Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Sa ating kagalang galang na guro, Sir Derek F.

Hipolito, at sa mga kaklase ko na


nakikinig ngayon, nais ko kayong batiin ng isang magandang umaga. Ang tao ang dahilan ng
pagkasira ng kalikasan, at sila rin ang may kakayahang iligtas ito, yan ang isa sa mga kataga ni
Gina Lopez na tumatak sa isip ko habang nananaliksik sa internet, dahil dito ay napaisip ako, ano
na nga ba ang mga naiambag natin sa kalikasan na siyang umaruga sa atin at nag silbing kuhanan
natin ng ikabubuhay mula pa sa simula ng sibilisasyon? Mas mapabubuti pa kaya ang kalikasan
kung wala tayo? Marahil! Ang mundo ay patuloy na iikot sa mga kamay ng tao na eka nga sa
bibliya ay ang pinaka malakas, pinaka matalino, at ginawang katiwala sa ating kalikasan ng
Diyos, ngutin pano nga ba natin ginagamit ang ating talino at lakas sa kaisa isang bagay na
ipinagkatiwala sa atin?

Tignan nga naman natin ang ating katalinuhan, batid nating lahat na ang ating
bansa ay kabilang sa pacific ring of fire na siyang dahilan kung bakit napakaraming natural na
kalamidad ang napagdaraanan natin sa maikling panahon gaya na lamang ng lindol, bagyo, mga
pagguho ng lupa, at iba pa na nag iiwan sa ating ekonomiya at kalikasan ng malalim na sugat,
ang mga natural na kalamidad na ito ay matuturing na kaaway ng likas na ganda at yaman ng
ating kalikasan, isang natural at di mapipigilan na pangyayari. Di gaya ng ating kakulangan ng
responsibilidad sa paggamit ng kalikasan na siya ring nagiging dahilan ng pagkasira at lubusang
pagkasugat nito, ngayon ay tignan natin kung saan tayo dinadala ng ating kahangalan.

Ang Pilipinas ay nasa ikaapat na ranggo ng mga bansa na unti- unting nauubusan
ng kagubatan na siya sanang tirahan ng mahigit 6,000 na species, na siya sanang sandigan ng
ating kalupaan upang maiwasan ang mga landslides at nahihirapan tayong makamit ang mga
bagay nayan dahil sa sarili nating mga gawain. Dumako naman tayo sa mga datos ng patuloy na
pagkaubos ng ating likas na yaman at biodiversity, isang daang taon ang nakalipas mayroon tayo
ng humigit kumulang 22 miyong ektarya ng kagubatan at bakawan, nung dumating na sa taong
2,000 ay 600,000 na ektarya nalamang ang natitira dito na nangangahulugang naputol na natin at
nakalbo ang 97% ng ating orihinal na kagubatan. Dahil dito ay 400 na lahi ng hayop ang
nagbabantang maubos. Idagdag pa natin dito ang ating kakulangan sa disiplina pag dating sa pag
tatapon natin ng basura, bukod sa ginagawa tayong basurahan ng ibang bansa, ginagawa din
nating basurahan ang sarili natin bansa na nagiging dahilan ng malawakang polyusyon at ito ay
nakakaapekto rin sa biodiversity ng ating kalikasan.

Ang mga datos ay hindi nag sisinungaling, hindi natin maikakaila na hindi
nakabubuti ang mga pinaggagagawa natin sa ating kalikasan, ngunit kalian pa nga ba tayo
gigising sa katotohanan na tayo ang may kailangan sa kalikasan, esensya ng tao ang gumawa ng
mabuti at pangalagaan ang kaniyang pagmamay ari, isang napaka simpleng pilosopiya na tila
hindi natin maisapuso dahil nananatili tayo sa ating bula at patuloy na ang bubulag bulagan.
Hihintayin pa ba muna natin lumobo pa ang mga numero? O gagalaw tayo ngayon tungo sa kung
ano ang nararapat at karapat- dapat sa ating kalikasan? Sa kamay natin iikot ang mundo, tayo ang
mag dedesisyon kung saan tutungo ang kapalaran ng kalikasan, itatak lamang natin sa ating
isipan na kalian man ay hindi tayo kinailangan ng kalikasan.

You might also like