Professional Documents
Culture Documents
Orca Share Media1570713562353
Orca Share Media1570713562353
Orca Share Media1570713562353
“Mananatili ka bang nakahawak sa kamay ng taong iyong minamahal? Kung ang mga
taong nakapaligid sainyo ay pilit kayong pinaghihiwalay?”
Sa murang isipan ni Loisa ay ‘di maikukubli ang kawalang-muwang sa mundong
kanyang ginagalawan.
Nagdesisyon si Loisa at ang kanyang ina na lumuwas ito sa maynila upang doon mag-
aral ng kolehiyo upang maging maganda ang kinabukasan ng dalaga. Si Loisa ay may
taglay na wangis na mala-Diyosa, mahaba, tuwid, at itim ang kanyang buhok na
umaabot sa kanyang beywang. Maamo ang kanyang mukha at sa tuwing ngingiti’y
lumalabas ang mapulang labi nito. Matalino at hilig sumayaw ni Loisa kaya sa pagpasok
niya sa pamantasang kanyang napili at nakapasok siya agad sa isang grupo ng mga
mananayaw. Dahil sa taglay nitong pambihirang ganda, talino, at talento ay marami ang
talagang nagkakagusto sa dalaga isa na rito ang tagapagturo nila ng sayaw na si
Brandon.
“Ahm.. Loisa? Mahigit dalawang buwan na tayong nag-eensayo at nagkakasama-sama
dito sa grupo ninyo. matagal ko rin itong pinag-isipan, ahhh… ehhh….maari ba kitang
ligawan?” Wika ni Brandon, na mababatid ang kaseryusuhan sa kanyang tinuran.
“Brandon, kasi wala pa sa isipan ko ang magkaroon ng kasintahan, lalo’t ang tanging
dahilan ko lamang kaya ako lumuwas ng maynila ay makapag-aral at makapagtapos
upang maging maayos ang buhay namin ni Mama” tugon nito kay Brandon.
“Alam ko naman iyon Loisa, pero alam mo naman siguro na matagal na kitang gustong
ligawan” ani ni Brandon na halatang nagpipigil ng iyak sa winika ni Loisa.
Narinig ni Michelle ang usapan nina Loisa at Brandon, nagalit ito at umalis na lamang
upang hindi makaistorbo sa pag-uusap ng dalawa, subalit lingid sa kaalaman ni Loisa at
Brandon ay may inggit at galit na itinatago si Michelle dahil may gusto ito kay Brandon.
Si Michelle ang lider ng grupo ng mga mananayaw kung saan nag-aaral si Loisa.
Dahil sa palaging nagsasama sina Brandon at Loisa ay tuluyan na rin itong nahulog sa
isa’t isa, ay dumating din ang araw na pinakaihintay ni Brandon.
“Brandon? Oo.” Wika ni Loisa
“Anong Oo? Hindi kita maintindihan? Naguguluhan sagot ni Brando
“Sinasagot na kita! Tayo na”. Masayang sabi ni Loisa”
Tuwang tuwa ang binata sa pagsagot ni Loisa sa kanya, at sa sobrang tuwa ay niyaya
nito si Loisa sa isang dinner.
“Mukhang mamahalin ang mga pagkain dito Brandon, pwede bang sa gotohan nalang
tayo kumain?” Pagpupumilit ni Loisa.
“’wag kang mag-alala Loisa, ‘di ko naman uubusin ang pera ko para lang dito, naka-
budget na rin naman ako”.
Hindi na nakatanggi pa si Loisa at kumain na sila ng mga inorder ni Brandon.
Pagkatapos nilang kumain ay niyaya ni Loisa si Brandon sa kanyang tinutuluyan upang
magpahinga at makasama pa ang binata.
“Komportable kaba dito? Mukha maliit ang kwarto itong para sayo”. Ani ni Brandon
“Oo Brandon. Ayos lang ako dito, para na rin makatipid ako. Marami rin kasing
binabayaran si Mama at ayaw ko na rin dumagdag pa”.
“Basta pag may kailangan ka sabihin mo lang ha? Sabi ni Brandon.
Makalipas ang ilang oras ay nakatulog si Brandon sa sofa dahil na rin sa pagod.
Tangkang aayusin ni Loisa ang posisyon ni Brandon ng gumalaw ito dahilan upang
matumba ang dalawa. Nakapatong si Loisa sa matipunong katawan ni Brandon at
nababanaag ang kakisigan nito. Pinagmasdan ito ni Loisa. Hindi nito napansin na
gising na pala si Brandon. Tangkang hahalikan ni Brandon si Loisa ngunit pinigilan ito ni
Loisa.
