Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Ang Pamana”

Kwentong Katutubong Kulay ni Marvin F. Borongan

Maagang nag-aasawa si Tarcela, sa edad na labing-anim na taong gulang pa


lamang nagsama na sila ni Benjamin na dalawang taon lamang ang agwat ng kanyang
kay Tarcela. Nagsisimula ang kanilang pag-iibigan ng magkakilala sila sa ilog kung saan
madalas naliligo si Tarcela kasama ang mga kaibigan habang si Benjamin naman ay
nagpapaligo ng kanyang kalabaw na galling sa pag-aararo. Araw-araw rin kasing nag-
aararo si Benjamin malapit sa ilog na madalas naliligo si Tarcela. Nasa unang baiting
lamang ng elementarya ang napag-aralan ni Tarcela dahil tinatamad sa pag-aaral aniya “
mas mainam pa sa akin ang maggiling ng mais sa bato sa buong maghapon kaysa
makikinig sa guro, nakakapagod.” Kaya walang ibang pinagkaabalahan si Tarcela kundi
ang tumulong sa mga gawaing bahay, paghahalaman, pagsasaka at kung anu-ano pang
mga gawain sa bukid. Ganoon din ang kinahinatnan ni Benjamin mula ng huminto sa
ikalawang baitang ng elementarya.

Ang buhay na mayroon sina Benjamin at Tarcela ay karaniwan na sa kanilang


pook. Hindi na raw importante sa kanila ang pag-aaral dahil mabubuhay naman sila kahit
walang pinag -aralan. Mayroon silang malalaking taniman ng palay at mais, maraming
mga alagang hayop tulad ng kalabaw, baka, kambing, baboy at manok. Wala ring hinto
ang pagkokopra dahil sa dami ng mga puno ng niyog kaya’t para sa kanila sapat na ang
makapagsulat lamang ng kanilang pangalan dahil sapat na iyon para sa munting mundong
kanilang ginagalawan. Masaya naman sila sa kanilang buhay dahil malaya naman silang
gawin ang anumang magpapasaya sa kanila tulad ng pag-uunahan sa pag-aakyat sa puno
ng mga prutas kasama ang mga kaibigan.Minsa’y namimingwit sila ng isda sa ilog tapos
naliligo at kung anu-ano pang mga laro sa kanilang pook. Pagdating ng Linggo sila ay
nagsisimba at sa gabi naman ay may sayawan na tinatawag na “Bayle” na siyang lalong
nagpapasigla ng pag-iibigan nina Benjamin at Tarcela dahil doon nila mahahawakan ang
isa’t isa tuwing magsasayaw ng “sweet music.”

4
Isang araw, bigla na lamang nagulantang ang tahimik at masayang pamilya ni
Tarcela. Galit na galit ang kanynag tatay na si Simeon, panighahampas ng sintoron si
Tarcela dahil sa napag-alamang buntis na pala ito ng tatlong buwan. Upang maisalba sa
malaking kahihiyan ang kanilang pamilya ay kinakailangang pananagutan ni Benjamin si
Tarcela at kailangan silang maikasal sa lalong madaling panahon. Hindi naman
nagpatumpik-tumpik ang mga magulang ni Benjamin at kaagad din itong namamanhikan
at pinag-usapan ang gaganaping kasal. Subalit hindi pa maaring maikasal si Tarcela noon
dahil sa itoy menor de edad pa lamang. Gayon man ay napagkasunduan nilang ikakasal
pagkalipas ng dalawang taon. Pagkatapos noon ay nagsama na silang dalawa at
nagkaroon sila ng sampong anak, tatlong babae at pitong lalaki. Tulad din ng karamihan
sa kanilang pook ay hindi rin nakapagtapos ng elementary ang mga anak nina Benjamin
at Tarcela hanggang sila’y lumalaki at nakapag asawa. Karamihan din sa mga naging
asawa nila ng kanilang mga anak ay wala ring pinag-aralan. Hanggang sa ito’y
nagkaanak at lumalaki ang kanilang angkanat ang kanilang mga ari-arian ay ipinamana at
pinaghati-hatian ng kanilang mga anak. Doon na lamang napagtanto ni Tarcela at
Benjamin na mahalaga pala ang may pinag-aralan lalong-lalo na kung makapagtapos ng
kurso at makapagtrabaho. Noon lang kasi nila naramdaman ang kahirapan ng makita
nilang naghihirap ang kanilang mga anak dahil kung minsan ay hindi na sapat ang
kinikita nila sa sakahan dahil sa dami ng kanilang mga anak.

4.1

You might also like