kabataan na nagiging dahilan upang pasukin nila ang pagpapamilya kahit na nag
– aaral pa. Ang maagang pagbubuntis ay suliranin na rin ng Cantilan National
High School. Sa katunayan nga ay 11 babaeng mag – aaral ng CanHigh sa
taong 2018 – 2019 ang nasa Senior High School pa lamang ngunit nasa
kalagitnaan ng pagbubuntis.

Isang malaking hamon hindi lamang para sa mga magulang kung hind
imaging sa mga guro na rin ang patnubayan ang mga mag-aaral na
nagbubuntis. Dahil isa sa mga pangunahing bagay na maaapektuhan ng
pagpasok sa maagang pagbubuntis ay ang pag-aaral. Ayon sa Philippine
Statistics Authority’s 2017 Annual Poverty Indicators Survey, umabot na sa 2.97
million ang mga dropouts sa paaralan. 61.9 porsyento dito ay mga babaeng may
edad na 16 hanggang 24. Sila ay nasasangkot sa maagang pagpapamilya o mas
kilala bilang “ Teenage Pregnancy”.

Pagiging magulang,madaling pakinggan ngunit mahirap pangatawanan.


Pag-aaral, isang paghihirap at puno ng sakripisyo ngunit magandang
kinabukasan naman ang maibibigay nito. Batang Juan, pag-asa ka ng bayan,
huwag mong hayaang dungisan at sirain ng panandaliang kaligayahan ang iyong
kinabukasan. Pag-aaral muna bago pagpapamilya. Magbilang ka, isa, dalawa,
tatlo, at isaisip mo ang tatlong mahalagang plano, mag-aral, magtrabaho, at
pagkatapos ay tsaka mo na buuhin ang pamilyang iyong naisin.

You might also like