“Brandon. Gusto ko sanang ibigay ang pagkababae ko sa taong makakasama ko
hanggang sa pagtanda”. Wika ni Loisa
“Naiintindihan ko, sorry”. Tugon naman ni Brandon.
Subalit sa kapusukan ni Loisa ay hindi na ito nakatiis, siya na mismo ang unang
humalik sa binata na ikinabigla nito.
“Mahal na mahal kita Loisa”. Sabi ni Brandon.
At nagpatuloy ang kanilang kapusukan, hinubad ni Loisa ang suot na damit ni Brandon
at pinuno ng halik ang katawan nito, habang si Brandon naman ay walang ibang
ginagawa kundi ang pumikit.
Natapos ang kanilang pagpapalitan ng kaluluwa at nakatulog na ang magkasintahan.
Ilang linggo ang nakalipas, nagsusuka at nahihilo si Loisa at hindi nagtagal ay nalaman
nito na siya ay nagdadalang tao. Gulat na gulat ang dalaga at hindi alam kung anong
gagawin. Pinaalam niya ito kay Brandon.
“Buntis ako” deretsong sabi ni Loisa
“Ano? Paano nangyari iyon?’. Pagtatakang sagot ni Brandon.
Naalala niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Loisa noong gabing doon siya
nakatulog sa tinutuluyan ni Loisa.
“Hindi pwedeng maging ama ako nang ganito kaaga” Wika ni Brandon na gulat na gulat
“Kailangan mo akong panagutan Brandon” Tugon ni Loisa na umiiyak na
“Ipalaglag mo ang bata, yan ang dapat mong gawin”. Pagpupumilit ni Brandon.
Umalis si Loisa dahil ayaw nitong ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.
Nagpasiya itong umuwi muna sa kanila upang ipaalam ang kanyang kalagayan sa
kanyang ina.
“Ma? Buntis po ako” naiiyak na wika ni Loisa sa kanyang ina
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng ina ni Loisa subalit dahil sa pagmamahal
nito sa kanyang anak ay tinanggap na lamang ito ng ina.
Ma? Buntis po ako” naiiyak na wika ni Loisa sa kanyang ina
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng ina ni Loisa subalit dahil sa pagmamahal
nito sa kanyang anak ay tinanggap na lamang ito ng ina at nagdesisyon na doon na
muna tumira si Loisa sa kanila habang hindi pa nanganganak.
Makalipas ang siyam na buwan ay dumating na ang pinakahihintay ni Loisa at ng
kanyang ina, ang pagsilang nito sa kanyang munting supling.
“Ma? Manganganak na ata ako” Pasigaw na tawag ni Loisa sa kanyang ina
Dali-daling tumakbo palabas ng bahay ang nanay ni Loisa upang humingi ng tulong
upang madala na sa hospital si Loisa.
“Iri pa! Sige Iri pa” Wika ng Doktor
“Aaaaaaaaaaah., Ahhhhhhhhhh.” Sigaw ni Loisa
“Lalaki ang iyong anak Loisa” masaya at nakangiting sabi ng Doktora
“Joshua, Joshua ang ipapangalan ko sayo anak” natutuwang pagbigkas ni Loisa sa
pangalan ng kanyang anak.
Makalipas ang limang taon ay di man lang nakita ni Brandon ang kanyang anak. Wala
rin naman balak si Loisa na ipaalam pa ito sa dating kasintahan. Nagdesisyon si Loisa
na lumuwas muli ng Maynila upang maghanap ng magandang trabaho para mabigyan
ng maayos at magandang kinabukasan ang anak.
“Joshua. Babalik din naman ang mommy” Wika ni Loisa
“Matagal kaba mommy na mawawala? Babalikan mo pa po ako? Tanong ni Joshua
“Aba’y syempre naman anak” Nakangiting sagot ni Loisa.
Bago ito umalis ay nagbilin muna si Loisa sa kanyang ina.
“Ma, Ikaw na muna po ang bahala sa apo n’yo, babalik din naman po ako makalipas
ang isang taon”
“Oo anak, ako na ang bahala kay Joshua” sagot ng nanay ni Loisa
Niyakap niya ito ng mahigpit….
“Ma, maraming salamat po sa lahat ng sakripisyo n’yo at sa pagtanggap mo sa akin at
kay Joshua sa kabila ng lahat ng mga nangyari. Mahal na mahal po kita ma” Masayang
wika ni Loisa habang mangiyak-iyak na ito.
“Anak kita kaya kahit ano pang pagkakasala ang magawa mo at tatanggapin parin kita
ng buong puso” Sagot ng nanay ni Loisa.
“Salamat po ma” Ani ni Loisa.
“O siya sige na Loisa, baka maiwan ka pa ng bus, Mag-iingat ka anak” Wika ng nanay
nito
Bago nilisan ni Loisa ang kanyang mama at anak ay tumakbo ito pabalik at niyakap ng
mahigpit ang dalawa.
“Paalam, Ma, Joshua! Babalik rin ako kaagad. Mahal na mahal ko kayong dalawa”…..
Mga huling salitang binitiwan ni Loisa bago ito tuluyan sumakay ng Bus…
KABANATA II
Sa Maynila…..
“Sir, 2:30 pm po meeting with the investor at Golden Star Hotel. 5pm po pupunta po
tayo ng Baguio para sa conference niyo regarding sa mga business partners po
kompanya” pagpapaalala ni Loisa sa kanyang masungit ngunit mala-Demi God na Boss
“Ano ba Loisa? Hindi mo ba nakikitang may ginagawa ako? Galit na tugon nito
“Sir. Pinapaalala ko lang po ang mga dapat mong gawin ngayong araw” Sagot naman
ni Loisa
“Mag-iisang taon ka nang nagtatrabaho para sa akin hindi mo pa rin alam na ayokong
iniistorbo ako kapag may ginagawa ako” Wika ni Anthony
Si Anthony Montemayor ay anak ng isa sa pinakatanyag na Business man sa Maynila.
Matipuno, matalino ngunit saksakan ng sungit ang binata. Palaging iritado at walang
sinuman ang nagtatangkang kumausap dito liban nalang sa kanyang sekretarya na si
Loisa. Si Loisa lang kasi ang tanging tauhan ni Anthony na nakakasagot dito at
nakakapagpaamo. Lingid sa kaalaman ni Loisa ay may tinatago pala itong lihim na
pagtingin sa kanya.
“Loisaaaaaaaa. Ano ba? Kanina sabi mo pupunta tayo ng Baguio para sa Conference
ng mga Business partners ko? Galit na sabi ni Anthony
“Opo Sir. Teka lang po, may tinatapos lang po akong presentation para mamaya..
Kanina ko pa kasi sinasabi, tapos ngayon parang ako pa ang may kasalanan..”
pabulong at Iritadong sagot ni Loisa
“May sinasabi ka ba?” tanong ni Anthony
“Ahhh. Wala po Sir. Tara na!” Pag-aanyaya ni Loisa.
Sumakay na sila ng elevator pababa sa parking area ng kompanya dahil naghihintay na
sa baba si Manong Berto, ang driver ni Anthony.
“Manong Berto sa Baguio po tayo” Wika ni Loisa
“Sige po Ma’am Loisa” Sagot nito
Sasakay na sana si Loisa sa Unahan ng kotse ng biglang nagsalita si Anthony.
“Anong ginagawa mo diyan?” Tanong ni Anthony
“Obvious po ba? Mauupo po dahil aalis na tayo” Inis na sagot ni Loisa.
Sinong nagsabing diyan ka uupo?” Tugon naman ni Anthony
“Eh saan po ba dapat?” Mataas na tono ang isinagot ni Loisa sa kanyang Boss
“Dito ka sa likod sa tabi ko. May pag-uusapan tayo”. Nahihiyang sabi ni Anthony.
Wala nang nagawa si Loisa kundi sundin ang sinabi ng kanyang Boss.
Nasa kalagitnaan sila ng byahe nang biglang nagsalita si Anthony.
“Loisa? Mag-iisang taong ka nang nagtatrabaho para sa akin”. Wika ni Anthony
Di sumagot si Loisa bagkos ay hinintay lang ang susunod na sasabihin ng kanyang
Boss.
“Gusto mo bang mag vacation leave?” Wika ni Anthony
Ikinabigla ni Loisa ang sinabing iyon ni Anthony dahilan upang hindi ito makapagsalita.
“Hindi mo ba ako narinig Loisa?” Pasigaw na sabi nito.
“Ahhm. Ano kasi sir. Wala pa akong sapat na ipon para umuwi sa amin. Kailangan ko
rin mag-ipon para sa anak ko dahil papasok na siya sa darating na June”. Pagtatanggi
ni Loisa sa alok ni Anthony.
Ilang minutong tumahimik sa loob ng kotse at tanging tugtog lamang ang maririnig dito.
Nang biglang nagsalit si Anthony na ikinabigla muli ni Loisa.
“Sasama ako.” Sabi ni Anthony na wala man lang emosyong mababanaag sa kanyang
mukha.
“Po….po..?” pautal-utal na sabi ni Loisa
“Bingi ka ba o hindi mo naiintindihan ang mga pinagsasabi ko? Sabi ko sasama ako
sayo pag-uwi mo sa probinsya niyo.” Inis na sabi ni Anthony
“Pero Sir.” Wika na Loisa
“Wala nang pero pero! That’s my final decision.” Sagot ni Anthony na halatang
nagpipigil ng kanyang ngiti.
Pagkakataon na rin kasi ni Anthony na magtapat ng kanyang tunay na nararamdaman
para kay Loisa at tingin niya na iyon na ang tamang oras para gawin iyon.
Nakarating na sila sa Baguio at pumunta agad sa venue kung saan gaganapin ang
conference meeting ni Anthony kasama ang kanyang mga Business partners.
Apat na oras ang nakalipas at natapos na ang conference meeting at pauwi na sila ng
biglang nakita ni Margarette ang kanyang kababata na si Anthony at nilapitan ito upang
kausapin at kumustahin.
“Toniiiiiiiiii.” Wika ni Margarette habang patakbong papunta sa kinaroon ni Anthony
“Oh? Marga? What are you doing here? Akala ko nasa U.S ka pa?’ Gulat na tanong ni
Anthony sa kanyang kababata.
“You know naman kasi si Daddy gusto niyang ako ang magpatuloy at pumalit sa kanya
bilang CEO ng kompanya namin, kaya ito umuwi ako. Actually kararating ko lang
kahapon.” Nakangiting sagot ni Margarette
“Oh well. Nice to see you again, Mauna na ako, marami pa akong gagawin, babalik na
rin kami sa Maynila. I’ll try to catch up with you.” Sabi naman ni Anthony.
“Okay see you then, babalik rin naman ako ng Maynila pagkatapos ng meeting ko dito
bukas.” Pagpapaalam ni Margarette.
“Okay, bye!” Paalam ni Anthony sabay halik sa mga pisngi nito.
Pagkatapos halikan ni Anthony si Margarette ay dumiretso na ito sa kotse at sumakay
upang makauwi na sila. Simula ng sumakay ay walang imik si Loisa na ipinagtaka
naman ni Anthony.
“So, bukas mag ayos kana ng mga gamit mo at uuwi tayo sainyo para sa vacation leave
mo”. Nakangiting sabi ni Anthony.
Hindi nagsasalita sa Loisa at halatang halata na nagseselos sa paghalik sa pisngi ni
Anthony kay Margarette.
Bakit hindi ka nagsasalita?” tanong ni Anthony
“Wala. Sumama lang ang pakiramdam ko sa nakita ko kanina” Inis na sagot ni Loisa.
“Anong sinasabi mo?” Pagtatakang tanong ni Anthony.
“Walaaaa. Sabi ko hindi mo naman ako kailangan samahang umuwi sa amin kaya ko
naman Sir ang sarili ko” May pagkainis sa tono ng pagsasalita ni Loisa.
Nahalata ni Anthony ang pagkainis ni Loisa at naalala niya ang nangyari kanina na
nagpangiti sa kanya. Pumasok sa isipan niya nang hinalikan niya si Margarette ay
biglang umalis at dumeretso si Loisa sa kotse. Napagtanto niya na baka nagseselos si
Loisa sa nakita niya kanina. Pero ipinagwalang bahala na lamang muna ito ni Anthony
sapagkat excited na siya pumunta sa probinsya ni Loisa at makilala ang pamilya nito.
Nakarating na ulit sila sa Maynila at bago pa tuluyan bumaba si Loisa para pumasok sa
kanyang tinutuluyan. Tinawag at pinaalalahanan ni Anthony si Loisa
“Don’t be late! 7:00 am sharp nandito na kami ni Manong Berto! Kaya gumising ka ng
umaga, kung hindi susunugin ko yang apartment na tinutuluyan mo!” Pagbabanta ni
Anthony kay Loisa.
Nakapasok na si Loisa sa kanyang kwarto at nagbihis. Napaisip siya kung bakit bigla
bigla na lamang na ganoon ang pakikitungo ng kanyang Boss sakanya.. Mabait at
parang may itinatagong saya. Pero hindi na lamang ito inisip pa ni Loisa. Ang tanging
gusto niya na lang ay makauwi agad upang Makita niya nang muli ang kanyang Ina at
anak na si Joshua.
Habang nag-aayos ng mga dadalhin na gamit si Loisa ay biglang nag ring ang kanyang
cellphone.
Ring……. Ring…….. Ring…….. Ring………
Boss Anthony Calling……………………………………….
“Matulog kana, maaga pa tayo bukas!” Sigaw na utos nito kay Loisa
“Kung hindi ka po kasi Boss tumawag edi sana tulog na ako ngayon!” inis na sagot ni
Loisa.
“Ano pa ba kasing ginagawa mo? Bakit hindi kapa matulog?” tanong ng kanyang Boss.
“Nag-iimpake po kasi ako ng mga dadalhin ko bukas!” Mas inis na sagot ni Loisa
“Sino ba kasi ang may sabing mag-impake ka pa? Bumili na ako ng mga gagamitin
natin pagpunta natin sa probinsya niyo pati na rin mga laruan para sa anak mo! Wika ni
Anthony
“Ano po?” Tanging sagot ni Loisa
“Matulog kana?!! 7:00 am bukas. Bye!” Iritadong sagot ni Anthony
Hindi na inisip pa ni Loisa ang mga sinabi ni Anthony kanina at natulog na lamang ito.
6:30am Ring…….Ring……. Ring………..
Boss Anthony Calling………
“Nasaan kana? Nasa labas na kami ng apartment ni Manong Berto! Ang tagal mo
namang kumilos” Galit ngunit nakangiting sabi ni Anthony.
KABANATA III
ANG 8 ORAS AY DI SAPAT
Napakatahimik at wala nang imikan si Loisa at mang Berto sa loob nang sasakyan kaya
naisipan na lamang ni Loisa na mag request kay mang Berto na buksan ang radio ng
sasakyan upang makinig ng musika. Dahil madalang ang usad ng mga sasakyan dahil
sa traffic, mukhang matatagal ang magiging biyahe nila. Di namalayan ni Loisa na
naidlip na rin siya. Maya-maya pay,
“Loisaaaa!”, malakas na sigaw ng kanyang boss na si Anthony.
“Kanina pa kita ginigising” masungit nanamang sabi nito sa kanya. hmmmm… “bakit po
boss?’’ pilit na sagot ni Loisa na halatang naalimpungatan sa kanya tulog.
“Nasa Bicol na tayo, ano baa ng exact address nang bahay nyo? maliligaw tayo sa
kakatulog mo ehh” dahil sa pagkakabigla ay natagalan bago nakasagot si Loisa. At
nang magising na nga ang diwa ay sinabi na lang ni Loisa kay Mang Berto ang
kompletong address ng kanilang bahay. Na pagtanto ni Anthony na isa nanamang
pagkakamali ang kaniyang nagawa kaya’t agad naman itong humungi ng paumanhin
kay Loisa, at agad namang sumagot si Loisa nang “ Ok lang po”. Sa pagkakataong
iyon, Nakahanap ng magandang tyempo si Anthony upang humingi ng paumanhin sa
mga pagsusungit at pangit na trato nito sa kanyang sekretarya. Ngunit lubha naman
itong ipinagtaka ni Loisa. Iba’t-ibang kaisipan ang tumatakbo sa isip nya sa mga oras na
iyon, hindi nya maintidihan ang mga nangyayari kung bakit biglang umamo ang
kanyang boss sa kanya, at wala siyang ibang nasambit kundi,
“ wala po yon boss, Naiintindahan ko po dahil sa pressure ng trabaho nyu kaya siguro
minsan ay kadalasan pala masungit kayo sakin”, pabiro nya na lamang na sagot sa
kanyang boss.
Nagsimula ngang magkaroon ng magandang usapan ang dalawa at hindi na masungit
ang pagsasalita ng kanyang boss sa kanya. Dahil nga sa ganda ng usapan, naisip ni
Anthony na ipagtapat na ang kanyang lihim na nararamdaman sa kayang sekretarya,
ngunit nang sisimulan na ni Anthony na sabihin kung ano ang nasa loob ng kayang mga
puso’y bigla na lamang itong nasagabal nang sinabi ni Mang Berto na nandito na po
tayo. Hindi na naipagpatuloy ni Anthony ang kanyang sinasabi at binuksan na lamang
ang pinto ng kanilang sinasakyan.
Naghahalong saya, galak at kaba ang nararamdaman ni Loisa sa mga oras na iyon.
Lumabas sya ng sasakyan at tinawag agad ang kanyang anak at ang kanyang
magulang.
Joshua, anak, Mama… nakabalik na ako, nandito na ako. Bumukas ang pinto ng
kanilang bahay at mas laloDeeng lumakas ang tibok ng kanyang mga puso, sabay ng
pagbukas ay ang pagtakbo ng isang bata papalapit sa kanya.
“mama” sabay yakap ng mahigpit sa kanyang ina si Joshua,”Namiss ko po kayo, kala
ko po’y di mo na ako babalikan dito” ang paglalambing ng anak na umiiyak habang
yakap ang kanyang ina.
“Halina po tayo sa loob at marami akong ikukwento sainyo,” hila-hila ni Joshua ang
kanyang ina papasok.
“Saglit muna anak, kukunin muna natin ang mga gamit at ipapakilala kita sa boss ko.”
Ipinakilala ni Loisa si Anthoy sa mama nya at sa kanyang anak. Sabay ng
pagpapakilala, ibinigay din ni Anthony ang mga laruang pasalubong nya kay Joshua. at
tuwang-tuwa ito.
“halina kayo’t ipaghahanda ko kayo ng makakain”, ang alok naman ng mama ni Loisa.
Habang naghahanda ng makakain ay nilapitan ni Loisa ang kanyang ina upang
tulungan na ito.
“Loisa, bakit ba sumama ang boss mo dito satin? wag mong sabihing,,,,,,,, di pa tapos
magsalita’y sinagot na ni Loisa ang kanyang ina, “ Ma naman, hindi po, Mayroon lang
din pong appointment si boss dito sa probinsya kaya sya sumama at pagkakataon ko
na din pong sumama upang makauwi dito, miss na miss ko na kasi si Joshua.”
Di na nag-usisa pa at nagpatuloy na lamang sa paghahanda ng pagkain si Aling Melda.
Habang kumakain ay naalala ni Loisa na mayroong di natapos sabihin si Anthony nang
nasa sasakyan pa sila, kaya tinanong ulit nya ito.
“Boss, ano nga po ba yong sinasabi mo kanina sa akin na hindi mo natapos?”
“Wala yun, kalimutan mo na.” pilit na sagot ni Anthony kahit halatang namula ang
mukha nya. At di na rin nag-usisa pa si Loisa.
Pakatapos kumain at magpahinga’y nagyaya si Anthony na mamasyal muna at naisip ni
Loisa na ipasyal sila sa Batis na hindi kalayuan sa kanilang bahay. Nang papaalis na
sila’y biglang inutusan ni Anthony si Mang Berto na icheck ang makina ng sasakyan
dahil mahaba daw ang linakbay nila. Wala namang nagawa at sumunod na lang sa utos
ang kawawang driver kahit na gusto ring sumama sa pamamasyal.
Iniwan muna ni Loisa ang kayang anak na libang na libang sa paglalaro ng mga laruang
bigay ni Anthony. Habang naglalakad ang dalawa’y napansin ni Loisa ang pagkabalisa
ni Anthony.
“Ayos lang po ba kayo boss? mukhang hindi po kayo komportable?”
“ayos lang ako, Naninibago lang ata sa lugar. Ang ganda at ang tahimik dito sa inyo,
kung ako ang papipiliin ay pipiliin kong manirahan sa ganito katahimik na lugar kasama
ang espeyal na tao sa buhay ko”
Hindi na umimik si Loisa, “Paniguradong ang babae sa Baguio ang kanyang tinutukoy”
pabulong sa sabi ni Loisa.
Nagpatuloy ang magandang usapan ng dalawa, wala na ang sigawan at sungitan sa
kanilang pag uusap. Hindi nila namalayan na at narating nila ang batis ng walang
nadamang pagod sa ganda ng kanilang usapan.
Umupo sila sa silong ng isang malaking kahoy habang tinatanaw ang napakaganda at
napakalinis na tubig ng batis. Maraming malalaking puno na humaharang sa init ng
sikat ng araw. Ang simo’y ng hangin ay minamasahe ang katawan mo sa lamig at ang
ingay ng mga hayop at ng mga ibon ay nakaka relax at nakakawala ng stress.
“Isang paraiso’t lalong kasama ka”
Kinabahan nanaman si Loisa sa mga sinambit na iyon ni Anthony, at lakas loob na nag
tanong kung anong ang ibig niyang sabihin nito. Doon na nga nagkaroon ng
pagkakataon si Anthony na maipagtapat ang kanyang nararamdaman kay Loisa.
“Bakit ako boss? yong babae sa Baguio, akala ko’y..
”Si Margarette?” Biglang sabat ni Anthony sa mga sinasabi ni Loisa.
“Kababata ko lang siya..kaibigan, ikaw talaga ang nagpatibok at umakit sa puso ko,”
Hinawakan ni Anthony ang mga kamay ni Loisa sabay sabing “I LOVE YOU”. “Alam ko
masungit ako, sinisigawan kita at hindi ako naging mabuting boss para sayo, ngunit
paraan ko lang yon para mapalayo ang loob ko sayo subalit kabaliktaran ang nangyari.
Mas lalo akong nabihag mo. Sa tuwing nasisigawan na kita’t nasusungita’y nadudurog
ang puso ko. Ngunit takot lang akong magtapat sayo”
Namutla, namula at nanginginig na si Loisa sa mga oras na yon wala na siyang nasabi
at di nya na napigilan ang unti-unting paglapit ni Anthony sa kanya at idinampi ang mga
labi sa isat-isa habang unti-unting ipinikit ang kanilang mga mata upang namnamin ang
mga sandaling iyon.
Biglang umalingawngaw ang busina ng kotseng sinasakyan nila, nawala ang lahat at
nagising na si Anthony sa mahimbing na pagkakatulog. Unang hinanap ng kanyang
mga mata kung kasama talaga nya si Loisa. Saka lang s’ya nakampante nang makita
nyang mag-uusap si Mang Berto at si Loisa.
Nasa kalahati pa lamang sila nang biyahe papuntang bicol sa mga oras na iyon.
Nagyaya na lamang si Anthony na tumigil muna sa isang mamahaling kainan para
makapag tanghalian at makapagpahinga na rin.
Habang kumakain ay iniisip ni Anthony ang mga pangyayaring iyon ay napabuntong
hininga na lamang sya.
Matapos kumain at magpahinga’y ipinagpatuloy na nila ang kanilang mahaba-haba
pang paglalakbay. Hindi na nakatulog pa si Anthony at Loisa kaya’t nagkaroon na sila
nang pagkakataon na magkausap kahit naiilang pa sa sarili. Nagkaroon na rin nang
pagkakataon si Loisa na tanungin ang kaniyang boss kung bakit s’ya sumama sa kanya
papunta sa probinsya,
“Mayroong business proposal ang kaibigan ko sa Bicol. Sayang naman kung
palalampasin ko pa.”
Hindi na nag usisa pa si Loisa at iniba na lamang ang paksa ng kanilang pag-uusap.
Lumipas ang ilan pang oras ay nakarating din sila sa bahay ni Loisa. Galak na
naghihintay ang mag-lola sa harap nang kanilang bahay. Masayang masaya ang
kanilang muling pagkikita, tulad ng inaasahan, ipinakilala ni Loisa si Anthony sa
kaniyang nanay at anak at ibinigay din ni Anthony ang mga pasalubong nya kay
Joshua.
Habang masaya ang usapan naaninag ni Loisa ang isang lalaki na nagmamasid sa
kanila sa labas ng bahay. Si Alfred na nagbabakasakali na makausap uli ang kaniyang
dating kaibigan noong silay nag-aaral pa sa sekondarya. Matalino’t mabait si Alfred
ngunit sobrang mahiyain. Halos naging magkasintahan si Alfred at Loisa noong
panahong nag-aaral sila ngunit napaghiwalay lang dahil nagpatuloy si Loisa ng pag-
aaral sa Maynila. Ngayon ay isang inhinyero si Alfred at umaasa paring magkaroon ng
pagkakataong maipadama kay Loisa ang kanyang pag-ibig.
Lumabas si Loisa sa kanilang bahay upang kausapin si Alfred, ngunit nang mapansin ni
Alfred na papalabas si Loisa ay dinatnan nanaman ito ng hiya at umalis na muna.
Samantalang si Anthony naman ay naghahanap pa nang tyempo upang masabi ang
tunay na nararamdaman kay Loisa dahil kulang ang oras ng kanilang biyahe papuntang
Bicol para makapagtapat sa kanyang minamahal at sa tuwing naaalala ang mga
pangyayari sa kanyang panaginip ay kasing lalim ng balon ang kaniyang mga buntong
hininga.
KABANATA IV
“Sino ang lalaking ito? Ngunit kung hindi siya si Brandon bakit niya ako kilala? Bakit
kamukhang kamukha niya si Joshua? Sino kaba talaga?Mga tanong sa isip ni Loisa.
Hindi pa rin mawala sa isipan ni Loisa ang mga tanong na bumabagabag sa kanya
nang biglang hawakan ni Anthony ang kanyang balikat na naging dahilan ng
panunumbakik ng kanyang diwa.Mukhang ang lalim ng iniisip mo? Sambit ni Anthony.
Aaa...eee... wala naman po Boss. Hindi na lamang kumibo si Anthony at ipinasawalang
bahala na lamang niya ang sagot ni Loisa.
Samantalang, hindi na natanggihan ni Anthony ang kagustuhan ni Margarette na
sumama sa tahanan nila Loisa.
Kasama ko pala si Margarette. Ika ni Anthony.
Magandang umaga bati ni Margarette na may halong pilit na ngiti sa kanyang mukha.
Tanging tango lamang ang naibigay na sagot ng dalaga na may kaunting pagkabigla sa
kanyang mukha.
( Patakbong lumabas sa kwarto si Joshua papunta sa kanyang ina) Mommy, mommy,
tapos na po akong maligo.ang bango-bango ko na po o! sabay halik sa kanyang ina.
Labis ang pagkabigla ni Margarette ng tawagin si Loisa na mommy ng bata.
May anak kana pala? Sarkastikong sambit ni Margarette.
A oo. Siya si Joshua. Anak ko pala. Magandang hapon po. Bati ng bata kay margarette.
Hi. Tanging naisambit ni Margarette.
Sa Hapag-kainan...(habang kumakain sina Loisa)
Oo nga po pala boss mayroon po kayong meeting bukas sa isang sikat na kainan sa
Legazpi. Anong oras nga iyon? Alas otso po ng umaga boss.
Loisa, sumama ka sa akin bukas. Ngiting sambit ni Anthony
Napatango na lamang ang dalaga sa tinuran ng binata.
Tamang-tama may pupuntahan din ako sa lugar na iyon. Sabat naman ni margarette.
Napabuntong hininga na lamang si Anthony sa kanyang narinig.
Kinaumagahan maagang nagising si Loisa upang tulungan ang kanyang ina sa
paghahanda
Ma, ikaw na po muna ang bahala kay Joshua. Mayroon po kasi kaming mahalagang
pupuntahan ni Boss Anthony.
Oo anak. Ako na ang bahala kay Joshua sabay yakap kay Loisa.
Salamat po ma. Sabay halik sa noo ng ina.
Maya-maya pa ay nagising na rin si Anthony at naghanda na rin ng kanyang sarili para
sa kanyang meeting.
Habang naglalakad sila sa loob ng isang sikat na mall kung saan gaganapin ang
meeting... Muling nanumbalik sa isipan ni Loisa ang mga tanong na bumabagabag sa
kanyang isipan na siya namang pagdating ni Brandon.
Brandon? It’s that you? ikaw ba yan? Kumusta na? Kailan ka pa dito? Di mo man lang
sinabi na ikaw pala ang magiging business partner ni Anthony. Sunod-sunod na tanong
ni Margarette kay Brandon.
Ma...margarette?!ikaw ba yan? kmusta na? Ang laki na ng pinagbago mo a. By the way
ako nga pala ang magiging business partner ni anthony.
Nice. Ang liit talaga ng mundo akalain mo yun dito pa tayo magkikita after 6 years.
Tuwang-tuwang sambit ni Margarette.
Magkakilala pala kayong dalawa? Nakangiting tanong ni Anthony.
Oo. Sabay sagot ng dalawa.
Paano kayo nagkakilala? Kailan? Saan? Nagtatakang tanong ni Loisa sa dalawa.
Sa isang firm sa U.S. Naging magkatrabaho kami roon ni brandon.sagot ni Margarette.
Labis ang pagtataka ni Loisa sa sagot ni Margarette. Taliwas sa pagkakakilala niya sa
taong kanyang minahal na lalo pang nagpagulo sa kanyang isipan.
Wooow! Magkakilala pala kayo?!.nakangiting sambit ni Anthony.
Okaaay, dahil sa kilala na ninyo ang isa’t isa, simulan na natin ang meeting nang
matapos ng maaga upang mapagpatuloy pa ninyo ang inyong usapan, saba’t ni
Anthony sa dalawa.
Pagkatapos ng meeting iniwan nina Brandon at Margarette ang dalawa upang
masinsinan na makapag usap.
Loisa, okay ka lang ba? Kanina ka pa kasi tahimik diyan. Opo boss. Okay lang po ako.
Marahang sagot ni Loisa.
Loisa, diba sa loob ng isang taon na magkakilala tayo hindi maitatanggi
na...na...na...nahulog na ako sayo. Mahal kita Loisa! May gusto ako sayo!
Pe...pero boss. Pautal-utal na sambit ni Loisa
Sshhhhhhh. Wala kang dapat na ipangamba. Mahal kita, mahal ko rin ang anak mo,
hindi kita iiwan, hindi kita sasaktan, wala akong pakialam sa nakaraan mo basta mahal
kita.!
Naiiyak na si Loisa sa kanyang mga naririnig. Tanging paghikbi ang naging sagot sa
mga tanong ni Anthony. Nilapitan ni Anthony si Loisa at niyakap ito ng mahigpit.
Pagbigyan mo ako Loisa na mahalin ka. Pakiusap. pabulong na sambit ni Anthony.
Mabait kang tao at hindi iyon maikakaila. Mahal din kita Anthony pero bigyan mo muna
ako ng sapat na panahon upang makapag isip ng mabuti. Sabay tulak kay Anthony na
nakayakap sa kanya.
Igagalang ko ang iyong desisyon Loisa. Hihintayin ko ang tamang panahon na kaya mo
na akong sagutin. Naiiyak na may halong tuwa na tugon ng binata.
KABANATA VI